Written by hardfucker69
PUTANG INA! Gusto ko pa naman bilhan ng bagong cellphone si Mommy dahil nagloloko na ang cellphone niya. Saktong sale na kasi ang gusto niyang iphone.
Galit sa akin si Maam Donna habang magang maga pa din ang mukha ko sa sampal niya. I tried to be as normal as possible that day. Limang 100 pesos na lang ang nasa wallet ko. Piambayad ko pa ang 100 sa karinderya sa pagkain ko. I decided na bigyan ko ng 2 piece chicken joy meal si Maam Donna as a peace offering. I just told her staff na huwag sabihin na sa akin galing. Saktong alas dose na din kasi ng tanghali.
Normal naman ang naging takbo nang araw ko at may mga inutos sa akin si Maam Donna like ihatid ang mga dokumento sa mga katabing opisina, magpasa ng mga papeles sa Registry of Deeds, at tumakbo sa Court of Tax Appels. Maski papaano ay maayos naman sa akin si Maam Donna that day.
Pagdating ng 5:30pm ay bumaba na siya mula sa kanyang opisina at sumakay na sa Innova si Maam Donna at umuwi na kami. 6:30pm nang makarating kami sa bahay. Medyo matindi din kasi traffic.
Nanay Emma: Donna nagluto ako ng paborito mong adobo.
Donna: Nay baon ko na lang po bukas. Masama po pakiramdam ko eh.
Agad siyang pumanik sa kwarto. Bumulong naman ako kay Nanay Emma.
Me: Nay penge naman o. Gutom na ako eh. Alam mo naman mukhang wala akong sasahurin ngayon.
Nanay Emma: Tara saluhan mo ako sa kusina.
Buti na lang at pinautang ako ni Nanay Emma at mabibili ko na ang iphone na gustong gusto ni Mommy. At para na din sa allowance ko.
Nanay Emma: O kumusta na pakiramdam mo?
Me: Eto Nay. Mas ok na. Nagtalon talon ako kanina sa parking area ng opisina.
Nanay Emma: Ayan! Ayaw mo pa kasi maniwala sa akin. May pagka Palos yun. Yan tuloy napala mo.
Natatawang hirit sa akin ni Nanay Emma.
Me: Nay di ko naman alam na super lakas pala ng radar nun.
Nanay Emma: Masakit ba yung mga sampal at pag tuhod? Para kang pinopompyang kanina eh. Ala FPJ at Jospeh Estrada Hahaha
Me: Naku hindi po masakit Nay. Masarap. Gusto ko pa nga eh. Hahaha
Nanay Emma: Loko! Mamaya marinig ka nanaman nun. Baka suntok naman sa mukha ang makuha mo. Tsaka baka putulin na niya yang kaligayahan mo.
Me: huwag naman Nay. Gusto ko pa mag asawa at magka anak.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Nanay Emma hanggang sa nagpahinga na kami.
Kinabukasan ay papasok na ulit si Maam Donna sa opisina. Binuksan ko ang pinto ng kanyang Innova at na-BINGO nanaman ako.
Donna: Nananadya ka ba!!! o talagang wala ka nang utak!!!!!
OMG! Coding pala ang Innova that day.
Me: pasensya na po Maam.
Agad akong lumipat sa Fortuner at pinagbuksan siya mg pinto at sumakay na siya. Pagkasakay ko sa sasakyan ay bigla siyang may inabot na sobre.
Donna: O sweldo mo! Bayaran mo na si Nanay Emma. O ano ka ngayon? Gagawa gawa ka ng kalokohan eh WALA KA NAMAN PALANG BAYAG!
Maya maya nag abot siya ng 2,000 pesos sa akin.
Donna: O! Ayan! Magpa check-up ka sa doctor pagka hatid mo sa akin! Baka sisihin mo pa ako pag di ka nagka anak!
Nagulat ako sa B word ni Maam Donna. Wala kasi sa itsura niya ang magsalita ng mga slang language. Alam kong may pagka demonyo siya pero di ko talaga ma-imagine na nagsasalita siya ng ganun. Hindi ako maka-imik kay Maam Donna. Maya maya ay may inabot pa siya sa akin.
Donna: O ayan! Ice pack. Gamutin mo pisngi mo yang pisngi mong nangangamatis!
Me: Salamat po Maam. Maam pasensya na po kayo sa mga nasabi ko kahapon Maam.
Donna: Lenard please! UTANG NA LOOB! Umagang umaga! wag mong sirain ang araw ko!
Me: sorry po Maam.
Naging civil kami sa isa’t isa that day. Pagkahatid ko kay Maam Donna sa opisina ay pumunta ako sa pinakamalapit na ospital. Buti na lang at may nakita akong batchmate sa Don Bosco Makati na nag reresidency as urologist. His name is Herbert at para siyang younger version ni Doc Willie Ong. Niyaya niya ako sa isang kwarto at ni check niya ang bayag ko.
Herbert: Ok naman. Nabugbug lang.
Me: Thank you Herbert.
Herbert: Huwag ka kasing mag back stab. Ayan tuloy. Yan ang napala mo.
Me: I’ll take your advise. Thank You Herbert.
It was weekend at sinamahan ko si Stepahnie sa bahay. May lakad kasi si Mommy with her siblings kaya di kami umuwi ng Bataan. We would go to the mall and watch movies then we would have coffee together. Take turns kami sa pagbayad since sumasahod na siya
Habang nagkakape sa Starbucks at nakwento ko kay Stephanie ang nangyari sa akin.
Stephanie: Kuya naman kasi! Yang bunganga mo kailangan talaga ng Zonrox at Domex. Pag ako yang amo mo malamang pinabugbog na kita or pina salvage.
Me: Pero sayang. Ang ganda pa naman niya. Pero super taray. Parang araw araw nireregla.
Stephanie: Ikaw talaga kuya. Hindi naman ikaw bumibili ng napkin niya. Baka kulang lang siya sa love.
Me: May boyfriend kaya yun.
Stephanie: pero mahal ba siya?
Me: Oo naman.
Stephanie: Kuya bakit di mo suyuin? Malay mo gumaan ang loob niya sa iyo. Malay mo maging open siya sa iyo.
Me: Naku! Baka tarayan lang ako nun. Baka this time ipa-salvage na talaga niya ako..
Stephanie: There’s no harm in trying. Kuya babae din ako. Kailangan mo lang talaga hanapin yung kiliti namin. Mero mag mumug ka muna ng Zonrox at Domex. Hahaha
Me: Ikaw talaga. Namromroblema na nga ako eh.
Stephanie: Tsaka Kuya pumunta ka muna ng Auto Supply bukas bago ka pumasok ng trabaho. Bumili ka ng brake fluid at inumin mo. Nang matuto ka kasing mag preno. Hahaha
Me: Loka Loka! Hahaha
Napaisip ako nang mga oras na iyon. Bakit di ko sakyan ang trip ni Maam Donna?
Abangan…
- Millenial Romance Part 9 - November 29, 2022
- Millenlial Romance Part 8 - November 16, 2022
- Millenial Romance Part 7 - November 9, 2022