Kabilang Mundo 9 – 10

Fiction-Factory
Kabilang Mundo

Written by Fiction-Factory

 

Kabilang Mundo 9

 

Please refer to the previous part

(Kapitulo Biente-Uno)

Napakalakas ni Jacob, lumiyad lang siya ng bahagya at napaalsa na agad ako.

Napabitaw ako sa kanya.

Napaatras ako, natumba at napaupo sa lupa.

Mukhang hindi na siya magpapaawat.

Nagalit na siya ng husto.

Ganito pala siya magalit, nakakatakot, nakakasindak.

Napansin ko ang mga kasama ng lalaki, magsisipagtayuan na sana sila ngunit hindi pa man nila nagagawang tumayo ay inihagis ni jacob ang sinasakal niyang lalaki sa mesa nila.

Tumilapon at parang lumipad ang lalaki sa ibabaw ng mesang pinag-iinuman nila na nasa gitna nila, mesang yari sa kahoy, at sa sobrang lakas ng pagkakahagis niya ay nagsipagtalsikan ang mga baso, bote at lahat ng nakapatong doon, atsaka nawasak ang mesa.

Humandusay ang lalaki at nangingisay sa sakit. Hindi makatayo at namimilipit ang katawan.

Nagulantang naman ang mga kasama niya, akala ko ay susugurin nila at pagtutulong-tulungan nila si jacob, ngunit lahat sila’y nagsitakbuhan maliban sa isang nagtatapang-tapangang tampalasan.

Parang hindi man lang natinag sa pinamalas na paglampaso ni jacob sa kasama niya.

Matangkad siya, mas matangkad kay jacob at bato-bato pa ang matipunong katawan. Wala pa siyang damit at napaka-barumbado niyang tignan.

Lumapit siya kay jacob, ngunit bago pa siya makaporma ay mas nauna ng nakalapit si jacob sa kanya.

Ang bilis! parang hangin si jacob, tapos binigyan niya ng simpleng suntok ang tampalasang lalaki. Isang banayad na suntok sa sikmura.

Pagdampi ng kamao ni jacob sa tiyan ng lalaki ay nanlaki ang mga mata nito, halos lumuwa na ang mga mata niya, napansin ko pang umalsa ang mga paa niya sa lupa at napaatras siya.

Pagkatapos no’n, hinawakan niya ang tiyan niya.

Namimilipit sa sakit at nagsususuka ng dugo habang hindi mawari kung saang direksyon siya tatakbo.

Kanhindig-hindik! Alam kong mahina lang ang pinakawalang suntok ni jacob ngunit napakatindi ng epekto sa lalaki.

Pagtingin ko kay jacob.

Kakaiba na ang aura niya, ang mga mata niya’y naging kulay puti at nawala ang mga eyeballs niya.

Nakakapangilabot ang hitsura niya.

Ganito pala siya magalit!

Kaya pala pinipigilan niya ang sarili niya kanina.

Naku pa’no ko kaya siya pipigilan?

Bakit ko ba siya pinasubo sa away kalye?

Lumapit sa akin ang babaeng ipinagtanggol namin, niyakap niya ako at pareho kaming nakatingin kay jacob.

“Pigilan mo siya! kundi mawawala siya sa kanyang sarili at kahit tayo’y hindi na niya makikilala! Baka may mapatay siya at baka pati tayo ay patayin niya.”

sabi niya.

Nagulat ako sakanya, pa’no niya nalaman ang bagay na ‘yon? Kilala ba niya si jacob? Ba’t gano’n siya magsalita?

Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaking papalapit sa amin, papalapit kay jacob.

Natitiyak kong hindi siya kasama ng mga balasubas na ‘yon.

Magpapakamatay ba ang lalaking ito?

Kung ako sakanya ay hindi ko na lalabanan si jacob, dahil sa pambihirang lakas niya ay siguradong mamamatay lang din ako.

Nilingon siya ni jacob, tapos biglang lumabas ang nakakapangilabot niyang higanteng wolf na si saiyha sa harap niya na hindi ko alam kung saan nanaman nagmula.

Teka, mukhang hindi lang si saiyha, kundi tatlong wolf ang lumabas kay jacob.

RROOOAAAARRR

Tumakbo sila ng mabilis.

Sinalubong nila ang lalaking papalapit,

at habang naglalakad ang lalaki ay may iba’t-ibang anyo at hugis ang nililikha ng kanyang mga daliri, tapos parang may mga katagang binubulong siya, at nang mapatingin ako sa mga mata niya, biglang may kulay pulang umiikot-ikot sa mga eyeballs niya. Napakabilis at parang aspiral.

Biglang nanikip ang dibdib ko, nahihirapan akong huminga.

“ano kayang nangyayari?”

sa isip ko habang hinahabol-habol ang hininga ko.

Teka! Ba’t hindi ako makagalaw?

at bakit lahat sila ay napahinto rin?

Parang mga estatwa at sa isang iglap lang ay natigilan ang lahat.

Maging ang tatlong wolf ay natigilan din.

An all of a sudden pause.

Hindi ako makakilos at wala akong magawa kundi isunod ang mga eyeballs ko sa lalaki.

Siya lang ang natatanging tao ngayon na nakakakilos at nakakalakad sa mga oras na ‘to.

Ibig sabihin, siya ang dahilan kung bakit hindi kami makagalaw! Anong klaseng majika kaya ang ginagamit niya?

Lumapit siya kay jacob, tapos narinig ko siyang nagsalita.

“Bakit mo sinasayang ang lakas mo sa mga mortal, Jake? Hanggang ngayon talaga hindi mo parin kayang pigilan ang sarili mo!”

sabi niya kay jacob habang pailing-iling ang ulo.

Mukhang kilala ng lalaking ito si jacob.

Tapos may dinukot siya sa loob ng jacket niya, parang stainless na lalagyan ng alak.

Tama, alak nga na kanyang ininom.

Hindi rin nagtagal ay nakagalaw din ako at nanumbalik sa normal ang paghinga ko, dahil kung nagtagal pa ako sa gano’n ay malamang ikamamatay ko.

Gayundin, nagbalik na sa dati ang lahat, parang bumalik na muli sa pagikot ang oras.

Bigla namang naglaho at nabura muli sa hangin ang mga wolf, habang si jacob ay napaluhod sa lupa.

Parang pagod na pagod at hingal na hingal, at ang mga kuko niya at mga mata ay nagbalik narin sa normal.

Ngunit bigla siyang nawalan ng malay at tuluyang bumagsak at napadukmo ang katawan niya sa lupa.

Sumunod ay lumapit ang misteryosong lalaki sa katabi kong babae.

Matatalim ang mga matang itinuon niya sa babae.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, napakaamo at napakabait, tila ba nakita ko na siya kung saan, at parang magaan at panatag ang loob ko sakanya.

“Sino ka nga bang talaga huh?! bakit hindi ka tinablan ng jitsu ko?”

tanong niya sa babae.

Teka! Jitsu? Parang narinig ko na ang salita, pero ‘di ko matukoy kung saan, at bakit kaya hindi tinablan ang babaeng ito?

“tignan mo nga naman ang pagkakataon, ito ba’y naka-tadhanang kapalaran?!”

ang malalim na katagang naisagot ng babae ng may matamis na ngiti sa mukha.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

Panandaliang natahimik ang paligid.

Tumakbo ako papunta kay jacob, gayundin ang babae at iniwan lang ang kausap niyang misteryosong lalaki.

“tara kuya, magpunta tayo sa bahay ko, gamutin natin ang pasa mo sa mukha.”

kinakausap niya si jacob kahit alam naman niyang wala siyang malay.

“teka binibini, sa kinikilos mo mukhang kilala mo si jacob, sino ka nga bang talaga?”

hindi ko na matiis kaya nagtanong na ako.

“hmp! Hindi lang si kuya jacob, pati ikaw at si kuya tony.”

sagot niya habang ipinapatong ang kamay ni jacob sa balikat niya.

“huh?! tony preacher ba? kilala mo rin siya? Pa’no mo kami nakilala?!”

napahinto siya sa tanong ko at tinignan niya ako sa aking mga mata.

“hindi mo na ba ako natatandaan ate maita? Ako si maya.”

nagtatakang tanong niya habang magkatinginan kami.

Panandalian akong nag-isip.

Humugot ng ala-ala sa aking isipan.

Kilala ako ng babaeng ito, samantalang ngayon ko lang siya nakita.

“Maya??x?!”

maya. maya. maya.

Binuhay ko ang ala-ala ko pero hindi ko talaga siya matandaan.

“talagang hindi mo siya maaalala dahil nakilala mo siya sa kabilang mundo”

sabat naman ng lalaking nasa likod namin.

Naalala ko bigla ang sinabi sa’kin ni jacob.

Hindi ko maaalala ang mga nangyari sa akin nung mga oras na patay ako.

“kung gayon, hindi ka rin niya natatandaan kuya tony?”

hinarap ni maya ang lalaki.

“Tony?!”

nanlaki ang mga mata ko at marahang nagpukol ng tingin sa lalaki.

Ang lalaking ito ba ay ang tinutukoy ni jacob na kauna-unahang human vampire?

Ang lalaking napagkamalan ni daddy na bumuhay sa ‘kin at ang lalaking nakasama ko sa kabilang mundo?

Kaya pala napakagaan ng loob ko sakanya dahil malaki ang utang na loob ko sakanya.

Pero ang sabi ni daddy at ni jacob ay patay na si tony, pero heto ngayon siya nakatayo sa harapan ko at buhay na buhay.

“teka! teka! Pwede bang sa bahay na tayo mag-usap? Baka hindi na magising si kuya jacob niyan eh!”

si maya.

(Kapitulo Biente-Dos)

“…..at ‘yon ang totoong nangyari. Patawarin mo ‘ko maita, kung ako lang sana ang nagbalik ng buhay mo ay hindi ka na hahantong sa ganito.”

Pinaliwanag ni tony sa akin ang lahat ng nangyari sa amin sa kabilang mundo, at maging ang puno’t-dulo ng misteryong nangyayari ngayon sa buhay ko.

Nakatayo siya sa tabi ng pinto, habang kami ni maya ay nakaupo sa sofa sa tapat ni jacob na nakahiga naman.

Si maya na nakasama din namin noon ang nagpatunay sa lahat ng kanyang sinabi, dahil kung hindi ay hindi ko talaga siya paniniwalaan dahil umiinom siya ng alak habang kinakausap ako.

May baon siyang lagayan ng alak, isang 250ml stainless steel na sakto lang sa bulsa.

Tinotongga niya ‘yon paminsan-minsan.

“pero bakit si maya naaalala niyang lahat?!”

sumunod kong tanong.

“hmm… hindi ko nga rin alam eh! Hindi ko rin alam kung bakit hindi rin tumalab sa kanya ang genjitsu ko. maya, bakit nga ba?”

pagtataka din ni tony.

“dahil nagmula siya sa lipi ng mga matatapang na nilalang, walang bahid ni katiting na takot! Siya ang hinahanap natin”

si jacob ang sumagot na biglang bumangon sa sofa.

Sa wakas ay nagising din siya.

“huh?! Ikaw ang huling witchcrafter?”

Bigla kong hinarap si maya at napahawak sa mga balikat niya.

“naku naku hindi! Ako man nagtataka kung bakit ako muling nabuhay eh! at hindi ko rin alam kung bakit naaalala ko ang mga naganap sa kabilang mundo”

naging siryoso ang hitsura niya.

“pero ayon sa lola ko, nagmula din kami sa lahi ng mga witch! Mukhang siya ang makakasagot sa mga tanong niyo”

sambit niya.

“ah talaga?! Sa pagkakaalam ko, naputol na ang lahi ni King Potter sa panahon ni Hansel at Gretel.”

ayon naman kay jacob.

“Tama! Ngunit galing kami sa lahi ng half-human, half-witch. Sa panibagong lahi ni Hansel.”

sagot naman ni maya.

“edi isa ka ngang witch?!”

tanong ko.

“hindi nga ako witch! Sa pag-usad ng panahon, hindi na naisalin ang paggamit ng salamangka ng mga witchcrafter para sabayan ang makabagong panahon. Gawa narin ng takot nila na baka maulit nanaman ang ginawa ng taong-bayan sa mga ninuno namin. Walang awa nilang sinunog ang mga bahay at ang lahat ng witch, sinunog nila ng buhay.”

paliwanag ni maya.

“pero maya, ayon sa mga ninuno ko, imortal daw ang huling witchcrafter, kung isa kang witch, siguradong kilala mo siya.”

wika ni jacob.

“kilala ko siya pero hindi ko pa siya nakita. Siya ang kaisa-isang anak ni Gretel. Ang pangalan niya ay Maria. Si lola, mas higit niya tayong masasagot.”

“kung gayon, ano pang hinihintay natin? Puntahan na natin ang lola mo”

Sabat ni tony habang tinotongga nanaman ang hawak niyang alak.

Naagaw niya ang pansin ni jacob.

“oh tony, buhay ka na pala…”

Naitanong niya.

Tatlo na kami ngayong namatay at muling nabuhay.

Napakahiwaga, hindi kapani-paniwala pero heto at nangyayari na nga.

“‘wag kang magtaka jacob, alam mo namang immortal tayo.”

Sagot ni tony sabay toma nanaman sa hawak niyang alak.

“magdiwang ka na tony, ilang beses ka na ring namatay at nabuhay, mukhang mamalasin ka na sa susunod!”

banta niya kay tony at masama ang tingin nila sa isa’t-isa.

“uhm. Magpahinga muna kayo dito. Palipasin na natin ang gabi. Bukas, tatahakin natin ang bayang pinagmulan ko. Sa bundok makiling”

sambit ni maya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni jacob nang marinig ang salitang bundok.

Mukhang ito na nga ang hinahanap naming bundok sinai.

Umaayon sa amin ang pagkakataon.

“bundok makiling?!”

pagkumpirma ko.

“oo. ang Bundok Makiling o ang makasaysayang bundok ng sinai”

Tumpak!

(Kapitulo Biente-Tres)

Malamig ang hangin at napakasarap matulog.

Ngunit heto ako, gising na gising at hindi makatulog.

Nakaramdam ako ng pagkagutom, nagtataka ako dahil kakakain lang namin kanina pero gutom nanaman ako.

Pagtingin ko sa wallclock, pumalo ng alas-diyes ng gabi.

Tutal maaga pa, bumangon ako para bumili ng makakain sa labas. Hindi ko na ginising ang katabi kong si maya, at maging si tony at jacob.

Paglabas ko ng apartment, suminghot agad ako ng hangin.

Maaliwalas ang gabi, kay daming tao sa kalsada. Isang tipikal na makabagong siyudad.

Naglakad ako at naghanap kung ano’ng makakain.

Nadaanan ko ang isang kainan ng mami, siomai at dimsum. Tamang-tama, ito ang gustong-gusto kong snacks sa mga ganitong oras.

Umorder ako ng mami at dimsum at pagkatapos umupo sa tabi ng isang babaeng kumakain din.

“miss, makikiupo ha?”

Paumanhin ko.

Tumango lang siya at hindi na kumibo.

Teka! Parang pumait ata ang panlasa ko ah! Wala naman akong lagnat o sakit, malamang mapait lang talaga ang mami na ‘to. Dahil sa gutom ko ay tinuloy ko parin ang pagkain. Dire-diretso ang pagsubo ko ng noodles at dimsum, ngunit mga ilang saglit lang ay naramdaman kong biglang sumakit ang tiyan ko, parang bumaliktad ang sikmura ko.

“aaahhhggg”

ang sakit! Napahawak ako sa tiyan ko at nakabig ko pa ang bowl ng mami na tumilapon sa mesa.

“miss, ayos ka lang?!”

bigla namang naalarma ang babaeng katabi ko na hinimas-himas pa ang likod ko.

Pinagtinginan ako ng lahat ng taong nasa paligid.

“ayos lang ako”

Pagkukunwari ko para maiwasan ang ano mang eskandalo o kahihiyan kahit pa sobrang nahihirapan na ako.

Pakiramdam ko ay parang maduduwal ako at sa isang iglap lang ay bigla akong nagsususuka. Inilabas ko ang lahat ng kinain kong mami at dimsum.

Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit ganito ang pakiramdam ko?

Parang ayaw tanggapin ng sikmura ko ang kinain ko.

“Honey, pumunta ka muna dito bilis!”

isang tawag sa cellphone ang ginawa ng babaeng katabi ko.

“okay ka lang miss?! Hintayin natin yung boyfriend ko, dadalhin kita sa ospital”

pagmamalasakit niya.

“hindi na miss. Ayos lang ako. salamat nalang…”

pagtanggi ko.

Mukhang bumubuti narin kasi ang pakiramdam ko matapos kong isuka ang lahat ng kinain ko.

“sigurado ka? Naku baka naglilihi ka rin katulad ko?”

sabi pa niya.

“naku miss, hindi naman ako naglilihi. Wala lang ito, napakabuti mo”

pinunasan ko ang bibig ko maging ang mga mata ko.

Napaluha ako dahil sa pagsusuka, ngunit may halong luha nang maalala ko ang nobyo ko.

Paano ako maglilihi kung matagal ko ng hindi nakakapiling ang nobyo kong si Ron.

Kumusta na kaya siya? Alam kaya niya na muli akong nabuhay? Ano kayang ginawa niya nang mga panahong patay ako?

Teka! Naisip ko kaya na puntahan siya nang mga panahong kaluluwa ako? Ang tanga ko, ba’t di ko naitanong kay maya ang bagay na ‘yon?

“naglilihi ka pala? Sa tingin ko napakabata mo pa para magbuntis”

nakipagkwentuhan muna ako habang hinihintay ang tuluyang paghupa ng nararamdaman kong sakit.

“oo nga eh. Hindi kasi marunong mag-ingat ang boyfriend ko.”

sagot niya.

“teka, ano nga palang pangalan mo?”

tanong niya ng may ngiti sa mga labi.

“maita. Eh ikaw?”

“ako nga pala si Lisa.”

sagot niya habang inaabot niya ang kanyang kamay.

To be continued…

Fiction-Factory

 

Chapter 10

 

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Biente-Kwatro)

Nawala na ang sakit ng tiyan ko, ngunit napalitan naman ng kakaibang kaba sa damdamin nang makita ko ang isang lalaking naglalakad sa may likuran ni lisa.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya si Ron na nobyo ko, bakit siya nandito?
Papalapit ba siya sa akin?

Hinawi-hawi ko ang buhok ko sa harap para matakpan ang mukha ko, tapos yumuko ako ng bahagya para hindi niya ako makilala.
Ewan ko ba kung bakit parang hindi pa ako handang magpakita sa kanya.
Laking gulat ko nang huminto siya sa likod ni lisa, dahil pagkalapit na pagkalapit niya kay lisa ay bigla niya itong hinalikan sa pisngi mula sa likod ni lisa.

“aay!”
pagkagulat ni lisa.

Kung gano’n siya pala ang lalaking tinutukoy ni lisa na boyfriend niya at nakabuntis sakanya.
Kumakabog ang dibdib ko, ang sama-sama ng loob ko.
Ngayon sa halik na ‘yon ay natitiyak kong nangangalunya sa akin si Ron, lalo na’t naglilihi na si Lisa, ibig sabihin, matagal na rin ang relasyon nila, at ibig sabihin ay matagal na akong niloloko ni ron.

“Hon, i would like you to meet, maita…”
tila natigilan si ron nang marinig niya ang pangalan ko.

Inayos ko ang aking sarili.
Marahan siyang lumingon sa akin na aking namang inabangan.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako, nakilala niya siguro ako, tapos hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

“ehem!!! Ah, lisa, mauna na ako sa inyo, mukhang sumasama nanaman ang pakiramdam ko..”
paalam ko para iwasan na itong nasasaksihan ko.

“gano’n ba. Ihahatid ka na namin”
alok naman ni lisa.

“hindi. Hindi na, baka maabala ko pa kayo.”
sagot ko, pero ang totoo ay hindi ko na kayang makita pa si ron. Hindi ko na siya masikmura. Nasusuka ako sakanya at nasusuklam.

Pagtayo ko ay bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo, parang nayanig ang buong paligid, marahil dala lang ng gutom.
Minulat-mulat ko ang mga mata ko at hindi ako nagpahalata sa kanila.

“sigurado ka ba maita? Ingat nalang ha? Kinagagalak kong makilala ka.”
habilin ni lisa sa akin.
Napakatamis ng kanyang ngiti, gusto ko man siyang awayin at komprontahin ay hindi ko magawa. Napakabait niya, magiliw at matulungin. Hahayaan ko na lamang sila, para narin sa magiging anak nila.
Kawawang lisa, kung alam mo lang ang gawain ng lalaking kinakasama mo.

Lumayo na ako sakanila.
Naglakad na ako pabalik sa bahay nina maya kahit gutom na gutom parin ako.
Nilingon ko pa sila sa huling pagkakataon.
Napansin ko si ron na naglalakad papunta sa akin habang si lisa ay sumakay sa kotse ni ron.
Mukhang hinahabol ako ni ron kasabay ng pagsenyas niya sa akin para huminto.

Ayoko na siyang makausap pa! Nanggagalaiti ako sa kanya, at para hindi niya matunton ang tinutuluyan ko ay nilampasan ko ang apartment ni maya.
Dumiretso ako, tapos may nakita akong eskinita, isang eskinita na nagawa dahil sa magkabilang matataas na pader ng gusali, siguro isang kotse lang ang kakasya dito.

Kahit madilim ay lakas-loob parin akong pumasok, buti nalang at medyo nasisinagan parin ng sikat ng buwan.

Napahinto ako sa kalagitnaan dahil biglang nanlabo ang paningin ko. Minulat-mulat ko ang aking mga mata at sa huli ay biglang nag-iba ang paligid, ang kaninang madilim ay biglang nagliwanag, ngunit parang natapalan ng ibang kulay, naging kulay pula, at kahit saan ako lumingon ay nando’n parin talaga ang mamula-mulang kulay, parang monochromatic reddish.
Napalunok ako at nagsimulang magtaka.

“ano nanaman kayang nangyayari sa’kin ngayon?” sa isip ko.

“Mai, ikaw nga ba ‘yan?!”
biglang may nagsalita mula sa likod ko.

Heto na, nagawa akong habulin ni ron.
paglingon ko, nagulantang nalang ako sa nakita ko sa kanya, parang x-ray vision, tumatagos ang tingin ko sa kanya, kahit pa balot na balot ng pantalon at jocket ang katawan niya.
Kitang-kita ang puso niya, kitang-kita ko ang pagtibok nito at ang mga ugat niyang nakakalat sa buong katawan niya, ugat sa kamay, sa paa, buong katawan at sa leeg niya, mga ugat na nakakonekta lahat sa puso niya.

“‘wag kang lalapit!”
mariin kong sabi dahil bigla akong nakaramdam ng takot.

“patawarin mo’ko mai, hindi ko nasabi sa’yo”
patuloy siyang nagsasalita habang nag-aalangang humakbang papalapit sa akin.

Biglang sumakit ang mga ngipin ko. Napakasakit. Napahawak ako sa bibig ko at napaupo sa sobrang sakit.

“aaaahhhhggg ahhhh aaahh”

parang may kung anong gumagalaw sa mga ngipin ko. Parang binubunot na hindi ko maipaliwanag.

“ayos ka lang mai? Anong nangyayari sa’yo?!” pag-aalala ni Ron.

“aahh aaahhh aaahh”

Patuloy ang pagdaing ko sa mga ngipin ko, namimilipit ako sa sakit at hindi ko mawari kung papa’no ko iiikot ang aking katawan.

“mai, mai, ayos ka lang ba?!”
si ron na ngayo’y sinamantala ang pagkakataon para himasin ang likod ko.

Itinaas ko ang aking kamay at hinarang ko siya para senyasan na huwag akong hawakan at layuan niya ako.
Hindi ko talaga magawang magsalita, at biglang may magkabilang ngipin ko na humaba at sumayad sa lower lip ko.

“Huh?!”

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang matiyak ko sa sarili ko na tinutubuan ako ng pangil.
Tama! Humaba nga ang mga pangil ko.
Pero wala pang ikatlong-araw ha!

Pinilit kong tumayo at hinarap ko si ron, tinaboy-taboy ko siya habang tinatakpan ang bibig ko.

“huh?! Mai, bakit pula ang mga mata mo?! Ano bang nangyayari sa’yo?!”
nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Pulang-pula ang paningin ko tapos pula din ang mga mata ko?
Hindi kaya’t bampira na ako?!

Medyo humuhupa na ang sakit na nadarama ko ngunit itong si ron ay ayaw talagang umalis.

Pumikit ako at huminga ng malalim, hindi ko parin matanggal ang kamay ko sa bibig ko.
Ayokong makita niya ang mga pangil ko.

Bigla akong niyakap ni ron. Yakap ng pagkasabik, mahigpit na mahigpit.
Gusto ko mang pumalag ngunit aaminin kong gusto ko rin ang yakap niya. Aaminin kong namimiss ko pa rin siya kahit papa’no. Ang masarap niyang halik at ang mainit niyang katawan.
Bigla nalang tumulo ang luha ko sa dulo ng aking mata. Luha para sakanya na minahal ko ngunit ngayo’y pagmamay-ari ng iba.

Napatingin ako sa leeg niya, kitang-kita ko ang matabang ugat na humuhulma dito, nakaramdam ako ng kakaiba, parang inaakit ako ng husto. Naramdaman kong muli ang pagkagutom, ngunit nakakapagtakang hindi kanin o ulam ang hinahanap ko.
Natutuyo na ang lalamunan ko, parang may gayuma ang dugo ni ron na umaakit sa akin.

Yakap-yakap niya ang katawan ko at bigla niya akong iniangat at isinandal sa pader.
Unti-unti namang nag-iinit ang buong katawan ko nang bigla niya akong halikan sa aking leeg.

“uuhhhmmmm”

Napayakap ako sa kanya.
Hindi ko naman mapigilan ang pagbuka ng bibig ko at paglabas ng mga pangil ko.

Nalilibugan na ata si ron at mabilis niyang ipinasok ang magkabila niyang kamay sa loob ng damit ko, nilamas-lamas niya ang mga suso ko habang patuloy ang masidhing halik niyang ginagawa sa leeg ko.
Ngunit nanatili akong nakatikom ang bibig.
Ayokong gumanti ng halik, ayokong malaman niya na gusto ko ang ginagawa niya at isa pa, ayokong makita niya ang mga pangil ko, ganunpaman ay walang sawa parin niya akong pinaghahalikan.

Hinayaan ko lang siya sa gusto niya, habang ako’y nakatulala at tinatanggap lang ang bawat laway niya.
Hindi pa siya nakuntento at pati ang puwet ko ay hinipo-hipo niya, nilamas-lamas niya, at ang puke ko’y sinalat-salat niya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Habang abala siya sa pagroromansa sa akin ay heto naman ako na ngayo’y titig na titig sa leeg niya, hindi ko maalis ang paningin ko sa kumikirot-kirot niyang ugat.
Punong-puno ng dugo, dugong gusto kong sipsipin.

Parang nanlalambot ang aking katawan, pakiramdam ko’y nanghihina ako, pinaikot ko ang dila ko sa mga labi ko para lawayan, para akong nawawala sa sarili, natatakam na talaga ako’t bigla ko na lamang kinagat ang ugat sa leeg ni ron.

“aaaahhhhgggg”

Naramdaman ko ang paglubog ng mga pangil ko sa leeg niya sabay sipsip sa dugo niya.
Ang sarap! Ang inaakala kong mapait na lasa ay ubod pala ng tamis! Parang lasa ng sparkling wine.

“aaahhh aaaahhh mmaaaii annonng!”

Nagpupumiglas si ron, at sa kakapumiglas niya ay nagawa niya akong itulak, nasaldak ako sa pader habang siya’y napaatras papalayo sa akin.
Hawak-hawak niya ang kanyang leeg na patuloy parin sa pagdaloy ng dugo mula sa dalawang butas.
Pinunasan ko ang dugo sa bibig ko.

“bakit mo ‘ko kinagat?! Nahihibang ka na ba?!”
Sambit niya habang patuloy na pinipigilan ang pagdaloy ng dugo sa leeg niya.

Napagtanto ko ang nangyayari.
Para akong natauhan.
Bigla akong napaupo at muli kong tinakpan ng kamay ko ang bibig ko.

“huhu umalis ka na Ron! Umalis ka naaah!”
paulit-ulit kong sinasabi kay ron kasabay ng masakit kong pag-iyak.

Walang humpay ang pag-agos ng luha ko sa mga mata ko, at ang tinig ko’y nasasakdal.
Hindi ko matanggap ang nangyayari sa’kin ngayon.
Bakit ako nagkakaganito?
Bakit sa akin pa ibinigay ang sumpang ito?

Biglang tumakbo si Ron papalayo sa akin nang maaninag niya ang hitsura ko. Ngayon, nasusubok ko ang pagmamahal niya sa akin, at napagtanto kong walang kwenta! Napaka-walang kwenta niya!
Kung mahal mo ang isang tao, hinding-hindi mo siya iiwan sa kalagitnaan ng pangangailangan, ngunit siya’y takot na takot, parang batang nakakita ng multo.

(Kapitulo Biente-Singko)

“Nagsisimula na ang propesiya ni Drakula”

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa kung saan. Paglingon ko, nakita ko si Tony.
Kulay pula parin ang nakikita ko, ngunit parang normal lang ang katawang nakikita ko sakanya, hindi tulad ng kay Ron kanina na nakikita ko ang dumadaloy na dugo sa kanyang puso at mga ugat sa katawan.

“Tony! Buti’t nar’yan ka, ano’ng nangyayari sa’kin?!”
Tanong ko nang mahimasmasan na ako.
Tumayo ako at pilit na inaayos ang sarili ko.

“‘wag kang magtaka, normal lang ‘yan, natural na natural”
sagot niya habang pilit na sinisindihan ng kanyang naglolokong lighter ang nakasalpak na sigarilyo sa bibig niya.

“Maita, tibayan mo ang loob mo, magmula sa gabing ito hanggang sa ikapitong araw ay hindi kana kakain ng kanin o ano mang klase ng pagkain.”

“huh?!x?? Bakit?!”

“Dahil mula ngayon, mabubuhay ka na sa pamamagitan ng dugo at tanging dugo lamang”
bigla siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko, kitang-kita ko ang sinseridad niya sa kanyang sinasabi, totoong-totoo.

Mula sa loob ng kanyang jacket ay dinukot niya ang alak na lagi niyang iniinom.

“Heto, kunin mo.”

Iniabot niya ito sa akin at ang mga mata niya’y nangungusap na kunin ko nga.
Walang sabi-sabi ay kinuha ko ang alak niya at ininom, para narin kumalma ako.

“ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klase ng wine, anong tatak ng wine na ito?”
Naitanong ko pa sabay inom ulit.

“tama nga ang hinala ko, unti-unti ka nang nagiging bampira! Hindi yan alak kundi dugo, at kaya masarap yan dahil dugo yan ng isang birhen na babae”
ayon sakanya.

“ano?! dugo ito ng isang birhen?! Pumatay ka?!”
pagkagulat ko at napalunok pa ako.

“hindi ako pumapatay maita, pero aaminin kong nagnanakaw ako! Tara!”

pagkasabi niya’y binuhat niya ako na parang bumuhat ng sanggol, tapos isang simpleng pagtalon lang ang ginawa niya ngunit napakataas ng inabot niya.

Napakapit ako sa balikat niya at nakatingin sa mukha niya. Nasa itaas na kami ng gusali, sa rooftop at patalon-talon lang siya sa mga bubungan ngunit hindi man lang ako nakakadama ng kaba, pakiramdam ko safe na safe ako sa mga braso niya, walang bahid ng pag-aalala na baka mahulog ako.
Napakaamo talaga ng mukha niya, kahit pa sabihin nang nasa kategorya ng kadiliman ang mga vampires na tulad niya ay talagang ibang-iba siya.
Likas sa kanya ang kabaitan, mas nangingibabaw parin ang pagiging tao niya.

Dinala niya ako sa rooftop ng isang malaki at tanyag na ospital.

“hintayin mo ‘ko dito maita”
sabi niya sa akin.

Tumango lang ako at tumalon na siya pababa ng rooftop.
Umupo ako sa isang pasamano na yari sa simento.
Medyo nanlalambot parin ako.
Malamig ang hanging dumadampi sa aking balat, napakaganda ng gabi, napakaraming bituin.
Sinasalat-salat ko ang mga pangil na lumabas sa aking bibig. Matitigas at matatalim ang mga ito. Hindi talaga ako makapaniwala na nagiging bampira ako. Bampira na ni minsan sa talambuhay ko ay hindi ko pinaniwalaan.
Sa pagmumuni-muni ko ay hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko, at hindi ko rin napansing nasa tabi ko na pala si tony.

Pinahiran ko ng mga daliri ko ang mumunting patak ng luha ko atsaka ko liningon si tony.

“oh ang bilis mo ha! Ano ‘yan?!”
ang tinutukoy ko ay ang hawak niyang limang piraso ng plastic pouch bag.

“ano pa! Edi dugo!”
sabi niya sabay abot sa akin ng isa at ang lalagyan niya’y kanyang ni-refill.

“salamat nalang sa mga masugid na nagdo-donate ng dugo at kahit papano’y may nananakaw ako”
matamis ang ngiting pinapakita ng mukha niya.

“o ano pang hinihintay mo? ‘wag kang mag-alala, lahat ng dugong nai-donate ay malinis”
sambit niya at binuksan pa niya ang pouch ng dugo na binigay niya para sa akin.

Tinititigan ko ang hawak kong dugo, parang kayhirap inumin sa pangunawang dugo ito ng tao. Ngunit natikman ko narin lang kanina kaya lakas loob ko narin itong ininom.

Napapikit pa ako sa sobrang linamnam ng iniinom ko. Hindi ko tinigilan hanggang makalahati ko, habang tumatagal ang pagdaloy ng dugo sa lalamunan ko ay nagiiba ang lasa nito, nagiging lasa ng gatas, ang sarap.
Nanumbalik ang lakas ko, pakirandam ko nga eh parang mas lalo pa akong sumigla.

Wala akong ibang magawa kundi ang tanggapin ang kapalaran ko. Ano pa kaya ang mga kakaibang mangyayari pa sa akin?

“teka, ba’t nawala na ang mga pangil ko? pati ang kulay pula sa paningin ko ay hindi ko man napansing nawala…”
Napagtanto ko nang matapos na akong makalunok ng dugo.

“humahaba lang ang mga pangil mo kapag gutom ka, at kusa ding aatras kapag busog ka na. Gayundin ang paningin mo, at ‘yan ay mararanasan mo sa tuwing magugutom ka sa dugo.”
paliwanag niya.

“tibayan mo ang sarili mo maita, hindi rin magtatagal ay manunumbalik ka rin sa dati, konting tiis na lang”
pag-comfort pa sa akin ni tony.

“salamat tony. Sa tingin ko sa ngayon, wala rin namang saysay pa ang mabuhay pa.”
ang tinutukoy ko ay si ron na nangalunyaya sa akin.

“sa limang taon naming relasyon ay minahal ko siya, at tanging siya lamang ang minahal ko ng ganito. Ngunit ngayon, dumating ang araw na kinakatakutan ko, niloko niya lang ako. May mahal na pala siyang iba.”
patuloy ko.

Naging malungkot ang emosyon ko. Bigla akong napaiyak. Napakasakit ng dinadala ko, napakabigat sa puso.

Inakbayan ako ni tony at niyakap niya ako. Kahit pa hindi siya nagsasalita ay damang-dama ko parin ang pagmamalasakit niya sa akin. Tumahimik ang paligid at tanging pagiyak ko ang maririnig. Salamat sa yapos ni tony at unti-unting lumuluwag ang pakiramdam ko.

“Sa muling pagbaba ng Hari, mawawala din ang lahat ng bagay sa mundo, lahat ng nagdurusa alang-alang sa pangalan niya ay magdiriwang.
Mawawalan ng ulirat ang tao at hindi na sila magkakakilala pa sa panibago nilang buhay na walang hanggan sa paraiso ng kanyang kaharian.”
napakunot-kilay ako, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

“Ang tinutukoy ko ay si Emmanuel.
Ang isang tao na ipinanganak na bulag na nabubuhay sa kadiliman at walang ginawa kundi magreklamo at walang ibang iniisip kundi ang makakita ay mananatiling bulag magpakailanman, ngunit ang isang tao na ipinanganak na bulag ngunit nabubuhay parin sa liwanag at sa pangalan Niya ay makakakita sa araw ng pagbaba Niya at hindi na muling mabubulag magpakailanman”
patuloy pa niya.

“Ano ka ba tony! Ang lalim ng mga binibitawan mong salita!”
pagrereklamo ko.
Napakalas tuloy ako sa yakap niya at nagkatinginan kami.

“ang pagmamahal mo para kay Ron ay pansamantala lang, katulad ng mundong ginagalawan mo. Ang sinasabi ko maita, hindi si Ron ang pinakamahalaga, kaya ‘wag mong sabihing wala narin saysay pa ang mabuhay!”

pagkasabi niya’y bigla siyang tumayo at tumindig. May isang bagay akong na-realize sa sinabi niya.

“bumalik na tayo maita, kailangan mong magpahinga, maaga pa tayong aalis bukas.
At bukas, isa ka ng ganap na bampira.”
pahuling salita niya.

Lumuhod siya at sinenyasan ako na umangkas sa likod niya.
Walang dalawang isip ay yumakap agad ako sa balikat niya, tapos pagpasan ko sa likod niya ay marahan siyang tumayo at sinalo ng magkabila niyang kamay ang magkabila kong mga hita.

Bigla siyang tumalon, napakataas na talon at nanatili kami ng matagal sa ere, sa ilalim ng bilog na buwan.
Ligaya ang nadarama ko sa moment naming ito, napayakap ako ng mahigpit, komportable talaga ako kapag siya ang kasama ko.

(Kapitulo Biente-Sais)

Alas-onse impunto.
Bagsak ang katawan ko sa kama pagdating namin ni tony sa bahay.
Ito namang si maya ay tulog na tulog sa tabi ko.

Kinumutan ko siya, pinatay ko ang ilaw at sinindihan ang lampshade.
Si tony naman ay pumuwesto sa sofa, sa may sala, habang si jacob ay nakaupo sa sahig at nakasandal lang sa pader.

Dahil sa pagod, nakatulog agad ako.
Sa kahimbingan ng tulog ko, nakaramdam ako ng panlalamig sa may parteng tiyan ko, tapos may nararamdaman din akong mga palad na humihimas-himas sa magkabila kong suso.

“uuhhmmmm….”

Unti-unting nabubuhay ang ulirat ko, at nang hindi na ako mapakali ay bigla kong naimulat ang mga mata ko.

“aahhmmmppp!”

Suminghot ako ng hangin at huminga ng malalim.
Laking gulat ko nang makita kong nakalilis ang damit ko, nakataas hanggang sa leeg ko, at maging ang suot kong bra na mabilis kong inayos.

Nagtataka ako kung bakit naka-lantad ang mga suso ko, ngunit wala namang tao sa paligid.

“hmm…mukhang iniisahan ako ng dalawan ‘to ah!”
sa isip ko.

Sino kaya sa kanilang dalawa ang di na matiis ang kalibugan, at pati ako’y pinag-interesan?
Ito namang katabi ko ay parang patay kung matulog!

Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumalik na ako sa pagtulog.
Sa pagkakataong ito ay hindi na ako makatulog.
Pumikit na lang ako at pinilit ko ang sarili ko na matulog, ngunit pagpikit na pagpikit ko ay may biglang isang kamay na tumakip sa aking bibig.

“uhmp! uhmp!”

pagmulat ko, ang mukha ni jacob ang nakita ko. Sa isang iglap lang ay nagawa niyang pumatong sa akin. Napabukaka ang mga hita ko tapos dinaganan niya ako, ito namang si maya ay walang pakialam kahit nasisipa ko na siya sa pagkakabilak ko.
Lapat na lapat ang mga katawan namin ni jacob sa isa’t-isa.

“shhh…”

Huni niya sa akin habang magkatinginan kami.
Ikinalma ko ang katawan ko para senyasan siya na hindi ako papalag, at dahil do’n ay marahan niyang tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.

“jake, bakit?!”
unang tanong ko.

“mahal kita maita, mahal na mahal. Pagbigyan mo na ako!”
sagot niya.

Umiling-iling ako habang patuloy niyang ikinikiskis ang titi niya sa kiki ko.

“kung talagang mahal mo ‘ko jake, bakit mo sa’kin ginagawa ito?”
mariin kong sabi.

“para patunayan kong mahal nga kita maita! ‘diba ganito ang ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan?!”

“tama ka jake, pero tinanong mo na ba ako kung mahal kita?”

Hindi ako makapaniwalang magagawa ni jacob sa akin ‘to.
Alam kong hindi napipigilan ang pag-ibig, pero hindi sa ganitong paraan.

“uhmp! Wala akong panahong makipagligawan maita, sa panaginip lang nangyayari ang fairy tales.”

Bigla niya akong hinalikan sa labi.
Napatulala lang ako sa kisame at itinikom ko lang ang aking bibig.

“kung katawan ko ang gusto mo jake, heto, handa kong ipaubaya sa ‘yo, dahil sa laki ng utang na loob ko sayo, pero ‘wag na ‘wag mong sasabihing mahal mo ako para lang makuha ang gusto mo!”
bulong ko sakanya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Tameme ako at nakatingin lang sa kisame, habang siya ay patuloy lang sa ginagawang paghalik sa aking mga labi at maging sa leeg ko.

Mga ilang saglit pa ay bigla siyang napahinto at nagdukmo sa balikat ko.
Sa katahimikan ng gabi ay narinig ko ang kanyang pagtangis, nasasakdal ang tinig niya sa biglaan niyang pag-iyak.

“Maita, mahal kita! mahal na mahal! Hukhuhuh”
patuloy lang siya sa pag-iyak.

“pero alam kong siya ang mahal mo…patawarin mo’ko maita…”

Naaawa na ako sa kanya. Ngayon nauunawaan ko na siya ng husto.
Kay hirap talagang magmahal, lalo na kung ang taong ‘yon ay may mahal ng iba.

Niyakap ko siya ng mahigpit para i-comfort siya.

“tahan na jake! tahan na…”

Tumayo siya at umupo sa tabi ko, sa gilid ng kama. Sinapo ng magkabilang kamay niya ang kanyang mukha.

“Ano bang nangyayari sa’kin?”
tanong niya sa sarili niya.

Hinarap niya ako at naglabas ng matamis na ngiti.

“pasensya ka na maita, wala akong inaatrasan, pero sumusuko ako sa damdamin ko…”

“ayos lang…basta huwag na ‘wag mo ng uulitin ‘yon ha?”
nginitian ko rin siya.

“ilang daan taon na akong nabubuhay pero ngayon ko lang naramdaman ‘to. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil ikaw lang ang babaeng pumansin at nagmalasakit sa akin…”
buong puso niyang pagtatapat.

“jake, mananatili ka sa edad mo habang buhay, kung sakaling makaligtas man ako, paano na kapag tumanda na ako? Siguradong mawawala na ‘yang sinasabi mong pagmamahal. Unfair sakin ‘yon ‘di ba?”
Paliwanag ko.

“kaya mas okay ng magkaibigan nalang tayo, para walang nagkakasakitan…”
patuloy ko.

Hindi na siya sumagot pa.
Lumabas nalang siya ng silid dala ang kalungkutan at pagkabigo niya sa’kin.
Iniisip ko na kung si tony kaya ang gumawa sa akin no’n?
Siguradong wala ng sali-salita at bibigay talaga ako.

To be continued…
Fiction-Factory

Fiction-Factory
Latest posts by Fiction-Factory (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x