Written by Stalker_Eyes
Chapter 6
Ang karugtong…
Mag-isa si Angela na nakaupo sa lilim ng punong narra sa loob ng campus. Binabasa niya ang bigay na pocketbook ni Lance noong 18th birthday niya. Pop Goes The Weasel ni James Patterson ang pamagat nito, at sa kasalukuyan ay nasa 19th chapter na si Angela.
Tahimik na nagbabasa si Angela ng libro nang may tumawag sa pangalan niya.
“Angela.” wika ng tinig mula sa kanyang likod. Dagling isinara ni Angela ang libro at lumingon sa pinagmulan ng tinig. Agad niyang binati ang tumawag sa kanya.
“Hi Mich! Thank you nga pala sa regalo mo kanina.”
“Wala yun, Angela,” sabi ni Mich. “Sorry nga pala ulit sa mga nagawa ko sa’yo noon. Most especially nung kinumpronta kita sa cafeteria these past few days. Nagsisisi ako sa nagawa ko. Sorry ulit, Angela.”
Ngumiti naman ang dalaga kay Mich. “Pinapatawad na kita, Mich. Promise me na hindi mo na yun uulitin. Aasahan ko yan.”
“Oo, Angela. I promise that I’ll never hurt you again.” Pagkatapos ay iniabot ni Mich ang kamay niya kay Angela.
“Friends?”
Ngumiti si Angela sabay tanggap ng kamay ni Mich.
“Friends.”
Nagkamayan ang dalawa at ilang saglit pa’y niyakap ni Mich si Angela. Mahigpit ang yakap ng binata sa dati nitong kasintahan. Ramdam niya ang matinding init ng katawan ni Angela na parang naarawan nang matindi.
Ngunit bago pa man makaramdam ng libog si Mich kay Angela ay tumunog na rin ang bell, palatandaan na magsisimula na ang klase ng binata.
“Angela, may klase na kami. Thank you ulit sa pag-accept ng apology ko. I promise that I’ll never hurt you again.”
Ngumiti naman si Angela. “Basta, asahan ko yan ha? Pangako mo yan sa akin.”
“Siyempre naman. Sige na, mauna na ako.”
Nang naiwang mag-isa si Angela ay naisipan niyang tumambay muna sa punong narra habang naghihintay sa susunod nilang klase. Ipinagpatuloy na ng dalaga ang pagbabasa sa hawak niyang libro.
Samantala sa library ay kausap ni Ashley si Lance sa telepono.
“Lance. Bakit ka umabsent ngayon? We have a quiz later at three in the afternoon.”
“You know naman that I’m preparing for our date tonight, di ba?” sabi ni Lance sa kabilang linya. “So I need to sacrifice muna for this date.”
“Pero Lance,” usisa ni Ashley, “you need to come here as soon as possible. It’s already two thirty na.”
“Alam ko na yan, Ashley. I’ll come in there. But most probably, male-late na ako ng punta.”
“Lance…”
“Sometimes, you need to have a break, Ashley. Don’t allow yourself to be dominated by all the academic stress out there. Minsan ay kailangan mo ding makapag-relax. Just like I did.”
“Saan ka ba ngayon?” tanong ng dalaga.
“Nasa bahay,” sagot ni Lance. “Nagpa-plantsa pa ako ng mga damit dito para mamaya.”
Ngumiti si Ashley sa naging sagot ng binata. “Wow naman… Seems that you’re all geared up for tonight, I guess.”
“How about you? Ready ka na ba para mamaya?”
“Of course! I was born to be ready, after all.”
“Hehe. That’s Ashley for you!” sagot ni Lance. “O sige na, I’m going to school na. Be seeing you!”
“Okay, Lance. Take care as always!” at ibinaba na ni Ashley ang telepono at inilagay ito sa bulsa.
Habang busy si Ashley sa pagrereview para sa quiz mamaya ay may isang lalaking lumapit sa kanya.
Si Tan na may dalang isang piraso ng Cadbury na tsokolate.
“A very pleasant day to you, my dear lady. For you, I offer this little gift to the prettiest girl I’ve ever met in my life.”
Tumungo si Ashley at napatingin kay Tan na may dalang tsokolate. Napanganga naman siya nang makita si Tan na nasa harap niya.
“Hi Ashley,” bati ni Tan. “You look so adorable today.”
Hindi pa rin makapaniwala si Ashley sa kanyang nakita. “Tan? What’s that? Are you giving it to me?”
Ngumiti naman si Tan sa dalaga. “Yes. This is for you. I know that this might be simple, but still; I’d like you to accept this.”
Agad namang tinanggap ni Ashley ang regalong tsokolate ni Tan. “Whoa. I never imagined that some random guy would give me chocolates. You really did surprised me.”
Hindi na maitago ni Tan ang nararamdamang kilig. Napansin ito ni Ashley at kinulit niya ito.
“What happened to your cheeks? Seems that you wore a blush-on, didn’t you?” biro ni Ashley.
“No. Kita mo naman na hindi ako nagme-make up, di ba?” wika ni Tan. Makikita sa mukha ni Ashley ang gulat at saya nang matanggap niya ang tsokolateng regalo sa kanya ni Tan.
“I know this is kind of weird, but still. Thank you, thank you. I was really surprised!”
“Hehe. You’re always welcome. That’s my token of gratitude.”
“For what?” tanong ni Ashley.
“For helping me on my Calculus assignment, remember?”
“Oh… Now I remember! Well, I almost forgot about that. Kita mo naman na I’m busy reviewing for our quiz…”
Tumabi si Tan kay Ashley at dahan-dahang tinapik ang likod nito. “You know what, bilib na ako sa’yo, Ashley. Kasi at first, I thought you were the shy type, reserved and introvert. But now noong nakilala na kita, nagkamali pala ako. You’re not just pretty, ang talino mo pa.”
Ngumiti naman si Ashley. “Oh, Tan… You’re such a playboy. But still, you’re such a nice guy. And I like that.”
Lalo pang namula ang pisngi ni Tan. Palatandaan ito na kinikilig siya sa mga banat ni Ashley. Akala kasi ni Tan na tahimik lang ang dalaga. Pero noong kausap na niya ay mahusay din pala ito sa pakikitungo sa kapwa.
“Oh. That’s so sweet of you…” wika ni Tan. “And by the way, are you free tonight? You can come to my house if you want.”
“I can’t, Tan,” ani Ashley. “You see, I’m going to have a reunion with my cousins and relatives.”
“I see. I understand naman. But feel free to visit my house if you have the time.”
“Next time, Tan. I promise.”
“Okay. So I have to go na, Ashley. Enjoy my gift!” wika ni Tan sabay tayo sa kinauupuan.
“I enjoyed it. Thank you and take care!” sabi ni Ashley at tuluyan nang nilisan ni Tan ang dalaga. Nang naiwan siyang mag-isa ay napansin niyang five minutes na lang at magsisimula na ang pagsusulit nila. Kaya minabuti na niyang ayusin ang mga gamit niya sa lamesa para makapunta na sa next subject nila.
Sa ibaba ng building ng room nina Tan ay naroon ang isang babae na tila may inaantay. May katangkaran ang dalagang ito, kutis-porselana ang balat at katamtaman ang laki ng dibdib. Nasa third-year college na ang dalaga at nag-aaral ng kursong BS Nursing. Kilala ang college department ng nursing sa unibersidad na ito dahil sa dami ng mga naggagandahang mga babaeng nag-aaral doon.
Nakita ng babae ang pagdaan ni Tan sa harap niya. Hindi lang man magawang sumulyap ng binata sa magandang dilag. Mukhang nagmamadali na itong pumunta ng canteen.
Sinubukang tawagin ng dalaga ang binatang dumaan. “Tan!” tawag nito. Ngunit hindi ito narinig ni Tan, kaya naman nairita ito.
“That Tan guy is driving me nuts!” usisa nito. “Alam ko naman na may feelings naman ako for him, but. Urgh!”
“Relax ka lang kasi, Jane,” wika ng isa pang dalagang kasama nito. “You know naman na hindi ka type ng Tan na yun, hindi ba? Wag ka na kasing makisiksik diyan. Baka malay mo, eh may jowa na pala yun?”
“There’s more to this, my dear Bianca,” sabi ni Jane. “Close naman ang parents ko at ang parents niya. And guess what? Yung mommy na ni Tan na mismo ang may sabi na may feelings din si Tan sa akin!”
“Hmph. Wag ka masyadong makampante,” usisa ni Bianca. “Hindi mo kasi alam, girl; napipilitan lang siguro yun, malamang! Tiyak walang patutunguhan ang relasyon na iyan.”
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako titigil hangga’t hindi ko maikama ang Tan na yan. Siya lang ang mahal ko. Wala nang iba.”
“Sige na nga. Support ako diyan!” masayang wika ni Bianca at nag-high-five ang dalawa. Bagaman malayo na si Tan sa paningin ni Jane ay matalim pa rin ang tingin niya sa binata.
“Tan. Sisiguraduhin kong hindi ka na mawawalay pa sa akin. Dahil darating ang araw na matitikman mo rin ako,” bulong ni Jane sa isip niya.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang mga babaeng nag-uusap ay sina Jane de Leon at Bianca Yao; mga celebrity sa tingin ng ibang mga estudyante. Kilala ang dalawa dahil sa kanilang taglay na kagandahan at kaseksihan. Hindi na alintana sa dalawa na pinagpantasyahan sila ng mga kalalakihang mga estudyante. Maging ang mga lalaking professor ay nahuhumaling sa kagandahan nila.
Si Bianca Yao ay third year college student din tulad ni Jane at nursing din ang kurso. Magkasingtangkad lang si Bianca at Jane, at mas malaki, comparatively, ang dibdib ni Bianca. Hindi lang kagandahan at kaseksihan ang mga assets ni Bianca; may taglay din itong talino. Magmula high school ay consistent honor student na si Bianca. Ngunit pagtungtong ng kolehiyo ay tila nawawala na ang asset na ito ng dalaga; marahil dahil sa madalas nitong paglalabas-labas tuwing gabi…
Matapos ang sandaling katahimikan ay nagsalita ulit si Bianca. “Jane. Nakalimutan ko pala. Ililibre pala tayo ni Faye mamaya sa bar. Wanna come?”
“Pass muna ako. May iba akong pupuntahan,” sagot ni Jane.
“Alam ko na kung saan. Sa bahay ni Tan, ano?”
“Malamang! Doon ako magpapalipas ng gabi.”
“Girl naman… Magmumukha kang linta niyan. Hindi ka nga gusto nun!” usisa ni Bianca.
“Bianca, how many times would I have to tell you? Welcome naman ako doon sa bahay nila. At isa pa, close friends nga ang parents namin…”
“Oo naman, girl; alam ko yan, no! Sige na nga. Ikaw na ang bahala diyan. Hindi ka ba male-left out sa mga lakad natin?” tanong ni Bianca.
“Doesn’t matter to me. What matters is dapat matikim ako ni Tan.”
Hindi na nagsalita si Bianca bagkus tumango na lang siya. Makikita naman sa mukha ni Jane ang kaba at excitement sa kanyang mga balak.
“Akin ka lang ngayong gabi, Tan. Matitikman mo rin ako, tandaan mo yan!” ang isip ni Jane.
“Everybody pass your papers!”
Katatapos lang ng quiz sa classroom nina Ashley. Pagtayo niya ay nagulat na lang siya nang makitang bakante ang upuan ni Lance. Nagsimula na siyang mag-alala para sa kanya. Nang matapos niyang ipasa ang test paper ay tahimik itong lumabas ng classroom.
Kinuha ni Ashley ang phone niya at dinayal ang numero ni Lance. Nagri-ring lang ito, matagal.
“Please, Lance. Answer the phone…” wika ni Ashley sa sarili. Nagpapatuloy pa rin ang pag-ring sa kabilang linya. Ilang saglit pa’y cannot be reached na ito. Napasimangot na lang si Ashley dahil dito.
Nakita ng grupo ni Angela si Ashley na mukhang malungkot. Agad nila itong nilapitan.
“Ashley.” wika ni Angela. “What happened?”
Humarap si Ashley kay Angela at pasimpleng ngumiti. “Ah… It’s nothing. I’m just okay.”
“Tell us the truth, Ashley. What really happened?” tanong naman ni Kyzha na concerned sa kaklase.
Pinilit pa rin ni Ashley na itago ang pag-alala niya para kay Lance. Ngunit parang iba ang nakikitang anggulo ng grupo.
“Ashley. Just tell me what happened.”
Mababaw lang ang ngiti ni Ashley. “It’s nothing, okay? I’m just fine…”
“Okay, okay. I’m sorry if I’m being persistent. We’re just concerned for you,” wika ni Angela.
“There’s no need to apologize, Angela. I’m just okay,” sagot naman ni Ashley.
“Okay. Look, I need to be honest with you. I find you very competitive, and I find you rather interesting. You have the beauty and brains to ace every test. I can see that in you.”
Ngumiti nang matamis si Ashley kay Angela. “I can feel the same for you, too. But promise me na hindi tayo darating sa punto na personalan na ang competition natin. Baka kasi ma-stress ako ng todo. Friendly competition, kumbaga.”
“Yeah. I understand. I promise you that.” sabi ni Angela at nagkamayan na ang dalawa. Ilang saglit pa’y biglang tumunog ang phone ni Ashley at nagpaalam na ito sa grupo.
“I have to answer this call first. Kindly excuse me,” sagot ni Ashley at naglakad saglit palayo sa grupo.
Tahimik lang si Angela habang tiningnan si Ashley nang masinsinan. Mabait naman pala si Ashley sa tingin ni Angela. Ang akala niya kasi, masungit ito at laging mapag-isa. Hindi naman pala siya introvert di tulad ng naging first impression niya dito sa half-Australian.
“Mabait naman pala si Ashley. Akala ko naartehan siya sa akin,” wika ni Angela habang kausap ang mga kaibigan.
“Or baka ikaw ang naartehan sa kanya?” puna ni Kyzha. “Mahusay kaya siya mag-English.”
“Tama si ate Kyzha,” sabad ni Gwen. “Siya kasi ang nangunguna sa quiz natin last time. Almost perfect score.”
“Girls, hindi talaga ako naartehan kay Ashley sa totoo lang,” wika ni Angela. “I can see her competitive side naman. Hindi naman ako magpapakababa ng level para lang masabi na mas matalino ako sa kanya. Alam naman natin na matalino si Ashley, at kahit ako siguro, eh hindi ko malampasan.”
Tahimik lang ang dalawa nang marinig ang naging rebelasyon ni Angela. Ilang saglit pa’y nagsalita si Kyzha.
“So hindi ka na-iinsecure kay Ashley?” tanong nito.
“No. Hindi talaga ako naging insecure kay Ashley ever. I just find her… competitive.”
Ang hindi alam nina Kyzha at Gwen, at marahil ng iba pa niyang mga kaklase ay may lihim na pagmamahal si Angela kay Lance. Napapansin kasi ni Angela na mas lalo pang tumibay ang pagkakaibigan ng dalawa. Kaya naman ay nanghihinayang siya nang makita si Lance na palaging kasama si Ashley sa loob ng campus. Ngunit ayaw naman niyang magpapakita ng motibo na gusto niya si Lance.
“If only she didn’t met Lance, magiging kami na sana…” wika ni Angela sa isip niya. “But whatever. Just let them be.”
Nagpatuloy ang usapan ng tatlo tungkol kay Ashley. Samantala sa kabilang dako ay kausap ni Ashley si Lance sa telepono.
“Lance. I thought you’d come and take the quiz,” dismayadong sagot ni Ashley habang kausap ang binata sa kabilang linya. “I’m really worried about you!”
“Kinausap ko na ang teacher natin kanina. I took the quiz this morning,” sagot ng kabilang linya. “Nag-advanced reading na rin ako, kaya ayun.”
“Oh Lance… You did surprise me,” sambit ni Ashley. “By the way, sa faculty room ka nag-quiz?”
“Exactly! Pagdating at pagdating ng school kaninang umaga, yung quiz na ang inuuna ko.”
“Wow. I was mind-blown!” sabi ni Ashley na may halong paghanga kay Lance. Ilang saglit pa’y iniba ni Ashley ang usapan.
“By the way, are you ready for tonight’s date?” tanong nito.
“Umm… I’m ready naman. Promise mo yan sa akin na hindi na made-delay.”
“Yes naman, Ashley. Tuloy na tuloy na. Susunduin na lang kita mamayang 8:30pm sa house niyo.”
“Okay Lance. Be seeing you,” wika ni Ashley.
“Take care as always,” wakas ni Lance at naputol na ang kabilang linya.
Makikita sa mukha ni Ashley ang saya at kaba sa magiging date nila mamaya ni Lance. Napaisip na lang siya kung ano ba ang set-up nito. Kung magkakaroon ba sila ng intimate dinner o mag-oovernight sila sa isang five-star hotel.
Dahil wala na silang klase ay agad lumakad si Ashley para makapag-handa na sa date.
6pm. The Roncal’s Mansion.
Sa isang lote sa Alabang ay may isang malaking mansiyon. Pagmamay-ari ito ng pamilya ni Tan. Sampung taon na ring naninirahan ang pamilya nila dito. Ang tatay ni Tan na si Mang Rodolfo ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang sales manager ng isang kilalang manufacturer ng personal care products habang ang nanay naman niyang si Desdemona, o mas kilala bilang si Aling Mona, ay isang mathematics professor sa isang kilalang unibersidad sa Makati.
Dahil sa kanilang sipag at determinasyon sa trabaho ay nabili nila ang mansiyong ito noong bata pa si Tan. Hindi lang bahay ang nilalaman ng loteng ito: may swimming pool rin ito, may maid’s quarters at mayroon ding isang area na ginagamit bilang convention center at party venue na kayang mag-accomodate ng hanggang sa 1,000 na katao.
Kauuwi lang ni Tan galing paaralan at nakasalubong niya ang kanyang ina na naghahanda ng kanilang hapunan.
“Ma. I’m home!” tawag ni Tan.
“O, anak; nakauwi ka na pala,” bati ni Aling Mona. “Kamusta ang araw mo?”
“Ayos lang naman, Ma,” sagot ni Tan.
“Mag-ayos ka muna saglit, anak. May bisita tayo mamayang gabi.”
“Sino yung bisita natin?”
“Mga business partners ng papa mo, anak,” sagot ni Aling Mona. “At balita ko, eh sasama din ang pamilya ni Mr. de Leon dito.”
Namangha si Tan nang sabihin ito ng kanyang ina. Ibig sabihin ay darating din si Jane sa mansiyon. Ito na mismo ang babaeng iniiwasan ni Tan kanina sa paaralan!
“Patay ako nito…” dismayadong sabi ni Tan sa sarili.
“Ganoon po ba, Ma? Ano naman ang gagawin nila dito sa bahay, Ma?”
“Dito sa bahay gawin ng papa mo ang meeting nila. Kaya ako naghanda ng hapunan dito para sa magiging bisita natin,” wika ni Aling Mona.
“Okay po, Ma. Sige na po, bihis muna ako saglit. Para naman eh, makatulong ako.”
“Sige, anak.” Matapos ito ay umakyat saglit si Tan sa kuwarto niya para makapag-bihis at makapag-ayos na rin ng kaunti.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na si Tan at nakabihis na ito. Pagkatapos ay nagtungo na ang binata sa kusina para matulungan si Aling Mona sa paghahanda ng mga pagkain para sa mga magiging bisita nila.
“Ma. Tulungan ko na kayo,” sabi ni Tan.
“Salamat na lang, anak. Ang mga kasambahay na natin ang nagdadala ng mga pagkain doon sa convention center natin. Abangan mo na lang ang pagdating ng papa mo.”
“Sige po, Ma.”
Ilang saglit pa’y lumabas na ng bahay si Tan at tumambay sa pool area ng mansiyon. Malungkot at dismayado siya dahil makakasama niya ulit si Jane de Leon; ang anak ng isa sa mga business partners ni Mang Rodolfo sa trabaho na si Mr. Arthur de Leon. Nagandahan naman si Tan kay Jane; ang problema nga lang niya ay palagi na lang siyang nilalandi nito at wala siyang gusto sa dalaga.
“Not this again…” bulong ni Tan sa sarili. Makalipas pa ang ilang sandali ay narinig ni Tan ang doorbell ng kanilang gate. Agad niyang binuksan ang gate at nakasalubong niya ang kanyang tatay na si Mang Rodolfo.
“Hello Pa,” bati ni Tan sabay mano sa matanda.
“O, anak; mukhang okay ang ayos natin, ah,” wika ni Mang Rodolfo. “For sure ay ready ka nang kilalanin si Jane, hmm?”
Naisin mang ipakita ni Tan ang pagkadismaya nito sa tatay niya ay hindi niya magawa. “O-of course naman, Pa! May meeting naman po kayo doon sa convention center natin, di ba?” sabi ni Tan na nagkunwaring excited.
“Hehe. That’s my boy!” Marahang tinapik ni Mang Rodolfo ang balikat ni Tan. “Now I want you to have a nice night with Jane. And please be a good sport to her, alright?”
“Sige po, Pa. Asahan niyo po yan. I’ll be as nice to her as I can.”
“Good. So papunta na ako sa convention center, anak. Apparently mga matatanda lang ang puwede doon, so dito ka muna sa pool area mag-antay. Sabihan ko lang si Jane mamaya. Okay?” wika ng ama.
“Sige po, Pa. Good luck sa meeting!” bati ni Tan at bumalik na sa pool area para makapag-relax.
Sa labas ng gate ay nakarating na rin si Mr. Arthur kasama ang anak na si Jane. Sinalubong sila ng isang kasambahay.
“Welcome po, sir, ma’am,” bati ng kasambahay sa kanila. “Nandoon na po si Sir Rodolfo sa convention center.”
“Okay. I’ll be going there,” sagot ni Arthur at ibinaling ang kanyang atensiyon sa anak niyang si Jane.
“Sinabihan ako ni Rodolfo na nandoon si Tan sa pool area, inaantay ka. Now before you go, I just want to tell you that you should be nice to him, okay? Ayokong makarinig ng mga negative comments mula sa kanya. I just wish you the best for the both of you.”
“Opo naman, Dad. You can count on it!” masayang sabi ni Jane. “Take care po sa meeting niyo!”
Ngumiti si Arthur sa anak bago ito pumasok ng convention center. Si Jane nama’y kumakabog na ang puso sa saya at excitement na makita ulit si Tan. Pero hindi pa niya alam kung saan ang pool area ng mansiyon dahil first time niyang makapasok dito. Nagtanong siya sa isang kasambahay.
“Uhmm, saan po yung pool area?” tanong ni Jane.
“Ay, nandoon lang po sa likod ng bahay,” sagot nito. “Inaantay ka na ni Sir Tan.”
“Okay po. Salamat po!” at agad nagtungo si Jane sa pool area na kung saan naroon si Tan na nagrerelax sa jacuzzi.
Habang nagrerelax sa jacuzzi si Tan ay dagling lumingon ang binata sa left side niya. Namangha siya dahil dumating na si Jane, ang babaeng may gusto sa kanya. Naka-white sleeveless ito at naka-denim micro-skirt. Dahil sa ikli ng suot nitong skirt ay litaw na litaw ang cameltoe sa kanyang harapan at sobrang puti ng kanyang legs. Nakalitaw na rin ang side boobs ni Jane sa suot nitong sleeveless.
Pinilit man niyang irapin ang dalaga, ngunit mas matindi ang kabog ng puso nito. Bagaman hindi siya interesado kay Jane ay mas lalong nanaig ang lihim na pagmamahal dito.
Masayang binati ni Jane si Tan. “Hi Tan! I know we’d meet again.”
Hindi alam ni Tan kung ano ang gagawin. Kung idededma na lang ito o batiin din ang bisita. Litong-lito na ang binata, dahil sabi ng puso niya’y hindi gusto ni Tan si Jane, pero sabi naman ng damdamin niya’y may lihim itong pagmamahal sa dalaga.
“I wish the ground would open and swallow me whole…” bulong ni Tan sa sarili. Ilang saglit pa’y dahan-dahan niyang tiningnan si Jane mula ulo hanggang paa. Hindi naman madi-deny ni Tan ang pagkahumaling nito sa dalaga.
Maya-maya pa’y binati na rin ni Tan si Jane.
“Hi… J-jane…”
ITUTULOY….
[AUTHOR’S NOTE: I can really feel the struggle while writing this chapter. Two days na akong nagplano ng mga next scenes ng chapter na ito. Medyo tinatamad na rin akong magsulat, pero pipilitin ko pa rin itong ituloy kahit kaunti na lang ang bumabasa nito. Because of this, baka hindi na daily ang magiging updates ng series na ito. Pero don’t worry, mga paps. I’ll still continue updating the series for you, guys. Mahal ko kayong lahat!]
P.S. My sincerest apolgies again for the late update.
- Haplos Ng Langit – Chapter 20: Our Last Song Together - February 18, 2021
- Haplos Ng Langit – Chapter 19: Shower Me With Your Love - February 2, 2021
- Haplos Ng Langit – Chapter 18: This Feeling Of Euphoria - January 22, 2021