Written by Bluzombii
“Wag kang malikot,” bulong ko sa kanya.
“Bitaw na kasi,” sabi nya.
“Wag ka malikot, reypin kita dyan eh,” biro ko. Hindi ko magawang tumawa. Ang hirap naman ng ganito, malapit lang sya pero napakalayo. Ang hirap abutin.
“Tsk!” Inis na talaga sya pero hindi na gumalaw, alam kong naramdaman nya si junior amir na naninigas na sa ibaba. “Ang bastos mo!” Sabi nya.
“Hinihintay ko kasing sabihin mo yung…’Tagal!’ Sabi ko na nakangiti.
Hindi sya sumagot. Matagal din kami sa ganung ayos at dinama ko ang init ng katawan nya. Hays, sino bang niloloko ko?
Mayamaya ay hinalikan ko sya sa buhok saka binitiwan. “Goodnight!” Sabi ko saka lumabas sa kuwarto nila.
Gusto ko sanang ayain sina Aya at Prince na mamasyal pero nakita kong nagtatrabaho na naman si Aya kaya nagkasya na lang uli ako sa pakikipaglaro kay Prince at sa pagsulyap sulyap sa kanya.
“Baka gusto mong ipasyal si Prince. Isama nyo na lang si Teng.” Mayamaya ay sabi ni Aya. Manghuhula na siguro ang babaeng ito.
“Pwede?” Tanong ko. Natuwa ako, pero mas masaya sana kung kasama sya.
“Ay hindi, kaya ko nga sinabi eh,” sagot nya. Pilosopo talaga.
“Naniniguro lang. Alam kong wala kang tiwala sa akin,” sabi ko.
“Kung wala akong tiwala sa iyo, wala ka sana dito ngayon,” sagot nya.
“Ikaw, hindi ka sasama?” Pagbabakasakali ko. Lulubusin ko na.
“Busy ako,” sabi nya saka nagpatuloy sa ginagawa.
Nanatili akong nakatingin lang sa kanya.
“Diii,” kalabit ni Prince sa braso ko.
“Ano yun anak?” Tanong ko. Kinalong ko sya at hinalikan sa noo.
Bumaba sya at hinila ang kamay ko. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko. Hinihila nya ako kaya sumama na lang ako. Palapit kami sa maliit na ref at nakaturo sya sa ibabaw nun.
“Ano yun?” Tanong ko. Nang lingunin ko si Aya ay nakatingin sya sa amin at nagpipigil ng tawa. Hays, ang cute ng mag-ina ko, ang kukulit nila. “Ano daw?” Tanong ko kay Aya.
Kumibit balikat lang sya at nagsulat uli. Kainis, baka umiyak na naman itong batang ito, malakas pa naman syang umiyak.
“Anong gusto ng baby namin?” Tanong ko kay Prince.
“Dada,” sabi nya na nagpapakarga, yun pala ang dada, karga. Kinarga ko naman at agad syang may pilit inaabot na puting garapon sa ibabaw ng ref. Kinuha ko ang garapon at binuksan. May laman yun na maliliit na cookies. Natawa ako. Ang anak ko, marunong na maghanap ng makakain.
Matapos kong bigyan ng dalawang piraso si Prince ay tuwang tuwang bumaba na sya at bumalik sa paglalaro. Bumalik din ako sa upuan bitbit ang garapon, baka kasi humingi uli. Napatingin ako kay Aya na patuloy lang sa ginagawa. Ang cute nila, gusto ko na talaga silang iuwi. Hindi ko alam kung anong diskarte ang gagawin ko. Pero natutuwa ako dahil ngumingiti na ngayon si Aya-ko, isa pa, kinakausap na nya ako ngayon. Sana lang wag syang topakin, sana tuluy tuloy na ang pagkakasundo namin.
“O ano? Sasabihan ko na si Teng,” sabi ni Aya saka dinampot ang cp nya.
“Sige,” sagot ko.
Tumawag sya at may kinausap. After 10 minutes ay dumating si Teng, nakabihis na.
“Prince, bihis ka na,” si Teng na inakay ang bata papunta sa kuwarto.
Ako ay bumaba na para magbihis din.
Maya maya pa ay paalis na kami. Halatang excited si Prince. Ganun daw yun kapag nabihisan, alam na aalis.
“Miii!” Tawag ni Prince kay Aya.
“Bye baby,” si Aya saka nilapitan ang bata at humalik sa pisngi nito.
“Miii,” si Prince na hinihila ang kamay ni Aya, pinapasama sya.
“Busy si mommy baby, next time ha,” sagot ni Aya. Kinarga nya ang anak namin at pinupog ng halik. “Wag kang pasaway ha. Be a good boy baby ko.” Tawa naman ng tawa si Prince, nakikiliti. “Bye na,” sabi pa ni Aya at nagkiss sila ni Prince.
“Ako, walang goodbye kiss?” Biro ko. Baka lang makalusot eh.
Dinedma lang ako kaya umalis na lang kami.
Sabi ni Teng, gustung gusto ni Prince na magpunta sa mall at maglaro sa playhouse doon kaya doon kami pumunta. Hindi pa rin naman nya maaappreciate ang mga tanawin kaya kung saan sya masaya, doon kami.
Hindi maalis ang ngiti ko habang pinapanood syang nakikipaglaro sa ibang bata. Halatang sabik na makakita ng ibang tao, sabik magkaroon ng kalaro. Nakadama tuloy ako ng awa para sa kanya.
“Bihira bang mamasyal sina Aya?” Tanong ko kay Teng na hindi inaalis ang tingin kay Prince.
“Madalas po, kapag syang walang trabaho.” Sagot ni Teng.
“Laging ikaw ang kasama?” Tanong ko. Pansin ko kasi na ayaw ni Aya sa ibang katulong.
“Minsan po si sir Paul. Kapag walang pasok sa office,” sagot nya.
Napakunut noo ako. Buti pa ang lalaking yun, nakakasama ang anak ko. Saka bakit naman sya sasama sa pamamasyal ng mag-ina?
Mapansin ata ni Teng na nakakunut noo ako, “Sir, wag nyo pong seryosohin yung mga pinag-usapan natin kagabi. Palagay ko naman po, kung gusto ni miss Ariza si sir Paul, matagal na sanang naging sila,” may punto naman si Teng.
Pero kung wala talagang pag-asa, bakit kailangan pa nyang sumama pati sa pamamasyal nila? Hays…
“Diii!!!” Tili ni Prince na kumakaway sa akin.
Kinawayan ko rin sya. “Masayahin at makulit si Prince,” sabi ko kay Teng.
“Ganun naman po si miss Ariza kapag silang dalawa lang. Lagi silang masaya. Mabait po si miss Ariza kay Prince, pero pag may kasalanan po si Prince, sinasabihan nya agad. Hindi nya kinukunsinti.” Sagot ni Teng.
Napangiti ako. Sinasabi ko na nga ba, mabait pa rin talaga si Aya-ko. Sana lang bumalik na rin ang malambing na pakikitungo niya sa akin. Namimiss ko na sya.
Matapos maglaro ni Prince ay kumain kam ng lunch sa fastfood. Sa totoo lang, hindi ako kumakain sa ganitong kainan, pero sabi ni Teng ay paborito ni Prince ang burger at fries dito. Minsan lang naman kaya pinagbigyan ko na. Napansin kong pagod na si Prince kaya umuwi na kami.
Masaya ako, ang daming litrato ni Prince sa akin.
Tulog si Prince nang makarating kami sa bahay. Kinuha ko sya kay Teng at ako ang nagbuhat sa bata paakyat. Sarap ng feeling ng ganito, sarap sana kung tuwing weekends ay gagawin namin ito. At mas masaya kung kasama namin si Aya. Hays, happy family.
Pakanta kanta pa ako habang paakyat kami. Masaya talaga ako. Pangiti ngiti rin si Teng habang nakatingin sa akin.
“Mahal na mahal ko yang si Ariza. Ayaw lang nya maniwala,” sabi ko kay Teng. “Pakakasalan ko nga kahit saan nya gusto eh. Kahit ngayon na.”
“Ayain nyo na agad sir,” sabi ni Teng.
Pero agad napawi ang ngiti ko nang naabutan namin si Paul na nanonood ng TV sa sala. Wala si Aya doon. Diretso lang kami sa kuwarto para ibaba si Prince.
“Ay, nakatulog na ang baby ko,” sabi ni Aya na kalalabas lang ng banyo.
Hinagod ko ng tingin ang suot nya. Nakafit sya ng long sleeves at nakaleggings. Nakadama ako ng inis. Lagi lang naman syang nakapyjama at maluwag na sweatshirt ah, tapos ngayon, nakafit? Nagpapasexy sya para sa lalaking yun?
“Baby natin, Ariza,” mariing sabi ko habang maingat na inilalapag si Prince sa kama.
Mabilis ding umalis agad si Teng matapos ibaba ang mga gamit ni Prince sa table.
“Eh di baby natin.” Sagot nya na humalik sa noo ni Prince. “Ang sungit!” Bulong nya.
Inirapan ko sya, sino ba namang hindi magsusungit? Hays, kaya ba sya hindi sumama sa amin dahil pupunta ang lalaking yan? Dahil magkikita sila? Kaya nya kami pinaalis para makapagsolo sila, at nagpasexy pa talaga ha.
Tinanggal nya ang sapatos ni Prince, kumuha din ng pampalit na damit ng bata.
“Ako na dyan, may naghihintay sa yo sa labas,” sabi ko na inagaw sa kanya ang damit ni Prince.
“Sigurado ka?” Tanong nya. At hindi man lang nya sabihin na ‘Hayaan mong maghintay sya.’
“Oo na!” Inis na sabi ko.
Tumingin sya sa akin.
“Ano?” Tanong ko.
“Ang sungit mo, meron ka ano?” Pang-aasar nya pero seryoso ang mukha nya.
Inirapan ko lang sya.
“Okay, lalabas na ako, sabi mo eh,” sabi nya at lumabas na sa kuwarto. Ang totoo gusto ko syang hilahin at yakapin. At grabe sya! Kunwari lang naman yung sinabi ko na pumunta agad sya dun. Kaso lumabas talaga agad para sa lalaking yun! Hays!
Katatapos ko lang bihisan si Prince nang bumalik sya.
“Ang bilis mo ah,” sabi ko.
“Umalis na sya,” sagot ni Aya.
“Agad agad?” Sarkastikong tanong ko.
“May gagawin pa sya sa office. Saka kanina pa sya dito,” sagot nya.
Lalo akong nainis. Gaano na kaya katagal yung kanina pa? Ayaw kong magsalita ng masama, alam kong para kay Aya ay wala akong karapatan. Lumabas na lang ako sa kuwarto nila at bumaba para magbihis.
Humiga ako saglit sa kama para magpahinga. Hindi naman ako makaidlip, iniisip ko kung anong ginawa nina Aya at ng lalaking yun habang wala kami. Buti sana kung nasa ibaba sila, mahihiya pa siguro sa mga maids, eh kung andun sila sa itaas, tapos silang dalawa lang. Hays…
Ipinasya kong umakyat uli. Hindi ako mapapalagay sa ganito.
Nanonood ng TV si Aya-ko, anime. At Japanese version pa yun. Kailangan pang basahin ang English subtitle para maintindihan. Sakit sa mata nyan.
Tumabi ako sa kanya sa mahabang upuan.
“Kung nagugutom ka kumain ka dun,” sabi ni Aya na sa TV pa rin nakatingin.
Napangiti ako, kahit galit sya sa akin, thoughtful pa rin. Pero andito pa rin ang inis ko.
“Kumain kami bago umuwi,” sagot ko. “Gusto kong magpahinga.”
“Pahinga ka,” sabi nya.
Tumahimik ako dahil alam kong nagbabasa sya. Nang magcommercial ay humiga ako sa kandungan nya. Pumiksi sya. Ayaw nya sa ginagawa ko, bahala sya! Hindi ko pinansin ang pagtanggi nya.
“Ang sexy mo talaga,” sabi ko.
Hindi sya umimik.
“Miss na miss na kita.”
Nakatingin lang sya sa TV.
“Galit ka pa ba sa akin?” Tanong ko. Nakapikit ako, ayaw kong matukso sa dalawang papayang malapit na malapit sa mukha ko. Mukhang magagalit sya eh.
“Hindi naman ako nagalit sa iyo,” sabi nya.
Ipinaikot ko ang braso ko sa baywang nya.
“Ngayon pa lang ako magagalit, kapag hindi mo itinigil yang ginagawa mo,” sabi nya na tinanggal ang kamay ko.
“Ano bang ginagawa ko?” Tanong ko. Hindi sya sumagot. “Di ba galit ka?”
“Nagtampo ako, dahil natiis mo ako ng ganun katagal,” sabi nya. “Wala ka nung kailangan kita,” walang reaksyon sa mukha nya pero ramdam ko ang hinanakit sa boses nya.
Bumangon ako at niyakap sya. “Sorry. Sorry. Kasalanan ko talaga eh. Sorry talaga,” sabi ko.
Bumitaw sya at hindi na uli nagsalita. Natahimik rin ako. Naisip kong napakasama talaga ng ginawa ko. Hindi ko na muna sya ginulo.
“Tingnan ko lang si Prince,” paalam ko, tumango naman sya at nagpunta na ako sa kuwarto nila.
Tinabihan ko si Prince na mahimbing na natutulog. Grabe, hindi ko pa rin maisip na may anak na ako. At kamukha ko pa.
Nagmuni muni ako at pumikit. Hindi ko na namalayan ang nangyari.
Naramdaman ko na may kumukurut kurot sa mata at ilong ko, “Diii!” Sigaw ni Prince.
Nakatulog pala ako, napagod ako sa pagpasyal namin. “Prince naman eh,” kunwari ay matutulog pa ako at hindi sya pinansin. Tumalikod pa ako sa kanya.
“Diii!!” Sinabunutan na nya ako habang tumatawa. Batang to, makulit. Manang mana sa pinagmanahan.
“Tutulog pa ako Prince,” sabi ko. Sinilip nya ang mukha ko. Ang hindi ko napansin ay nasa gilid na pala ako ng kama, nang lumipat si Prince sa harap ko ay dire diretso sya sa sahig. Takot na takot akong bumangon at agad tiningnan ang anak kong nakahiga na sa lapag, nawala bigla ang antok ko.
Nakatingin lang si Prince sa akin. Nasaktan kaya sya?
“Hindi iiyak si Prince…hindi naman masakit eh,” narinig ko ang boses ni Aya-ko na nasa may likuran ko pala.
Hays, lagot ako nito.
Biglang tumawa si Aya. “Epic yung pagkakalaglag ng baby namin ah!” Sabi nya sabay dampot kay Prince na tumatawa na rin, halakhak pa.
Pasimpleng tiningnan ni Aya ang ulo, braso at katawan ng bata. “Okay ka lang baby ko?” Tanong nya.
“K!” Sagot ni Prince na nakangiti. At nagtawanan silang mag-ina.
My gosh! Mababakla ako sa mga ito! Mga baliw! Nakakabaliw! Habang natataranta ako dahil sa pagkakahulog ng anak namin ay tawa naman sila nang tawa. Hays!
Naging maayos ang mga natitira kong araw sa Baguio. Hindi na uli nagpunta ang Paul na yun, buti naman, nakafocus na sa amin si Aya. Nakikipabonding sya kapag naglalaro kami ni Prince, kinakausap na nya ako lagi at ngumingiti na rin sa akin.
“Prince, aalis na si daddy bukas,” sabi ko. Nakaupo ang anak ko sa tyan ko at tuwang tuwa sya kapag gumagalaw. Parang mommy nya lang, tuwang tuwa sa bilbil ko.
“Diii,” sagot nya.
“Hay naku anak, dapat pagbalik ko, marami ka ng alam na salita. Hindi puro di at mi,” sabi ko na natatawa.
Tumawa na naman si Prince nang magvibrate ang tyan ko dahil sa pagtawa ko.
“Ang harot ni Prince,” narinig kong natatawa rin si Aya habang nagtitimpla ng gatas.
“Gusto mong sumama kay daddy, ha Prince?” Tanong ko sabay sipat kay Aya-ko na nagshishake ng gatas. “Sama kayo ni mommy sa bahay ni daddy?” Tanong ko uli.
“Miii,” sabi lang ni Prince.
Deadma lang si Aya kaya hindi ko na inulit. Inilapag nya ang gatas ni Prince sa headboard ng kama. Alam ko, binibigyan nya kami ng time ni Prince kaya hindi agad nya pinapatulog ang bata. Sabagay, maaga pa naman.
Mayamaya ay humikab na si Prince. Bumaba sya mula sa tyan ko at humiga sa kama. “Dede.” Sabay hikab uli.
Inabot ko ang gatas at ibinigay sa kanya. Si Aya ay umupo na sa kabilang tabi ng kama.
Gaya ng dati, ubos agad nya ang laman ng bote. Grabe sya. Ang takaw.
Kinuha ni Aya ang bote at tumayo. Tinapik ko naman ang hita ni Prince. Sarap naman ng ganito.
“Tulog ka na, maaga ka pa bukas,” sabi ni Aya habang inaayos ang bote ni Prince.
“Ang aga-aga pa,” sabi ko. “Matutulog ka na?”
“Hindi pa. May papanoorin akong movie,” sagot nya. “Gusto mong manood?”
Napangiti ako. Nakatalikod naman sya kaya hindi nya makikita kung kikiligin ako.
“Tara,” aya nya at nauna nang lumabas ng kuwarto. Hinalikan ko sa noo si Prince bago ako lumabas sa kwarto.
“Di pa nagstart,” si Aya matapos ilipat ang channel ng TV.
“Horror yan ano?” tanong ko. Nakita kong mahilig sya at may mga CD sya na puro horror.
“Oo,” sagot nya.
“Nanonood ka talaga ng ganyan?” Tanong ko.
“Oo, madalas kapag tulog na si Prince. Ang ingay kasi nya kapag kasama ko syang nanonood, kapag may background music, sumisigaw ng ‘momooo’…’momooo’. Hindi ako makapagconcentrate.” Sagot nya. Napangiti ako, naimagine ko, cute siguro ni Prince kapag sinasabi yun. At sigurado, away silang mag-ina. Hays, ang cute talaga nila.
“Dumede ba sa yo si Prince? Ang takaw no?” Tanong ko.
“Hindi. Paano naman sya makakadede sa akin eh comatose nga ako nun?” Si Aya.
“Ay oo nga pala,” sabi ko. “Ang swerte ko pala,” sabay ngisi.
“Bakit?” Tanong ni Aya na napatingin sa akin.
“Ako pa lang pala ang nakakadede dyan,” sagot ko.
Natigilan sya sandali, tumitig sa akin. “Sigurado ka?” Seryoso ang mukha nya.
Ako naman ang natigilan. Takte! Yun lang… “Ganun?” Tanong ko.
Bumaling na sya sa tv. Totoo kaya yun? May ibang lalaking nakahawak, nakahalik at nakayakap sa kanya? Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi na naman ako mapalagay.
“Hindi nga, Aya-ko,” sabi ko.
“Wag mo na lang isipin yun,” sagot nya. Hindi na tumingin sa akin.
“Miss ko na yan,” sabi ko. Hindi naman nya ako pinansin. Umunan ako sa hita nya. Ang bango. Hinalikan ko ang dibdib nya, at kahit makapal ang suot nyang sweater ay alam kong naramdaman nya yun. Deadma pa rin sya. Kakainis lalo.
“Ang tagal naman magsimula,” sabi nya. Inilipat nya uli ang channel.
“Aya,” tawag ko sa kanya.
“Hmmm?” Sagot nya.
“Pasilip,” sabi ko.
Napatingin sya sa akin. Tinitingnan ata kung nagbibiro ako.
“Sige na. Pasilip ha,” sabi ko. Maluwag ang suot nyang pang-itaas, sinilip ko mula sa ibaba.
“Ang bastos mo na naman,” sabi nya.
Di ko sya pinansin. Takte! Ang dalawang papaya ni Aya. Miss na miss ko na sila.
“Wag na tayo manood Aya-ko,” sabi ko.
“Bakit? Inabangan ko yun eh,” sabi nya.
“Ipapalabas naman uli yan sa ibang araw,” sagot ko. Bumangon ako at umupo sa tabi nya.
“Bati na ba tayo?” Tanong nya.
“Hindi pa ba?” Tanong ko. Dinampian ko sya ng halik sa labi.
“Hindi pa nga tayo nagkakabalikan eh. Ipapaalala ko lang ha, iniwan mo ako nun,” sabi nya.
“Pero hindi tayo nagbreak di ba? So technically, tayo pa rin kaya hindi kailangang magbalikan,” sabi ko saka ibinigay sa kanya ang napakainit na halik, pero bumitaw ako saglit, “Saka mahal, sorry sa pang-iiwan ha.” At hinalikan ko uli sya. Hindi pa sya gumaganti nung una kaya pinag-igihan ko. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng sweatshirt nya at hinaplos ang makinis nyang balat. Hays, namiss ko to.
“Miss na kita Aya-ko,” sabi ko sa kanya na tinitigan sya.
“Weh,” sabi nya na nang-aasar.
Grabe, bumalik na ang mahal kong si Aya. Napangiti ako. “Ayaw mo?”
“Gusto,” sagot nya na nakangiti rin. “Kaso hindi uubra yung iniisip mo.”
“Huh?” Takang tanong ko.
Ngumisi sya. “Meron ako ngayon eh.”
Takte!!! Bakit ngayon pa? Malaki ba talaga ang kasalanan ko? “Ganun?”
“Ganun! Kaya tumigil ka na at manood na tayo,” sagot nya.
“Kiss na lang,” hirit ko. Hindi nya ako pinansin. “Uy! Pakiss naman,” pangungulit ko. “Aya-ko…”
“Kulit mo eh, mamaya na lang,” sabi nya.
“Promise yah ha,” paniniguro ko.
“Oo na,” sagot nya.
Tumahimik na ako at nanood. Masyadong brutal ang palabas pero nakita kong enjoy si Aya-ko kaya pinabayaan ko na. Sinamahan ko sya hanggang matapos ang movie habang nakaunan sa hita nya. Sinilip silip ko sina b1 at b2, minsan hinahalikan ko sya, niyayakap.. At syempre pa, hindi ko nalimutan ang kiss na pangako nya.
“May sinabi ba ako?” Maang maangan ang bruha.
“Ah, wala ba?” Tanong ko sabay pigil sa pisngi nya at mabilis ko syang hinalikan sa labi. Madiin, mainit, masarap na halik ang ibinigay ko sa kanya.
Nagbitaw na kami ay nakapikit pa si Aya. Nakangiti akong niyakap sya.
“Mahal kita Aya-ko,” sabi ko.
“Mahal din naman kita, mahal pa rin, walang nagbago.” Sabi nya na tumingin sa akin. “Namiss ko ang kiss , Amir,” sabi pa nya na nakangiti.
Nakatulog ako na may ngiti sa labi ng gabing yun. Bati na kami ni Aya-ko at babalik ako sa Manila na may pag-asang may dalawang mahal ko na mghihintay sa pagbalik ko dito.
“Bye baby Prince, aalis na si daddy,” sabi ko kay Prince na naglalaro sa kama nila. Nakabihis na ako at nakahanda na sa pag-alis. Hays, parang ayaw ko umalis muna. Wala pa namang pasok bukas.
“Diii,” ang walang kamatayang sagot ni Prince. Ni hindi tumingin sa akin. Busy.
“Tara na Prince, hatid natin si daddy sa ibaba,” sabi ni Aya saka kinarga si Prince.
“Ako na ang magkakarga sa kanya,” sabi ko. Isinakbit ko na ang bag ko at kinuha si Prince sa mommy nya.
“Sama na lang kayo sa akin,” sabi ko habang bumababa kami. Napatingin sa akin si Aya.
“Babalik ka naman di ba?” Sabi nya. “Pag hindi ka bumalik, kami ang pupunta dun.”
“Ay, gusto ko yan mahal,” sabi ko na nakangiti. “Alam mo kung saan?”
“Hindi. Bakit? Hindi mo ba sasabihin?” Tanong nya sabay tingin sa akin. Tinging nagdududa.
“Syempre sasabihin ko,” at inakbayan sya. Kakainis, ayaw ko na ata talaga umalis. Pero naisip kong dapat na akong umalis ngayon dahil may naisip akong gagawin. At dapat gawin ko na agad agad.
“Bye na kay daddy,” sabi ni Aya kay Prince nang nasa gate na kami.
“Bye, diii,” sabi naman ni Prince na kumakaway pa.
Masaya ako na malungkot. Hays, ngayon pa lang namimiss ko na itong dalawang makulit na ito. Nakakainis.
Matapos kong halikan ang mag-ina ko ay umalis na ako. Baka magbago pa isip ko eh.
Tawa nang tawa si Fred nang ipakita ko ang video ni Prince habang nagbabasa ng pabaliktad sa story book. Ipinakita ko rin ang mga pictures ng mag-ina.
“Yan ang ina ng anak mo?” Gulat na tanong nya. Tinitigan pang maigi ang picture.
“Oo, kilala mo?” Takang tanong ko.
“Hindi,” sagot nya.
“Eh bakit ganun ka makareact?” Tanong ko.
“Ang ganda kasi. Dapat pinagsuot mo ng helmet. Baka mauntog eh,” sabi nya at tumawa nang tumawa.
“Grabe ka sa akin,” sabi ko.
“Sayang, hindi nya kamukha ang anak nyo,” dagdag pa ni Fred. Nasa mood mang-asar ang loko.
“Okay lang na kamukha ko si Prince, lalaki naman eh.” Hays, bigla ko na naman silang namiss. “Pasalamat na nga lang ako, napatawad ako ni Aya,” biglang nasambit ko.
“Kaya nga wag mo nang sayangin ang chance mo,” sabi nya.
“Hindi talaga,” sabi ko.
“Eh di wala na talagang pag-asa si Laila?” Tanong nya. Hindi na lang ako umimik.
Matapos kong magpahinga ay tinawagan ko agad ang mga taong makakatulong sa akin. Pinatingnan ko ang bahay at nagplano ng mabuti. Sisiguruhin kong magugustuhan nina Aya at Prince na tumira dito.
Pumasok ako uli sa trabaho ng mga sumunod na araw, habang may ginagawa sa bahay ko. Pinapatingnan tingnan ko na lang kay Fred. Kailangan kong kumita.
“Wow, pinapaganda mo ang bahay mo ah,” bati ni Laila nang minsang nagpunta sya. Wala akong pasok nun.
“Mag-aasawa na kasi yang si Amir eh,” si Fred ang sumagot.
Napatingin sa akin si Laila. Hindi ako nagsalita. Nagpaalam na lang ako sa kanila at pumasok na sa loob. Tatawag ako sa mag-ina ko.
Araw araw kaming nagtatawagan ni Aya, minsan ay videochat para makita ko rin si Prince, ang makulit na anak ko na tuwang tuwa kapag nakikita ako sa screen, masaya talaga ako kapag nakakausap ko sila.
Ang isa lang na hindi pa bumabalik nang tuluyan ay si Aya-ko. Hindi ko alam kung babalik pa sya sa dating kakulitan at kaharutan nya. Pero masaya na rin ako.
‘Kauuwi ko lang,’ chat ko kay Aya.
‘Sayang, tulog na si Prince,’ reply nya.
‘Ganun? Ang aga ata. Di bale. Tayo na lang chat,’ sagot ko.
‘Pagod, gumala kasi kami. Kain ka muna at magpahinga,’ reply nya.
‘Sino kasama nyo?’ Tanong ko.
‘Si Teng,’ reply nya.
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi si Paul na naman.
“Ok, saglit lang ha, magbibihis lang ako,’ reply ko at ginawa ang mga dapat kong gawin. At excited akong nagchat uli nang nakahiga na ako sa kama.
‘Tapos na ako, mahal,’ chat ko.
Seen
‘Hala, tulog ka na ba?’
Seen
‘Wuist!’
Seen pa rin at nagsisimula na akong mainis. Ganito pala ang feeling ng siniseen.
‘Okay, busy ka,’ chat ko sabay dapa sa kama. Inihagis ko pa ang cp ko sa may ulunan at isinubsob ang mukha ko sa unan. Pero napabalikwas ako nang tumunog ang cellphone at dinampot agad yun… Para lang madismaya sa emoji na sinend nya.
Takte! Smiley? At like?
Inis na inis ako pero alam kong wala akong karapatan. Ngayon ko narealized yung mga pinaggagawa ko dati sa kanya. Ang sakit pala. Ipinasya kong matulog na lang.
Nakahiga na ako, patay na rin ang ilaw nang tumunog uli ang cellphone ko. Nagmamadali akong dinampot yun, umaasa na si Aya-ko ang nagmessage.
‘Sorry, nagising si Prince eh, umiyak sya,’ chat ni Aya-ko. ‘May kumagat sa braso nya. May pantal.’
‘Huh? Ano?’ Nakunsensya ako. Nakakainis ang sarili ko. At least sya may dahilan, ako nga noon, wala namang dahilan, gusto ko lang.
‘Di ko alam kung ano yung insekto na yun. Pinirat ko nga at pinatay. Walanghiyang insekto yun. Nakakainis sya, as in! Sinaktan nya ang baby natin,’ chat nya.
Napangiti ako. Si Aya-ko talaga. ‘Sige na, asikasuhin mo na sya. Tapos pahinga ka na rin ha. Goodnight!’ Reply ko.
*Sorry po hindi makapag-update ng midnight, alangan kasi tulog ko kagabi, ang hirap ng gumising
Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.
- Our Love Story (Aya) 15 – Finale - March 24, 2021
- Our Love Story (Aya) 14 - March 24, 2021
- Our Love Story (Aya) 13 - March 23, 2021