Liberty Call: Olongapo City (Last Chapter)

johnbruno
Liberty Call: Olongapo City

Written by johnbruno

 

Nagising ako sa alarm ng aking relo. Luminga ako sa aking paligid at namataan ko si Sam. Nakahilata. Tulog pa rin.

Umupo ako sa gilid ng kama. Hang-over. Puyat. Simot ang lakas sa pagtatalik namin ni Sam. Mahilu-hilo pa ako. Ipinatong ko ang aking mukha sa aking mga palad upang pigilan ang pag-ikot ng aking paningin.

Naramdaman ko ang paglundoy ng kama. Naramdaman ko ang bibig ni Sam sa aking leeg habang niyapos ako nito.

“Good morning hon,” bati ni Sam.

“Good morning, babe.”

Nilingon ko si Sam at pinatawan ko ng banayad na halik ang kanyang labi.

“Bad breath ka babe,” sabi ko.

“Ikaw rin.”

Humiga sa kanyang tagiliran si Sam. Tumayo ako para mag-shower. Muli akong umupo sa kama dahil hindi pa naglaho ang pag-ikot ng aking paningin.

“Okay ka lang?”

“Pinagod mo ‘ko,” sabi ko sabay higa sa puson ni Sam.

Humahagikgik si Sam habang sinusuyod ng kanyang mga daliri ang aking buhok.

“Mag-stay ka muna para makabawi ka ng tulog,” paanyaya ni Sam.

“I can’t, babe. Hahabulin ko ‘yong first trip ng Victory.” Hindi ko alam kung anong oras ang unang biyahe ng Victory Liner. Gusto kong masakyan ang biyaheng magdadala sa akin sa Mandaluyong bago magdilim. Kahapon pa ako hinihintay ng aking Ina at mga kapatid.

Nang gumaan nang bahagya ang bigat sa aking ulo, tumayo ako.

“Shower muna ‘ko” sabi ko sabay hawak sa aking alaga. Inamoy ko ang aking kamay.

“Amoy kiki.”

Wala akong lakas para ilagan ang unan na ibinato ni Sam bago ako naka-abot sa shower.

Ilang minuto akong nasa ilalim ng agos ng shower nang pumasok si Sam. Namumugto ang mga mata. Niyakap ko si Sam habang ipinatong nito ang kanyang ulo sa aking balikat.

Natapos ang aming pag-shower nang walang imikan. Nagsuot ng maikling daster si Sam. Bagay na bagay. Bakat na bakat ang kanyang bilugang pwet at litaw ang mga mapuputing hita. Kaakit-akit si Sam. Kalunus-lunos naman ang aking hitsura. Kulang sa ahit. Namumugto ang mga mata dahil sa alak. Lukut-lukot ang aking t-shirt at jeans. Hindi ko na sana susuotin ang hinubad kong brief ngunit nagbago ang aking isip dahil sa init ng panahon. Kailangan may taga-salo ng pawis. Kahit homeless ang aking hitsura, angkop na angkop ito sa aking pagbiyahe. Payo sa aming mga sailor, “Don’t be an easy target.” Wala naman sigurong mag-aakala sa bus na eloy ako.

“Akin na number mo para matawagan kita,” hiling ko kay Sam. Noong mga panahong iyon, hindi pa uso ang cell phone. Walag miss-call. Sa katunayan, gawain ng mga dumadalaw na sailor ang magpunta sa call center sa base upang tumawag bago mag-liberty. Ang call canter sa base ay maliit na gusali na may naka-hilerang mga telepono sa isang dingding. Kadalasan, kinakailangan pa ang tulong ng operator upang makatawag sa labas.

“Nakikitira lang ako dito. Baka magalit ‘yong may-ari,” malungkot na tugon ni Sam.

“Gano’n ba? Never mind. Babalik naman ako.”

“Eto nga pala sa ‘yo,” sabi ko habang inaalok ko ang perang binunot ko mula sa aking wallet.

“May pinag-usapan ba tayong pera?”

“Sorry babe,” pagsusumamo ko habang niyapos ko si Sam. Hinalikan ko siya para mapawi ang inis sa kanyang mga mata.

Hinatid ako ni Sam sa harap ng gate at tumawag ng tricycle. Inutusan niya ang tricycle driver na ihatid ako sa sakayan ng jeep patungo sa istasyon ng Victory Liner.

Habang lulan ng papalayong tricycle, kinawayan ko si Sam. Walang sigla ang kanyang kaway. May lungkot sa mga mata.

Naka-abot ako sa aking pupuntahan. Tuwang-tuwa ang aking Ina at mga kapatid na matagal kong hindi nakita. Tuwang-tuwa ang aking mga kapatid nang magpunta kami sa Makati Commercial Center para mag-shopping. Mas tuwang-tuwa ang aking Ina pagkatapos kong makapamili ng bagong kasuotan ko. Hindi na daw ako mukhang dugyot.

May galak sa aking puso nang pabalik na ako sa Olongapo. Naibigay ko ang mga pangangailangan at kahilingan ng aking pamilya. At muli kaming magkikita ni Sam.

Pagkadating sa Olongapo, nagtungo ako sa Rock Traxx upang makita si Sam. Wala siya doon. Ilang gabi na daw siyang hindi nagpapakita. Wala rin sa mga babae ang makapagsabi kung saan siya nakatira. Dahil hindi ko matandaan ang daan patungo sa bahay ni Sam, sinubukan kong hanapin ang tricycle driver na naghatid sa amin noong gabing iyon. Hindi ko nahagilap.

Dumating ang araw nang pag-layag ng aming barko pabalik ng Japan. Masaya ang mga sailor. Masaya ako dahil, bilang West-Pac sailor, nakarating at nakapag-liberty ako sa Olongapo. Mas masaya sana kung nagkita kaming muli ni Sam bago kami lumarga.

Nagkaroon ako ng pagkakataong makabalik ng Ologanpo. Buwan ng Hunyo, taong 1991. Pumutok ang Mount Pinatubo. Inatasan ang aming barko na magtungo sa Subic Bay upang ilikas ang mga dependent ng US Air Force na nagmula pa sa Clark Air Base sa Angeles City. Bagamat trahedya ang sanhi ng aming pagbabalik, natuwa ako dahil pagkakataon ito para makita kong muli si Sam.
Pagkatapos mailikas ang mga dependent, nagpasiya ang kapitan ng aming barko na mag-liberty ng isang araw sa Olongapo. Tuwang-tuwa kami. Kahit nababalot ng abo ang buong Olongapo, tuwang-tuwa kami sa, ayon sa kapitan “Job well done” at sa liberty.

Naguho ang aking pag-asang makita muli si Sam. Sarado ang karamihan ng mga negosyo sa Olongapo dahil sa pinsala na dulot ng abo. Bagamat may iilang negosyo ang nagpasya na magbukas upang mapakinabangan ang aming pagdating, hindi kasama dito ang Rock Traxx. Bihira rin ang mga bumabiyaheng sasakyan. Karamihan nito ay lulan ng mga gamit at hindi pasahero. Abala ang mga tao sa pag-aasikaso sa kanilang nasirang buhay at kabuhayan.

I guess it wasn’t meant to be.

 

johnbruno
Latest posts by johnbruno (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x