Written by Mrpayatot
Isang Paalala: Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.
Chapter 15
“What?!?!” Sigaw ni Lourdes.
Napatayo din si Lourdes ng marinig niya ang sinabi ni Rodolfo.
“Anung ibig mong sabihin? Ipapakasal mo silang dalawa, dolfo? Nahihibang ka na ba? Alam mo naman magkadugo silang dalawa. Magkamag-anak silang dalawa.” Ang pahayag ni Lourdes.
“My, trust me. Mas makakabuti na pakasalan nalang ni Jacob si Trisha.” Ang paliwanag ni Rodolfo.
Nakikinig naman si Jacob, alam niya na may gustong sabihin si Rodolfo sa oras na iyun.
“What? This is already incest. Bawal na ito. Habang maaga pa kailangan ng maputol iyun. ibalik nalang ni Jacob ang apo ko at ako na bahalang poprotekta sa kanila. Hindi ko hahayaan magtuloy tuloy ang relation nilang dalawa.”- ang pahayag ni Lourdes.
Kitang kita naman ni Rodolfo ang galit sa mata ni Lourdes kaya wala na siyang choice kundi sabihin na ang katotohanan.
“My, hindi na…”
Hindi natapos ni Rodolfo ang sasabihin niya dahil sa magsalita ulit si Lourdes.
“Huwag mo na ipagpilitan pa iyan gusto mo, dolfo. Hindi maaaring ikakasal sina Trisha at Jacob. Kailangan ng ibalik ni Jacob ang apo ko sa ayaw man niya at gusto. Bibigyan kita ng isang linggo Jacob. Kailangan mo ibalik sa akin si Trisha sa oras na iyan. Kung hindi susundan kita sa Russia at sapilitan ko siya kukunin sa iyo. Tapos na ang usapan. Ayoko ko ng makarinig pa ng paliwanag ninyo.” Ang galit na pahayag ni Lourdes sabay talikod kay Rodolfo.
Hindi naman nagpatinag si Rodolfo kay Lourdes at nagsalita siya pagkatapos magsalita si Lourdes at habang paalis siya.
“Hindi natin tunay na apo si Trisha, lourdes. Hindi siya ang tunay na Trisha, Lourdes.” Ang sabi ni Rodolfo na nagpatigil sa kanya.
Nagulat naman si Lourdes at si Jacob ng sabihin ni Rodolfo iyun. Dito lang napatingin pabalik si Lourdes at puno ng pagtataka. Hindi pa rin nagsasalita so Jacob.
“What did you say? Hindi ko apo si Trisha? Anung hindi siya ang tunay na apo ko?” Ang pagtatakang tanong ni Lourdes.
“Hindi natin tunay na apo si Trisha at hindi siya tunay na anak nina Jenny at James si Trisha.” Inulit ni Rodolfo ang sinabi kanina.
“Anung sinasabi mo diyan. Nahihibang ka na ba? Desperado ka na ba na ipakasal si Trisha kay Jacob? Tama…”
Hindi naman natuloy ni Lourdes ng magsalita ai Jacob.
“Mom, please wait! Baka may magandang rason si dad bakit niya nasabi iyun. Pwede ba natin pakinggan ang sasabihin niya bago po kayo magalit. Naguguluhan na din ako dito. Gusto ko dun malaman at madinig ang sasabihin niya.” Ang pakiusap ni Jacob.
Gusto kasi ni Jacob malaman ang totoo. Huminahon ng konti si Lourdes dahil tama si Jacob kailangan nila malaman ang totoo.
“Okay sige. Dapat kapani kapaniwala ang sasabihin mo at huwag kang magsinungaling. Andun ako nung ipinanganak si Trisha kaya impossible yang sinasabi mo?” Ang saad ni Lourdes.
Bago itinuloy ni Rodolfo ang sasabihin ay tinawagan ni Rodolfo ang isang maid nila at may ipinakuha sa kanya sa loob ng kanilang kwarto ni Lourdes. Pagbalik ng maid ay may dala etong isang envelop.
Nang makita ni Lourdes ay napansin niya na iyun ung envelop na pinagbawalan siya na buksan at pakialaman. Matagal na niya nakita ang envelop na iyun, gusto niya nun buksan ngunit pinagsabihan siya na huwag bubuksan iyun.
hindi niya alam nun ang laman at ngaun niya lang napagtanto na may kinalaman pala ang envelop na iyun kay Trisha.
“My, nakakalimutan mo ata na bago manganak si Jenny ay kasalukuyan kang nakasakay sa eroplano pauwe ng bansa nun. At si James naman ay inuna pa niya ang negosyo nila bago ang asawa. Kaya ako lang naman at si Glory ang kasama ni Jenny nun nanganak siya.” Ang pahayag ni Rodolfo.
“At anu gusto mo sabihin diyan?” Ang tanong ni LOurdes.
“My, sana huwag kang magalit sa sasabihin ko at sana huwag ka magulat.” Ang sabi ni Rodolfo.
“dolfo, sabihin mo na. Huwag kang magpaligoy ligoy pa.” Ang galit na saad ni Lourdes, gusto na kase niya malaman ang sadabihin niya.
“My, matagal ng namatay ang tunay na anak ni Jenny at ni James. At ang nakikilala ninyong lahat na trisha ay hindi tunay na trisha at hindi tunay na pamangkin ni Jacob si Trisha.” Ang paliwanag ni Rodolfo.
“Anu? Papanu?” Ang pagtataka ni Lourdes.
“My, pinanganak ng patay ang tunay na anak nila Jenny at James. Stillbirth ang nangyari. At ang kinikilala niyong apo ngaun ay ang hinanap ko lang para magpanggap na Trisha. Hindi Trisha ang tunay niyang pangalan kundi Callista.” Ang paliwanag ni Rodolfo.
“Totoo ba yang sinabi mo? Hindi si Trisha ang kinilala nating aapo.” Ang tanong ni Lourdes.
“Ooo, totoo ang sinabi ko sa iyo.” Ang pagamin ni Rodolfo.
Napaupo na naman ulit si Lourdes sa narinig mula kay Rodolfo. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Dito ibinigay ni Rodolfo ang envelop na hawak hawak niya.
Nang tignan ni Lourdes ang laman ay biglang tumulo ang luha niya dahil totoo lahat ang sinasabi ni Rodolfo.
Nakakita siya ng isang death certificate na nakapangalan kay Trisha De Leon at dalawang birth certificate na nakapangalan kina Trisha De Leon at Callista Montemayor.
Marami din siyang litrato na hawak kaya napagtanto niya na totoo ang mga sinabi ni Rodolfo.
“How did this happen? Bakit mo nagawa ang bagay na iyun. Bakit hindi mo sinabi sa amin ang totoo? bakit mo tinago sa amin na patay na pala ang tunay na apo ko.” Ang pighati ni Lourdes.
“Natatakot ako, My. Natatakot na ako na baka kung anung gawin ni James pag nalaman niya na patay ng pinanganak ang anak nila ni Jenny. Kaya sinamantala ko nun na wala kayung dalawa at naghanap ng bagong silang na sanggol na wala na ring mga magulang at kapamilya.” Ang paliwanag ni Rodolfo.
“Anu? So nagdesisyun kang gawin yan?” Ang galit na sabi ni Lourdes.
“Anung magagawa ko, sobra kong mahal pa nun si James at nasasaktan ako na makita na nasasaktan ang anak ko. Ayaw ko din masira ang pamilya niya na gusto niya. Kaya ko ginawa yun. Kahit na ayaw ko nun kay Jenny pero nakikita kong masaya si James.” Ang paliwanag ni Rodolfo.
“Patawarin mo ako, natatakot din kase ako na maapektuhan din si James pag nalaman niya iyun. Natatakot din ako sa iyo, kawawala lang ni Jacob nun at labis ka nasaktan nun na hindi mo man lang naipakita ang pagmamahal mo sa kanya. Kung malaman mo din ang nangyari ay baka hindi mo kayanin. Baka pati ikaw mawala din sa piling ko My. Kaya nun nakita si Callista at tamang tama dahil parehas ang birthday nila at wala ng magulang niya. Kinuha ko na siya.” Ang dagdag pa ni Rodolfo.
Kumalma na ng tuluyan si Lourdes. Hindi na niya sinisi ang asawa sa nangyari. Inintindi na lang niya si Rodolfo ng maigi.
Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig niya. Hindi niya inaakala na ang tinuring niyang apo ay hindi pala niya apo. Hindi din makapaniwala si Jacob sa nalaman niya kay Rodolfo.
“hindi ko inaasahan na hindi ko talaga siya apo. Dolfo, maaari mo ba ako dalhin kung saan nakalibing ang apo ko.” Ang sabi ni Lourdes.
dito niya din napagtanto ang dahilan bakit sa araw ng patay ay lagi siya pumupunta sementeryo.
“sge, My.” Ang sagot ni Rodolfo.
“eto ba ang dahilan bakit lagi kang pumupunta sa sementeryo sa araw ng patay?” Ang tanong ulit ni Lourdes.
“oo, lagi ko siya binibisita. Patawarin mo ako dahil tinago ko sa iyo ang nangyari.” Ang saad naman ni Rodolfo.
“pinapatawad na kita, pero galit pa rin ako sa pagtatago mo sa akin.” Ang saad naman ni Lourdes.
Mas lumakas naman ang hangarin ni Jacob na huwag ibalik si Trisha or Callista kina Jenny at James.
“Patawarin mo ako at tinago ko ang buong katotohanan sa iyo, My. Ngunit sa ngaun sa kaligtasan ni Callista kaya hahayaan siya na ikasal kay Jacob. Tingin ko kahit pigilan mo pa si Jacob ay hindi pa rin siya papayag na kunin mo siya. Sigurado ako na itatago niya si Callista sa atin kahit pumunta tayo ng Russia para kunin siya.” Ang paliwanag ni Rodolfo.
“Alam ko napamahal na rin si Callista sa iyo. Kaya sana huwag mo hayaan masira ang hinaharap niya ngaun. Alam natin na responsable si Jacob kaya alam ko na hindi niya hahayaan masira ng tuluyan ang hinaharap ni Callista. Isa pa, kahit pabantayan natin dito si Callista gagawa ng paraan si James na kunin siya dito. Kilala ko si James, My.” Ang dagdag pa ni Rodolfo.
“Tama ka, mahal na mahal ko batang iyun dahil napakabait niya. Kaya pala ni isa wala siyang namana sa kanila dahil hindi siya ang tunay na anak nina James.” Ang pahayag naman ni Lourdes, at pagkatapos kinausap niya si Jacob.
“Jacob, anak. Cge papayag na ako na makasal ka kay Callista, ngunit kailangan niya muna malaman na hindi siya si Trisha. Lagi mo rin siya poprotektahan at huwag mo siyang iwan, napamahal na siya sa akin kaya kung sasaktan mo siya hindi kita mapapatawad. Ako mismo ang makakalaban mo anak.” Ang pahayag ni Lourdes at bilin niya sa anak niya.
“Maliwanag po, mom. Dad, salamat sa pag amin, hayaan ninyo pakakasalan ko siya sa lalong madaling panahon.” Ang saad ni Jacob.
Papatayin na sana ni Jacob ng nagtanong si Rodolfo.
“Iyo matanong ko lang, paano nalaman ni James at Jenny na buhay ka? SInabihan ka naman namin na huwag mo ipagsabi sa kanila. At anu nga pala nangyari sa inyo ni Melinda?” Ang tanong ni Rodolfo.
“Dad, nagkamali ako ng pinagkatiwalaan. Si Fred po dad. Siya po ang nagkanulo sa akin.” Ang sagot ni Jacob.
“Sa amin naman ni Melinda, idinivorce ko na siya. Nahuli ko kase siya na may ibang lalake at may anak na din sila. Mas pinili ni Melinda si Fred kaya hiniwalayan ko na siya.” ang dagdag pa niya.
“What? Sabi na nga ba hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking yan. Hayaan mo, anak. Kameng bahala sa dalawng iyun. Ifocus mo ang attention mo kay Callista at sa magiging anak ninyo.” Ang pahayag ni Lourdes.
“Huwag mo isipin muna ang dalawang iyun. Kame na bahala ng mom mo. Basta mag ingat kayung dalawa.” Ang saad ni Rodolfo
“Mom, can I ask for a favor. Tungkol kay Anthony.” Ang saad ni Jacob.
“Anu gusto mo gawin namin tungkol sa una namin apo?” Ang tanong ni Lourdes.
“Mom, ipinakulong namin si Anthony.” Ang sagot ni Jacob.
“What? Why did you put him in jails?” Ang tanong ni Lourdes.
“Ma, he tried to rape Callista before. Balak sana namin palabasin sa kulungan pero natakot si Callista na baka gawin niya ulit. Hindi kasi nakita ni Callista na nagsisi siya kaya hindi niya itinuloy ang pagbawi sa kaso.” Ang paliwanag ni Jacob.
“What? Anthony did that? Cge ako nang bahala magdisiplina sa batang yan. Cge na at gabi na dito. Tawagan nalang namin kayu. Pupunta kame sa inyo sa susunod na buwan.” Ang pahayag ni Lourdes.
Sinabi din ni Jacob ang buong nangyari.
“How about Diana at yung bunso niyo. Nakuha mo ba sila?” Ang tanong ni Rodolfo.
“Nasa akin na ngaun si Diana dad. Kasama namin ni Callista. Isa yan sa kasunduan na pinirmahan namin. Tinangka kasing gahasahin ni Fred si Diana kaya pinilit ko siyang kinuha sa kanya. Iyung bunso naman ay hindi ko tunay na anak kaya hindi ko kinuha.” Ang paliwanag ni Jacob.
“Mabuti naman at nasa sa iyo na si Diana. Sige na iho. Mag ingat kayu ni Callista at ni Diana. Ikumusta mo nalang kame sa kanilang dalawa. Hayaan mo kaming bahala sa dalawang manloloko na iyun.” Ang sinabi ni Rodolfo at nagpaalam na kay Jacob.
Pagkatapos mag usap ang tatlo ay kinausap ni Rodolfo ang kanyang abogado. Sinabi naman niya agad ang gusto niyang sabihin.
“Dy, sigurado ka ba sa gagawin mo?” Ang tanong ni Lourdes.
“Oo, alam ko na alam na din ni James at Jenny tungkol dito at gagawa sila ng paraan para hindi to makalaya. Kaya gagawa din ako ng paraan para palayain siya.” Ang sagot ni Rodolfo.
“Anu gagawin mo sa kanya pagkatapos mo mapalaya si Anthony?” Ang tanong ulit ni Lourdes.
“Ilalayo ko muna siya. Hindi ko siya hahayaan na makalapit kina Melinda at Fred. Tingin ko sila ang dahilan bakit bigla nalang nagbago si Anthony. Dari naman napakabait ng batang yan.” Ang sagot ni Rodolfo.
“Dy, alam naman natin na naaksidente si Anthony at nawala ang memorya niya.” Ang sabi ni Lourdes.
“baka iyun ang dahilan ng pagbabago niya.” Ang dagdag pa ni Lourdes.
“then gagawa tayu ng paraan para bumalik ang memorya niya. Pero hindi ko palalampasin ang ginawa niya.” Ang saad ni Rodolfo.
—
Ilang araw naman ang nakalipas ay nakatanggap na si Rodolfo ng tawag mula sa attorney na tinawagan niya. At nalaman niya na maaari ng makalabas si Anthony ngunit bago niya tuluyang makalabas ay sinabi niya na kakausapin muna niya ang binata.
Kaya agad agad na nagpunta sina Rodolfo at Lourdes sa police station kung saan naroon si Anthony para kausapin siya.
“Iho, naalala mo ba kung sino kame?” Ang tanong ni Lourdes kay Anthony.
Tinanong ni Lourdes yun dahil nagbabasakali na makilala pa rin sila. Nameet na nila si Anthony dati at ipinakilala na din sila ngunit batang bata pa nun si Anthony.
“Ahm, kayo po si Senator De Leon at kayo po ay asawa niya po. Kayo naman po ang lolo at lola ni Trisha. Sorry po sa nagawa ko.” Ang sagot ni Anthony na may halong takot.
Natatakot si Anthony baka kung anung gawin ng lolo ni Trisha sa kanya.
Nadismaya at nalungkot naman si Lourdes at Rodolfo ng marinig nila ang sagot niya. Napagtanto nila na nakalimutan sila ni Anthony.
“My, asahan mo na nakalimutan na niya tyo. Alalahanin mo naaksidente siya dati. Isa pa, medyo bata pa lang siya ng pinakilala sa atin ni Jacques.” Ang pahayag ni Rodolfo.
naging maingat naman si Rodolfo at Lourdes sa pagbanggit ng pangalan ni Jacob. Hindi pa kase alam ni Anthony na Jacob ang tunay na pangalan ng ama.
“I’m sorry, masakit lang kase na hindi pa rin tayo naaalala ng apo ko.” Ang sagot ni Lourdes na kinagulat ni Anthony.
“Anu po? Kilala niyo si daddy? Anung apo?” ang pagtatakang tanong ni Anthony.
“Iho, anak namin si Jacques, ang iyong ama. At apo ka namin.” Ang pag amin ni Rodolfo.
Nagulat naman si Anthony sa sinabi ni Rodolfo. Hindi siya makapaniwala na lolo at lola niya yung nakaharap sa kanya. Alam niya lang ay lolo at lola sila ni Trisha.
Napansin naman ni Rodolfo ang pagtataka ni Anthony kaya sinabihan siya.
“Alam ko marami kang katanungan panu nangyari to at ipapaliwanag namin sa iyo once nailabas ka na namin ng lola mo. Pero bago ka namin ilabas meron kameng condition ng lola mo. Maniwala ka sa amin iho anak namin ang daddy mo.” Ang sabi ni Rodolfo.
Natuwa naman si Anthony na makakalabas na din siya at makakawala sa lugar na iyun. Ilang beses na din kase siyang napagtangkaang gahasahin sa loob ng kulungan. Kaya kahit anung condition ay tatanggapin na niya.
“Okay po. Maniniwala po ako pero kailangan ko po ng paliwanag pagkatapos. At anu po condition niyo?” Ang pahayag ni Anthony.
“I want you to apologize to Trisha. At gusto namin sincire eto. At gusto namin ng lola mo na sumama ka sa amin. Huwag kang pumunta sa mama mo lalong lalo na kay Fred. Dapat putulin mo din ang communication niyo ng mommy mo at si Fred.” Ang pahayag ni Rodolfo.
“Ho? Mama ko po siya at may karapatan silang malaman kung asan ako.” Ang pahayag naman ni Anthony.
“I know, iho. But we’re doing this for your own good. Ang laki ng pinagbago mo ngaun. Hindi ka ganyan nung una ka namin nakilala ng lolo mo. Napakasweet mo sa amin pati na sa daddy mo.” Ang pahayag ni Lourdes.
Nagulat si Anthony ng malaman niya na nakilala na pala sila dati. Pilit niya alalaahanin ngunit wala talaga siya maalala. Naisip niya na batang bata palang siya siguro nun.
“Sorry po, pero wla po ako maalala. Siguro napakabata ko palang nun.” Ang saad ni Anthony.
“Nauunawaan ko, iho. Batang bata ka pa nun nung pinakilala ka ni Jacques sa amin at naalsidente ka nung 10 years old ka at nawala ang alala mo. Pero sana pagbigyan mo kami sa sinabi namin. At sasabihin namin lahat sa iyo ang buong nangyari sa daddy mo. Baka maintindihan mo bakit nagkaganon sa inyo ang daddy mo.” Ang saad ni Lourdes.
“Okay po. Payag na ako sa gusto niyo. Kailan po ako makakaalis sa lugar na ito.” Pumayag na si Anthony, nacurious din kase siya sa kung anu ang sasabihin nila tungkol sa daddy niya.
“Pero may pakiusap lang po sana ako.” Ang pakiusap ni Anthony.
“Anu iyun, iho. Sabihin mo na.” Ang tanong naman ni Rodolfo.
“Pwede niyo po ba imbistegahan ang babaeng si Veron. Veron Alcantara ang buong name niya at sinasabi niya na may anak na kame. Gusto ko malaman kung ako ba talaga ang ama niya na sinasabi ni niya at ni daddy.” Ang pakiusap niya.
“Okay iho. Kilala ko na si Veron. Matalik na kaibigan yan ni Trisha at alam ko mabait na bata si Veron at hindi marunong magsinungaling. Pero para mapanatag ang isipan mo ay ipapaimbestiga ko siya at alamin kung ikaw na ang ama ng anak niya. Pero kung mapatunayan na ikaw ang ama, sana iho. Panagutan mo ang anak mo.” Ang saad ni Rodolfo.
“Okay po. Papanagutan ko siya.” Ang sagot ni Anthony.
“O siya. Since pumayag ka na sa amin. Pwede ka na ngaun sumama sa amin ng lola mo. HUwag mo na kunin ang gamit mo. Magstay ka muna sa amin ng lola mo sa bahay namin at hindi ka pwede lumabas ng bahay namin. Alalahanin mo baka kung anung gawin sa iyo ng tito James mo once malaman niya na nakalabas ka ng kulungan. Pero huwag kang mag alala hindi niya malalaman na nasa bahay ka.” Ang sabi ni Rodolfo.
Hindi na nagpatumpik tumpik si Anthony at sumunod nalang sa kanila. Sinunod naman niya ang utos niya at hindi na ipinaalam na umalis siya ng bansa kina Melinda. Gaya ng sinabi nila Rodolfo at Lourdes.
—
Pagkalabas naman Anthony ay nalaman agad nina James at Jenny na may naglabas sa kanya sa kulungan kaya agad sila tumawag sa lawyer nila.
“Akala ko ba hindi na makakalabas sa kulungan ang taong iyun. Bakit pa siya nakalabas.” Ang galit na tanong ni James.
“Hindi ko rin alam panu siya nakalabas. Nagtanong na ako sa kinauukulan at sinabi nila na may nagpalaya sa kanya.” Ang paliwanag ng attorney nila.
“Alam mo ba sino nagpalaya sa kanya? Sina Fred ba?” Ang tanong ulit ni James.
“Ang sabi nila hindi ang kampo nina Fred ang nagpalaya sa kanya. Nagpapunta na din ako ng tauhan ko sa bahay nila ngunit wala sila nakitang Anthony sa bahay nila. At nagulat din sila ng malaman nakalaya si Anthony.” Ang pahayag ng attorney.
“Baka tinago nila iyun. Para hindi ko siya mahanap.” Ang sabi ni James.
“No, hindi nila alam. At wala din silang kapangyarihan para palabasin siya agad agad sa kulungan. wala rin alam na paraan ang attorney nila pra palabasin siya dun. Kaya impossibleng sila ang nagpalabas sa kanya at hindi na sila nag uusap ngaun.” Ang sabi naman ng attorney niya.
“Okay, pero kailangan mo alamin kung sino ang nagpalaya sa kanya. Dapat sa susunod na tatawag ka ay malaman ko na kung sino ang nagpalaya sa kanya.” Ang utos ni James.
“okay sir. Gagawa ako ng paraan para malaman kung sino ang nagpalaya sa kanya.” Ang sagot ng attorney nila.
Pagkasabi naman ng attorney niya ay pinatay na niya ang tawag nito. Agad naman siya nagalit sa narinig at itinapon pa ang phone niya. Hindi nalang nagpaapekto si Jenny sa narinig niya dahil sa nagbubuntis na siya.
kaya tumawag naman si James sa tauhan niya para tugisin si Anthony. Hindi siya papayag na basta basta nalang siya makalabas kaya naisip niyang ipapadukot at pahirapan si Anthony.
hindi pa alam ni James na anak siya ni Jacob kaya hindi pa niya naiisip na ipapatay eto.
—
Samantala, kinabukasan matapos itakas ni Jacob si Trisha ay nagulat naman ang magkaibigang si Veron at Andrea nang malaman ang nangyari kay Trisha.
Hindi sila makapaniwala ng mabalitaan nila na kinidnap si Trisha ng kanilang guro na si Jacques at kinasuhan ng magulang ni Trisha ang guro nila mg kasong rape.
Nagpasalamat naman sila na hindi din binalita sa tv na buntis si Trisha. Maaaring tinatago ng magulang ni Trisha iyun pagbubuntis niya para makaiwas sa kahihiyan.
Kasalukuyan naman nasa bahay ni Veron si Andrea at katatapos ng klase nila ng umaga at wala sila pasok sa hapon.
“Hindi ko inaasahan to pero hindi ako naniniwala na kinidnap at nirape ni sir Jacques si Trisha. Ayun sa sinabi sa balita at sa school.” Ang sabi ni Andrea.
“Ako din. Mabait si tito Jacques kaya impossibleng magagawa niya iyun. Baka may nangyari lang na hindi maganda.” Ang pahayag naman ni Veron.
“Yes, tama ka. Mahal na mahal ni sir Jacques si Trish at baby nila kaya impossible iyan. Hindi nirape ni Sir Jacques si Trisha.” Ang sabi ni ANdrea.
Nagulat naman si veron sa narinig niya.
“What? Drea, si tito Jacques ba ang ama ng dinadala ni Trisha?” Ang pagtatakang tanong ni Veron.
Narealize naman agad ni Andrea na nadulas siya. Narinig naman ng magulang ni Veron ang sinabi ni Andrea. Kaya wala na siyang rason para itago ang lahat ng alam niya.
“Ahm, oo si Sir Jacques nga ang ama ng dinadala ni Trisha at may relation na silang dalawa matagal na. Pero maniwala kayo, hindi nirape si Trisha ni Sir Jacques. 18 na si Trisha ng magkaroon sila ng relation at unang nagtalik.” Ang paliwanag ni Andrea.
“Shit, bakit ngaun mo lang sinabi. Akala ko kung sino nalang ang ama ng dinadala ni Trisha. Pero kailangan natin macontact si Trisha para malaman natin ng katotohanan.” Ang sabi ni Veron.
Kaya agad naman nila tinawagan si Trisha. Noong una ay hindi nila macontact si Trisha dahil sa hindi eto nakaonline, hindi din nila matawagan ang phone niya.
Ngunit pagkatapos ng isang oras ay bigla sila nakatanggap ng isang tawag galing sa hindi kilalang numero.
kring!!! Kring!!! Kring!!!
Agad naman nila sinagot ang tawag kase nagbabakasali silang si Trisha iyun. Tama naman ang hinala nila na si Trisha eto.
“Omg!! Trisha, buti tumawag ka sa amin. Okay ka lang ba? Asan ka ngaun? Pupuntahan ka namin ni Andrea.” Ang saad ni Veron na puno ng pagaalala.
“I’m okay here, Veron and Drea. Hindi niyo na kailangan puntahan ako. Dito na ako sa ibang bansa kasama si Diana at si Jacques.” Ang pahayag ni Trisha sa telepono.
“Thanks God. Tell me, hindi totoo ung balita di ba? Hindi totoong kinidnap ka ni sir Jacques?” Ang tanong ni Andrea.
“Nope, kusa akong sumama sa kanya. Pero mas maganda sigurong sabihin ko na pinakiusapan ko si Jacques na ilayo ako sa parents ko.” Ang paliwanag ni Trisha.
“What?” Ang gulat na tanong ng dalawa.
Hindi sila makapaniwala sa narinig sa kaibigan.
“Nakiusap ako sa kanya na ilayo ako dahil nalaman ko na balak ako ipakasal ng parents ko kay Alex Kruger.” Ang paliwanag ni Trisha.
“Alex Kruger? What the hell, may kinalaman ang parents mo sa drugs?” Ang gulat ni Andrea.
“Yes, nalaman ko lang din yan nung itinakas ako ni Jacques. Yan ang dahilan ko. Please, kung tumawag ang parents ko at tanungin kayo kung san ako. Please don’t tell anyone else.” Ang pakiusap ni Trisha.
“Yes, we will not tell, any single soul. Sasabihin namin wala na kameng contact sa iyo simula nung nawala ka.” Ang sabi nilang dalawa.
“Salamat, sige. Mauna na ako sa inyo. May kailangan pa kame puntahan ni Jacques.” Ang sabi ni Trisha at nagpaalam na siya.
Kakausapin sana ng magulang ni Veron si Trisha ngunit hindi siya naabutan dahil pinatay agad ni Trisha ang tawag. Ngunit inintindi nalang nila ito dahil baka nag iingat lang si Trisha. Hindi siya maaaring magtagal sa telepono baka may makapansin sa kanya at matagpuan siya.
kinausap nalang nila si Veron.
“Oh, how’s Trisha? Nabalitaan ko nangyari.” Ang tanong ng magulang ni Veron.
“Dad, mom. Huwag po kayo makinig sa balita. Kusang sumama si Trisha kay tito Jacques. Plano kase ng magulang ni Trisha na ipakasal siya kay Alex Kruger, alam niyo naman na kung sino yan Kruger na yan diba.” Ang pahayag ni Veron.
“So, tama ang balibalitang drug syndicate ang mga magulang ni Trisha.” Ang saad ng daddy ni Veron.
“What? Dad, totoo ba sinasabi niyo?” Ang tanong ni Veron na may kasamang pagtataka.
“Yes, kaya inilayo kita dati kay Trisha nun. Kaso walang ebidensya na nagpapatunay na may kinalaman sila sa laganap na drugs sa norte.” Ang paliwanag ng dad niya.
“Since si Trisha na din nagsabi. Maaaring totoo yun.” Ang dagdag pa niya.
“Dad, sana huwag mo pag isipan ng masama si Trisha. Hindi naman siya katulad ng parents niya.” Ang saad ni Veron.
“Don’t worry. hindi ko yan iniisip, anak. Hindi nga rin ako makapaniwala na anak siya ng dalawang iyun. Napakabait niya kase at wala siyang namana ni isa sa kanilang dalawa kahit sa physical, wala.” Ang saad ng daddy niya.
“Mabait si Trisha, kaya kayung dalawa. Huwag na huwag niyo siya ipagkanulo. Kailangan niyo siya damayan ngaun. At mag ingat din kayu, mabuti pa Andrea. Dito ka na din para may kasama ka lagi. Baka mapahamak ka sa labas.” Ang pahayag ng mommy ni Veron.
“Tita, are you sure? Okay naman ako tita. Wala naman sumusunod sa akin.” Ang saad ni Andrea.
“Hindi natin masisiguro iha. Baka sa susunod na araw ay bigla nalang pasukin ka sa loob ng bahay na tinitirhan mo. Sasamahan ka ng tito mo para kunin ang mga gamit mo.” Ang pahayag ng mommy ni Veron.
“Tama ang tita mo. Samahan kita, kunin mo lang mahahalagang gamot mo dun. Kahit magstay kalang sa amin hanggang matapos ang problema ni Trisha at Jacques.” Ang pahayag naman ng daddy ni Veron.
Wla naman nagawa si Andrea na lumipat muna sa kanila dahil pati si Veron ay kinulit din siya. Okay na din kahit papanu dahil makakasama din ang kaibigan at makikita niya ang cute na anak ni Veron.
ginawa din kase siyang ninang ng anak niya.
Ilang araw ang lumipas ay nakatanggap sila ng balita na nakalabas si Anthony galing sa kulungan. Nagtaka naman sila panu pa siya nakalabas matapos ang ginawa niya kay Trisha.
“Panu pala siya nakalabas. Akala ko hindi na yan makakalabas.” Ang tanong ni Veron.
“Hindi ko alam anak, baka inurong ang kaso ni Trisha.” Ang saad ng daddy niya.
“I’ll text Trisha and ask about this.” Ang sabi ni Andrea.
Itinext naman ni Andrea si Trisha at sinabi ang nangyari.
“Yes, I know. Nabalitaan ko na din yan. Don’t worry, hindi niya ako makikita at hindi na niya ako gugulihin pa.” Ang sagot ni Trisha.
“Do you know, pano napalabas ng mommy niya si ANthony.” Ang tanong ni Andrea.
“Yes, kilala ko sila. I don’t know the exact details about diyan. Pero sabi sa akin ni mahal. Hindi sila ang nagpalabas sa kanya. Sige, kain muna ako ng breakfast.” Ang saad ni Trisha at nagpaalam ulit.
Ilang oras pa ang lumipas habang naguusap sila ay biglang may dumating sa bahay nila Veron. Nagulat silang lahat dahil mga tauhan ni Rodolfo, ang lolo ni Trisha, ang dumating sa bahay nila.
“Ano pong kailangan nila? Pasensya na, hindi namin alam kung saan si Trisha kaya wala kayo mapapala sa amin.” Ang saad ng mommy ni Veron.
“Sorry po maam. Pero aware na sir Rodolfo kung asan si Trisha ngaun. At hindi tungkol kay Trisha ang pakay namin kundi tungkol kay Veron at sa anak niya.” Ang paliwanag ng tauhan ni Rodolfo.
Nagulat naman si Princess, ang mommy ni Veron, ng marinig iyun. Hindi din siya makapaniwala na alam na nila ang lugar kung asan si Trisha. Hindi niya din maitago ang pag aalala kay Trisha sa mukha niya.napansin naman ng kausap ang pagaalala niya.
“Huwag po kayung mag alala kay Trisha. Nasa ligtas na siyang kamay. Hindi malalaman at hindi masasaktan ni James si Trisha habang buhay pa si sir Rodolfo.” Ang paliwanag niya.
“What do you mean?” Ang tanong ni Princess.
“Mahaba pong kwento, basta magtiwala po kayu kay sir Rodolfo. Alam ko nagalala po kayu, pero hindi gusto ni sir Rodolfo ang ginagawa ngaun ni James. Aware po si sir Rodolfo sa masasamang gawain ni James.” Ang paliwanag nito.
Nakahinga ng maluwag si Princess sa nalaman niya. Tsaka niya pinapasok ang tauhan ni Rodolfo.
“Ano pla kailangan niyo sa anak ko?” Ang tanong ng daddy ni Veron nang makaupo ang tauhan ni Rodolfo.
“Kaya kame naparito dahil Napagutusan po ako na imbestigahan ang anak ninyo pati na ang apo ninyo. Aalamin po namin kung si Anthony ba talaga ang ama ng bata. Kung hindi niyo mamasamain ay ipadna natin ulit ang bata at si anthony.” Ang paliwanag nito.
“At bakit? Anu kinalaman ni senator Rodolfo kay Anthony? Bakit kailangan siya pa? Tsaka pinadna na siya ng ama ni Anthony at nasa amin ang copy ng results. Hindi pa ba sapat yan kay Anthony?” Ang pahayag ni Troy, ang ama ni Veron.
“Sir, hindi ko po masasagot iyan. Pasensya na po. Sinabi sa amin na hindi muna namin sasabihin yan. Pero walang masamang intention si sir Rodolfo.” Ang paliwanag nito.
Magsasalita na sana ulit si Troy ngunit nagsalita naman agad si Veron.
“Okay, papayag ako ipadna ulit ang bata ngunit kailangan na makita ko siya na kinukuhanan ng sample para kta ko na hindi ako lolokohin ni Anthony. Pag napatunayan ni Anthony na hindi siya ang ama hindi ko talaga ipipilit na anak niya iyun at magnumulta pa ako sa kanya. Pero kung mapatunayan namin na siya talaga ang ama, kailangan niya bayaran lahat ng paghihirap ko mula ng pinanganak ang baby ko. Hindi ko kailangan panagutan niya ako pero kailangan buwanan siya magpadala para sa mga anak niya..” Ang pahayag ni Veron.
“Okay Ms. Veron. I will tell, sir Rodolfo.” Ang sagot nito at agad tinawag ang kasamahan para sabihan si Rodolfo.
“Sabihin mo ngaun si sir tungkol dito, dali.” Ang utos nito sa kasamahan at ginawa naman niya ito agad.
“Now, itatanong ko lang kung meron ka bang ibang karelation maliban kay Anthony?” Ang tanong nito.
“Wala po akong ibang nakarelation, si Anthony ang una at huli kong naging bf. Wala din akong ibang naging kasintahan o lalake habang magkasintahan kame ni Anthony. Wala akong naging bf nung highschool pa ako at alam din yun ni Trisha. Mahal na mahal ko si Anthony simula nung makilala ko siya at hindi ako nagloko sa kanya.” Ang paliwanag niya.
“Hindi naman ako sumasama sa ibang lalaki na hindi ko kilala at hindi din ako nagpupunta ng bar. Naging maingat din ako sa galaw ko para hindi ako mapansin ng iba. At hindi din ako narape.” Ang dagdag pa ni Veron.
Pinagmasdan naman ng maigi ng tauhan ni Rodolfo si Veron habang nagpapaliwanag. Wala naman siya napansin kaya napagtanto niya na totoo ang sinabi niya. Napanatag naman siya dahil tama ang resulta ng BI nila tungkol sa kanya.
nakita din niya na hindi talaga nagsinungaling si Veron. Tama ang sinabi ni Rodolfo sa kanya na mabait at hindi sinungaling si Veron.
Ilang sandali pa ay nakatanggap ng instruction ang tauhan ni Rodolfo.
“Ms. Veron, maaari ka bang sumama sa amin ngaun. Kailangan na natin maipadna ang anak niyo at si Anthony.” Ang saad nito.
“Nagmamadali kayo ata. Pwede naman siguro na bukas nalang.” Ang sabi ni Troy.
“Hindi po pwede. Nakaschedule si Anthony mamayang gabi papunta sa Turkey. Kaya kailangan makuhanan na sila ngaun.” Ang paliwanag nito.
“Okay sige. Teka kunin ko lang ang anak namin.” Ang saad ni Veron.
Habang kinukuha ni Veron ay kinausap ulit ni Troy ang tauhan ni Rodolfo.
“So may kinalaman si Senator rodolfo sa paglaya ni anthony? Hindi ba niya alam na pinagtangkaan niyang gahasahin ang apo niya.” Ang pahayag ni Troy.
“Sir Rodolfo is aware of that. But for a confidential reason hindi namin pwede sabihin ang rason bakit niya ginawa iyun. Pero para mawala ang pangamba niyo, paparusahan ni sir Rodolfo si Anthony once nakarating na sila sa Turkey. At hindi makakalapit si Anthony kay Trisha at pati kay Veron habang hindi siya nagbabago.” Ang paliwanag nito kay Troy na siyang kinatuwa nito.
Ilang sandali naman ay nakapagayos na si Veron kasama ang anak.
Nang nakarating sila sa ospital ay nakita naman agad ni Veron si Anthony na naghihintay kasama si Lourdes at binati naman niya agad ang lola ni Trisha.
“Iha, salamat pumayag ka sa gusto namin. At huwag kang magalala kung anu ang magiging resulta tatanggapin namin. Kame na bahala sa kanya.” Ang sabi ni Lourdes kay Veron.
“Panu niyo po nakilala si Anthony at bakit niyo siya tinutulungan. Aware naman na kayo sa ginawa niya kay Trisha.” Ang tanong ni Veron.
Napansin naman ni Lourdes ang pagtataka nito.
“Mahabang kwento iha. Kailangan pa namin ayusin ang batang ito, pero balang araw malalaman mo din. At wag kang mag alala, naniniwala ako na etong si Anthony ang daddy ng anak mo. Gagawin ko lang eto para makita niya na siya talaga ang ama ng batang eto. Para mapanatag na siya. Nakita din kita lumaki iha at alam ko na hindi ka nagsisinungaling.” Ang pahayag ni Lourdes.
“Salamat po, la. Pero okay naman na po kame ng anak ko. Nagbigay naman ng tulong sa akin si daddy Jacques.” Ang pahayag ni Veron.
“That’s good to hear. But i think dapat pati yung ama niyan ay kailangan managot din. So hayaan mo, kung mapatunayan natin na si Anthony ang ama niyan. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para mapanagutan niya ang anak ninyo.” Ang saad ni Lourdes.
“Salamat po sa inyo, La.” Ang saad ni Veron.
Nakayuko at tahimik lamang si Anthony habang kausap ng lola niya si Veron. Naging maingat si Lourdes sa kanyang salita para hindi muna malaman ni Veron ang totoo.
Balak niya sabihin ang buong katotohanan pag naayos at nasabi na ni Jacob ang totoong pagkatao ni Trisha.
Makalipas naman ang ilang sandali ay nagawa na silang kuhanan ng test sample para sa DNA test na gagawin.
Matapos iyon ay nagpaalam na si Lourdes kasama ni Anthony at nagpunta na sila si Airport. Samantala ay inihatid naman ng tauhan ni Rodolfo si Veron at anak nito sa kanilang bahay.
Medyo nagulat naman si Veron pati na ang mga magulang niya na nagiwan si Rodolfo ng mga tauhan niya para bantayan sila.
“Sir, utos po ni Senator. Naniniwala sila kay Veron at ayaw nila mapahamak eto. Natatakot kasi siya na malaman na anak eto ni Anthony at pagbuntunan siya ng galit. Kaya andito po kame para protektahan silang dalawa at pati na din kayu.” Ang paliwanag naman ng tauhan ni Rodolfo.
“Bakit nila ginagawa to.” Ang tanong ni Troy.
“Sa ngaun po, hindi namin masasagot iyan. Pero malalaman niyo po ang dahilan pag naayos na ni sir Rodolfo ang lahat ng problema nila.” Ang paliwanag naman nito.
Hinayaan nalang ni Troy at hindi na niya kinulit pa. Alam naman niya na hindi sasabihin dahil sa utos ng senator.
Itutuloy…
- Paghihiganti At Pagmamahal: 18 - October 29, 2023
- Paghihiganti At Pagmamahal: 17 - October 26, 2023
- Paghihiganti At Pagmamahal 16 - September 30, 2023