Written by xnavyrmtx
“Kinabahan ako sa sagot mo eh, akala ko papaligaw ka na, edi hindi mo na ako papatikim sayo nyan.” Ngumisi ito at sinundan ang dalawang naunang maglakad habang nakapamulsa pa sa suot nyang shorts.
Naiwan akong nakatayo sa gilid ng kalsada, sa ilalim ng poste ng ilaw. Ang tanging naririnig ko lang ay ang papalayong mga hakbang nila, mga kuliglig sa paligid, at ang malakas na pagtambol ng dibdib ko. Ramdam ko ang lamig ng hangin sa madaling-araw at ang unti-unting paginit ng katawan ko sa mga huli kong narinig.
Matapos ng overnight namin kila Ezer ay napansin kong naging close na ulit samin si Dreif. Ako naman ay medyo naging mailap na kay Kuya Ben dahil litong-lito ako kung paano ko sya papakisamahan matapos ng mga nalaman ko ng gabing yon. Di ko alam kung galit ba ito sa akin at kung galit man ito ay ano ang dahilan. Dahil ba nauna akong nahalikan ni Dreif? Dahil ba nahalikan ko si Dreif? Kaya as much as possible ay umiiwas na muna ako dahil di ako palagay isipin na baka pinagtitiisan lang nya ako kasama. May mga hang outs lang talaga kaming di ko maiwasan.
Tulad ngayon.
“Tulala ka na naman Jam. Ano ba iniisip mo?” Pangaagaw atensyon ni Dreif sakin habang nakapaikot kami sa isang table sa isang inuman malapit sa office.
“Ay sorry, nadistract lang ako. Ano ulit yon?” Sabi ko naman dito.
“Sabi ko, natatakot akong baka ako ang malipat ng department. Pero, kung ikaw naman ang mappromote at papalit sa akin eh okay lang.” Explain ni Dreif.
Napromote kasi ito ng position kaso either yung isa naming kaoffice na same position sa kanya o kaya ay sya ang malilipat sa ibang department. Kaya din kami andito dahil cinecelebrate namin ang promotion nya.
“Mukha namang ikaw ang mappromote, Jam. Kinulit ko si boss sinong nirecommend nya, kayo ni Alice daw ang pinasa nya. Tiwala lang hehe.” Ngiti sakin ni Kuya Ben.
“Kesa naman parang ako na nalipat nga ng team, di naman napromote.” Kamot ulong singit ni Ezer na ikinatawa naming lahat.
Madami pa kaming napagusapan bago namin napagdesisyunang umuwi na.
“Napapadalas yang pagsama-sama mo sa mga inuman nyo ah.” Bungad sakin ng Daddy paguwi ko ng bahay.
Alas dos na ng madaling araw nang makauwi ako at hindi ko ineexpect na aantayin pa nya akong umuwi. Nakasando na lang ito at checkered na boxer shorts, inaantay na lang talaga ako bago ito matulog.
“Nakikisama lang po Dad. Alam nyo naman, para walang masabi.” Maikli kong explain dito habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref.
“Wala naman masama sa ganoon, Ja. Pasensya na at nagaalala lang ako lalo at gabing gabi na eh hindi ka pa nakakauwi at hindi ka din naman nagsabi sa akin na may lakad ka pagkatapos ng trabaho mo.” Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa balikat.
“Opo, Dad. Sorry din di na ako nakapatext sa inyo. Pero sa susunod, wag nyo na po ako antayin. Magtetext na lang din po ako lagi. Sorry pinagalala ko pa po kayo.” Tinitigan ko ito sa mata habang sinsero sa mga sinasabi ko.
“Hay anak. Swerte ko talaga sa inyong lahat. Kaya kahit wala na ang Mom ay hindi ako nahirapang palakihin kayo. Kaya din siguro recently, nagiging worried na ako kung present pa ba ako sa buhay nyo, baka kasi sa sobrang busy ko sa trabaho eh pakiramdam nyo hindi ko na kayo maasikaso.” Madamdamin naman nyang pag-amin sa akin.
“Dad! Ano ka ba? Aware naman kami sa lahat ng sacrifices nyo kaya nga binabawasan na namin magpasaway para bawas isipin sa inyo.” Hampas ko sa braso nya habang natatawa.
“Wag mong isiping burden kayo ha. Sabihin mo din yan sa mga kapatid mo. Ayokong kahit malalaki na kayo eh ganon ang iniisip nyo. Kung may problema, bulabugin nyo lang ako. Lalo ngayong anjan ka na at may kahati na ako sa gastos dito sa bahay, hindi ko na kailangan magOT palagi.”
“Lika nga dito, Dad. Pag tumatanda talaga eh emotional na.” Sabi ko dito habang niyayakap ko at tinatapik tapik ang likod.
“Hoy 39 pa lang ako!” Sabi nya habang kumakalas sa yakap ko at sinuntok ng mahina ang dibdib ko. “Matulog na nga tayo at magluluto ako ng almusal naten mamaya.” Inaya na nya akong umakyat sa mga kwarto namin.
“O kayo na bahala sinong mga roommates nyo ha, basta apat lang sa isang kwarto. Kapag nakabuo na kayo ng mga groups ay pumila na kayo dito para mabigygan kayo ng keycard. Iakyat nyo na muna mga gamit nyo and we’ll meet here at around 8:30 AM.” Instruction sa amin ng facilitator namin.
Narito kami ngayon sa team building ng buong company. Halo -halo kami, kasama ang ibang departments at teams. Buti na nga lang at apatan ang hatian sa kwarto, sakto na iyon sa amin ni Kuya Ben, Dreif, at Ezer.
“Uy pre, sinasama ako nila Mark sa kwarto nila eh. Pasensya na ha hehe. Hanap na lang kayo ng papalit sakin.” Pagpapaalam naman ni Ezer sa amin nang makita namin ito.
“Ay sayang apat na sana tayo eh. Pinagpalit mo na talaga kami sa bagong team mo.” Pagtatampo kuno ni Dreif.
“Sino kayang pwedeng mahatak pang-apat?” Luminga-linga naman si Kuya Ben.
“Uy Jam! Samin ka na lang kumwarto, di na kasi nakahabol kanina si Aurum kahit hinintay na namin. Masama daw talaga lagay ng tiyan nya.” Kalabit naman sakin ni Spring.
Napatingin pa ako kila Kuya Ben at Dreif na parang nagpapaalam. Napakamot ulo na lang si Kuya Ben habang labag sa loob na tumango naman si Dreif.
“Thank you Ben at Dreif, pahiram lang dito sa bespren ko, inaangkin nyo na lagi eh hehe.” Natatawa pang sabi ni Spring bago ako hinatak papunta sa grupo nila Eunice at Alice.
“Huy Spring, pwede ba na lalaki sa room naten? Baka bawal yan ha.” Sabi ni Alice nang makarating ako sa kumpol nila.
“Pwede yan! Wala naman sinabing bawal, saka safe naman tayo dito, baka mandiri pa yan saten no.” Hagikhik ni Spring at hinampas pa ako. Natawa na lang ako dito, nasabi ko kasi dito na recently eh parang mainit ang dugo sa akin ni Alice.
Pumila na kami para sa keycard at binigyan kami ng dalawa. Umakyat na din kami at nagayos ng mga gamit. Maya-maya pa ay may tumatawag sa phone ko.
“Anong room nyo?” Si Dreif.
“304 kami. Kayo ba? Sino pang nahanap nyong kasama?” Tanong ko dito.
“409 naman samin. Sila Kuya JP saka Kuya Vaugn. Sila na lang kasi nahanap ni Ben sa mga natira nung nagsipagakyatan na kayo kanina.” Explain nya sakin. “Anong oras pala kayo bababa? Diba 8:30 pa kasi tayo pinapabalik, may 1 hour pa tayo. Gusto mo umikot muna?”
“Uhm… sige ayos lang naman din. Tayo lang ba?” Sagot ko naman dito.
“Ah… kung okay lang naman sayo? Pwede ka naman magsama kung di ka comfor…”
“Sige tayong dalawa na lang.” Pagputol ko sa sinasabi nya.
“Sige, malapit na ako sa kwarto nyo. Katok na lang ako ha.” At binaba na nya ang tawag.
“Uy sino yon? Sino yang “tayong dalawa na lang” ha?” Pangungulit ni Spring saken na kinukurot kurot pa ako sa tiyan. Tumakbo naman ako palayo dito habang tumatawa. Natigil lang kami nang tawagin ako ni Alice.
“Jam! Si Dreif hanap ka!” Sigaw nya mula sa pinto, sinilip ko naman at nakita si Dreif na nakatayo.
Nagpalit na ito ng damit. Naka puting sando na lang ito na pinatungan ng light blue na button down shirt, brown na khaki shorts at nakasandals. Ang pogi tuloy nyang tignan dahil ang carefree nya tignan sabayan pa na hindi sya naglagay ng gel sa kulot nyang buhok. Lantad din ang kanyang mahaba at lean na legs na kakikitaan mo ng buhok na maganda at pantay ang tubo. May hawak din itong camera. Nahiya tuloy ako dahil hindi pa ako nagpapalit mula sa damit kong pinambyahe na jacket at jogger pants. Kaya mabilis akong naghanap ng damit na malapit sa suot nya. Nagsuot na lang ako ng white shirt at blue na taslan shorts, nagtsinelas na lang din ako para mas presko gumalaw.
Palabas na ako ng kwarto para batiin si Dreif ng higitin ako ni Spring.
“Alam ba yan ni “Kuya Ben” ha?” Nanguusig nyang tanong. Nagtataka naman akong napatingin dito. “Baka mamaya mag-away na naman yang dalawang yan ha. Sinisigurado ko lang Jam, ikaw naiipit jan sa kanilang dalawa eh.” Napaisip naman ako sa sinabi nya.
“Cancel ko na lang ba?” Tanong ko dito.
“Sasaya ka ba kung icacancel mo?” Ngumiti ako at itinulak na ako palabas ng pinto. Tumingin pa ako dito na puno ng pasasalamat bago lumapit kay Dreif.
“Sorry Dreif natagalan ha.” Kamot ulo kong sabi dito. Dahil sa pagkamot ko ng ulo ko ay umakyat ang laylayan ng shirt ko at nakita kong napatingin ito doon. Di ko naman alam anong irereact kaya binaba ko na lang ang kamay ko.
“Okay lang, ano tara?” Sagot nya na nakangiti.
“Mahilig ka sa photography?” Tanong ko dito habang naglalakad kami.
“Sakto lang hehe. I like taking photos. Pero di ko matawag sarili kong photography enthusiast.” Sabi nya habang sumisipat sipat na sa camera at kumukuha na ng litrato.
Sinusundan ko lang sya at mukhang papunta kami sa may dalampasigan. Beachfront kasi itong venue ng team building namin. Maaraw na kaya buti na lang nagpalit ako ng preskong damit. Kitang kita ang ganda ng beach, mula sa pinong puting buhangin at sa malinaw na tubig, malakas na hanging humahampas ng malumanay sa bawat daanan non.
“Ikaw ba? Mahilig ka din?” Makaraan ay nagtanong ito.
“Mahilig saan?” Absent-minded kong naitanong na ikinatawa naman nya.
“San nga ba?” Ngumisi ito nang nakakaloko. Saka ko lamang nagets kaya nahiya na lang ako dito at tumalikod.
“Biro lang Jam. To talaga. Sa photography kasi. Kako, kung mahilig ka ba sa photography.” Tanong nya matapos akong kalabitin.
“Hmmm. I appreciate beauty in art, in any form.” Sagot ko dito.
“So, saken ba do you appreciate beauty in me?” Tanong nya na ikinatingin ko dito.
Sakto namang itinapat nya sa akin yung camera nya at kinunan ako ng litrato. Sa gulat ko ay bigla kong aagawin sana iyon sa kanya pero nakatakbo na ito palayo habang tumatawang tinitignan yung picture kong kinunan nya.
“Hoy Dreif! Loko ka delete mo yan!” Sigaw ko dito dahil medyo malayo na ito saken.
“Ayoko nga. Cute cute mo dito ehh.” Sigaw nya pabalik sakin.
Hinabol ko pa sya ulit hanggang sa mahabol ko ito dahil sa kakatawa nya. Sabay pa kaming natumba at napahiga sa buhanginan habang tumatawa. Sabay pa kaming napatingin sa isa’t isa. Mas naappreciate ko tuloy ang kagwapuhan nya.
Bagay sa presko nyang suot ang kanyang kulot na buhok na hinahangin kaya kahit hinahawi nya ay bumabalik at umaabot sa kanyang mga mata. Ang kanyang singkit na mga mata na nawawala dahil sa kakatawa nya. Pati ang kanyang pantay-pantay na mapuputing ngipin na bagay sa kanyang mapupulang labi na kahit manipis ay masarap halikan. Naalala ko na naman tuloy ang nangyaring halikan namin sa bahay nila Ezer. Naalala ko kung gaano ako napainit nun at kung gaano ko sya napatigas nung gabing yon.
Tumingin sya sa akin at natigil ito sa katatawa. Nakita nyang nakatingin ako sa kanyang mga labi kaya nang tignan ko sya ay siguro nabasa na nya sa mukha ko ang kasalukuyang laman ng utak ko.
“So inaappreciate mo na ba yung beauty ko?” Sabi ni Dreif habang nangaasar na nakangisi.
“Oo. Kaso naistorbo yung pag-aappreciate ko. Sayang.” Sabi ko naman habang bumabangon at nagpagpag ng mga buhangin na pumasok sa shorts ko. “Tara! Balik na tayo. Baka hanapin na tayo.”
“May 40 minutes pa naman tayo. Mamaya na tayo bumalik, sarap humiga dito oh.” Nakabusangot naman nyang sagot.
“Naiihi na ako, Dreif. Tara na!” Sabi ko naman para tumayo na ito.
Baka kasi di ako makapagpigil eh masagpang ko ito habang nandito kami sa buhanginan at may makakita pa sa amin. Kahit pa sabihing malayo-layo na din kami sa tinutuluyan namin ay mahirap na.
Nagsimula na akong maglakad nang narinig kong bumangon si Dreif. Nagpapagpag pa itong humabol sa akin at umakbay.
“Pwede ba ako magtanong?” Sabi nya habang nakatingin sa malayo.
“Nagtatanong ka naman na? Yun na ba yon?” Sagot ko naman dito na ikinailing nya.
“Alam mo, mas matanda pa satin yang joke mong yan.” Iiling-iling pa rin sya.
“So ano nga yung tanong mo?” Inismiran ko na lang sya kasi corny nga naman ng biro ko.
“I just wanna know why may reservations ka pa sakin? Like I know we’re not yet officially dating pero I think we are in the getting to know each other stage naman na yet, I can feel that something is holding you back from getting to know me more. So yeah, I wanna know why? Kasi I know I’ve made it clear with you naman na na I really want to be in a relationship with you, na I am sure with this despite this being a new feeling, pero I dunno. Ramdam ko naman na gusto mo rin ako, I mean attracted. Physically? Sure. Romantically? Maybe. Pero why are you not allowing me to get inside those walls you built around you?” Mahaba pero madamdaming litanya ni Dreif.
Natigilan ako sa mga sinabi nya. Una, dahil natumbok nya lahat. Pangalawa, hindi ko din alam why I am not allowing myself to get to know him more. Pakiramdam ko tuwing magrereach it out ito sa akin ay sinasalag ko ito.
“Dreif… I’m sorry I don’t know either. Yes, I like you. I am starting to like you naman na, madali kang magustuhan, Dreif. Hindi ka mahirap magustuhan. I am just as clueless as you why my instinct always goes on the defensive as soon as it gets too personal.” Explain ko dito sa paraang alam ko. Kasi kahit ako ay hindi ko din alam kung bakit.
“It’s alright, Jam. I take solace in the thought that you’re opening yourself to me. Baka need ko lang maging more patient and understanding.” Ngumiti ito sakin at saka ginulo ang buhok ko. At may naramdaman akong hindi ko alam kung ikakatakot ko ba o hindi. Nakaramdam ako ng kilig.
“Heto pala oh. May CR. Diba naiihi ka?” Makaraan ay may nadaanan kaming CR na hindi namin napansin agad kanina dahil nasa may tree line na ito, yung bahagi ng beach kung nasaan ang border ng buhanginan at ng mapuno na part.
Para lamang itong CR na pang isahang tao na gawa sa pawid na bubong at hollowblocks na mga dingding, kahit ang pinto ay gawa sa kawayan na medyo nabubulok na.
Binuksan ni Dreif ang pinto kaso napalakas at ang pagkakabukas nya dahil nakalas ito sa bisagra kaya nagulat ito. Pero nang tignan ko ang mukha nya ay hindi ito sa pintong nasira kundi sa kung anong nasa loob ng CR.
Dali-dali akong lumakad palapit sa kanya para tignan ang nasa loob ng CR. Baka kasi may sawa dito o kaya ay may bangkay ng tao. Pero kahit ganon na ang nasa isip ko ay hindi pa rin ako nakapaghanda sa masasaksihan ko sa loob ng CR na iyo.
Si Sir Vincent. pawisan na hubad baro at nakababa sa sahig ng CR ang maong na shorts at pulang brief. Pigil na umuungol at nakapikit ng mariin ang mga mata habang ang mga kamay nya ay nakasabunot sa sariling buhok kaya kitang kita ang . Nakalabas ang burat nyang makintab pa sa laway at precum habang pumipintig pintig dahil nilalabasan pa lang ito. Nakaluhod naman sa harap nya at hawak hawak ang malaking burat ni Sir Vincent na pulang pula na dahil sa pagkakasakal nya, bakas pa nga ang maraming tamod na puting-puti at makapal sa mukha nyang nakaharap sa amin dahil sa pagkagulat ay si Sir JP.
Hehe. Hope you enjoyed this chapter. What do you guys feel sa heart to heart talk nila Jam and Dreif? Eh sa hard launch ng kalaguyo ni Vincent? Hehe leave down your thoughts.
Will try to update more often despite the busy schedule salamat sa pagunawa!
- Office Love Affairs Part 10 - November 20, 2023
- Office Love Affairs Part 9 - November 13, 2023
- Office Love Affairs Part 8 - November 6, 2023