Kusina Chronicles Special: Adobong Lamok

AdobongLamok
Kusina Chronicles: Hors D'oeuvre

Written by AdobongLamok

 


Hinalikan ko si Charlotte sa noo at maingat na inalis ang kamay nyang nakayakap sakin.
Tapos ay dahan-dahang bumangon sa kama.

Di naman sya nagising.

Dinampot ko ang cover ng kama na namantsahan ng katas naming dalawa at lumabas ng kwarto.

Kahit di ako pamilyar sa apartment nila ay di naman ako nahirapang hanapin ang lugar na labahan nila.

Di ako magaling maglaba. Sinasalang ko lang sa washing machine lahat ng labahin ko pag nasa bahay at nilalagyan lang ng fabric conditioner sa huling banlaw.

Pero wala akong nakitang washing machine sa bahay nila kaya mano-mano kong kinusot ang bed cover at binanlawan.
Wala akong nakitang fabcon pero kuntento naman ako sa paglalabang ginawa ko. Mabango rin naman ito at nabura naman yung mantsa.

Isinampay ko na ito at bumalik sa loob ng bahay.

Sakto naman na may narinig akong pot pot ng naglalako ng pandesal.
Dali-dali akong lumabas at tinawag ito. Mabuti na lang at di pa nakakalayo si manong. Naka-lock kasi yung gate at di ako makalabas para habulin sya kung sakaling nakalayo na pala sya.

Pumasok ako bitbit ang mainit pang pandesal at dumirecho ng kusina nila. Nag-init ng tubig sa electric airpot at tumingin sa ref ng pwedeng almusal kasabay ng pandesal.

5:20AM nang bumalik ako sa kwarto at umupo sa tabi ng natutulog pa rin na si Charlotte.


Register, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Marahan ko syang niyugyog. Maya-maya ay umungol ito.

“Bakiiiiit?” Tila naiinis pa na tanong nyang di man lang nagdilat ng mata.

“5:30 na.” Sagot ko.

“Hmmmmnnhh” Ungol lang ang sinagot nya.

“Uuwi ka sa inyo ngayon di ba?” Tanong ko sa kanya.

“Hmmmhh” Muli nyang sagot.

“May pasok din ako ngayon. Aalis na ko maya-maya.” Sabi ko.

Dumilat sya at tumingin sakin. Singkit na singkit ang mga mata.
Tapos ay yumakap sa may bewang ko at muling pumikit.

“Lika na. Naghanda ako ng breakfast.” Aya ko sa kanya.

“Antok pa kooooo.” Sagot nya.

“Kakargahin kita pag di ka pa bumangon.” Biro ko sa kanya.

Napatingin sya ulit sakin. Namumungay ang mga mata at nakangiti ng sobrang tamis.

“Sige.. Karga mo ko.” Malambing nyang sabi.

Napangiti na lang ako at wala nang nagawa kundi pagbigyan ang paglalambing nya.
Naglakad ako papuntang kusina habang buhat sya. Ang mga kamay nya ay nakayakap sa may batok ko habang hinahalik-halikan nya ang pisngi ko.

“Mmmwah! Di lang macho. Strong pa.” Pang-uuto nya sakin.

Marahan ko syang inilapag sa silya at inalis ang nakatakip sa almusal namin.
Pandesal, scrambled eggs at vienna sausage. Ayoko pakelaman yung ibang stock nila ng pagkain kaya yun lang ang ihinanda ko.

“Wow! Ang sweet-sweet pa! Pinaghanda ako ng breakfast!”

Nagtimpla ako ng kape namin at nag-almusal kami.

*

6:30AM na kami nakaalis ng apartment nila.
Hinatid ko sya sa bus terminal at bumyahe pauwi na sa bahay.

Walang tigil ang palitan namin ng text habang nasa byahe kami pareho pauwi sa kanya-kanyang bahay.

Quarter to 9 ako nakarating samin kaya gustuhin ko man ay wala na akong oras para makaidlip man lang.
Naligo agad ako at bumyahe na papasok ng trabaho.

Wala talaga akong tulog bukod sa maiksing idlip sa ibabaw ni Charlotte matapos ang unang round namin. Kaya medyo lutang nanaman ako.
Mabuti na lang at petiks lang ulit kami nung araw na yun.

Bandang hapon ay sinabihan ako ni Anton na pumunta sa opisina ng HR na agad ko namang tinungo.
Kumatok ako at binuksan ang pinto.

“Good afternoon po.” Bati ko sa HR namin na si Mam Cecil.

“Pasok ka, Ares. Upo ka.” Anyaya nya sakin.

Si Mam Cecil ay nasa mid 20’s. Maputi, may pagkamataray ang mukha dahil siguro sa make-up at pagkakaguhit ng mga kilay.
Parang Katrina Halili ang aura ng mukha nya.
Balingkinitan ang katawan at mas matangkad sya kumpara kay Charlotte.

May kinuha syang isang folder. Binuklat ito at inabot sakin.

“Naka-1 month ka na di ba?” Tanong nya sakin.

“1 and a half na po.” Sagot ko.

“Ah yes. Over a month na. Dapat 2 weeks ago ko pa nabigay sayo to kaso nasa bakasyon ako kaya pasensya na. Hehe.”

“This is your contract. Nakalagay dyan na natapos mo na yung training period mo and you are now in probationary stage. After 2 months, magkakaroon ng assessment sa naging trabaho mo para malaman kung makakatuloy ka pa sa work mo dito. Kaya galingan mo.” Pagpapatuloy nya.

Tumatango-tango lang ako habang binabasa ang laman mg kontrata.

“Then after another 3 months, so bale 6 months in total, magkakaroon ulit ng another assessment para malaman kung ire-regular ka ng company.
If you will look at the date, nakalagay dyan yung date 2 weeks ago. The day na natapos yung 1 month training mo kaya counted na yung 2 weeks mo before signing this contract if ever you will sign.” Paliwanag nya.

“Nakalagay din dyan na aangat na into minimum yung basic pay mo at makaka-receive ka na rin ng service charge according to your rank.”

Medyo napangiti ako nung marinig ko yung about sa sahod.

“Any questions?”

“Wala na po Mam.”

Pinirmahan ko yung contract at ibinalik sa kanya.

“Thanks. Bibigyan na lang kita ng copy nito mamaya.”

“Thank you po, Mam.” Lumabas na ako ng opisina nya at nakangiting bumalik ng kusina.

“Punta ka daw kay Chef Joel pagbalik mo galing HR.” Salubong sakin ni Anton.

Pagkapasok ko ng opisina ay pinalapit ako ni Chef Joel.


Register, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


“Oh, kamusta? Anong oras ka nakauwi kagabi?” Bati sakin ni Chef Joel.

“Di ko alam, Chef. Siguro mga 3AM na rin.” Pagsisinungaling ko.

“Pasensya na. Di ko na kayo nahatid. Wala na rin ako sa huwisyo magmaneho.”

“Okay lang yun, Chef.”

“Galing ka na ba ng HR? Nakapirma ka na ng kontrata?” Tanong nito.

“Yes, Chef.” Sagot ko.

“Okay. So probationary ka na. Mula ngayon, mas oobserbahan ko na yung trabaho mo kasi ako ang gagawa ng evaluation mo.”

“Yes, Chef.”

“Alam ko namang maayos ka magtrabaho eh. Maintain mo lang yun. Kung kayang higitan, mas higitan mo. Malay mo ma-promote ka pa.”

“Copy, Chef. Susubukan ko, Chef.”

“Sya nga pala. Di ba nung training period mo, ako ang nagbibigay ng rest day mo? Dinedepende ko lang yun sa kung kelan tayo maluwag.”

“Opo, Chef.”

“Ngayon, kailangan mo na magkaron ng regular rest day. Para di na rin ako namomroblema every week. Papipiliin kita. Except lang Saturday and Sunday kasi alam mo naman na busy tayo nun.”

Inabot nya sakin ang isang folder na may bond paper kung saan naka-print ang schedule ng rest days na mga empleyado sa kusina.

“Ayan yung rest days nung mga kasama sa shift mo. Pili ka na lang ng gusto mong araw.”.

“Kahit anong araw, Chef?” Tanong ko.

“Yes. Pwede kitang ilagay kahit saan between Monday to Friday. Pero syempre pwede rin mabago yun paminsan-minsan pag kailangan. Halimbawa may malaking event na nataapt sa off mo or kulang ang tao natin nun. Pwede kitang papasukin at ilipat sa ibang araw ang off mo.” Paliwanag ni Chef.

Wala naman ibang araw na pumasok sa isip ko kundi ang kaparehong araw ng off ni Charlotte. Thursday.
Nakita ko na si Charlotte lang ang off ng araw na yun.

“Sige, Chef. Pwedeng Thursday na lang?” Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sa printed copy ng shedule ng kitchen.

“Walang problema. Si Charlotte lang naman ang off ng Thursday sa shift natin. Walang ibang kusinero kaya di mababawasan yung hot station natin. Yun na ba gusto mo?” Paniniguro nya.

“Yes, Chef. Yun na.” Sagot ko.

“Okay. So yun lang naman. Salamat. Ayusin mo ha. Malaki kumpyansa ko sayo.”

“Yes, Chef. Salamat po.”

Lumabas na ako at bumalik sa kusina. Naghanap ng gagawin at naging abala na hanggang gumabi.

Bandang alas sais ay dumami ang guests at naging busy kaming lahat.

Di ko naman inalintana yung kawalan ng tulog at pagod. Nakasabay ako sa dami ng orders at nailabas namin lahat ng orders nang maayos at nasa oras.

Palibhasa ay doble ang inspirasyon ko nun.
Una ay dahil kay Charlotte. Pangalawa ay dahil madadagdagan ang sahod ko sa katapusan.

Bandang 8:30PM nang humupa ang mga tao. Mangilan-ngilan na lang ang pumapasok na orders.

Dun din parang biglang nagsabay-sabay yung pasok ng pagod, puyat at gutom sa katawan ko.
Nakaramdam ako ng konting pagkahilo pero di ko na lang iyon pinansin.

“Ares, maghanap ka na ng makakain natin jan. Ikaw na tumira. Kami na bahala dito.” Tawag sakin ni Chef Mike.

Agad naman akong nagbukas ng freezer at naghanap ng pwedeng lutuin.

Nakita ko yung isang stainless pan na balot ng cling wrap at may label na “CHICKEN CUTLETS. FOR STAFF MEAL. 11/23/14”.

Inilabas ko yun at hinugasan.
Sobrang frozen pa kaya itinapat ko na lang muna sa ilalim ng running water at kumuha ng mga rekado.
Bawang, sibuyas, laurel, pamintang buo, at siling labuyo.

Tapos na ko maggayat ng mga rekado pero matigas pa rin yung manok. Kaya kumuha ako ng malaking wok at pinagsama-sama ko na dun lahat ng sangkap. Binuhusan ng toyo at suka at isinalang sa kalan.

Pagkatapos ay bumalik ako sa pagtulong sa mga kasama ko.

Makalipas ang ilang minuto ay kumulo na ang sinalang ko. Kumalat sa kusina ang aroma nito at biglang kumalam ang sikmura ko. Parang lalo tuloy akong nanghina.

“Puta! Mukhang masarap yung niluluto ni Ares ah! Amoy pa lang, ulam na!” Sabi ni Anton.

“Marami pa bang kanin jan? Baka mamaya bitin nanaman tayo sa kanin ha.” Tanong ni Chef Mike.

“Madami pa, Chef. Nagsaing ako kanina nung dumami yung tao.” Sagot ni Rico.

“Yan ang gusto ko sayo.”

*

Bandang 9:30 ay natapos na lahat ng orders. Naglilinis na lang kaming lahat ng kusina.
Luto na rin yung ulam namin. At mukhang masarap nga ang pagkakadale ko sa adobo dahil napakalapot ng mamantikang sarsa nito.

Quarter to 10 ay nagkainan na kami.
Nakasalampak ako sa sahig na sinapinan lang ng karton sa isang sulok at ine-enjoy ang pagkain ko nang may biglang sumigaw sa bandang gilid ko.

“ANO YAN, HA? BAKIT JAN KA KUMAKAIN?”

Muntik ko nang maihagis yung stainless bowl na ginamit kong plato dahil sa gulat.
Paglingon ko ay si Chef Joel pala. Tinatawanan ako.

“Ano ulam natin ngayon?” Tanong nito sabay tapik sa balikat ko.

Siguro dahil sa pinagsama-samang gulat, gutom, puyat at pagod ay naisagot na..

“Kain, Chef. Adobong lamok po, Chef.”


Register, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Bigla naman napatawa ng malakas si Chef Joel pati na rin yung iba kong mga kasamahan na nakarinig sa sinabi ko.

At simula nga noon, isa na sa naging tawag at pang-asar sakin sa kusina ay Adobong Lamok.

*

Fin!

AdobongLamok
Latest posts by AdobongLamok (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories