Written by Mr.M
‘Uuuuunngg…ngiiii…ang lamig!’
‘Diyos ko! Inaapoy ka sa lagnat. Paano ba ito? Wala pa naman tayong gamot para ikaw ay hindi manginig sa lamig…’
Iyon ang sitwasyon nila nang kasama niyang madre. Sa minamalas na pagkakataon ay nagawi sila sa 1 kuweba nang bumuhos ang malakas na agos nang tubig baha na may halong malagkit na putik. Masuwerte nga lang at maagap pa niyang nahagip ang madre bago ito nadala nang agos na nagmumula sa ilog na tinatahak nilang naglalakad sa pampang nito.
Ilang oras na nilang 2 hinihintay na humupa ang baha pero mukha yatang aabutin sila nang gabi. Di maiwasan na pag sa ganitong sitwasyon ay mababasa. Bakit ba kasi nagpupumilit pa ang madre na ito gayong alam na may paparating na bagyo sa kanilang isla. Pero naririto na silang 2, pasalamat na lang siya at may nakukublihan pa silang kuweba na ngayon lang din niya nadiskubre din.
‘Paano na ito?’
‘Sister…ma…mabuti pa ay pumasok pa tayo sa loob at tumataas ang tubig…ngiiii….’
‘Hah?!’
Lumingon ang madre sa labas at tumataas nga ang tubig baha. Kanina ay hindi pa ito malapit sa bibig nang kuweba na sinilungan nila pero ngayon ay ilang dipa na lang ay aabot na sa kanila. Mabigat ang kaniyang kasama pero kailangan niyang buhatin para madala sa loob.
‘Uuuunngg…ang bigat mo pala. Kumapit ka sa akin at bubuhatin kita sa loob…’
‘Si…sige sister…nggiii’
Binuhat nang madre ang kaniyang kasama, akay akay ang braso na nakasandal na sa kaniyang balikat. Para hindi mahirapan ay inalalayan na sa bewang ang nanghihinang lalaki. Di maiwasan na dumikit ang kanilang mga basang katawan sa isa’t isa. Ayaw man niyang gawain ito pero kinakailangan nang sitwasyon kung hindi ay maaring ikamatay pa nang kaniyang tinutulungan na lalaki.
Ilang metro ang kanilang nilakad papasok nang kuweba. Nang sigurado na siya na hindi siguro papasok ang tubig baha ay inilapag niya ang lalaki sa isang bato na malapad. Lumingon siya sa pinagmulan nila, naiwan ang ilan nilang buhat buhat na bagahe, binalikan at masuwerte naman at inabutan pa niya bago agusin nang tubig baha. Bumalik siya kaagad sa kaniyang kasama.
‘Ngiii,,,ang lamig…’
Nag isip siya paano ba niya mabibigyan lunas ang karamdaman nang kasama niya. Nag baka sakali siya, siguro mayroon siya, sana tama ang kaniyang iniisip. Kinapa niya ang basang damit nang lalaki. Isiniksik ang mga kamay sa mga bulsa nang damit at jacket. Inilapag niya ang kaniyang mga nakuha doon. Ballpen, pera, 1 gintong singsing, sulat wala pa rin yung kailangan niyang makita na gamit. Muli kinapa niya ang mga bulsa sa likuran nang pantalon nang lalaki. Isiniksik niya ang kaniyang mga daliri at nakita niya sa kaniyang nakuha sa kaliwang likuran bulsa nang basang pantalon ang isang basang kaha nang sigarilyo, kung mayroon nito, may panindin sigurado siya! Muli kinapa pero tila yata walang panindi itong kasama. Hindi maari ito! Alam ko mayroon siya. Ipinihit ang nakadapa nang lalaki, napalunok siya sapagkat buong buhay niya ay hindi pa siya nakalapit sa 1 lalaki. Mahiyain siya at talagang desidido siyang mag madre mula noong bata pa siya.
Bahala na. Kinapa niya ang kaliwang bulsa, inilabas ang nakuha dito. Mga barya at 1 compass na ginagamit sa paglalakbay sa gubat na pinasok nila papunta sa lugar na destinasyon nila. 1 bulsa na lang ang kaniyang hindi pa sinasaliksik. Sana nandodoon ang panindi na kailangan para may init na kakailanganin para humupa ang lagnat at kayanin ang lamig nang panahon na ito.
Pinasok niya ang kaniyang kamay, may nakapa siya na tila kahon ang korte. Hinablot na niya at sa wakas ay nandirito pala ang panindi na gagamitin! Lumingon siya, dumidilim na ang paligid nang kuweba, kailangan magkaroon nang ilaw kung hindi ay didilim ang kanilang sinasapitan.
‘flick!flick!flick!’
Sumindi ang panindi, kaagad naghanap siya nang maaring masindihan na materyal. Suwerte niya at may ilang dahon nang puno at ilang kahoy na tuyo. Kaagad inipon. pinatay ang panindi at humukay siya sa tuyong lupa nang kuweba para ilagay doon ang naipon na dahon. Kinapa ang kaniyang tabi, nakuha niya kaagad ang panindi at pinitik ang panindi.
‘flick!flick!flick!…Whooosh!’
Nag baga na ang tuyong dahon may maliit na apoy na siyang nagawa, isinalang muna ang 1 kahoy na tuyo. May 4 pa namang siyang natitira, siguro tatagal na iyon hanggang sa abutin sila nang umaga bukas. Sana humupa na rin ang baha sa labas nang kuweba.
Nang sigurado na siya na pwede na yung lakas nang apoy ay muli niyang binalikan ang kasama. Nanginginig pa rin sa lamig, at mas lalo yatang kailanagan nito nang init. Binuksan niya ang kaniyang sariling bagahe, hinila ang 2 tela. Inilapag ang 1 malapit sa apoy, ang 1 naman ay ipangkukumot sa kasama. Pero muli ay natigilan siya, kailangan hubaran nang damit ang lalaki. Paano ba niya ito gagawain?
- Muntikan na pero nasarapan nga! - December 17, 2023
- Nagkataon Na Pangyayari (Part 4) - November 22, 2023
- Nagkataon Lang Na Pangyayari (Part 3) - November 17, 2023