Our Love Story (Aya) 14

Our Love Story (Aya)

Written by Bluzombii

 

Nawili na ako sa kakatingin kay Prince na maganang kumakain.

Kumain na rin ako. Sumusubo subo na rin si Aya, kaunti na lang ang pagkain sa plato ni Prince. Tahimik si Aya kaya tahimik din lang ako. Nang maubos ko ang pagkain sa plato ko ay ininom ko ang kapeng tinimpla nya. Saka ko ininom ang gamot na nakahanda na rin.

Gusto nang bumaba ni Prince sa upuan pero hinugasan muna sya ni Aya ng kamay bago pinakawalan.

Umupo uli si Aya-ko sa inuupuan nya. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

“Salamat,” sabi nyang nakangiti. “At sorry na rin.”

“Para saan?” Tanong ko.

“Sorry sa mga walang kwenta kong pagseselos,” sabi nya.

Naalala ko tuloy yung eksena ni Laila. Masasabi ko bang may batayan ang pagseselos nya? Hindi ko naman pinatulan si Laila.

“Effort naman kasi mahal, hindi mo naman kailangang gayahin ang hitsura ng third floor sa bahay namin eh,” sabi nya. Tama, ginaya ko ang hitsura ng third floor nina Aya, mula sa salaming dingding at karamihang gamit. Pati ang sofa at laki ng TV, ang kama at ibang gamit sa kuwarto.

“Ayaw kong manibago si Prince.,” sabi ko. “Saka ikaw, gusto ko komportable ka.”

“Sus, alam mo naman na kahit saan ako tumira, basta andun kayo ni Prince, sapat na sa akin.” Sagot nya.

Kinilig ako sa narinig ko. “Ayaw kong magtiis ka gaya ng dati. Tapos hindi mo sinasabi sa akin mga nararamdaman mo,” medyo sumungit ako.

Tumayo sya at tumungo sa akin. “Basta, salamat.” Sabi nya at hinalikan ako sa labi.

“Bitin,” nakangiting sabi ko nang bumitaw sya.

“Kis,” sambit ni Prince na nasa likuran na pala ni Aya-ko. Nakangiti sya.

“Yang mommy mo kasi Prince, Panay tsansing sa akin. Panay ang kiss,” kunwari ay sumbong ko kay Prince.

Narinig kong tumawa si Aya-ko.

“Kiss, mamiii,” sabi pa ni Prince na pumalakpak at tuwang tuwa.

“Hayaan mo, di na mananyansing si mommy,” tumatawang sabi ni Aya sabay tingin sa akin.

“Hala sya! Joke lang yun, hindi naman masama yun, basta sa akin lang,” sabay bawi ko.

“Wag na, hindi na lang. Nahiya na ako,” sabi ni Aya.

Hala sya, nagtampo na. Joke lang naman yun.

Tumayo ako at nilapitan sya habang naglalagay ng plato sa lagayan.

Niyakap ko sya mula sa likuran. “Joke lang yun mahal ko,” bulong ko sa kanya.

“Alam ko,” sagot nya. “Lagot ka sa akin mamaya,” inalis nya ang kamay ko sa baywang nya at pinuntahan si Prince at kinarga. “Ligo ka na baby,” saka iniwan ako.

Sh*t! Ano na naman kayang gagawin nya para malagot ako? Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

Hays… Excited na para mamaya.

Pagkatapos maligo ng mag-ina ay bumaba kami sa shop. Sabay silang naligo, ang daya, hindi ako isinama.

Karga ko si Prince na excited na makakita ng ibang tao. Syempre proud ako habang pinapakilala ko sa kanila ang mag-ina ko.

Noon ko lang nakita si Aya na makiharap sa ibang tao. Lagi syang nakangiti at nakikipagbiruan kina Fred, Glenn at Jeff, assistant ni Glenn sa paggawa ng motor.

“Grabe Ariza, buti napagusto ka dyan kay Amir,” biro ni Fred na nakangisi.

“Chat chat lang naman kasi nung una. No harm. Malay ko bang maiinlove ako?” Sagot ni Aya-ko na natatawa.

“Ang sungit kaya nyan. Suplado pa,” dagdag pa ni Fred.

“Hay, sinabi mo pa. Pafamous eh. Taray ng lolo mo,” si Aya.

“Paano mo sya napaibig?” Tanong ni Fred.

“Dinaan ko sa kulit. Suplado sya, sweet ako. Masungit sya, mabait ako. Ayun, nagswak,” sagot ni Aya-ko.

“Buti mabait ka,” si Fred.

Natatawa na lang ako sa kanila.

“May bonus pang maliit na Amir,” sabi ni Glenn.

“Oo nga, astig. Kamukhang kamukha ni boss. Walang nakuha sa nanay nya,” si Jeff naman.

“Parang hindi ka masaya Jeff, na hindi kamukha ng nanay nya si Prince,” pang-aasar pa ni Fred.

“Nanghinayang lang boss,” sagot ni Jeff. Natawa kami.

“Galit na galit sya sa akin nung buntis sya eh,” seryosong sabi ko, sabay tingin kay Aya. “Kaya ko naging kamukha si Prince.”

“Hindi ako galit nun. Namiss nga kita,” sagot ni Aya na nakangiti sa akin. Niyakap nya ang braso ko at lumapat yun sa malalaki nyang papaya. Sarap.

“Aaayyy, kilig much!!!” Pagpapatawa si Fred, na nagkunwaring bakla ang boses.

Natawa tuloy lalo kami.

Maya maya ay kinalabit ako Fred, itinuro nya ang papalapit na si Laila. May dala na namang mangkok na nasa plato. Hays, ano na naman kaya yun? Nang lingunin ko si Aya ay busy sya sa pagpupunas ng kamay ni Prince na nadumihan ng grasa. Nakialam kasi sa mga gumagawa ng motor.

“Hi,” bati ni Laila na nakangiti. Sa akin talaga nakatingin.

“Wow, Laila. Ano yan ha? Mukhang masarap ah,” ganting bati agad ni Fred. “Salamat ha.”

“Para kay Amir ito, sabaw,” sagot ni Laila.

Nagkatinginan kami ni Fred. Napatingin uli ako kay Aya-ko na papalapit na. Karga si Prince.

“Dadiii,” tawag nya na excited na naman. “Dadiii,” ulit ni Prince nang makalapit na sila sa akin. Gustong kumarga sa akin kaya kinuha ko.

Tingin nang tingin sa amin si Laila. Pagkatapos ay kay Aya naman.

Buti na lang at hindi sya pinapansin ni Aya-ko. At habang andun sya, tahimik ang lahat. Ang tagal pa bago sya nagpaalam, iniwan ang mangkok ng ulam na dala dala nya.

Inutusan ko muna si Jeff na bumili ng ulam para sa lunch namin bago ko niyayang umakyat uli ang mag-ina.

“Amir,” tawag ni Aya nang mauuna na ako.

“Akina si Prince,” sabi ko.

“Ako na magkakarga sa kanya. Yung ulam na binigay ng kapitbahay, di ba para sa yo yan?” Tanong nya.

Nagkatinginan kami ni Fred. Napatingin din sina Glenn at Jeff.

Lakas ng radar ng babaeng ito.

“Sa kanila ata yan,” sagot ko.

“Sa yo yan, ang liit liit ng lagayan para sa kanilang tatlo,” giit ni Aya-ko. “Di ba?” Tanong pa nya kay Fred, na walang nagawa kundi tumango.

Well, hindi ko masisisi si Fred, nakakatakot na ang aura ni Aya, iba na kesa sa kanina.

Wala na lang akong nagawa kundi dalhin ang mahiwagang mangkok na yun, nauna na si Aya karga si Prince.

Adobong atay ng manok at pritong talong ang ulam at habang nagluluto si Aya-ko ay naglaro kami ni Prince. Sarap pakinggan ng tawa ng anak ko. Dadi sya ng dadi at nagbasa na naman ng story book. Hays. ..Makulit talaga.

Masarap sana sa pakiramdam pero kinakabahan ako, tahimik si Aya at seryoso. Ni hindi tumitingin sa gawi namin. Nakakatakot na naman sya.

Oo nga at wala naman syang ginagawa pero Ewan, may something na nakakatakot talaga.

Nang matapos si Aya-ko ay tinawagan ko si Jeff para pakuhain ng pagkain nila, tapos ay kumain na rin kaming tatlo.

Inilapit ni Aya sa akin ang kontrobersyal na mangkok ni Laila. Nilagang baboy. Walang reaksyon si Aya nang makita yun. Patuloy lang sya sa pagpapakain kay Prince.

“Kainin mo yan, sayang,” narinig kong sabi ni Aya.

Bigla akong napakuha ng sabaw kahit ayaw ko. Para akong bata na napagalitan at takot na takot sa nanay na may dalang sinturon. At inubos ko ang ulam na dala ni Laila. Masarap naman syang magluto, malasa.

“Ako na ang maghuhugas,” prisinta ko pagkatapos namin kumain.

Walang imik na kinarga ni Aya si Prince at umakyat na sila sa third floor. Habang naghuhugas ng plato ay gumagana ang isip sa kung anong gagawin ko mamaya.

Ano ng mangyayari sa pagbabanta ni Aya-ko sa akin kung ganyang mukhang galit sya? Anong gagawin ko para mapaamo sya?

Magpapaliwanag ba ako agad? O hihintayin ko syang magtanong?

Hays, ano kaya gagawin ko?

Umakyat na rin ako pagkatapos kong maghugas ng plato. Nanood muna ako ng TV. Wala pa akong naisip kung anong gagawin ko. Siguradong pinapatulog ni Aya-ko si Prince.

Patuloy lang ang panonood ko kahit wala naman dun ang isip ko. Humiga ako sa mahabang upuan. Tsk! Ano ba kasi ang gagawin ko?

Hindi ko pa nakitang nagselos si Aya sa personal. Baka bigla na lang akong layasan. Pero wag naman sana.

Napabangon ako bigla nang makita ko siya na nakatayo sa may gilid ng sofa.

Hays, di ko na sya maiiwasan ngayon.

Umusog ako at umupo sya sa dulo ng upuan, ako ay nasa kabilang dulo. Limang Prince ang kasya sa pagitan namin.

“Sya yung sinasabi mo?” Tanong ni Aya-ko, matigas ang tono nya. Napalingon ako sa kanya. “Yung sinabi mo dati sa akin na nanunuyo sa yo.” Sa tv lang sya nakatingin.

“Oo, sya yun,” sagot ko. Umusog ako sa tabi nya. Hindi naman tabing tabi, kasya pa ang dalawang Prince.

“At hindi mo pa sinasabi sa kanya na ikakasal ka na?” Tanong nya sumulyap sa akin. Tapos ay inirapan ako.

“Sinabi ko na. Akala ko nga nagkaintindihan na kami eh. Kaso hindi pa pala.” Sagot ko.

Hindi sumagot si Aya. Matagal.

Umusog uli ako, malapit sa kanya. Magkadikit na ang mga braso namin. Kinuha ko ang kamay nya. Buti hindi pumalag. At dahil hindi naman sya kumibo, inakbayan ko na rin. Lumingon lang sya saglit sa akin at inirapan ako. Hays… Ang cute talaga ng babaeng ito.

“Ang totoo, andito sya kagabi,” pag-amin ko. Baka kasi malaman din nya in the future kaya sasabihin ko na lang para walang problema.

Tiningnan nya ako ng masama.

“Matagal na nyang gustong umakyat dito, hindi ko lang pinapayagan. Kahapon, masama ang pakiramdam ko at nagpilit sya, hindi na ako tumanggi o nakipagtalo pa sa kanya.” Paliwanag ko.

“Bakit gusto nyang umakyat?” Tanong nya. Hindi naman sya tunog galit o ano, natural lang.

“Gusto nya lang makita itong itaas,” sagot ko.

“Nagtagal sya dito?” Tanong nya.

“Hindi. Sinamahan nya lang ako habang kumakain. Pinanood nya ako. Pagkatapos ko, pinaalis ko na sya. Sinabi ko na rin sa kanya na tumigil na dahil ikakasal na ako, umiyak nga sya eh,” sabi ko pa.

“Eh di ikaw na ang iniiyakan ng babae,” sabi nya.

Napamaang ako sa kanya. Grabe sya!

“Sanay na sanay kang magpaiyak ng babae…” Masama ang tingin niya sa akin.

“Hala sya,” gulat kong sambit. Kinakampihan nya si Laila?

“Siguro pinaasa mo sya…” Grabe ang tingin ni Aya-ko sa akin, naniningkit ang mga mata. “Ahaaa, siguro nga! Noong bago ka magpakita uli sa amin sa Baguio, baka pinangakuan mo sya, kaso nagkataon na andun kami ni Prince, kaya nagbago ang plano mo…” Tsk! Lawak ng imagination nya.

Sabagay, sa kabilang banda ay may tama sya. Hindi ko lang maamin na ganun naman talaga ang balak ko nung una. Ang pumunta dun para may closure at makapagmove-on. Tama nga sya na nagbago ang plano nung nalaman kong buhay pa sya, lalo na nung nalaman ko na may anak pala kami. Pero never kong pinangakuan si Laila. Hindi nga kami close ano?

“Huh! Hindi ka makasagot dyan!” Si Aya-ko na halos idikit na mukha sa mukha ko sa sobrang inis dahil ata sa hindi ko pagsagot agad. Hindi sya sa sumisigaw pero gigil na gigil. Sarap sana halikan eh. “Ano?”

Napapangiti ako, pinipigil ko lang. Cute sya lalo kapag nagagalit. “Hindi ko sya pinaasa, lalong hindi ko pinangakuan okay? Hindi nga kami close nun eh. Feeling nya lang.”

“Eh bakit ganun sya sa yo?” Tanong nya, nakakunot noo at nakasimangot pa rin.

“Hindi ko alam. Wala akong ginawa sa kanya. Hindi ko naman sya masyadong kinakausap. Tanong mo pa kay Fred.” Sabi ko.

“Mandadamay ka pa,” irap uli nya.

“Kasi yun naman talaga ang totoo,” sagot ko. “Aya naman, sa loob nga ng tatlong taon, hindi kita ipinagpalit, ngayon pa ba namang may Prince na tayo?”

Inirapan nya ako pero hindi na mukhang galit.

“Maniwala ka naman oh, kayo lang ni Prince ang mahal ko. At never ko kayong ipagpapalit kahit kelan,” sabi ko. Alam ko, konting lambing na lang.

“Ang sa akin lang, Amir. Makakaya kong lokohin mo ako, saktan mo ako, iwan mo ako, o kalimutan. Wag na wag lang ang anak natin. Ayaw kong masaktan sya.”

Seryoso si Aya at naiintindihan ko yun. At hindi ko talaga gagawin yun.

“Hindi mo na.kailangang sabihin yan, Aya-ko,” sabi ko sa kanya. “Wag ka naman sana mag-iiisip ng kung anu-ano… ha!” Niyakap ko sya.

“Oo na, sorry,” sagot nya na tumingin sa akin.

“Wag kang magsorry, ako dapat yun,” sabi ko.

Hindi na sya nagsalita, nanood na lang ng TV. Umayos na ako ng upon, nakaakbay ako sa kanya at kunwari ay focus sa pinapanood namin.

“Aya-ko,” tawag ko sa pansin nya nang magcommercial.

“Hmm?” Sya na lumingon sa akin.

Hinalikan ko sya sa pisngi at bumulong sa tenga nya, ” Gawa tayo ng Princess.”

Ngumiiti sya. “Gusto ko yan Amir,” sagot nya.

“Umpisahan na natin, excited na si junior,” sabi ko.

“Weh, talaga? Pasilip nga,” humahagikhik pa ang bruha.

“Puro ka biro,” sabi ko.

“Hindi naman ako nagbibiro eh. Pasilip na nga, padukot, pahawak, gusto mo isubo ko pa eh,” sabay haway sa unahan ng shorts ko.

Takte!!! Eto na naman sya. Taglibog na naman si Aya Papaya.

Hindi ko na pinigil si Aya nang dukutin nya si amir junior sa ilalim ng shorts ko. Nakatayo na yun pero lalo pang tumigas nang maramdaman ang malambot na palad ni Aya-ko.

Lalo na nang magsimula syang himasin at imassage si junior. Sh*t! Ang sarap. Di ko mapigilang umungol.

“Ready na sya Amir,” nakangiting sabi pa ni Aya habang hawak pa rin ang junior ko.

“Oo nga, makita lang kita nakaready na agad yan eh,” bulong ko sa kanya.

“Maniwala,” sabi nya

Hinigpitan nya ang hawak. Grabe talaga sya.

“Totoo yun Aya-ko, maisip lang kita, matanaw kahit malayo, marinig boses mo, kahit nga mabasa lang mga naughty chats natin, tumatayo na agad yan,” pag-amin ko.

“Tigasin ka talaga, Amir,” pilya syang nakangiti.

“Sa yo lang,” bulong ko sa gitna ng di mapigil na pag-ungol.

Patuloy nyang hinagod si amir junior kasabay ng pagtaas ng sandong suot ko. Kusa ko na yung hinubad, ayaw kong mahirapan sya. Sunod nyang hinubad ang shorts ko, kasunod ang briefs.

Di na ako nakialam sa ginagawa ni Aya, nakaupo lang ako at nag-ienjoy na ninanamnam ang trip nya.

Nang matapos sya sa paglalaro sa alaga ko ay maghubad na sya sa mismong harapan ko habang nagtititigan kami. Nakakaakit syang tumingin, ang minsang nakakatakot na mata ay nakakalibog ngayon, hindi ko tuloy alam kung saan titingin…sa katawan nya o sa mata… hays.

Pagkatapos nyang maghubad ay umupo sya kandungan ko. Patuloy pa ring magkahinang ang aming mga mata.

“Sobrang wet na ako, Amir,” sabi nya na lalong nagpatindi sa nararamdaman ko. Parang hinihipnotismo ako ng mapupungay nyang mga mata.

Panay buntung hininga ko at sunud sunod ang ginawa kong paglunok.

Wala sa loob na napahawak tuloy ako sa nakabuka nyang hita, hinaplos ko yun papunta sa pussy nya na talagang basang basa na.

“Sarap pasukan nyan,” sagot ko sabay pasok ng isang daliri ko sa lagusan nya.

Napaungol si Aya, at masarap yun sa pandinig, hinalikan ko sya sa labi habang labas pasok ang daliri ko sa kanya hanggang labasan sya. Nang makatapos sya ay hinawakan nya si junior, nilaru laro ulit tapos ay itinutok sa pussy nya.

“Teka lang,” pigilan ko sa kanya sabay dukot ng condom sa bulsa ng hinubad kong shorts.

Inagaw nya yun mula sa akin at itinapon sa kung saan. “Ayoko nyan,” sabay halik sa labi ko. Napaungol ako nang makapasok sa kanya ng sagad na sagad. Ang galing talaga ni Aya. Ang sarap kapag gumiling na sya sa ibabaw ko.

“Oooohhhh, hhhmm” ungol naming dalawa na pumuno sa sala ng third floor.

“Sarap mo Amir,” bulong nya sa may tenga ko kasabay ang pagdila at maliliit na kagat pababa sa leeg ko. Napatingala na lang ako sa sarap, habang patuloy pa rin sya sa pagtaas baba sa kandungan ko.

Maya maya pa ay binilisan na ni Aya ang pagkilos nya, kasabay ng mas malakas pa naming pag-ungol. Hinawakan ko ang balakang nya para sa mas malakas na pwersa, at salitang isinubo ang nipples nya.

“Aaaahhhh, malapit na ako Amir,” sambit nya sa gitna ng pag-ungol.

“Bilisan mo pa Aya-ko,” sagot ko, hindi ko rin mapigilan ang pag-ungol.

Bumilis nga nang bumilis ang kilos ni Aya hanggang sa maramdaman ko ang sabay naming pag-abot sa kasukdulan.

Sarap ng ginawa ni Aya papaya. Wala akong masabi nang matapos sya, at ayaw ko pang matapos yun kaya itinuloy ko, mukhang pagod na sya eh.

Inihiga ko sya sa carpet na hindi binubunot si amir junior sa pussy nya. Hindi ko mapigilang titigan sya habang nakalagay sa sahig ang katawan nya at maikli ng buhok. Ang mga mata nya ay masarap magmasdan. Hinalikan ko sya sa labi at nagsimula na akong gumalaw, narinig ko ang mahinhin nyang pag-ungol… Na palakas nang palakas. Hindi ko na sya tinigilan hanggang sa sabay uli kaming matapos.

Nakakapagod pero hindi ko magawang matulog. Hinding hindi ko ipagpapalit ang mga bagay na meron ako. At mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon.

Nilingon ko si Aya-ko sa tabi ko habang magkatabi kaming nakahiga sa sofa. Nakapikit sya pero mukhang hindi naman tulog. Wala na talaga akong mahihiling pa.

“Pakasal na tayo,” sabi ko.

“Hmmm, oo naman mahal ko,” sagot nya na nakapikit pa rin.

Napangiti ako, “Uwi tayo next week sa Baguio, kasama si Fred.”

“Sabi nga nya pupunta daw sana kayo,” nagmulat si aya ng mata.

“Oo nga, kaso andito na kayo,” hinalikan ko sya sa noo.

Ngumiti sya. “Namimiss ka kasi namin ni Prince, saka buti na lang nagpunta kami. May sakit ka pala…tapos may ibang nag-aalaga sa yo,” umirap sya.

“Selos ka ba?” Tanong ko.

“Syempre,” sagot nya.

Di na ako sumagot. Hinalikan ko sya sa labi at inulit namin ang mainit na sandali. Buti nakikisama si Prince, hindi pa rin nagigising.

Gumala kami kinabukasan. Ipinasyal namin si Prince sa Manila Ocean Park na tuwang tuwa sa mga nakikita nyang sea creatures.

Masarap sa pakiramdam na kasama ko sila sa bahay. Masarap din sa pakiramdam na may nag-aasikaso sa akin pag-uwi ko ng bahay mula sa maghapong pagtatrabaho, gaya noong unang nagkita kami ni Aya-ko. Mas masaya lang dahil may maliit at makulit na bata na dumadagdag sa kaligayahan namin.

Nang sumunod na rest day ko ay nagbyahe kami papunta sa Baguio para sa pamamanhikan. Kasama si Fred at ang girlfriend nya, sumama din ang dalawa pa naming kasamahan sa riders club.

Naging maayos naman ang usapan para sa kasal. Gusto ni Aya-ko ay simple lang. Kung maari nga lang civil wedding lang ang gusto nya, ayaw lang pumayag ng mama nya.

Sinunod ko na lang ang mga kagustuhan ni Aya, masaya ako kung saan sya masaya.

Isasabay namin ang kasal sa second birthday ni Prince. Dalawang buwan mula ngayon.

Pagkatapos pag-usapan ang kasal ay namasyal kami sa magagandang lugar sa Baguio. First time dito na lumabas kaming tatlo na magkakasama. Masaya dahil kasama rin sina Fred na alam kong nag-eenjoy din.

Uuwi na rin kami sa Manila. Nakakalungkot dahil maiiwan na naman ang mag-ina ko.

“Amir,” napalingon ako kay Aya. Nakayakap sya sa akin, katatapos lang namin mag… alam nyo na… Mamayang hapon pa ang alis naming magkakaibigan kaya umisa pa kami ng mahal ko. “Ingat ka dun ha,” sabi nya.

Nagkatitigan kami. Alam ko ang ibig nyang sabihin. Tungkol yun kay Laila at kitang kita ko sa mata nya ang pag-aalala.

“Magtiwala ka sa akin Aya-ko, hindi ako gagawa ng bagay na makakasira sa pamilya natin,” seryosong saad ko saka ko sya hinalikan sa noo. Alam kong hindi mawawala ang pagdududa nya pero gusto kong bawasan yun kahit paano.

Tumahimik sya at mahigpit akong niyakap.

“Pwede naman kasing sumama na uli kayo sa akin,” sabi ko.

“Di na. May tiwala ako sa yo,” sagot nya. “Saka walang mag-aasikaso ng kasal natin kung sasama pa kami sa yo. Ayusin mo agad ang leave mo at bumalik ka dito.”

Niyakap ko na rin lang sya at hinalikan sa labi. Umaasa ako na wala ng aberyang mangyayari bago ang kasal.


Umiiyak si Prince nang paalis na kami. Nakakainis tuloy, mabigat sa dibdib iwan.

“Dadiii!” Sigaw nya habang pumapalahaw at humahabol sa akin. Karga sya ng mommy nya.

Hindi na lang umiimik si Aya, halatang nahihirapan din sya na makitang umiiyak ang anak namin.

“Bye na,” bulong ko kay Aya-ko sabay halik sa noo nya. Kasunod ay ang paghalik ko sa ulo ni Prince na pawis na pawis dahil sa kakaiyak nya.

“Sige na, tatahan din yan mamaya,” pagtataboy ni Aya sa akin.

Napilitan na lang akong sumakay sa van habang nililingon sila.

“Marunong nang humabol si Prince,” alanganing nakangiting sambit ni Fred habang nagdadrive.

“Oo nga. Ang hirap iwan,” sagot ko.

“Ganun naman talaga, nagkakaisip na eh. Pero aminin mo, hindi lang sya ang ayaw mong iwan,” lumawak ang ngiti ng loko. Nang-aasar na naman.

Nagtawanan tuloy ang iba pa naming kasama. Natawa rin ako. Totoo naman yun, lagi akong nahihirapang magpaalam kay Aya, mula noon, hanggang ngayon.

Pagkatapos nila akong kantyawan at kaunting kwentuhan at yabangan ay natahimik na kami. Natulog yung iba, sina Fred at girlfriend nya ay nagkwentuhan na sa unahan. Natulog na rin lang ako.

Mahaba ang naging tulog ko. Napagod ako sa ginawa namin ni Aya kaninang umaga.

Pagdating sa bahay ay gusto ko sana uling matulog. Bumili na lang ako ng lutong pagkain para diretso na ang pahinga.

Saktong kakain na ako nang may kumatok. Katatapos ko lang maligo at makipag-usap kina Aya-ko at Prince. Gusto ko na talagang humiga at magpahinga.

“Amir!” Nagulat ako na si Laila ang napagbuksan ko. Pero mas ikinagulat ko na bigla syang pumasok at niyakap ako… na naman. Hays.

Hindi ako agad nakagalaw, tsk! Laki ng problema ng babaeng ito.

“Amir!” Bulong ni Laila na tumingala sa akin.

Noon ako natauhan. Hinawakan ko ang mga kamay nya at inalis ang pagkakayakap nya sa akin.

“Laila, akala ko ba naintindihan mo ako?” Tanong ko sa kanya. Bigla ay nainis ako.

“Akala ko rin eh…” sagot nya. “kaso hindi pala. Hindi ko pala kaya,” sagot nya na nakatungo.

Napasulyap ako sa wall clock sa itaas ng pinto. Mag-aalas nueve na.

“Umuwi ka na,” sabi ko. Tsk! Gumagawa talaga ng gulo itong babaeng ito eh.

“Amir naman kasi…” si Laila na naiiyak na naman.

Napabuntung hininga ako. Iiyak na naman sya. Ayaw kong maging bastos sa babae.

“Umuwi ka na. Nag-usap na tayo tungkol dyan. Nakita mo naman ang mag-ina ko hindi ba? Masaya kami, please lang,” may gigil na sa boses ko. Gusto kong makita nya na hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagawa nya.

“Hindi ko kaya,” sagot nya.

“Umuwi ka na,” sabi ko na lang.

Hindi ko kilala ang mga magulang niya, hindi ko alam kung anong alam nila sa ginagawa ni Laila. At kahit anupaman ang ideya nila tungkol dito, lalabas sa huli na ako ang mali.

“Ayaw kong itulak ka palabas dito Laila, irespeto mo ang sarili mo,” mariing sabi ko.

Huminga sya ng malalim. “Amir…” hahawakan sana nya ako pero tinabig ko ang kamay nya.

Hays, ayaw ko namang gawin yun pero kailangan.

“Amir kasi…” naluluha na sya.

“Laila ha, kapag nagkaproblema kami ni Aya, at kapag nagkaproblema ako sa mga magulang mo, sinasabi ko sa yo, hindi kita mapapatawad,” sabi ko sa kanya. Sana makuha nya. Andun na ang babala, pananakot, gigil, inis at lahat na.

Tinitigan nya ako, siguro tinitingnan nya kung seryoso ako sa sinasabi ko.

Tiningnan ko sya ng masama at inirapan.

Hindi ata nya natagalan ang titig ko, tumunog sya. Halatang atubili at napilitan lang, tumalikod na sya at dali daling lumabas sa pintuan at umalis.

Napabuga ako ng hangin at nakahinga ng maluwag.


Naghintay pa ako ng anim na linggo bago nagsimula ang leave kong isang buwan.

Nagpasalamat ako dahil hindi na lumapit pa uli sa akin si Laila sa mga panahong yun, siguro nakamove on na.

*Salamat po sa lahat ng nagbabasa, nag ko-comment at nakakappreciate.

Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.

Bluzombii
Latest posts by Bluzombii (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories