Written by aero.cock78
Continuation…
Pinaupo ni Robin sa lamisa si Angelica at kinuha sa cabinet ang first aid kit box at inumpisahang gamutin ang sugat nito…
Hawak hawak nya ang mga kamay nito at inumpisahang ginamot ang sugat nito…
Habang ginagamot ni Robin ang sugat ni Angelica ay nakatingin ito kay Robin.. Di nya ikakaila na dahan dahang nahuhulog ang kanyang loob sa binata.. Kahit malibog ito na kanyang ikina dismaya ay hanga pa din ito dito dahil sa ipinakitang pagka maginoo ni Robin sa kanya..
Matapos magamot ni Robin ang sugat ni Angelica ay nakarinig sila ng may tumatawag sa labas ng bahay…
Agad namang pinuntahan ni Robin upang i check kung sinong tumatawag na bisita sa labas ng kanyang bahay…
“oyyy ate yolly.. Magandang umaga po.. Aga nyo pong bumisita?.. Pasok po kayo ate..”.. Ang anyaya ni Robin sa kanyang bisita..
“salamat Robin”.. Ang nakangiting tugon naman nya at sumunod sya kay Robin papasok ng bahay…
“ma..”.. natigilan si Angelica sa kanyang nakita.. Nakita nya si yolly at naalala nya na nakita na nya ito.. Di nya maalala kung saan ba nya ito nakita..
“magandang umaga po”.. Ang bati ulit ni Angelica sa pagkaputol ng kanya sanang sasabihin, sabay pasalamat nya sa kanyang sarili na nakapagsalita sya ng maayos ngunit pilit inaalala pa din kung saan nya nakita ang babae.. Dahil familiar sa kanya ang mukha nito at alam nya na nakita na nya ito ngunit di nya lang maalala kung saan…
“magandang umaga din”.. Ang bati ni yolly habang nakatitig din kay Angelica at nag iisip din kung saan nya nakita si Angelica dahil naalala nyang nakita nya na din ito,di nya lang maalala kung saan nya ito nakita..
Pagkatapos batiin din ni yolly si Angelica ay napatingin ito kay Robin..
“Kukuha muna ako ng kape para makapagkape po kayo..”.. Ang nakangiting turan ni Angelica kay yolly… At sabay nito talikod at pumunta sa kusina para kumuha ng kape ng bisita ni Robin..
Habang kumukuha si Angelica ng kape ay pilit pa ding inaalala kung saan nya nakita ang bisita ni Robin dahil pamilyar ito sa kanya.. Nakakunot ang kanyang noo at patuloy na nag iisip..
“saan ko ba nakita yung ale na yun? I know nakita ko na sya.. Di ko lang maalala kung saan”.. Ang pabulong na turan ni Angelica sa kanyang sarili habang patuloy pa din sa pag aayus ng kape ng bisita ni Robin…
“ahh may kasama ka pala dito Robin.. Nag asawa ka na ba?.. Ang medyo pabulong na turan ni yolly kay Robin na nakangiti..
” a..di.. pa po ate yolly.. Kaibigan po sya ng tiyahin ko nag bakasyun lang dito sa atin.. Dito muna sya tumigil at ipinagamit ko muna sa kanya ang lumang bahay para doon sya muna tumira habang naka bakasyun sya dito..
” ahh ganun ba? “.. Ang turan ni yolly at sabay biglang dumaan sa kanyang isipan nung nasa bus sila ng kanyang anak at pauwi sila sa probinsya.. Nakasabay nya si Angelica sa bus at sa isang hilira lang sila ng upuan.. Yun din yung araw na di na nya nakita ang kayang mister na si pido dahil di na ito nakauwi sa kanila at nalaman na lang nya sa mga pulis na isang malamig na bangkay na si pido kasama nito ang kaibigang si timyong na wala ng buhay din ng makita ng mga alagad ng batas…
Naalala na nya kung saan nya nakita si Angelica at di nya alam na itoy kaibigan pala ng tiyahin ni Robin.. Bago lang sa kanya ang mukha ni Angelica.. Nauna silang bumaba ng kanyang anak kaya di nya alam na kung saan ito bumaba..
“ate?”.. Lalim ata ng iniisip mo.. “.. Ang turan ni Robin sa kanya na nagpabalik ng kanyang diwa..
” ahh.. May naalala lang ako Rob.. Ang nakangiti na turan ni yolly.. At dumulog silang dalawa sa lamisa at doon naupo..
Pagkaupo nilang dalawa ni Robin sa lamisa ay agad tinanung ni Robin si yolly ng kanyang di inaasahang pag bisita..
” ate yolly anung atin?”.. Maaga kang pumunta? “.. Tungkol ba ito sa palayan ate?”..
“ahh hindi Rob.. Tungkol ito sa lead na natuklasan ni inspector agoncillo sa pagkamatay ni kuya mo pido..”.. Ang turan ni yolly kay Robin..
Nagulat si yolly at Robin ng kumalampag sa sahig ang kutsaritang dala ni Angelica na nahulog sa nakalagay na platito na may isang tasa ng kape..
Napalingon sila Robin at yolly ng sabay sa kinaroroonan ni Angelica..
” ay sorry.. Nahulog ang kutsarita..”..ang pag hingi ng paumanhin ni Angelica..
Napatayo naman si Robin at inalalayan si Angelica..
“ok lang angel at dali dali nyang pinulot ang kutsarita na nahulog sa sahig nung ilalagay na nya pabalik sa hawak ni Angelica na platito na may kape ay di nakaligtas sa paningin ni Robin ang panginginig ng kamay ni Angelica na nakahawak sa platito…
” ahh sa.. salamat Rob..”.. Ang turan ni Angelica..
“ok ka lang angel?”.. Ang tanung ni Rob ng makita ang biglang pagbago ng mukha ni Angelica, bigla itong namutla at nanginig..
Agad namang kinuha ni Robin ang dala ni Angelica na kape at sya na ang nag lagay nito sa harap ng bisitang si yolly..
“ahh.. Medyo sumama lang yung pakiramdam ko nahilo ako bigla Rob.. Pasok muna ako sa kwarto ha”.. Maiwan ko po muna kayo ate”.. Ang paalam ni Angelica na nakangiti kay yolly.. At sabay itong nag lakad palabas ng bahay at dumiritso ito sa lumang bahay kung saan sya titigil na..
Ngiti lang ang iginanti ni yolly kay Angelica.. Di na din nakapagsalita si Robin at sinundan nalang ng tingin si Angelica habang naglalakad papalabas ng kanyang bahay..
“ahh pasensia kana ate.. May nararamdaman ata si Angelica..” mag kape ka muna ate.. “ang nakangiti nitong turan kay yolly..
Tumingin lang si yolly kay Robin at humigop ng kape.. Ngunit nag tataka sya sa mukha nito na biglang namutla.. Nalilito man sa kanyang na obserbahan ngunit isinantabi nya nalang muna ito.. Ngunit nakaramdam sya ng kaba dahil di sya nagkakamali na ito ang babae na nakasabay nila ng kanyang anak sa bus habang pauwi sila sa probinsya..
” ahh Angelica pala yung pangalan nya Rob? .. ” ang turan ni yolly matapos humigop ng mainit na kape..
“opo ate..”.. Ang matipid na turan ni Robin..
“ahh sya nga pala ate ano nga pala yung sabi mo kanina?”.. Ang muling tanung ni Robin kay yolly..
Pagkatapos makarating si Angelica sa kwarto ay agad itong naupo sa kama.. Di sya nag kakamali.. Sa bus nya nakita ang babae na bisita ni Robin.. May kasama itong bata na sa tingin nya ay anak nya ito.. Nadinig nya ang salaysay nito kay Robin.. Di sya makapaniwala sa kanyang nadinig na asawa pala ito ng isa sa matanda na kanyang napatay.. Asawa pala ito ni pido na trabahanti ni Robin..
Nakaramdam si Angelica ng takot sa mga oras na yun..
“napakaliit ng mundo..asawa pala yun ng napatay ko..”.. Ang bulong na turan ni Angelica sa kanyang sarili kasabay ng pag agos ng kanyang luha sa kanyang mga mata..
“bakit kaya sya bumisita kay Robin?”.. Ang namuong tanung sa isipan ni Angelica sa mga oras na yun..
Ikinisap nya ang kanyang mata at tumingin sya sa diriksyun kung saan sina Robin at yolly na nag uusap at tumagos ang tingin nya dito at pati ang kanyang pandinig ay maliwanag na naririnig nya ang mga pag uusap nito.. Nag pasalamat si Angelica sa kanyang kakayahan dahil sa kanyang kakayahang iyun ay nadidinig nya ang pag uusap nila Robin at ng kanyang bisita..
“yun nga din ang ipinunta ni inspector Agoncillo dito ate eh, ipinakita nya sa akin ang mga laman ng malita na natagpuan, at puro lahat gamit ng pangbabae ang nasa loob nito.. Wala silang makita na id man lang o pagkakakilanlan kung sino ang may ari ng nasabing malita.. ” ang salaysay ni Robin kay yolly…
” sana makita na ang salarin ng malita na yun.. “ang turan ni yolly habang tumulo na ang luha sa kanyang mga mata dahil sa pighating nadarama sa sinapit ng kanyang asawa…
” wag kang mag alala ate yolly, malalaman naman kung sino ang salarin dahil sigurado akung kukunin nila ang finger print nito na nakakapit sa malita, umasa lang tayo na sanay di mabura ang finger print dito at para ma trace up na kung sino ang nag mamay ari ng malitang iyon na makakabigay liwanag sa pagkamatay nila kuya pido at timyung.. “.. Ang turan ni Robin habang tinatapik ang likuran nito at binibigyan ng comfort sa pighating nadarama..
Napatakip ng bibig si Angelica at halos mawalan sya ng malay sa kaba na nadarama ng madinig ang sinabi ni Robin tungkol sa finger print na kanyang tinukoy.. Kinabahan sya lalo..dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata.. Ngayun lang sya naka dama ng takot sa buong buhay nya..
Tuluyan ng umiyak si Angelica sa madilim na buhay na kanyang hinaharap.. Mas lalo ng lumiliit ang mundo na kanyang ginagalawan at aminado sya na di mag tatagal ay malalaman ang kanyang kasalanang ginawa..
“kilangan ko nang umalis sa lugar na ito.. Ayaw kung madamay si robin, kaya habang di nya alam ang nangyari ay aalis na ako..” ang bulong ni Angelica sa kanyang sarili habang pinapahid ang mga luha sa kanyang mga mata..
Itutuloy…
- Kaputol (31) - May 11, 2022
- Kaputol (30) - May 8, 2022
- Kaputol (29) - May 7, 2022