Written by Mrpayatot
Isang Paalala: Ang kwentong iyong matutunghayan ay pawang kathang isip lamang at alinsunod sa mapanukso at makulit na imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan, lugar at ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.
Last Stand, Zombie Apocalypse: Zombie Stone
Makalipas ang paghahanda nilang anim ay nagtungo na silang lahat sa lugar na pinagbagsakan ng meteorite. Nagsimula na silang magpanorte.
Pagalis nila ng base nila ay hindi sila nahirapan sa kanilang pagalis dahil kokonti na ang mga zombies na nadadaanan nila. Ang bayan nadaanan nila ay dati na nilang napupuntahan para kumuha ng supplies kaya pinapatay nila lahat ang mga zombies na nakikita nila.
Ngunit ng nakalayo na sila sa bayan na pinagtaguan nila ay dun na sila nahirapan dahil sa madami dami ng mga zombie ang nakaharang sa daanan.
Kapag kokonti lang ang nasa daan nila ay lumalabas sila para patayin ang mga zombies. Ngunit Kapag masyado naman madami ang nasa paligid nila ay humahanap sila ng ibang daan.
Dahil sa ilang beses sila nagreroute ng daan ay hindi sila agad nakapunta sa pupuntahan nila. Minsan pa ay tumitigil sila para kumuha ng supplies kapag may madaanan silang store.
Sa tantya nila ay 10 oras lang ang oras ng biyahe nila ngunit dahil sa kalagayan ng mundo ay hindi nila inaasahan na tatagal pa ng ilang araw ang paglalakbay nilang lahat.
Dahil sa hapon na rin ay napagpasyahan na ni Jacob na maghanap ng lugar na maaari nilang mapagtaguan para na rin makapagpahinga.
Habang naghahanap sila ay biglang nagtanong si Karen sa insan niya.
“Insan, kanina pang umaga tayo nagsimula pero kahit isang survivor wala pa tau nakikita.” Ang tanong ni Karen.
“Huwag mo asahan na may makita tau. Maaaring nagtatago sila sa isang lugar dahil sa takot.” Ang sagot ni Jacob.
“Tama si Jacob. Tsaka kahit na may makita tayo hindi natin sila matutulungan.” Ang dagdag ni Veron.
Hindi na nagsalita si Karen. Dismayado man siya dahil sa wala silang nakikita na isang survivor. Ngunit masaya pa rin dahil alam niya na magiging sagabal lang sa kanila kung sakali na may makita silang survivor.
Mas priority ng anim na puntahan ang Meteor Fragment na bumagsak sa bansa.
dahil na din sa pagod ay nakatulog ang iba samantala ay nanatiling gising sina Jacob at James at nagbantay. Habang nagbabantay ang isa sa kanila ay nageensayo naman ang isa. Samantala ay hinayaan nalang nina James at Jacob na matulog ang apat dahil silang apat ay salitan sa pagmamaneho at minsan ay lumaban din sa mga zombies.
Kinabukasan ay nagsimula na silang umalis sa pinagtataguan nila. Mga alas kwatro palang ay umalis na sila at tinungo ang isang daanan na nasa mapa dahil alam nila na tulog pa ang mga zombies.
Pinili nila iyun para mas mapabilis ang paglalakbay nila. Ngunit dahil sa madaming mga aksidente sa lugar na iyun ay madaming nakaharang na mga sasakyan. Kaya napilitan sila na maghanap ng ibang daanan.
habang naghahanap sila ay hindi nila inaasahan mapadpad sa isang lugar.
Mga bandang alas otso ng umaga ay nakarating sila sa isang liblib na bayan. Parang isang sitio sa liit at konti lang ang bahay na nakikita. Kaya naisip nila na napadpad sila sa isang liblib na lugar.
Agad naman nila tinigil ang sasakyan sa hindi kalayuan at pinagmasdan muna ang maliit na bayan. Dahil sa medyo tahimik ang lugar ay hindi na binalak nina Jacob at Lovel na gamitin ang detection ability nila. Kaya pinagmasdan lang nila ng mabuti ang bayan.
kahit na medyo tahimik ay parang may kakaibang nararamdaman ang dalawa, mas lalo na si Lovel.
Habang pinagmamasdan nila ang kapaligiran ay may biglang lumabas na isang lalaki sa isang bahay. Hindi nila inaakala na may makikita silang tao sa lugar na to.
Ngunit nagpakita ng konting pagtataka si Lovel.
“Siya lang ba ang nasa lugar na ito? Bakit wala akong nakikitang iba tao dito maliban sa kanya? Wala naman ako nakikitang mga zombie dito.” Ang sabi niya.
hindi lang kase yung lalaki ang nakita ni Lovel pati na ang mga nakaparadang sasakyan. Hula ni Lovel ay hindi taga dito ang may ari ng mga sasakyan na nakaparada sa lugar na iyun.
ang mga sasakyan na nakaparada ay karamihan ay isang luxury cars. At ang bayan na nakikita nila ay karamihan ay hindi pa tapos at mga gawa pa sa kahoy ang iba.
Nang Lumingon lingon naman sila ay napansin talaga nila na parang siya lang talaga ang nasa lugar na iyun. Wla din sila mapansin gumagalaw sa katabing bahay.
Hindi naman sila umalis sa kinaroroonan nila at pinasmadan pang mabuti ang lugar ng ilang oras.
Gusto sana ni Lovel na umalis nalang sa lugar na iyun dahil may masama siyang pangitain sa lugar na to ngunit nagmatigas si Jacob dahil gusto niya alamin kung anu ang masamang pangitain ni Lovel.
Sa una ay pinilit din ni Jenny si Jacob ngunit nagmatigas pa rin si Jacob. Hindi naman napigilan ni James ang kaibigan sa gusto niya.
Sa kabilang dako naman ay napansin naman ng lalaki na may nakaparadang isang sasakyang, isang military truck malapit sa bahay niya. Nung una ay hindi niya napansin yun ngunit sa kalaunan ay tinignan niya dahil wala naman yun kaninang umaga.
Naisip niya na maaaring nagtatago lang ang mga may ari ng sasakyan. At naisip niya na may maipapakain na naman siya sa pamilya niya.
dahil dun ay nag isip na naman siya ng plano.
Nang matapos ang pananghalian ay dahan dahan siya lumapit sa sasakyan. May dala siyang itak nun. Hindi niya alam kung may nakagat sa kanila dahil walang lumalabas sa sasakyan.
Nang makalapit siya sa kinaroroonan ng sasakyan ay dahan dahan siya nanilip sa military truck. Nakita niya ang apat na babae na nakahiga sa loob ng military truck at halata niya na natutulog ang mga eto.
napansin din niya na ang sesexy ng mga babae at batang bata pa. Hula niya ay wala pa sa 20’s ang apat. Kaya nakaisip siya ng masama.
Napansin din niya ang mga pagkain dala nila.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
ngunit isang saglit lang ay nakadinig siya ng isang boses na kinagulat niya at napaatras siya agad. Pagkaatras niya ay hindi niya napansin ang isang bato kaya natapilok siya.
“sa tingin mo tama bang sumilip sa ari-arian ng isang tao nang walang pahintulot?” Ang tanong ni Jacob na siyang kinagulat ng naturang tao.
“Sorry, nabigla lang ako na may nakaparadang military truck dito. At may mga survivors pa pala.” Ang pahayag ng tao.
“Kaninang umaga pa kame dito at alam namin na kaninang umaga mo pa nakita na nakaparada ang sasakyan namin. Bakit ngaun ka lang nagkainterest na lapitan o ngaun mo lang tinignan kung mayroon bang tao sa sasakyan.” Ang tanong naman ni James.
Nagsimulang magduda si James at nagsimula naman bumuhos ang pawis ng lalake dahil hindi alam ang sasabihin.
“No, takot lang ako lumapit baka masamang tao kau at kung anu ang gawin ninyo sa akin.” Ang palusot niya.
Ang totoo niyan ay ang dahilan bakit hindi siya lumalapit ay gumagawa siya ng plano.
“Okay, since sinabi mo yan. Hindi kameng masamang tao. Sa totoo niyan. Napadaan lang kame dito.” Ang paliwanag ni James.
Nagkunwari naman ang lalaki na nabuhayan ng loob sa sinabi ni James. Ilang sandali lang ay niyaya niya sina Jacob sa kanyang bahay na pinaunlakan naman nila.
Agad naman nila ginising ang apat na natutulog buong maghapon.
Nang makarating sila sa loob ng bahay ng lalake ay dito lumakas ang masamang nararamdaman ni Lovel. Napansin ni Jacob at Jenny ang reaction ni Lovel kaya alam na nila na mayroon siyang hindi magandang nararamdaman.
Kaya hinanda nila ang sarili at sinabihan din ang tatlo nilang kasama.
Wala naman nangyari kakaiba sa hapon iyun kundi kwentuhan. Madaming kwinento ang lalaki sa kanila kung anu ang nangyari sa bayan at kung bakit siya lang ang natira. Ikwenento nman ni Jacob ang nangyari sa labas ng bayan at kung paano nangyari ang sakuna.
May pagdududa naman sina Jacob sa kwento ng lalake sa kanila.
Habang nagkwekwentuhan sila ay pinagmamasdan nila Jacob ang buong kapaligiran. Nagtataka pa rin siya bakit wala silang makita kahit isa na zombies ngunit pakiramdam nilang lahat ay meron tinatagong sikreto ang lalaki sa kanina.
Habang nagkwekwentuhan naman sila ay sinabi ng lalake ang isang daan na mas mabilis daanan at sigurado siya na walang masyadong zombie ang daan yun dahil walang masyadong nakatira sa lugar na iyun.
Sinabi niya iyun para hindi maghinala sina Jacob sa plonaplano niya.
Nang gumabi na ay nagsimula na din matulog sina Jacob sa isang bahay na binigay ng lalake sa kanila. Dahil sa hindi malaki ang bahay at hindi sila kasya ay sa ibang bahay niya pinagstay sila Jacob.
Dahil sa pagdududa nila sa lalaki ay napagpasyahan ni Jacob na magbantay muna siya. Wala siyang tiwala sa lalaki.
Nang sumapit na ng alas dose ng gabi ay gising pa rin si Jacob at pinagmamasdan niya ang bahay ng lalaki at sa labas ng bahay.
Though meron siyang detection capability ay hindi niya muna ginamit yun. Gusto niya muna sanayin nang mabuti ang 5 senses niya bago gamitin ang detection ability niya.
Ilang saglit lang ay meron siyang naramdaman mula sa labas ng bahay. Kaya dahan dahan niyang tinignan at nakita niya na dahan dahan naglalakad ang lalaki patungo sa kinaroroonan nila at nakahawak eto ng itak.
Agad niya ginising ang iba at sinabi na nagsimula ng gumalaw ang lalaki. Dahil sa sinabi ni Jacob ay dahan dahan sila lumabas ng bahay na kinaroroonan nila.
Alam nila na may masamang balak ang lalaki sa kanila at alam din nila na malaki ang sekreto ng lalaki at gusto nila alamin.
Agad silang bumangon at lumabas ng bahay bago pa makapasok ang bahay ang lalaki. Hindi napansin ng lalaki na nakalabas na silang anim ng makapasok siya sa loob ng bahay.
Ang plano ng lalaki ay unang papatayin sina Jacob at James at igagapos ang apat na babae. Plano niya munang pagsamantalahan ang apat bago patayin. Papatayin nman niya sina Jacob para ipakain sa kanyang pamilya.
Pagkapasok niya ay agad niya pinuntahan kung saan alam niyang natutulog sina Jacob at James. Ngunit ng buksan niya ay nagulat siya na wala silang dalawa sa kwarto.
Nagtaka naman siya at dahil dun ay agad siya nagpunta kung saan natutulog ang apat na babae.
Katulad kanina ay nagulat din siya dahil wala ang target niya sa bahay. Kahit naman isipin niya na baka nagkamali siya ng pinasok na bahay ngunit dahil sa nakita niya na may natitira pang mga gamit ay hindi siya maaaring magkamali ng napasok.
Agad niya tumingin sa labas para tignan kung nakaalis na sila ngunit nakita niya na nakaparada pa rin ang sasakyan nila. Kaya inisip niya kung saan sila nagpunta sa oras na iyun.
Habang nag iisip siya ay nakita niya na bigla nalang bumukas ang ilaw sa kanyang bahay. Laking gulat niya ng makita iyon dahil yung basement yun ang pinagtataguan niya ng kanyang pamilya.
Agad agad siyang nagtungo sa basement.
Nang makaalis naman sina Jacob sa bahay na tinutuluyan nila ay agad naman nila pinasok ang loob ng bahay ng lalake. Agad nila hinaloghog ang bahay ng lalaki habang distracted ito sa paghahanap sa kanila.
Wala naman sila nakita sa kwarto ng bahay ng lalake kaya nagtaka sila bakit ganun nalang ang kinikilos ng lalake. Bakit lalabas siya ng hawak na itak sa dis oras ng gabi at patungo sa tinutuluyan nila.
Habang nagiisip sila ay nakadinig sila ng mahinang kaloskos at daing. Hinanap nila agad kung saan nanggagaling ang tunog at nakita nila na galing sa isang basement eto.
Agad nila pinuntahan iyon at laking gulat nilang anim ng buksan nila ang ilaw.
“What the…”
Halos mapamura naman si Karen sa nakita niya. Hindi siya makapaniwala na may nakagapos na mga zombie sa basement ng bahay ng lalaki.
Mukhang eto ang dahilan bakit hindi mapakali si Lovel kanina.
Sa basement ng bahay ay nakagapos ang apat na zombie. Isang matandang babae na nasa 30’s na eto at tatlong batang zombie na sa tingin nila ay nasa 10, 8, at 7.
Hindi lang ang zombie ang nakita nila kundi mga kalansay ng mga tao na. Hula nila ay ipinakain ng lalake ang mga patay na tao. Maaamoy mo din ang hindi kanais nais na amoy.
Dito nila naunawaan ang lahat bakit siya lang mag isa sa lugar na ito dahil pinapakain niya ang apat na zombie.
Dahil din sa liwanag ay nagising ang apat na zombie at nagpupumiglas eto sa pagkakatali at gusto nila sugurin ang anim.
Wala naman ibang maisip sina Jacob kundi patayin ang mga apat na zombie para hindi sila makapinsala sa ibang dumadaan dito. Ngunit bago pa nila mapatay ang zombie ay dumating na ang lalaki at nakita niya na nakatutuk na ang mga baril nina Jacob sa ulo ng bawat zombie.
“Please, huwag niyo silang patayin. Sila nalang ang pamilya ko.” Ang pakiusap ng lalaki at lumohod eto sa harap ni Jacob at katabi ni Jenny.
“Nababaliw ka na ba? Alam mo ba sinasabi mo? They are already dead.” Ang sabi ni Jenny.
“Hindi sila patay. May sakit lang sila. Kung hahayaan ko na magdusa at magutom sila ay hindi sila gagaling.” Ang paliwanag naman ng lalake.
“So inaamin mo na pinapakain mo sila ng mga buhay na tao?” Ang tanong ni Lovel na katabi naman ni Jenny.
“Oo, inaamin ko. Simula ng may bumagsak na bulalakaw ay nagiba na sila at hindi sila kumakain ng pagkain natin. Ang gusto lang nila kainin ay laman ng tao.” Ang paliwanag pa ng lalaki.
“Paki usap huwag niyo silang patayin. Sila nalang ang natitira sa pamilya ko. Huhuhu!!” Ang pakiusap ng lalake.
Patuloy sa pakikiusap ang lalake kina Jacob ngunit hindi nagpapatinag sina Jacob. Dahil dun ay napilitan ang lalaki na gawing hostage si Jenny para ibaba nina Jacob ang baril nila. Sabay tutok ng kutsilyo sa leeg ni Jenny.
“You’re really crazy. Ikaw lang ang nakita namin na nagaalaga ng mga zombies.” Ang sabi naman ni Karen.
“Huwag niyo sila tawagin zombie. Pamilya ko sila at may sakit lang. Gagaling din sila kung patuloy ko sila papakainin.” Ang sagot ng lalake.
“oo inaamin ko. Ako ang dahilan kung bakit ako nalang ang natitirang tao dito. Pinatay ko ang mga natitirang tao na andito. At pinapatay ko din ang mga dumadaan dito para ipakain sa kanila. Ngunit hindi niyo ako masisisi mahal ko ang pamilya ko at ayaw ko sila mawala.” Ang dagdag pa ng lalaki.
“alam mo ba ang sinasabi mo. Kung papakainin mo sila ng buhay na tao. Sigurado ka bang gagaling sila. Sigurado ka ba na babalik sila sa dati at hindi lala ang situation.” Ang pahayag ni Veron.
“anung alam ninyo. Mga bata lang kayu.” Ang sabi ng lalaki.
“look, mga bata nga lang kame. Wala pa nga kame sa 20’s. Lahat kame dito ay nasa 18 palang. Ngunit madami na kameng nakita at nakaharap na katulad nila mula ng umalis kame ng Manila. Ikaw, lumabas ka na ba ng bayan mo?” Ang sabi ni Lovel.
Hindi naman nagpupumiglas si Jenny at nakicooperate muna siya. Gusto niya mapakiusapan ang lalake para hindi dumanak pa ng dugo. Ang iba naman ay nagbabantay.
“Wala ako pakialam sa sinasabi ninyo. Mabuti pa, kayung dalawang lalaki ay ipakain nio nalang ang sarili niyo sa pamilya ko. Baka bumilis ang paggaling nila. Kundi patay ang kasama niyong babae.” Ang sabi ng lalake.
“Kayung tatlong babae naman, igapos niyo ang sarili niyo sa kadena dun. May plano ako sa inyong tatlo.” Ang dagdag pa niya.
“Mukhang lumalabas na ang totoong motibo mo.” Ang sabi naman ni James.
Habang sinasabi ng lalaki yun ay naramdaman naman ni Jenny na gumagalaw ang kamay ng lalaki papunta sa kanyang suso kaya mabilis niya hinawakan ang kamay ng lalaki at binali eto.
nagsisigaw naman ang lalaki ng binali ni Jenny ang kamay ng lalaki. Pagkatapos nun ay tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
Dahil sa bilis ni Jenny ay hindi namalayan ng lalake na nakawala agad si Jenny sa kanyang pagkakagapos at siya naman ang nakagapos at nakaluhod din habang ramdam ang sakit ng pagkabali ng buto niya.
Pinilit naman ng lalaki na makawala mula sa kanyang pagkakagapos. Kaya walang nagawa si Jenny kundi pakawalan ang lalake ngunit sa hindi niya inaasahan ay matumba siya sa zombieng asawa niya.
Hindi din inaasahan nina Jacob ang manyayari kaya ilang iglap lang ay agad kinagat ng zombie ang lalaki. Isang malakas na sigaw agad ang binitawan maririnig sa basement.
Aaahhhh!!!! Aaaahhhh!!!!!
Gggrrrraaahhhhh!!!!!
Wala na rin nagawa sina Jacob at dito na nila pinatay ang mga zombie kasama na ang lalake. Ilang saglit pa ay nagdecide silang sunugin ang bahay kasama ang mga nasa loob.
Pinanood naman nila muna ang pagkasunog ng bahay.
Sa unang oras ay wala pa naman ibang nangyayari ngunit habang tumatagal ay napansin nila na may napapansin nila na may mga zombie silang namamataan.
“Mukhang mali na sunugin natin ang bahay. Nakaattract ata iyun ng mga zombie.” Ang sabi ni Veron.
“Mukha nga, ihanda niyo sarili nio mukhang mapapalaban tayo.” Ang sabi naman ni Lovel.
“nararamdaman ko na madami ang paparating pa at may nararamdaman akong kakaibang zombie.
Hindi naman madame ang sumusulpot ngunit habang tumatagal ay napapansin nilang padame ng padame ang mga zombie. Kaya napagdesisyunan nina Jacob na umalis na sa lugar na iyun baka pagtumagal ay mahirapan sila.
Agad silang nagtungo sa sasakyan nila ngunit hindi nila inaasahan na makarinig sila ng malakas na roar galing sa hindi kalayuan. Isa pa naramdaman nila na parang niyayanig ang lupa habang nararamdaman nila na papalapit eto sa kinaroroonan nila.
Ilang saglit lang ay napansin nila ang isang malaking batong patungo sa kanila.
Agad naman nila iyun iniwasan at pagkatapos nun ay tinignan nila ang lugar kung saan nanggaling ang batong iyun. Pagkatingin nila ay nakita nila ang isang zombie na ngaun lang nila nakita.
“Shit, it’s too late to retreat now. We need to fight it.” Ang sabi ni Jacob.
“Kaya ba natin yan,pre. Ang laki ng katawan niya. isa pa may mga normal zombie pa nasa paligid.” Ang sabi naman ni James.
“i don’t know. But we need to kill it. Hindi titigil yan sa kakahabol sa atin.” Ang sabi naman ni Jacob.
Natakot ang iba ng makita ang isang zombie, malaki ang katawan nito at kahit hindi sabihin ni Jacob iyun ay alam na nila na ito ay isang fully mutated zombie. Ang itsura ng zombie ay parang yung tank sa left4dead. Hindi lang iyun may kakayahan din siyang kontrolin ang zombie sa paligid.
“Don’t worry about it. Kaya natin to labanan. Just focus on the normal once while i distract him. Once you done with the normal zombies, then you can help me.” Ang pahayag ni Jacob.
“No worries, this kind of zombie has slow healing capabilities. So fighting it is not that hard. Medyo mabagal din gumalaw eto.” Ang dagdag niya.
“Okay, pero mag-ingat ka pa rin. Huwag ka magpatama sa mga suntok niyan.” Ang sabi naman ni James.
Ilang sandali lang ay hinarap na ni Jacob ang tank zombie ng nag iisa. Habang ang mga kasama naman niya ay iniisa isa ang mga normal na zombie. Ginamit niya ang sarili niya para idistract ang tank zombie.
Halos tumagal ng 10 minuto na hinarap ni Jacob ang tank zombie ng nag iisa. Medyo nahirapan naman patamaan ni Jacob ng kanyang katana ang zombie dahil sa kapal ng balat nito. Dahil may pagka mabagal din ang tank zombie kesa sa kanya ay nagagawa niyang iwasan ang mga atake nito.
Dahil sa nagiisa lang siya at nasa unang level palang ng tier 1 ay hirap siya sa pakikipaglaban.
Ngunit pagkatapos ng 10 minuto ay nagawa naman patumbahin ng kasama niya ang mga normal na zombies kaya pagkatapos nun ay tinulungan na siya ng mga kasamahan niya.
Dahil sa hindi na siya nag iisa ay nahirapan na ang tank zombie kung anu ang uunahin. Kung aatakihin niya ang isa ay aatakihin naman siya ng kasamahan niya.
Habang naglalaban sila ay may napapansin si Jacob. Napansin niya ang bawat abilidad nila.
Halimbawa, si James habang binabaril niya ang tank zombie ay nakikita niya na sa isang lugar lang niya pinapatamaan nito. Kitang kita niya ang ang accuracy nito.
Si Karen naman ay nagagawa niyang hawakan ang kable ng kuryente gamit lang ang kanyang kamay ng hindi nakukuryente at ginagamit ito para kuryentehin ang tank zombie. Kaya alam na niya na maaaring isang elementalist si Karen.
Si Veron naman ay napapansin niya na may kakayahan itong kontrolin ang mga zombie sa paligid niya. Ngunit dahil sa nasa tier 1 palang siya ay hindi pa madame ag malakas ang ability nito. Isa pa ay may napapansin din niya na matutulis na kuko nito.
Si Jenny naman ay may super strenght eto maliban sa super speed pa. Ginagamit niya ang super strength niya para batuhin ng malaking ang kalaban. At super speed niya para lituhin ang tank zombie
Hindi naman sila magtatagumpay na puksain ang tank zombie kung wala din ang kakayahan ni Lovel. Hindi lang kasi niya napagdugtong dugtong ang isip nila kundi nagawa niyang mabasa ang kahinaan at galaw ng tank zombie. Kahit na 3 minuto lang ang tagal nun ay malaking tulong na para mapuksa nila ang tank zombie.
Sa lima ang hindi niya masyadong alam ay si Veron dahil may kakayahan eto ng mental type at strength type evolvers, ngunit naiisip niya na isa etong universal type evolvers.
Nang makita nila na nanghihina na ang tank zombie ay agad nila eto sinugod at pinatay.
Halos mag aalas kwatro na ng madaling araw ng mapatay nila ang tank zombie at ramdam nila ang bigat ng katawan nilang lahat.
Umupo namn muna silang lahat sa lupa para magpahinga. Kahit na hindi sila napuruhan aynapagod naman sila. Hindi nila inaasahan na sobrang laki ng buhay ng tank na nakalaban nila.
Hindi na sila nagtanong paanu nagkaroon ng mutated zombie sa lugar dahil alam na naman na nila panu sila nabuo.
Habang nagpapahinga sila ay may napansin si Lovel sa pugot na ulo ng zombie kaya agad niya eto nilapitan. Ng makita niya eto ay para etong kumikinang na bagay. Agad naman niya kinuha iyun at nakitang para itong Stone.
Agad naman niya pinakita kay Jacob ang nakita niya.
Nagulat si Jacob sa nakita niya. Hindi siya makapaniwala na makakakita sila agad ng zombie stone.
Sa pagkakaalam niya ay nasa 3 months ang lumipas ng unang madiskubre nila ang isang mutated zombie bago nila madiskubre nila ang zombie stone.
Dito nalaman ni Jacob na madaming mga pangyayari ang naganap na nabago mula ng nareincarnate siya.
Nakita naman nila ang naging reaktion ni Jacob kaya nakurious sila kung anu ang bagay na nakita ni Lovel.
“These are called zombie Stone. We usually see it on a high tier zombie like that one. This zombie stone is very useful to us.” Ang paliwanag ni Jacob.
“But this stone that we have is still forming so its still useless.” Ang dagdag pa ni Jacob
“So anung gamit ng Zombie stone na to?” Ang tanong ni Lovel.
“We can use it as a medium of cultivation or we can use it to upgrade or make weapons.” Ang sagot ni Jacob.
“Oh, It’s sad that it was still forming. Still has no use for us.” Ang sabi ni Lovel at planong itapon ngunit pinigilan siya ni Jacob.
“Don’t throw it. Eventhough still useless we may find some use of it in the future. Just hide it first.” Ang saad ni Jacob.
“but its better to give it to Jenny. That stone is more useful to her than to anyone of us.” Ang sabi ni Jacob.
“huh? Bakit naman ako.” Ang tanong ni Jenny.
“its because its color red. That symbolize physical abilities. And you have it, hon..” Ang paliwanag ni Jacob.
Agad naman ibinigay ni Lovel ang stone na nakuha kay Jenny.
“jacob, kindly explain to us about those stones. I think you forgot. I bet ate trish will be glad regarding this.” Ang sabi ni Veron.
“no worries, i will tell you while traveling. Don’t worry about ate trisha. I already included it in the notes I gave her.” Ang sabi ni Jacob.
nakahinga naman ng matiwasay si Veron ng sabihin yun ni Jacob.
ilang sandali ay may naalala si Jacob kaya nagsalita siya ulit.
“Guys, I know, its tiring and dangerous but we need to get the Meteorite fragment as soon as possible. We need also to attain tier 4 or at least peak level tier 3 or the pseudo tier 4 before that happens.” Ang sabi ni Jacob.
“We know that already hon. Sinabi mo na sa amin niyan ng ilang beses.” Ang sabi ni Jenny.
“No, this time its different. I just remembered something.” Ang sabi ni Jacob na medyo natatakot.
Dito nakinig ang lima.
“Hon, what was that? May mangyayari pa bang hindi maganda?” Ang tanong ni Lovel.
“Yes, there is still 2nd meteor that will hit the planet.” Ang diretsong sagot ni Jacob.
“What?!!!?” Ang sigaw ng lima.
“In my memories, this will happen in 4 years. But looking now, pagkatapos ng mahigit apat na buwan pagkatapos ng sakuna nakakita ako ng mga mutated zombies ng mas maaga at zombie crystal kesa sa nangyari sa memory ko. Mas malaki ang possibilidad na mas maaga darating ang pangalawang bulalakaw.” Ang paliwanag ni Jacob.
“Are you sure about that?” Ang tanong ni Jenny.
“Yes, i’m sure there is still 2nd and even 3rd. Wala pa naman akong nakikitang sensyales na malapit na dumating.” Ang sagot ni jacob.
Nakahinga naman sila ng maluwag ng malaman nila na wala pang senyales ng pagdating nito.
“Pre, anung mangyayari kung dumating na sa earth ang pangalawang bulalakaw?” Ang tanong ni James.
“Kung dumating iyun, mas mahirap makasurvive ang mga tao sa oras na iyun. Mas mahihirapan ka if nasa below peak level tier 3. At mas bibilis ang mutation ng mga zombies.” Ang sagot ni Jacob.
“So kailangan natin malampasan ang peak level tier 3 para makasurvive tau.” Ang saad ni Veron.
“Yes, that right.” Ang sabi ni Jacob.
“Well, pwede ba magensayo tayu ngaun. Habang nagpapahinga tau.” Ang sabi naman ni Karen.
“Yes, its better na magensayo muna tayu.” Ang sabi naman ni Jacob.
Matapos makapagpahinga saglit ay nagdecide na sunugin ang bangkay ng tank zombie na nakaharap nila. Ilang sandali pa ay naghanap sila ng isang bahay na hindi nasira sa labanan nila at nagensayo ng isang araw.
Matapos ng isang araw ay tuluyang umalis sa lugar at tinungo ang daang sinabi ng lalake.
Tama ang sinabi ng lalake sa kanila. Wala nga masyadong zombie ang nakita at nakaharap nila. Paisa isa lang ang nakikita nila sa lugar kaya mabilis silang nakarating sa kabilang parte ng kabundukan.
Habang naglalakbay sila ay dito na ipinaliwanag ni Jacob ang zombie stone na nakita nila.
Ayon din kay Jacob ay madaming uri ang Zombie stone at maaari nilang gamitin lamang ang crystal na naaayon sa evolution nila.
Nang mapaliwanag ni Jacob ang gamit ng Zombie stone ay nagdecide ang iba na magpahinga habang ang iba ay nagpalitan na magdrive sa LTV.
Nang makatawid sila sa kabilang dako ng kabundukan ay dito din sila nahirapan dahil madami na naman mga zombie ang nakaharap nila. Ngunit kahit papanu ay nakakahanap sila ng daanan na ligtas at ligtas na lugar kung saan sila nagpapahinga.
Makalipas ng tatlong araw ng paglalakbay ay mas dumadami ang nakakaharap nilang mga half mutated zombie at meron na din mangilan ngilan na mature zombies ang nakikita nila kaya alam na nila na sa malapit na ang Meteorite Fragment na bumagsak sa bansa.
—
Habang patungo naman sina Jacob sa norte ay patuloy ang paglalakad ni Stephen na ngaun ay tuluyan ng naging zombie. Ngunit hindi alam kung saan papunta. Pagala gala laman siya sa lugar na pinanggahasahan sa kanya ng isang zombie
Habang naglalakad pa rin ay patuloy na binabanggit ang pangalan ni Jacob. Lahat ng mga survivor na nakakakita kay Stephen ay nagtataka dahil siya lang ang natuturing nilang abnormal dahil nakakapagsalita eto kahit ilang kataga lang.
Hindi naman nila malapitan eto at patayin dahil sa dami ng mga zombieng nakapalibot sa kanya. Patuloy pa rin siya sa paglalakad ng walang kadiredireksyon. Patuloy niya sinusundan ang mga zombie sa paligid niya.
Mga ilang araw na ganito si Stephen ngunit pagkatapos ng isang buwan ay may nangyayaring hindi maganda sa kanya at hindi inaasahan ng lahat. Nagsisimula na siyang mag mutate.
Dahil sa emotional distress si Stephen bago siya namatay ay may kakaibang nangyayari sa katawan niya. Eto din ang naging mitsa bakit nagmumutate ang virus sa katawan niya.
Habang naglalakad siya ay unti unting nag iiba ang itsura niya at nagiging kulay itim ang kanyang balat, nagiging pula ang kulay dilaw ang mata niya, humaba ang mga kuko niya at kanyang pangil at nagiging kulay puti ang kanyang buhok.
habang nangyayari ang mutation na eto ay napapasigaw siya kaya walang nangahas na mga taong naghahanap ng mga supplies na dumaan kung saan siya naglalakad.
Dahil sa wala masyado siyang makitang mga tao para makain niya kaya naging mabagal ang kanyang pagmutate. Isa pa mahina pa siya sa panahon kaya mahina pa ang kanyang pang amoy. Para mabilis ang pag mutate niya ay kailangan niya kumaen ng tao.
Ngunit dahil sa wala masyadong tao na lumalabas o kung meron man ay masyado silang maingat ay halos mastock ang mutation nito. Dahil dun ay napilitan si Stephen na kainin ang kapwa niya isang zombie.
Kahit na mas mabagal iyun ay pinili niya na kumaen ng kapwa niya zombie para lamang hindi mastock. Nasa kalahati palang kase siya ng kanyang mutation.
Nagpatuloy si Stephen sa paglapa sa mga kapwa niya zombie sa loob ng isa’t kalahating buwan. Pagkatapos nun ay tuluyan na siyang isang ganap na advanced mutated zombie.
Bumalik na din ang kanyang pag iisip. Ngunit dahil sa epekto ng virus ay naging baluktot ang kanyang pag iisip. Lahat ng gusto niya makita ay gusto niya kainin kahit na isang zombie o hayop eto. Naapektuhan ng masama ang kanyang pagiisip.
Nang bumalik ang pag iisip niya ay naalala niya ang ginawa ni Jacob sa kanya. Naalala din niya ang gusto niya gawin sa mga kasamahan niyang babae kaya nagdecide siyang hanapin siya at maghiganti. Naisip din niya na hanapin sina sir Fred pagkatapos niya gantihan si Jacob.
Nag iba na siya ng direksyon at nagtungo papuntang norte. Nawala na ang motibasyun niyang pumunta ng Fort Bonifacio at nagtungo sa direksyun kung saan nagpunta sina Jacob. Ang naisip niya lang ay paghihiganti.
Habang papunta si Stephen sa direction na pinuntahan nina Jacob ay may nakita siyang mga survivors. Dahil sa pagiging zombie niya ay gusto na niya sila kainin agad ngunit nagawa niyang pigilan ang sarili niya.
Nakita din kasi niya na meron mga armas ang mga to kaya alam niya na baka mapahamak pa siya. Pilit niya kinakalaban ang kanyang pang amoy.
Dito niya napansin na mas malakas ngaun ang kanyang pangamoy ngunit binaliwala niya iyun.
Habang nagtatago siya ay mayroon siyang napansin sa sarili niya. Iyun ay nagagawa niya makita ng malinaw ang mga tao kahit na malayo na sila at naririnig niya ng maayos ang mga iyun.
Sa una ay hindi niya alam iyun ngunit hindi naglaon ay narealize niya na baka isa iyun sa mga nakuha niya bilang isang zombie.
Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com
Nung una ay hindi siya naniniwala dahil ung mga isang zombie ay parang hindi naman nag iisip. Ngunit nang maalala niya ang zombie na humabol sa kanya nun ay tsaka lamg niya narealized na baka nagmutate ang virus sa kanyang katawan kaya nagkaroon siya ng ganun abilidad.
Dahil dito ay napagpasyahan ni Stephen na pageksperimentuhan ang mga taong nakita niya. Gusto niya alamin ang kanyang kakayahan.
Ang mga taong nakita ni Stephen ay wala naman kaalam alam sa kanilang sasapitin mula sa kamay ni Stephen.
Itutuloy….
- Paghihiganti At Pagmamahal: 18 - October 29, 2023
- Paghihiganti At Pagmamahal: 17 - October 26, 2023
- Paghihiganti At Pagmamahal 16 - September 30, 2023