Written by AdobongLamok
Good day to all. I’m Ares. And I’d like to share some of my stories here. I hope you’ll like them.
Nagtatrabaho ako ngayon bilang kusinero sa isang hotel. Di ko na babanggitin kung anong pangalan ng hotel at kung saan.
Nagsimula ako bilang steward o dishwasher, naging kitchen helper, naangat bilang Commis 3, 2, 1, at ngayon ay Chef de Partie na.
Nung unang kita ko sa hotel kitchen ay namangha talaga ako. Napakalaki ng kusina. Napakaraming ingredients, iba’t-ibang gamit, napaka-proper, napaka-organized, at napaka-busy.
Pero hindi agad ako pinapasok. Sinamahan muna ako ng isa sa mga steward papuntang locker room. Kailangan ko daw muna magsuot ng proper attire bago pumasok ng kitchen.
“Ako nga pala si Rico pre.” Pakilala ng steward. Inabutan nya ako ng apron, hair net at pinagpalit ng non-slip shoes.
“Ares pre.” Pakilala ko naman. Nagpalit ako ng dala kong extra shirt at sinuot ang binigay na gamit ni Rico. Pagkatapos ay sinama nya ako papuntang dishwashing area.
Kung anong ayos ng kusina ay sya namang gulo ng area na pinagdalhan sakin na katabi lang ng kitchen area. Tambak ang mga plato, kubyertos, mga racks ng baso, kaldero, kawali, kaserola, sandok, mixing bowls, baking pans, baking trays, food pans, plastic tubs, at kung anu-ano pa.
Tinapik ako ni Rico sa balikat. Mabilis na briefing lang tungkol sa trabaho at sa area ang ibinigay nito.
“Alam mo na gagawin jan pre. Dun muna ako sa kitchen. May pinapagawa si Chef.” Pagkatapos ay umalis na ito.
Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com
Tumango ako at nagsimula na magtrabaho. Una ay in-organize ko muna yung area. Pinagsama-sama ko lahat ng magkakapareho. Kinuha ang isang malaking plastic tub, nilagyan ng tubig at dishwashing liquid at dun inilagay lahat ng kubyertos at mga sandok. Pinuno ko rin ng tubig na may sabon ang lababo at nilubog doon lahat ng plato. Pinagpatong-patong lahat ng stainless trays at pans. At inayos ang racks ng mga baso.
Halos kalahating oras ko din siguro inayos ang area ko dahil halos wala akong makilusan sa dami ng hugasin. Nang matapos ay ang laki ng inaliwalas ng area. Anlaki ng iniluwag at nagmukhang malinis. Sinimulan ko na rin isalang sa dishwashing machine ang mga plato. Nagtrabaho na rin ako bilang dishwasher sa isang resto dati na may kaparehong machine kaya alam ko na kung paano iyon gamitin.
Habang naghuhugas ako ng mga kawali ay may nagsalita sa likuran ko.
“Himala! Bakit ang ayos dito ngayon?”
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng puting chef jacket. May suot syang hair net sa ulo pero sa likuran nya ay nakalabas ang mahabang bukok na nakatirintas. May hawak syang malaking mixing bowl na may mga cupcake trays, spatulas, measuring cups and spoons, at wire whisk.
Agad akong nagpunas ng kamay sa suot kong apron at kinuha mula sa babae ang mga hawak nya.
“Akin na po yan Chef.”
Nag “thank you” sya at ngumiti.
“Ikaw yung bagong steward?” Tanong nya sakin.
“Opo Chef. Ares po pala.” Sagot ko naman. Yumuko ako ng bahagya pagkatapos magpakilala dahil nahihiya akong iabot ang kamay ko na marumi.
“I’m Charlotte. Wag ka na mag-po. Mukha namang mas bata ako sayo.” Nakangiti nyang inabot ang kamay nya sakin.
“Chef, madumi kamay ko.” Ipinakita ko sa kanya ang kamay ko na may konting bula at mantika mula sa mga hinuhugasang kawali.
“Sus. Di ako maarte.” Inabot nya ang kamay ko at kinamayan.
“Teka may naiwan pa kong gamit. Dadalhin ko na dito para makapaglinis na ko sa area ko.”
Umalis sya at itinuloy ko ang paghuhugas. Maya-maya ay bumalik sya dala ang iba pang mga maruruming gamit nya.
“Ares, lapag ko na dito ha.”
“Sige Chef.”
“Eto nga pala para sayo.” Pinakita nya sakin ang isang plastic tub na may isang cupcake.
“Wow! Okay lang ba yan Chef? Hindi ba bawal yan?” Tanong ko.
“Hindi noh. Ako’ng bahala sayo. Sobra lang naman to. Saka binigyan ko na rin sila dun sa kusina.”
“Thank you Chef ha. May meryenda na ‘ko.”
“Sige. Basta tuloy mo lang yang sipag mo.” Sumilay ulit ang napakaganda nyang ngiti.
“Yes Chef.”
*
Bukod kay Charlotte ay mababait din ang ibang chefs na ‘pumasyal’ sakin sa area ko. Yung iba ay binibiro ako na anlaki daw ng pagkakaiba ko kay Rico. Dahil sa halos apat buwan daw na pagtatrabaho ni Rico doon ay di nila nakitang ganun kaayos ang dishwashing area.
Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com
Yung ibang kusinero ay nagdadala pa ng mga gamit na kawali na may lamang pagkain.
“Pre, tikman mo to. Malinis yan.” Inabot sakin ng nagpakilalang si Anton ang kawaling may laman na dalawang pirasong hipon.
“Spicy Gambas yan pre. Tirahin mo na.”
Agad ko naman dinampot ang mainit-init pang hipon at kinain. Paborito ko kasi ang hipon kaya di na ko nag-alangan pa.
“Ano? Panalo ba?” Tanong sakin ni Anton habang nakangiti.
“Panalo Chef! Champion to!” Sagot ko naman na naka-thumbs up pa.
“Sinasabi ko sayo eh!” Nakangiti syang naglakad pabalik sa kusina.
At ganun na nga ang nangyari noong unang araw ko sa hotel. Mahirap, maraming trabaho, nakakapagod, masakit sa katawan, at nagmukhang anemic na pasas ang mga kamay ko. Pero kahit papaano ay nakakagaan ng trabaho ang pagka-friendly ng mga tao dun. At bonus pa yung tamis ng ngiti ni Chef Charlotte.
Lumipas ang isang buwan at nakabisado ko na ang trabaho ko. Hindi na ako natatambakan at nagkaroon na rin ng extrang oras dahil mabilis ko na natatapos ang mga hugasin.
Kaya bukod sa paghuhugas at paglilinis ay may ibang bagay na rin ang naipagkakatiwala sa akin. Katulad ng pagbili sa supermarket ng mga kulang na ingredients at iba pang kailangan, pag-receive ng mga deliveries, pag-aayos ng stocks, at ibang mga simpleng gawain sa kusina kagaya ng paghihiwa ng mga sahog at kung minsan ay pagtulong sa plating ng pagkain kung may functions at events.
Naging mas malapit din ako sa mga kasamahan ko. Lalo na kay Anton na laging nagtuturo sakin at pati na rin kay Rico ng iba’t-ibang bagay sa kusina. Galing din daw sya sa pagiging dishwasher kaya gusto nya yung mga kagaya kong masipag at maayos magtrabaho. Bukod kay Anton at Rico, naging ka-close ko din yung iba pang mga kasama ko doon. Sina Mark, Jo, EJ at Philip na puro mga kusinero. Sina Chef Andy at Chef Mike na parehong Chef de Partie. Si Chef Trish at Mommy Rita na mga Pastry Chef din kagaya ni Charlotte.
Marami pang ibang mga kusinero dun pero di ko sila halos nakikita dahil ibang oras ang duty nila. Ang pasok ko kasi ay from 12AM to 10PM. Ang mga kasama ko naman na kusinero ay from 11AM to 10PM.
Kasalukuyan akong naglalampaso ng sahig nun nang lapitan ako ni Anton at sabihin na pinapatawag daw ako ni Chef Joel. Ang Sous Chef namin.
Agad ko naman tinigil ang ginagawa ko at nagpunta sa opisina. Wala naman akong natatandaang kapalpakan kaya naisip ko na siguro ay may ipapagawa lang.
Bukas naman ang pinto ng opisina kaya dumirecho na ko. Pinaupo nya ko at tinanong.
“Gaano ka na katagal dito?”
“Lampas 1 month na po Chef.” Mabilis kong sagot.
“Nakaka-isang buwan ka pa lang pala.”
“Yes Chef.” Medyo kinabahan ako dun. Iniisip ko kung ano ba ang nagawa ko. Nahuli ba ako na kumakain sa dish area? Wala naman CCTV dun. Saka tropa ko naman lahat ng kusinero kaya walang magsusumbong.
“Alam mo ba kung anong trabaho mo ngayon?” Tanong ulit ni chef.
“Dishwasher po Chef.” Sagot ko.
Parang alam ko na kung anong kasalanan ko. Nakita ako ng Executive Sous Chef nung isang araw na tumutulong sa pagpaplato ng mga pagkain sa function. Nasita nya ako kasi di daw ako naka-uniform.
“Yes. Dishwasher ka. Ang trabaho mo lang ay maglinis ng kusina at maghugas ng mga plato. Pero may mga iba ka pang ginagawa diba?”
“Yes Chef. Pasensya na po chef.” Nakayuko ako habang nag-so-sorry. Mukhang tatanggalin ata ako.
“Anu-ano pa ba yung mga ginagawa mo?”
Sinabi ko yung mga iba ko pang ginagawa na labas na sa trabaho ko. Nakayuko pa rin ako habang nagsasalita.
“Sige. Ganito ang gagawin natin. Bukas may bagong papasok. Dun sya sa pwesto mo. Ituro mo sa kanya lahat ng trabaho mo. Yung sa steward lang ha. Gusto ko after 1 week, kabisado nya na lahat ng trabaho nya. Kasi sta yung papalit sayo.”
Para akong nakuryente nung narinig ko yung huli nyang sinabi.
“Chef wag naman po ganun. Maayos naman po ako magtrabaho. Di na po ako makikialam sa trabaho ng iba. Wag nyo lang po ako tanggalin.” Halos maluha na ako sa pagmamakaawa.
Biglang tumawa ng malakas si Chef Joel.
“Anong tatanggalin? Gago! Iaangat na kita. Yung mga trabahong ginagawa mo ngayon pang-helper na yun. Kaya gagawin na kitang helper. At yung bago na dadating bukas ang papalit sayo sa dish.”
Di ako nakapagsalita agad. Gulat, relief, tuwa. Halo-halo ang nararamdaman ko. Nagpasalamat ako sa kanya at pinabalik nya na ako sa ginagawa ko.
Paglabas ko ng opisina ay inakbayan agad ako ni Anton.
“Congrats pre! Magkakasama na tayo!”
Commis 1 nga pala ang posisyon ni Anton. Line cook na sya.
Si Rico naman ay Commis 3. Tumutulong sa preparation. Nung unang araw ko ay helper na sya nun. Di na ako pinadaan sa training nya dahil mas maayos daw ako magtrabaho.
“Salamat Chef.”
“Hayup ka! Inabot ako ng halos apat na buwan bago nakaalis sa dish tapos ikaw 1 month lang?” SiRico na pabiro akong sinakal.
“Balahura ka kasi magtrabaho.” Pang-aasar ni Anton kay Rico.
“Mabilis naman.” Katwiran naman ni Rico.
“Ulol! Anong mabilis?” Si Anton ulit.
Sumalubong din sakin si Charlotte na may hawak na malaking plato na may cupcake sa gitna. Sa plato ay may nakasulat na “Congrats!”.
“Wow. Thank you Chef!”
“You deserve it!” At andun nanaman ang napakatamis nyang ngiti.
“Magpapainom daw sya Chef Cha.” Sulsol ni Anton.
“Mamaya na ba?” Pabirong tanong ni Charlotte.
“Ha? Naku.” Pucha. Napasubo pa ata ako.
“Pwede ba sa sahod na lang?”
“Next week na yun. Tamang-tama. First day mo sa kusina. Sabay-sabay out natin.” Si Chef Joel na nasa likod na pala namin.
“Set na yan ha. Next week manlilibre si Ares.” Si Anton ulit.
“Sige, next week.” Si Charlotte.
“Dun tayo sa apartment ko. Ako bahala sa pulutan. Anton, alam mo na. Dating gawi.” Si Chef Joel ulit.
“Ako’ng bahala Chef.” Sagot ni Anton.
Pagkatapos ay bumalik na sila sa kani-kanilang trabaho. Ako naman ay dinampot ang cupcake at kinagatan.
“Sarap talaga ng cupcake mo Chef.” Sabi ko kay Chef Charlotte.
Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com
“Cupcake lang ba?” Tanong nito.
Napalingon ako sa kanya at nakita ko na may pagkapilya ang ngiti nya.
“Joke lang. Haha. Turuan kita nyan pag dito ka na sa kusina naka-assign.” Bawi nito.
“Sige Chef.” Nakangiti ako pero sa isip-isip ko ay, “Wag kang magjo-joke joke sakin.”
*
Itutuloy…
- Sex Note 14 - February 20, 2023
- Lorraine 2 - February 9, 2023
- Lorraine - February 2, 2023