One Lust Night 10

MisterND
One Lust Night

Written by MisterND

 

Chapter X: Faith, Hope and Love

“Kuya, di magandang biro iyan…huwag kang magbibiro ng ganyan”

“Ann ako nga din ay hindi makapaniwala…bakit di mo tignan kung totoo yun?” sabi ni Kuya Andoy

Di ko muna pinatay ang tawag at nagmamadali kong binuksan ang pc ko upang tignan kung totoo.

“DAAA PRESIDENT AND CEO PRIVATE PLANE CRASH IN HIMALAYAS ”

“Inaalam pa kung ilan ang nasawi sa sinasakyang eroplano o at ilan nasawi at nawawala, kung kasama ba si Mr. Gino D’Antonio sa mga nasawi.”

At doon ako nalumo at naubusan ng lakas sa narinig ko.

“Ann andyan ka pa?”

“Oo, kuya” walang buhay na sabi niya

“Ann, babalitaan ka na lang namin na kung anong balita kila Gino” malungkot na pagkakasabi ni Kuya Andoy

At binababa ko na ang tawag. Ayaw ko paniwalaan ang balita na nagcrush ang eroplanong sinasakyan ni Gino, sinampal ko ng paulit-ulit ang mukha ko baka nanaginip lang lang ako pero totoo ito…totoong-totoo. Gusto ko na lang isipin na baka pina-prank lang ako ni Gino, na ginamit niya lang si kuya at ang pangyayari ay naaksidente ang sinasakyang eroplano ni Gino, pero totoo eh hindi ito biro.

Maraming pumapasok sa isipan ko na negative thought, o mga agam-agam na ayaw ko ientertain dagdag mo pa ang trabaho at stress. Nang tatayo na ako para kumuha ng tubig ay bigla ako nakaramdam ng hilo at unti-unti ay nagdilimna ang paningin ko.

“Ann, pinapatanong kung tapos— ANN what happen…ANN…ANN tulong si Ann nahimatay.

“Gino” at niyakap ni Ann si Gino. at ginawaran niya ito ng isang matamis na halik.

“Salamat Ann sa pagaantay mo sa akin. Salamat sa pagmamahal na binalik mo sa akin. Salamat sa lahat mahal.”

“Ano ka ba mahal wala yun.” Umupo sila sa isang duyan at nagusap sila.

“Di na ako magtatagal mahal, aalis ako at pupunta sa isang malayong lugar…tandaan mo mahal babalik ako at sa pagbalik mo sa akin ay ang bawat kalungkutan na nararanasan mo ay mapapalitan ng kasiyahan, ang bawat pagkasabik mo sa akin ay mawawala at mapupuna at bawat iyak na iniyak mo sa akin ay mapapalitan ng ngiti. Baunin mo ang bawat masasayang araw natin. Ang pagibig mo sa akin. Paalam mahal.”

“Sandali…Gino….sanadali wag mo ako iwan mahal…mahal…MAHAL” napamulat ako ng mata at pinagmasdan ko ang paligid.

“Gising ka na pala, Ann” sabi ni Kuya Andoy na nasa tabi ko.

“Kuya, si Gino, kamusta siya may balita ka pa”

“Ann di pa nagbibigay ng information sa nangyari kay Gino, miski ang mama niya ay napgtanungan ko na rin pero wala pa rin balita.”

“Kamusta naman si Tita?”

“Di pa rin niya matanggap ang nangyari sa eroplanong sinasakyan ni Gino. umaasa na buhay pa rin si Gino.”

“Kuya, nanaginip ako tungkol kay Gino, nagpapaalam na aalis na siya. Kuya ayaw kong paniwalaan na wala na si Gino, na patay na talaga siya…Di ko makakaya.” At tuluyang ng bumagsak ang mga luha ko.

“Ann ako din ayaw ko paniwalaan yun pero paano nga kung di siya nakaligtas. Ann tatagan mo ang loob mo, alang-alang sa bata na nagiisang pag-asa mo.”

“Bata?” takang tanong ko kay Kuya.

“Oo, Ann buntis ka at dalawang linggo ka na nagdadalang tao”

Mas lalo bumuhos ang mga luha ko ng marinig ko na nagdadalang tao ako at hinipo ko ito at ngumiti. Tama si Kuya Andoy kailangan ko maging matatag, pagsubok lang ito sa amin ni Gino at mas lalo kong tatagan din na ang paniniwala ko na buhay pa si Gino.

Makalipas ng ilang araw ay bumalik na ako sa normal na buhay. Nagpakasubsob ako sa trabaho isa ito sa paraan upang maibsan ang kalungkutan ko, at may pagiingat pa rin dahil sabi ng doktor ko ay maselan ang pagbubuntis ko kaya todo ingat ako. Mabilis lumipas ang araw at naging buwan. Umaasa na buhay pa rin si Gino pero ang pag-asa na yun ay parang imposible na yata kasi dahil wala pa masyadong information kung nasan si Gino, kung patay na ba siya o hindi pa. Hanggang sa isang araw may tumawag sa akin at si Kuya Andoy yun. Isang araw ng tumawag si kuya Andoy sa akin

“Hello Ann may balita na mga bagay na nakuha ang mga authoridad sa eroplanong bumagsak sa Himalayas kahapon at isang bangkay.”

“Okay, sige pupunta ako diyan.” Dali-dali akong umalis at nagpaalam na may titignan lang. Mabilis ako suamakay ng kotse at pumunta sa PNP crime lab dahil nandun ang bangkay at kukumpirmahin kung si Gino nga yun.

“Magandang hapon Sir/Ma’am kayo po bang relative ng pamilya?” sabi ng Forensic Doctor ngayon

“Yes. Fiancee po.” Sabi ko sa Forensic Doctor

“Dahil sunog ang katawan di namin makumpirma na si Gino D’Antonio ito may palataan po ba kayo na si Mr. Gino D’Antonio?”

“Yes po may pendant ako binigay sa na letter A”

“Sige ma’am tatawagin po namin kayo if ever na si Mr. Gino D’Antonio iyan” muli bumalik sa akin ang kaba at pagbaba ng pag-asa ko na hindi ko na makita si Gino na baka siya yun. Pasado alas sais ng gabi at bumalik ako sa ofice upang kunin ang gamit na naiwan ko at umalis ulit at dahil rush hour ay nagsisimula na magbuilt ang traffic kaya mabagal ang pagusad ng sasakyan. Kaya nagpark muna ako sa gilid at bumababa ako upang magunwind muna, kaya pinutahan ko ang fishballan ni Mang Ambo at nakita ako ni Mang Ambo na naglalakad papunta sa puwesto niya habang inaasikaso niya ang mga customer niya at naupo ako sa isang bakanteng lamesa at biglang lumapit sa akin si Mang Ambo.

“kamusta ka na?”

“Eto Mang Ambo kinakaya alang-alang sa baby namin…nawawalan ako ng pag-asa na patay na talaga si Gino, huhuhuhuh Mang Ambo ang sakit kasi biglaan ang pagkawala niya huhuhuhuh…”

“Apo. Sa pagibig hindi lahat ay puro saya, hindi lahat ay puro lungkot. May rason kung bakit nangyari sa inyo ito. Hindi natin masasabi kung patay na siya o buhay pa tadhana lang ang makakapagsabi niyan. Pero kapag wala na siya tanggapin natin ang kapalaran na tapos na ang papel niya sa ating buhay at may bagong papasok nanaman na sa ating buhay. Apo! Hindi basta-basta susuko si Gino ng ganun magtiwala ka na babalik pa siya…Magtiwala ka na makikita at makakasama mo pa siya at yun ang panghawakan mo.”

Pananampalataya, pag-asa at pag-ibig yan ang kailangan ko nagaantay ako sa pagbalik mo Gino. Aasa na babalik ka sa tamang panahon. Naglakad ako muli pabalik papunta sa sasakyan at inalala ko ang bawat sandali namin dito sa Baywalk. Inaalala ko ang bawat halakhak at bungisngis at bawat salita binitawan niya dito. Gaya ng paglubog ng araw sa silangan ay sisikatin din sa tamang oras ganun din ako hindi ako magpapaapekto sa mga bagay-bagay. Ang aming anak ang magsisilbi kong lakas, pero umaasa pa din ako na sana isang araw ay makikita kita. Sana isang araw mahawakan ko ang mukhan mo, sana isang araw ay masabi ko muli na Mahal kita. Umalis na ako sa baywalk upang makapagpahinga na sa dami ng trabaho. Di naman masyadong madaming trabaho pero andun pa din ang stress at pressure sa ginagawa mo.

Lumpias ang mga buwan ay isinilang ko na si ang isang napakagandang babae at isang napakaguwapong lalaki na sila Giann at Angino, kasunod sa pangalan namin ni Gino. lumipas pa ang mga buwan ay masaya ako na gaganpanan ko ang pagiging ina sa kanila mas nagfocus ako sa kanila binuhos ang oras, attensyon, at pagiisip sa mga anak ko na maging dahilan upang makalimutan ko na si Gino na pansamantalang tumatanggal sa kalungkutan ko, halos gabi-gabi ako umiiyak dahil namimiss ko na si Gino, kung nasan na siya, kung buhay pa ba siya pero kapag nakikita ko ang mga anak namin nawawala ang lungkot ko, napapalitan ng galak at kasiyahan ang bawat lumbay ko.

Mabilis lumipas ang bawat buwan at magiisang taon sila, masaya naman nami idinaos ang birthday celebration pero may isang bagay o regalo na pinakamaganda ang ama nilang si Gino. wala man silang muwang pero nakikita ko na sabik sila sa kanilang ama. Wala man silang muwang pero naramramdaman nila ang bawat kalungkutan ko at pagkasabik ko kay Gino.

Nakabalik na ako sa trabaho ko na halos ilang buwan din ako nalagi sa bahay ay namiss ko parin ang magtrbaho kahit nasa bahay na ako at nagtatrabaho ay iba pa din kapag nasa bahay ka walang minuto o oras na hindi ko namimiss ang mga bata pero dapat kong kayanin…dapat kong tatagan dahil sila lang ang pag-asa ko.

Halos dalawang oras ay natapos ko na ang isang design ng isang bagong sasakyan na ilalabas ngayon mas double time ako dahil hinahabol ko ang deadline at marami pang gagawin at test sa bagong sasakyan. Di ko namalayan ang oras ay ala una na ng hapon kaya bumababa muna ako at kumain muna sa pantry.

“Maam Ann kapag may nagpapabigay sa inyo ito” sabi ni Aling Cedes isa sa mga naging nanay-nanayan ko sa loob ng company.

“Kanino galing?”

“Kay si Sir Renzo po”

Si Sir Renzo ay isa sa mga naging kaklase ko sa dati kong pinapasukan na college at siya na rin pinaka bagong CEO ng comapany namin halos magkasing edad ko lang siya. Matalino, makisig, at palabiro din katulad ni Gino. halos magkasing parehas sila ng ugali ni Gino pero hanggang kaibigan lang talaga turing sa kanya. Pagkatapos kong kumain sa pantry ay akyat pa ako sa aking office upang gawin ang natitira kong paperworks at presentation ng makasalubong ko si Sir Renzo.

“Oh, Ann ngayon ka pa lang naglulunch?”

“Yes, sir madaming tinatapos na work eh”

“Naku! Masama ang nagpapalipas ng gutom dapat kumain ka sa tama.” Litanya sabi niya akin.

“Sir pasensya na po di na po mauulit”

“Okay sige na Ann alam ko marami kang ggawin umakyat ka na” at naglakad na si Sir Renzo papuntang pantry.

Lumipas ang linggo ay successful ang bagong launch ng sasakyan at isa pang good news ay tumaas ang marketing profit ng isa kong dinesenyong sasakayan kaya bilang pabuya ay binigyan nila kami ng team ko ng isang linggo accomodation sa isang beach resort sa Batanes.

“Hays sa dinadaming-daming lugar pa bakit Batanes pa sabi ko”

Lunes nga ay nandito na kami sa Basco domestic airport kung saan ay susunduin kami ng staff ng resort pagtutuluyan namin. Sa loob ng ilang linggo ay nawala ang stress namin pero bumalik ang mga alaala namin dito ni Gino sa Batanes na parang sinasadya ng pagkakataon na ipaalala sa akin ito. Naglibot muna kami sa mga dating pinutahan namin ni Gino lalo na ang Mt. Carmel Chapel at Vayang Roller Hills na pumapasok ang bawat katagang at isusuot ang singsing sa akin.

Nagpaiwan ako saglit kung saan nagpropose si Gino sa akin pinagmamasdan ang bawat kapiligiran hawak ko ang singsing na binigay niya sa akin at sinuot niya sa akin.

“Mahal, nasan ka na ba sabi mo babalik ka magpapakasal na tayo pero bakit ganun ang tagal mo na bumalik. Ang tagal mo tuparin ang pangako mo magkasama tayo hanggang sa pagtanda natin. Huhuhuhuhuh…hikhik…” nagpunas ako ng luha dahil sa sobrang bigat ng loob ko. nagtagal pa ako ng ilang oras at nakabuo ako ng isang desisyon…isusuko ko na ang pagasa ko na buhay pa siya, isusko ko na ang pag-asa nababalik pa siya…at tutparin niya ang pangako niya na magkasama namin habang buhay tatayo na sana ako upang umalis na nang biglang may yumakap sa aking likuran ng mahigpit.

“Patawad, sa matagal mong pagaantay…patawad mahal sa pagbibigay ko ng pag-asa na wala na…patawad mahal na di ko nagampanan ang papel sa buhay mo na ako ang nagpupunas sa bawat luhang kinkimkim mo sa bawat luhang pagod na lumabas sa mata mo…nandito na ako mahal di na ako at ibabalik ko ulit sa iyo ang dating nawala.” Malumanay na sabi niya.

Itutuloy….

Author’s note:

Ako po ay humihingi ng tawad dahil nawala ako ng saglit sa kadahilan ng nawalan ako ng inspirasyon magsulat. May mga bagay talaga na nauubos at lumalamig.

Final Chapter is next

Feel free to rate and comment po

Thank you and God Bless.

Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.

MisterND
Latest posts by MisterND (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories