Our Love Story (Aya) 15 – Finale

Our Love Story (Aya)

Written by Bluzombii

 

Two weeks before our wedding ay pumunta na ako sa Baguio para tulungan si Aya sa iba pang kailangang ayusin para sa kasal.

Ngayon ko napatunayan na sobrang reserved ni Aya-ko.

“Amir…” tawag ni Aya sa akin paglabas nya ng banyo. Maaga kaming umakyat para magpahinga. Hapon na rin ako nakarating kanina.

Napalingon ako sa kanya. Agad bumaba si Prince mula sa pagkakakarga nya at tumakbo sa akin. Hubad.

“Dadi!” Tili ng makulit na bata.

“Grabeng batang ito, nakakapaghubad pa, maginaw,” sabi kong sinalubong si Prince at niyakap sya agad.

“Sanay na yan sa lamig,” sagot ni Aya.

Ang daya, nagsabay na naman kayo,” kunwari ay nagtatampo ako.

“Tsk! Sige, bukas kayong dalawa na ni Prince ang magsabay,” sabi Aya na inirapan ako. Kumuha sya ng damit ni Prince at inihagis sa akin.

Ang sungit na naman nya, di ko naiwasang mapangiti.

“Ano palang sasabihin mo? Bakit mo ako tinawag?” Tanong ko habang isinusuot kay Prince ang damit nya.

“Ah, oo nga. Hmmm, pwedeng baguhin ang venue? Ayoko na sa simbahan,” sabi nya na umupo sa gilid ng kama.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. “Huh? Nakacommit na tayo sa church di ba? Okay lang ba yun?”

“Nakausap ko na si Father, wala namang kaso yun. Sya pa rin naman ang pari,” sabi nya.

Natawa ako. So nakausap na nya ang pari bago pa nya sabihin sa akin. Sigurista. Hays, mahal ko talaga itong babaeng ito. Kakaiba talaga sya.

“Saan mo na pala gusto?” Tanong ko.

“Dito lang sa bahay,” sagot nya.

Natawa na naman ako. Grabe si Aya-ko, pati kasal nya, gustong itago. Sabagay, maganda at malawak ang garden nila. Ayos nga rin yun.

“Okay, kung yun ang gusto mo,” pagpayag ko.

“Payag ka?” Natutuwang tanong nya.

“Kahit anong gusto mo Aya-ko. Saka hindi mahalaga sa akin ang lugar. Ang importante, makasal tayo,” sagot ko.

“Salamat!” Sabi nyang nakangiti sabay halik sa pisngi ko.

“Gusto ko masaya ka,” sabi ko.


Wala namang naging problema sa pagbabago ng venue. Ganun pa rin naman ang mga kakailanganin. Lugar lang ang naiba.

Sa gabi bago ang kasal dumating sina Fred at girlfriend nyang si Jai, kasama ang boss ko na isa sa mga ninong, pati ang iba naming kasamahan sa shop at riders club. Kaunti lang ang pumunta sa mga kamag-anak nina Aya-ko. Maliban sa pamilya ni Rico, mga empleyado sa kumpanya nila ang iba.


Sa araw ng kasal namin ay nauna na akong bumaba. Hindi ko pa nakita si Aya-ko simula kagabing matapos ang party.

Napakaganda ng ayos ng malawak na garden ng mga Aranas. Lalong sumigla ang paligid sa magaganda at mamahaling bulaklak na maayos na inilagay sa lugar.

Mula sa pinakaentrance ng garden hanggang sa dulo sa may groto kung saan itinabi ang ginawang altar, napuno iyon ng ibat ibang kulay at klase ng mga bulaklak na si Aya-ko ang pumili.

Powder blue at light pink ang kulay ng mga accessories at kurtinang ginamit bilang motif.

Walang mapagsidlan ang kaligayan ko, parang naninikip ang dibdib ko sa kaba. Totoo na talaga ito, malapit na malapit na. Magiging asawa ko na si Ariza. Makakasama ko na sila ni Prince araw araw. Hays…

Nang dumating ang pari ay agad na nagtawag ang coordinator para masimulan na ang seremonya, lalong lumakas ang kaba ko.

Pumila na kami at naglakad papunta sa altar. Bestman si Fred, maid of honor ang kapatid ni Rico na babae (ang laging nakakabanggaan dati ni Aya sa trabaho).

Abay din sina Paul at dalawa pa naming kasama sa rider club. Mga pinsan naman ni Aya ang mga bridesmaids.

Si Prince ay karga ni Teng, nakabarong din sya na katulad ng design ng suot ko. Behave ang maliit na bata at nakaupo lang. Buti hindi humabol sa mommy nya. Hahaha.

Maya maya pa ay andyan na si Aya. Naluluha ako nang makita ko siya na napakaganda sa kanyang puting gown. Ang totoo, ayaw nya sana ng puti. Hiniling ko lang sa kanya, buti at pinagbigyan. Bagay na bagay sa kanya ang simpleng design nito.

Nakangiti si Aya-ko habang naglalakad papalapit sa amin. Ibang ngiti yun, hindi katulad ng ngiti nya kapag naghaharutan kami . Alam ko at kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya kasaya. Nakatingin sya sa mga mata ko at pakiramdam ko, sinasabi nya kung gaano nya ako kamahal. Tsk! Yun ang interpretation ko, wag na kayo kumontra.


Naging napakasolemn, tahimik at maayos ang kasal namin ni Aya-ko, kaunti lang ang bisita pero alam ko na totoo lahat ang mga iyon kay Aya, pati na sa akin.

Ang pinakahighlight ng kasal para sa akin ay ang isang part ng vow ni Aya.

“…kung darating ang pagkakataon na mabibiyayaan uli tayo ng anak, uulitin ko ang ginawa ko noon. Itataya ko ang buhay ko para sa magiging anak natin. Alam kong iyon lang ang maibibigay ko sa yo, maliban sa pagmamahal ko. At kahit ilang pagsubok pa ang dumating, hindi ako susuko para sa iyo, at para sa pamilya natin. Mahal na mahal kita.”

Minsan lang magseryoso si Aya-ko. Lagi kasi syang makulit. Laging maharot. Hays, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala uli sya sa buhay ko.

Matapos ang seremonya at konting picture taking ay tuluy tuloy na sa reception sa kabilang bahagi ng garden. Doon inihagis ni Aya-ko ang bouquet, na nasalo ng isa sa mga pinsan nya. Ganun din ang garter na hawak ko na nasalo naman ni Paul. Sila tuloy ang pinagpi-pair ngayon.

Natapos ang masayang kulitan at kung anu-anong traditional activities sa reception, batian, picture taking, pagbubukas ng ilang regalo, pag-entertain sa mga bisita, pahinga kami saglit.

Nung hapon ay nag-celebrate naman kami ng birthday ni Prince. Mga bata naman ang bisita nya na mga anak ng mga katrabaho ni Aya-ko at mga kapitbahay at kamag-anak nila dun.

Hyper ang maliit na bata. Good mood at hindi nag-inarte. Panay ang tili, tawa, takbo at laro nya. Tamang tama yun mamaya, siguradong pagod sya at matutulog agad mamayang gabi. Walang iistorbo sa amin ni Aya-ko

Bakit ganun? May anak na kami ni Aya-ko pero excited pa rin ako sa honeymoon namin. Malakas pa rin ang kaba at excitement, just like the first time na may nangyari sa amin.

Itinabi muna ni mama Arla si Prince sa kanya sa pagtulog. Doon daw muna si Prince sa kanya hanggang sa umalis kami.

Dalawa lang kami ni Aya sa third floor kaya itinodo na namin. Natulog lang kami saglit at nagising ako na may humahaplos sa tiyan ko. Sarap na panggising yun. Nagkunwari pa akong natutulog pa. Mainit ang mga kamay ni Aya-ko. Isama pa ang labi nya na mumunting humahalik sa leeg ko, pababa sa dibdib. Hays! Galing ng asawa ko.

Mayamaya pa ay bumaba na ang kamay nya sa puson ko, at bumaba pa. Itinigil nya ang paghalik sa dibdib ko.

“Hmmm, gising ka na eh. Kunwari ka pa,” bulong nya malapit sa tenga ko.

Natawa ako ng malakas. “Ang sarap eh, more pa, Aya-ko,” paglalambing ko sa kanya.

Natatawa rin sya at hinampas ako sa dibdib “Loko ka. Ayoko na nga,” kunwari ay nagtatampo sya. Hinuli ko ang kamay nya at sa isang iglap, ako na ang nasa ibabaw.

“Ako na nga lang ang bahala,” bulong ko saka hinalikan sya sa labi. At yun! Nauwi na sa… alam nyo na.

Make love till we drop kami sa gabi ng kasal.

Maghapon kaming nagkulong lang ni Aya-ko sa kuwarto nung sumunod na araw. Si Prince ay isinama ng Lola nya mamasyal. Mamimiss daw nya ang apo nya kapag umalis kami.

Two days pa kaming nag-stay sa Baguio bago kami umuwi sa Cavite. Kasama namin si Teng para makatulong ni Aya sa gawaing bahay at sa pag-aalaga kay Prince.

Pagdating namin sa sarili naming bahay at nafamiliarize na uli si Prince sa mga tao doon, pumunta kami ni Aya-ko sa isang private resort sa Pansol, Laguna para sa honeymoon namin.

Ayaw sana iwan ni Aya-ko si Prince, hindi pa raw sila nagkahiwalay mula nang ipanganak ito. Nakiusap ako sa kanya na tumuloy kami, buti na lang at napapayag ko sya.

Masaya ako syempre.

Kitang kita sa mukha ni Aya ang paghanga sa resort. Maganda naman kasi talaga, nasa itaas yun ng bundok at kitang kitang ang view sa ibaba. Medyo mahal ang bayad pero sulit naman kaya okay lang. At ang pinakamaganda dun ay solo namin ang lugar. Kaming dalawa lang talaga ang andun. Walang ibang iisipin, kami lang.

“Magastos na Amir, okay lang ba?” Tanong ni Aya-ko, gabi na. Nasa second floor kami ng villa at nakatanaw sa mga ilaw ng mga bahay at iba pang establishments sa ibaba.

“Minsan lang naman ito, Aya-ko. Minsan lang tayo maghahoneymoon,” nakangiting sabi ko. Idinidikit ko sa may likuran nya ang sobrang tigas kong alaga.

“Oo nga, mahal ang bayad dito kaya dapat masulit natin.” Pilyang sabi nya. Humarap sya sa akin at nang-aakit na ngumiti.

“Simulan na natin,” anas ko at hinila ko sya papasok sa kabahayan.

Agad ko syang hinalikan sa labi kahit hindi pa kami nakakapasok sa kwartong pinili namin. Ganun pa rin ang pakiramdam, masarap pa ring halikan si Aya-ko, masarap pa ring yakapin.

Bumitaw sya at hinila ako papasok sa kuwarto. Itinulak nya ako kama at nagsimula nang maghubad. Sh*t! Ang hot talaga ng asawa ko, lalong tumigas si junior at naninikip na sa loob kaya naghubad na rin ako habang nakahiga sa kama.

“Wow, you’re so hard na mahal,” sambit ni Aya.

“Kanina pa,” sagot ko. “Sigurado mabilis lang ito.”

Yumuko sya at hinalikan ako. Gumanti ako ng halik habang hawak ang isang dibdib nya. Narinig ko syang umungol. Mainit na ang halikan namin, namalayan ko na lang na hinahagod nya si junior. Ahhh, ang sarap, napapaungol na rin ako.

Hinabol ko pa ang labi ni Aya-ko nang umupo sya, gusto ko pang matikman ang labi nya. Umangat sya at itinutok si junior sa sobrang basa na nyang pussy, at ipinasok yun. Hmmm.

Umuungol kami pareho habang gumagalaw sya sa ibabaw ko, pero dahil magkalapat pa rin ang mga labi namin ay mahina lang yun. Maya maya pa ay bumitaw si Aya sa halikan namin, marahan nya akong itinulak at mabilis na gumiling sa ibabaw ko.

“Aaahhh, Aya-koooo,” ungol ko. Hinagilap ko ang b1 at b2 nya at nilamas yun.

“Ang sarap mo Amir, ooohhh,” ungol din nya habang hawak ang kamay ko na hakahawak sa dibdib nya.

Naramdaman kong malapit na kaming labasan pareho, hinawakan ko ang balakang nya at tinulungan ko sya para maipasok ng sagad.

“Aaaaahhh…ooooohhhh,” sabay na ungol namin nang sabay kaming labasan. Umupo ako at hinalikan sya sa labi.

“Ang sarap nun Aya-ko,” bulong ko.

“Lagi namang masarap eh,” sagot nya. Halatang pagod sya pero nakuha pang ngumiti.

“Tama. Laging masarap at lalong sumasarap. Lalo kang gumagaling.”

Habang lumilipas ang panahon ay lalong umiinit ang pagmamahalan namin. Si Prince ay lumalaking mabait na bata. Naging maayos at maligaya ang pagsasama naming pamilya at wala na akong mahihiling pa sa buhay.

Masasabi kong successful ako sa career ko. Kahit laging pagod sa trabaho, excited akong umuuwi sa bahay araw araw dahil alam kong may naghihintay sa akin. Maayos din ang takbo ng negosyo, dumarami ang kliyente at lumalaki ang tindahan namin.

After three years ay nag-asawa na rin si Laila. Ang napangasawa nya, si Jeff na dinaan nya sa tiyaga. Oo, si Jeff ang napagbalingan ng pansin ni Laila dahil sa pang-aasar nito sa kanya.

Walang samaan ng loob sa pagitan namin. Katunayan, sina Aya at Laila ay naging mabuting magkaibigan.

Pitong taon si Prince nang mabuntis uli si Aya-ko. Nag-alala ako nung una pero siniguro ng doktor na maayos na ang asawa ko.

“Aya-ko, sigurado ka bang kaya mo?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa hindi pag-iingat.

Anim na buwan na ang tiyan nya at nasa hospital dahil kailangan nyang magpahinga.

“Sus, okay lang ako ‘no? Di ba sinabi naman ng doctor?” nakangiting sagot ni Aya. Mukhang masaya syang magkakaanak na kami uli.

“Ayaw kong mawala ka, kailangan ka namin ni Prince, pati ng baby,” hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan.

“Kaya ko naman, wala ka lang tiwala,” sabi pa nya na mukhang nagtampo.

Mula noon, hindi ko na kinuwestiyon ang kakayahan nya pagdating sa pagbubuntis nya. Ayaw kong sumama ang loob niya. Nakita ko ang determinasyon nyang mailabas na ligtas ang bunso namin.

Sinusunod nya lahat nang sinasabi ng doktor. Hindi sya nagpapasaway mula sa pagkain hanggang sa mga activities na dapat nyang gawin.

Sa araw ng panganganak nya ay panay ang dasal namin ni Prince.

“Daddy, wag ka na po magworry,” sabi ni Prince habang nasa chapel kami ng hospital. “Kayang kaya yan ni mommy.”

Ngumiti ako sa kanya. “Oo nga, kaya yan ni mommy. Strong and brave si mommy eh,” sagot ko. Hinawakan ko ang kamay nya.

“Sana po dad, kamukha ni mommy si baby,” nakangiting sabi ni Prince.

“Huh? Ayaw mong maging kamukha natin sya?” Tanong ko.

“Okay lang po. Pero girl eh, mas okay kung kamukha ni mommy, para maganda rin,” sagot nya.

“Hmmm. Tama yun anak. Kasi tayong dalawa, gwapo! Di ba?” Nakangiti na ako. Nakakahiya naman sa anak ko kung ako pa ang magpapakita ng kahinaan sa kanya.

Lumawak din ang ngiti ni Prince.

Pagkalipas ng ilang oras, natapos ang caesarian operation ni Aya-ko, sinabi ng doktor na okay na ang mag-ina. Ligtas silang dalawa at naluha ako sa sobrang kaligayahan.

Ilang sandali pa ay nakita na namin ang baby.

“Kamukhang kamukha sya ni Prince nung baby pa,” sambit ni mama Arla nang makita ang baby girl.

Nagulat ako, at napangiti. Ibig sabihin, kamukha ko rin? Hahaha, sorry na lang ang mahal kong Aya-ko, kamukha ko ang mga anak namin.

Dutchess ang ipinangalan ni Aya-ko sa baby girl namin na kamukha nga rin namin ni kuya Prince. Napakacute nya na baby, kahit kalook-alike namin sya, mas soft ang features nya (kasi nga girl).

Maayos naman ang kalagayan ni Aya-ko pagkatapos manganak. Ramdam ko, mas lalo ko syang minahal. Hindi ko akalain na may level pang itataas ang pagmamahal ko sa kanya.

“Baby, baby,” wiling wili si Prince sa baby sister nya. “Daddy o, hinahawakan po nya ako, tapos nagsmile pa,” sigaw pa niya na tuwang tuwa, mahigpit na hawak ni baby girl ang isang daliri ng kuya nya.

Natawa kami ni Aya. Kapapasok ko lang nun sa kuwarto, katatapos ko lang maglaba ng mga lampin ni baby. Buti na lang at tuwing restday ko nagdi-day off ang kasama namin sa bahay na pinsan ni Teng. (Wala na si Teng sa amin, nag-asawa na sya at pinsan nya ang pumalit.)

“Inayos mo ang paglaba? Baka may amoy pa ha,” tanong ni Aya-ko sa akin, halatang nang-iinis lang sya.

“Ay hindi, may mga yellowish pang nakadikit dun,” biro ko. Lumapit ako sa kanya at magaang hinalikan sya sa labi. “Syempre naman inayos ko, Aya-ko. Pagkatapos kong paikutin yun sa washing machine, kinusot ko pa uli para sure.”

“Okay, sabi mo eh,” sabi nya. “Hmmm, kaya mo pa? Magluluto na ng lunch,” sabi nya saka tumingin sa wall clock.

“Ako pa? Kung gusto mo umisa pa tayo eh,” nakangiting sagot ko. Kinuha ko ang mga bakanteng hanger sa nakasabit sa cabinet.

Tumawa lang si Aya-ko. Isang buwan na mula nung manganak sya at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-aano. Mahigit tatlong buwan na yung huli. Miss na miss ko sya.

“Tawa ka lang dyan ha. Lagot ka sa akin kapag pwede ka na,” natatawa ring pagbabanta ko sa kanya.

“Akala mo naman takot ako? Ihanda mo ang sarili mo,” sagot nya. Mas lumakas ang tawa ko.

Hays, nagsisimula nang tumigas si junior. Lumabas na lang ako sa kuwarto at bumaba. Nagsampay na ako ng mga nilabhan. Sunod ay nagluto na ako ng tanghalian namin. Napapangiti ako maisip ko lang si Aya-ko. Hays… Mahal ko talaga ang babaeng yun.

Gaya ng ibang couples, nagkakatampuhan din kami ni Aya-ko, pero dahil lang sa mga mumunting bagay, katulad na lang ng kung anong ulam, hahaha. Pero madalas ay sa pagdisiplina sa mga anak namin. Masyado siyang istrikto at high blood, ako, cool lang.

Sa paglaki ng dalawang bata, napansin ko na mas close pa rin si Prince sa mommy niya. Nung grade two si Prince at unang magkacrush ay sa mommy nya sya nagsabi. Lalo na nung maggrade seven siya at unang magkagirlfriend, si Aya-ko ang una nyang sinabihan. Hindi tumutol si Aya nun, pero pasimple ang discouragement na ginawa nya para umayaw si Prince sa girlfriend nya. At hindi na umulit na manligaw si kuya.

Mas habol naman sa akin si baby girl, na tuwing umaalis ako papunta sa trabaho ay lagi na lang naluluha. Sabagay, malambing din sya sa mommy nila pero dahil masungit si Aya, mas gusto nya sa akin. Masyado kasing sensitive si Dutchess. Kaunting pang-aasar ng kuya nya, iyak agad, kaunting sigaw ng mommy nya, iyak.

Kumpleto na talaga ang buhay ko. Career, pamilya, at maliit na business. Syempre nasa gitna namin si God kaya mas tumitibay ang samahan namin.

Pero hindi lahat ay puro saya lang. Forty years old si Aya nang malaman namin na meron syang sakit sa puso.

Mas naging maingat kami nun sa pakikitungo sa kanya, lalo na ako.

Pero sabi nga ng mga millenials, walang forever.

Sa edad na forty six ay pumanaw si Aya-ko. Twenty one na nun si Prince at kagagraduate lang ng college, thirteen naman si Dutchess na maggigrade 8.

Napakasakit sa akin ng nangyari, pero inisip ko na lang na maswerte kami ng mga anak namin ni Aya-ko na nakasama pa namin sya ng ganun katagal. Iniwan nya ako na malalaki na ang mga anak namin at naihanda na nya sa mangyayari sa kanya.

Mahirap para sa amin na mag-adjust na wala na talaga si Aya-ko. Pero unti unti ay natanggap namin.

Hindi na ako nag-asawa. Masaya akong kasama ang mga anak namin.

Ngayon ay senior citizen na ako at may apat na apo. Tigdalawa na ang anak nina Prince at Dutchess.

Masaya ako na maayos ang pamumuhay ng mga anak namin ni Aya-ko.

Si Prince na isang architect ay nabili ang bahay dati nina Laila kaya malapit lang sila sa amin, ipinarenovate nila yun ng asawa nyang si Nami, isang teacher. Ang mga anak nila ay sina Brenth at Dave.

Dahil nagtapos naman si Dutchess ng business management pero gusto pa ring alagaan ang asawa at mga anak nya, sya na ang nagmanage ng shop na hanggang ngayon ay maayos ang takbo at mas matatag pa dahil sa mas dumaming kliyente. Sarili na namin iyon, nang magkasakit kasi si Fred at mamatay ay hindi na nagkainteres pa si Jai kaya ibinigay ko na sa kanya ang share nila.

Sa bahay nakatira ang pamilya ni Dutchess, nagpapasalamat ako na pumayag ang asawa niyang si Mark na isang accountant. Ang dalawa nilang anak ay sina James at Keenan.

Lahat ng apo namin ay lalaki at alam kong magiging matino sila gaya ng mga magulang nila.


Masaya akong naghihintay na lamang ng tamang panahon. Panahon para magkasama uli kami ng mahal kong si Aya.

*** THE END ***

~~~~~~~~~~~~
*Behind this story

Magandang araw po!

Una, salamat po sa lahat ng mga nagbasa ng story na ito, originally ‘Our Love Story’ sa wattpad dinagdagan ko lang po ng ‘(Aya)’ since lahat po ng stories ko dito ay names ang title.

Noong 2018, una ko itong pinost sa mga fb groups, ang title nito ay ‘Our Short Love Story’ since ang plano ko naman talaga ay short story lang ito at tragic talaga ang ending. But as the story goes, maganda yung pagtanggap ng readers sa sweet love story nina Aya at Amir. Yung tipong magwawala sila at magagalit sa akin kapag sobrang sad ng ending. So humaba sya nang humaba at naiba ang ending.

Hindi pa po yun ang story behind. Alam nyo ba, na lahat ng exchange chat messages nina Aya at Amir ay true? Chat namin yan ng first ex – online bf ko. Lahat ng harutan dyan, landian, totoong chats namin.

Naisip kong gawin ang story noong sobrang miss na miss ko sya dahil binlock nya ako for the nth time, na hindi ko na naman alam ang dahilan. Yung sa sobrang namemorize ko na yung mga parts na naaabot ng backread ko, ginawan ko na ng story.

Isinaisantabi ko muna ang on-going story ko noon na ‘Nang Mainlab si Grae’ (na hanggang ngayon ay hindi pa tapos ) para lang magawa ko itong story na ito.

So sinimulan ko sa simula ng love story namin. Amir’s POV ang ginamit ko kasi ayaw kong malaman ng readers yung totoong nararamdaman ni Aya.

Sweet si Amir kapag magkachat kami, magkausap sa phone, magkatext, pero may mga panahong bigla bigla sya mangbablock ng walang dahilan, bigla nya ako hindi kakausapin sa phone. Ako naman, wait lang sa kanya kung kailan nya ako ia-unblock. Na kapag nagchat na uli kami ay parang walang nangyaring gap sa amin, back to normal lang.

Si Amir sa gc, alam ng lahat na may partner sya at two kids, na sabi nya sa akin ay kasama nyang nagbabasa ng story na sinusulat ko nung time na kuya pa ang tawag ko sa kanya.

May iba pa syang niligawan noon sa gc namin, noong nilinaw nya sa amin na naghiwalay sila ng partner nya, iniwan sya kasama ang mga bata.

True din yung about sa sakit issue, madalas ako sa hospital noon at madalas nya sabihin sa akin na magpagamot ako dahil magpapakasal pa kami… umasa ako, at nagpagamot.

Nasa hospital ako noong binlock nya ako bigla. Noon ko sinimulan isulat ang story nina Aya at Amir habang naghihintay na i-unblock nya ako. Naghintay ako ng matagal, inspired pa akong magsulat noong umpisa dahil umaasa ako na susulpot sya, unblocked na ako at magiging normal uli sa amin ang lahat.

Masaya yung nga readers ng story kasi damang dama daw nila, kinikilig, naiinlove, nawewet, tinitigasan, ngumingiti, tumatawag mag-isa at umiiyak daw sila sa story.

Until the time na sinabi ng friend namin sa gc na tingnan ko daw ang profile pic ni Amir gamit ang ibang account, and I did.

Ang sakit sakit nung time na yun, sa picture happy family sila, na hindi lang nung time na yun. Sa account ng asawa nya maraming nakapost na pamilya sila. Hindi sila totoong naghiwalay.

Nakasched ako nun for operation, at nasa part na ng story na ikakasal na sina Aya at Amir. Ayaw ko na tapusin nun yung story at natengga for more than a month. Gusto ko na lang patayin ng tuluyan si Aya. O kaya naman patayin sa aksidente si Amir.

Nanghinayang ang pamangkin ko na nagsusulat din ng story kaya hiningi nya permiso ko na sya na ang magsusulat ng wedding scene dahil hindi ko talaga kaya. Ayoko nung una, sabi ko gawin nya, tapusin nya pero patayin na nya si Aya. Yun ang original plan, yun ang gusto ko. Pinaliwanagan nya ako at kinausap, tapusin ko raw ng maayos para hindi madis-appoint ang readers.

Mahirap pero tinapos ko pa rin sa tulong ng pamangkin ko. Nasunod ang gusto kong patayin si Aya, pero isiningit nya ang gusto nya na bigyan ng mas light na ending kaya ayun, yan ang kinalabasan.

After ng story na ito nagpahinga ako sa fb ng 6 months, nagpagaling (kahit hindi naman talaga gumaling). Then balik uli sa dating activeness sa mga gcs at fb groups, nagwattpad na rin at naisulat ko nga yung mga one shot sex stories.

Tinanggap ko naman po na hindi kami pwede, sobrang hirap at sakit nga lang. Yung tanging dahilan kaya ginusto mong mabuhay ay sya pang manloloko sa iyo, at magiging dahilan na gugistuhin mo na lang mamatay. Kaya pala lagi nyang sinasabi na dapat para sa sarili ko kaya ako magpapagamot, hindi para sa kanya.

Hindi ko naman pinangarap na maging kabit, hindi ko ginustong makasira ng pamilya, hindi ko lang talaga alam. Nagkachat pa kami after nun, galit sya sa akin. Sya pa talaga ang nagalit sa akin lalo na nung sinabi ko na ginawa nya akong kabit. Buti nga hindi kami nagkita, at least puso ko lang ang nawasak.

Pasensya na, pati yun naikwento ko pa. Dito ko lang kinuwento ang tunay na nangyari noon, tutal tapos na yun. Saka ang readers ko dati, mga wattpad readers, karamihan teenagers, may kakulitan. Saka ayaw ko naman siraan si Amir sa kanila.

Hmmm, wala na akong masabi. Salamat po uli sa mga nagbasa. Pasensya na po kung may mga ka-eng-engan kayong nabasa.

~~~~~~~~~~~*~

SA LAHAT PO NG SUMAMA KINA AMIR AT AYA SA KWENTO NG PAG-IBIG NILA, SA MGA KINILIG, NALUNGKOT, NAKIIYAK, TINIGASAN AT NAWET, NAGALIT, NATUWA AT NA-INLOVE, MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA.

May iiwan po akong kaunting kadramahan.

**** Tama sila. Walang forever.

Pero may true love...
Mahahanap mo ang sa 'yo sa anumang paraan. Kapag nasalubong mo na, hawakan mo agad dahil minsan lang sya dadaan. Maaring babalik din pero kadalasan, may makakasalubong syang iba at pwedeng hindi na sya pakawalan.

Pag-isipan mabuti kung saan pupunta bago ihakbang ang paa, baka sa maling direksyon ka mapunta.

Mag-ingat sa mga nakakasama mo, baka yung akala mong totoo, yun pala ang hindi tapat sa yo.

Hindi lahat ng balewala sa yo babalewalain ka. At hindi lahat ng mahal mo ay mahal ka.

Writer:
— ALYANA R. AMAJAM —
Yana Rosales (fb)
@bluzombii (wattpad)

*** PAALAM! ***

Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.

Bluzombii
Latest posts by Bluzombii (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories