Kabilang Mundo 5

Fiction-Factory
Kabilang Mundo

Written by Fiction-Factory

 

Please refer to the previous part.

(Kapitulo Onse)

Balikwas!

Nakikipaghabulan si tony sa hininga niya habang tumatakbo pababa ng hagdan,

at ako nama’y nakikipaghabulan kay kamatayan.

“sa ilog jordan tony, doon namin sinunog ang bangkay ni mommy, baka doon din niya susunugin ang bangkay ko”

sabi ko sakanya, nakasunod lang ako sa likod niya.

“gano’n ba! uhm. malapit lang dito ‘yon, mga dalawangpung kilometro mula rito”

natataranta at halos tumalon na siya sa hagdan.

Walang kapaguran si tony, halos magiba na niya ang front door sa tindi ng pagbukas niya.

Nang makalabas na kami sa pinto, biglang napahinto si tony, para siyang nagyelo sa kinatatayuan niya. Nakatitig siya sa bakuran ngunit parang nakatingin sa kawalan.

“bakit?!”

pagtataka ko sa kanya.

“makukulit talaga ang mga asong ‘to!”

sabi niya habang ini-stretch ang mga daliri niya sa magkabilang kamay.

Lumingon ako sa paligid ngunit wala naman akong nakikitang mga aso.

“mga aso? wala naman-”

napahinto ako sa pagsasalita nang maaninag ko ang mga matang matatalim at nagliliwanag sa kadiliman kung saan nakatingin si tony.

Napakaraming mata na nakapalibot sa amin, halos hindi ko na mabilang at tila papalapit sila sa amin.

AAWWWOOOOOOOOHHHH

may narinig nanaman akong nakakapangilabot na alulong!

Dahil hindi kami nagpatay ng ilaw sa bahay ay may liwanag na rin sa bakuran, at habang papalapit ang mga matang ito sa amin ay papalapit din sila sa liwanag, at habang papalapit sila sa liwanang ay unti-unting lumalantad ang kaanyuan nila na nasisinagan ng liwanag.

Balisa kami ng katabi kong si tony, palingon-lingon kami sa mga mata at napapahakbang paatras.

“ano naman ang mga ‘yan, tony?”

tanong ko sakanya ngunit hindi siya sumasagot.

Napahinto siya at tumayo ng diretso.

May mga anggulo at mga hugis siyang nililikha gamit ang kanyang mga kamay kasabay ng pagbulong niya ng mga katagang hindi ko naman maintindihan.

Napunta nanaman ang atensiyon ko sa mga matatalim na mga matang ito.

Nang malapit na sila sa liwanag, unti-unti na silang bumulgar sa aking mga mata.

Unang lumantad ang mga paa nila na umapak sa liwanag, napakalaki at napakatatalas ng tig-apat na mga kuko nila kada paa.

Kulay gray na parang abo ang kanilang makapal na balahibo.

Mukhang hindi sila mga ordinaryong aso lang dahil paglantad ng mga katawan nila ay napakatangkad nila, halos kasing-tangkad na namin sila.

Napakapit ako sa braso ni tony at napatago sa likod niya nang makalapit na sa amin ang mga nilalang na ito.

Sa pagbilang ko ay nasa pito sila lahat-lahat.

Nakakapangilabot! Lalo na nang malantad na ang mga ulo nila sa liwanag, napakabangis ng hitsura nila, parang mga higanteng aso sila ngunit tig-apat ang mga mata nila, walang eyeballs, plain lang na white ang mga mata nilang hindi ko mawari kung nakatingin ba talaga sa amin.

Para silang mga asong ulol na galit na galit at lahat sila ay nakalabas ang mga matutulis at mahahabang pangil, parang pangil ng jaguar na naglalaway.

Mga dalawang metro nalang ang pagitan nila sa amin, at mukhang wala na kaming madadaanan dahil nakapalibot silang lahat sa amin.

GGGRRRRRRRRRRRR….

RROOOAAAARRRR…..

“tony, ano ng gagawin natin”

inalog-alog ko ang braso ni tony ngunit hindi siya gumagalaw at sumasagot.

Pagtingin ko sa mukha ni tony, napansin ko ang mga mata niya, gumalaw ang mga eyeballs niya na parang aspiral, at ang dating kulay itim na eyeballs, ngayon ay naging kulay pula at sa isang iglap lang ay bumalik din sa dati.

Biglang umihip ang malakas na hangin na nagmumula sa katawan ni tony.

Biglang tumahimik ang buong paligid, parang tumigil sa pag-ikot ang oras.

“tara na, may sampung segundo lang tayo”

biglang sabi niya at hinila niya ang kamay ko patakbo sa sasakyang nasa tabi ng gate.

Hawak niya ang kamay ko habang tumatakbo, hindi parin ako maka-recover sa nakita ko sa mga mata niya kanina.

Dumaan kami sa gilid ng mga higanteng aso na ito, nagtataka ako kung bakit bigla silang napatigil at nagmistulang mga estatwa na hindi man lang gumagalaw.

Pagkapasok pa lang sa sasakyan ay agad na niyang binuhay ang makina at agad na pinatakbo ng matulin ang sasakyan.

Buti nalang at bukas ang gate, sa tingin ko ay winasak ito ng mga higanteng nilalang na ‘yon.

(Kapitulo Dose)

“Ano ang ginawa mo sa mga higanteng aso? Bakit parang nagmistulang estatwa sila at nagsipagtigil sa pagkilos?”

Unang tanong ko kay tony sa loob ng sasakyan.

Dumaan kami sa gilid ng bundok, sakto lang ang dalawang kotse sa kitid ng daan, buti na lang at simentado ang kalsada, ngunit ang nakakatakot dito ay ang bangin sa gilid ng kalsada, paikot pa man din ang daan, pero itong si tony ay tunay na matapang, hindi siya natatakot magpatagbo ng matulin.

Wala naman kaming ibang pagpipilian, ito lang ang daan papuntang ilog jordan.

“ah ‘yon ba. Jitsu ang tawag do’n”

sagot naman niya habang palingon-lingon sa mga side mirrors.

“jitsu? Anong klaseng salamangka ‘yon?”

muli kong tanong.

Likas na likas talaga sakanya ang pagiging bampira.

Akala niya siguro ay hindi ko halata, pero alam na alam ko ‘yon kahit hindi pa niya sabihin.

“hindi ‘yon majika. Ang jitsu ay isang hallucinative techniuqe ng mga legendary japanese ninja noong ancient time, kaya nitong gawing paralisado ang puso ng mga nilalang na may takot, at kahit gaano pa kabangis ang mga asong ‘yon ay siguradong may natitira pang takot sa mga puso nila.”

paliwanag niya.

“ninja??x?! Nabuhay ka sa panahon ng mga ninja?”

pagtataka ko.

“hindi. Naisalin ang techniuqe na ‘yon hanggang sa panahon ng mga samurai na ginamit hanggang Quing, Xuing at Han Dynasty”

“eh paano mo natutunan ‘yon?”

“Hindi ko natutunan ‘yon kundi kinopya ko lamang. Yan ay isa lang sa mga kakayahan naming mga bampira”

Nagpukol siya ng matalim na tingin sa akin.

Akala niya siguro ay ikakagulat ko ang pag-amin niya sa kanyang pagka-bampira.

“Nalalaman ng bampira kung ano ang nasa isip ng mga biktima nila, kaya nilang makita ang nakaraan ng mga kinagat nila”

pagpapatuloy niya.

“ah kaya mo nalaman ang techniuqe na iyon dahil may kinagat kang ninja?”

“hindi ninja kundi samurai ang kinagat ko. Isang matandang samurai na naging Heneral ng isang hukbo sa kanyang panahon. Ang tanyag na assassin, si Battosai. Hindi ko lang makopya ay ang Shariengan niya at Hitden Mitsuryugi Ryu.”

Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi niya kaya tinigilan ko na siya.

Bigla kaming natahimik ni tony at parehong nakatingin sa kalsada.

“mukhang malayo na tayo sa kanila”

binasag ko ang nakakabinging katahimikan.

Muli siyang sumilip sa rear mirror at palingon-lingon sa mga side mirrors.

“Nagkakamali ka! Paparating na sila.”

Sambit niya sabay sagad sa pagkakaapak sa gas throttle at barurot sa sasakyan.

“sino ba sila, at anong klaseng mga nilalang sila? Mga werewolf ba siya? Pero bakit apat ang mga mata nila? At bakit nila tayo hinahabol?”

naging sunod-sunod na ang mga tanong ko.

Nagpukol ng tingin sa akin si tony at huminga siya ng malalim.

“una, hindi sila mga werewolf tulad ng napapanood mo sa mga pelikula. Mga puro at totoong wolf sila na mababangis, mga hayop! apat ang mga mata nila dahil sila ay nabubuhay sa papamigitan ng kalwalhatian ng kanilang master, si Jacob.”

“master? Paano niya napapasunod ang mga nilalang na ‘yon? at sino si jacob?”

“si Jacob ay ang kauna-unahang Human Wolf, o ang tinatawag mong werewolf. Kung ano ang nakikita ng pitong wolf na ‘yon ay siya ring nakikita ni jacob”

“ah! Siya yung gusto mong sagasaan kanina?”

Naitanong ko nang maalala ko ang lalaking nakatayo kanina sa tapat ng bahay namin na sinagasa niya ngunit hindi natamaan.

“siya nga! Si jacob, ang anak ni William”

Biglang naputol ang aming usapan nang biglang kumalabog ang sasakyan, parang may kung anong mabigat na bagay na bumagsak sa bubungan.

Nagulat si tony at napakabig siya sa kanan papunta sa bangin, buti nalang at agad naman niya itong nabawi.

Naging zigzag ang takbo ng aming sinasakyan at naging madalas ang kalabog sa bubungan ng sasakyan.

Napansin ko na unti-unting nayuyupi ang bubong.

Heto nanaman ang mga asong ‘yon, nagsisitalon sa kotse namin, nakita ko pa ang isa na tumalon sa hood at nakaharap siya kay tony.

RROOOAAAARRRRR

Mukhang galit na galit siya.

Napakabangis niya at nakakasindak ang malakas niyang tinig.

“heto nanaman tayo!”

pagkabigkas na pagkabigkas ni tony ay bigla niyang tinapakan ang preno, at sagarang huminto ang mga gulong ng sasakyan, na gugagasgas sa simento habang patuloy pa kaming sumusulong.

Nagsitalsikan ang mga wolf sa harapan ng kotse, nagsalpukan at naipon kasabay ng pag-apak muli ni tony sa gas throttle at pagbitiw sa clutch.

BBRRROOOOOOMMMM

Sino kaya ang nabiktima niyang karerista at napakahusay niyang magmaneho?

Humatak ang sasakyan, napakatulin at napakabilis, ngunit bago pa namin tamaan ang mga wolf ay nagawa na nilang magsipagtalunan para umiwas sa kotse namin, ang iba’y nahulog sa bangin, at ang iba’y tumalon paakyat ng bundok at tumalon din sa kotse namin ang iba.

Mas mabilis pa rin sila! Para silang hangin na sa isang iglap lang ay nawawala agad.

Biglang nalinis ang kalsada at biglang tumahimik ang paligid.

Napakatahimik ni tony, tila nakikiramdam siya sa susunod na mangyayari.

“mukhang wala na sila”

bigla niyang nasabi.

Buti nalang at nalampasan na namin ang gilid ng bundok, wala na ang matarik na bangin ngunit nawala na din ang simentadong kalsada, napalitan ng zigzag rough road.

Umaalsa-alsa ang sinasakyan naming kotse.

Pinagmasdan ko ang paligid, makakapal ang mga punong-kahoy sa tabi ng daan. Napakadilim dahil narin makapal ang ulap at natatakpan ang liwanag ng buwan, at tanging liwanag lang ng ilaw ng kotse ang meron kami.

Ngunit sa kasamaang palad ay biglang tumirik ang kotse, namatay ang makina at ayaw ng umandar.

“naku naman! ba’t ngayon ka pa nagloko!”

kinakausap ni tony ang kotse kasabay ng paulit-ulit niyang pagpihit sa susi.

Sa sobrang inis niya ay hinampas pa niya ang manibela, at nang wala na siyang magawa ay huminga na lang siya ng malalim.

“maglalakad tayo”

sabi niya.

“ayos lang sa akin”

sagot ko naman, syempre dahil hindi naman ako napapagod.

Pagbaba namin sa kotse, napakadilim, bagama’t naaaninag ko parin ang mukha ni tony ngunit hindi ang kalsada.

Hinawakan ni tony ang kamay ko.

Isang bampira na kahawak-kamay ang isang multo? Ni sa panaginip ay hindi ko inakalang mangyayari.

Naglalakad kami sa kalagitnaan ng kadiliman, tapos sa hindi kalayuan ay may naaaninag kaming liwanag, parang nalalakad na liwanag.

“ano kaya ang liwanag na ‘yon?”

tanong ko kay tony.

Nakatitig si tony sa liwanag habang naglalakad.

Biglang nagliwanag ang mga mata ni tony, parang ray of light, parang flash light na umabot hanggang sa pinanggagaling ng liwanag na aming nakita.

“hindi ito maaari!”

bigla niyang nasabi.

“bakit? ano ba ‘yon?”

pag-aalala ko.

“papalapit ang isang masamang pangitain”

tila punong-puno din siya ng pag-aalala.

“masamang pangitain? ano’ng ibig mong sabihin?”

“papalapit si kamatayan!”

ngayon ko lang nakitang kinabahan ng ganito si tony.

To be continued…

Fiction-Factory

Fiction-Factory
Latest posts by Fiction-Factory (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x