Our Love Story (Aya) 7

Our Love Story (Aya)

Written by Bluzombii

 

Ayaw kong mawalay sa kanya kaya nagpasya ako. Mahal ko na talaga sya at sigurado na ako.

“Basta pupuntahan kita at kakausapin ko ang mama mo, pati yung mapapangasawa mo sana.” Sabi ko.

Aalis na kasi sya bukas, susunduin sya ng pinsan nya.

“Bahala ka,” sabi nya.

“Kung gusto mo pati papa mo eh,” biro ko pa. Patay na kasi ang papa nya.

Natawa sya. “Pwede rin, puntahan natin.”

“Magpagamot ka ha, magkakaanak pa tayo ng twelve,” sabi ko.

“Baboy lang ang peg?” Tawa sya nang tawa.

“Masaya kaya pag marami,” sabi ko sa kanya. Nag-iisa kasi ako kaya gusto ko maraming anak.

“Sige, kung saan ka masaya,” sagot nya.

“Ang tanong, masaya ka ba baka naman ako lang ang may gusto,” sabi ko.

“Lahat ng gusto mo, gusto ko rin,” sagot nya.

“Sige, gusto kong magpakasal tayo,” kitang kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha nya. Nalungkot? Natakot? Nag-alala?

Lahat ng agam-agam ay nakita ko sa mukha nya. Pinipressure ko ata sya masyado.

Nanahimik sya buong maghapon. Buti na lang wala akong pasok sa pag-alis nya. Nakausap ko pa ang pinsan nya.

“Bye mahal ko,” paalam ni Aya. Malungkot na nakangiti sya, ako rin naman.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Magkikita pa naman kami eh.

“Wag pasaway ha. Wag kumain ng bawal. Magpagaling ka ikakasal pa tayo,” bilin ko habang yakap pa rin sya.

“Magpapagamot ako para sa yo,” sabi nya.

“Wag mong gawin para sa akin. Gawin mo para sa sarili mo,” sabi ko.

“Gusto ko para sa yo eh. Wag na nga lang,” parang batang sabi nya, nakasimangot.

Hays! “Para sa yo muna, paano ka magmamahal ng ibang tao kung hindi mo magagawang mahalin ang sarili mong buhay. Wag matigas ang ulo, Ariza Yandy,” naiinis na sabi ko.

“Ikaw ang buhay ko, Amir,” sabi nya. Hinalikan ako sa pisngi. “Ingatan mo sarili mo ha, lagi ka ring nagkakasakit.”

Tsk! Naiiyak ako sa pinagsasasabi nya.” Sige na, tatanghaliin kayo.” Pagtataboy ko. Baka kasi pag nagtagal pa ay pigilan ko syang umalis.

Pumasok ang pinsan nya at kinuha ang mga gamit nya.

“Sige na,” sabi ko pero hindi ko naman sya binibitawan, yakap ko pa rin.

Hinalikan nya ako sa labi, ginantihan ko naman yun ng mainit at matagal na halik.

“Hays, alis na at baka pigilan pa kita,” nakangiti ako pero deep inside, shit, masakit!

Bumitiw sya at naglakad na palayo sa akin. Hindi ko na tiningnan habang paalis sya. Ayokong makita. Pero nung narinig kong umaandar na ang kotse ay napatakbo ako sa labas at tinanaw ang papaalis na sasakyan. Hays, totoo na ito, wala na talaga. Umalis na talaga sya.

Balik sa dati ang boring kong buhay mula nung umalis si Aya, tatlong linggo na mula noon.

Napapangiti lang ako kapag may chat sya… Mga chat na kakaiba, nakakapagpainit, pilya, at mga banat na sya lang talaga ang makakaisip, weird kasi. Kaya lagi kong inaabangan ang mga yun kapag madaling araw, sa umaga bago ako umalis, kapag lunch break, sa uwian sa gabi at pag-uwi ko ng bahay. Miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na ang makulit at pasaway na babaeng yun.

Hindi ako makakapagleave sa trabaho kaya sa rest day ko na lang balak pumunta sa Baguio para makita siya.

Nag-aalala na ako sa kanya. Nagsend sya sa akin ng pictures ng binti nya na may sugat, kinamot lang daw nya yun, eh ang laki. May mga sugat din sa braso nya.

Hays, gustung gusto ko na syang makita uli ng personal. Mayakap, makatabi sa pagtulog, at mahalikan.

Halos hatinggabi pa ay umalis na ako sa apartment. Dalawang oras lang ang tulog ko. Hindi alam ni Aya na ngayon ako pupunta. Nag-usap pa kami sa phone bago matulog.

“Kumain ka na mahal?” Tanong nya sa akin.

“Tapos na,” sagot ko. “Matutulog na nga ako e, tulog na tayo. Antok na ako.”

“Ang aga naman, may lakad ka bukas ano?” Tanong nya.

“Masama ang pakiramdam ko,” sagot ko.

“Huh? Na naman?” Natatawa ako sa tono nya. “Mag-ingat ka nga. Mas sakitin ka pa sa akin eh,” sabi nya.

“Wow, hiyang hiya naman ako sa kalusugan mo,” sarcastic kong sabi. “Eh isa lang naman ang malusog sa ‘yo ‘no?” Dagdag ko pa.

Tawa sya nang tawa. “At least may malusog.” Napapangiti akong naririnig syang tumatawa.

Hays, lalo ko syang namiss. Naiimagine ko ang katawan nya, ang b1 at b2 nya, at ang pussy. Shit, manyak na talaga ako.

“Uminom ka na ng gamot?” Tanong nya. “Sakitin!”

“Hays, wala lang kasing nag-aalaga sa akin,” sabi ko. Baka maawa.

“Sa akin din, wala,” sagot nya.

“Dito ka na kasi sa akin. Ako ang mag-aalaga sa iyo,” sabi ko. “Dali na, balik ka na dito.” Asa pa ako. Kainis.

“Miss na kita Amir,” sabi nya.

“Mas miss kita,” sabi ko naman.

“Mahal kita,” sabi pa nya.

“Mas mahal kita, kahit hindi mo mahal ang sarili mo,” sagot ko.

“Mas mahal kasi kita kesa sa sarili ko,” sagot nya. Eto na naman sya.

“Iprioritize mo ang sarili mo, wag ako,” sabi ko sa kanya.

“SOP tayo,” sya.

Sabay ganun? Hays! “Ayoko, masama ang pakiramdam ko,” tanggi ko.

“Damot mo talaga!” sabi pa nya.

“Tulog na tayo.” Pag-iiba ko ng usapan. Baka mapatulan ko pa ang gusto nyang SOP eh, ako rin ang mahihirapan. Isa pa, magkikita naman kami bukas. “Tabi tayo ha. Payakap!”

“Okay, sige, pahinga ka na,” sabi nya.

“Pakiss muna,” sabi ko.

“Muah,” sabi nya. Hays sobrang miss ko na talaga sya.

Hindi ko namalayan na malayo na pala ang narating namin ni white cherry. Buti na lang at nakikisama itong partner ko, hindi nagloloko. Hindi ako naiinip, palapit kami nang palapit ni Aya sa isat isa…at excited na ako.

Tanghali na nang makarating ako sa lugar nina Aya. Alam ko na kung saan, katext ko kahapon ang pinsan nya at ibinigay ang kumpletong address nila. Antok na ako at pagod pero maisip ko lang na makikita ko na si Aya ay nawawala lahat yun.

Tiningnan kong mabuti ang address na itinext ng pinsan ni Aya, pati ang kulay daw ng gate. Hindi ko sure kung tama ang pinuntahan ko. Isang mataas at malaking bahay ang nasa harapan ko, hanggang third floor at may malawak na bakuran. Gusto ko na lang umalis.

May ten minutes na ata akong nakatayo sa harapan ng gate. Hindi ko magawang pindutin ang doorbell. Tinitingnan ko ang bahay, salamin ang second at third floor nun. Maganda ang pagkakalandscape ng harapan at gilid ng bakuran. Kung dito talaga nakatira si Aya, buti natiis nyang tumira sa masikip na apartment na inuupahan ko. Tapos naglalaba pa sya, namamalengke, nagluluto at naglilinis dun. Nakakahiya sa kanya. Ano ba kasing nakain nya at nagpakita sya sa akin? Kuntento naman ako na magkachat lang kami dati. Eto tuloy, mas kumplikado na ang sitwasyon.

Hays. At sa wakas ay nagpasya akong umalis na lang. Kakain muna ako, gutom na ako eh.

Isusuot ko na sana ang helmet ko nang may kumalabit sa likod ko.

“O, Amir. Kanina ka pa ba?” Ang pinsan ni Aya na si Rico ang nalingunan ko.

“Ahm, hindi naman masyado,” pagsisinungaling ko. Eto na, hindi na ako makakaurong pa.

“Tara sa loob.” Yaya nya at nagdoorbell.

Maya maya ay may lumabas na matabang babae at binuksan ang gate. Siguro nasa mid thirties pa lang ito.

“Teng, buksan mo ang main gate at ipapasok nya ang motor nya,” utos ni Rico sa nakauniform na babae. Sumunod naman ito kaso tingin nang tingin sa akin. “Asan si Ariza?” Tanong nya matapos kong ipasok ang motor ko.

“Nasa itaas po sir,” sagot ng babae na sure ako na isang katulong.

“Si Tita?” Tanong pa sya habang pumapasok kami.

“Nasa shop po,” sagot ng babae.

“Oo nga pala, sya si Amir. Ang boyfriend ni Ariza,” pakilala ni Rico.

Lalo akong tiningnan ng babae, parang nagulat.

“Maghanda kayo ng pagkain,” utos ni Rico. “Kumain na si Ariza?”

“Opo sir, kanina pang 11:30,” sagot ng matabang katulong bago tumalikod.

Napatingin tuloy ako sa relo ko, mag-aala una na pala.

May isa pang babaeng nakauniform din ang sumalubong pa sa amin. Nakangiti sya.

“Maganda tanghali po,” nakangiting bati ng babae. Payat sya at mukhang masayahin, mga nasa early twenties sya.

“Patty, puntahan mo sa itaas si Ariza. Tingnan mo kung anong ginagawa nya,” utos ni Rico sa babae.

“Yes sir,” sagot nya saka umakyat sa itaas.

Simple at kaunti lang ang mga kasangkapan sa bahay, karamihan ay salamin. Mga tables pati hagdan ay salamin. Ang mga flower vases, figurines at frames ay bubog.

“Ganito ang business ng pamilya namin, mula sa lolo namin na namana namin, glass,” paliwanag ni Rico. “Pero si tita, yung mama ni Ariza, may gift shop, mga flowers, chocolates at stuffed toys.”

Tumango lang ako. Wala akong idea. At ayokong magmukhang tanga. Ang dami daming lihim ni Aya. Hays.

“Si Ariza, bago sya pumunta sa Manila ay nagtatrabaho sa glass factory as production department head. Magaling din yan magdesign, kaso hindi sila magkasundo ng ate ko na syang OIC, tapos may sakit pa sya kaya pinagresign na lang ni tita,” dagdag pa ni Rico, ayun, buti na lang may totoo sa mga sinabi nya.

Ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang lalaki. Magkaiba ang hitsura nila ni Aya. Si Rico ay may pagkachinese, si Aya ay mukhang taga middle east.

“Alam mo bang may lahing Iranian ang ama ni Ariza?” Tanong ni Rico.

“Hindi eh.” Sagot ko. “Ang totoo, wala syang naikwento sa akin kahit isa sa mga sinabi mo,” pag-amin ko.

“Sir, nakahanda na po ang pagkain,” sabi ng matabang katulong.

“Hindi ka naman nagagalit sa kanya di ba?” Tanong ni Rico habang papunta kami sa dining area. Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Ano pa kayang hindi nya sinasabi sa akin? Hays, parang marami pa ah.

Sinabayan ako ni Rico na kumain. Gutom ako pero hindi ako masyadong makakain. Iniisip ko si Aya. Ano ba naman kasing aasahan ko sa dummy account? Natural puro kasinungalingan talaga. At kahit nagkita na kami, hindi pa rin nagsabi ng totoo.

Maya maya pa ay dumating na ang katulong na inutusan.

“Sir nanonood po ng tv,” sabi ng katulong na payat. “Nagpapaakyat po ng French fries. Di ba po bawal sa kanya yun?”

Napapailing ako na napapangiti. Talaga naman o, pasaway.

“Saging at apple ang dalhin nyo sa kanya. Pero mamaya na,” sagot ni Rico.

Umalis na rin ang payat na katulong. Nagpatuloy si Rico sa kwento nya.

“Sabay kaming lumaki ni Ariza, mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Tahimik lang sya at hindi friendly. Ang totoo, ako lang ang kaibigan nya. Kahit nung lumaki kami, suplada yan. Papa’s girl. Mabait, na sa sobrang bait ay ayaw ipaalam sa parents nya na may sakit sya dahil ayaw nyang mag-alala sila. Hanggang sa mamatay na lang ang papa nya,” mahabang pagkukwento ni Rico.

“Ano bang sakit nya?” Lakas loob na tanong ko. Hindi ako handang malaman yun pero gusto kong alamin.

Tiningnan ako ni Rico, at pigil hininga akong naghintay. “Sa kanya mo na lang itanong,” sagot nya. Sabay ganun? “Ayokong pangunahan si Ariza sa mga ginagawa nya, pasensya na,” sabi pa nya.

Naintindihan ko naman. Tama nga, si Aya dapat ang magsabi sa akin.

“Pero mahal na mahal ka nun. Noon lang yun humiling kay tita, ang puntahan ka at makasama kahit isang buwan. Inihatid ko sya noon sa apartment mo. Mahirap kasi para sa kanya magcommute ng malayuan. Isa pa, gusto ni tita malaman kung saan ang saktong lugar,” sabi pa nya.

“Sabi nya may fianc na raw sya?” Tanong ko. Sa dami ng sinabi nya, isa lang ang tumatak sa akin.. Mahal na mahal ako ni Aya. Alam kong totoo yun,walang duda dahil naramdaman ko.

“Oo, pero ayaw naman nila sa isa’t isa. Sinabi sa akin ni Ariza na inalok mo raw sya ng kasal,” sabi nya.

“Oo, kaso. ..”

“Kaso tinanggihan nya? Alam mo ba kung bakit?” Tanong nya.

“Sa nakita ko ngayon, ang dami nyang sikreto, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan. Siguro dahil mahirap ako,” sagot ko. Malamang kasi na yun talaga. “At iniisip nya na hindi ko sya kayang ipagamot o bigyan man lang ng maayos na tirahan.”

Umiling si Rico. “Alam mo bang ayaw naman talaga nyang magpagamot kahit may pera sila? Sinabi nya sa akin na ayaw nyang magpakasal sa yo dahil ayaw nyang mahirapan ka. Sobrang mahal ka nya at ayaw nyang dumagdag pa sya sa mga iniisip mo. Ayaw nyang problemahin mo pa sya. Sa totoo lang, gusto nya na kalimutan mo na sya. Malamang sa mga susunod na araw ay bigla ka na lang nyang hindi ichachat. O tatawagan,” sabi pa nya.

Napatingin ako kay Rico.

“May taning na ang buhay nya. Ilang buwan na lang ang itatagal nya.” Sabi nya na nagpatahimik sa akin.

Hindi pa rin ako makamove-on sa mga sinabi ni Rico sa akin. Tapos na kaming kumain at inutusan nya ang maid na samahan akong umakyat sa itaas. May bitbit na prutas ang maid.

“Hindi mo naman aawayin si Ariza di ba?” Paniniguro ni Rico. Alanganin ang ngiti nya.

Halata nga siguro na naiinis ako pero mukha na ba akong murderer? “Gusto ko lang malaman ang mga bagay bagay. Marami syang ipapaliwanag sa akin,” sagot ko.

“I hope you’ll listen to her. I can see anger in your eyes,” sabi nya at tinapik ako sa balikat.

Ang totoo, halu halo ang nararamdaman ko habang paakyat kami. Naiinis ako kay Aya. At naaawa. Pero nangingibabaw pa rin ang pagkamiss ko sa kanya. Hays, ano ba kasi ang gagawin ko sa babaeng yun?

Mga pinto na animo kuwarto ang nasa second floor, may terrace sa labas ng maluwag na pinto sa dulo. Nagpatuloy lang kami sa pag-akyat.

Madilim sa third floor at sinanay ko pa ang mata ko bago ko makita ang maluwag na sala na bumungad sa amin. May kaunti lang kasing angat ang kulay navy blue at makapal na kurtina na nakapalibot sa buong palapag.

“Anong trip nya?” Tanong ko sa maid.

“Gusto po talaga ni miss Ariza, lagi syang nasa dilim,” sagot nito.

Binuksan ng maid ang ilaw at tumambad ang malaking TV, malambot na mga upuan at malaking speaker. May maliit na refrigerator din sa isang gilid. Nilapitan ng nya ang nakasaradong pinto at kinatok.

“Miss Ariza,” tawag nya.

“Andyan na ba ang French fries ko?” Pasigaw na tanong ni Aya.

Napapailing ako na natatawa. Hays, ang kulit talaga. Sarap na naman nyang panggigilan.

“Wala po eh,” malakas na sagot ng maid na napatingin sa akin. Parang nagpapatulong.

“Magagalit ba sya?” tanong ko sa matabang katulong.

“Hindi po, mabait po si Miss Ariza,” sagot nya. “Kaya po nakakahiyang suwayin eh. Sobrang bait po nya.”

Napangiti ako. “Sige, iwan mo na ako dito. Ako na ang magbibigay nyan sa kanya para hindi ka makonsensya,” sabi ko.

Tumango ang sya at ibinigay sa akin ang tray ng prutas.

Maya maya ay bumukas ang pinto. Nakarobe lang at nakabalot ng towel ang buhok ni Aya. Kung sa ibang pagkakataon, susunggaban ko agad sya, yayakapin at hahalikan. Hays… Ang gandang salubong naman nito.

Halata sa mata ni Aya ang pagkagulat nang makita ako. “Amir? Weh, di nga?” Hindi sya makapaniwala.

“Hindi ako ito ano? Aparisyon lang ako,” masungit na sagot ko.

“Huh! Ikaw nga!” Malakas na sabi nya at niyakap ako agad at kahit pa may hawak akong tray ng prutas sa gitna namin, hindi yun hadlang para halikan pa nya ako sa labi. Torrid huh! Gaya ng dati, pinabayaan ko na lang, gusto ko rin naman eh. Hindi ko nga lang ginantihan ang masarap sanang halik na yun. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko.

“Missed na kita,” sabi nya saka yumakap sa akin pagkatapos ng mainit na pagsalubong nya sa akin.

“Katanghalian eh ang dilim dilim dito. Akala ko nasa kuweba kami eh,” panimula ko. Kailangang simulan ko ang pagiging masungit. Alam kong dadaanin na naman ako nito sa paglalambing eh.

“Eh di paliwanagin,” sabi nya na lumapit sa dingding at hinila ang isang bahagi ng kurtina sa side na hindi mainit.

“Maraming bagay nga akong gustong liwanagin. Madilim eh.” Parinig ko. “So dito pala ang bahay nyo?” Tanong ko.

“Ay hindi, katulong lang ako dito,” sagot nya saka tumawa. Hays, nakuha pang magbiro.

Inirapan ko sya.

“Ang sungit talaga ng mahal ko,” sabi nya na lumapit uli sa akin at niyakap ako.

Napansin ko agad ang sugat sugat sa maputi nyang braso. “Tsk! Ano yang mga yan?” Tanong ko. Nakakainis lang kasi, naaamoy ko ang bango nya, gusto ko syang yakapin pero kailangan kong panindigan ang sinimulan kong paninikis sa kanya.

“Wala, kinamot ko lang yan,” sagot nya. Lumayo sya agad sa akin, umiwas. “Magbibihis lang ako.”

Napabuntung hininga ako. Sinundan ko sya sa kuwarto at ako na ang nagtanggal ng roba nya.

“Tsk!” May maliliit na sugat sya sa dibdib at tiyan. Namumula ang mga sugat dahil sariwa pa. May puti puti yun na katibayan na natanggal na ang balat. I’m sure, mahapdi ang mga iyon.

“Ang kati kasi eh,” sabi nya. Hindi ko alam kung natatakot ba sya sa akin o ano.

“Makati, eh ngayon, ano na?” Naiinis pa ring tanong ko. Nakakunot noo ako.

“Hindi ko nararamdaman,” sabi nya.

Ako ramdam ko, ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko dahil nakapanty lang sya sa ilalim ng robe. Nag hello sa akin sina b1 at b2. Napalunok na lang ako. Sarap sanang sipsipin ng dalawang papaya nya.

“Sige, magbihis ka na. Baka hindi ako makapagpigil eh. Pagod pa naman ako,” sabi ko. Pinili ko na lang magbiro, wala naman akong magagawa. Alangan naman awayin ko sya. Ako, nakakapagpigil na awayin sya, pero si amir junior, galit na galit na.

“Kumain ka na ba?” Tanong ni Aya habang isinusuot nya ang T-shirt nya. Lokang ito, hindi nagsuot ng bra.

“Tapos na, kasabay ko si Rico,” sagot ko. Umupo ako sa kama habang nakatingin pa rin sa kanya. Baby blue ang karamihan kulay sa loob ng kuwarto nya. Gaya ng ibang bahagi ng bahay, salamin at bubog din ang karamihan sa mga kagamitan nya dito.

“Palit ka ng damit mahal, pagod ka sa byahe. Nagmotor ka lang?” Tanong nya.

“Oo,” maikling sagot ko.

“Gusto mo magshower bago magpahinga?” Tanong nya. Lumapit sya sa akin.matapos nyang isuot ang isang cotton shorts.

“Oo, nanlalagkit ako. Ahm, okay lang ba na dito ako sa kuwarto mo? Baka magalit ang mama mo, nakakahiya,” naaalangang tanong ko.

“Ano naman nakakahiya dun? Eh one month nga tayong magkasama apartment mo,” sabi nya. “Okay lang yun.”

Hindi na lang ako sumagot. Hinalungkat nya ang bag na dala ko at ikinuha ako ng T-shirt, shorts at briefs.

Hays, namiss ko ang ganitong pag-aasikaso nya sa akin. Ang paghahanda ng mga gamit ko sa pagpasok sa trabaho. Paghahanda ng pagkain sa umaga at gabi, pati pambaon ko sa tanghali. Pero kesa magsenti at ibalik ang nakaraan ay pumasok na ako sa banyo sa loob ng kuwarto nya na puro salamin din. May shower curtain lang sa palibot para hindi makita sa labas. May bath tub na gawa rin sa makapal na salamin, pati lababo, shower at mga gripo, at mga patungan ay bubog. Buti na lang yung bowl ay hindi salamin. Natawa ako.

Naginhawahan ako sa maligamgam na tubig na lumalabas sa shower. Totoong malamig sa Baguio at nagtataka ako dati kung bakit at paanong ligo nang ligo si Aya (sinasabi nya sa GC kaya alam ko). Ngayon alam ko na, kung ganito kaganda ang banyo, mapapaligo ka talaga lagi.

“Matutulog ka?” Tanong ni Aya paglabas ko sa banyo. Nakaupo sya sa gilid ng kama habang sinusuklay ang mahabang buhok.

“Hindi na muna, may kailangan tayong pag-usapan,” sabi ko. Tiningnan ko sya. Siniguro ko na makikita nyang naiinis talaga ako.

Nakatingin sya sa akin. Siguro naninibago sya na hindi ako sweet sa kanya ngayon. Grabe ang mata nya talaga, hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayang magmatigas.

“Sorry,” narinig kong sabi nya. Nagulat ako sa sinabi niya. Wala pa nga akong sinasabi eh nagsorry agad.

“Bakit ka nagsosorry?” Tanong ko. Umupo ako sa kabilang bahagi ng kama. Ayokong dumikit muna sa kanya.

“Alam ko, marami akong kasalanan,” sagot nya, tapos tumitig na naman sa akin.

“Ano bang kasalanan mo?” tanong ko. Para na naman syang bata na may nagawang kalokohan at nahuli ng nanay nya.

Tiningnan nya ako ng masama.

“Ano?” Tanong ko na nakataas ang kilay. Napapangiti na ako pero hindi ko pinapakita sa kanya.

“Marami nga,” Sabi nya.

“Isa isahin mo nga,” Sabi ko. Gusto ko nang tumawa sa hitsura ng mukha nya. Pati tono ng boses nya na may lambing sa dulo. Gusto ko na talaga syang yakapin.

“Kagaya dito sa bahay namin, kaya ko lang naman hindi sinabi sa yo kasi hindi naman na kailangan. Saka hindi naman natin napag-usapan yun dati, tapos nalimutan ko na lang banggitin,” tingnan mo, nagpaliwanag agad.

Nag-isip ako. “Okay, sige. Pero yung tungkol sa sakit mo, tinanong kita di ba? Ni hindi mo man lang sinabi na malubha ang sakit mo. Di ba nagtanong ako?” Ayun, medyo napataas Ang boses ko. Inis na talaga eh.

“Ayoko lang namang mag-alala ka sa akin.” Sabi nya na nakatungo. “Ayokong dumagdag pa sa mga iisipin mo.”

“Ganun? At akala mo naman hindi kita iniisip lagi?” Tanong ko.

“At least, positive yung pag-iisip mo. Eh kung sasabihin ko sa iyo ang sakit ko, puro negative na lang ang maalala mo sa akin. Na sakitin ako, mamamatay na, at walang kwenta,” sabi nya at kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya.

Napalunok ako. Pero nakita ko ring hindi sya iiyak, grabe ang babaeng ito, mas mukha ngang palaban eh, yung tipong parang mas galit pa sya kesa sa akin.

Pero mabilis ding nagbago ang ekspresyon ng mukha nya, agad lumambot. “Basta sorry na please,” sabi nya saka lumapit sa akin at umupo sa kandungan ko at ikinawit ang mga braso nya sa batok ko. Tinitigan nya ako sa mata at maamo na uli ang mukha nya. Lumamlam uli ang mga mata nya at ibinaon ang mukha nya sa leeg ko.

Hays, eto na naman sya eh. Iniyakap ko sa baywang nya ang mga braso ko at hinaplos ang likod nya. Hays. Hindi ko na sya kayang tiisin.

“Ano ba talagang sakit mo?” Tanong ko.

“Ang hirap ng tanong. Next question please,” sabi nya na nakayakap pa rin sa akin. At kahit hindi ko nakikita ang mukha nya, alam kong nakangiti sya.

“Ginagawa mo na namang biro ang lahat eh,” sabi ko, nasa boses ko ang pagkainis pero sa loob ko, bibigay na talaga ako.

“Hindi ah,” sabi nya na tumingin sa akin at nakangiti. “Ang serious mo naman kasi.”

“Aya kasi, Ariza o kung ano man ang pangalan mo…” sabi ko na napatigil dahil tumayo sya. “Aya kasi,” sabi ko nang umupo uli sya paharap sa akin.

“Sorry na ha,” bulong nya at hinalik halikan ako sa mukha. Magaan lang ang mga halik at nakikiliti ako.

“Aya,” sinubukan kong iiwas ang mukha ko sa kanya pero hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

“Miss na kita Amir,” bulong nya at hinalikan ako, ngayon sa labi na.

Hindi na ako nag-inarte pa, namimiss ko rin naman sya at ito rin naman ang gusto kong gawin sa kanya. Isa pa, useless na magmatigas pa dahil nagsisimula na ring tumigas si junior.

Ginantihan ko sya ng mas mapusok at mainit na halik habang hinahaplos ang bawat parte ng katawan nya.

Maya maya ay bumitaw sya “Mahal na mahal kita ,” bulong nya.

“Mas mahal kita kahit hindi mo mahal ang sarili mo,”sagot ko habang nagtititigan kami. Patuloy lang sa paghaplos ang mga kamay ko. “Tulad ng sinabi ko, unahin mo ang sarili mo, hindi ka pwedeng magmahal ng iba kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo.”

Hindi sya sumagot.

“Magpagamot ka ha. Di ba magpapakasal pa tayo?” Oo, umaasa naman talaga ako na magpapakasal kami balang araw.

Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.

Bluzombii
Latest posts by Bluzombii (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x