Knowing Mine

jackstone
jackstone

Written by jackstone

 

At sya ang bumasag sa sandaling katahimikan.

Kasama ng isang napakalambing na ngiti, sabi nya, “Sir E? Babe, ikaw ba yan?”

“Mi …Mi – ne, Mine?” medyo pautal kong balik tanong sa kanya.

“Hi po,” bati kanya na sinundan ng beso sa aking kaliwang pisngi.

“Ha .. Hali … Halika upo tayo,” ang nauutal kong yaya ko sa kanya. Saglit na umikot ang aking mata, naghahanap ng mauupuan. Mayroon naman akong natagpuan sa bandang likuran. “Doon tayo, oh,” sabay turo ko kay Mine ng lugar.

“Sige, babe, magsi-CR lang ako sandali ha,” sabi nya na may kasama pang ngiti.

“Ok. Hintayin na lang kita doon,” habang itinuturo ko ang bakanteng upuan.

Ako’y napamura ng pabulong habang sya’y papunta ng CR, “tang-ina, muntik nang hindi kami magkita. Mabuti na lang.” Laking pasasalamat ko na naghintay pa din sa kanya kahit na wala akong natanggap na sagot sa aking mga mensahe sa kanya.

Habang naghihintay, nagpunta ako sa counter at nag-order ng 2 spaghetti with chicken, 2 large pineapple juice, 1 large fries, at 2 hot fudge sundaes. Pinakiusapan ko ang cashier / crew na pakihatid na lang sa table namin ang orders paglabas ng kasama ko from the CR. Itinuro ko kung saan kami nakaupo. Pumayag naman ang cashier / crew.

Makalipas ang halos 10 minuto ay lumabas na si Mine, nakasabit sa kanang balikat ang isang backpack. Hindi na sya nakasuot ng kanyang scrubs. Sya ay naka-pink polo dress (yung parang Polo Ralph Lauren na t-shirt na mahaba) na ang laylayan ay abot lamang hanggang 4 na pulgada sa taas ng tuhod. Kabighani-bighani. Medyo malaman ang kanyang hita. Makinis ang balat. Sa tantya ko ay 36B ang kanyang suso. Katakam-takam. Tapos sadyang napakatamis ng kanyang ngiti. Tinitigasan na ako.

Habang papalapit sya sa lamesa ay bantulot pa akong tumayo dahil sa aking natigas na kargada. Sya pa ang naglapit ng kanyang mukha para makipag-beso sa aking pisngi kasabay ng pagbati, “hi babe”. Nadagdagan pa ang aking katigasan noong aking malanghap ang kanyang pabango. Very light lamang (na later on she told me it was D&G Light Blue). Malalanghap mo lamang kapag kasing-lapit ng nagbebeso.

Umupo sya tabi ko pero sabi ko ay gusto kong mapagmasdan ang kanyang kahali-halinang mukha at para makapag-kwentuhan kami pinagsasaluhan ang pagkain kaya naupo muna ako sa tapat nya. Di nagtagal ay dumating na ang pagkain namin. Humingi ako ng dispensa na hindi ko na natanong kung anong gusto nya. Sinagot naman nya na ok lang ang na-order ko.

Masaya ang aming kwentuhan. Parang matagal ng magkakilala, lalong lumalalim ang pagkakaibigan. Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya.

Pinanganak sya sa Zamboanga. Ang kanyang ama, isang enlisted personnel na tubong Oton sa Iloilo, ay nadestino sa WestMinCom sa Zamboanga. Doon na nakapag-asawa ng isang Zamboangenya. Wilhelmina ang tunay na pangalan nya, sunod sa ngalan ng lola nya sa ina. Sya ay bunso sa 5 magkakapatid at natatanging babae.

Kahit na isinilang at nabinyagan na Kristiyano, noong sya ay 3 taong gulang ay nagpasiya ang kanyang ama na mamuhay na muslim. Pinalitan ang kanyang pangalan at naging Soraya. Pagiging muslim ang kanyang namulatan at nakalakihan na relihiyon at nagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang buhay. Nagsimula daw syang magdamit ng abaya noong maging dalagita sya hanggang makapag-asawa.

Nakapagtapos sya ng BSN sa Universidad de Zamboanga noong 2006. Pumasa sa board noong 2007 at nakapagtrabaho sa isang ospital sa Zamboanga.

Nakapag-asawa din sya ng isang muslim 5 taon na ang nakararaan. Katulad din ng pamilya nila, ang ama ng kanyang napangasawa ay dating sundalo, kasamahan ng kanyang ama. Sabay na nagpalit ng relihiyon ang kanilang pamilya. Taong 2011 daw nagretiro ang kanyang ama sa army at nagpasya na bumalik sa bayang sinilangan, sa Oton, Iloilo. Sumama daw silang mag-asawa sa Iloilo. At taong 2012, sa pangunguna ng kanyang ama, ay nagbalik-loob sila sa pagiging Kristiyano. Hindi na sya nagpalit ng pangalan ngunit ginagamit nyang palayaw ang Mine na halaw sa dati nyang pangalan na Wilhelmina.

Kahit na bumalik na sila sa pagiging Kristiyano, marami pa ding nakagawian na nila noong sila ay muslim ay kanila pa din dala-dala lalo na sa mga bagay na sekswal. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi sya nagpapa-maniped at nagpupunta sa spa dahil haram ang pagbibilad ng mga maselan na bahagi ng katawan.

Kahit na sa pagsusuot ng damit ay maingat sya. Ang suot daw nya ngayon ay bagong bili lamang. Kaya naman pala naantala sya ng dating. Nalo-bat daw ang kanyang cellphone kaya hindi nakakasagot sa mga mensahe ko sa kanya.

“Hindi talaga ako sanay na magdamit ng ganito. Medyo asiwa ako pero naisip ko na ayaw ko namang magmukhang manang na makipagkita sa yo,” sabi nya sa akin.

“Ikaw na siguro ang pinaka-sexy na manang na nakilala,” balik ko naman sa kanya.

“Talaga, sexy ako? Pag Nakita ako ng asawa ko na nakasuot ng ganito baka mapatay nya ako.”

“Di ba tinalikuran nyo na ang Islam?” tanong ko sa kanya.

“Oo pero hanggang ngayon ay dalahin pa namin ang aming nakaugalian,” sagot nya sa akin.

“Bakit ka nga pala nasa ‘dating site’?” balik-tanong ko kay Mine.

“Magmulang mapasok sa sales ang asawa ko, yung lagi na lang syang nadedestino sa iba’t-ibang lugar at bihira ng umuwi, feeling ko nanlalamig na sya sa akin. Palagay ko meron din syang kinalolokohan na babae. Nahuli ko syang may kausap at ka-text na babae. Sabi nya boss daw nya pero bakit kahit sa dis-oras ng gabi ay tumatawag o nagte-text. Tapos pag nakikipag-usap sa phone kailangan pa nya lumabas ng bahay.”

“Kailan pa ito nangyari?” dagdag kong tanong.

“Magmula pa noong isang taon. Ngayon nga mahigit 6 na buwan na kaming hindi nagkikita. Ako ang laging kailangan pumunta sa probinsya para sa kanya. Nakakapagod din naman na lagi na lang ako ang nagbibyahe para makita sya. HIndi nga kami makabuo dahil madalas nasa destino sya.”

Lumipat ako sa kanyang tabi, hinawakan ang kanang palad, ginawaran ng banayad na halik at nagsabing, “Wag ka ng malungkot. Nandito ako. Ano ang gusto mong gawin natin, babe?” Shit, nalanghap ko na naman ang kaaya-aya nyang amoy.

“Ikaw na ang bahala, babe. I trust you,” sagot ni Mine sa akin na may kasamang kiming ngiti.

Napakislot si Estong junior. Parang naghahanda sa nagbabadyang labanan na maaaring mangyari.

Saan ko kaya sya dadalhin?

jackstone
Latest posts by jackstone (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x