Written by Juano9
BABALA:
Ang kuwentong inyong matutunghayan ay alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan na mababanggit ay pawang kathang-isip. At ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya.
Sa pagpapatuloy……
Nong gabi ngang iyon ay patuloy na nag-usap sina Daphne at Majo tungkol sa pagkakatuklas ni Majo sa pagtataksil ng kaniyang asawa. At sa loob nga nang silid ng dalaga ay wala pa ring patid ang panaka-nakang iyak ng kaibigan nito. Tunay na masakit para kay Majo ang kaniyang nasaksihan at mas masakit pa nga niyon ay ang hipag pa ang kaulayaw ng kaniyang asawa.
Daphne: anong plano mo ngayon? (wika nito)
Majo: sa ngayon hindi ko pa alam… (sagot nito) naisip ko kasi kung bigla-bigla ko silang kokomprontahin at magkagulo, baka makarating sa kuya ko ang nangyari! at natatakot ako pagnagkaton, hindi ko alam kung anong magagawa ng kapatid ko! kahit na nagkagayon, mahal ko pa rin ang asawa ko! (patuloy nito)
Daphne: pero kailangan mo ring ipaalam kay Gerald na alam mo na ang tungkol sa kanila ng hipag mo! dahil kung mananatili kang mananahimik at magsasawalang kibo, tiyak na tuloy-tuloy pa rin sila sa ginagawa nila! (payo naman niya sa kaibigan)
Majo; (huminga ito ng malalim) ewan ko best… bahala na siguro…!!!
Kasabay nang pag-uusap ng dalawa ay ang siya ring pag-uusap ng mag-asawa sa kabilang silid. At hindi mawaglit kay Wena ang makaramdam bigla ng pagka-guilty kaya naman ito ang napansin ni Daniel, ang pagigi nitong balisa.
Daniel: hon… alam ko ang nararamdaman mo at ako man ay may naging partisipasyon sapagkat pumayag ako na hayaan kayo ni Gerald! (saad niya sa asawa)
Wena: pero paano kung malaman din ni Majo na iaa ako sa nakakaulayaw ng asawa niya? (ang may pangambang tanong nito)
Daniel: hon, hindi niya malalaman ang tungkol sa inyo, kahit pa sabihin ni Gerald madali naman nating pabulaanan yun! lalo pa at wala naman siyang pinanghahawakang katibayan…! (at inakbayan niya ang asawa) kaya huwag ka nang masyadong mag-isip, pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat, tulad natin…?!
Wena: pero iba naman ang kaso nating tatlo nina Daphne… (at humilig ito sa balikat ng asawa) bahala na nga…
At pagkaraan niyon ay nagpasya na lamang na matulog ang mag-asawa at hayaan na munang mag-usap ang magkaibigan sa kabilang silid.
Kinabukasan, nagtataka naman si Gerald sapagkat napansin noyang hindi umuwi ang asawa. Sinubukan nitong tawagan subalit hindi ito sumasagot kaya naman nagpaaya itong magtanong sa kapitbahay kung may nakapansin ba kay Majo. At kinabahan itong bigla nang sa kaniya’y may magsabing nakita ang baabe na dumating at pumasok ng bahay subalit napansin din nilang lumabas ang bahay at sumakay ng taxi. Mula doon ay naging balisa na rin ito at dagliang naghinala na baka nahuli na sila ni Liezel kagabing sila’y nagtatalik. Kaya naman iniwasan muna nitong kausapin si Liezel na pinagtakhan naman ng babae subalit hindi naman nito ginawang mag-usisa.
At nangyari nga sa paglipas nang mga araw, mula ng magbalik si Majo sa kanila ay hindi na nito kinikibo ang asawa maging ang hipag nito. Kaya naman dito ay pinipilit ni Gerald na malaman kung ano ang problema ng asawa. At umaaasa ito na mali ang kaniyang hinala, subalit sa muli nitong pangungulit sa asawa sa loob ng bahay kung saan nandoon din ang hipag, ay dito na sumabog si Majo.
Gerald: ilang araw muna akong hindi kinikibo at kinakausap, ano bang problema? (aniya nga nito) magsalita ka naman…. (at sito ay bigla siyang hinarap ng babae)
Majo: gusto mo ba talagang malaman kung ano ang problema? (ang may galit nitong tinig at pagdakay kinuha nito ang kaniyang bag at sa loob ay may kinuha ito)
Tatlong kopya nang larawan ang tila isinampal ni Majo sa lamesa, larawan nina Gerald at Liezel. Sa pagkakita sa mga larawang iyon ay agad na nanlaki ang mata ni Liezel at agad din itong namutla at gayon din naman si Gerald. Tama ang hinala ng lalake at sa pagkakataong iyon ay sinimulan na niyang suyuin at humingi ng tawad kay Majo. Subalit matigas ang babae at pinapalis nito ang kamay ng asawa hanggang magsalita na rin si Liezel.
Liezel: Majo patawarin mo ako, na-nadala lang ako…!!! (ang mangiyak-ngiyak nitong tinuran)
Majo: nadala o ginusto mong talaga? sa dinami-dami ng babaeng magpapalandi sa asawa ko, bakit ikaw pa ate?!?
At hindi na napigil ni Liezel at tuluyan na itong umiyak at sa hipag ay todo ang paghingi nito ng paumanhin at pakiusap.
Lieze: ease Majo, hu-huwag mong sasabihin sa kuya mo ang lahat ng ito please Majo! baka… ba kung anong gawin ng kuya mo sa akin o kay Gerald!!! please…!!!!! (at halos lumuhod jto sa harap ni Majo)
Majo: (tiningnan nito nang masama ang asawa sunod ay nilingon ang hipag) alam mo naman pala kung papaanong magalit si kuya, pero bakit ginawa mo pa rin? kasi malandi ka…. (at kasabay nang mga iyak ni Liezel ay ang pananahimik ni Majo at napatuon ang mga kamay nito sa lamesa at tumungo hanggang sa may naisip itong paraan upang maiwasan ang eskandalo) kung ayaw niyong makarating kay kuya ang lahat ng ito, makinig ka sa akin ate…. (usal nitong humarap sa dalawa) aalis ka dito sa bahay at wala akong pakialam kung ano ang idadahilan mo kay kuya! basta ayaw kong naririto ka sa bahay at (at nilingon ang asawa) sa ngayon duduon na muna ako kina Daphne at kung sa pagbabalik ko nandito pa rin ang babaeng yan pasenaiyahan na tayo!
At pagkaraan niyon ay tinalikuran na nito ang dalawa at pumasok ng kuwarto si Majo upang kumuha ng ilan niyang gamit. Doon palang ay nagpasya ai Majo na dumuon na muna sa bahay ng kaibigan niyang si Daphne. At walang nagawa ang dalawa nina Gerald at Liezel kung hindi ang magkatinginan. At mula nga noon ay hindi na nagpansinan sina Gerald at Liezel habang ito naman ay nag-iisip ng kaniyang dahilan na makukumbinsi ang asawa at hindi na ito mag-uusisa kung bakit ito nagpasyang umalis ng bahay. At si Majo naman ay pansamantala ngang nakitira kina Daphne upang maiwasan niya ang makagawa na ikaka-eskandalo nilang lahat.
itutuloy………..
- Kapalaran 7 - March 16, 2023
- Kapalaran 6 - February 26, 2023
- Kapalaran 5 - February 20, 2023