Memoirs Of Popoymaster- Chapter 01- “Polar Bear”

popoymaster
Memoirs Of Popoymaster

Written by popoymaster

 

Meron nang sexual content to. Basa-basa lang. darating din tayo diyan. 😀

Simula dito, ibabahagi ko na ang mga makamundo kong karanasan sa larangan ng pakikipagtalik o sexual intercourse. Ito po ay hango sa totoo kong karanasan base sa aking pagkakaalala…

 

Memoirs of PopoyMaster- Chapter 01- “POLAR BEAR”

Isang araw, habang nakatunganga sa bahay, pinuntahan ako ng tropa kong si Dave… inom daw kami kasama ang iba pa naming mga kaibigan dun sa lugar ng kaklase niya sa may Malate… hmmm.. not bad. Makakapunta nanaman ako ng Maynila (taga Pasig na kasi ako nung mga panahong yun. Laki ako sa Maynila). Pagkakataon para matakasan ko ang nakakaburyong “teenager days” na meron ako, gala, tambay pag may pagkakataon… kapag nasa bahay lang ako e walang katapusang kain, inom kape para hindi makatulog, soundtrip, yosi, tulog.

Teenager days ko… Well sabihin nating masaya lalo na nung hayskul. Naging promotor sa mga kalokohan, asaran, at kulitan. Nandyan na nabansagan kang “jackass” dahil sa mga trip mong naiisip. Ikaw ba naman ang sumakay sa karton na ginamit niyong props para sa “school play” tapos magpatulak sa hagdanan. Dere-deretso ka sa baba ng walang pilay o kahit galos sa katawan. Masakit nga lang ang tumbong ko nung una pero naremedyuhan naman dahil nilagay namin yung mga tela para upuan sa loob ng karton. Tuloy ang ligaya ng mga kabarkada kong khupz… 😀

Dito din sa eskuwelahang ito ako nakapagtapos ng elementarya. Sa eskuwelahang pinapatakbo ng mga pari ilang dekada na ang nakaraan. Unibersidad na kasali sa UAAP. at kung die-hard fan ka nito lalo na sa basketball, alam mo dapat na ang patron nito ay nakaturo sa “rival” nito sa larong ito. At huwag ka, isa po akong sakristan kapag may monthly mass kami. Akalain mo yun, naging ganun ako, kahit ako hindi makapaniwala ngayon at kahit sa mga pinagkukuwentuhan ko e “sinungaling” pa ang dating ko. 😀

Bata pa lang ako, masasabi na nating sutil ako. Madaming kalokohang naglalaro sa utak ko. Hindi lilipas ang taon na hindi pinapatawag ng principal dahil sa mga bagay na ginawa ko. Isang beses lang naman kada taon tyaka nagmintis yun nung grade 6 ako. Good boy dapat para makagraduate. 😀

Eto din yung mga panahongmasasabi kong “habulin” na ako ng mga babae. Mahilig akong mang-asar hanggang sa mapikon sakin ang mga kaklase kong babae. Ayan, dun na nagsisimula ang habulan. Habang may hawak silang pamaypay… hahabulin ako hanggang sa makapasok ako ng CR ng mga lalaki. E di wala na silang magawa… Isa lamang sa mga inasar ko ang nangahas na pumasok sa CR para lamang hampasin ako ng pamaypay. Bigyan ko ba naman siya ng bansag na may “betlog” sa dulo e malamang kahit sinong babae e mabwibwisit at mamumula ang noo kapag inasar ko ng ganun.

Nakakatuwa man isipin pero siya ang unang babaeng minahal ko. Sa mga pagkakataong yun, hindi ko pa alam na siya pala ang tinatawag nating “first love” ng isang nagbibinata. Bitbit ko ang pakiramdam na yun hanggang sa naghayskul kami. At kung dati, di kumpleto ang araw ko ng walang aasarin na babae, nitong mga panahon na to…. Torpe ang kinabagsakan ko. Patanaw-tanaw… pasulyap-sulyap… nilalagay ang nakaw na litratong kuha ko sa ilalim ng unan. Maniwala ka man sa hindi, pero hindi ko siya pinagjakulan. Kahit nung 10 taon pa lang ako e marunong na ako nun. Kapag siya ang nasa isip ko, wala, puso ang gumagana at hindi utak ni “Super Junior”.

Sa isang pagkakataon, naroon na merong “acquaintance party” nung unang taon namin sa hayskul. Napagbigyan naman ako ng pagkakataon na maisayaw siya. Akalain mo na nung inaya ko siya e pumayag din. Sa kabila ng pangaasar ko sa kanya. Yun nga lang, syempre tameme ang inyong lingkod. Ni hindi man lang nagsalita ang mokong. Isang sayaw na hindi ko makalimutan, kahit ang tugtog ay hindi ko na maalala… Hindi ako sigurado pero baka “Before i fall in love- Coco Lee” ang kanta nun pero ganun ang pakiramdam na naalala ko. Sayang kung iisipin. Pero iba… iba ang pakiramdam ng umibig. 😀

At ngayon mabalik tayo sa libog, sobra nang pag-ibig to. Nagiging “precious heart romance” ang dating ko. Si Dave ay naging kalase ko nung lumipat ako ng eskuwelahan sa kalagitnaan ng hayskul. Natanggal si erpat sa trabaho Grade 6 pa lang ako at hindi na kaya ng mga magulang ko na pag-aralin ako sa unibersidad na yun. Sayang kaklase ko pa naman si “betlog”. Kaso hindi na talaga kaya e. Ganun talaga…

Isa siya na naging bago kong mga tropa sa nilipatan kong eskuwelahan kasama si Makoy (yung kababata kong kasabay kong nagpatuli) at iba pa. Si Makoy din ang isa sa mga rason kaya mas ginusto kong lumipat na lang dun kahit na sa Maynila yung eskuwelahan samantalang sa Pasig na kami nakatira. Well… mas naging masaya naman ako sa eskuwelahang iyon, di na nga lang ako ganung kaloko dahil sa mga schoolmates na meron ako. Mas maloko pa sila at dun naman ako naging “matalino”. nandyan na kinokopyahan ako ng buong tropa at pati na ng kapitbahay naming ilang beses nang naghahayskul. Ngayon chairman na siya. Akalain mo yun. Bumibili pa sakin ng yosi sa loob ng eskuwelahan yun kapag break namin. Haaaaayy…

Si Dave lang ang “naiwanan” ng tropa kaya nagtuloy pa siya sa eskuwelahan na yung para tapusin ang 4th year, samantalang ako e nga-nga sa bahay, walang baon kaya walang pera. Hindi rin ako nakapagcollege kasi nga hindi na kaya ni erpat na pag-aralin ako sa ibang eskuwelahan maliban sa dalawang state universities na pinagexaman ko. Hindi ako pumasa sa mga yun. isang 2.8 na ang required e 2.5, lasing pa ako kinagabihan ng test nun dahil “acquaintance party” nanaman. At isang waiting list na hindi ko na naasikaso dahil naman sa nangyari sa aming pamilya pagkatapos ko grumaduate.

Sinundo ako ni Dave at ni Eson, sa aming bahay sa Pasig, sasama nga daw nila ako sa inuman na magaganap sa bahay ng kaklase ni Dave. Nung una ayoko sana dahil alak nanaman… Ayoko talaga umiinom nun, Maglasingan na tayo sa kape wag lang sa alak.

Habang nagyoyosi sa labas…
Dave: “Tara na Popoy, putcha minsan ka na nga lang namin aayain e ayaw mo pa.”
Eson: “Oo nga naman, langya ka sayang pa pamasahe o.”
Popoy: “Yun nga wala din ako pera mga unggoy, pano ako uuwi?”
Eson: “Para ka pang pabago-bago ah, syempre sagot ko na pamasahe mo pauwi”
Popoy: “Pwede!!! sainyo ulit ako matutulog ng ilang araw. Batong-bato na ako dito e. Panay jakol na lang ginagawa ko dito”
Dave: “O e kaya ka nga namin pinuntahan dito noh, para rekta na”
Eson: “Gago hindi pwede, nandun si Tiya Pia. tabi kayo gusto mo?”
Popoy: “Di bale na, subukan ko kila Makoy, teka kasama ba siya?”
Dave: “Kasama ba namin? Ay oo kasama, andun sa kanto, namamakla… tignan mong wala dito hahanapin mo”
Popoy: “Eh malay ko ba… so uuwi ako mamaya?”
Eson: “Ayaw mo ba? tabi nga kayo ni Tiya Pia”
Popoy: “Tgi mo! Di bale na nga uwi na lang ako, basta pamasahe ko ah.”
Dave: “Tagal mo, naghihintay na sila “POLA BEAR” dun o. Papakilala pa naman kita, kung ayaw mong sumama bahala ka”

Teka… “POLA BEAR”… babae yun ah… hmmm… inuman… babae… tropa…
Alam na… tanga ako kapag hindi ako sumama sa mga ugok na to.

Eson: “Chicks pa naman yun man. Ikaw din… IKKKKAAAAAWWWW…”

Ay pu*cha. Si Eson pa nagsalita… Ang tinuturing kong bestfriend ko doon… Magkasama kaming lumaki sa kalye nito. Kung sa kalokohan e mas maraming alam to.

Popoy: “E bakit hindi niyo kagad sinabi… naknang ang tagal na nating naguusap o. Teka, hindi pa ako naliligo. Ligo muna ako…
Dave: “Ikaw ang parang bakla diyan kung pumutak. Haba na ng kuwento mo oi! Sige na maligo ka na, dito muna kami sa labas”
Eson: “Ilang araw kang di naligo Popoy???
Popoy: “Mga 3 araw na din man, gusto mo sabay ka?” sabay pitik ng yosi kay Eson. “Tgi mo, naligo ako kahapon.”
Eson: “Di nga??? O sige na nga sabi mo e, huwag ka nang magjakol ah”

Ayun na, may pahiwatig na itong mga mokong na to. kapag hindi ko pa nagets to, ay nakupo, pinalagpas ko nanaman muli ang pagkakataon.

Naligo ako ng mabuti, kuskos diyan.. kuskos doon,
kuskos sa betlog…
Nagshampoo kahit semi-kalbo…
Sabon ng sabon, hanggang halos mabura na ang balat ko.

Nagbihis ng nag-iisang “pangmalakasan” kong damit. Pantalon na elephant, T-shirt na fit. Puting rubber shoes. Lakas! Hindi ko maiwasang pagtawanan ngayon yung porma kong yun… haaayyy… Para akong hanger na malnourised!

Biyahe na kami, sakay ng jeep, nagkukulitan sa biyahe, pampalipas-oras. Di naman trapik dahil weekends naman. Sa biyahe di ko na maiwasan magusisa tungkol sa pupuntahan namin, lalo na kay “POLA BEAR”.

Popoy: “Dave, sino ba yung “POLA BEAR” na yun?”
Dave: “Kaklase ko ngayon. Tropa namin nila Eson. Birthday kasi ngayon nun kaya dun tayo iinom sa kanila.”
Eson: “Oo nga. Half-japanese yun man! Di ba yun yung mga trip mo, mga Hapon…”
Popoy: “Hahaha, langya talagang Hapon ah… teka, maganda ba yun?”
Dave: “Mabait yun..”
Popoy: “Maganda ba?”
Eson: “Mayaman…”
Popoy: “Maganda ba?”
Dave: “Malambing yun..”

Ayun lang… alam ko na rin ‘to… parang hindi na bago itong ganitong Q&A sa aming magkakaibigan.

Eson: “Pero sexy yun man. Panis si Lui dun… (ex-GF ko na ng mga panahong iyon)”
Dave: “Kaya nga POLA BEAR e. Hahahahaha” Sabay tawa ng dalawa.

Haaaay… magrereto na lang tong dalawang to, hindi pa malupit… Pero sabi nga ng tatay ko sakin nun, “Beggars cannot be choosers”, e hindi ko naman hiningi dito sa mga mokong na to na i-reto ako ah. Well, nandito na e. Game na to, pwede naman hindi ko pansinin yun. “Deadma effect” 😀

Mamaya pa e nandun na kami sa bahay ni Pola. yun pala ang pangalan niya, POLA BEAR dahil “voluptuous” siya. Mataba para dito sa mga tropa kong mahihilig sa mga payat at “sexy” daw! Di naman masasabing pangit si Pola, chinita (pero half-jap), di rin kaputian ang kanyang balat. Maayos naman manamit. Panis nga si Lui dito, siya kasi e halos kaparehas ko, payatot. Minsan ngang dumalaw si ermat sa school para kumuha ng card (may bagsak ako ng 3rd grading- Hinabol ko na lang, graduating eh. :D) e naasar pa kaming dalawa na baka liparin kaming dalawa ng hangin, pag nagsama daw kami e parang stick ng saranggola. Ngayon alam niyo na siguro kung kanino ako nagmana.:D Isa sa pinaka napansin ko kay Pola e ang “vital stats” niya.

Mala-papaya ang dibdib, akala ko nga tabo yung bra sa laki
Ang tambok ng booty, parangmay tabo sa puwet
Curvy ang waist. Ang laki ng hita… isa sa mga gusto ko sa babae.
Sabi ko nga non… Ok naman pala siya… Tama lang… Just my type… (naks)

Di man kagandahan si Pola, well… malakas naman ang sex appeal… Parang ako lang… di kaguwapuhan, ayokong tawaging pogi, pero malakas ang sex appeal, mukha kasing sex organ! May dating si Pola na iba… na hindi pangkaraniwan nakikita ng ordinaryong nilalang… Alien nga ata ako. “Green” 😀

Dave: “Pola, si Popoy nga pala, kaibigan namin ni Eson. Dati din nagaaral yan sa A*******. Kaklase ko last year”
Eson: “Laki tite niyan” sabay tawa ng malakas ng dynamic duo. “Tabingi nga lang”

Wow… hindi ba pwedeng, “mabait yan” na lang, tulad ng pangkaraniwang pagpapakilala sa isang tao. May hirit pa sa dulo. Sira-ulo din talaga itong mga tropa kong to. Haaay, laging ganun na lang ang banat nitong mga to kapag pinapakilala ako…Nasanay din ako kilanaunan, pati sa lugar kung saan kami tambay e ganon na pagpapakilala sakin.Pero natawa si Pola sa banat na yun. Walang kupas ang punchline na yun.

Pola: Habang nakangiti pa “Hello Popoy”
Popoy: Habang namumula na sa hiya “Hi Pola”

At nagshakehands kami. Pakilala din sa iba pang nandoon, yung iba kilala ko na naman, yung iba e hindi.Upo sa mesa, kain muna ng handa nila, pagkatapos sumama na kami sainuman… Tamang kulitan, kwentuhan, kulitan, inuman. Ganun lang ang naging routine. Out of place nga ako ng slight, buti na lang kakuwentuhan ko si Eson tyaka si Jaden, gf ni ugok. Kahit papano e nakasabay naman ako at nakatagal.

Maya-maya ubos na ang yung Emperador, sa wakas naubos din. E nagpabili pa si Pola ng 2 pang case ng Red Horse naman, langya kala ko tapos na. Iinom pa daw… well, sige na nga minsan lang to. Hindi rin naman ako makakaalis dahil na kay Eson pa pamasahe ko. Sumama na lang ako kila Dave na bumili, papalibre ako ng softdrinks para maihi ako. Habang nasa tindahan kami…

Dave: “Hoy ano na Popoy, musta na kayo ni Pola?”
Popoy: “Aba malay ko, hindi naman ako kinakausap…”
Dave: “Ay… kinakausap mo ba?”
Popoy: “Hindi rin”
Dave: “E tarantado ka pala e, paano ka kakausapin nun? Hindi mo pala kinakausap…”
Popoy: “Wait lang kasi, bumubuwelo pa lang…”

Kasama namin bumili si Matt, kakilala ko din. Kasamahan ko sa pep squad kuno ng eskuwelahan.

Matt: “E kanina ka pa binabanggit ni Pola ah, Mukhang trip ka kaso parang snabero ka daw. Akala tuloy suplado ka.”
Dave: “Ganyan naman talaga yang tukmol na yan. Napagkakamalan tuloy masungit. Akala mo mananapak na lang bigla e”
Popoy: “Di ka pa nasanay, Ba” (haba kasi baba ni Dave, kaya may palayaw siya sakin na Ba)”
Matt: “E si Pola di sanay, pano yan? Ganyan ka na lang? Hmmm… wild pa naman yun”
Dave: “O ayan hindi na ako nagsabi sayo, kay Matt na nanggaling. Bahala ka ikaw din… IIIKKKKAAAWWWW…”

Napaisip ako dun. pangalawang beses na ako nasabihan ng mahabang ikaw. Ibig sabihin lang naman e diskarte ko na. Akong bahala kung kakausapin ko si Pola o hindi. Nasakin na ang bola, ako na din ang bahala kung paano ako makakashoot. Sasalaksak ba ako o papasa ko ang bola? Di naman sa ayaw ko si Pola, hindi ko lang alam kung paano at gagawin ko? Sensya na, torpe lang. 😀

Pagkabili namin sa malapit na suking tindahan, e bumalik na kami kila Pola. Inuman ulit. Tagay, kain pulutan, tunganga, kwento kapag may kakausap. Nakailang-ulit nang ganun ng bigla akong tawagin ng kalikasan, umihi na daw ako at baka ano pang mangyari sa pantog ko. Hindi ko naman alam kung saan ang cr. Nasa garahe naman kami, naisipan ko na nga na sa gulong na lang ng sasakyan umihi ng nakita ko ang “hostess” ng party, walang iba kungdisi Pola.

Popoy: “Ahhh. Pola, san ba yung cr dito?”
Pola: “Ay dun sa loob, pagpasok mo diyan sa pinto, kaliwa ka, yung pinto sa harapan mo, yun ang banyo.”
Popoy: “Naku, ang hirap pala pumunta dun, baka maligaw ako”
Pola: “Asus… gusto mo samahan kita???” Sabay ngiti na parang nang-aakit…
Dave: “Sama na daw si Pola sa pag-ihi mo, para meron kang tagapagpag” Ayos na e, langya umentrada pa ng ganun. Nabatukan ko tuloy ang mokong.

Naglakad na ako papuntang cr na nasa loob ng bahay. Maganda ang bahay nila. Nasa gawing kanan pagpasok ko makikita ang malaking dining table. kasunod nun ay malawak na sala, ilang kuwarto din ang mayroon siguro sa taas, may dalawang pinto sa magkabilang gilid ng hallway na papunta sa pakay ko. Habang papalakad, may lumabas sa kaliwang pinto. Natulala ako saglit kasi etoang maganda, sexy, maputi, biniyayan din ng “mangkok” na hinaharap, ang puwet naman e parang may “platito” lang. “Eto ang masarap” napagtanto ko. Sa bilis kong nakita ang dapat kong makita e ganun din siya kabilis nawala sa paningin ko. Dumaan lang ng parang wala lang…

Pumasok na ako sa banyo, Iihi na ako dapat ng mapansin ko nakatayo si “Super Junior”. Nakupo… hindi ako makakaihi ng maayos nito, magkakalat ako dito sa banyo. Bwisit naman kasi yung dumaan na yun, pag labas ko at nandyan siya sa hallway, hahatakin ko dito sa banyo yun ng makabawi man lang. Haaay… no choice kung hindi umupo sa bowl at umihi na parang girl. Ang hirap pa naman ng ganun lalo na kung maliit ang bowl, buti na lang malaki. 😀

Nang matapos ako umihi, syempre hugas ng kamay sabay hilamos. Para maginhawaan naman ang aking mukha, feeling pogi na muli. Pagkalabas ko, may naghihintay pala sakin sa labas, si Pola… Nagulat pa ako dahil nandun pala siya.

Pola: “Mukhang natagalan ka sa banyo ah… anong ginawa mo huh???” Sabay ngiti tulad ng kanina, ngiting nangaakit ang dating sa akin.
Popoy: “Ah… ehhh…”
Pola: “Hmmm…”
Popoy: “Ah… ehhh… tumae!”
Pola: Napatawa ng malakas “Hahaha, kala ko naman kung ano na, nagflush ka naman ba?”
Popoy: “Oo naman… Ay teka, may flush pala yun, binuhusan ko gamit ang tabo” habang nakatitig sa dibdib niya.
Pola: “Hahaha, may flush kaya yun, ikaw kasi di ka nagpasama, nagbuhos ka pa tuloy.”
Popoy: “Sana nga nagpasama na lang ako, para sabay tayo sa banyo.” Ako naman ang ngumingiti ng mala-Jorge Estregan.

Nasa ganung punto kami ng paguusap ng biglang dumating ang babaeng nakita ko kanina. Hanep talaga itong babaeng to, Naka-sandong medyo maluwag, di ko aninag kung may short ba o wala, May bra naman dahil dumudungaw na sa gilid at kulay black pa.

Babae: “O Pola, anong ginagawa niyo dito at sa tapat pa ng banyo kayo naguusap?”
Pola “Ay mama, iihi lang ako, kakatapos lang niya gumamit ng banyo.”

Tama ba ang narinig ko… Mama??? Etong babaeng to na balak kong hatakin sa banyo ang nanay ni Pola??? Whoa… Hot siya, MILF na MILF!!!

Mama: “Ah… Akala ko magkasama kayo sa loob. Ay siya nga pala, aalis ako ah, magpapalit lang ako ng damit. Ikaw na bahala dito sa bahay. Huwag kayo masyadong magpakalasing.
Pola: “Opo ma.” pagkatapos ay pumasok na sa banyo.

Stuck-up ako sa pagkakatayo ko, kung hindi pa pumasok ang mama ni Pola e malamang may estatwa na sila sa parte ng bahay na yun. Pati si “Super Junior” e nag-ala estatwa na rin sa tigas. Nang magising na ang aking ulirat, naglakad na ako papuntang garahe. Inom kagad kahit di ko pa tagay. Nauhaw ako sa mga nangyari.

Ilang minuto ang lumipas bumalik na si Pola sa inuman. Doon nagkaron na kami ng “bonding moment”. Nagkuwentuhan na kami, doon ko na nalaman na ang tatay niya ang Hapon, pinay ang mama niya. Di ko inakala dahil mukhang “geisha” ang nanay niya. Sa kuwentuhan din naming yun e nalaman ko na wala pala siyang boyfriend. Matagal-tagal na din daw na wala. Sa puntong iyon e paalis na ang mama niya. Naka formal na damit. Sumakay sa sasakyan na nasa labas ng garahe. Pagkaalis na pagkaalis ni “Madam Butterfly” ehala parang nagwala ang grupo. nilaksan ang volume ng speaker, at nagparty-party na! Pero saglit lang dahil sinita kami ng katulong nila Pola, baka magalit daw ang kapitbahay kaya naudlot din ang planong gawing bar ang garahe nila. Pinapasok na lang kami sa loob ng bahay, yung iba pumasok… yung iba nananatili lang sa labas.

Maya-maya pa e kanya-kanya na ang bawat isa sa amin, nawala na sa sirkulasyon ang ikot ng tagay. Halos paubos na rin naman. Sa puntong iyon kami parin ni Pola ang magkasama sa isang sulok ng garahe. Kuwentuhan, tawanan, hanggang sa napansin na lang namin na nakapamewang na ang kanang braso ko sa kanya.

Pola: “Aba at nakayakap ka na sakin ah…”
Popoy: “Yakap ba ‘to??? Parang hindi naman…”
Pola: “At bakit hindi?”
Popoy: “E kasi ang yakap, ganito…”

Sabay kabig sa kanya gamit ang kaliwang braso ko, inabot ko ang kanang balikat niya mula sa harap papunta sa akin. Hindi ko naiwasan na sumagi ang braso ko sa dibdib niya.

Pola: “Ayos ka din makatsansing e noh. Simple lang ah.”
Popoy: “Hindi naman ako nanananantsing ah… hindi ko naman sinasadya…(kahit sinadya ko naman ng konti), naglalambing lang.
Pola: “Asus… kunwari ka pa… hindi ganyan ang yakap, ganito…”

Ako naman ang kinabig niya paharap sa kanya, sa laki ba naman niya e malamang pihit kagad ako. Sabay yakap ng mahigpit. Ramdamko ang yakap na binigay niya sakin, pano ba naman kasi e damang-dama ko din yung dibdib niya sa dibdib ko. Dun ko napatunayan na hindi tabo ang bra niya…

Napakalambot… Nakakapangilabot.
Nakakpanglambot… hanggang “betlog” ko umabot.
Lalo na nung bumulong siya sa tenga ko.

Pola: “Ganyan ang yakap. mahigpit dapat, para walang kawala”
Popoy: “parang bearhug lang ah. mamaya di na ako makahinga nito! hahaha”
Pola: “Wag kang mag-alala, hindi naman kita hahayaang malagutan kagad ng hininga, yakap pa lang to noh…”
Popoy: “Yakap pa lang? bakit ano pang meron???”

At sa isang iglap, hinalikan niya ako sa labi. Ang tagal ng babad… parang nilulunod na ako sa kanyang maalab na halik. Ang lambot din ng kanyang labi, parang dibdib niya. Dampi pa lang naman, pero ang tagal na hindi pa niya binabawi. Ako naman si loko e napapikit na. Aba e ikaw ba naman halikan ng ganun, ewan ko lang kung hindi ka din mapapikit. Kulang na lang tumaas na din ang isa kong paa sa tagal.

Nainip na ako, sinubukan kong ilabas ang aking dila, parang gusto kong mag “bleeeeeh” habang nakaharang ang labi niya. sa kakaunting galaw pa lang ng labi ko, siya ang unang nakapagblleeeeh. Pasok ang buong dila niya sa bibig ko, hinamon ang aking dila na makipagespadahan. Wala akong palag. Ang galing niya, hindi matigas ang hagod ng dila niya, banayad, swabe, feels like heaven. Napataas na din ang paa ko sa sobrang sarap ng halikang iyon.

Nasa ganung sitwasyon kami ng biglang may sumigaw “Hoy anong ginagawa niyo diyan???” Boses mama ah, ang lalim, parang galit na galit! Nakupow, paktay ka diha Popoy, kalaboso ka. Sa pagkakapikit ko e parang ayoko na dumilat pa, sa lahat ng lang ng makakahuli e tatay pa o kuya pa ata ni Pola… Teka, 2 daw silang magkapatid, parehas pang babae. Ang tatay naman niya e sa Japan na naglalagi… Sino ba itong sumigaw at bumasag ng magandang pagkakataon na meron kami ni Pola.

Pinilit kong dumilat kahit na ang betlog ko e parang nasa lalamunan ko na, Nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko nagtatago pa sa harap ng sasakyan ang isang lalaki. Inaninag kong mabuti kung sinong tampalasan ang may dahilan. Lumapit pa ako ng kaunti… Aba nawala, parang pusa lang ah. Mabilis akong pumunta para mahuli ang salarin, tignan ko din baka walang tao, baka multo na ang sumita samin…

Pagtingin ko sa gilid ng sasakyan, nadun ang dalawa kong kumag na kaibigan, si Dave at Eson. Langya nagtrip nanaman ang dalawa! Tawa na ng tawa ng makita ko sila! Lakas mambasag ng trip nitong dalawang to. Nandun na e, “This is the Moment” na, napurnada pa!

Popoy: “Tgi niyo. Lakas niyo mag-trip mga hayop!”
Dave: “Hahahaha… e pinagpahinga muna kita man, halos 2 minuto na ata kayong naglalaplapan diyan e!
Eson: “Hahaha… Tyaka niligtas ka namin noh… nakabearhug na sayo e! hahaha”
Popoy: “Ulol, langya naman, ok na e… Ayun na e, Konti na lang e…!”
Dave: “O yun naman pala e, ano pang ginagawa mo dito?”
Eson: “Bahala ka pag yan natuyuan…
Eson at Dave: Ikaw din… IIIKKKKKAAAAWWWW…

Ayan nanaman yang ikaw na yan, pangatlong beses ko nang narinig to ah. Well, i guess i need to make a move or else… 😀

Popoy: “Oo na sige na, dun na kayo… alis na kayo… shooo!”
Dave: “Hahahaha, ok lang kami dito wag mo na kaming pansinin.”
Eson: “Bantayan ka lang namin mamaya hindi ka na makahinga sa beahug. Para may resbak ka! hahahah”
Popoy: “Ulol! sige na dun na kayo, agaw trip kayo e.
Eson: “Ayaw mo ng may scorer?”
Dave: “Tap ka lang man, parang tag-team sa wrestling! hahaha”
Popoy: “Pakyu! dun na alis na mga hayop!”

At umalis na naman ang dalawa pagkatapos mangulit. Lumabas ng gate, bibili ata. Haaaay… wala talagang kupas ang “Dynamic Duo”. Lakas mambasag. Napadaan lang at nakita kami aba e nagtrip na. Ako naman ay bumalik sa lugar na pinagiwanan ko kay Pola. Buti na lang nandon pa siya.

Popoy: “Pasensya na ah, binugaw ko lang yung mga pusa!”
Pola: “Asus… if i know si Dave at Eson yun. Namboboso pa”
Popoy: “Napadaan lang daw sila bibili sa labas.”
Pola: “Naku, e wala naman ako pakialam kung nandyan pa sila… Mamatay sila sa sakit ng puson at inggit! hahahah”

At muli binearhug ako ni Pola, ngunit ang labi niya ay hindi sa labiko dumako, sa leeg. sakto ang baba sa kaliwang balikat ko… Saktong-sakto, walang mintis, sapul ang nag-iisang kiliti ko na hindi ko kayang pigilan maliban na lang sa kiliti ni “Super Junior” na ineenjoy ko naman ang kiliting dulot nun.

Kinilabutan ang buong katawan
Mula betlog hanggang bunbunan
Sarap na di ko mapigilan
Dulot ng dilag sa aking harapan

Haaay, inaykupo. pati si “super Junior” e napa “tears of joy” na sa galak! hindi ko na din napagilan ang bugso ng kamay ko, iniangat ko ang kanyang damit sapat para makapasok ang kanang kamay ko at mahawakan ang kanyang likuran. Doon nakumpirma ko na “in heat” nga si Pola. Iba ang init ng kanyang katawan.

Sinimulan ko na din kalagin ang isa pang harang sa kanyang dibdib. Medyo mahirap nung una, ang sikip e, pero nagawa ko naman. Ang aking kaliwang kamay ang pumailalim mula sa kanyang harapan, doon hinaplos ko mula sa ilalim ng bra kung may tabo ba? wala talaga e. ang laki ng dibdib niya sheeet… 😀 Talagang “Kapus-palad” ika ng ng Dynamic Duo kapag nagkukuwento ng mga kalibugan nila. Pilit ko naman hawakan ng buo, e wala hindi kaya. Sa pagdausdos ng aking mga palad sa kanyang kanang dibdib, tila may napansin akong kakaiba…

Bakit parang wala siyang nipple??? kakaiba. 😀

-Itutuloy

Susunod…Memoirs of PopoyMaster- Chapter 02- Boys Do Fall In Love.

P.S.

Memoir (from French: memoire: memoria, meaning memory or reminiscence), is a literary nonfiction genre. More specifically, it is a collection of memories that an individual writes about moments or events, both public or private that took place in the author’s life. The assertions made in the work are understood to be factual. While memoir has historically been defined as a subcategory of autobiography since the late 20th century, the genre is differentiated in form, presenting a narrowed focus. Like most autobiographies, memoirs are written from the first-person point of view. An autobiography tells the story of a life, while memoir tells a story from a life, such as touchstone events and turning points from the author’s life. The author of a memoir may be referred to as a memoirist.- Mula kay bestfriend Wikipedia 😀

Salamat kung binasa mo ito at natapos, ayaw ko man na bitinin ka e yan pa lang ang keri ng utak ko sa ngayon.

popoymaster
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories