Written by Gggxx
Umuulan nang malakas nang una kayong nagkita ni Natasha.
Bwisit na bwisit ka nang araw na ‘yon– nasira ang kotse mo kaya dinala mo sa talyer, mga wala pang isang oras ay tumawag naman ang girlfriend mo para makipaghiwalay, at pagdating mo sa trabaho pinagalitan ka ng impakta’t mataray mong boss, palpak daw ang report mong pinagpuyatan.
Malas, malas, malas
At nang pauwi ka na, bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Dahil nga sira ang kotse mo, ang tanging magagawa mo lang ay mag-commute. Ang problema, walang dumadaang taxi o bus dahil sa lakas ng ulan.
No choice, kailangan mo maglakad mula opisina pauwi sa bahay.
Malas, malas, malas
“Kuya! Kuya!”, napahinto ka nang marinig ang pagtawag sayo ng babae na sumisilong sa waiting shed.
Hindi mo s’ya pinansin. Bad trip ka’t wala sa mood. Ang nais mo lang ay umuwi sa bahay mo, humilata sa kama, at balutin ang sarili ng kumot gaya ng isang bagong pritong shanghai.
“Kuyaaaa! Please po…pansinin n’yo ko”, patuloy sa pagtawag sa’yo ang babae, kahit na halos di na marinig ang tinig nya dahil sa lakas ng ulan.
“Punyeta…”, bulong mo sa sarili. “Ano bang trip ng babaeng ‘to!”
Nilapitan mo ang dalaga sa waiting shed. Anak ng…mestisahing babae pala ang tumatawag sa’yo. Hindi katangkaran at hanggang panga mo lang siya, mga 5’4″ ang tangkad.
Makinis siya’t maputing dalaga, petite body type. Basang-basa ang kanyang mahaba’t itim na buhok.
Nakasuot siya ng student nursing uniform na basang-basa ng ulan. At teka… naging transparent ang uniporme niya dahil sa tubig, kitang-kita ng mga mata mo ang kanyang puting bra na bumabalot sa kanyang busto, pati ang kanyang utong na bumabakat dahil sa hapit na uniporme.
Kapansin-pansin rin ang kanyang pabangong lilac– matamis na halimuyak, mahinhin at banayad.
“Bakit mo ba ‘ko tinatawag, miss?”, tanong mo sa kanya.
“Kuya…baka naman po…pwede niyo ‘kong isabay kahit hanggang sa may sakayan lang ng taxi. Nasira po kasi ang payong ko kaya hindi ako makauwi sa ‘min”.
Sasabay sa’yo? No way! Maliit ang dala mong payong. Hindi mo na problema kung mababasa ‘man siya.
“Bakit kailangan mo pang sumabay, wala bang dumadaan ditong taxi?”
Nabigla ang babae, hindi niya inaasahan ang pagka-suplado mo.
“Kuya, tingin n’yo po ba kung may dumadaan dito magmamakaawa pa ‘kong sumabay?”
Agad ka namang naggalaiti dahil sa pagkapilosopo ng dalaga:
“Aba, malay ko ba, miss. Hindi naman ako sanay mag-taxi. Maliit lang ‘tong payong ko, mababasa tayo parehas kapag sinabay pa kita”.
Ngayo’y nakasimangot na ang dalaga, pero parang simangot iyon ng isang babaeng nagpa-pacute o nagmamaktol para suyuin siya.
“Alright, kuya. Kung ayaw mo kong isabay, tatakbo na lang ako sa ulan. Kaso…malamang magkakalagnat ako. At dahil lalagnatin ako, hindi ako makakapag-exam bukas…tapos babagsak ako…tapos hindi ako makaka-graduate…tapos masisira buhay ko…magiging miserable akong tao at wala nang magmamahal sa ‘kin…sige na kuya, lakad ka na ulit pauwi”
Di mo alam kung matatawa ka ba o maiinis sa kakulitan ng babae.
Tiningnan mo ang kanyang sira-sirang payong. Para bang nakaramdam ka nang kaunting awa dahil sa lagay nito. Sa lakas ng ulan ay malamang hindi na s’ya maisasalba ng durog niyang payong.
Bigla naman natuon ang mga mata mo sa kanyang basang-basang uniporme. Ngunit habang sinisilat mo kung gaano kabasa ang kanyang katawan ay may kakaibang pakiramdam na bumalot sa iyo. Hindi mo maipalawanag ngunit parang nagising ang pagka-Adan mo habang pinagmamasdan ang kanyang basang-basang katawan.
Sariwang katawan ng dalaga na nababalutan ng hapit na hapit na nursing uniform, sinong lalaki ang hindi magnanasa sa kasarapang nakatambad sa kanyang harapan. Oo, isa s’yang estranghera na ngayon mo lang nakatagpo, pero parang namamagneto ka sa kanyang kahali-halinang hubog ng balakang na maalindog ang kurba. Nakakadarang ang bilog nitong mga susong humuhugis sa hapit na uniporme at ang utong nito na parang inaakit kang ito’y supsupin. At ang kutis ng kanyang mga braso – makinis at maputi, swak na swak sa ‘yong panlasa.
Nakakahumaling din ang kanyang mestisahing mukha na basang-basa. “Wet look” ‘ika nga. Tila mabagal na dumadaloy ang mga patak ng ulan sa kanyang matangos na ilong at manipis na pulang labi.
Di mo maikakaila, ngayong 30 anyos ka na at maraming karanasan sa babae, iba pa rin talaga ang sarap ng mga kolehiyala.
“Sige na, kuya. Salamat na lang”, biglang naputol ang pagtitig mo sa kanya nang siya’y nagsalita muli.
Hindi mo alam kung tuluyan ka bang naakit sa kanya o naaawa ka sa kanyang kalagayan pero mabilis na nagbago ang isip mo.
“Halika ka na nga, baka kasalanan ko pa kapag nagka-lagnat ka”
“Hindi kuya, okay na talaga ako. Tatakbuhin ko na lang ‘tong ulan. Baka kasalanan ko pa kapag pati ikaw nabasa”.
Wala kang oras sa isang babaeng nag-iinarte kaya balak mong iwan na nga lang siya.
“Nagmamagandang loob na nga ‘ko, miss, ayaw mo pa. Ikaw na bahala sa sarili mo.”
Nagsimula kang humakbang palayo sa kanya.
“Talagang iiwanan mo ‘ko dito, kuya?”, biglang sambit sayo ng dalaga.
“Akala ko ba okay ka na d’yan?”, sagot mo.
“Para kasing napipilitan ka lang kanina noong sinabi mong isasabay mo ‘ko”
Napailing ka at saka ulit nagsalita:
“Nag-iinarte ka pa kasi, miss. So ano, sasabay ka ba sa ‘kin o iiwan na kita”
Malagkit na tingin ang tinugon sa’yo ng kolehiyala:
“Okay po, ako na po may kasalanan kuya, I’m sorry. Sasabay na po ako”
Agad na sumilong sa payong mo ang dalaga. Ngayo’y ngiting-ngiti siya habang kayo’y magkatabi. Ikaw naman ay nanatili sa suplado mong mukha.
Kay bilis ng pintig ng puso mo nang magkadikit ang mga balat ninyo nang tumabi s’ya sa iyo at sumilong sa dala mong payong. At dahil hanggang panga mo lang siya, nakatapat sa iyong pang-amoy ang kanyang basang buhok. Pero kahit basa ito’y agad mong nasamyo ang halimuyak ng kanyang pabangong lilac. Hindi mo maipaliwanag pero parang nakaka-adik ang kanyang halimuyak. Tila lubos na nagustuhan ng ilong mo ang amoy ng dalaga. Pasimple mo pa ngang sinisinghot ang kanyang buhok habang kayo’y naglalakad dahil hinahanap-hanap na ata ng pang-amoy mo ang kanyang halimuyak.
Nagsimula kayong maglakad patungo sa sakayan ng taxi. Patuloy naman ang paglakas ng ulan.
At dahil maliit din ang dala mong payong ay kailangan niyong magsiksikan habang naglalakad. Lalo kayong nagkadikit, lalo mong nasasamyo ang kanyang kabanguhan.
Sa unang pagkakataon, tinitigasan ka dahil sa kanyang halimuyak…TINITIGASAN KA DAHIL SA KANYANG KABANGUHAN. Hindi ka makapaniwala, paanong nalilibugan ka kahit amoy amoy mo pa lang siya. O baka naman ang nasa isip mo’y iuuwi mo ang kolehiyalang kasabay mo ngayon at sa bahay mo siya lalantakan ng halik. Ang sarap siguro kung itong makulit at pabebeng dalagang ito na ngayon mo lang nakilala ay patutuwarin mo at pagpaparausan.
Ahhh…pinilit mong alisin ang libog sa isip mo…nakakahiya ka…talagang isang estranghera pa ang paglilibugan mo. Anong klase kang tao? Nasan na ang pagiging gentleman mo?
Balik tayo sa kwento, lalong tumindi ang patak ng mga ulan at buga ng hangin, galit na galit ang bagyo pero nagpatuloy kayo ng kasama mong dalaga sa paglalakad.
“Kuya, tabi ka po nang kaunti, nababasa po ako”, wika sayo ng dalaga na nagsusumiksik pa lalo sa tabi mo.
“Nababasa din ako, miss. Kaunting tabi ko pa ,ako naman mababasa!”
“Tingnan niyo po kuya, basang-basa na ‘tong skirt ko! At…ayyy….liliparin pa ata payong natin”.
Tama ang dalaga, malakas ang buga ng hangin na halos tangayin ang payong ninyo.
“Sinabi ko na kasi sa’yo, di tayo kasya dito, ang kulit kulit mo!”, wika mo sa kanya.
“Sabi ko na napilitan ka lang talaga isabay ako, kuya!”
“Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ‘yun, miss? Sinabay na nga kita, ano pa gusto mo.”
“Ewan ko sayo, ang supla-suplado mo kasi!”
“Sinabay na nga kita tapos tatawagin mo ‘kong suplado? Eh kung iwan na kaya kita d’yan at bahala kang mabasa sa ulan!”
“Sige, kuya. Iwan mo ko dito para magkasakit ako at hindi ako makapasok…”
Agad mo siyang pinutol
“Hep, hep, hep, tama na ‘yang pagpapaawa mo, miss. Kaya lang kita sinabay kasi baka i-post mo ko mamaya sa social media at sabihin mo na masama akong tao”
“Oh, don’t worry, kuya. Hindi kita ipo-post. Sige na, wag mo na ‘ko isabay”
“Tumahimik ka na nga lang, miss. Kapag nag-ingay ka pa talagang pababayaan kitang mabasa”
Napansin mong nag-irap lang ng mata ang dalaga pero hindi na siya sumagot. Siya pa talaga may ganang magtampo sa’yo. Alam mo, dapat tinuturuan ng leksiyon itong pabebeng dalagang kasama mo, dapat pinapasakan ng burat sa bibig kapag nag-iinarte! Nakakapikon na kasi!
Patuloy kayong naglakad. Bigla namang may dumaan na sasakyan sa may tabi ninyo na dahilan para tilamsikan kayo ng tubig mula sa lupa.
“Shit! Kuya sabi ko kasi sa’yo tumabi ka, ‘yan tuloy nabasa pa lalo skirt ko!”
“Malay ko ba na dadaan yung kotseng ‘yon? Kasalanan mo rin ‘yan”
“Kasalanan ko? Ginusto ko bang mabasa ako ng kotse ha?”
“Hindi ka kasi tumatabi, miss! Ayan tuloy nabasa ka!”
“Paano ako tatabi, siksik na siksik ka sa ‘kin!”
“Ikaw ang sumisiksik sa ‘kin, miss!”
Mga ilang minuto pa kayo nagtalo sa daan. Bagaman ngayon lang kayo nagkita ng dalaga ay para kayong magkasintahan na nagbabangayan. Maya-maya ay muli mo siyang tinanong:
“Saan ba kasi yung sakayan ng taxi ha? Kanina pa tayo naglalakad eh”
“Sa may Perlican Park po, kuya”
“Lintik na ‘yan, ang layo pa ng Perlican Park dito, niloloko mo ba ‘ko?”
“Anong malayo kuya, five minutes na lakad na lang nandun na tayo”
Napabuntong-hininga ka nang malaman na malayo pa pala ang destinasyon niya.
“Five minutes? Hindi ko na kayang maglakad hanggang ‘dun tapos ang lakas pa ng ulan”
“Saglit na lang, kuya. Kung gusto mo kwentuhan kita para hindi ka mainip paglalakad?”
“Wag na miss. Tumahimik na lang tayo habang naglalakad, pwede ba ‘yon?”
Muling nag-irap ng mata sa iyo ang dalaga: “Okay, kuya”
Makalipas ang limang minuto ay narating din ninyo ang Perlican Park. Ngunit inabot na kayo ng tatlumpung minuto’y wala pa ring dumadaang taxi.
“Akala ko ba dito sakayan ng taxi?”, pabugnot mong tanong sa kanya.
“Oo nga po, kuya. Kaso walang dumadaan ngayon. Baka kasi malakas ang ulan”, sambit ng dalaga at inaayos ang basang basa niyang buhok.
Huminga ka nang malalim, bakas ang pagkainis sa tono ng boses mo: “Alam mo palang walang dumadaan ngayon dito, tapos dito ka pa pumunta? Tingnan mo, pati ako basang basa”
Tumingin sa’yo ang dalaga at saka sumagot: “Di ba sinabi ko sa’yo, kuya, wag mo na ‘ko isabay?”
“Pinipilit mo nga ‘ko kanina na isabay ka tapos ngayon…ughh…ang gulo gulo mo miss”
“Sandali na lang talaga, kuya, baka may dumaan din mamaya. Kumalma ka muna d’yan”
Pero lumipas ulit ang 20 minuto ay wala pa ring dumadaan. Unti-unti namang dumidilim ang paligid at mas lumalakas ang ulan. Balak mo na talagang iwan dito ang babae at bahala na s’ya sa buhay n’ya.
Pero napansin mong nangangatog na ang babae dahil sa sobrang basa. Yapos-yapos na niya ang kanyang sarili dahil sa kalamigan at parang natutuyo na rin ang kanyang kanina’y pulang labi.
“Hoy, nginig na nginig ka, okay ka lang ba?”, tanong mo sa kanya.
Humarap siya sa’yo at may halong kayabangan ang pagsagot: “Anong nanginginig…malakas ang katawan ko, di ako tatablan ng lamig, kuya”. Pero halatang halata naman ang pangangatog niya.
“Magsisinungaling ka pa, tingnan mo parang nakatapat ka sa air-con kung manginig ka ngayon”
“Okay lang a…ko, mis…ter…grrr…sup…la..do…grr…hindi…ak..o…nilalamigggg”, ngayon ay hindi na niya maitago ang labis na pagkaginaw.
“Kung may dala kang damit magpalit ka muna. Basang basa na ‘yang suot mo, miss”, biglang naging seryoso ang boses
Tiningnan ka nang masama ng dalaga, ngayo’y ay pinilit niyang pigilin ang lamig:
“May dala akong damit, kuya. Pero tingin mo ba maghuhubad ako sa gitna ng park?”
“Nangangatog ka na nga pero ang yabang yabang mo pa rin ano, miss?”
Hindi sumagot ang babae na patuloy ang pangangatog dahil sa kaginawan.
“May malapit na lodge dito, baka gusto mong sumaglit muna tayo ‘dun?”, tanong mo sa kanya.
“Lodge? Teka kuya, alam ko kung anong ginagawa ‘dun ah. Teka kuya, hindi ako ganung klaseng babae!”
Napailing ka at saka tumugon:
“Magpapalit ka lang ng damit ‘dun miss, tingnan mo kasi oh, basang-basa ka at ginaw na ginaw. At…fyi, , hindi kita tipo kaya wala akong gagawin sa’yo sa lodge!”
“Big NO, sa lodge kuya. Dito na lang ako, feeling ko may dadaan na ring taxi maya-maya”
“Ikaw bahala. Basta ako hindi ako nangangatog. Bahala kang manginig diyan hanggang sa lagnatin ka”
Nagmatigas ang dalaga. Pinipilit na hindi manginig para lang patunayan na kaya niya. Ngunit dahil na rin sa kanyang petite na katawan ay talagang hindi niya matiis ang ginaw. Nanginginig siya na para bang binuhusan siya ng yelo.
“Ano, kaya mo pa ba?”
Malagkit na tumingin ang dalaga saka nagsalita:
“Oo na nga, pero kuya ha, wala tayong gagawin sa lodge. Magpapalit lang ako dun ng damit”
“Oo nga, miss. Masyado kang malisyoso”, tugon mo kasabay ang buntong-hininga.
“Wala na ba talagang ibang option, talagang sa lodge lang?”, tanong niya sa’yo.
“Sige magpalit ka ng damit sa grocery store kung gusto mo”, pabiro mong sagot
“Ughh…fine…dun na nga lang sa lodge, pero kapag may ginawa ka sa ‘kin dun kuya, talagang makakatikim ka!”
“Ang dami mo pang satsat, tara na para makapagpalit ka na”
Naglakad kayo patungo sa lodge malapit sa Perlican Park. Maliit lang ito pero air-conditioned at madilim, tanging mga orange lights lamang ang nagbibigay nang kaunting tanglaw sa loob. Agad ninyong nilapitan ang clerk.
“Good evening sir, ma’am. Looking for lodging tonight?”, magandang bati nito sa inyo.
Agad sumagot ang kasama mong dalaga na patuloy na nangangatog.
“Hello ma’am. Baka po pwedeng makigamit po ng CR, magpapalit lang ako ng damit”
“Ay miss, under consruction po ngayon ang female CR namin. Yung mga guest rooms lang po namin ang may available CR”
Nabigla ka naman sa sinabi ng clerk.
“Ga…ganun po ba?” tanong ng kasama mong dalaga.
Tiningnan kayo ng clerk at saka nagsalita:
“Sa malayo po ba kayo nakatira? Kasi kung oo po, why not kumuha na lang po kayo ng guest room tonight. Balita ko po kasi madaming roads ngayon ang binaha kaya wala masyadong dumadaan na mga sasakyan. Pati nga raw po yung Perlican Bridge na only path po ng mga taxi at private cars, nasira”
Nagkatinginan kayo ng kasama mong dalaga, kaya pala walang dumadaang taxi ay dahil sa nasirang tulay.
“Paano na ‘yan, miss. Mahirap pala talaga makauwi ngayon?”, tanong mo sa kasama mong dalaga.
Napansin mong lalong nangangatog ang kolehiyala dahil sa air conditioner ng lodge.
“May exam ako bukas. Hindi ako pwede mag-stay dito”
“Edi maglakad ka ngayon sa baha kung talagang gusto mong umuwi. Ibabad mo yung paa mo sa wiwi ng daga kung trip mo. Basta ako, dito na ‘ko magpapalipas ng gabi, malamang magdamagan na ‘tong ulan dahil sa bagyo”, sagot mo sa kanya.
Sumabat naman ang clerk pagkatapos mong magsalita:
“Uhhh..sir, ma’am, couple po ba kayo? Kasi po we’re offering discounts for couple guests baka gusto n’yo i-try?”
Sabay kayong sumagot nang malakas:
“Hindi po!”
Nabigla ata ang clerk sa lakas at pagkakasabay ng inyong pagkakasagot.
“Ngayon nga lang po kami nagkita nitong supladong lalaking ‘to, miss”, wika ng kasama mong dalaga sa clerk.
Hindi mo alam kung maiinis ka ba o mahihiya sa sitwasyon niyo ngayon kaya ganito na lang ang nasabi mo sa clerk:
“Tag-isang room na lang kami ngayong gabi, di ko rin naman gusto kasama ‘tong babaeng to”
Agad ka ring sinundan ng dalaga:
“Ayaw ko din naman sa’yo, kuya. Talagang separate rooms dapat tayo!”
Sumagot sa inyo ang clerk:
“Okay, I’ll check po ang bookings naman”.
Tiningnan ng clerk ang computer sa harapan niya at tiningnan ang mga kasalukuyang naka-board sa lodge.
“Ay, ma’am, sir, isang single-bed room na lang pala available. Halos fully-booked nga po pala kami ngayon!”
Napailing ka nang marinig ang sinabi ng clerk:
“Bakit hindi mo agad sinabi! Wala na pala kayong rooms, paano kami mag-iistay n’yan?”
Nagsalita naman ang kasama mong dalaga na patuloy pa rin sa pangangatog:
“Baka…may lodging pa ditong iba, kuya. Doon na lang siguro ako”
Pero agad nagsalita ang clerk:
“Wala na pong malapit na lodge dito sa may Perlican. Sorry po talaga, di ko po naalala na isang room na lang po available. Baka po pwede mag-share na lang kayo?”
Agad sumagot ang kolehiyala:
“No, ate! Hindi po pwede ‘yon. Opposite sex kami ‘no. Baka kung ano pa…”
Agad kang sumabat
“Teka, miss. Akala mo ba gusto kong makipaghati sa’yo ng kwarto? Anong sinasabi mo na may plano akong masama sa’yo”
Agad dumipensa ang kolehiyala:
“Wala akong sinasabi, kuya. Ang pangit lang tingnan na magkasama tayong dalawa sa iisang room”
“Oo wala ka ngang sinasabi pero ‘yun din naman pinapahiwatig mo”
Muli kayong nagbangayan sa harapan ng clerk kaya agad niya kayong pinutol:
“Ma’am, sir, mag-aavail po ba kayo ngayon ng room? Kasi po may mga nag-eemail din po for reservation?”
Tumahimik kayong dalawa at nag-isip-isip. Ayaw mo naman suuingin ang baha at alam mong may ihi ito ng mga pesteng daga. Sa isip naman ng dalagang kasama mo ay ginaw na ginaw na siya at kailangan na niyang magpalit ng kasuotan.
“Alright, miss. Maghahati na lang kami nitong kasama ko”, wika ng dalaga.
“Okay, ma’am. P1200 po ang room”, tugon ng clerk.
“Ako na magbabayad”, pagbibida mo
“Wait, kuya. Kaya ko naman mag-ambag, okay? Di mo need bayaran lahat”, wika ng kolehiyala mong kasama.
“Alam ko, pero college student ka pa lang kaya alam kong nagbubudget ka lang. Kaya ako na nagbabayad”
Muli kang tiningnan ng dalaga nang masama:
“Teka, kuya. Baka sabihin ni ate dito, date mo ‘ko kaya ka nanlilibre. Magbibigay ako ng P600 para hati tayo”
“Anong sugar baby pinagsasabi mo? Ililibre na nga kita, ayaw mo pa”
“Ayaw ko nga magpalibre di ‘ba, kuya? Kaya ko pong magbayad. Anong tingin mo sa ‘kin, date mo para ilibre mo”
“Ewan ko sayo”
At sa ikalawang pagkakataon ay hindi kayo nahihiyang magbangayan sa harapan ng clerk.
“Ma’am, sir, may I ask for the payment na po para mai-ready namin ang room?”
Para matapos na lang ang lahat ay ibinayad mo na lang ang pera mo sa clerk.
“Ako na muna magbabayad ngayon, bayaran mo na lang ako mamaya sa loob ng room”, wika mo sa dalaga
“Okay, okay”, sagot niya.
“Thank you po, please give us five minutes to prepare the room”, wika ng clerk saka umalis kasama ang ilang mga tauhan para ihanda ang kwarto.
Nakatingin pa rin sa’yo ang dalaga, para bang minamasama pa rin ang panlilibre mo.
“Sabi ko sa’yo maghahati tayo, ang kulit mo. Basta babayaran kita mamaya”, wika niya sayo kasabay ang parang nagpapacute ulit na mukha.
“Oo na, mamaya na natin pag-usapan yan”
Habang hinihintay ninyo ang clerk ay muling napukol ang mata mo sa dalaga. Kahit ginaw na ginaw siya ay para siyang isang magandang modelong naka-pose na yakap yakap ang sarili. Magulo ang kanyang buhok, wet and messy pero ang sexy ng dating. Basang-basa ang kanyang suot na uniporme na halos dumikit na sa kanyang balat kaya bumabakat ang kanyang underwear na suot. Kahit na sumpungin ang babaeng ito ay hindi mo maikakaila na napakaganda at sexy niya. Makinis, maputi, at kaakit-akit.
“By the way pala, kuya. Hindi mo pa alam name ko”, sabi niya sa iyo.
“Hindi ko naman kailangan malaman pangalan mo, ngayong gabi lang naman tayo magkakasama”, suplado mong sagot mo sa kanya.
“Bakit ba ang supla-suplado mo, kuya? Friends na tayo, oh. Maghahati na nga tayo sa room eh”
Hindi ka sumagot sa kanya.
“Anywaaay, My name is Natasha, nice to meet you…”, wika ng dalaga kasabay ang isang matamis na ngiti sabay inilahad ang kanyang palad para makipag-shake hands.
Ewan pero nang humarap ka sa kanya, parang may umihip na hangin na humawi sa kanyang buhok. Tila ba tumigil ang oras habang inaanyayahan ka niyang makipagshake-hands at nakatingin siya sa iyo. Nakapokus ka lang sa mukha niya na tunay na kay aliwalas kahit magulo ang kanyang buhok dahil sa ulan.
Ngayon ka lang nabighani nang sobra sa isang babae.
At dahil nga para kang timang na nakatitig sa kanya ay di mo nagawang sagutin ang shake-hands niya.
“Ang sungit mo talaga!”, sabi niya sa’yo sabay inalis ang pagkakalahad ng kanyang kamay.
“By the way pala…”, wika ng dalaga “kung trip mo lang, you can also call me Tashy, yun din kasi tawag sa ‘kin ng friends ko. And since “friend” naman na kita, I think pwede mo kong tawagin din ng ganun – so pleaseeee, call me Tashy”
“Okay, Natasha”, sagot mo sa kanya.
“Kuya kakasabi ko lang, you can also call me Tashy”
“Narinig ko, pero hindi naman tayo close, bakit kita tatawagin sa palayaw mo”
“Hay, okay KJ lolo, ganyan ba talaga kapag may edad na?”
“Anong may edad? 30 pa lang ako”
Napangiti ang dalaga sa sagot mo.
“Hahahah…kaya pala ganyan ka kasungit, gurang ka na pala. Para na nga kitang daddy kung tutuusin. Siguro sobrang stress mo sa trabaho kaya ka ganyan ka-suplado”
Teka bakit ang sarap sa tenga nang sinabi niyang “para ka niyang daddy”
“Anong gurang sa 30? Bakit ikaw, anong edad mo na ba?”
Tiningnan ka ng dalaga na may halong pang-aasar:
“Uy si kuya, tinatanong age ko. Siguro tinitingnan mo kung matchy-matchy age natin. Sorry, kuya pero 2nd year college student pa lang ako and 20 years old. Hindi ko rin pati trip malaking age gap sa relationship”
“Tinatanong ko lang edad mo ang dami mong sinabi”
“Sus, kuya. Alam ko galawan ninyong mga lalaki”
“Ewan ko sayo”
Mukhang natagalan sa paghahanda ng kwarto ang mga staff ng lodge, medyo naiinip na ka na pag-aantay. Si Natasha ay kapansin-pansing nangangatog pa rin dahil sa basang basa niyang uniporme.
“Ba’t naman ang tagal nila?”, tanong mo kay Natasha.
“Ang bugnutin naman ni lolo, oh”, pabiro n’yang sagot.
“Kung wala kang sasabihing maganda, mas okay sigurong tumahimik ka na lang. Tingnan mo nga hanggang ngayon nangangatog ka pa”, mabilis mong tugon.
“Ang sungit talaga”, bulong ni Natasha sa sarili na nadinig mo naman.
“Ayos na masungit, wag lang lamigin”, wika mo.
Bigla naman napatanong sa’yo ang dalaga:
“Teka kuya, hindi mo pa sinasabi pangalan mo, nakapagpakilala na ‘ko tapos ikaw hindi pa”
“Ayoko, miss”, mabilis mong sagot
“Bakit naman? Takas ka ba ng kulungan, kuya?”
Hindi mo alam kung matutuwa ka ba o maiirita sa kakulitan ni Natasha.
“Malamang hindi!”
“Ano nga kasi name niyo po, ang weird naman kasi na magkasama tayo tonight tapos di ko ‘man lang alam name mo”
Huminga ka nang malalim at saka sinagot ang dalaga.
“Jan, Jan ang pangalan ko”
“Ohhh…”, bulalas ni Natasha. “Ang bland naman ng pangalan mo, kuya. Parang kalahati ng lalaki sa mundo JOHN pangalan”
Napangiti ka sa sinabi ng dalaga, talagang naisip niya pa yun.
“Iba ang JAN ko : J-A-N ang spelling, hindi J-O-H-N”, wika mo sa kanya.
“Ohhh, ang cool naman pala…”, sambit ni Natasha. Malagkit ang tingin sa’yo ng dalaga kasabay ang isang matamis na ngiti. “Anyway, nice to meet you Jan and thank you sa pagsabay sa ‘kin kanina. I really appreciate it”
Kay ganda n’yang pagmasdan habang nakangiti sa’yo. Ang ganda ng kanyang mga mapupungay na mga mata – parang mga bituin na mapang-akit. Ang sarap din pagmasdan ng kanyang manipis, mapula, at glossy na labi na lalong gumaganda kapag siya’y nakangiti.
“Walang problema, Natasha”, wika mo kasabay ang isang ngiti para sa kanya.
“Tingnan mo, kuya. Mas okay sa’yo ang nakangiti kaysa lagi kang nagsusuplado. Bumabata ka”, biro niya sa’yo.
Ilang saglit pa ay tinawag na kayo ng staff dahil handa na ang magiging kwarto ninyo ngayong gabi.
Maliit lang ang kwartong napunta sa inyo ni Natasha pero may air-conditioner at isang kama na mukhang malaki-laki rin ang size. May TV ito at may ilang mga (pekeng) paintings na nakasabit.
“Okay na rin for P1200 yung room natin, ano?”, tanong sa’yo ni Natasha.
Tumango ka bilang tugon.
Agad na hinanap ni Natasha ang CR ng kwarto para dun magpalit, hindi na niya kasi matiis ang lamig. Pero kapansin-pansin na wala palang CR ang kwartong napunta sa inyo.
“Pa’no ako magpapalit nito, wala palang CR ‘tong room!”, bulalas ni Natasha.
“Dun ka sa labas magpalit, malamang may CR dun”, sagot mo sa kanya.
“Nakalimutan mo na ba, kuya. Sira nga daw women’s CR nila”
“Oo nga pala. Paano ka ngayon magpapalit n’yan”
Yakap-yakap ni Natasha ang kanyang sarili at pilit na pinipigil ang pangangatog. Dahil nga airconditioned ang room, lalo pa s’yang nilamig.
“Wala na ‘kong choice, kuya. Lamig na lamig na ‘ko. Dito na ‘ko magpapalit”, bulalas ni Natasha. Agad bumilis ang pintig ng puso mo nang marinig ang kanyang suhestiyon.
“Sira ka ba? Anong dito ka magpapalit? Alam mong nandito rin ako sa room tapos dito ka magpapalit”, medyo nauutal ka pa habang nagsasalita, tila ika’y nasasabik na magpalit ng damit si Natasha sa kuwarto.
“Syempre di ka titingin, kuya. Tumalikod ka lang habang nagpapalit ako at wag kang lilingon, okay?”
“Hay…oo na…tapusin na natin ‘to…tatalikod na ko”, sagot mo.
“Hoy, kuya. Kilala ko kayong mga boys. Subukan mo lang lumingon at patay ka sa ‘kin”, banta sa’yo ng kolehiyala.
“Kumalma ka nga, Natasha. Hindi ako titingin. Bilisan mo na, magpalit ka na at kanina ka pa ginaw na ginaw”
“Paano ako magpapalit eh hindi ka pa nga nakatalikod?”
Agad ka namang tumalikod pagkasabi nito ni Natasha.
“Alright, kuya. Mag…huhubad na ‘ko…wag kang titingin ‘ha. Talikod ka lang”, mahinang bigkas ng kolehiyala.
Tila bumagal ang oras habang nagpapalit si Natasha. Amoy na amoy mo ang kanyang pabangong lilac na pilit sinusundot ang imahinasyon mo. Nagpapalit ang mestisang dalaga sa likuran mo. Ano kayang hitsura ng kanyang katawan? Siguro malulusog ang kanyang mga suso at sariwang-sariwa dahil 20 anyos pa lang siya. At ang kanyang mga utong – siguradong matutulis at pinkish. Eh ang puke niya? Siguradong hindi ito gaanong mabalbon, pinkish din at masikip. Iniisip mo pa lang kung anong hitsura ni Natasha habang nakahubad ay agad tumigas ang alaga mo. Hindi mo rin mapigil na ito’y pumintig-pintig dahil sa kasabikan mong sulyapan ang pagpapalit ng damit ni Natasha.
Isang tingin lang naman, mabilis at saglit na tingin. Hindi ka naman siguro mahuhuli.
Dahan-dahan mong pinihit ang leeg mo upang tingnan ang nasa likuran mo. Anak ng…nakatalikod si Natasha at puting bra na lang ang kanyang suot. Kinukuha niya sa bag ang kanyang pamalit na damit. Grabeng kinis ng kanyang likuran at gagap na gagap mo ang kanyang maalindog na kurba. Nakabalumbon na ang buhok ng kolehiyala kaya kitang kita mo ang kanyang masarap na batok. Tangina, tinitigasan ka na. Sabik na sabik kang lapitan siya, halikan ang kanyang mapang-akit na batok at ito’y amuy-amuyin.
Maya maya pa’y tinanggal ni Natasha ang kawit ng kanyang bra at tuluyan itong tinanggal. Sayang nakatalikod siya kaya hindi mo makita ang kanyang mga suso. Pero sapat na ang kanyang sexy na likuran para pag-initin ang katawan mo.
Tumayo naman si Natasha at dahan-dahan na tinanggal ang kanyang basang-basang skirt. Nakatalikod pa rin siya kaya di niya alam na sumusulyap ka na pala. Pumintig ang mala-bato sa tigas mong burat nang tuluyang tumambad sa’yo ang kanyang matambok na pwet na nababalutan ng puting panty. Sa sobrang kasarapan ng nakikita mo ay hindi mo napigilang lamasin ang matigas mong burat. Kung girlfriend mo lang itong babaeng ‘to, malamang nakiskis mo na ang espada mo sa kanyang matambok na likuran habang siya ay nakatuwad. Uungol siya nang malakas habang binibigkas ang pangalan mo.
Bigla ka tuloy napapantasya habang sumusulyap ka kay Natasha. Sa isip mo ay nakatalikod si Natasha at nakatuon sa pader samantalang ang mukha mo ay nakabaon sa kanyang matambok at makinis na pwet. Sinupsop mo ang kanyang namamasang puke habang siya ay nakatuwad. At habang nagpapakasasa ka sa kanyang basang-basang kaselanan ay nagjajakol ka naman. Hindi mo akalain na mabubuhay ang pagkalalaki mo dulot ng isang kolehiyalang ngayon mo lang nakita.
Pero habang nakatingin ka kay Natasha ay bigla rin naman siyang napalingon. At…nakita ka niyang nakatingin sa kanya! Nahuli ka niya!
“HOY KUYA! Sabi ko wag kang titingin…WHAT THE FUCK!!!”, agad binalutan ni Natasha ang kanyang hubong katawan gamit ang kanyang mga hinubad na uniporme pero hindi nito nagawang balutan ng husto ang kanyang mga suso. Tangina, nasisilat mo ang kanyang mga suso – malalaki ang mga ito kahit petite ang katawan niya, malusog, maputi, at makinis. Lalo ka pang tinigasan tuloy nang masilayan mo ang kanyang hinaharap.
“Napalingon lang ako…Natasha…hindi ko sinasadya”, agad kang tumalikod pagkasabi nito.
“Anong ‘di sinasadya, kuya? Mga manyak talaga kayong mga lalaki, ano?! Sabi ko na di kayo mapagkakatiwalaan”
“Hindi ko talaga sinasadya….masakit lang leeg ko kaya napalingon ako, pero wala naman akong nakita…”, palusot mo.
“You’re making excuses pa, kuya! Agghhhh…anong nakita mo ha? Oh gosh….nakita mo na buong katawan ko! What the fuck!”, napansin mong nagagalit na si Natasha dahil sa ‘yong ginawa.
“Wala akong nakita, Natasha. Hindi ko talaga sinasadya na mapalingon”
“Hmphhh…okay…isa pa talaga kuya…kapag lumingon ka pa ulit, tatawag na ‘ko ng guard”
“Okay, okay, I promise, hindi na mauulit, Natasha”
Hindi na umimik si Natasha at patuloy na nagpalit ng damit. Pagkatapos ng mga limang minuto ay natapos din siya.
“Okay, kuya. Tapos na kong magbihis. Pwede ka nang tumingin”, sambit niya.
Parang nahulog ang puso mo nang makita si Natasha. Isang masikip na puting t-shirt ang kanyang suot, dahilan upang bilog na bilog na humugis ang kanyang mga suso. Kapansin-pansin din na wala siyang suot na bra dahil…bakat ang kanyang nipples. Malamang walang dalang extrang bra si Natasha kaya wala siyang suot ngayon. Isang maiksing pekpek shorts naman ang pang-ibaba niya, dahilan upang manlaki ang mga mata mo habang sinisilat ang kanyang malinamnam na mga hita na halatang alaga sa lotion at beauty soap.
Parang sasabog tuloy sa katigasan ang burat mo dahil sa kasexyhan ng dalaga.
“I’m sorry ulit, Natasha, di ko talaga sinasadyang lumingon kanina, saglit lang talaga ‘yun”, wika mo habang nakatitig pa rin sa kanyang magandang katawan.
Tiningnan ka ni Natasha, halatang naiinis pa rin siya dahil sa ginawa mo.
“It’s not funny, kuya. Ngayon I’m not sure kung safe pa ba ‘ko na maki-stay kasama ka dito sa room”
Pansin mong hindi talaga natuwa si Natasha sa kagaguhang ginawa mo kanina. Tama naman siya, ngayon lang kayo nagkita tapos agad mong inilabas ang kalibugan mo, maling mali ka, kaibigan.
“Wala akong planong masama, miss. Hindi ko talaga sinadya yung kanina. Hindi ako manyak, promise”
Nag-irap lang ng mga mata si Natasha saka umupo sa kama.
“Fine…I believe you…I’m sorry kung nahusgahan agad kita”, sambit ni Natasha.
Ngayon ay parang naguilty ka tuloy dahil sa pagsisinungaling, pero at least naniwala naman sa’yo si Natasha.
Nagpalit ka rin ng damit pero sa common male CR na sa labas ng room ninyo. Pagbalik mo ay nakita mo si Natasha na nakahiga na sa king-sized bed. Agad napukol ang pansin mo sa kanyang nakabalandrang legs. Nakakagigil. Kung pwede nga lang ay agad mong didilaan ang makinis na hita ng kolehiyalang ito, pataas hanggang sa maumbok niyang kepyas.
Mukhang napansin naman ata ni Natasha na tinititigan mo siya habang siya’y nakahiga.
“Oh ba’t tulala ka, kuya?”, tanong niya.
Agad naputol ang pantasya mo at mabilis kang sumagot: “Iniisip ko kung saan ako matutulog, nakahiga ka na kasi diyan sa kama”
Ngumiti si Natasha at saka nagwika: “Be gentleman, kuya. Dapat sa floor ka tapos ako sa bed”
“Teka, unfair naman yun. Nagbayad din naman ako para dito sa room”
Bumangon si Natasha sa pagkakahiga at saka tumugon:
“Hindi naman tayo pwede magtabi, kuya. Ang awkward nun. At…I still remember yung paninilip mo kanina…baka kung ano pa gawin mo sa ‘kin mamaya”
Agad ka naman naging defensive dahil sa mga sinabi ni Natasha:
“I already told you. Wala akong planong masama. May stiff neck kasi ako kaya di ko napigilang lumingon”
Biglang bumalik sa pagkakahiga si Natasha at tinakpan ang tenga niya ng unan:
“Ah basta, kuya. Dito ako sa kama, tapos ikaw, diyan ka sa floor. Deserve mo ‘yan kasi maninilip ka”
“Maninilip? Di ko nga sinasadya yung kanina, Natasha. Ano bang akala mo, gusto kita? Sa totoo lang, hindi kita matitipuhan kahit kailan kaya wag kang mag-assume na gusto kong makita katawan mo kaya napalingon ako kanina”.
Muling bumangon si Natasha sa pagkakahiga para tumugon, mapanlibak itong tumingin sa’yo kasama ang isang tila malanding pag-ngiti
“Talaga ba, kuya? I will remember those words…kasi baka balang araw…maglaway ka sa ‘kin”.
Pagkasabi ni Natasha ng salitang “naglaway” ay mabilis kang napatitig sa kanyang mga susong hugis na hugis sa masikip niyang puting t-shirt.
“Sige na, sige na…sa sahig na ‘ko matutulog. Pero hindi dahil mamanyakin kita kapag katabi kita, kundi para tumahimik ka lang”
Ibinigay sa’yo ni Natasha ang extrang blanket at unan sa room at nagsimula kang mag-ayos ng hihigaan mo sa sahig. Pero habang nag-aayos ka ay pinapanood ka ni Natasha.
“Kuya?”
Hindi mo siya pinansin dahil busy ka sa pag-aayos ng hihigaan mo.
“Alam kong naririnig mo ko, kuya. Wag ka na magbingi-bingihan”
Hindi mo ulit siya pinansin.
“Kapag daw nagbibingi-bingihan, kuya, mawawala ang tenga kinabukasan”
Dahil naiirita ka na sa pagtawag niya ay tumugon ka na.
“Bakit ba kasi? Dito na nga ako matutulog sa sahig, ayaw mo pang tumahimik!”
“Ayan ka naman, kuya. Ang suplado mo na naman”
“Ano ba kasi sasabihin mo at tawag ka nang tawag”
Umayos ng pagkakaupo si Natasha, dahilan upang mas masilayan mo ang kanyang magagandang mga hita. Samyong samyo mo pa rin ang kanyang mahalimuyak na pabangong lilac na para bang inaakit kang siya’y lapitan mo.
“Nabobored kasi ako, kuya. Walang signal phone ko kaya wala tuloy akong magawa…Kwentuhan muna tayo”
“Ayoko”, sagot mo habang patuloy na nag-aayos.
“Alright, ako na lang dadaldal sa’yo, kuya”
“Ughhh…bahala ka…”
Tumingala si Natasha at nag-isip kung anong sasabihin sa’yo.
“Kaso wala ‘kong maisip e”
“Kung ganon, tumihik na lang tayo, mas okay yun”, wika mo.
“Ah, alam ko na!”, nakangiting sambit ni Natasha…”Anong trabaho mo, kuya?”
“Akala ko ba ikaw magku-kwento”
“Nagbago isip ko, tatanungin na lang kita nang tatanungin para ma-entertain ako”
“Hay, talagang makulit ka ano…pero sige…sa Perlican Corporation ako nagtatrabaho…”
“Ohhh…edi mayaman ka, kuya. Mga burgis daw mga nagta-trabaho ‘don. May kotse, may malaking house, tapos…”
“May kotse ako pero di ako mayaman”, biglang putol mo sa kanya.
“May kotse ka pala, kuya. E bakit nakita kitang naglalakad…hmmm…siguro wala ka talagang kotse ano?”
“May kotse ako, Natasha…di ko lang dala ngayon”
“Talaga? Ang lakas lakas ng ulan tapos di mo dala? Wag ako , kuya. Alam ko ‘yang galawan ninyong mga lalaki. Papa-impress na may kotse sila para maka-iskor tapos wala naman pala”
“What the fuck? Hindi ako nagpapa-impress, miss”
“E bakit kailangan mong sabihin na may kotse ka, kahit wala naman talaga?”
“Hindi ako nagsisinungaling, may kotse talaga ako”
“Kung ganon, ba’t ka naglalakad kanina sa gitna ng ulan?”
“Nasira kaninang umaga….dinala ko sa talyer malapit sa ‘min”
Mapang-asar na tingin ang tinugon ni Natasha:
“Alright, nice excuse, kuya”
“Anong excuse, bahala ka nga kung anong gusto mong isipin. Basta may kotse ako at kapag nakuha ko na ‘yon….di ka makakasakay”
“Never naman kita sasakyan, kuya”, mabilis na tugon ni Natasha
Biglang gumana ang imahinasyon mo. Hindi ka raw niya sasakyan kahit kailan. Talaga lang ha? Baka nga mamaya nakasakay na siya sa’yo – hubo’t hubad habang nakapasak burat mo sa masikip niyang kweba at uungol ungol siya habang winawarak mo ang pagkababae niya.
Kinuha mo ang cellphone mo at pinakita kay Natasha ang larawan ng iyong itim na sasakyan kung saan naka-pose ka pa.
“Eto ang picture ng kotse ko, sapat na ebidensya naman na siguro ‘yan na may kotse nga ako”
Tiningnan ni Natasha ang litrato pero kapansin-pansin ang pagpipiit niya ng tawa.
“At bakit ka natatawa ha?”, tanong mo sa kanya.
Pinipilit ni Natasha na pigilan ang pagtawa habang sumasagot sa’yo: “Naniniwala na ‘ko na may kotse ka…kaso…ang baduy mo naman mag-posing kuya, para kang mga boomer na tito, tingnan mo nakashades ka pa!”
Humagalpak na ng tawa si Natasha.
“Hindi ako baduy, ganyan ang porma ng mga mayayaman, hindi mo lang alam”, sambit mo.
“Kaya pala masungit ka lagi kasi pormahan mo old-styled. Pero okay lang yan, kuya. Nagbebenta ako ng mga aesthetic men garments. Tingnan mo madaming chics na maghahabol sa’yo kapag ganto pormahan mo”
“Malamang mga mumurahing cheap na damit yang tinitinda mo”
“No, no, no, Mr. Janny. Mura nga yung mga binebenta ko….pero affordable at fashionable naman…kesa diyan sa mga sinusuot mo…para kang hindi nakamove-on noong 80s sa pormahan mo”
Lumapit sa’yo si Natasha at sumalampak din sa sahig. Ipinakita niya sa’yo gamit ang kanyang telepono ang mga larawan ng kanyang mga ititindang men’s garment. Habang kayo ay magkatabi ay wiling-wili ka sa pagsamyo sa kanyang kabanguhan. Nakatapat sa ilong mo ang kanyang mahaba’t-itim na buhok na parang sariwang lilac kung amuyin. Napansin mo rin na nakapatong ang kanyang malambot at makinis na kanang kamay sa iyong hita, malapit sa iyong singit. Hindi mo na nagawang magfocus sa pinapakitang larawan ni Natasha dahil nakatingin ka sa kamay niya na nakapatong sa’yo. Para kang nahi-hypnotize dahil sa kariktan ng kanyang pulang mga kuko at mahahabang daliri.
“Ano, kuya, ang ganda ng mga binebenta ko ‘no, dapat ganito mga sinusuot mo para IN ka. Mahuhulog panty ng mga officemates mo kapag nakita ka nilang ganito pormahan”
Hindi ka makasagot nang maayos dahil tigas na tigas ka na habang siya’y nakatabi sa’yo. Libog na libog ka kakasamyo sa kanyang kabanguhan at dahil na rin sa palad niyang halos umabot na sa singit mo. Gusto mo na lang na isubsob ang kanyang mukha sa iyong naninigas na pagkalalaki at isuksok ito sa kanyang madaldal na bibig.
“Uy, kuya, okay ka pa ba diyan?”, wika sa’yo ni Natasha nang mapansing wala kang imik.
“Oo na, oo na, kumbinsido na ‘ko”
“So, kailan ka bibili sa ‘kin, Mr. Janny?”
“Ba..baka naman mga low-class ‘yan?”
“No, kuya. Lahat sila high-quality. In fact, isang beses pa lang ako nakapagtinda ng di maganda”
“Oh, hindi pala 100% trustworthy ‘yang paninda mo”
“Yung isang beses na yun, kuya. At women’s dress pa yun. Nabenta ko siya kay Marie kaso sira pala yung zipper”
“Kung sino ‘man yung Marie na yun, malamang nauto mo siya kasi mga bulok pala paninda mo”
“Hoy kuya! Best friend ko po si Marie at hindi ko siya bibigyan ng bulok na dress. Actually, super ganda nung dress at nagustuhan nung date niya, kahit pa sira yung zipper. At di naman totally sira yung zipper, nagstuck lang siya saglit”
“Ngayon, mukhang ikaw ang nag-iimbento ng kuwento”, wika mo.
“Hay, bahala ka nga kuya, mag-stay ka dyan sa jologs outfit mo para forever kang single”
Bumalik si Natasha sa kama at natapos ka naman sa pag-aayos ng iyong hihigaan sa sahig. Ilang saglit pa ay tila nakaramdam ka na ng antok. Patuloy naman ang malakas na pag-ulan.
Pinatay ninyo ang ilaw ng room at humiga kayo – si Natasha sa kama, at ikaw ay sa nilatag mong blanket sa sahig.
Pero napapapikit-pikit ka palang ay muling nagsalita si Natasha.
“Kuya?”
“Matutulog na ‘ko, Natasha. Wag ka nang mangulit”
“Matanda ka na kasi, kuya kaya ka antukin”
Kung hindi lang magandang babae itong nangungulit sa’yo malamang nasapok mo na ‘to sa kakulitan.
“Bakit ka ba kasi tumatawag ha?”
“I noticed kasi kanina sa picture ng kotse mo na may kasama kang girl…gf mo ba siya?”, tanong ni Natasha.
“Ex”, sagot mo
“Tama lang na iniwan ka niya kasi ang baduy ng porma mo”
“Talagang inistorbo mo pagtulog ko para asarin ako, ano?”
“I’m sorry, kuya. Pero seryoso, bakit kayo nag-break?”
“Wala ka nang pakialam. Matulog na tayo”
“Fine…good night, Mr. suplado”
Hindi ka na tumugon kay Natasha.
Ilang saglit pa ay sinuntok ka na ng tuluyan ng antok at nakatulog
Ngunit sa kalagitnaan ng iyong mahimbing na pagkakaidlip ay nagising ka dahil sa nakakabulahaw na boses ng isang babae.
“AYOKO PO….HINDI KO PO TALAGA KAYA….AYOKO PO….SORRY PO….”
Agad kang bumangon sa pagkakahiga at tiningnan si Natasha. Tumindig ang mga balahibo mo habang naririnig ang kanyang makadurog-pusong pagsigaw habang siya’y natutulog:
“PLEASEE PO…HINDI KO PO KAYA…SORRY PO….TAMA NA…..TULOOONG…”
“Natasha…Natasha…Natasha”, ginising mo ang kaawa-awang dilag.
Mabilis naman nagising ang dilag at iminulat ang kanyang mga mata. Pero agad lumayo sa’yo si Natasha, tumungo ito sa sulok ng kama at pilit ikinubli ang sarili gamit ang kanyang mga braso. Takot na takot ang dalaga, nanginginig ang buong katawan at tumatangis.
“HINDI PO, KUYA. AYOKO PO, TALAGA….SORRY PO…”
Nagugulumihanan ka, kahit ikaw ay hindi mo alam kung anong gagawin. Ang Natashang nakikita mo ngayon ay malayo sa kanyang madaldal at makulit na persona. Ngayo’y para siyang takot na takot, sindak na sindak na parang nasa panganib ang kanyang buhay.
Dahan-dahan kang lumapit sa kanya pero tumindi lamang ang kanyang pagluha.
“AYOKO PO TALAGA….AYOKO PO….WAG NIYO PO AKONG SAKTAN”
“Natasha, ako ‘to si Jan. Hindi kita sasaktan. Walang mananakit sa’yo”
Mukha namang mabilis na bumalik sa ulirat ang dalaga at nakilala ka.
“Kuya….”, nagpahid siya ng mga luha at pinilit na ayusin ang kanyang buhok.
“Okay ka lang ba?”, tanong mo sa kanya.
Mabagal na pagtango ng ulo ang kanyang tugon.
Mabilis kang kumuha ng tubig sa ref sa loob ng room at pinainom si Natasha. Mabilis naman na kumalma ang babae.
“Sorry, kuya. Na…nagising kita”, mahinahong wika ng kolehiyala.
“Walang problema, Natasha”, tugon mo. “Siguradong ka bang, okay ka lang? Nanaginip ka ata nang masama kanina?”
“O..okay lang ako, kuya. Matulog ka na ulit”
“Sigurado ka ba”
“Oo, kuya. Wag ka nang mag-alala”
Tiningnan mo siya. Mukha namang kalmado na si Natasha kaya’t akma kang bumalik sa iyong higaan.
“Wait, kuya”, tinawag ka niya bago ka pa man makarating sa iyong higaan. “Okay lang ba…kung….”
“Kung ano, Natasha?”
“Kung tabihan mo ako ngayon, pagtulog? Na…natatakot kasi ako na baka…mapanaginipan ko ulit ‘yun?”
Ngumiti ka at saka tumugon: “Walang problema, Natasha”
Mabilis ang pintig ng iyong puso habang patungo kayo sa kama. Parang may mga paru-parong lumilipad sa’yong tiyan at pakiramdam mo’y ikaw ang kanyang kabalyerong tagapagligtas ngayong gabing ito. Humiga kayong dalawa sa kama ngunit may pagitan dahil kahit ikaw ay nakakaramdam ng hiya dahil sa magandang babaeng kalapit mo.
“Pwede bang…yakapin mo ako kuya? Gusto kong maramdaman na hindi ako mag-isa ngayon”
Niyapos mo si Natasha mula sa kanyang likuran. Ngayo’y para kayong naka-spooning. Damang-dama mo ang init, lambot, at kinis ng kanyang katawan. Iba pa rin talaga ang katawan ng isang dalaga.
Samyong samyo mo ang kanyang batok na nag-uumapaw sa kabanguhan. Hindi mo mapigilang singhot-singhutin ito dahil ito…ito ang halimuyak ng isang babaeng nakakapagpagana sa isang lalaki.
At tangina…nakatutok ang malabato at pumipintig mong ari sa pwetan ng kolehiyala. Pilit mong iniiwasang madikit ang naghuhumindik mong pagkalalaki sa likuran ni Natasha, pero habang iniisip mo na ilang sentimetro lang ang layo nito sa kanyang matambok na pwet ay lalo ka lang tinitigasan.
Ngunit biglang bumilog ang mga mata mo nang si Natasha mismo ang nagsumiksik sa’yo, dahilan para dumikit ang espada mong galit na galit sa kanyang malambot na pwet. Ramdam na ramdam mo ang fabric ng kanyang pekpek shorts sapagkat bumaon sa kanyang likuran ang pagkalalaki mong nag-aalburoto. At…tila dahan-dahan pang ikinikiskis ni Natasha ang pwet niya sa ari mo…tang inang sarap!
Para kang batong di makagalaw, di alam ang gagawin. Malamang sa malamang alam ni Natasha na burat mo ang nakadikit sa kanyang pwet? Pero bakit parang balewala lang sa kanya?
“Thank you, kuya”, sambit sa iyo ni Natasha. Hindi ka naman makasagot dahil tigas na tigas ang titig mong nakadikit sa kanyang malambot at matambok na pwet.
Gigil na gigil ka na. Nais mo ngayon ay ikiskis na ang burat mo sa kanyang pwet at saka tadtarin ng halik at supsop ang kanyang batok, leeg, at balikat. Gigil na gigil ka nang lamasin ang kanyang mga suso na kanina pa nang-aakit sayo. Akit na akit ka nang patuwarin siya at saka mo siya babarurutin hanggang sa siya’y umiyak at sumigaw sa kasarapan. Ngunit hindi ito ang tamang oras para sa kalibugan, batid mong may pinagdadaanan ang kolehiyalang ito at malamang hindi ito handa sa isang romansahan.
Ilang sandali pa’y nakatulog kapwa kayong nakatulog.
Maaga kayong nagising kinabukasan. Wala nang bagyo at nariyan na ang haring araw. Unang nagising sa’yo si Natasha na inaayos ang nilatag mong blanket sa floor kagabi.
“Good Morning, kuya”, bati niya sa’yo. Wala nang bakas ng takot o pangamba sa kanyang mukha, di tulad kagabi noong nanaginip siya nang masama. Napakaaliwalas ng kanyang mukha at syempre, ang kanyang katawan ay kurbang kurba sa suot niyang masikip na putting t-shirt.
“Hello, Natasha”, tugon mo.
“Alam mo, kuya. May napansin ako kagabi habang magkatabi tayo”
Agad mong naalala ang tungkol sa tite mong tigas na tigas na dumikit sa kanyang pwetan. Ito kaya ang tinutukoy niya.
“Huh? Ano naman ‘yun?”
“Hmmm….mamaya sasabihin ko sa’yo, kuya”.
“Ano nga ‘yon?”
“Basta, kuya. Mamaya ko na sasabihin”
“Binigyan mo pa ko ng iisipin”
“Talagang dapat mong isipin ‘yun, kuya”
Pabitin naman.
Napansin mo naman na naging seryoso bigla ang mukha ni Natasha.
“Anong oras ng work mo, kuya? Tingin mo ba ayos na yung bridge at makakadaan na tayo?”
Tumingin ka sa orasan at napansin mong 2 oras pa bago ang pasok mo.
“8 AM pa pasok ko. Dadaanan ko pa yung kotse ko sa talyer tapos maliligo pa ko”
“Hmppp…wala ka namang dadaanan talaga sa talyer, kuya”
“Hanggang ngayon ba di ka pa rin naniniwala na may kotse ako?”
“Unless makita siya ng dalawang mata ko”
“Ughhh…alam ko na…gusto mo lang magpahatid sa ‘kin pauwi di ‘ba, Natasha?”
“I’m just kidding, kuya! Sobra sobra nang istorbo nabigay ko sa’yo…pati…pati pala yung kagabi….uhmmmm…I’m very sorry about it pala”
Kapansin-pansing napuno si Natasha ng hiya habang iniisip ang masamang panaginip kagabi.
“Matanong pala kita, Natasha. Ano bang napagininipan mo kagabi? Sumisigaw ka at humihingi ng tulong? Okay ka lang ba?”
Hindi ka sinagot ni Natasha, bagkus ay nilihis nito ang usapan.
“Thanks for the concern pero don’t mind it, kuya. Maybe let’s check out na para makapasok ka na sa work mo”
Batid mong ayaw niyang pag-usapan ang kanyang masamang panaginip kagabi. Iginagalang mo naman ang kanyang pasya.
Mabilis kayong nakapag check-out ni Natasha, magkasabay kayong lumabas ng lounge. Mainit na sa labas at matingkad ang sikat ng araw.
“Kagabi, sobrang dilim ng langit, then this morning, ang ganda ng sikat ng araw”, wika sa’yo ni Natasha.
Na-realize mo na parang tinutukoy niya ang kanyang sarili. Para siyang nakukubli ng dilim kagabi dahil sa kanyang masamang panaginip, takot na takot siya. Ngayon naman ay masayang-masaya siya, parang araw na matingkad ang sikat.
“Di ba sabi mo may napansin ka habang magkatabi tayo kagabi”, wika mo kay Natasha.
“So gusto mo talagang malaman, kung ano yun, kuya?”
“Kung ayaw mong sabihin, di kita pipilitin, bahala ka”
“Aba, ba’t parang bumalik si Mr. suplado?”, pabirong wika ni Natasha….”Akin na cellphone mo, kuya”
“At bakit? Anong gagawin mo sa phone ko?”
“Gusto mong malaman diba kung ano yung nalaman ko kagabi?”
“Oo, pero ba’t kailangan mo phone ko?”
“Basta, akin na dali…di ko naman itatakbo ‘yan”
Inabot mo kay Natasha ang cellphone mo. Napahagikgik siya ulit nang makita ang wallpaper mo (picture ng ex mo)
“Bakit wallpaper mo pa rin ex mo?”, tanong sa’yo ni Natasha
“Kaka-break lang namin kahapon, pero papalitan ko na ‘yan”
“May ipapalit ka na ba?”, nakangiting tanong sa’yo ni Natasha.
“Malamang wala pa”
Hindi tumugon si Natasha at nagpindot-pindot sa phone mo. Ilang saglit pa’y binalik niya ito sa iyo.
“Oh anong ginawa mo dito?”
“Nand’yan na number ko, Mr. suplado”
“Hindi ko naman hinihingi ah!”
“I know hihingin mo rin, kuya. I know mamimiss mo ‘ko”
Ngumiti ka saka sumagot.
“Eh ano nga yung nalaman mo kagabi habang magkatabi tayo”
Lumapit sa’yo si Natasha. Napakabango niya, amoy na amoy mo ang lilac niyang pabango na umaakit sa iyo. Nagulat ka nang biglang hinalikan niya ang kanang pisngi mo.
“There’s a taxi na kuya, gotta go. Thank you ulit!”
Mabilis na kumaripas ng takbo si Natasha patungo sa naka-park na taxi.
Tumungo ka sa talyer upang kunin ang sasakyan mo. Ang sabi ng mga mekaniko ay hindi nila naayos ang kotse mo dahil nag-inom sila kahapon kahit may bagyo.
Kung normal na araw ito ay malamang sinermonan mo na sila dahil sa katangahan nila. Wala kang gagamiting sasakyan ulit ngayon pagpasok. Ngunit ni isang hibla ng galit ay wala ka. Katunayan ang magandang ngiti ni Natasha ang nasa isip mo. Ang kanyang maaliwalas na mukha at malagkit na tingin sa’yo kahapon ang laman ng iyong gunita. Para kang tanga na ngumi-ngiti-ngiti sa tuwing naalala niya ang mga biruan ninyo.
Buti na lang at inilagay niya ang kanyang numero sa iyong telepono kanina.
- Natasha : Chapter 1 – Ulan - September 17, 2023
- Nang Bumisita Siya Isang Gabi (Part 6 – Finale) - September 3, 2023
- Nang Bumisita Siya Isang Gabi (Part 5) - August 28, 2023