Nursing The Heir – Chapter I
Writer’s Note / Disclaimer
This story, together with names of people, events and places are fictional and are only the brainchild of the author. Any similarities or likeness to real-life people, events and places are purely coincidental. It was never, nor will ever be the intention of the writer to mock, make-fun or shame anyone. Once again, this is only a work of fiction and for the consumption of legal-aged individuals.
No part of this story may be reproduced or used without the consent of the writer.
—
First few chapters are preliminary chapters with the prologue. These are set so as to give the story some sense and the characters the depth to humanize them. It’s written in Tagalog but some of the lines are in English to give it a more realistic feel.
Hoping that the readers would like it.
Comments and suggestions are very much welcome.
—
PROLOGUE
Nagmamadali sa paglakad si Alyssa sa likod ng gwardiya na sumundo sa kanya sa labas ng mataas at eleganteng gate ng mansyon ng pamilya Smith. Sa kanyang pag-estima ay may tatlong minuto na silang naglalakad sa napakalawak na bakuran ng napakalaking lupain at tahanan ng isa sa pinaka-mayamang pamilya sa bansa. May kung anong kaba sa dibdib ni Alyssa habang pinipilit niyang huwag maiwan sa napakabilis na lakad ng gwardiyang kanyang sinusundan. Hindi siya maaaring pumalpak sa kanyang mga gagawin sapagkat hindi kung sino lang ang kanyang pasyente sa pagkakataong ito. Nagpatuloy lamang sila sa paglakad ng gwardiyang walang ibang sinabi kundi “Hinihintay ka na nila, sumunod ka” simula nang salubungin siya nito sa labas ng gate kaya nagulat na lamang si Alyssa nang biglang tumigil sa paglakad ang gwardiya. Nang silipin ni Alyssa ang rason kung bakit tumigil ang gwardiya ay namangha siya sa kanyang nakita. Tumigil sila sa tapat ng isang napakalaking mahogany door. Matapos makipag-usap sa intercom ang gwardiya ay humarap ito kay Alyssa habang binabanggit ang mga salitang lalong nagbigay kaba sa dibdib ng dalaga.
“Ihahatid ka ng maid papunta kay Mrs. Smith.”
—
Chapter I
Dahan-dahang bumukas ang napakalaking pinto at nang ito ay mabuksan na nang tuluyan ay may isang napakabatang maid na sumalubong kay Alyssa.
“Good morning, sumunod po kayo sakin at ihahatid ko kayo papunta kay Mrs. Smith.”, anyaya ng batang maid.
Tumalikod ang maid at walang pagtutol na sinundan naman siya ni Alyssa. Nagulat ang dalaga nang makita niya na tumigil ang maid sa tapat ng tila elevator door at pinindot ang up-arrow sa tabi ng bakal na pinto. Matapos ang ilang saglit ay bumukas ang pinto at ito ang nagkumpirma sa hinala ni Alyssa. Isang elevator nga ang nasa loob ng bahay na iyon. Anong klaseng pamilya ang nangangailangan ng elevator sa loob ng pamamahay nila?
“Nasa fourth floor si Mrs. Smith sa kwarto ni Sir Ares. Ang utos niya ay doon na lamang daw kayo mag-usap.”, Ang wika ng batang maid habang nasa loob sila ng elevator.
Walang maisagot si Alyssa dahil sa nararamdaman niyang kaba.
DING! ang tunog ng elevator at unti-unting bumukas sliding door. Lumabas ang maid sa elevator at sinundan naman siya ni Alyssa. Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa umabot sila sa isang pintuan na tila ba naiiba ang dekorasyon at uri sa mga hilera ng pintong nadaanan nila.
Kumatok ng tatlong ulit ang maid… TOK TOK TOK…
“Please come in”, ang wika ng boses na nanggaling sa loob.
Binuksan ng maid ang pinto at inanyayaan papasok si Alyssa. Pagpasok ni Alyssa ay tumambad sa kanya ang malambing na mukha ng isang pamilyar na babae.
“Good morning Miss Reyes, I’m Aphrodite Smith.”, malambing na salubong ng babae.
“Good morning Madam, Alyssa Reyes po.”, ang sagot naman ni Alyssa habang nakikipagkamay kay Mrs. Smith.
“Have a seat.”, ang paanyaya ni Mrs. Smith kay Alyssa.
Naupo si Alyssa sa inalok na silya ni Mrs. Smith. Isang minutong katahimikan ang lumipas, hindi nagsasalit si Mrs. Smith at matama lamang niyang pinagmamasdan si Alyssa. Si Alyssa naman ay hindi rin nagsasalita sa takot na baka magkamali sa kung ano man ang balak niyang sabihin.
Si Mrs. Smith ang bumasag ng tila napakatagal na katahimikan.
“I have already been informed by my assistant about your qualifications and how the recruitment process went. I had your record and background checked and I’m satisfied with the results. You already talked to my assistant about your benefits and the specifics of your work here so I am guessing that you do not have any questions, Am I right?”, wika ni Mrs. Smith.
“Yes Madam.”, lamang ang naisagot ni Alyssa.
“Very well then, I want nothing but the best for my son so I want you to be the best nurse that will take care of him while he is in this state.”, pagpapatuloy ni Mrs. Smith.
Tango lamang ang naisagot ni Alyssa.
“You know the specifics of your tasks, so now I want you to meet my son.”, wika ni Mrs. Smith habang nakaturo sa direksyon ng isang tao na nakahiga sa napakalaking kama.
Sa unang pagkakataon ay nasilayan ni Alyssa si Ares Smith, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Olympus Five Star Hotel Chain, ang kanyang magiging amo.
- Clubbing Orgasm - December 18, 2024
- My Darkest Deepest Secrets - December 18, 2024
- Teacher Takes The Bully - December 17, 2024