Our Love Story (Aya) 9

Our Love Story (Aya)

Written by Bluzombii

 

Isa pa, sya ang walang ginagawa sa ngayon. Ilang buwan pa rin lang mula nung umuwi sya galing Saudi.

“Malungkot mag-isa,” seryosong sabi ko.

“Mag-asawa ka na kasi,” sagot nya.

Malungkot akong ngumiti. “Yung gusto kong mapangasawa dati, mas pinili pang mamatay,” sabi ko.

“Eh di maghanap ka na ng iba,” sabi nya. “Tumatanda ka na.”

“Ayokong maghanap ng iba,” sabi ko.

Naalala ko na naman tuloy si Aya. Ilang taon na ang dumaan pero parang kahapon lang mula nung umalis ako sa Baguio. Ang huling pagkikita namin. Ramdam ko na naman ang sakit. Napasunud sunod ang lagok ko sa beer. Hanggang sa puro pait ang nalalasahan ko. Tama. Bitter ako.

“Easy ka lang pare,” sabi nya.

“Bakit hindi ko sya nalimutan?” Tanong ko.

“Baka dahil ayaw mo syang kalimutan?”

Tama sya. Ayaw ko talagang kalimutan si Aya papaya.

“Mabuti pa uuwi na ako, may pasok ka pa bukas. Ako na ang bahala sa paghahanap ng possible location,” paalam nya.

Naiwan na naman akong nag-iisa.

Sinimulan agad namin ang pinag-usapang maliit na negosyo. Spareparts ng mga sasakyan, lalo na ng motor. Nagpasya rin kaming magbuy and sell ng motor. Bumibili kami ng motor, inaayos at pinapaganda namin tapos ibibenta. Dahil yun ang hilig ko, namin ni Fred.

May nabili kaming lote sa bandang Cavite. Ang lupa at building ay ako na ang bumili dahil sa itaas ko na ipinasyang tumira para hindi na ako uupa.

Sa puhunan namin kami naghati ni Fred. 60% sa akin kasama ang shop, habang 40% at labor naman ang kay Fred. Isang araw ng off ko ay ako ang tumatao para sa off ni Fred. 50-50 ang hatian namin sa kita.

Maayos naman ang naging takbo ng negosyo, marami kaming kliyente, mga kasama rin namin sa club.

“Pare, napapansin ko yang kapitbahay mo, laging nakaabang tuwing aalis ka at uuwi,” nang-aasar na sabi ni Fred. Wala akong pasok sa trabaho at katatapos ko lang maglaba. Nakatambay ako sa shop.

Tiningnan ko ang sinasabi nyang kapitbahay ko. Maganda sya, morena. Maliit na babae. Napapansin ko rin na lagi syang nakatingin sa akin, binabalewala ko lang.

“Try mo lang pare, malay mo, yan na ang babaeng sunod na mamahalin mo,” sabi pa ni Fred.

“Hindi pa ako ready,” sagot ko.

“At kailan ka naman magiging ready? Ang tagal na nun, magmove on ka na!” Si Fred.

Tiningnan ko uli ang babae, mukha naman syang mabait. Pero isipin ko pa lang na hindi nya mapapantayan ang mga ginawa ni Aya para sa akin dati, nawawalan na ako ng gana. Alam kong unfair na icompare kay Aya ang ibang babae, pero ganun talaga eh. hindi rin kami magiging masaya kapag ganun. Parang gagamitin ko lang sya.

“Yaan mo pare, darating din ako dyan,” sagot ko na lang.

“Tulungan mo rin kasi ang sarili mo,” si Fred na sumeryoso na.

Nang mga sumunod na araw ay hindi na nakuntento ang babae sa tingin lang. Nagsimula na syang magbigay bigay ng ulam, in-add na ako sa fb at lagi nang pumupunta sa shop para makipagkwentuhan.

“Parang desidido na si Laila na mapaibig ka ah,” biro ni Fred isang umaga. Kagagaling lang dito ng babae at nagbigay ng lumpia.

Natawa ako. “Wala akong balak na mangyari yun,” sagot ko.

“Hindi mo naman mapipigil yun kung yun ang gusto ng puso mo,” sumeryoso na si Fred.

Hindi na lang ako sumagot. Alam kong hindi nya ako titigilan.

“Pare,wala namang masama kung pababayaan mong sumaya ang sarili mo,” sabi pa niya.

Bigla ko na naman tuloy namiss si Aya-ko. Sya lang naman ang nagpasaya sa akin. Bumalik ang pangungulila ko sa kanya. Gusto ko syang makita uli. Maalala ang mga ginawa namin noon. Tama. Pupunta ako Baguio. Siguro nga kailangan kong pumunta dun para sa maayos na closure. Baka sakaling makatulong para makapag-move on na ako at maituloy ang buhay.

Katulad nung unang punta ko sa Baguio, magmomotor lang ako. Ang kaibahan, makakapagleave na ako. Buong week ang bakasyon ko. Balak kong gugulin sa shop ang mga matitirang araw ng bakasyon pagbalik ko. Para makita ko kung ano pa ang kulang.

Kinakabahan ako habang nagdadrive papunta kina Aya. Ngayon ko lang naisip na dapat noon ko pa ginawa ito. Dapat noong pagbalik ko galing Australia ay nagpakita agad ako sa ina ni Aya. Ayaw ko rin namang isipin nya na pinabayaan ko si Aya sa mga panahong dapat ay nasa tabi nya ako. Sa panahong nawala sya.

Pero totoo, naging duwag at makasarili ako, pinilit kong lumayo na lang sa mga bagay na makapagpapaalala kay Aya pero hindi ako nagtagumpay. Pinilit kong kalimutan sya pero hindi ko nagawa.

Naisip kong napakaigsi lang naman ng panahong naging kami ni Aya. Kung tutuusin, tatlong buwan lang yun, dalawang buwan na puro chat at isang buwan na magkasama. Pero bakit ganun? Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin sya? Hanggang ngayon ay lagi pa rin sya sa isip ko.

Katulad ng naramdaman ko noong unang pagpunta ko dito, malakas ang kabog ng puso ko habang nakatayo sa harapan ng gate ng bahay nina Aya. Kung noon excited ako, ngayon ay mas lamang ang takot at totoong nerbiyos, siguro dahil guilty ako ngayon. Isa pa, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin dito.

Nakailang lunok at buntung hininga ako bago ko napagpasyahang pindutin ang doorbell. Walang ipinagbago ang labas ng bahay, maganda pa rin ang paligid at mas marami ang bulaklak sa hardin dahil summer ngayon.

Isang pindot lang ang ginawa ko dahil lumabas agad ang isang nakauniform na babae, bata pa.

“Sino pong kailangan nila?” Tanong ng babae. Hindi sya isa sa mga maids noong unang nagpunta ako dito.

“Ahm, nandyan ba si Mrs. Aranas?” Tanong kong kinakabahan talaga.

Tiningnan muna nya ako nang maigi, sa una ay parang nagulat sya, tapos ay mataman akong tinitigan. Hays, talaga bang dapat titigan? Mukha ba akong riding in tandem? Nakajacket pa naman ako ng itim. Buti na lang tinanggal ko na ang helmet at bonnet ko. Lalo akong pag-iisipan ng masama kung nakasuot pa ako ng mga iyon.

“Wala po. Nasa shop.” Sagot ng babae na nakatitig pa rin sa mukha ko. Iba kasi talaga ang titig nya. Hindi ko maintindihan kung may something sa mukha ko na gusto nyang tanggalin o yung mukha ko talaga ang may problema. Nakakairita lang kasi.

“Ah, matagal pa ba bago sya umuwi?” Tanong ko. Pinipilit kong balewalain ang ginagawa nyang pagtitig.

“Mamayang hapon pa po yun,” sagot nya.

“Si Rico? Saan ang bahay niya dito?” Tanong ko. Bahala na, ibababa ko na lang ang pride ko sa ngayon. Kailangang tapusin ko na ito. Ayokong sayangin ang pagpunta ko dito.

“Wala po si sir Rico. Nasa hongkong po sila ng asawa nya.” Sagot ng babae. Naiinis na talaga ako sa kakaibang titig nya.

“Ah, nag-asawa na pala sya,” tumango tango ako. Buti pa sya.

“Kakakasal lang po. Honeymoon nila ngayon,” sagot ng babae.

Napangiti ako… ng mapakla. Nananadya ba sya? Pero kahit paano ay masaya naman ako para sa kanya. Buti pa talaga sya, ikinasal na. Hays, bitter talaga ako.

“Pwede bang maghintay dito sa labas ng gate? O kaya naman baka pwedeng malaman na lang kung saan yung shop ni Mrs. Aranas?” Tanong ko. Alam kong hindi agad sya magtitiwala sa akin kaya binigyan ko sya ng option.

Tumingin uli sya na may pag-aalinlangan, parang nag-iisip. “Sandali lang po,” sabi nya sabay talikod at pumasok sa loob ng bahay.

Okay lang naman sa akin. At least, alam kong nag-iingat sya para sa amo nya.

Mayamaya ay may lumabas. Ang matabang maid dati, at parang lalo syang tumaba.

“Sir!” Ngumiti sya nang makita ako.

“Natatandaan mo pa ako?” Tanong ko. Kahit paano ay nabuhayan ako ng loob.

“Syempre naman sir, bakit naman kita makakalimutan?” Tanong nya.

Nagulat ako pero napangiti rin. Wow, close ba kami? Pero okay na yun, kahit kaunti, may pag-asa na akong may mangyayari sa pagpunta ko.

“Pasensya na po kayo dun sa isa kanina, bago pa po kasi yun dito,” sabi nya.

“Okay lang,” sagot ko.

“Ang gwapo nyo po ngayon, sir,” sabi pa nya habang binubuksan ang malaking gate.

“Dati pala pangit ako?” Tanong ko. Natatawa ako at kahit paano ay nababawasan ang kaba ko.

“Ganun pa rin naman sir, pumuti lang po kayo,” sagot nya.

Understood na para sa akin ang pagbubukas nya ng gate kaya ipinasok ko ang motor ko. “Ahm, okay lang bang pumasok ako?”

“Opo naman sir, ang totoo po nyan, dalawang taon na kayong hinihintay ni Madam Arla na bumalik dito kaya nagbilin na sa amin eh,” nakangiting sabi nya.

Nagulat ako at lalong kinabahan. Ako? Hinihintay ng ina ni Aya na bumalik?

“Bakit naman nya ako hinihintay?” Di ko mapigilang magtanong.

“Bakit naman po hindi?” Ganting tanong nya. “Kailangan nyo naman talagang bumalik,” sabi nya.

Lalo tuloy dumami ang tanong sa utak ko. Ano ba talagang nangyari? Gustung gusto ko nang magtanong sa kanya pero hindi maganda yun kaya minabuti kong manahimik. Malamang hindi rin sya sasagot.

“Sandali lang po sir, tatawagan ko po si madam,” sabi nya. “Patty! Maghanda ka ng makakain!” Sigaw nya.

Hindi na ako nag-inarte pa nang alukin nila akong kumain. Kumain ako at dinamihan ko talaga. Sobrang gutom ako. Tingin din nang tingin sa akin ang isa pang dati na ring maid doon. Panay ang ngiti.

Katatapos ko lang kumain nang dumating ang ina ni Aya. Ganun pa rin ang hitsura.

Seryoso sya nang makita ako, hindi gaya ng dati na laging nakangiti sa akin. Kinabahan na naman ako. Parang si Aya ang mukha kapag may ginagawa akong hindi nya nagustuhan. Hays, kahit anong gawin nito sa akin, tatanggapin ko na lang. Kung gusto nya akong sampalin, sipain, saktan, bahala na sya. Basta gusto kong makipag-usap tungkol kay Aya.

Alam mo ba kung anong nangyari sa anak ko sa loob ng halos tatlong taon?” Tanong ng ina ni Aya matapos akong titigan ng matagal. Lalo akong kinabahan.

“Hindi po. Kaya nagpunta ako dito,” sagot ko.

“After almost three years? Ngayon mo lang naisipang pumunta dito? Anong maidadahilan mo?” Iritadong tanong nya.

Pinabayaan ko lang. Totoo naman. Kasalanan ko.

“Binuntis mo ang anak ko pag-alis mo dito. Pagkatapos, hindi ka na nagpakita o nagparamdam man lang. Hindi naman kaladkarin ang anak ko, matino syang babae,” may halong panunumbat ang mga sinasabi nya.

“Sorry po. Sya ang may gusto na iblock ko sya sa fb at messenger. Isa pa po, sinabi na ni Rico sa akin na gagawin din ni Aya yun dahil may taning na ang buhay nya,” paliwanag ko. “Kaya pinabayaan ko sya sa gusto nya. I gave her space. Nagkataon lang po na umalis ako papuntang Australia kaya hindi na talaga ako nakabalik.”

“Isa pa yang taning na yan. Sinabi ko na sa iyo na hindi totoo yun!” Malakas na ang boses nya.

“Pero inulit pa ni Rico na totoo yun.” Sabi ko.

“Hindi nga totoo! Mali lang yung unang doctor na tumingin kay Ariza. Sila ang magkasama noon,” sabi ng matanda. “Kaya sinamahan ko sya sa dalawa pang magkaibang doctor para makasiguro.”

Napahawak ako sa ulo ko. Ang tanga ko talaga. So hindi pala totoo yun. Hindi ko naman masisi si Rico, wala rin syang alam. Sarili ko ang dapat kong sisihin, sumuko agad ako.

“Isa pa, ang taas taas ng pride mo! Inalok kita ng trabaho sa kumpanya pero tinanggihan mo. Mas pinili mo pang magpunta sa ibang bansa at iwan si Ariza,” sabi nya. “Anyway, hindi naman kita masisisi dahil alam kong may gusto kang patunayan sa anak ko, sa pamilya namin. Ego!”

Ayun! Natumbok nya! Yun talaga yun eh! Sa taas ng pride ko, hindi ko tinanggap ang alok nyang trabaho… Kaya pinili ko na lumayo kay Aya. Kaya tiniis kong hindi sya kasama.

“At dahil sa pride mong yan, matindi ang hirap na dinanas ni Ariza,” kitang kita ko ang lungkot at galit sa mga mata nya.

Napalunok ako, may kung anong malaking nakabara sa lalamunan ko. Ang bigat sa dibdib.

“Nang malaman nyang buntis sya, naging iritable sya, lalo na kapag hindi mo sya nachachat. Iyak lang sya nang iyak. Lagi nyang sinasabi na wala daw syang silbi, walang kwenta. Pinagsawaan mo na daw sya kaya ayaw mo na sa kanya. May iba ka na daw…” Pagkukwento ng ginang.

“Hindi po totoo yun. Wala po akong iba, ni hindi ko sya nakalimutan,” pagsingit ko sa sinasabi nya.

“Sinabihan namin na sabihin sa iyo na buntis sya, pinapupunta ko rin sya sa iyo, ayaw naman. Hindi daw nya ipagpipilitan ang sarili nya sa ayaw na sa kanya. Ayaw naman namin syang pangunahan. Saka isa pa, naiinis din ako sa iyo noon dahil sa pagtanggi mo sa alok ko.” Halatang may galit sa boses nya.

Kaya pala lagi syang galit sa akin, naglilihi na sya noon. Sabagay kahit siguro hindi buntis, sino bang matutuwa kung siniseen lang ang chat mo. Pero kung alam ko lang na buntis sya noong panahong nagpablock sya, binalikan ko na lang sana sya agad dito at hindi na lang umalis. Hays, nasa huli talaga ang pagsisisi. Gusto ko nang umiyak.

“Ilang beses ka nyang sinubukang tawagan pagkalipas ng tatlong buwan pero hindi na raw makontak ang number mo, pinagpapasya kasi kami ng doctor kung aalisin ang bata habang maliit pa o magsasakripisyo sya para sa magiging anak nyo.” Naluluha na ang ginang habang inaalala ang nakaraan. Ganun kasakit ang pinagdaanan ni Aya. Ganun kahirap, at wala ako noon sa tabi nya para damayan sya. Panay ang mura ko sa isip ko. Nakakuyom ang palad ko. Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko. Kawawa naman ang mahal ko.

“Ipinagpatuloy ni Ariza ang pagbubuntis kahit ayaw ko. Tiniis nya na hindi uminom ng ibang gamot nya para hindi makaapekto sa pagbuo ng baby sa tyan niya. Dahil sa pagmamahal nya sa iyo, para mabigyan ka ng anak na gustung gusto mo daw, kinalimutan ni Ariza ang sarili nyang kaligtasan,” pagpapatuloy pa ng ina ni Aya kasabay ng pagpahid ng luha.

Ako ay umiiyak rin habang naghihintay ng sunod nyang sasabihin. Alam kong kasunod na nun ang masaklap na nangyari.

“Hirap na hirap maglihi si Ariza nun, suka lang nang suka. Hindi makakain. Sobrang payat nya noon. Ramdam kong laging may masakit sa kanya, hindi sya nagsasabi pero alam kong tinitiis nya lahat. Nakikita ko sa bawat pagkilos nya. Inunawa ko sya at dinamayan na lang. Sinabi ni Rico sa akin na tumawag ka raw sa kanya, gamit ang ibang number. Hinintay namin na tumawag ka uli pero wala. Hindi ko na lang yun sinabi kay Ariza. Baka umasa lang sya na babalik ka pa. Ayoko nang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman nya.”

Naisip ko kung gaano kasama ang ginawa ko. Napakawalang kwenta kong tao.

“Nanganak sya sa Canada, ceasarian, pinilit ko sya na doon manganak. Gusto pa nga nya ng normal delivery, hindi ako pumayag. Hindi nya kakayanin.”

Napadiretso ang pagkakaupo ko. Ibig sabihin, nanganak si Aya? Nakaligtas ba sya? Nakaligtas ba ang baby? Pigil ang paghinga ko habang naghihintay ng kasunod.

“Ano pong nangyari sa kanila?” Tanong ko.

Tumigas ang mukha ng matanda. “Gusto kong malaman ang dahilan ng pagpunta mo dito.” Sabi nya. “May asawa ka na ba?” Tanong nya.

“Wala po akong asawa. At hindi ako naghanap. Hindi ko makalimutan si Aya,” matapat sa sagot ko.

“Anong dahilan at nagpunta ka pa dito?” Tanong ulit nya.

“Gusto ko pong malaman kung anong nangyari kay Aya at…at sa …anak namin,” sa wakas ay nasambit ko ang katagang yun. Anak…

Tinitigan pa nya ako. Halatang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.

“Alam ko po, marami akong kasalanan kay Aya, gustuhin ko man pong puntahan sya noon, napakalayo ko. Isa pa, inakala ko po talaga na patay na sya. Sorry po. Kasalanan ko talaga eh, sana hindi ko sya iniwan. Sana hindi ko sya binalewala. Patawarin nyo po ako,” sabi ko na umiiyak pa rin.

“Sa kanya ka humingi ng tawad,” seryosong sabi ng ginang.

Natigilan ako. Andito ba si Aya?

“Nacomatose si Ariza ng dalawang buwan pagkatapos nyang manganak. Namild stroke sya at nang magising ay ibang iba na sya. Mas malala pa kesa sa dati, noong hindi ka pa nya nakikilala. Lagi syang tahimik at iritable. At ganun na sya sa loob ng mahigit isang taon.”

Kung ganun, buhay si Aya?

“Nasa itaas si Ariza, kasama ang anak nyo,” sabi ng matanda.

Bumilis ang tibok ng puso ko, gusto ko na agad umakyat para makita ko sila.

“Pero huwag kang umasa na kaparehong Ariza pa rin ang makikita mo. Sinasabi ko agad sa yo, malamang ay galit sya sa yo,” babala pa nya.

“Opo, handa po ako kahit na anong gawin nya sa akin,” sagot ko.

Parang may naghahabulang pusa sa loob ng dibdib ko habang paakyat ako sa third floor kasama ang bagong maid.

Naligo muna ako bago umakyat. Nag-ahit ako at nagpabango ng mabuti para kahit galit sa akin si Aya ay matuwa naman sya kahit kaunti. Ayaw nya sa mabaho. Sabagay, sino bang may gusto?

Sinabihan ako ng mama ni Aya na gamitin muna ang isa sa mga kuwarto sa second floor. Malamang daw na hindi papayag si Aya na sa third floor ako mag-stay.

Buti na lang at isang linggo ang leave ko. Alam ko hindi sapat yun para manuyo pero mahaba habang time para makasama ko ang mag-ina ko. Sarap lang isipin na may tinatawag na akong ‘mag-ina ko’.

“Pasensya na po kayo sir, kamukha nyo po kasi si Prince, kaya hindi ko mapigilang tumingin sa inyo,” sabi ng maid na tipid ang ngiti.

“Prince?” Takang tanong ko.

“Yung anak po ni miss Ariza. Kaya naisip ko po na kayo ang ama eh,” dagdag pa nya.

Napangiti ako. So Prince pala ang pangalan ng anak namin. Kahit galit sya sa akin ay parang isinunod pa rin nya sa akin ang pangalan ng bata, well, feeling ko lang naman. Amir or emir means prince in Islamic countries (Arab). Bahagyang nabawasan ang kaba at pag-aalinlangan sa puso ko. Siguro naman kahit kaunti ay may natitira pang pagmamahal sa akin si Aya. Kahit kaunti lang.

Bigla kong namiss na naman si Aya. Gusto ko na namang maiyak, sa pagkakataon ito ay dahil naman sa kaligayahan. Halo halo ang nararamdaman ko.

“Dito na lang po ako Sir, magagalit po si miss Ariza kapag umakyat ako dyan,” sabi ng maid nang nasa kalagitnaan na kami ng second at third floor.

“Sige, salamat,” sabi ko. Nagbago na nga siguro sya. Sabi ng maid dati, napakabait ni Aya sa kanila… Na sa sobrang bait ay pinagbibigyan nila ang lahat na hilingin nito, kahit bawal sa kanya. Ngayon, takot silang magpakita man lang sa kanya.

Mabuti na rin na bumaba na ang maid, walang makakakita ng gagawing pambubugbog sa akin ni Aya.

Dahan dahan at tahimik akong umakyat. Hays, ano kayang magiging reaksyon niya? Ano kayang unang ihahagis nya sa akin? Kailangang nakahanda ako sa pag-ilag.

Nakadama ako ng sobrang pagkasabik na makita siya. At ngayon ay dalawa na sila, sila ng anak namin.

Puti ang kulay ng makapal na kurtina sa palibot ng malaking sala. May parteng nakabukas kaya maliwanag. Nakabukas din ang TV pero mahina ang volume.

Ang malakas ay ang kaba ko habang papalapit sa nakatalikod na mahabang sofa malakas ang kutob ko na makikita ko doon si Aya. Basta lang, nararamdaman ko.

Hindi nga ako nagkamali. Si Aya-ko, mahimbing na natutulog sa sofa. Yakap nya ang isang munting bata na natutulog din.

Sobrang kasiyahan ang naramdaman ko. Hindi ko mapigilang pumatak ang luha sa nakita ko. Ang mga mahal ko, andito sa harapan ko ngayon at payapang natutulog. Nagsisikip na naman ang dibdib ko. Ilang emosyon pa ba ang mararamdaman ko ngayong araw?

Napagmasdan kong mabuti ang mukha ng sanggol. Tama ang maid, kamukha ko nga ang anak namin ni Aya. Mula sa kulot na buhok, matangos na ilong, at kahit nakapikit ay halatang singkit ang mga mata na katulad ko. Hays, napangiti ako.

Nakuntento na lang muna akong tumingin sa kanila. Ni hindi ko makuhang umupo. Nakatayo ako at nakatitig lang sa mag-ina ko. Sinasamantala ko lang naman, alam kong hindi ko na ito magagawa kapag gising na si Aya.

Maikli na ang buhok ni Aya-ko. Parang hindi umabot sa balikat. Tuwid yun at itim na itim.

Nagulat ako nang gumalaw ang baby. Hindi naman sya sobrang liit, ang totoo ay malaking bata sya para sa isang magdadalawang taon pa lang na bata. Pero mas nagulat ako nang dumilat ang mata nya at natigilan nang makita ako. Nagkatitigan kami. Hindi ako makakilos dahil baka iiyak sya. Ayaw ko munang magising si Aya, biglang hindi na ako handa.

Medyo matagal nang nakatitig ang anak ko sa akin, sinubukan kong ngumiti. At naiiyak na naman ako nang ngitian din nya ako.

Wow, nginitian ako agad ng anak ko. Parang alam nya na connected kami. Sobra ang kaligayahan ko. Naiiyak na naman ako. Bakit ba nagiging emosyonal ako ngayon? Kailan pa ako naging madrama?

Pagkatapos naming magngitian ay maliksi syang dumapa at bumangon. Natakot ako na baka magising si Aya. Alam kong mabilis lang sya magising.

“Dada,” sambit ng bata na nakatayo na sa sofa at parang gustong magpakarga, nakataas ang kamay nya sa akin.

Tama ba ang narinig ko? Tinawag nya akong Dada? O baka naman yun pa lang talaga ang alam nyang sabihin? Walang pagdadalawang isip na kinuha ko sya at niyakap nang mahigpit, doon na talagang may tumulong luha sa akin. Nahawakan, nakarga at nayakap ko ang anak ko sa unang pagkakataon. Sa pagkakaalam ko naman ay ito pa lang ang anak ko.

Umupo ako sa pang-isahang upuan. Nilalaro ng anak ko ang pendant ng kuwintas ko habang kalong ko sya. Ako naman ay kuntento na mayakap sya. Ang mahalaga, hindi sya takot sa akin.

Mayamaya ay bumaba ang bata sa pagkakakalong sa akin at tumakbo sa isang bahagi ng sala. May malaking box dun. Nakatingin lang ako sa kanya. Bumalik sya sa akin at hinila ako papunta sa box, mga laruan pala yun. Parang gusto nya na maglaro kami. Napangiti ako at niyakap ko sya uli at hinalikan sa pisngi.

Tawa nang tawa ang bata habang naglalaro kami ni hindi ko na naisip na baka magising si Aya. Nalilibang na rin ako sa ginagawa namin. Ganito pala ang feeling ng may anak.

Hooked na hooked ako sa maliit at makulit na batang kalook-alike ko. Tawa sya nang tawa kapag ginugulat ko sya. Mabilis ding ngumingiti kapag pinipicturan. Sanay na sanay at gustung magpapicture, hindi katulad ng nanay nyang kj. Hahaha, ang dami kong kuha ng selfie namin at solo nya. Kakatuwang bata, sarap panggigilan. Yun ang pagkakapareho nila. Sarap pareho panggigilan, magkaibang level nga lang.

Tawa rin ako habang nagpapacute si Prince, hindi sinasadyang napalingon ako sa gawi ni Aya-ko. Nagulat ako at kinabahan, nanlamig at para akong nakakita ng multo. Nawala ang ngiti ko. Nakaupo na pala sya at nakatingin sa amin. Yung tingin nyang lampasan, titig na titig at para akong kakainin.

Napalunok ako. “Hi,” bati ko. Hindi ko na magawang ngumiti. Nakakatakot sya. O baka dahil guilty ako kaya ganun.

Inirapan nya ako. Tumayo sya at parang pupunta sa kuwarto. Sinundan ko pa ng tingin hanggang magsara ang pinto. Sexy pa rin kahit nakasweater at maluwag na pyjama, gaya ng lagi nyang suot. Pero parang pumayat sya ngayon.

Umiyak si Prince nang mapansing wala ang nanay nya sa upuan. Takte, lakas umiyak ng batang to, nakakarindi.

“Waaah. …miiii,” iyak ni Prince, tumakbo sa pinto at kinalampag nya yun. Kinarga ko sya, hindi ko alam kung papasok ba kami o hindi. Ayaw kong magalit si Aya-ko. Pero naisip ko na magagalit din sya kapag pinabayaan kong umiiyak ang anak namin. Napakamot ako sa batok kahit hindi naman makati. Hays!

“Miii,” pinupukpok uli ni Prince ang pinto ng kuwarto, pakiramdam ko mababasag yun sa lakas ng pagpukpok.

Huminga ako ng malalim saka kumatok. Hindi nagbubukas si Aya kaya binuksan ko na. Wala sya, malamang nasa cr.

Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.

Bluzombii
Latest posts by Bluzombii (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
1
0
Would love your thoughts, please comment.x