Kabilang Mundo 6

Fiction-Factory
Kabilang Mundo

Written by Fiction-Factory

 

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Triese)

“heto na maita! dito tayo, dali!”

hinila ako ni tony papunta sa isang malaking puno.

Umupo kami at nagtago sa likod ng makakapal at madahon na gumamela na nakatanim sa baba ng puno.

“ano ba talaga ‘yon tony?”

tanong ko sa kanya habang tinatanaw-tanaw namin sila.

Nakita ko ang linya ng mga nakahilerang nilalang.

“yan ang prosesyon ng kamatayan, o ang pinapaniwalaan ninyong Grim Reaper”

sagot niya.

“Grim reaper? Diba siya yung kumukuha sa kaluluwa ng mga taong namatay na?”

“hindi! ‘di ba nga si Lucifer ang sumusundo ng soul of death? Walang anyo ang kamatayan (grim reaper). Ito ay masamang pangitain lamang na lumalabas para magbigay hudyat na mamatay na ang isang tao.”

“eh ano’ng ibig sabihin ng prosesyon na ‘yan?”

“may…..may ma-mamatay ngayong gabi!”

halos hindi pa niya masabi-sabi.

Nag-alala naman ako ng husto, na baka hindi na ako makabalik pa sa katawan ko at tuluyan na akong mamamatay.

“hindi na ba ito mapipigila-”

napahinto ako nang maaninag ko ang nakakagimbal na nilalang na nakatayo sa sa likod namin ni tony.

Abala kaming nakaupo at naninilip, ni hindi namin namalayan na may halimaw na palang nakatayo sa likod namin.

“tony…tony…”

pabulong kong sigaw.

Ni hindi ako makalingon sa likod, baka kung ano pa ang gawin niya sa amin.

“Sssshhhhhh… Tahimik…”

Huni sa akin ni tony at patuloy at abala pa rin sa paghawi at pagsilip sa mga dahon ng gumamela.

“tony! tony!”

nagsimula ko ng alog-alugin ang balikat niya para bumalikwas siya.

“bakit-b-”

bigla siyang natigilan nang mapatingin siya sa akin. Malamang naaaninag din niya ang katawang nakatayo sa likod namin.

Nagkatinginan kami ni tony at

sabay kaming lumingon sa likod.

Nakakapangilabot!

Isang mabalahibong nilalang na ang ulo ay kabayo, ngunit ang kulay berde niyang katawan ay parang katawan ng matikas na lalaki, gutay-gutay ang mga suot niyang damit.

Tapos nagulantang nalang ako nang bigla nalang siyang tumakbo papalayo at sa isang iglap lang ay nilamon na siya ng kadiliman.

Pagtingin ko kay tony, mas natakot ako sa hitsura niya, nanlilisik ang mga mata niya, napakabangis ng aura niya.

Kaya pala gano’n na lamang kung tumakbo ang tikbalang, dahil mabangis na bampira pala ang kasama ko.

Muli naming liningon ang sinasabi niyang prosesyon, parang naaaninag ko na sila ng detalyado, nakapila at nagmamartcha sa daan.

Sa unang linya ay may dalawang matatabang bata, mga batang walang mukha, hubo’t-hubad at ang balat nila’y nangingitim at naaagnas na.

Pareho silang may hawak na sibat, ngunit sa dulo ng sibat ng isa ay may nakabaliktad na krus, at ang sa dulo naman ng isang sibat ay puting bandila, at may nakaukit na simbolo dito.

Isang tatsulok na may bituwin sa gitna.

Diretso lang ang paglakad ng mga batang ito, ni hindi lumilingon.

Sa likod nila’y kasunod ang tatlong babae na may hawak na tig-iisang puting kandila, sa kanila nanggagaling ang liwanag na aming naaninag kanina, nakasuot sila ng puting saya at ang mga ulo nila’y nakatalukbong ng puti ding belo.

Malamlam ang kanilang paglakad.

at ang nasa pinakahuli ay isang nagniningning na kabaong. Isang puti at bagong kabaong na buhat-buhat sa balikat ng anim na nilalang, dalawa sa magkabilang dulo at dalawa sa gitna, at lahat sila’y pugot-ulo at wangis ay katawan parin ng tao.

Nakapalibot sa kanila ang mga lumulutang na pulang kandila.

Nagulat ako nang mapansin kong nakalingon sa akin ang tatlong babaeng nakabelo. Nasindak ako nang sa isang iglap ay bigla nalang silang nakatayo sa tapat ko mismo.

Bigla akong kinabig ni tony, nakaupo at nakasandal siya sa puno, idinukmo niya ang mukha ko sa dibdib niya.

“kahit anong mangyari, ‘wag na ‘wag kang lilingon”

utos niya sa akin, pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

Napayakap din ako sakanya, ramdam na ramdam ko ang pagmamalasakit niya sa akin sa tindi ng pagkakayapos niya.

“pumikit ka lang!”

pagkasabing-pagkasabi pa lang niya ay pumikit agad ako. pikit na pikit.

Kahit sa kadiliman ng pagkakapikit ko ay nakikita ko parin ang tatlong babae, hindi lang makita ang mga mukha nila gawa ng nakatago sa puting belo. Inaabot nila sa akin ang hawak nilang kandila.

“Ito ang tatlong kandila ng kamatayan…may mamamatay…ito ang tatlong kandila ng kamatayan…may mamamatay”

Paulit-ulit at sabay-sabay nilang binabanggit.

Tinanggal nila ang kanilang mga belo, lumantad sa akin ang mga mukha nila, katawan nila’y wangis sa katawan ng babae ngunit ang mga mukha nila’y wangis ng ulo ng kambing, may magkabilang sungay, napakapangit nila!

at lahat sila ay umiiyak ng dugo, pula at saganang dugo na dumanak sa suot nilang puting saya.

Hindi sila mawala-wala sa paningin ko.

Tapos bigla nalang nalalagas ang mga ngipin nila, nabubunot at nalalaglag sa kadiliman.

Dumilat na ako para maiwasan sila.

“mukhang wala na sila, bumalik na sila sa kanilang parada”

sambit ni tony.

Binitawan na niya ako at pareho na kaming muling sumilip sa parada ng mga demonyong nilalang.

“tony, kanina pagpikit ko nakita ko yung tatlong babaeng nakabelo, lagi nilang sinasabi na may mamamatay”

“nakita ko rin ‘yon maita. Ibig sabihin hindi lang isa ang mamamatay ngayong gabi, pwedeng dalawa, tatlo o higit pa”

parang gusto kong maiyak sa sinabi niya.

Pagkalampas na pagkalampas ng prosesyon ng kadiliman ay tumuloy na kami sa paglalakad.

Narating namin ang ilog jordan.

Napansin agad namin ang liwanag sa pangpang ng ilog.

Paglapit namin ni tony, nadatnan namin si daddy na nakaluhod sa tabi ng nakahiga kong bangkay.

Kaparang na kaparang ng gayak ng bangkay ni mommy ang gayak ng bangkay ko.

Ang bangkay ko ay nakasapin ng pulang tela.

Nakahiga sa makapal na dayami na napapaligiran ng maraming white roses, napapalibutan ng mga puting kandila.

Ang kasuotan ko’y puting wedding gown, at hindi ako pweding magkamali, damit pangkasal ‘yon na ginamit ni mama.

Naaawa ako kay daddy dahil sa kasisinghot-singhot niya, parang pinigilan niya ang pag-iyak kasabay ng pagbigkas niya ng mumunting latin prayer.

“Ginoo, ‘wag n’yo pong gawin ‘yan!!”

Napasigaw itong si tony nang mapansin niyang sisindihan na ni daddy ang dayami sa kinahihigaan ng bangkay ko.

“Sino ka?!”

pagkagulat ni daddy at napalingon sa katabi kong si tony.

Biglang lumiwanag ang buong paligid dahil sa sinag ng buwan, mabilis ang paggalaw ng langit, unti-unting nagsisilihis ang mga ulap na kanina’y nakaharang sa buwan.

Tapos, sa may parteng kabilang dulo ng ilog ay nakita ko ang mga kaluluwang-ligaw na nakatayo at nakahilera sa kabilang pangpang, lahat sila ay hubo’t-hubad at ang buong katawan ay kulay puti na nakalutang sa ere.

May babae, may lalaki, matanda’t bata, samu’t-sari at lahat sila ay puro nakatagilid ang ulo at nakatingin sa kawalan.

“ano ang mga iyon tony?”

tanong ko kay tony sabay turo sa mga kaluluwa.

“hmm..mukhang marami ng namatay sa ilog na ito ah! ‘wag kang mag-alala, hindi nila tayo gagalawin ni pakikialaman”

sabi niya ngunit hindi ko man nakitang bumuka ang bibig niya.

Marahil dahil nakikita siya ni daddy kaya kinausap niya ako gamit ang telepathy niya.

“hijo, sino ka ba talaga?!”

muling tanong ni daddy kay tony dahil inagaw ko ang atensyon niya.

“ah..eh.. Ako po si Tony Preacher ginoo”

nagulat naman itong si tony.

“tony preacher?! Anong kailangan mo sa akin, at bakit mo ako pinipigilan sa mithiin ko?”

Pagtataka ni daddy. Punong-puno ng katanungan ang mga mata niya.

Lumapit si tony kay daddy at lumuhod sa tabi niya.

Hinawakan niya ang batok ng bangkay ko at iniangat ng bahagya ang balikat ko.

“Ginoong Navarro, nasa harap niyo po ngayon ang kaluluwa ni maita. Hinihintay lang po niya na muli ko siyang buhayin ngayon.”

Nagkatinginan silang dalawa at panandaliang tumahimik ang paligid, sa hitsura ni daddy ay parang binubuo pa niya sa isip niya ang sinabi ni tony.

“nahihibang ka na ba? Paano mo bubuhayin ang taong dalawang araw ng patay?”

Hindi parin makapaniwala si daddy.

Binitawan ni tony ang bangkay ko at binunot naman niya ang isang maliit na balisong na dinukot niya mula sa sapatos niya, tapos ipinatong niya ang talim nito sa palad niya at itinapat niya sa bibig ko.

“sa pamamagitan po ng dugo ko”

natigilan si daddy at natameme sa sinabi ni tony. Tila hindi na niya alam kung ano’ng

sasabihin pa.

Nagpatuloy sa pagsasalita si tony.

“maita, ilang saglit nalang at mabubuhay ka na, at sa oras na ‘yon, mabubura na ako sa ‘yong ala-ala…”

Bigla niya akong tinignan, nakatitig sa aking mga mata.

Nakakalungkot isiping nakilala ko siya sa ganitong sitwasyon, at nakasama sa kabilang mundo.

“pahalagahan mo ang iyong ikalawang buhay”

pagkasabing-pagkasabi palang nito ni tony ay bigla nalang niyang nilaslas ang palad niya.

Sumibol dito ang malapot at pulang-pulang dugo niya na umagos sa dulo ng palad niya.

Inaabangan namin ang patak ng dugo niya na babagsak sa bibig ko nang biglang umihip ang di pangkariniwang lakas ng hangin, parang hangin ng malakas na bagyo, sa ilalim ng matinding sinag ng bilog na buwan.

Natumba pa si daddy at napaupo sa lupa sa tindi ng hangin.

Hindi pa man nagagawang pumatak ng dugo ni tony sa bibig ng nakahimlay kong bangkay nang may isang nilalang na nagmula sa ere ang bigla na lamang bumunggo kay tony.

Masyadong mabilis ang pangyayari, ni hindi ko napansin kung ano ang ginawa ng nilalang na ‘yon kay tony para tumalsik siya at tumilapon sa damuhan.

Sinundan ko ng paningin ang nilalang na ‘yon ngunit hindi ko mahabol, at bigla nalang siyang naglaho sa ere.

Hindi parin bumabangon si tony kaya nilapitan ko siya. Nakahilata siya sa damuhan at mukhang nawalan ng malay.

“tony! tony!”

inaalog-alog ko ang katawan niya.

“hhaaaaahhhhh”

biglang napasigaw si daddy.

Paglingon ko sa kanya, nakita ko siya na nakaupo parin sa lupa at inuusad ang katawan paatras.

Nasa harapan niya ang nilalang na sumugod kay tony.

Nakatayo siya sa tabi ng bangkay ko.

“demonyo! Layuan mo ang anak ko!”

napapaiyak na si daddy at papaatras parin siya. Takot na takot siya pero hindi parin niya iniiwan ang bangkay ko.

Humakbang palapit sa kanya ang nilalang, isang nilalang na may pakpak na katulad ng sa mga paniki, matangkad siya, parang pitong talampakan sa tantya ko.

Bumuka ang mga pakpak niya, ang katawan niya’y parang katawan ng makisig na lalaki, ngunit apat ang kamay niya, tig-dalawa sa magkabilang balikat, tapos may mahaba at matulis na buntot na hugis palaso ang dulo.

Hindi kaya siya ang tinutukoy ni tony na Bat Vampire?

Napahinto sa paglalakad ang nakakakilabot na nilalang na ito at

nagulat ako nang bigla ko nalang nakita si tony na nakatayo sa harap ni daddy.

paglingon ko sa damuhan, wala na nga siya dito.

Ang galing, kanina nandito lang siya sa tabi ko pero ngayon nandun na siya sa eksena, parang teleportation.

Nag-kaharap si tony at ang nilalang, nagkatitigan sila, habang si daddy ay nakaupo parin sa likuran ni tony at patuloy na tumatangis.

“marcus, huwag mong idamay ang lalaking ito!”

sambit ni tony sakanya.

sabi na nga ba’t siya si marcus.

“tony, tony, tony….kailan ka pa nagkaroon ng malasakit sa tao?! Huh?!”

sagot ni marcus kasabay ng muling pagtiklop ng mga pakpak niya.

Bilog at napakapino ng nakakayanig niyang boses.

“ano pa bang gusto mo anak ko?! Ayaw mo bang maging human vampire din ang ama mo, tulad mo?”

patuloy ni marcus.

Anak? Ama ni tony si marcus? Kung human vampire si tony, ibig sabihin ang ina niya ay isang tao!

Pero bakit gusto niyang patayin si marcus na ama niya?

“hindi ka pwedeng maging human vampire kailan man, dahil isinilang kang halimaw! At kaya ako naging halimaw dahil sa’yo! ikaw! ikaw ang pumatay kay Ina, hindi ako!”

mariing sagot ni tony.

Mukhang mabigat ang saloobin niya para sa kanyang ina.

Parang unti-unti kong nakikilala ang kwento ng pagkatao ni tony.

“bwahahaha hindi mo na ako mapipigilan ngayon tony! Hinding-hindi. Ako ang bubuhay sa babaeng ito para makumpleto na ang ritual para sa pagiging human vampire ko.”

nakangising sambit ni marcus.

“hindi ko hahayaan ang gusto mo!”

Biglang tumakbo ng matulin si tony papunta kay marcus kasabay ng paghaba ng mga matutulis niyang kuko sa kamay.

Ang bilis! Sa isang iglap lang ay nasugod agad niya si marcus.

At sa sobrang bilis ng mga kilos nila, hindi ko man lang napansin o nakita kung papa’no sila naglaban,

nakita ko na lamang si tony na nakaluhod sa harapan ni marcus.

Nakalaglag ang mga kamay niya sa kanyang tagiliran.

Nakadilat ang mga mata at nakatulala siya,

nakatusok mula sa likod niya ang matulis na pakpak ni marcus na lumusot sa dibdib niya, sakto sa puso niya.

tapos bigla nalang nalalagas ang mukha niya, parang nagka-crack ang mukha niya at laking gulat ko nang bigla nalang nagliyab sa apoy ang mga kasuotan niya, kasabay ng unti-unting pagliyab ng buong katawan niya.

“tony! tony! tony!”

wala akong magawa kundi isigaw lang ang pangalan niya.

Humakbang ako at handa ko ng lapitan siya ngunit may kakaiba akong naramdaman sa aking sarili.

Parang may humihigop sa akin at unti-unting naninikip ang dibdib ko.

Nakakaramdam ako ng tibok sa aking puso, at parang umiinit ang buong katawan ko.

Bago pa ako tuluyang mahigop ng kawalan ay nakita ko ang pagdating ng mga wolf, pinalibutan nila si marcus at nang magpukol ako ng paningin kay daddy, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa tabi niya.

Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung tinutukoy na werewolf ni tony na nakatayo sa tapat ng bahay namin kanina.

Si Jacob.

Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

To be continued…

Fiction-Factory

Fiction-Factory
Latest posts by Fiction-Factory (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x