One Lust Night 7

MisterND
One Lust Night

Written by MisterND

 

Chapter VII: Flowers and Chocolates (2)

“Tara, sa dating pinagkakainan natin.”pag-aya ko.

“Sure at ipapakita ko sa iyo na hindi na ako nandidiri kumain nyan.”

“weh…sige nga”

At naglakad kami patungo sa dating pinagkakainan ng naming ng fishball at iba pa.

Ann POV

Naalala ko nung nasa senior high school pa ako na magkasama kami ni Gino kumakain ng fishball. Hindi mawala ang ngiti ko kapag naalala ko yung magkasama kami ni Gino habang kumakain kami ng fishball. Ang unang pagkain namin ay nasundan pa ng maraming beses hanggang sa umalis na si Gino ay araw araw ako pumunta dito upang kumain tapos uupo sa isang bench at panonoorin lumubog ang araw. Malungkot dahil nandito ang mga masasayang memories namin ni Gino at umaasa na babalik siya dahil pasabi na kalian siya babalik. Dinadalangin ko na sana dumating ang araw na kasama naming pinapanood ang paglubog ng araw, uuwi kami sa aming bahay na puno ng saya at halakhak. At eto nga ang pinakahihntay kong oras at panahon magkasama kami ni Gino at tatahakin namin ang suki namin si Mang Ambo. Si Mang Ambo ay naging suki namin ni Gino at kilala na namin nyan upang kumain ng fishball habang wala pang customer. Simpleng pedicab na may kalan de gas, ilang plastic na fishball at iba pang paninda niya magisa. Sa edad na 70 years old ay masasabi mo na mas bata sapagkat ito, palangiti at dedicated sa kanyang trabaho at mas lalo namin nagustuhan ay masarap na timpla ng kanyang sauce na binabalik-balikan ng mga customer ang kanyang paninda.

Nang nakita na namin ang fishballan ni Mang Ambo ay maraming customer gaya ng; mga estudyante, mga nagtratrabaho at mga ordinaryong tao. Si Mang Ambo ay di pa rin nagbabago masayahin pa din at dedicated sa kanyang trabaho, kahit na lumaki pa rin ang kanyang puwesto ay hindi pa rin mawawala ang pagiging mabait niya.

“Kamusta ka na Mang Ambo?” pambati pambungad ni Gino.

Napatingin ito kung sino ang nagtatanong sa kanya. “Sir Gino…ikaw pala,” sabi ni Mang Ambo.

“Buti Mang Ambo naalala mo pa kami,” tanong ko kay Mang Ambo.

“Imposible ko ba kayo di maalala sir at maam kayo ang nagiisang suki ko nung nagsisimula ako nagtitinda dito sa Bay Walk.” At abot ni Mang Ambo ang isang baso na puno ng fishballs at matamis at maanghang kaunti na sauce sa akin at inabot rin ni Mang Ambo ang isang baso puno ng fishball na may sauce na suka at matamis at kumain na kami. Nagkuwentuhan pa kami nila Mang Ambo at doon ko nalaman na may iniindang sakit ang kanyang asawa kaya todo kayod si Mang Ambo para may pang-maintenance sa kanyang asawa na may sakit na Dementia at Diabetes. Umalis na kami sa pwesto ni Mang Ambo at tinulungan na naming siya sa pamamagitan ng kaunting halaga na binigay namin sa kanya. Sapat na para mabili na ang kinakailangang pang maintenance ng kanyang asawa.

Naglakad-lakad kami ni Gino habang kumakain kami ng kwek-kwek at toknene. Nang makakita kami ng isang bench at doon kami umupo.

“Masakit na ba ang paa mo?” tanong ni Gino sa akin

“Di naman okay lang ako” pero sa loob-loob ko ay masakit na ang paa ko at need ko na hubarin sa heels ko.

“Sandali lang Ann antayin mo ako ha may bibilhin lang ako” paalam niya kay Ann

“Okay, sige bilisan mo ha”

Gino POV

Binilisan ko ang paghahanap ng isang flat shoes dahil nagiisa lang si Ann at baka ano pa ang mangyari doon at laking pasasalamat ko ng makakita ako ng isang boutique at pumasok na ako sa loob ng tindahan at sakto nakahanap ako ng isang flat shoes, binili ko ito at umalis na rin ako tindahan. Sakto naman na may nakita akong isang tindero naglalako ng mga plastic na rose kaya binili ko na rin ito at bumalik na ko saan nakaupo si Ann. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko siya na nakatingala at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. At doon ako napangiti sa nakikita ko, kung dati ay umuupo kami dito upang pagmasdan ang paglubog ng araw at paglitaw ng buwan tapos mag aasaran at magtatawanan. Pero ngayon iba na ang takbo ng mundo hindi na halakhak ang asaran ang kundi pangarap at matatamis na salita na pinapangako naming sa isa’t isa. Lumapit na ako sa kanya at napatingin naman siya sa akin.

Nilabas ko ang isang pares ng flat shoes at sa tingin ko sakto sa paa niya at isinukat ko sa kanya, at tama nga ako dahil sukat na sukat nga. Pagkatapos ay nilabas ko ang isang plastic na rosas at ibinigay sa kanya.

“kanina sa office fresh tulips and daisy ang binigay mo sa akin tapos eto plastic na rose at isa pa.”

“Aba! choosy ka pa. ikaw na nga binibigyan ng bulaklak na maarte ka pa yung ibang babae nga sa akin puri nila ang binibigay sa akin para maging jowa lang ako.” Pangaasar ni Gino sa akin

“Ulol! peperahan ka lang, kaya gusto ka nila maging jowa.” Ganting sagot ni Ann kay Gino at napuno ng halakhakan ang pwesto nila.

“Salamat sa isang bulaklak,” seryosong sabi ni Ann kay Gino.

“Alam mo bakit plastic ang binigay ko sa iyo?”

“Bakit nga ba?” takang tanong ni Ann kay Gino

“Kasi ang plastic di nalalanta gaya ng pag-ibig ko sa iyo di nalalanta, di katulad ng totoong bulaklak ay nalalanta at nawawalan ng kulay, namamatay.” At sa di sadyang pagkakataon ay nakakita sila ng isang wishing star.

“Anong wish mo, mahal?” tanong ko kay Ann.

“Wala akong wish, mahal dahil natupad na ang matagal kong dalangin…” sabi ni Ann

“Eh ano ba ang matagal mo ng dalangin.” Tanong ko ulit sa kanya.

“Ang makasama ang lalaking mahal ko” sabi ni Ann

Napangiti ako ng malapad ng sabihin niya ang mga katagang yun tila parang isang tape na paulit-ulit na pinaparinig sa akin…

“Ang makasama ang lalaking mahal ko”

“Ang makasama ang lalaking mahal ko”

“Ang makasama ang lalaking mahal ko …”

…na reulta na pagbilis ng tibok ng puso ko, ang kilabot na pakiramdam, at libong-libong boltaheng naramdaman ko pumasok sa aking katawan. Aminin ko man o hindi ay kinikilig ako sa katagang binitawan niya.

“Eh ikaw ano ang wish mo?” balik na tanong ni Ann kay Gino.

“Simple lang ang wish ko, sana ang babaeng katabi ko ay makasama ko hanggang sa pagtanda.”

At napatingin ako sa kanya at yumuko naman upang itago sa di malaman na dahilan.

“Ang ganda ng kalangitan no?” tanong ko sa kanya

“Oo ang ganda nga ang sarap pagmasdan ang bawat bituin na nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid.” Sabi ni Ann.

“Naalala mo pa nun kapag wala pa si Kuya Andoy ay uupo tayo dito at pinagmamasdan natin ang paglubog ng araw at paglitaw naman ng buwan. Ang sarap siguro balikan ang moment na yun oh” patuloy na sabi ni Ann kay Gino.

“Oo nga masarap balikan ang moment na yun sana sa pagbalik natin dito ay magawa natin pa natin yun. Halika na at umuwi na tayo baka hinahanap ka ng mama mo at may pasok ka pa bukas.” Paalala ni Gino

“Oo nga lumalalim na ang gabi” sabi ni Ann.

Ann POV

Pagkauwi ko sa bahay ay pumasok na ako sa kuwarto ko upang magpalit at matulog na. hindi ko aakalain ang unang date namin ay hindi ko ineexpect pero isa ito sa pinakamasayang moment sa buhay ko.

Inaalala ang bawat sandali ang mga halakhakan namin at ang mga asaran namin, ang pagkain ng mga tusok-tusok , ang paglalakad na magkasama ang pagbigay niya sa akin ng plastic na rose at higit sa lahat ang katagang binitawan niya sa akin

“Sana ang babaeng katabi ko ay makasama ko hanggang sa pagtanda.”

Sumubsub ako sa unan ay nagsisigaw at nagpagulong- gulong ako sa kama dahil sa kilig na naramdaman ko. Maraming beses na nagbigay ng mga sweet words si Gino at isa ito sa pinaka maganda at pinaka nakakakilig na sinabi niya sa akin ni Gino at pinagmasdan ang isang rosas na gawa sa plastic at ngumiti nanaman ako.

“nakakainis ka Gino bakit mo ba ako pinapakilig ng ganito” sabi ko habang hawak ang rosas na gawa sa plastic at narinig ko ang cellphone na parang may nag notify sa akin.

“Mahal, tulog ka na?” sabi niya sa messenger

“Di pa mahal matutulog pa lang, bakit mahal?

“Gusto ko sana marinig ang boses mo kahit sa saglit lang” sabi ni Gino

“Sige ba…saglit lang ha”

“Opo…mahal”

Tumawag nga siya sa messenger at sinagot ko.

Gino POV

“Hello mahal, salamat pala kanina isa ito sa pinakamasayang at memorable sa buhay ko.” Sabi ni Ann

“Wala yun. Mukhang nagenjoy ka nga eh” sabi ko sa kanya.

“Mahal matutulog na ako, bukas na lang”

“Sige mahal matulog ka na pero huwag mo papatayin ang tawag gusto sana kita kantahan kahit pangit ang boses ko.”

“Sige mahal go lang”

Kinuha ko ang gitara at nagpluck at nagsimulang tumugtog at kumanta

You’re Still the One by Shania Twain

Looks like we made it

Look how far we’ve come, my baby

We mighta took the long way

We knew we’d get there someday

They said, “I bet they’ll never make it”

But just look at us holding on

We’re still together, still going strong

(You’re still the one)

You’re still the one I run to

The one that I belong to

You’re still the one I want for life

(You’re still the one)

You’re still the one that I love

The only one I dream of

You’re still the one I kiss good night…

“Good night Ann. Mwah” at pinatay na niya ang tawag.

Ann POV

“Good night Ann. Mwah” at pinatay na ni Gino ang tawag.

“Good night. Gino.” Sabi niya pagkatapos ng tawag nila.

Anim na buwan na nanliligaw si Gino sa akin at sinagot ko na siya. Hindi niya pa rin niya ako binibigo pakiligin at pabilibin sa mga pakulo niya at mas lalo ko pa siyang minahal ng lubusan dahil mas lalo ko pa siya nakilala ng lubusan, malalim at higit sa lahat mas lalo ako nasabik sa kanyang katawan dahil puro sex on phone lang ang ginagawa naming o kaya minsan kapag nagkakachat kami ay napupunta sa sex on chat.

July 26, kaarawan ko at ito na ang pinakamasayang araw ko, nagpapasalamat ako kay Lord dahil nadagdagan ang aking buhay ng isang taon. Nagpapasalamat din ako dahil andyan ang provision ng health niya sa aming pamilya, nagsusutain sa aming finances and materials at higit sa lahat ay mga taong nagmamahal sa akin gaya ni mama, ni Kuya Andoy at si Gino na isa sa pinakamahalagang tao sa akin. Natapos kami pumunta nina mama at ni Gino sa simbahan ay kumain kami sa labas at nagbonding kami magpamilya. Matagal na rin pala since noong nawala si papa ay nalungkot si mama at muli ngayon ko ulit nakita ang ngiti sa kanyang mga labi. Pasado mga alas siyete ay umuwi na kami sa bahay at andito kami ngayon sa garden nagbobonding.

“Happy birthday Ann, stay in love sa akin, stay beautiful andsexy para hindi ako magsawa at higit sa lahat stay healthy and stay strong sa iyo at dahil dyan may regalo ako sa iyo. Pikit ka muna.”

Pumikit nga ako pumuwesto sa likod ko at may malamig akong bagay na nararamdaman sa leeg ko. “Open your eyes” sabi ni Gino sa akin at pagkakita ko ay isang necklace na rose gold at isang “G” na pendant na may diamond accent sa letters nito. Simple pero napakaganda gaya ng pagmamahal niya sa akin simple lang walang halong iba rason basta mahal niya ako.

“Napakaganda Gino salamat” sabi ko.

“Meron pa Ann di pa tapos,” at kinuha naman niya ang isang maliit na envelop na may ribbon at binigay sa akin.

“Buksan mo”

At pagbukas ko ay isang plane ticket papunta sa Batanes ang isa pang regalo ni Gino sa akin at doon ako napaluha sa galak at niyakap ko siya ng mahigpit at binigyan ng smack na kiss sa labi.

“Thank you Gino…thank you mahal” at muli ay hinalikan ko siya ng puno ng pagmamahal.

Itutuloy…

Author’s note:

Ako po ay nagpapasalamat sa pagbasa ng aking story simulka chapter 1 hanggang matapos itong story. Tatapusin ko nap o itong story, siguro mga 3-chapter bago po matapos ito. Muli ako ay nagpapasalamat sa mula sa kaibuturan ng aking puso.

Feel free to rate and comment po

Thank you and God Bless.

MisterND
Latest posts by MisterND (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x