Uncategorized  

Mundo Ng Agnas 1

Balderic
Real Sex Stories

Author: Balderic

 

Author’s Note: This is not an erotic story but still tackles mature themes. This short story is about the memories of people who tried to survive the world ruled by the dead. 

The First Word
By: Balderic

Ako ay isang simpleng tao. Mayroon akong simpleng trabaho at nangarap na makakilala ng isang simpleng babae. Sinewerte naman ako sa panalangin ko at mayroon akong nakilalang babae na syang pinakasalan ko. Bumuo kami ng isang simpleng pamilya. Masaya na ako sa buhay ko, wala na akong hahanapin pang iba.

Subalit ang mundo ay hinde simple. Minsan babagsakan ka ng pagsubok. Isang pagsubok na dapat mong harapin gustohin mo man o hinde. Nagsimula ang lahat sa isang balitang narinig ko sa radyo noong ako’y nasa byahe papunta sa pinapasukan ko. Isang tao ang nilapa ng pinaghihinalaang isang mabangis na hayop. Warat raw ang lamang loob nito at hinde ito nasikmura ng ilang saksi. Isang buwan pa lamang ang anak ko noon. Hinde ko pinansin ang balita at tinuon ko ang sarili ko sa trabaho. Hinde naman ito makaka apekto sa akin, bulong ko sa sarili. Marapat lamang na mas pagbutihin ko pa ang aking trabaho dahil sa isa na akong ganap na ama. Wala na akong oras para sa kung ano anong bagay.

Nakalipas ang mga araw, linggo at buwan. Patuloy sa pagdami ang balita nang mga biktima ng pag atake. Naging maugong ang balitang isang aswang raw ang umaatake ng mga tao at kinakain nya ito. Pero sino ba namang matinong tao ang maniniwala sa ganitong balita. Kalokohan!

Isang araw napag pasyahan naming mag pamilya ang pumunta sa grocery. Isang simpleng handaan sana ang plano namin dahil sa nalalapit ko nang promotion. Isang handaan na pagsasalohan naming tatlo. Akay ko ang anak ko habang abala sa pamimili ang misis ko.

“Gusto mo ba ng fruit salad mahal?” Tanong sa akin ng misis ko. Ngumiti ako at tumango. Bahala na sya sa lutuin basta ako, maglalaro kami ng anak ko pag uwi namin sa bahay. Hinde ko na namalayan na tatlong buwan na aang sanggol namin ni misis. Yung dating maliit na katawan nito ay lumubo na. Aakalain mong siopao ang ulo ng anak ko sa taba. Napapa ngiti nalang ako at parang gusto kong kurutin ang pisngi nya. Lalake ang anak namin at pinangalan ko sya katulad ng sa akin. Junior ko ito at panganay kaya sya dapat ang magmamana ng pangalan ko.

Nagsimula ang lahat sa isang pagsabog sa di kalayuan. Napakalakas nito at dama namin ang yanig ng lupa. Nagulat ang anak ko sa sigawan ng mga tao. Ang ilan ay nagsitakbuhan na. Hinde kami lumabas ng grocery store. Malaki ang gusali at dalawang floors ito. Kailangan maging maingat kami lalo pa at dala namin ang nag iisa naming anak.

“Hawakan mo si baby, mahal. Titignan ko muna kung ano ang nangyayari sa labas bago tayo kumilos.” Wika ko sa misis ko. Kalmado lang ang boses ko para hinde kabahan ang asawa ko. Pero ang puso ko para nang lumulundag sa lakas ng tibok.

“Mahal mag iingat ka. Wag ka magtatagal at bumalik ka kaagad rito.”

Nakipagsiksikan ako palabas ng grocery store. Marami nang gustong umalis sa gusali. Ang mga gwardya ay ginagawa ang lahat para mapigilan ang stampede at pag panic ng mga tao. Pero nakikita ko sa mukha ng karamihan ang pangamba at takot. Paano na kung lindol ito o di kaya ay isang pag atake ng mga terorista?

Hinde naglaon ay nakalampas ako sa kumpulan ng mga tao sa mga malalaking pinto ng grocery store. Nasa harapan ko ang parking lot at bumungad sa akin ang takbuhan ng mga tao mula sa kaliwang bahagi ng pinagtatayuan ko. Sinundan ng mga mata ko ang pinanggalingan nila. Hinde ko alam kung ano ang tinatakbuhan nila. Maraming sumisigaw ng kung ano ano pero wala akong malinaw na sagot sa pangyayari. Nakita ko ang isang pulis na pa ika ikang tumatakbo rin. Nagtaka ako kung bakit ito parang tumatakas sa tungkulin nya. Sabagay mataba sya at hirap kumilos. Anong klaseng kapulisan ba meron sa bansang ito? Nilapitan ko sya kaagad at tinanong kung anong nangyari.

“Sir! Sir! Bakit ho kayo tumatakbo? Ano pong nangyari?” 

“Umalis na kayo rito! May mga grupo na umaatake sa mga sibilyan! Kailangan ko ng backup para ma kontrol ang sitwasyon. Sa ngayon wala na akong magagawa. Wag kayong magpapalapit sa mga taong umaatake!”Sagot ng pulis na halatang hinde rin alam ang nangyayari. Nakita kong duguan ang leeg nya. Nabaril ba sya? Kung ganun bakit nakakalakad pa sya? Di kaya sa ibang tao ang dugo sa leeg nya?

“Teka sir sino po ba ang mga umaatake? Mga terorista ba? Paano namin malalaman na…”

“Basta umalis na kayo rito!” tuluyan na akong iniwan ng pulis. Dito ko rin napansin na punit ang uniporme nya sa bandang kaliwang hita. May sugat sya rito kaya pala pa ika ika sya.

Dahil wala akong nakuhang sagot ay naghintay pa ako at nag obserba. Kaunti na lang ang mga nagsisitakbuhan pero maingay parin sa paligid at maraming sasakyan naman na nasa highway ang natraffic na.

Siguro halos isang daang metro mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang tatlong lalakeng naglalakad patungo sa direksyon ko. Noong una ay nagtataka ako bakit naglalakad sila. Mabagal at pasuray suray na animo’y lasing ang mga ito. Punit punit ang mga damit at duguan. Ilang minuto pa akong naghintay nang magimbal ako sa itsura ng isa sa kanila. Warat ang mukha nito at nawawala ang panga nya! Imposible ito! Paano pa nakakalakad ang taong ito kung ganito ang pinsala nya sa mukha!?

Tatlo sila sa simula at dahan dahan ay lumabas rin ang iilan. Pa isa isa silang nagsisilabasan hanggang matantyan kong lampas bente na sila. Biglang may sumigaw sa bandang gilid ng highway na nasa corner ng parking lot. Nakita ko ang isang lalake na nakadapa at sa ibabaw nya ang dalawang taong kinakagat ang braso at batok nya! Nilalapa nila ang lalake! Tumingin ako sa paligid ko at walang tumutulong sa lalake. Maging ako ay parang nasemento ang mga paa. Hinde ako makagalaw. Kinilabutan ako sa pangyayari. Ni hinde ko manlang maipaliwanag ang sitwasyon. Narinig ko ang mahinang ungol ng mga taong naglalakad papalapit sa akin. Nakita kong malapit na pala sa akin ang mga ito. Duguan silang lahat at may mga bakas ng kagat sa katawan. Ang ilan ay may mga malulubhang pinsala na masasabi kong imposibleng makapaglakad pa sila ng ganoon.

Tumakbo ako pabalik sa grocery store! Kailangan maka alis na kami ng mag ina ko. Dito ko napansing nakasara na ang mga pinto ng grocery! Wala nang tao sa labas at ako nalang ang natira! Kumatok ako ng malakas at nakita ako ng gwardya sa loob. Pinagbuksan nya kaagad ako at nang makapasok ako ay agad sinara ng gwardya ang pinto.

Maraming mga mata ang tumingin sa akin. Marami pa palang tao ang nasa loob ng grocery store. Sa gilid ng pinto ang isang lalakeng duguan. May sugat ito sa braso na binebendahan naman ng isa pang gwardya. Iba’t ibang boses ang naririnig ko at napaka ingay sa loob. Hinanap ko kaagad ang mag ina ko. Nasa children’s shelf parin sila at niyakap ko ang misis ko ng mahigpit sabay halik sa noo ng sanggol namin.

Tinanong ako ni misis kung ano ba ang nakita ko. Hinde ko sinabi sa kanya ang nasaksihan kong karumal dumal na pangyayari. Walang ano ano’y tumunog ang speakers ng grocery. Ang manager ito at binalaan ang lahat na wag nang lumabas ng gusali. Maghintay na lamang raw kami ng rescue dahil lubhang mapanganib ang lumabas. Pero mukhang may mga tao parin ayaw makinig at gusto lumabas. Pinigilan sila ng mga gwardya pero talagang mapilit ang mga ito. Nabuksan ang mga pinto at nagsilabasan sila.

Hanggang sa sumigaw ang ilan sa kanila. Nakalapit na ang mga duguang tao at pinagkakagat ang mga nagsilabasang sibilyan. Nanlaban ang ilan pero tila dahan dahang dumarami ang mga taong umaatake. Pinagpapalo na nila at pinagsusuntok sa sipa ang mga taong ito pero wala paring epekto ito. Parang hinde tinatablan ng sakit ang mga ito at wala silang emosyon man lamang. Natakot ang ilan at bumalik sa loob. Subalit mas ikinatakot namin na masaksihang mamatay ang mga taong kinain ng buhay sa labas ng grocery store. Sumisigaw pa ang mga ito sa tindi ng sakit habang dahan dahang napupunit ang mga laman nila sa malalakas na kagat ng mga taong parang mga cannibal.

Naisara man ang mga pinto ng grocery store ay wala na kaming nagawa kundi ang malunod sa mga sigaw ng mga taong kinakain nang buhay sa labas. Tinakpan ko na lang ang mga tenga ng anak ko at niyakap ko nang mahigpit ang misis ko.

——–

By: Balderic

Naghintay kami ng tulong mula sa mga alagad ng batas. Pero ni isa, walang dumating. Lumipas ang isang araw at wala parang senyales ng tulong. Kanya kanyang pagtakas naman ang ginawa ng ilang tao na nasa loob. Dahil may signal ang cellphone ay kabi-kabila ang tumawag ng saklolo sa mga kakilala, mga kaibigan, kaanak at mga emergency hotlines na lagi namang busy. Namumuo na ang takot sa amin kaya nagpasya ang manager ng grocery store na ibsan ang takot namin. Nagpatugtog sila ng musika sa speakers at binuksan ang mga tv sa appliances area saka tinuon sa news programs.

Tulad ng inaasahan, hinde lang naka isolate sa lugar namin ang mga nangyayari. Tila buong bansa ang apektado. Maraming naging biktima sa kakaibang insidente. Binalaan ang karamihan na huwag nang lumabas lalo na sa gabi, iwasang makagat o masugatan man lang mula sa mga tinatawag nilang infected at wag na wag raw didikit sa mga nakagat dahil pinaniniwalaang nakakahawa raw ito kaagad.

Kinabahan ang mga nakagat naming mga kasamahan sa loob. Kinausap sila ng manager kasama ang mga gwardya at napagpasyahang ilayo muna sila sa karamihan. Sinamahan naman sila ng isang gwadya at ng kaanak ng ibang nakagat sa isang silid sa likod ng gusali.

Akala namin okay na kami sa loob. Akala namin ligtas na kami sa kapahamakan. Pero simula palang pala ito ng kalbaryo namin. Nabasag ang mga salamin na pinto sa harap ng grocery store. Pumasok ang mga infected pero nilabanan sila ng dalawang gwardya. Pinagpupokpok sila sa ulo gamit ang mga batuta nila pero walang nangyari sa mga infected, bagkus ay nakagat ang dalawang gwadya. Nabuwal ang isa sa kanila at pinatungan kaagad ito ng dalawa pang infected. Napasigaw ito nang malakas nang lapain sa leeg at braso. Binaril naman ng isa pang gwardya ang lumalapit sa kanya. Tinamaan ang mga infected sa katawan pero parang wala lang ang pinsala ng bala. Patuloy sila sa paglakad palapit sa gwadya. Tinadtad ng bala ang mga infected pero bigo ang gwadya at maging sya ay nilapa na rin ng buhay.

Nagsisisigaw ang karamihan sa takot. Mas lalong dumarami na ang pumapasok sa grocery store. Nanlaban ang ilang mga lalake. Sumama narin ako sa kanila. Hinde na ako napigilan ni misis dahil hawak nito ang anak namin. Nakuha ko ang isang itak saka ako lumapit sa isang infected at tinaga ko ito sa ulo! Bumagsak itong wala nang buhay.

“Patamaan nyo ang ulo!” sigaw ko sa mga nakikipaglaban sa mga infected. Sinunod nila ang payo ko at napigilan namin ang pag umpok nila sa loob. Tinakpan namin ang mga pinto gamit ang dalawang shelves at dalawang freezer ng ice cream. Dinig namin ang kalampag ng mga infected sa labas ng pinto.

Bigla kaming nakarinig ng malakas na sigaw. Nagmumula ito sa silid na pinagpasukan namin ng mga nakagat. Dali dali kaming pumunta at binuksan ang pinto. Nadatnan naming nilalapa na ng mga nakagat ang mga tao roon. Ang isang lalakeng nakagat ay kinakain na ang bituka ng kanyang ina. Nakakakilabot na eksena. Hinde na ito kinaya ng ilan sa amin at nasuka sila. Lumapit sa amin ang mga infected at nakikita kong tirik ang mga mata nila. Ang iba naman ay animo’y tulala lang.

Palo at taga ang inabot nila sa amin. Isang madugong labanan. Dito namin nalaman na kapag nakagat ka ng mga ito ay pwede kanang mahawa at kapag namatay ka ay mabubuhay kang muli pero wala na ang katauhan mo. Isa ka na lamang naglalakad na bangkay at hayok sa laman ng mga buhay. Bigla ko ditong na isip ang kalagayan ng Pinas. Siguro ito na ang parusa sa amin ng Panginoon. Noon, tao laban sa tao at magkakadugo pa ang nagpapatayan. Nagnanakawan at nang aabuso. Naisip ko na ang mga infected na ito ay sumasalamin sa tunay na ugali ng mga tao. Ang ugaling lalamunin mo ang kapwa mo at wala kanag pakealam sa iba.

Matapos naming madespasa ang mga nakagat ay sinigurado naming tignan ang mga katawan namin kung meron mang nakagat. Sa kabutihang palad ay wala pero dalawa sa amin ang nakalmot at nasugatan. Pinayuhan na lamang naming hugasan nila ng maigi ang mga sugat nila.

Dalawang araw pa ang nakalipas pero wala parin kaming tulong na natatanggap. Nanonood nalang kami sa mga balita pero sa ikatlong araw ay wala nang broadcast sa tv. Binuksan namin ang radyo pero panay announcement na lang ang naririnig namin. Mga recorded announcement ng gobyerno na para sa amin ay wala nang halaga. Gusto ko nang umuwi sa amin. Nag aalala na rin kaming mag asawa sa anak namin at maging sa mga kaanak at kaibigan namin. Ligtas ba sila? Ano bang nangyayari sa lugar namin? Sana naman dumating rin ang tulong na hinahangad namin.

Kapansin-pansing nilagnat ang dalawang kasama naming nakalmot. Magang maga ang mga sugat nila st mukhang walang indikasyong naghihilum. Nangingitim rin ang mga mata nila na parang lumalala lang bawat oras. Hanggang sa isang gabi ay nagising nalang kami sa isang sigaw. Ang dalawang kasama namin ay infected na. Nilapa nila ang isang kinse anyos na binata na katabi lang nila natutulog. Napunit ang leeg ng kawawang binata at sumisirit pa ang dugo neto. Dilat ang mga mata nya at wala nang buhay. Tumingala pa sa amin ang dalawang infected at parang mabangis na mga hayop na bumungisngis. Puno ng dugo at laman ng tao ang mga bibig nila. Tumayo ang isa pero hinde ito pinatagal ng mga kasamahan ko. Pinagtulungan nilang paluin ang ulo ng mga ito kasama na rin ang nakagat na binata sa takot na mabuhay rin ito.

——–

By: Balderic

Dalawang bagay ang natutununan namin sa eksperyensya namin sa mga infected. Una ay ang mga namatay na nakagat ay mabubuhay muli at magiging katulad nila. Ikalawa ay kahit kalmot ay magiging katulad ka rin nila basta ang tinamo mong sugat ay galing sa kanila. Iisang bagay lang ang makakapatay sa kanila at yun ay ang masira ang utak nila. Isa itong bangungunot. Isang masamang bangungunot. May mga nagsasabing katapusan na raw ng mundo kaya nagkaganito at kailangan na raw naming magbago. Mangilan ngilan naman ang naniniwala at halos araw araw ay maririnig mo silang nagdarasal. Pero saan ba talaga nanggaling ito at biglaan nalang sumulpot?

Inabot na kami ng dalawang buwan sa loob ng grocery store. Wala nang pag asa pang marerescue pa kami. Wala na kaming makitang buhay sa labas. Lahat ng naglalakad roon ay pawang mga bangkay na naghahanap ng taong mabibiktima. Sa dalawang buwan naming pananatili sa grocery store ay bumuo kami ng samahan upang mapanatili ang aming kaisipan at kaligtasan. Nasa 60 katao kami sa loob at isang retired na Pulis naman ang naging leader namin. Dati syang opisyal at mukhang maraming alam sa pag hawak ng mga tao tsaka ang pag depensa.

Una naming sinecure ang buong paligid ng grocery store. Pinatay ang mga infected at itinapon sa malayo para hinde mangamoy sa amin. Ang mga sasakyan sa paligid ay pinalibot namin sa harap at gilid ng grocery store para gawing harang. Naglagay rin kami ng mga plywoods sa gilid ng mga sasakyan na pinakuan namin bilang pader. Kontrolado na rin ang pagkain namin para hinde kaagad mauubos. Buti na lang at nag iisang sanggol ang jr ko ay solo nya lahat ng baby supplies roon. May ilang mga bata rin pero hinde na kailangan ng gatas na para sa sanggol. Mag aapat na buwan narin ang anak namin ni misis at kita ko namang nagiging malikutin na sya. Medyo maingay na rin pero hinde pa nakakapagsalita. Dada tata pa lamang ang nasasabi ng jr ko. Ang mga babae sa amin ay syang tagapangasiwa at nag me maintain ng kalinisan sa grocery store. May tubig pa naman kami at kuryente kaya okay pa naman pero pinaghahanda na rin kaming maghanap ng tubig kung sakaling maubusan kami. Ang mga lalake naman ang nag kukumpuni ng mga sira at nagpapanatili ng kaligtasan ng grocery store. Wala kaming mga baril kaya gumawa kami ng sarili naming mga sandata. Mga mops na kinabitan ng kutsilyo at mga itak ang hawak namin.

Dalawang buwan pa ang lumipas at dito na kami nagkaroon ng panibagong problema. Paubos na ang supply ng pagkain at maiinom na tubig. Nagpasya ang lider namin na kumuha ng limang volunteers para lumabas at maghanap ng supply. Marami ang umayaw at takot lumabas. Isa ako sa mga unang nagsabing sasama ako sa lakad. Ayaw man ni misis pero kailangan narin ng anak ko ng supply na gatas. Hinde lahat ng gatas sanggol sa grocery ay naaayon sa anak ko. Allergic sya sa ibang brand ng gatas. Walang nagawa ang ilan kundi ang sumama. Lima kaming mga lalake ang nagplano. May isa pang grocery shopping center malapit sa amin. Apat na kanto ang layo nito pero siguradong maraming infected ang makakasalubong namin.

Dala ang backpacks at mga sandata namin, sinimulan na namin ang lakad nang gabi para hinde kami kaagad makita ng mga infected. Hinde kami pwedeng gumamit ng flashlights dahil mas mabilis kaming makikita. Maingat at dahan dahan ang aming mga kilos. Nang makarating kami sa kalsada ay maingat naming binaybay ang mga sasakyan na ginamit naming taguan. Nakatambay ang ilang infected sa paligid. Nakatayo naka upo at nakahiga. Kanya kanya silang trip at naghihintay lang nang pwedeng mabiktima.

Mabagal man, narating rin namin ang grocery store. Mas malaki ito kesa sa amin. Pagpasok namin sa parking lot ay biglang hinablot ng isang infected ang isa sa amin. Nakagat kaagad ang leeg nito at napasigaw!

“Takbo!!” sigaw ng isang kasama ko. Iniwan namin ang isang kasamahan naming buhay na kinain ng mfa dumating pang mga infected. Tuluyang nalunod ang sigaw nya sa mga ungol ng mga patay. Dumiretso kami sa grocery store at basag basag ang mga salamit nito. May mga harang na push cart sa mga pinto na tinanggal namin. Pagkapasok namin sa loob ay magulo ang grocery store. Nagkalat ang mga tinda sa sahig, naghalo ang dugo at mga kemikal. May mga na aagnas na mga tao at ilang basyo ng bala sa loob. Isang madugong enkwentro ang naganap rito.

Naghiwahiwalay kami para manguha ng mga inutos sa amin. Mabilis dapat ang kilos at kulang na kami sa oras. Hinde namin napansin ang tatlong infected na nakapasok sa grocery store. Tumatakbo ang mga ito. Mabibilis at kaagad inatake ang isa naming kasama. Sinaklolohan sya ng isa pa subalit nabigo ito. Parehong nakagat ang dalawa habang nakikipaglaban sila. Ang isang kasama ko ay niyaya na akong tumakas. Tinignan ko ang dalawang nakikipaglaban kong kasamahan. Isa sa kanila ay nakatihaya na at binuka ang tiyan nito saka dinukot ang mga lamang loob. Sumigaw ito sa sobrang sakit pero nawalan ito ng boses at namatay. Ang isa naman ay patuloy pang lumalaban para sa buhay nya. Sumisigaw sya ng tulong sa aming dalawa. Sinubukan kong lapitan ito.

“Iwan mo na sya rito! Nakagat na sya! Wala na syang pag asa! Tara na!”sigaw ng isa kong kasama na kanina pang gustong tumakas.

“Pero hinde pa naman sya malala!” 

“Wala na tayong magagawa pare! Tara na!” 

“Hinde! Hinde ko sya iiwan!” tinulungan ko ito. Pinalo ko gamit ang isang pala ang ulo ng infected. Gamit naman ang itak ko ay tinaga ko ang ulo ng dalawa pang infected. Napilitang isama ang nakagat naming kasamahan. Pero laking gulat namin nang nagpakita ang daan daang infected na paparating sa amin.

Bago pa man ako maka kilos, biglang pinalo ng kasama ko ang nakagat naming kasamahan sa kaliwang tuhod nito. Nadislocate ang paa nito at natumba ito kaagad.

“Aaahhhh!!! Putang ina kaaaaa!!! Putang ina moooo!!!! Magbabayad kaaaa hayop kaaa!!” sigaw nito sa sakit. Malapit na ang mga infected sa amin.

“Puta wala na tayong oras tara na!!!!” hinablot ako ng kasama ko saka kami kumaripas ng takbo.

“Diyos kooo!!! Wag nyo akong iiwan ritoooo!!! Maawa kayooooo!!! Wag nyo akong iiwaaaaann!!!! Aaahhhhh aaaaaahhhhhhh!!!!!”

Nakaligtas kami. Naka uwi kami sa grocery store namin. Tatlo ang hinde sinuwerte. Kailangan naming isakrepisyo ang buhay ng ilan para lang kami makatakas. Ano bang nangyayari sa mundo? Dahil sa ganitong sitwasyon, lumabas ang mga bagay na kayang gawin ng isang tao. At nakaka gimbal ito. Hinde nakatulog ang kasama ko. Naririnig ko syang umiiyak buong gabi. Kinakain sya ng konsensya nya. Huli na naming natuklasan kinabukasan na nagbigti na ito sa likod ng grocery store.

Naging malimit na ang mga supply runs namin. Ngayon ay mas malaking grupo ang kinailangan ng lider namin. Limitado ang bawat supply ng pagkain at tubig kaya dumalas ang paglabas namin sa grocery store. Ang dating punong puno ng tinda, ngayon ay tila naging bodega nalang. Dito ko na napansin ang pagbago ng ugali ng mga tao. Mas lalong naging agresibo ang mga kasamahan ko, may mga nagnanakaw, may mga nag aaway, may mga pagsuway sa inilatag na batas sa loob. Maging ang lider namin ay tila nagbago narin. Mas naging estrikto ito at mukhang mas naging despirado dahil hinde na lang lalake ang pinagsasama sa mga supply ran. Maging babae ay isinasama narin, kabilang na rito ang misis ko. Pinakiusapan ko sila na wag nang isama ang asawa ko dahil walang magbabantay ng anak namin. Sanggol pa ang jr ko. Pero bingi na ang mga ito sa moralidad. Sapilitang isinama ang misis ko. Walang humpay ang pagtangis ng anak ko. Ginawa ko ang lahat upang mapatigil ito. Punong puno ng galit ang puso ko. Bakit ganito? Ginawa ko naman ang lahat para sa aming grupo pero bakit tila hinde man lamang nila mapalagpas na nag aalaga ng bata ang misis ko. Kung walang gatas kaming makuha nagpapadede na lang si misis ng mismong dibdib nya.

Naghintay ako. Ito na yata ang pinakamatagal na araw na aking naranasan. Bawat segundo ay tila oras para sa akin. Dasal ako ng dasal at tanging ang huni na lamang ng anak ko ang nakakapagpakalma sa akin.

“Da..da…da..da…” wika ng anak ko. Hinalikan ko nalang ito sa nuo.

“Darating na si mommy anak. Malapit na syang dumating. Malapit na.”sabay halik ko ulit sa anak ko. Natulog na ito sa dibdib ko at inakap ko ito ng husto. Ang init nya sa malamig na gabi ay parang langit para sa akin.

Subalit hinde nakabalik ang misis ko.

Dumating ang grupo nila. Duguan at kakaunti na lamang sila. Umiiyak ang mga kababaihang sumama. Isang malaking pagkakamali ang desisyong marami ang lumabas. Dahil sa kasakimang marami ang makuhang supply, mas madali silang nakita ng mga infected. Isang ingay ng isang infected ang nakapagtawag ng lima hanggang naging sampo, dalawampo at tila umabot ng isang daan. Marami sa kanila ang hinde pa sanay. Marami sa kanila ang takot. At marami rin sa kanila ang nalagas. Kabilang na rito ang misis ko. Ang mahal ko. Diyos ko…. Ano bang nangyayari sa mundo? Katapusan na ba talaga ito ng lahat?

Sinisi ko ang lider namin maging ang mga kasamahan ko. Iyak ng iyak ang anak ko sa walang tigil kong pagsisisigaw. Napigilan na lamang nila ako nang bigla akong sinapak ng isa kong kasamahan. Mabuti at hinde ko nabitawan ang anak ko. Nagkagulo na sa loob at napaka ingay na namin. Isang malaking pagkakamali.

Mula sa labas ay kumalampag ang mga infected. Dinig nila kami sa labas at lumapit ang mga ito. Pilit sinisira ang aming bakod. Pero matibay ito at hinde nila masira. Ligtas kami sa loob. Sa kawalan nang sapat na sandata ay tanging mga palakol itak at mga palaso lamang ang hawak namin. Sinubukan naming atakihin ang malapit. Napatay namin ang nasa harapan subalit hinde na namin maabot ang nasa likod nila. Tumambak ang mga mabaho at na aagnas na mga bangkay.

Lumipas ang mga araw pero walang humpay ang ingay at pangagalampag ng mga infected sa labas. Wala nang nagtangkang lumabas sa amin. Ilang araw lang pero sapat na ito upang mawala sa katinuan ang ilang marurupok sa amin. Nagpakamatay ang ilan at sinubukan namang tumakas ng iba pa pero isang malagim na kamatayan lang ang naghihintay sa kanila sa labas. Maging ang lider namin ay wala na rin sa sarili. Nagdesisyon itong ipalayas ang mga matatanda, may sakit at iba pang hinde mapapakinabangan dahil masasayang lamang daw sa kanila ang supply namin ng pagkain. Paubos na ito at wala na kaming choice kundi ang maghanap ng pagkain sa labas. Pero walang nakakalabas ng buhay.

Isang madugong enkwentro ang naganap sa loob ng grocery store. Inakap ko ang anak ko at nagtago kami sa likod. Sa isang silid na walang makakakita sa amin. Silid ito ng dating security guard. Dun lamang kami nanatili habang naririnig ko ang sigawan sa grocery store. Naghihiyawan sila at dama ko ang daing ng mga nasaktan. Hanggang sa…

“Putang ina damay damay na tayo lahat rito!” sigaw ng lider namin.

“Huwaaagggg!!!!!”

Isang malakas na pagsabog ang nagpayanig sa paligid. Umiyak ng husto ang anak ko. Kinarga ko ito at sinayaw. Kinanta ang kantang paborito nya na sya ring kinakanta ng misis ko upang mapatulog ang anak namin. Pinapatulog ko ang anak ko habang patuloy ang sigawan sa grocery store dahil nakapasok na sa loob ang mga infected. Inuuga ko ang anak ko at hine hele ito.

Tatlompong minuto lamang, ito lang ang nagdaan at nalunod ang sigaw ng mga kasamahan kong kinain ng mga infected. Nagpyesta sa kanilang mga laman ang mga bangkay. Alam kong wala na sa kanila ang natitira. Hanggang sa biglang may kumatok sa pinto namin.

“Pare alam kong andyan ka! Buksan mo ang pinto! Buksan mo!!!” sigaw ng isa kong kasamahan. Hindr ako sumagot. Ayokong ma attract sa amin ang mga infected. Pero patuloy sa pagsisigaw ang lalake.

“Oh my God! Andyan na silaaaaa!!!! Aaaahhhhh!!!!!”

Sapat na ang sigaw nya upang magising ang anak ko. Umiyak ito ng umiyak. Pinatahan ko si baby.

“anak…tahan na..tahan naa….tahaaann naaa..” tumutulo na ang aking mga luha. Kinain ng buhay ang lalake sa labas at nagsimula nang kalampagin ng mga infected ang pinto. Malakas ang pag kalampag nila at alam kong hinde magtatagal ay mabubuksan rin nila ito.

Kinantahan ko at hinele ang anak ko sa kabila ng mga ungol ng mga bangkay sa labas ng pinto. Hanggang sa may nakita akong gamit ng dating security guard. Nasa cabinet nya ito. Tinignan ko ang anak ko. Tumahimik na ito at nakatitig lang sa akin. Tinitigan nya ang mga lumuluha kong mga mata.

“Da…ddy….da…ddyyyy…” biglang natunaw ang puso ko. Bumuhos ang luha sa mga mata ko pero napalitan ng ngiti ang bibig ko. Ngumiti rin sa akin ang anak ko.

“Oh anak…mahal na mahal ka ni daddy….hindeng hinde kita iiwan anak…ikaw at ako….hindeng hinde tayo magkakahiwalay….” Hinalikan ko muli sa noo ang anak ko. Tuwang tuwa ako sa kanyang unang mga salita pa sa akin. Alam ko matutuwa rin si misis kung narito sya ngayon.

“I’m proud of you anak…I love you….”

Hinawakan ko ng mahigpit ang gamit ng security guard na baril. Ikinasa ito at tinignan ang matamis na ngiti ng anghel kong anak.

——–

MULA SA LABAS NG GROCERY STORE AY NARINIG ANG DALAWANG MAGKASUNOD NA PUTOK NG BARIL. HABANG DAAN DAANG INFECTED NAMAN ANG PUMASOK SA LOOB NG GUSALI NA DATING TINIRHAN NG MGA NAGTANGKANG MABUHAY SA MUNDO NG AGNAS. 

WAKAS

Balderic
Latest posts by Balderic (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x