Nic: The Dreamer
By nyaakuno
“Balong, dito mo ilagay ‘yang tangke para mas malapit sa lutuan at hindi makakasagabal sa mga daraan sa aisle,” utos ni Aling Tasing kay Nic habang ito ay nagluluto ng lumpiang gulay.
Binuhat ni Nic ang tangke ng LPG at ikinabit ang hose sa burner. “Okay na po ba dito?”
“Oo, diyan na lang. Salamat.” Bumalik si Aling Tasing sa pagpriprito ng lumpia habang si Nic naman ay tumulong sa pagprepare ng iba pang iluluto.
Si Dominic Natividad – “Nic” ang palayaw – ay labinwalong taong gulang at nasa ikaapat na taon na sa high school. Tatlong taon siyang nagstop sa pag-aaral dahil na rin sa kahirapan ng kanilang buhay.
Nabuntis ang kanyang nanay nang ito ay dalagang-dalaga pa lamang at nang malaman ng kalaguyo, iniwan siya at di na nagparamdam pa. Baka natakot ang bugok sa responsibilidad na kakaharapin. Tatlong taon si Nic nang mamatay ang kanyang ina sa sakit na leukemia, hindi na kinayang ipagamot pa.
Sa ngayo’y nakatira si Nic sa puder ng kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya simula pagkabata. Dahil sa awa ni Nic sa kanyang lola sa pagtataguyod sa kanya ay siya na ang nagpresentang tumigil muna ng ilang taon sa pag-aaral.
Ngayon nga’y may konti na siyang naipon, nais niyang ituloy ang pag-aaral upang magkaroon siya ng magandang trabaho sa hinaharap (ito ang bukambibig ng mga “oldies” sa Pilipinas). Pero dahil kailangan pa rin naman ng pera, heto nga’t nagpapart-time siyang tumutulong sa mga namamahala sa school canteen for additional allowance.
“Oh, ang ganda ng pagkakabalot mo ng mga lumpia ah,” papuri naman ni Aling Resi kay Nic nang kunin niya ang mga ito para tumulong din sa pagpriprito.
“Ah eh hehe thank you po.” Dahil di naman sanay na makarinig ng mga positibong bagay tungkol sa kanya or sa kanyang mga gawa, mediyo di alam ni Nic ano dapat sabihin. Pinagpatuloy niya na lang ang kanyang gawain. Thank you na lang, para di humaba.
“Kaya nga eh. Buti na lang nagpresinta kang magpart-time dito. Mas gagaan na trabaho namin,” sabi naman ng isa pang tindera na nag-aayos naman ng mga chichirya at iba pang paninda sa shelves.
Marunong si Nic sa pagprepare at pagluluto ng mga lutuing simple lang at mga pang-street foods dahil sa iba’t ibang raket na pinasukan niya sa loob ng tatlong taon. Pero pag sophisticated na ang iluluto ay wala na siyang ibubuga. Di naman siya lumaki sa 5-star resto.
Makaraan ang mahigit isang oras, nagsimula nang magsidatingan ang mga maagang pumapasok na estudyante. Ang iba’y dumiretso sa kanya-kanyang silid-aralan upang masimulan na ang kanilang mga “first day of school rituals.” Ang iba naman ay dumadaan sa school canteen para bumili ng meryenda, lalo na ang mga di nag-almusal, o kaya naman ay gusto lang talagang may kinakain pag walang magawa.
“Uy, sino yun oh. Ngayon ko lang nakita dito sa school,” bulong ng isang babaeng estudyante sa kanyang mga kasama.
“Bago lang yata. Baka kinuhang utility staff sa canteen. Bakit, crush mo? Hihi!” Pang-aasar naman ng kasama sa grupo.
“H-hindi ah! Nakakacurious lang kasi first time natin makita,” pagdedeny ng una.
“Hehe. Kung di mo crush, akin na lang. Gwapo kaya siya. Tsaka machong-macho oh,” hirit ng isa pang barkada.
“Ehhh. Panong gwapo, eh maitim kaya siya.”
Kahit pa nagbubulung-bulungan lang ang mga bata, dinig na dinig pa rin ni Nic ang kanilang sinasabi. Dahil dito, hindi niya maiwasang manliit sa sarili. Alam niya naman sa kanyang sarili ang totoo, pero siyempre, hindi pa rin maganda sa pakiramdam ang kanyang mga naririnig.
Nagkibit-balikat na lang siya at itinuloy ang ginagawa. Malapit na rin kasi mag-alas siyete y media. Kailangan niya pang magpalit sa kanyang uniporme. First day of class pa man din.
Nang makalayo na ang grupo ng apat na estudyante, patuloy pa rin nilang pinag-uusapan ang bagong saltang binata sa school canteen.
“Eh ano ngayon kung maitim siya? Hindi naman talaga kaitiman eh. Kayumanggi lang. Siguro nababad sa araw. Tsaka gwapo pa rin naman siya eh. Tapos matangkad pa. Tapos macho pa. Tall, dark and handsome hihihi”
Ay, nak ng… sayang at di na narinig pa ito ni Nic.
“Hmm, sabagay. May point ka. Di ko kasi masiyado nakita ang face niya eh. Di bale, meron pa mamayang recess.”
“Hala. Crush ko na siya, wag na kayo mang-agaw pa!”
“Crush lang naman ah. Di mo naman asawa. Bleh”
Mga bata talaga, masiyadong mapaglaro ang isipan. Crush, napunta sa asawa ang usapan.
—–
“Palit na po ako ng damit, tita. Malapit na po magsimula ang klase,” paalam ni Nic sa mga kasama sa canteen at pumasok sa banyo upang magbihis. Makaraan ang ilang saglit ay naglalakad na siya patungo sa kanyang silid-aralan. First subject niya ang English. Kaya ko naman siguro. Sana di masungit ang teacher.
Pagkapasok niya sa silid ay lingunan lahat ng estudyante sa kanya. Siya nama’y biglang nahiya at na-out of place dahil feeling niya’y naiiba siya. Pano ba naman, mga kaklase niya’y mga edad 15 or 16 pa lang at mga bata-bata pa ang mga itsura habang siya’y dise-otso. At dahil na rin sa kanyang tangkad at tikas sa katawan ay talagang di siya mababagay sa klaseng ‘yon.
Yumuko si Nic at mabilis na pumunta sa pinakalikod na upuan sa last row, at tabi pa ng trash can at pintuan ng banyo ng klase. Matangkad naman siya kaya okay lang na nasa dulo siya.
Di na maiwasan ng mga kaklaseng magbulung-bulungan.
Haaaay, di bale. Fourth year naman na ako. Sa susunod na taon, college na. Sabi nila, pag college, di importante ang edad. May iba pa ngang may mga anak na eh nag-aaral pa.
Ilang sandali pa, pumasok na sa loob ng silid-aralan ang isang dwarfin–este teacher. Siya yata yung adviser namin.
Pagkalapag ng mga libro sa mesa sa harapan, nakita ni Nic ang kanilang teacher. Talaga nga ring maliit siya sa height nitong around 5 feet lang. Mahaba ang kanyang buhok, maputi ang kutis, may bilugang mga mata at cute na cute ang lips.
Takte, parang bata.
Eh kung ikumpara ba naman sa kanya na nasa 6’2″ ay talagang manghang-mangha siya.
“Good morning to everyone. My name is Coleen Sy, 25 yrs old, and I will be your English teacher for your fourth year in high school as well as your class adviser throughout the year. Well, as long as you prove that you’re worthy to stay in this section.” Inintroduce ni ma’am ang kanyang sarili habang tinitignan ang bawat estudyante sa klase. Mediyo nasurprise siya konti nang makita niya si Nic sa dulo pero nagpatuloy ito. “It will be my fourth year in the academe and this will be my second advisory class, and my first time to handle a graduating class. You can call me Ma’am Lyn, or Ms. Sy, and I hope we all get along.”
Nakupu, straight English. Nosebleed yata ako neto.
Mediyo naintimidate ang mga estudyante pero ang iba, lalo na ang mga boys, ay excited. Sino ba namang di maeexcite sa klase pag maladiyosa ang teacher. Hindi na lang ito pinansin ni ma’am at nilabas ang class cards (index cards), nagroll call at nagbigay ng house rules.
“Most important of all, after ng first grading period, there will be a resectioning. Dapat ay nasa top 35 pa rin kayo ng buong first year population if you want to stay in the first section. I hope you show me you’re worthy to stay,” pagpapaalala ni Ma’am Lyn.
Whew. Buti na lang at di straight English. Okay naman English ni Nic pero hindi lang siya masiyadong fluent sa speaking, stuttering siya lalo na pag impromptu.
Nagstart ang pagpapakilala ng mga estudyante, ritual na yata ng mga eskwelahan ito pag first day of class.
“Good morning, everyone. My name is Dominic Natividad. I’m 19 years old. I love reading and writing. You can call me ‘Nic’ for short. Thank you,” pagpapakilala ni Nic sa harapan ng klase. Di siya mapakali at pinaikli na lang ang sinabi tsaka bumalik sa upuan.
Napatitig naman si Ma’am Lyn kay Nic dahil sa pagpapakilala. “So Mr. Natividad, what kind of literary pieces do you write?”
“Uhhh, I-I write poems ma’am at uhhh ano po, essays. Tsaka minsan short stories.” Gulat man ay sumagot si Nic, mediyo pautal utal.
“Is that so? That’s good.” Tumingin si ma’am sa ibang estudyante, “Who else among you are into writing? Especially short stories and some essays.”
May tatlo pang estudyante ang nagtaas ng kamay.
“Looking good. That’s good. So, you four, can you stay behind for a while when recess starts? Or do you guys have something to do?”
Sumang-ayon naman ang tatlo estudyante.
“Ah eh ma’am, m-may gagawin po ako uhh mamayang recess ma’am,” sagot ni Nic.
“Osige, ganito na lang para sabay-sabay. How about after ng lahat ng classes niyo mamayang hapon?”
Wala na rin namang ibang gagawin si Nic, kaya silang apat ay nag-yes.
—–
Pagdating ng recess, gaya ng ibang mga estudyante ay tumungo si Nic sa school canteen ngunit hindi gaya ng iba ay dumiretso siya banyo. Inalis niya kanyang polo at itinupi ito ng maayos sa gilid. Ngayon ay nakawhite t-shirt na lang siya. Sinuot niya ang apron at lumabas upang tumulong sa pag-asikaso sa mga estudyante sa school canteen.
Nang makita siya ng kanyang mga kaklase ay nagulat sila nung una, pero kalaunan ay giliw silang lumapit sa kanya. Ugaling bata nga. Dahil dito ay nafeel ni Nic na mediyo kabilang na siya sa klase. At least, may mga kaclose na siya konti.
Nang malapit nang matapos ang recess period konti na ang estudyante. Tutungo na sana si Nic sa banyo upang magbihis nang marinig niya ang boses dwarfin – este cute – mula sa aisle.
“Mr. Natividad? Bakit ka nandito?”
“Ah eh ma’am, ehh ano po, uhh nag-apply po akong magpart-time dito sa canteen po ma’am,” utal na sagot ni Nic.
“Talaga? Pastart na next class mo, di ba?”
“O-opo, ma’am. Magbibihis na nga po sana ako, ma’am. Papasok na rin po ako sa susunod na klase, ma’am.”
“Okay. Mamaya na kita interviewhin baka malate ka pa.”
“Sige, ma’am. Thank you p-po, ma’am.”
“Ha? Anong thank you?”
“Ah eh ano pala ma’am uhhh see you po mamaya m-ma’am.” At tuluyan na nga siyang pumasok ng banyo. Ilang sandali lang, lumabas na siyang nakauniporme. Nakita niya si Ma’am Lyn na nandun pa rin at bumibili ng meryenda. Nagbow siya konti sa teacher at dali-daling umalis. Confused naman ang dwarfinang teacher.
Tae, anong pinagsasasabi mong bano ka! Umayos ka nga.
Mabilis natapos ang mga klase sa maghapon. Wala naman pang masiyadong ginawa, puro pagpapakilala lang since first day of class pa lang. Nagsipahanda nang umuwi ang mga estudyante habang si Nic at ang kasama niyang tatlo ay nanatili sa kanilang mga upuan, hinihintay si Ma’am Lyn.
Nang dumating si ma’am, “Okay, Mr. Natividad, come over here sa harap. Aapat na lang naman kayo so magtabi-tabi na lang kayo para di na kailangang lakasan ang boses.”
Lumipat naman si Nic sa harap at tumabi sa isa sa mga kaklase.
“Di ba sabi niyo you guys are into writing?”
“Yes, ma’am,” sagot naman nilang apat.
“Ano-ano naman yung mga natry niyo nang sulatin?”
“Dati na akong sumasali sa newswriting, ma’am,” sagot ng isa.
“Ako rin po, ma’am.”
“Ma’am, ako po sa editorial writing,” sagot ng pangatlo.
Napataas kilay si ma’am. “So dati na pala kayong mga journalists. Ikaw Mr. Natividad?”
Mediyo nanliit konti si Nic sa sarili. Pano ba naman, ang alam niya lang eh magsulat ng kung ano-anong sumagi sa isip. Magkwento o magmuni-muni. “Umm, ma’am. Eh puro simple poems lang tsaka mga short stories sinusulat ko. Di ko pa po naranasan makisali sa mga contests.”
“No. Wag mong nila-lang ang hobbies mo, especially writing. We all have our fields. Anyway, let us be clear first. Actually ngayong year ay kinuha akong coach ng Feature Writing, and I just thought maybe I could scout some writers over. Of course, regarding the school paper and the schools press conference, the school will decide who will be participating, but since it is open to all, I am encouraging you guys to participate – especially you, Mr. Natividad.”
“…ma’am?” Mediyo surprised si Nic.
“Well, that’s only for Mr. Natividad. As for you three, since dati na kayong nakikisali naman, makiparticipate na lang kayo later sa eliminations.”
Mediyo nag-aalangan si Nic. “Ma’am, o-okay lang po ba akong sumali. W-wala po akong alam sa mga ganyan, ma’am.”
“Meron pa naman eliminations eh. Just participate. You won’t lose anything. Malay mo makuha ka, dagdag points pa yan sa standing mo. And don’t worry, I will try to coach you a bit. Titignan natin kung pwede ka sa field ko. Did you know? In the informal sense, short story is just another form of feature article. So, try mo lang.”
“S-sige po, ma’am.”
Nang nakahiga na si Nic sa kanyang kwarto, nasa isip niya, “Tama nga si ma’am. Wala naman mawawala kung itatry ko. Last year ko naman na sa high school.”
Pumikit siya at huminga ng malalim.
Alright, leave no regrets behind.
————————————-
Hello po sa inyong lahat.
I’m a new writer and gusto ko lang pong maexplore this part of my hobby, and also to share the world that is taking place in my head.
If you have suggestions and constructive criticisms, welcome po kayo to tell them. It will help a lot.
Thank you ^^
- Nic: The Dreamer - November 23, 2024