Written by Bluzombii
Umaasa ako na gagaling sya at magkakaroon kami ng maraming anak.
Tumungo sya. Hinawakan ko sya sa baba at hinalikan sa labi, mainit na halik. Pinisil pisil ko ang b1 at b2 nya nang salitan. Habang sya ay hinahaplos ang buhok ko . Narinig ko na may umungol, hindi ko na alam kung ako ba yun o sya, basta ang alam ko, andito na naman kami, magkasama at magkasalo.
Nagising ako nang maramdaman kong may naglilikot sa dibdib ko. Pinagod ako ni Aya kanina at nakatulog ako sandali.
“Aya,” tawag ko sa kanya. “Likot mo.” Ngumiti sya sa akin sabay halik sa pisngi ko.
“Baba na tayo. Kakain. Gutom na ako,” sabi nya saka bumaba sa kama.
“Lagi ka namang gutom,” sabi ko. Tumayo na ako at nagsuot ng damit. “Andyan ba ang mama mo?”
“Kanina pa. Umakyat nga eh, tiningnan ka habang natutulog,” sagot nya. Napalingon ako sa kanya. Seryoso.
“Weh?” Gulat ako, syempre nakakahiya, hubad ako kanina.
“Oo nga, kaya dapat bumaba na tayo kasi galit na sya,” sabi nya.
“Okay,” sabi ko na lang. Wala naman akong magagawa kung nagalit talaga.
Ngumisi siya. “Joke lang mahal. Hindi yun umaakyat dito.”
“Halikan kita dyan eh,” Inirapan ko sya.
“Tagal!”
“Kurutin na lang pala kita sa singit.”
“Hala, masakit yun!” Sabi nya.
“Kaya nga, huwag kang makulit,” saway ko.
“Ang sungit naman,” reklamo nya. “Tara, kain na tayo,” hinila nya ako sa braso. “Tagal mo gumising.”
“Pinagod mo ako eh. Ang layo ng byahe ko tapos yun ang isinalubong mo sa akin,” kunwari ay reklamo ko.
“Ayaw mo?” Tanong nya, nakasimangot at bahagyang lumayo sa akin.
“Sinabi kong ayaw ko?” Tanong ko sabay akbay sa kanya. Hinalikan ko sya sa pisngi. Yumakap naman sya sa baywang ko.
Nakahanda na ang pagkain nang bumaba kami. Umupo kami sa magkatabing upuan.
“Si mama?” Tanong ni Aya sa maid.
“Pababa na Miss Ariza,” sagot ng babae.
Sa totoo lang, kinakabahan akong makaharap ang ina ni Aya. Boses mabait naman sa phone, parang si Aya lang. Kaso iba sa personal eh.
“Magbeso ka kay mama ha,” bulong sa akin ni Aya. “Wag kang magbibless dun.”
“Bakit?” Takang tanong ko.
“Magagalit yun pag nagmano ka,” sabi nya.
“Paggalang yun eh.”
“Bahala ka,” pananakot nya.
“Ariza,” nagulat ako sa boses sa likuran namin. Parang si Aya ang nagsalita.
“Ma,” sabi lang ni Aya. “Si Amir.”
Ako naman ay tumayo at nagmano sa mama nya. Sa tingin ko ay hindi naman sya nagalit. Ngumiti pa nga sa akin eh.
“Ang daya, hindi nagalit,” bulong ni Aya.
Ngumiti lang ang mama nya.
Umupo sa tapat namin ang mama ni Aya. Tapos ay tinitigan ako. Gaya ng kung paano tumitig si Aya. Tiningnan ko rin sya, hindi lang sa boses sila pareho. Pati sa mukha at katawan, older version nga lang.
“So, ikaw pala,” sabi nya na tumango tango.
“Kain na tayo,” sabi ni Aya sabay kuha ng kanin. “Gutom na ako.”
Tiningnan ng mama nya ang inilagay nyang pagkain sa plato nya.
Pagkatapos nya ay inilapit ko ang kanin sa mama nya.
“Dapat lagi kang andito Amir,” sabi ng mama nya mayamaya habang kumukuha ng pagkain.
“Po?” Takang tanong ko.
“Sa tingin ko mas susunod pa si Ariza sa iyo kesa sa doctor nya,” saka tiningnan ang kinakain ng anak. Puro gulay at isda kasi ang kinuha ni Aya.
“Nasa kanya naman po yan kung susunod sya o hindi,” sabi ko. Si Aya ay parang walang pakialam. Kain lang ng kain.
“Matigas ang ulo nya lalo na kapag wala ako, wala namang magawa ang mga maids,” irap pa ng mama nya.
“Pasaway nga po eh,” nasabi ko.
“Oy Ariza, ikaw ang pinag-uusapan namin,” sabi ng mama nya.
“Oo nga ‘ma, kaharap nyo lang ako tapos pinagtsitsismisan nyo ako?” Sabi nya.
Natawa kami ng mama nya. Mabait naman pala at laging nakangiti. Mahilig din magjoke, pareho sila.
Maya maya ay nagkukwento na ang mama nya tungkol sa kabataan ni Aya. Tahimik daw at mahiyain si Aya, walang kaibigan. Si Rico nga lang daw ang nakakasama niya. Kaya pala nag-iisa sya sa third floor na mas malaki pa sa kabuuan ng apartment na inuupahan ko. Gusto nya laging mag-isa, madilim, tahimik.
Nang magdalaga daw si Aya ay nagtatago kapag may gustong manligaw sa kanya. Yun pala ang dahilan kaya ipinagkasundo sya ng lolo nya, natakot na baka hindi makapag-asawa. Pero hanggang dun lang daw yun. At dahil hindi nila gusto ang isa’t isa ay hindi naman sila pinipilit.
Nang matapos kaming kumain ay nag-usap pa kami ng mama ni Aya. Si Aya ay umakyat na, aantukin na raw sya dahil sa ininom na gamot.
“Parang hindi naman po sya loner.” Sabi ko sa mama ni Aya habang nakatingin kami sa kanya habang umaakyat sya sa mataas na hagdan.
“Nagbago sya nung nakahiligan nyang magfb at magchat, saka magbasa ata ng stories, nagwawattpad pa yan hanggang alas tres kahit may trabaho kinabukasan,” sagot ng ginang.
“Tapos natutulog daw po sa office,” napangiti ako nang maalala yun.
Tumawa ang ina ni Aya. “Totoo, natutulog sya kahit sa meeting nila.” Tapos ay biglang sumeryoso. “Yun din pala ang time na nalaman nyang may sakit sya. Hindi sya nagsasabi sa amin. Kung hindi pa sumakit ang gilid nya noon, hindi ko malalaman. May infection na pala sya sa internal organs. Yang pangangati nya, sign yan.” Paliwanag ng mama ni Aya.
“Totoo pong may taning na ang buhay nya?” Tanong ko.
“Ikaw ha, gusto mo na bang patayin ang anak ko? Wala naman sinabing ganun ang doctor,” mataray pero nakangiti nyang sabi.
Nakahiga ako ng maluwag. Pinagtripan lang pala ako ni Rico.
“Pero yung blood pressure nya, na mataas naman talaga, delikado yun kaya pinapabawas ko syang kumain. Kahit walang taning kung aatakehin sya, hindi namin yun mapipigil.” Sabi pa nya. “Buti nga at malamig dito sa Baguio, kapag mainit kasi ay nagsusuka sya.”
Nakonsensya tuloy ako. So totoo pala ang sinasabi ni Aya. Nag-OA lang talaga ako sa sobrang pag-aalala.
Matapos namin mag-usap ng ina ni Aya ay umakyat na ako. Mahimbing nang natutulog si Aya. Sabi ng mama nya ay magigising sya sa hating gabi.
Hindi ako agad nakatulog, bukod sa sobrang lamig kahit walang aircon ay pinag-iisipan ko ang sinabi nya.
“Dito ka na lang Amir, magtrabaho ka sa kumpanya. Sabi ni Ariza, niyaya mo syang magpakasal,” panghihimok nya.
“Na tinanggihan po ng anak nyo,” sagot ko.
“Sabi nya ayaw nyang mahirapan ka. Mahal na mahal ka nya. Magpapagamot sya para sa iyo,” sabi ng mama ni Aya.
Naiinis na ako. Bakit ba laging ako ang dahilan ng mga gagawin nya?
“Malaki ang pasasalamat ko sa iyo, ikaw ang dahilan kaya masaya sya,” sabi pa nya.
Nilingon ko si Aya, napakaganda nya, parang anghel lalo na at ganitong payapang natutulog. Iginala ko rin ang mga mata ko sa paligid ng kuwarto na naiilawan ng malamlam sa liwanag ng lampshade. Ang maalwang buhay na ito ay kailangang iwan ni Aya kapag nagpakasal sya sa akin. At anong klase naman kaya ang buhay na ibibigay ko sa kanya?
Ngayong nakita ko ang estado nya sa buhay, parang nahihiya na akong pakasalan sya. Paano ko sya makakayang ipagamot? Ayokong aasa pa sa pamilya nya. Gusto ko, kapag nagpakasal kami ay akin na lahat ang responsibilidad sa kanya. Iyon ang dapat gawin ng lalaki para sa kanyang asawa at bubuuing pamilya.
Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog dahil sa kakaisip.
Nagising ako dahil sa nanunuot na lamig. Hindi talaga ako sanay. Wala na pala akong kumot, wala rin si Aya sa tabi ko. Nasa banyo siguro, bukas ang ilaw eh. Ala una pa lang nang tingnan ko sa cellphone ko.
Nang humiga si Aya sa tabi ko ay niyakap ko agad sya at hinalikan sa pisngi.
“Ayoko ng kiss lang Amir,” bulong ni Aya. “Tapos sa pisngi pa.”
Napangiti ako. Pilya sya talaga at prangka.
“Teka lang,” sabi ko na tumayo at nagpunta sa banyo. Lagot sa akin itong mayabang na babaeng ito.
Hinalikan ko agad si Aya sa labi nang humiga ako sa tabi nya at sumuot sa ilalim ng makapal na kumot. Gumanti naman sya ng mainit na halik. Hindi nagbibitiw ang mga labi namin habang naglalakbay ang mga kamay ko sa katawan nya. Panay ang ungol ni Aya. Maging ang mga kamay din nya ay panay ang haplos sa akin. Hinubad na rin nya ang suot kong sweater at t-shirt. Damang dama ko ang init ng mga kamay nya sa bawat dampi sa bawat parte ng katawan ko.
Mayamaya ay bumaba na ang mga labi ko sa leeg nya, itinaas ko ang damit na suot nya. Tuluyan naman nyang hinubad yun kaya malaya na sina b1 at b2 na salitan kong sinipsip at dinila- dilaan.
“Oooohhhh, Amir,” ungol ni Aya habang hinahaplos ang buhok ko.
Hinanap ng kamay ko ang hiyas nya na ngayon ay basang basa na. Nilaro ko ang maliit na kuntil dun. Lalo lumakas ang ungol ni Aya, at sinasabunutan na nya ako, lalo kong pinagbuti ang pagkalikot sa ibaba nya at pagsipsip sa dalawang papaya nya.
Lalo akong ginaganahan sa bawat pag-ungol na naririnig ko sa kanya. Mayamaya ay pumantay na ako sa kanya at ikiniskis ko ang dulo ni junior sa pussy nya. Masarap sa tenga ang ungol nya.
Dahan dahan kong ipinasok ang alaga ko sa kanya. Ang sarap! Gustong gusto ko talaga ang pakiramdam na nasa loob nya ako habang basang basa sya, umuungol at sinasambit ang pangalan ko.
Mayamaya ay binilisan ko na ang paggalaw sa ibabaw nya, bumilis din ang pag-ungol at paghinga nya, hanggang sa sabay kaming labasan. Matagal pang nagbabad ang alaga ko sa loob nya. Siniguro kong nasaid lahat ng inilabas ko bago ko hinugot yun.
“Sarap!” Sambit nya na nakangiti.
Hays, tumigas na naman lalo si junior. Bakit ba ganito itong babaeng ito?
“Mahal kita, Ariza Yandy,” sabi ko habang nakayakap sa baywang nya at nanggigigil na hinalikan sya sa leeg.
“Huh!” OA nya ha. Alam ko aasarin na naman nya ako. “Sinabi mo na naman? Yiieee! Kilig ako Amir ha.”
“Dahil yun ang totoo,” sabi ko, hinalikan ko sya sa pisngi. “Sabi ng mama mo, loner ka daw? Mahiyain. Bakit hindi ganun ang nakikita ko sa yo?” Tanong ko. Ibabalik ko sa kanya ang pang-aasar nya.
“Walanghiya ba ako?” tanong nya na nakangisi. “O malandi?
“Hindi sa ganun. Masyado ka lang prangka,” sagot ko. “Nakakakilig nga eh. At nakakakaba para akin yang ginagawa at sinasabi mo.”
“Sa yo lang naman ako ganun eh. Komportable kasi ako sa yo,” sagot nya. Kinilig na naman ako. Sa dami ng lalaki, sa akin sya naging komportable. “Saka narealized ko, ang ikli lang kasi ng buhay, tapos hindi pa pwedeng ulitin. Kaya dapat gawin ko na yung gusto kong gawin. Gaya ngayon, dapat ienjoy ko ang panahon habang kasama pa kita,” sagot nya.
Napatingin ako sa kanya. Bakit iba ang feeling ko sa sinabi nya?
“Kasi aalis ka na naman mamaya. Baka matagal pa bago tayo magkita. Baka kalimutan mo na ako pag bumalik ka sa Manila. Baka last na ito,” sunud sunod na sabi nya.
“Baka ikaw yun,” sagot ko.
“Ako?” Tanong nya. “Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang mamatay ako.”
“Mamatay talaga?” tanong ko.
“Bakit? Ayaw mo ba?” Tanong nya.
“Gusto. Pero matagal pa naman yun di ba?” Tanong ko.
Hindi sya sumagot. Niyakap nya lang ako at sumiksik sya sa akin.
“Ano? Sumagot ka!” Sabi ko sa kanya. Inamoy ko ang buhok nya.
“Basta lagi mong tandaan na mahal kita. Saka gusto ko, lagi kang masaya.” Sabi nya. “Tulog na tayo.”
Bakit kinabahan ako sa sinabi nya?
Paggising ko ay wala si Aya sa kuwarto. 6:16 na sa cellphone ko. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Paglabas ko ay napansin ko ang isang organizer box sa ibabaw ng table. Nakaangat ang takip nun at wala sa loob na tiningnan ko ang laman. Tumambad sa akin ang iba’t ibang klaseng gamot. Binasa ko ang ilan sa mga iyon, hindi pamilyar sa akin.
Ang dami naman. Kung simpleng medicine kit ito, wala naman ditong paracetamol lang o mga gamot gaya ng pang-ubo o pangsipon. Alam ko, yung isa sa uric acid, may maintenance para sa blood pressure, pati pampababa ng sugar meron sya.
Natigil ako nang bumukas ang pinto. Nagkatinginan kami.
“Gising ka na pala,” sabi nya.
“Ang dami nito,” tiningnan ko sya ng matiim.
“Yung iba dyan, pinainom sa akin dati pa kaso may natira. Nakakalimutan ko kasi inumin.” Ngumisi sya.
“Paano ka gagaling kung hindi tama ang pag-inom mo?” Tanong ko. “Mag-alarm ka.”
“Kahit naman mag-alarm ako, nakakalimutan ko pa rin. Alam mo bang pitong beses nag-aalarm ang cellphone ko sa isang araw? Mula 4am hanggang 9pm. Nakakasawa na uminom ng gamot,” sabi nya na nakasimangot. “Hindi na rin naman ako gagaling.” Mahina na ang pagkakasabi nya nun.
“Suko ka na?” Tanong ko. “Ayaw mo na bang makasama ako?”
“Gusto.” Mabilis na sagot nya. “Kaso uuwi ka na mamaya. Wag ka na umuwi.” Sabi nya saka yumakap sa akin. “Dito ka na lang.”
Hindi ako sumagot. Ang sarap ng ganito sa umaga.
“Pupunta ako uli sa iyo ha,” sabi nya. “Hintayin mo ako dun.”
“Magpagaling ka muna.” Sagot ko.
“Baba na tayo. Gutom na ako,” sabay ganun? Hinila na nya ako.
Hays, bakit ganun sya?
Kasabay naming kumain ang mama ni Aya. Nagpaalam na ako na babalik na sa Manila mamaya. Umalis din sya pagkatapos kumain. Pupunta daw sa shop.
Napakalamig kaya nagjogging ako saglit sa palibot ng bahay. Kahit paano ay medyo uminit ang pakiramdam ko.
Chinicheck ko ang kundisyon ng motor ko nang dumating si Rico. Nagdalawang isip pa ako kung kokomprontahin ko sya tungkol sa sinabi nya sa kalagayan ni Aya o pabayaan na lang. Nanaig ang inis ko.
“Nakausap ko ang ina ni Aya,” napatingin sya sa akin. “Hindi daw totoong may taning na ang buhay niya.”
Nagulat si Rico. “So, totoong hindi pa sinasabi ni Ariza sa kanya,” seryosong sabi nya. “Sabi nya sa akin sya ang magsasabi kaya hindi na ako nakialam.”
Napakunot noo ako. Kinabahan.
“Totoo ang sinabi ko kahapon, Amir. Hindi naman ako tanga para gawing joke ang tungkol dun. Seryosong bagay yun at buhay ang pinag-uusapan. Paborito kong pinsan si Ariza. Gaya ng sabi ko, magkasama kaming lumaki,” sabi nya. Parang naluluha sya. “Ako ang kasama nya nung sinabi ng doctor yun at dinig na dinig ko yun. Kitang kita ko rin ang reaksyon sa mukha niya, kitang kita ko kung paano nya tinanggap agad ang sitwasyon nya at hindi na nagtanong pa. Hindi na nagconsider pa ng ibang options. Maniniwala ka ba na ako ang umiyak pagkatapos naming makausap ang doctor? Habang sya, niyakap nya ako at sinabing..
‘Oy Rico, tumigil ka nga sa pag-iyak dyan. Ako ang mamamatay, hindi ikaw. Lahat naman tayo, dun pupunta. Mauuna nga lang ako. Kung gusto mo sumunod ka agad eh para masaya.’ Tuluyan nang tumulo ang luha ni Rico. ” Nakuha pa nyang magjoke. Ibang klase sya,” Sabi pa ni Rico.
Tama, ibang klase talaga sya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Mas masakit pa ito kesa sa kahapon. May detalye na kasi. At nakikita kong may umiiyak na lalaki sa harapan ko, isang taong sobrang malapit kay Aya.
“Habang iyak ako nang iyak nun, tawa naman sya nang tawa. At mula noon, nagbago na sya. Lagi nang masaya. Lalo na nung maging kayo.” Dagdag pa ni Rico na medyo kumalma na.
Wala pa rin akong masabi. Mabigat sa dibdib. Isipin ko na lang na mawawala si Aya ay napakasakit na.
“Sinabihan sya ng doctor na subukan pa rin magpagamot sa ibang bansa. Hindi siguradong gagaling sya pero may chance. Kaso ayaw ni Ariza.” Sabi ni Rico na tuluyan nang tumahan.
Matagal nang wala si Rico ay nakatunganga pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang iisipin at gagawin.
Umakyat na ako. Hindi ko alam kung paano haharapin si Aya.
“Anong nangyari? Bakit tulala ka dyan?” Tanong ni Aya sabay pitik sa ilong ko.
“Wala ka bang sasabihin sa akin?” Tanong ko. Gusto ko sa kanya manggaling.
“Mahal kita,” sabi nya.
“Mas mahal kita. Kahit hindi mo mahal ang sarili mo,” sagot ko.
“Gagawin ko lahat para ‘yo,” dagdag pa nya.
“Magpagaling ka,” ako na tinitigan sya sa mga mata.
“Anong oras ka uuwi?” Tanong nya.
Napailing na lang ako. Tama si Rico. Tinanggap na ni Aya ang kalagayan nya. Hindi na mababago ang pasya nya tungkol sa pagpapagamot.
“Pinapaalis mo na ako,” malungkot na sabi. Ayoko na lang magtanong. Wala rin mangyayari.
“Eh di dito ka na lang. Ayaw mo nga rin eh,” sabi nya na yumakap sa akin.
Hindi na ako nagsalita. Dinama ko ang mainit na yakap ni Aya. Tama sya, baka ito na ang huli. Baka hindi na kami magkita uli.
Sinulit ko ang mga natitirang sandali na kasama si Aya. Lagi lang kaming magkayakap at lagi ko syang hinahalikan. Ayaw kong magpakita ng kalungkutan habang kasama ko pa sya. Dapat masaya lang kami. Dapat magandang alaala lang.
Hanggang sa pag-alis ko ay wala na akong inungkat pa kay Aya alam kong wala naman din syang balak magsabi ng totoo.
“Aalis na ako,” paalam ko. Mabigat sa loob ko na tinitigan sya.
“Bye mahal ko.” Sabi nya na nakangiti. Ngiti na may kahalong lungkot.
Bahagya akong yumuko at ginawaran sya ng magaang halik sa labi. Pero hinawakan nya nya ang pisngi ko at diniinan ang halik. Saka yumakap sa batok ko.
“Mahal na mahal kita Amir. Gusto ko lagi kang masaya,” sabi nya sa tenga ko habang mahigpit ang pagkakayakap.
“Magiging masaya ako kung gagaling ka at magpapakasal tayo,” sagot ko.
Matagal pa kaming magkayakap. Nang bumitaw sya ay nakita kong may luha sya. Umiiyak din pala ang masayahing si Aya… Ang mahal kong si Aya.
Umalis na ako na may mabigat na kung ano sa dibdib. Hindi ko na napigil ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. Nararamdaman ko, iyon na ang huling pagkikita namin ni Aya-ko.
Bihira na kami magchat ni Aya. Ang totoo, ganun pa rin sya sa dati. Ako ang bihira na makapagreply sa kanya. Busy kasi ako sa trabaho. Napili akong ipadala ng kumpanya sa Australia, nag-aasikaso ako ng mga papers na kailangan ko.
Hindi ko na lang sinabi kay Aya ang tungkol dun. Sinabi ko lang na busy ako. Mabuti na yung ganito, may iba akong mapagtutuunan ng pansin kesa mag-isip nang mag-isip sa kanya. Isa pa, magandang opportunity ito para sa akin, mas makakaipon ako.
‘Seen,’ chat ni Aya. Pagkatapos ng maraming chat na hindi ko nareply.
“Busy lang,’ reply ko.
‘Ganyan ka ba kabusy para hindi ako mareply?’
‘Sorry.’
‘Iblock mo na kaya ako kesa umasang irereply mo.’ Inis na siguro sya.
‘Back to work na ako,’ pag-iwas ko. Ayaw ko naman iblock sya. Gusto ko pa ring mabasa ang mga pag-aalala nya. Hindi pa ako handang mag-isa na naman.
Sa paglipas ng mga araw ay wala naman nagbago sa kanya. Ganun pa rin. Chat nang chat. Kung kumain na ba ako, kung nakauwi na. Lagi daw akong mag-ingat.
Hays… Nasasaktan ako, minsan nirereply ko sya pero minsan sinasadya at tinitiis kong wag na lang. Kahit missed na missed ko na sya. Kahit gusto ko na naman syang puntahan.
Nakakausap ko pa rin kasi si Rico. Sinabi nya sa akin na bumalik si Aya sa trabaho pero ngayon ay bilang designer lang. At mukhang wala raw talagang balak magpagamot.
‘Seen na naman,’ chat nya.
‘Busy,’ reply ko.
‘Nagbago ka na talaga. Hindi mo na ako lab. Siguro may iba ka na.’
‘Tamang hinala?’ tanong ko.
‘Anong gusto mong isipin ko?’
Hanggang isang araw ay napuno na sya…
‘Iblock mo na ako parang awa mo na, nahihirapan na ako eh,’ chat nya. Damang dama ko ang message nya.
‘Sige na please. At least kung blocked, wala na akong magagawa. Hindi ka na maiistorbo, hindi na maaabala sa mga ginagawa mo. Hindi na kita maoobliga na ichat ako.” Nasasaktan ako sa mga messages nya pero tinitiis ko.
‘Sa fb mo ako iblock, para hindi ko na rin makita ang account mo. At sana habangbuhay na ha.’ Napangiti ako ng mapakla. Gaano ba katagal ang habangbuhay para sa kanya?
‘Yun ba talaga ang gusto mo?’ Reply ko. ‘Seryoso na ako.’
‘Oo. Masakit na eh.’ Sagot nya..
Nasasaktan na sya. Nasasaktan ko na sya. At binlock ko sya kahit ayaw ko. Sana lang marealized nya na ayaw kong hanggang chat na lang kami.
Naghintay ako ng ilang araw kung tatawagan nya ako. Umasa ako na hindi nya ako matitiis, pero wala. Hanggang umalis na ako papunta ng Australia. At tuluyan ng wala kaming communication sa loob ng mahigit sa isang buwan.
Sobrang lungkot mag-isa. Lalo na at malayo sya. In-unblocked ko sya uli. Hindi ko matiis. Gusto ko syang makausap. Missed ko na sya. Sobra!
‘Kumusta,’ chat ko.
Walang reply.
‘In-unblocked kita. Hindi kita matiis.’
‘Pasensya na, hindi ko kaya ang habangbuhay na hindi ka makausap o makachat man lang.’
Araw araw ko syang chinachat pero ni hindi siniseen. Tinatry kong tawagan ang number nya. Wala na. Hanggang pati fb account nya na dummy lang naman ay wala na rin. Deleted o deactivated, hindi ko alam.
Sinubukan kong tawagan si Rico. Ilang beses din yun bago nya masagot.
“Hello,” sagot nya. Malabo at hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Parang tinanong nya kung sino ako. At sinabi na nasa labas sya.
“Rico, si Amir ito. Gusto ko lang kumustahin si Aya,” sabi ko agad. Wala akong dapat sayanging sandali.
“Si Ariza?” Tanong nya na paputol putol. “Hindi mo nabalitaan? Wala na sya…buntis sya….gamot…..mama nya,” At may mga iba pa syang sinasabi na hindi ko maintindihan. “Tawag ka….. uli. Malakas ulan…. Bagyo..” At nawala na sya sa linya.
Bagsak ang balikat ko pagkatapos ng tawag. Wala na daw si Aya? Tama ba ang pagkakaintindi ko? At nabuntis sya? Paano mabubuhay ang bata kung marami syang iniinom na gamot?
Kasalanan ko eh. Sinabihan na nya ako na bawal sa kanya magbuntis. Yun ba ang dahilan kaya namatay siya?
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ang tanga ko kasi, bakit sinunod ko ang gusto nya na iblock ko sya? Bakit tiniis ko na hindi man lang sya tawagan. Bakit nakipagmatigasan ako? Ni hindi ko man lang sya nakausap bago sya nawala.
Ang sakit sa dibdib, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong makipagbugbugan sa mga oras na ito. Napakasakit. Bakit iniwan ako ng Aya? Wala akong nagawa kundi umiyak. Napakalayo ko sa kanya.. Si Aya-ko, wala na…
Gusto ko pa sanang tawagan uli si Rico para sa detalye pero ipinasya kong wag na lang. Sasaktan ko lang ang sarili ko. Nagpasya ako, pati si Rico ay binlock ko na rin. Ayaw ko na magkaroon pa ng kaugnayan sa kanila.
Pero kahit anong gawin ko ay hindi sya mawala sa isip ko. Ang maganda nyang mukha, mga paglalambing, ang init ng mga yakap at halik nya, parang nararamdaman ko pa. Ang malambing nyang boses, lagi kong naririnig.
Baliw na ata ako. Kaya pinagod ko ang sarili ko sa trabaho. At kapag umuwi ako sa bahay ay umiinom na lang ako para makatulog agad. Nakasanayan ko na ang ganitong pamumuhay. Naging regular na kasama ko na ang alak.
Ang training kong anim na buwan lang sana ay itinuloy ko na sa kontratang dalawang taon. Inadopt ako ng branch sa Australia dahil nagustuhan nila ang trabaho ko. Nagpakabusy ako para kahit sandali ay malimutan ko si Aya. Ang mahal kong si Aya.
Pagkatapos ng dalawang taon kong kontrata sa Australia ay umuwi na ako. Gusto ko na sanang magresign sa trabaho para magnegosyo na lang pero nahiya naman akong magpaalam. Malaki ang utang na loob ko sa kumpanya kaya nagpatuloy ako sa pagtatrabaho ko dun.
“Ang lakas mong uminom,” natatawang sabi ng kagrupo ko sa rider’s club dati. Sya ang pinakapinagkakatiwalaan ko kaya sya ang kinausap ko tungkol sa negosyong gusto kong simulan.
Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.
- Our Love Story (Aya) 15 – Finale - March 24, 2021
- Our Love Story (Aya) 14 - March 24, 2021
- Our Love Story (Aya) 13 - March 23, 2021