Author: hidden01
Paalala: Ang kwentong ito ay naubo lamang ng aking makulit na imahinasyon inyo nalang pong pag pasensyhan
Mama: PAOLO!!!! Gumising kana dyan at tulungan mo ako sa gawaing bahay tutal wala ka namang pasok ngayon
*AHH.. Eto nanaman tayo simula nanaman ng bagong araw pero walang nagbago sa aking araw araw na ginagawa
*Magandang araw sainyo ako nga pala si Paolo o Pao for short 25 anyos at kasalukuyang kumukuha ng culinary art sa isang tesda training center nakatira kame sa isang subdivision dito sa lungod ng Cavite dito nagsisimula ang aming storya.
Maaaa!! Lalabas muna ako para bumili ng Pandesal may ipapabili ba kayo!?
Mama: Wala may iuutos lang ako sayo idaan mo etong kawali kay Ate mo Joy at hinihiram nila gagamitin daw para sa pagluluto ng pancit
Anu ba yan papaikutin pa ako ng malayo(bulong ko sa aking sarili) akin na ng makabalik ako ng mabilis
*Nang makarating ako sa bahay nila Ate joy nakita ko na may malaking sasakyan sa harap ng kanilang tahanan
Ate Joy!! Tao po! dala ko po yung hinihiram niyong kawali na gagamitin niyo daw po sa pagluluto ng panci..
*Nagulat ako at natulala ng may isang magandang dalaga ang sumilip sa pintuan ng bahay dali dali akong umatras para silipin ang numero ng bahay tama naman ako 143 sa aking pag atras ay nagsalita ang babae
Babae: Magandang araw sayo umalis si Tita Joy kasama ang nanay para bumili ng sangkap na gagamitin sa pagluto pancit
Ahh.. ganun ba sige iiwanan ko nalang dito sa gilid yung kawali paki sabe nalang kay Ate Joy na dumaan ako
Babae: Sige salamat
*Agad akong naglakad palayo tulala napaisip ilang taon na nga ba ang nakalipas nung huling mahulog ang loob ko sa isang babae.
Grabe hindi ko man lang naitanung kung anu ang pangalan niya
*Sa kakaisip namalayan ko nalang nasa bahay na ako
Anu ba yan!!! Nakalimutan kong bumili ng tinapay
*Napakamot nalang ako sa ulo habang papasok sa aming bahay para mag kape kahit na walang tinapay lumipas ang ilang oras nakatapos narin akong tumulong sa ilang gawaing bahay ng may kumatok sa pintuan si Ate Joy may dalang pancit
Ate Joy: Tao po Oyy Pao nandyan ba mama mo?
Nasa itaas lang po tatawagin ko Mama!! Si ate joy hinahanap ka
Mama: ohh Mare napadaan ka?
Ate Joy: Mare dumaan ako para ihatid itong pancit at magpasalamat narin para sa kawali mo Oyy Pao pasensya na rin pala kanina at wala ako sa bahay
Ok lang Ate Joy nabanggit nga sakin nung pamangkin mo nga pala Ate Joy anu nga palang pangalan nung pamangkin mo
Ate Joy: Nakoo ikaw ahhh Mica.. Mica ang name niya ohh siya mare mauna na ako bukas ko nalang isauli ang kawali salamat ulit
Mama: Naku mare wag mo na masyado isipin yun salamat sa pancit
*Habang naguusap ang dalawang mag kumare ako naman ay napangiti sa sulok ng aming bahay nagiisip Mica ang gandang pangalan
KINAUMAGAHAN araw ng Biyernes
*Umaga nanaman matapos mag ayos ng kama at ng sarili agad akong lumabas para bumili ng almusal habang naglalakad napaisip ako kung daanan ko kaya pauwe ang bahay nila Ate Joy gusto ko siyang makita uli nang biglang may kumalabit sakin
Uyy ate joy magandang umaga sa..
*Natigilan nanaman ako at napa tulala ng makita ko sa bandang likuran ni Ate Joy ang mukhang kanina lang ay aking iniisip ang pakiramdam ko nakumpleto na ang araw ko nung makita ko ang kanyang mga ngiti..
(Napaka ganda talaga sabe ko saking sarili) Aaate Joy sorry hahaha
*Nagulat nalang ako ng tapikin ako ni Ate Joy sa balikat
Ate Joy: Huyyy gising naiwan pa ata katawang lupa mo sa kama gising gising hahaha
*Napakamot nalang ako sa ulo nakita ko namang napa ngiti din si Mica kaya parang gumaan narin ang aking loob
Ate Joy: Cya nga pala Mica si Pao nga pala nagkita na kayo kahapon diba?
Mica: Opo tita (na may halong ngiti)
Ate Joy: Pao si Mica nga pala pamangkin ko at eto siya nama si Ate Lourdes mama ni Mica
Hello po magandang umaga po sainyo aling lourdes at saiyo Mica magandang umaga din
Aling Lourdes/Mica: Magandang Umaga din saiyo
Ate Joy: Naku pinilit ko pa silang sumama dito para naman maging pamilyar sila sa loob ng subdivision natin at makapag lakad lakad narin
Aling Lourdes: pasaway ka talaga Joy alam mo namang hindi ko ugaling naglalalabas ng bahay sapat ng ehersisyo sakin ang gawaing bahay
Ate Joy: Ate naman paminsan minsan kailangan mo ring maarawan at syempre para narin di mabagot si Mica sa bahay
Kung gusto mo Ate Joy ako nalang ang sasama sa pamamasyal kay Mica(singit ko bigla sa kanilang paguusap)
*Napatingin sakin ang Mag-ina at si Ate Joy napaisip
Ate Joy: Kung ako tatanungin Ok lang saakin matagal ko na kayong kilala ng mama mo alam kong mapagkakatiwalaan ka pero di ako masusunod pag dating sa ganyang usapin anung satingin mo ate Lourdes?
*Napatingin lang siya sakin pati si Mica pinutol ko ang katahimikan ng sabihin kong
Kung hindi po magiging problema sainyo isasama ko po ang anak niyo sa Pagsisimba ko sa darating na linggo at pamimili narin sa palengke ng gagamitin kong mga sangkap para sa klase ko sa lunes
*Muli nagisip lang ng tahimik si Aling Lourdes sabay tingin sa kanyang anak at tinanong ito kung ayos lang ba sakanya ang plano ko tumango lang eto at nag sabi
Mica: Oo Nay(sabay tingin sakin habang naka ngiti) mukha namang maganda ang plano niya sa darating na linggo
*Ang Ganda talaga tulala nanaman akong nakarating sa harap ng bahay namin ni di ko maalala kung nakapag paalam ba ako ng maayos sa kanila nung iwanan ko sa sila sa harap ng tindahan and tanging nasa isip ko lang ay ang kanyang ngiti. Di ko din lubos maisip san ako kumuha ng lakas ng loob para imungkahi ang bagay naiyon sa kanila mukhang tinamaan ata talaga ako pumasok ako sa bahay upang kainin na ang binili kong tinapay
Hayyysss LUMAMIG NA TINAPAY KO
ITUTULOY..
- Date Namin Ni Nars 2 - December 16, 2024
- Date Namin Ni Nars 1 - December 9, 2024
- NBSB Pero Hindi Na Virgin; Pagkakakilanlan (Not Your Ordinary Story) - November 28, 2019