Our Love Story (Aya) 13

Our Love Story (Aya)

Written by Bluzombii

 

“Bastos!!!” Sabi nya sabay bitaw sa akin. Nasusundot kasi sya. Hahaha

Napakamot ako sa batok. Ano ba naman kasi itong si junior amir. Pasaway!!!

Hindi na nya ako pinansin, tumalikod sya sa akin at nagsabon na ng katawan. Habang ako ay nakatangang nanonood sa ginagawa nya. Malamang nakanganga pa ako habang si junior ay gustung gusto na namang pumasok. Hays, wala kang pakisama junior…

Kesa tumunganga at patuloy na tigasan ay nagsabon na rin lang ako ng katawan.

“Ako magsasabon sa yo,” sabi ni Aya na nakangiti. Hays, ayan na naman sya.

Gusto ko rin naman kaya ibinigay ko sa kanya ang sabon. Sarap maging batang pinapaliguan pa.

Panay ang lunok ko. Pinipigilan kong yakapin at halikan si Aya. Baka magalit eh.

“Si Amir behave, pero ang alaga nya, hindi,” narinig kong sabi ni Aya-ko habang sinasabon ng pabalik balik si junior. Nang-aasar pa ang ngiti ng bruha. Pag hindi talaga ako nakapagpigil, rereypin ko itong babaeng ito eh. Ang galing galing mang-asar.

Shit, siniseryoso na nya ang paghimas kay junior, parang iba na eh.

“Stay ka lang dyan mahal ko, namiss ko sya eh,” bulong na sabay ngiti.

“Sige lang Aya-ko, sa yo lang yan,” sabi ko na lang.

Panay himas nya kay junior. Binanlawan na nya ang katawan ko habang patuloy pa rin sya sa ginagawa. Hindi pa nasiyahan, mayamaya ay isinubo na nya. Ang init!!!

Hays… Masarap na parusa.

Nang matapos ang ginawa sa akin ni Aya sa banyo ay nanginginig na ang tuhod ko. Literal na naubos ang lakas ko. Masarap pero drained na talaga ako. At madaya sya dahil ako lang. Ayaw nya akong papasukin sa kanya. Aaminin kong sobrang nasiyahan ako sa ginawa nya. Excited na ako lalong maging asawa sya at makasama sila ni Prince araw araw.

Nang humiga ako sa kama ay napatingin ako sa wall clock bago ako pumikit. 4:50? Umaga na pala at mamaya ang alis ko pabalik ng Manila. Hays…


“Dadiii,” narinig kong tawag ni Prince. “Dadiii,” narinig ko uli kasunod ng paglapat ng basa nyang labi sa pisngi ko.

Napangiti ako. Sarap gumising kapag ganito. “Good morning anak,” masayang bati ko sa kanya. Niyakap ko ang anak ko, tawa naman sya nang tawa.

“Hays, aalis na naman si daddy,” sabi ko sa kanya. Kaharap ko syang nakahiga. Nilalaro na naman nya ang pendant ng kuwintas ko.

“Dadiii… Dadiii…dadiii…” Paulit ulit na bulong ni Prince, habang busy sa kuwintas ko. Tumatalsik talsik pa ang laway nya.

Natawa ako kaya napatingin sya sa akin. Tumawa rin. Hays, ang cute ng baby namin, nakakabaliw nga rin itong batang ito, katulad ng mommy nya. Ayoko na talagang mawalay sa kanila.

Bumukas ang pinto at pumasok dun si Aya. May dalang tray ng pagkain. Pero pagkatapos sa tray ay sa kanya ako napatingin. Hays, isa pa ito sa ayaw kong iwan. Nakadress si Aya, mahaba yun, abot hanggang sakong pero fit sa sa itaas hanggang baywang. Sexy!

“Buti naman nagising ka ni Prince,” nakangiting sabi nya habang ibinababa ang pagkain sa mesa.

“Basa nga ng laway ang pisngi ko eh,” natatawang sagot ko.

“Kain ka na, hapon na,” sabi ni Aya na ngumiti sa akin.

Di ko na lang sya masyadong tinitigan. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maghilamos. Kakahiya, mutain pa ako.

Matapos kong gawin ang dapat gawin ay lumabas na ako sa banyo. Nakaupo sa kama ng mag-ina. Nakahain na rin ang pagkain.

“Ako lang ang kakain?” Tanong ko.

“Tapos na kami ni Prince.” sagot ni Aya. “Ala una na kaya.”

Napatingin ako sa wall clock. Ala una na nga!

“Binati ko pa ng good morning si prince kanina.” Ano ba yan? Dapat nakaalis na ako kanina pa. “Di mo ako ginising,” sabi ko.

“Pagod ka eh,” sagot nya. “Kain ka na muna.”

Tumahimik na lang ako at kumain.

Pasulyap sulyap ako kina Aya at Prince, nakakalong si Prince sa mommy nya at kinukutingting ang butones ng dress. Hindi naman sya pinapansin ni Aya na busy sa cellphone nya.

Natatawa ako kay Prince, natanggal na nya ang dalawang butones ng damit ng mommy nya. Nasisilip ko na ang bra ni Aya. Buti na nga lang at may bra ang bruha. Hahaha.

Mas natawa ako nang silipin ni Prince ang dibdib ng mommy nya mula sa neckline ng dress.

“Dede,” sabi nya.

“Wuist! Bastos na bata…” Saway ko kay Prince, hindi ko na mapigilan ang pagtawa. Napalingon sa akin si Aya habang busy pa rin si Prince sa ginagawa nya. “Yang anak mo o, binubuksan damit mo,” sabi ko.

“Kanino ba magmamana yan?” Tanong ni Aya na hindi naman sinaway si Prince. Inirapan lang ako.

Lalo akong natawa. Hays, kailan ko kaya maiuuwi ang dalawang makulit na ito?

“Buti pa si Prince…” sabi ko.

“Ano?” Tanong ni Aya.

“Wala,” sagot ko. Napasulyap ako sa dibdib nya. Nang tingnan ko sya ay inirapan nya ako. Ibinaba nya sa Prince sa kama at inayos ang butones ng dress nya.

“Manang mana ka sa daddy mo,” sabi nya.

“Dadiii…dadiii…dadiii,” bubulong bulong na naman si Prince.

Kakainiiissss!!!

“Bukas na nga lang ako uuwi,” sabi ko. “Kakainis kayo.”

Napatingin sa akin si Aya. “Bawal um-absent, di ba?” Tanong nya.

“Minsan lang naman ako aabsent. Basta wag mo akong puyatin mamaya ha,” nakangising sabi ko.

“Matulog ka lang kasi, wag kang manggising kung ayaw mong mapuyat,” sagot nya.

“Agahan natin magstart mamaya para hindi tayo mapuyat,” sabi ko na lang.

“Eh?” Alanganing tumingin sya sa akin.

Napahagalpak ako ng tawa sa reaksyon nya. Ang cuuute!

Tumawa rin si Prince. Umiiling iling na iniligpit ni Aya ang pinagkainan ko. “Tsk! Mag-ama talaga…” Bulong nya saka lumabas sa kuwarto.

Naiwan kami ni Prince na tawa pa rin nang tawa.

“Masaya ako Prince. Bati na kami ng mommy mo.” Sabi ko. Wala akong pakialam kahit hindi nya ako naiintindihan.

“Miii?” Sabi nya.

“Mahal ko kayo ni mommy. Sobra! At malapit na tayong maging isang pamilya talaga. Totoong pamilya, kapag nagpakasal na kami ni mommy, magkakasama na tayong tatlo,” takte, umaasa na talaga akong mangyayari yun.

“Miii,” si Prince na pumalakpak pa.

“Masaya ka rin ba baby? Happy?” Para akong baliw na kumakausap sa kanya.

“Hapi!” Sabi naman nya na pumalakpak uli.

Natuwa ako lalo. Hays, hindi na ako makapaghintay.

Maaga nga kami nagstart ni Aya kaya maaga kami nakatulog. Tsk! Mamimiss ko talaga ang mag-ina ko.

Kinaumagahan ay kinausap ko ang ina ni Aya para sa plano naming pagpapakasal. Hindi naman sya kumontra o kung anuman.

Bago magtanghali ay bumalik na ako sa Manila. Kailangang matapos na ang bahay. Kailangang ayusin ko na ang lahat. Para pagbalik ko dito sa Baguio ay handa na ako sa pormal na mamanhikan. Hays, excited na ako…


Mas madalas ang tawagan at video call namin ngayon ni Aya. Kahit maikli ang break time ay tumatawag ako sa kanila. Miss ko sila lagi. Saka si Prince, lagi daw nya akong hinahanap sabi ni Aya. Gusto ko na silang makasama, at dahil dun, pinamadali ko lalo ang pagpapatapos sa bahay.

Pagkalipas pa ng dalawang linggo natapos na yun. Masaya ako dahil nakuha nila ang gusto kong mangyari.

“Ganda naman ng bahay mo, pwedeng makita sa loob?” Tanong ni Laila minsang ako ang tao sa shop. Wala noon si Fred, rest day nya.

Napatingin sa amin si Glenn, pamangkin ni Fred na syang gumagawa ng motor na bina-buy and sell namin.

“Saka na lang kapag may laman na. Saka marumi pa sa loob eh,” sagot ko.

“Sige na, tutulungan kitang maglinis,” sabi nya.

Eh di wow, natawa ako sa isip ko. Hays…

“Wag na, nakakahiya naman. Next time na lang. Saka walang tao dito sa shop,” tanggi ko, ano bang gusto ng babaeng ito?

“Okay lang naman kung ako lang ang maglilinis,” giit nya.

“Salamat pero kaya ko naman,” tanggi ko uli. Kulit nya huh.

“Sige na, hiya ka pa eh,” pamimilit nya.

“Hindi na, kaya ko naman. Salamat,” sabi ko.

“Dali na kasi,” ang kulit nya.

“Hindi na nga. Ako na lang,” sagot ko.

“Sige na nga. Basta patingin ha. Kapag natapos na sa loob,” sabi nya. Nakipagkwentuhan pa sya saglit bago umalis.

“Tindi ng tama sa yo nun, kuya ah,” sabi ni Glenn mayamaya.

“Hindi siguro. Baka friendly lang talaga,” sagot ko.

“Friendly at matulungin?” Nakangising tanong nya.

“Loko ka,” pailing iling na sabi ko.

“Delikado mga ganyang babae,” sabi pa nya.

“Ikakasal na ako,” napangiti ako nang maalala ko si Aya. Miss na miss ko na sila ni Prince.

“Kaya nga dapat mag-ingat ka eh baka masira pa pamilya mo dahil dyan,” dagdag pa nya.

Napatingin ako sa kanya.

“Tanong nang tanong yun kay uncle Fred tungkol sa iyo eh. Lalo na nung nagpunta ka sa Baguio,” sabi pa nya.

“Alam naman nya na may girlfriend at anak na ako,” sagot ko. Parang nakakahiya na ang ginagawa nya.

“Gustung gusto ka talaga eh. Tindi rin ng kamandag mo ano?” Sabi nya sabay tawa.

“Baliw ka,” natatawa na rin ako. “Hayaan mo na sya,” sabi ko na lang. Iniba ko ang usapan at tinanong sa kanya kung okay na yung ginagawa nyang motor.

Maayos sa trabaho si Glenn. Masipag at mabait. Minsan nga lang ay may pagkaisip bata. Sabagay, 22 pa lang sya.

Nang mga sumunod na araw ay inunti unti ko na ang pagbili sa mga gamit sa third floor. Sana lang magustuhan ni Aya-ko…at ni Prince na rin syempre.

“Effort ka pare,” hindi makapaniwalang sambit ni Fred nang ipakita ko sa kanya ang ayos ng third floor.

“Gusto ko kasi komportable silang dalawa. Sanay sila sa malamig na lugar, maselan sa init si Aya, paano nila gugustuhing tumira dito kung mainit?” Paliwanag ko.

“Hindi naman yung tungkol sa aircon ang ang sinasabi ko. Kailangan naman talaga yan sa init ng panahon,” sabi nya.

Nakuha ko ang ibig nyang sabihin. “Okay lang naman yan. Magpapagawa rin lang, lubusin na,” sabi ko.

Napangiti sya, “Tsk,tsk,tsk… Hindi ko akalaing maiinlove ka ng ganyan, pare. Napakasuplado mo at masungit sa babae,” sabi nya na iiling iling.

“Hindi ko rin naman akalain eh.” Sagot ko na natatawa.

Lumipas pa ang mga araw, nakumpleto ko na nang tuluyan ang laman ng bahay. Mahigit isang buwan na mula noong huling nagpunta ako sa Baguio.

“Miss na kita mahal,” sabi ni Aya minsang magkausap kami sa phone.

“Ako rin naman, miss ko na kayo ni Prince,” sagot ko. Nakahiga na ako nun at handa na sa pagtulog.

“Eh bakit ang tagal na? Natiis mo kami?” Tanong nya. “Baka may iba ka na dyan,” dagdag pa nya.

“Yan ang wag na wag mong iisipin Aya-ko,” sabi ko.

“Ano palang iisipin ko?” Tanong nya.

Ang init na naman ng ulo nya.

“Wag ka naman ganyan Aya,” sabi ko.

Hindi sya sumagot. Takte, kapag ganyan sya, kinakabahan ako. Iniimagine kong magkaharap kami at tinititigan nya ako na parang kakain sya ng tao.

“Hello,” sabi ko.

“Sige na, bye na. Antok na ako eh,” sabi nya.

“Sige, goodnight!” Sabi ko na lang. Ni hindi ko alam ang nasa isip at ang nararamdaman nya. Nakakatakot mag-isip.

Hays…

Mabigat ang pakiramdam ko, balak ko pa naman pumunta sa Baguio bukas, restday ko. Hays, two days na, hindi pa rin ako kinakausap ni Aya-ko.

Sakit ng ulo at katawan ko. Hindi naman pwedeng um-absent.

“Matamlay ka, okay ka lang?” Tanong ni Laila nang lumabas ako. Aalis na ako papasok sa trabaho. May dala syang pandesal.

“Medyo masama lang ang pakiramdam ko,” sagot ko saka sumakay sa motor.

“Kaya mo ba? Baka kung mapaano ka,” tanong nya, lumapit pa sa akin.

“Okay lang, kaya ko,” sagot ko.

“Sure ka? Ingat sa pagdadrive,” sabi nya.

Tumango lang ako. Namiss ko tuloy si Aya-ko. Hays.

Nakarating naman ako sa office ng safe. Tinawagan ko agad si Fred para sabihin na kasama ko sya bukas sa pagpunta sa Baguio. Mamamanhikan kami. Wala akong ibang maisasama, sya lang ang malapit sa akin. Wala akong kaclose sa mga kamag-anak ko.

“Yes! Makakagala din. At Baguio pa ha!” Natutuwang sabi nya.

“Salamat pare,” sabi ko.

“Wala yun. Isasama ko si Jai ha. Malamig dun, dapat may kayakap,” sabi pa nya na ang tinutukoy ay ang girlfriend nya.

“Oo naman pare,” sagot ko.

“Nabanggit pala ni Laila pagdating ko kanina, may sakit ka daw? Kotse na lang tayo bukas, pupuntahan ka namin sa madaling araw.”

“Yun! Sige pare. Salamat ng marami,” napangiti ako. Maasahan talaga itong si Fred.

Sa gitna ng sakit ng katawan at ulo, pagkahilo at pagsusuka ay natapos ko pa rin naman ang buong araw ko sa trabaho.

Ang totoo, hindi ko natapos ang shift. Pinauwi nila ako dahil sa nakita nilang kondisyon ko.

Mas maaga akong nakauwi. Buti wala pang traffic. At hindi na rin masyadong mainit.

“Aga mo ah!” Gulat na salubong ni Fred sa akin pagdating ko.

“Di na nila kinaya,” biro ko. “Pinauwi na ako ng maaga. Sila ang sumuko.”

Natawa sya. “Akyat ka na at magpahinga.”

Paakyat na ako nang… “Amir!” Si Laila ang nalingunan ko. May dala syang plato na may mangkok sa ibabaw, umuusok pa ang laman nun. “May sabaw akong niluto para sa iyo o.”

“Salamat,” aabutin ko sana ang dala nya.

“Ako na ang magdadala, sige na,” sabi nya.

Ayaw ko sana pero wala ako sa mood makipagtalo. Pinabayaan ko na sya.

Dumiretso sa kusina si Laila. Ako naman ay naghubad na ng sapatos at medyas. Gusto ko na humiga sa kama at matulog.

“Bago ka magpahinga, kumain ka muna, higop kang sabaw,” alok ni Laila.

“Salamat,” sagot ko. Pumunta na ako sa table. Nakahanda na pagkain. May tira pa akong kanin kaninang umaga. Mainit naman yung sabaw kaya okay na yan. “Ikaw?” Alok ko kay Laila. Pinapanood nya ako. Nakakaasiwa.

“Tapos na ako, sige kain na. Iinom ka pa ng gamot,” sabi nya na nakangiti.

Tinapos ko na lang agad ang pagkain.

Inabutan nya ako ng gamot, ininom ko naman yun.

“O di ba? Laging handa?” Sabi nya na tumawa.

Laging handa. Si Ariza. Napangiti ako, napailing. Naalala ko na naman mga kapilyahan ni Aya-ko.

“Sige na, magbihis ka na dun, ako na bahala dito,” sabi nya.

“Huh? Wag na Laila. Ako na lang dyan. Kaya ko na yan,” tanggi ko.

“Ganun?” Nawala ang ngiti nya.

“Okay na ako dito. Salamat.” Sabi ko. Baka kung ano na ang isipin ng mga tao sa ibaba kapag nagtagal pa sya dito.

“Sigurado ka?” Tanong nya sa akin.

“Sigurado ako,” sabi ko. “Salamat.”

“Babalik ako bukas ha,” sabi nya.

“Aalis kami bukas ng maaga,” sagot ko.

Tumingin sya sa akin, matagal.

“Baka hinahanap ka na sa inyo,” sabi ko.

“Dito ako matutulog, babantayan kita,” sagot nya.

“Huh?” Gulat kong tanong. Anong nakain ng babaeng ito? “Kaya ko naman eh. Ilang taon na akong nag-iisa, sanay na ako.”

“Pero willing akong alagaan ka. Sige na,” seryoso na sya. Hindi na rin ako makangiti. Hindi na nakakatuwa ang usapan namin.

“Umuwi ka na,” seryoso ko ring sabi sa kanya. “Salamat sa tulong at sa pagkain.”

Tumungo sya, hindi pa rin kumikilos. Nilapitan ko sya.

“Grabe ka naman Amir, masama bang maging concern sa iyo? Alam mo naman kung bakit ako ganito sa iyo di ba?” Mahina ang boses nya. Nakatungo pa rin.

“Pangit tingnan Laila eh. Kung anuman ang dahilan mo, hindi na mahalaga yun. Ikakasal na ako.” Sabi ko sa kanya. Mabuti na yung hanggat maaga ay magkalinawan na.

“Pero hindi pa naman kayo ikinakasal eh,” sabi nya. Tumingin sya sa akin.

“May anak na kami, marami na kaming pinagdaanan at masaya na kami ngayon. Ayaw kong masira yun ulit,” paliwanag ko sa kanya.

Hindi na ako nakakilos nang yakapin nya ako. Naramdaman ko na lang na basa na ang polo shirt ko.

Umiiyak si Laila.

Di ko alam ang mararamdaman ko. Hindi naman kasi ako sanay na may umiiyak na babae sa harapan ko. Wala naman kasing nagkagusto sa akin na ganito kadesperada, ngayon lang. Inilayo ko si Laila sa akin.

“Hindi lang naman ako ang lalaki,” panimula ko.

“Pero ikaw ang gusto ko,” sagot nya.

“Yun nga eh, hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa akin. Kahit kailan hindi ako naging friendly sa iyo,” sabi ko.

“Di ko rin alam,” suminghot pa sya.

“Kalimutan mo na ako. Mahal na mahal ko ang mag-ina ko,” sabi ko sa kanya. Sana maintindihan nya yun.

Nakatayo pa rin sya. Hinugasan ko na ang plato at mangkok na ginamit. “Salamat,” saka iniabot yun sa kanya.

“Sana lumigaya kayo,” sabi nya saka lulugo lugong umalis.

Itinuloy ko na ang paghuhugas ng plato. Pagtakapos ay nagbihis na ako at humiga sa kama. Masakit pa rin ang ulo at katawan ko, pero aaminin kong nakatulong ang pagkaing dala ni Laila. Pero masakit din sa bangs ang mga pinaggagagawa nyang eksena.

Sabagay, naawa din naman ako sa kanya. Sana lang makahanap sya ng ibang mamahalin nya at mahal din sya.

Naisipan ko pang tawagan si Aya-ko bago ako matulog. Ang tagal kong hawak ang cellphone, alas sais na.

Ring lang nang ring, malamang kumakain sila. Ilang beses ko pa uling sinubukan pero hindi nya sinasagot. Busy ba talaga sya o galit pa rin? Hindi lang ba napansin ang tawag ko o sinasadyang deadmahin? Hays…

Naiintindihan ko ang ugali ngayon ni Aya. Mabilis syang magtampo, mabilis magalit, HB eh. Saka sa mga nangyari sa amin noon, malamang nanawa na rin yun sa akin.

Kaya nga dapat wag ko nang sayangin ang chance ko. Natatakot na akong mawala sila ulit.

Sinubukan ko uli na tawagan si Aya-ko. Unattended. Hays, antok na talaga ako.


“Wag kang malikot baby,” narinig ko ang boses ni Aya-ko.

“Dadi?” Maliit na boses naman ni Prince.

Napangiti ako. Hanggang sa panaginip, hindi ako tinatantanan ng mga ito.

Naramdaman kong gumalaw ang foam. “Dadiii!!!”

“Haist! Ang kulit talaga,” si Aya-ko.

Nawala ang malikot, gusto kong dumilat pero mabigat ang mata ko. Sakit ng ulo ko. Ayaw kong gumalaw.

“May sakit si daddy, hindi ka pwedeng lumapit sa kanya,” narinig ko na naman si Aya. Pabulong lang yun.

“Dadi?” Si Prince uli.

Nagising na ang diwa ko. Parang hindi na yun panaginip. Pero imposibleng andito sila sa bahay. Nagdideliryo ata ako sa sobrang taas ng lagnat ko.

Tumahimik na, nawala na sila. Wala naman talaga sila. Hallucination ko lang yun.


Nagising ako, medyo maayos ang pakiramdam ko. Alas onse na ng gabi sa orasan ng cellphone ko. Maraming missed calls si Fred. Bakit kaya?

May text sya pero umihi muna ako, mamaya ko na babasahin yun. Naglinis na rin ako ng katawan, nakadagdag yun sa ginhawang naramdaman ko.

Nang magpunta ako sa kusina para uminom ng gamot ay napansin kong nakapatong ang kaserola sa burner. May nagluto? Nacurious akong buksan yun. Sinigang na hipon? Natakam ako sa amoy kaya kumain ako ng kaunti. Maaasahan talaga si Fred para ipagluto pa ako. Hmmm, sweet sya ngayon ah. Napangiti ako.

Nakahiga na ako nang damputin ko uli ang cellphone ko at basahin ang mga texts ni Fred. Medyo magaan na ang pakiramdam ko.

‘Sayang, hindi na matutuloy ang Baguio’

Huh? Bakit kaya?

‘Buti hindi nila inabutan si Laila dyan sa itaas.’

Huh? Lalo akong naguluhan.

‘Mas maganda pala sya sa personal. Ang laking babae.’

Sino?

‘Bakit ka kaya talaga nya pinatulan?’

‘Pasensya na, dinala ko na sila sa itaas, ayaw kasi ni Aya patabihin sa yo ang bata, baka daw mahawa. Gusto pang sa sala sila matulog kaya isinama ko na sa itaas. Alam ko surprise mo yun sa kanila, sorry kung na-spoil ko ang surprise.’

Nasa itaas ang mag-ina ko?

‘Nga pala, natuwa siya sa nakita nya. Siguradong mahahalikan ka nun.’

Yun ang huling text ni Fred na nabasa ko. Nagmamadali akong tumayo, may pumitik sa ulo ko (sa itaas) kaya nagdahan dahan na lang ako, masakit.

Madilim na sa itaas at tahimik, tunog lang ng aircon ang naririnig. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto, bukas. Gusto ko sanang buksan ang ilaw pero ayaw kong maistorbo sila. Baka katutulog lang din nila, hindi ko alam.

Hala, magagalit sa akin si Aya-ko, baka mahawa ko si Prince. Hindi ako dapat pumasok dito. Naman! Hindi talaga ako nag-iisip.

Sobrang saya ko kasi kaya ko ito nagawa. Sorry baby Prince. Masaya akong isipin na hindi talaga ako matitiis ni Aya-ko.

Lalabas na sana ako pero hindi ko mapigilan, bumalik ako at ninakawan ko pa ng halik si Aya-ko sa labi bago ako nagmamadaling lumabas.

Natatawa ako sa kalokohan ko.

“Dadi…dadi…dadi…dadi…” Narinig kong bubulong bulong si Prince, napangiti ako, at dahan dahang nagmulat ng mata.

Mas lumapad ang ngiti ko nang makita sya sa harapan ko. May hawak syang laruan. Kasunod nun ay ang pagbalikwas ko ng bangon.

“Baby Prince!” Malakas na sambit ko. Takte! OA ang excitement ko.

“Dadiii!” Nakangiting bumangon din si prince at yumakap sa akin.

“Wow, miss ko na baby namin. Hinintay mo ring magising si daddy ha. Bait naman ng anak ko,” Sabi ko, pinigil ko ang sarili kong halikan sya. “Asan mommy mo?”

“Miii,” sagot nya na itinuro ang pinto palabas ng kwarto.

“Hilamos lang si daddy ha,” paalam ko kay Prince. Tumayo ako at pumunta sa banyo.

“Dadiii,” si Prince na nasa pinto na. Hindi ko maisara ang pinto, baka iiyak na naman.

“Dyan ka lang baby,” sabi ko habang nagtutoothbrush.

Buti at nakinig naman sya. Pinanood nya lang ako.

“Dadiii,” tili ni Prince nang lumabas ako sa banyo. Nakataas ang mga braso. Takte, nagpapakarga, baka magalit si Aya-ko.

“Lakad ka na lang,” sabi ko na inabot ang kamay nya at inakay sya.

“Waaaa… Dada,” nag-iinarteng sabi nya. Itinaas uli ang mga kamay sa akin.

Hays, gusto ko naman talaga syang kargahin. Kaso tama naman si Aya, baka mahawa sya ng sakit ko.

“Dadiii,” iiyak na talaga sya. Naintindihan ko naman, miss na rin nya ako. Hays, bahala na…

“Miss ka na ni daddy,” sabi ko sa kanya habang buhat ko na sya. Hindi ko na lang muna sya hahalikan kahit gusto ko.

“Mis, dadiii,” nakangiting sagot naman nya. Tuwang tuwa sya na kinarga ko sya. Nagpapadyak pa at niyakap ako.

Hmmm, sarap.

Malalaki ang hakbang ko habang palabas ng kuwarto. Gusto ko na ring makita si Aya-ko.

“Mamiii,” sigaw ni Prince nang makita ang nanay nya. Napalingon naman agad si Aya sa amin. Naghuhugas sya ng plato sa lababo.

“Good morning,” nakangiting bati ni Aya. “Ginising mo talaga ang daddy mo ha,” ipinunas nya ang kamay nya sa laylayan ng suot nyang puting pantulog na may mahahabang slit sa magkabilang gilid. Kitang kita ang mapuputi nyang legs. Hays…

“Sorry, kinarga ko sya. Iiyak na naman eh,” sabi ko na hindi inalis ang tingin sa magandang mukha ni Aya.

“Okay ka na ba? Mabigat yang batang makulit na yan,” sambit nya, sabay salat sa leeg ko.

“Medyo okay naman na,” sagot ko.

Hindi ko inaasahan na hahalikan nya ako sa labi kahit may sakit ako… at karga ko si Prince. Mabilis lang yun pero ramdam ko ang sarap at tamis ng labi ni Aya-ko.

Pumalakpak at tumili pa si Prince nang matapos yun. Hinalikan din sya ni Aya sa pisngi, lalong pumalakpak ang loko.

“Ang hot ng lips ni daddy, kasing hot nya,” pilyang nakangiti si Aya.

Natawa ako. Bumabanat na naman si Aya. Natural, hot! May sakit eh.

“Kain na tayo,” sabi ni Aya. “Upo na kayo.

Umupo na kami ni Prince habang naghahanda ng pagkain si Aya.

Grabe, sobrang miss ko sila. Gusto kong pupugin sila ng halik at yakapin ng mahigpit. Hindi ko pwedeng gawin yun kay Prince, pero kay Aya-ko, pwede.

“Kung saan saan ka na naman nakatingin,” narinig kong sabi ni Aya. Napatingin tuloy ako sa mukha nya. Nakataas ang isang kilay nya.

Napangiti ako. “Miss lang kita.”

“Kumain ka at magpagaling. Darating tayo dyan,” sabi nya.

Umupo sya sa tapat ko, nasa gitna namin si Prince.

Si Prince muna ang pinakain ni Aya. May hawak na hotdog si Prince habang sinusubuan ng kanin ng mommy nya.

“Kumain ka na. Iinom ka pa ng gamot,” narinig kong sabi ni Aya.

Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.

Bluzombii
Latest posts by Bluzombii (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x