Uncategorized  

Isang Pagmamahal (chapter4-6)

Isang Pagmamahal

Written by R.O.Y.

 


Chapter IV
Ang Pagpanaw ng Isang Dakilang Ama
(Kadugtong ng nobelang “Isang Pagmamahal” ni Roy)

Pagdating sa Maynila nina Tomas at mga kasamahan nito ay sinundo sila ng ama ni Ana. Nagalak ang ama ni Ana dahil napansin nya na masaya ang kaisaisang anak nito. Pinabatid sa mga kasamahan ni Ana na pagsapit ng graduation sa susunod na linggo, sya ay maghahanda para sa lahat ng mga kaibigan ni Ana. Binati rin ng ama ni Ana si Tomas dahil nabatid nito na si Tomas pala ang nagtamo ng pinakamataas na grado sa buong unibersidad sa kurso nito at natamo rin nito ang Latin honor na magna cum laude.

Dumating na ng bahay si Tomas at napansin nyang malungkot ang ina nitong si Dona Paz. Luhaan ang mga pisngi nito at malungkot ang mga mukha. “O aking ina, bakit kayo ay malungkot. Dapat tayo ay magsaya at magpasalamat sa Dios dahil nakamit ko ang pagiging magna cum laude sa unibersidad”, ang pagsalita ni Tomas sa kanyang mahal na ina.

Dona Paz: O aking Tomas ang kapalaran ay sadyang nasa tadhana
Iyong mahal na ama ay kinuha na sya ni Bathala
Iniwan na tayo sa lilim ng mga gunita
Iyung tagumpay ay hindi na nya nakita

Tomas: O aking mahal na ina bakit ganito ang ating napala
Buhay natin naging tahimik at may kalinga
Sa mga kapus palad si ama’y walang kapareha
Sa kanyang pagtulong sa mga mahirap ay talagang sobra

O maawaing Dios bakit siya pa
Marami pa namang iba, bakit si ama pa
Ako’y nalulungkot sa paglisan nya
Hindi lamang para sa akin, ngunit paano si ina?

Dona Paz: O aking anak huwag mong sisisihin sya
Iyung ama’y lumisan na walang kasing siya
Sa mga labi’t mukha nya’y hindi sya nagalala
Sapagkat batid nya na ikaw ay may panampalataya

Sa Dios na mahabagin batid nya’y ikaw ay may matibay na
paniniwala
Walang kasing sukat simula pa ng iyung pagkabata
Ikaw ay anak na uliran sa pagsubok ay kayang sumagupa
Turo ng iyung ama’y wag ipagsawalang bahala

Namatay nga ang ama ni Tomas na si Don Gregorio. Ang sanhi ng pagkamatay ay nang madaganan sya ng isang malaking puno habang tumutulong ito sa mga mahihirap na dapat lumikas sanhi ng isang malaking unos na sumalanta sa probinsya nila.

Si Don Gregorio ay hindi lamang isang huwarang ama. Siya rin ay isang mabuting tao at pilantropo. Nang malakas pa ang kita ng kanilang barko, si Don Grgorio ay tumutulong na bigyang trabaho ang mga mamayan sa kanilang lalawigan.Nagbibigay din sya ng libreng mga gamut at tulong sa edukasyun para sa mga kabataang kapus palad na gustong magaral. Mahal na mahal ng mga tao sa lalawigan nila si Don Gregorio.

Nang nalunod ang kanilang nagiisang barko, lahat ng kanilang mga naipon ay ipinamigay sa mga nabiktima ng pagkalunod ng barko. Hindi na tinuloy ni Don Gregorio ang pangngalakal tungkol sa barko at kanyang binigyang pansin ang proyektong pangsakahan. Nagtatag din siya ng mga kooperatiba para palakasin ang samahan ng mga malilit na mambubukid. Ang maliit nap era ay inilaan nya sa tinatawg na “micro-financing” para maka tulong ng pinasyal sa mga mahihirap na mambubukid.

Ang mga pagtulong na ito ni Don Gregorio ay naghatid sa kanya ng pambihirang pagmamahal. Sya ay nalukluk bilang Gobernador ng kanilang lalawigan kahit hindi sya gumastos sa eleksyun.

Naalala pa ni Tomas ang mga turo ng kanyang ama. Kailangang maging tapat dapat ang tao sa kanyang mga gawain. Kailangan ding tumulong sa mga mahihirap kung ikaw naman ay nakakaluwang sa buhay. Walang tutulong sa sarili mo kundi ang iyung sarili. Kailangang magsikap ang isang tao at bumuo ng direksyun sa buhay. Ayun sa ama ang sekreto ng tinatawag na tagumpay sa buhay ay tatlo lamang: (1) determinasyun; (2) kunsentrasyun; at (3) swerte. Maari ang isang tao ay walang swerte ngunit kung malakas ang kanyang kunsentrasyun at determinasyun ay mananaig sa kanya ang minimithing tagumpay. Linathala ng kanyang ama na tandaan ang aral tungkol sa dalawang utusan na mag uugnay sa kunsntrasyun at determinasyun:

Ang Palasyo at ang Dalawang Utusan: Isang Aral

Isang hari noong unang panahun ay nagpasya na humirang ng kanyang punong ministro. Matapos ang kanyang pagsusuri sa lahat ng mga ministro at utusan sa palayo, sya ay namangha sa dalawang utusan na may pambihirang talino. Hindi nya malaman kung sino sa dalawang utusan ang dapat hirangin kaya ang hari ay nagpasya na daanin sa pagsubok ang mga ito.

Tinawag nya ang dalawang utusan na nangangalang Noanid at Nomad upang dalhin sa palasyo ang tasang may lamang puno ng tsa. Ngunit bago sila pumasok sa palasyo kailangang dumaan sila sa isang palengke.

Unang nakarating sa palasyo si Noanid. Nasiyahan ang hari dahil sa bilis ng pagdating nito. Inabot sa kanya ang tasa ngunit kalahati na lang ang laman nito. “Magaling ka Noanid at ikaw ang unang nakarating. Maari mo bang sabihin kung bakit kalahati na lang ang laman ng tasang ito. Sa paglalakad mo patungo sa palayo, ano ang iyung nakita” mga pagtatanong ng hari. Sinagot naman ni Noanid ang hari. Sinabi nya na marami syang nakitang iba’t-ibang uri ng tao sa palengke. Sinabi rin nya na punong puno ang palengke kaya hindi nya maiwasan na hindi matapon ang laman ng tasa.

Ang hari at si Noanid ay natigilan sa pagdating ni Momad. Daladala nito ay isang tasa ng tsa na punong-puno pa ang laman. Nagtanong ang hari kung ano ang kanyang nakita sa pagdaan nito sa palengke. Umiling lang ng pagsagot si Nomad na nagpapahiwatig na wala syang nakita. Dahil wala syang maisagot nangamba sya na sya ay hindi hihirangin ng hari para maging punong ministro. Laking gulat ng utusang si Noamd na siya ang hirangin bilang punong ministro.

Ito ay isa lamamang sa maraming mga aral na binahagi ng ama ni Tomas sa kanya. Kaya sa kolehiyo ito ay ginamit nya. Kung ang isang tao nga naman ay may matibay na determinasyun at kunsentrasyun, kahit ano ang masalimuot na hadlang sa buhay ay kaya nyang lagpasan. Ito ay katulad sa ginawa ng utusang si Nomad. Wala syang nakita sa mga paligid dahil ang kanyang kunsentrasyun ay dapat hindi matatapon ang laman ng tasa at ang determinasyun nyang dapat madala iyun sa palasyo.

Si Don Gregorio ay hindi nakatapos ng kolehiyo ngunit ito ay masipag magbasa at magaral. Kaya ang sipag, tiyaga at mga gintong aral ng ama ay ang nalalabing pamana ni Don Gregorio sa anak.

Umuwi ang pamilya ni Tomas patungong probinsya para ayusin ang lamay at libing ng kanilang ama. Nagpasya na lamang si Tomas na hindi dumalo sa nalalapit na graduation niya sa unibersidad upang sa huling sandali ay makamtan nya ang piling ng ama.Tumawag na lang sya sa pamagitan ng telepono sa kanilang college secretary at sa kanyang kaibigang si Ana para ipa batid na hindi na sya makakadalo sa graduation at sa blowout na hihahanda ng ama nito.

Pagsapit nila sa probinsya ay marami ang taong nakilamay sa kanilang ama. Nagtagal ng limang araw bago ilibing ang kanyang ama dahil dinala pa ito sa kapitolyo ng lalawigan nila. Buong lalawigan nila ay nagluksa sa pagkawala ng isang dakilang gobernador at pilantropo.

Bago ilibing ang ama nito ay nagkaroon muna ng misa sa simbahan. Nagkaroon ng tinatawag na “eulogy” kung saan ay binigyang parangal ang ama nito sa pamamagitan ng mga piniling magtatalumpati. Ang pinaka madamdaming talumpati ay nanggaling kay Tomas.

Sa Pag Panaw na Aking Ama
(Talumpati ni Tomas)

Aking mga kababayang lubos na minamahal ng
aking ama
Ako’y nagpapasalamat sa ngalan ng aming
angkan at buong pamilya
Sa pagdadalamhati nyo ay kami’y nagpapasalamat
Buong puso’t hininga
Bagkos sa isip naming kayo rin ay nagaalala

Pag yao ni ama’y waring hindi napapanahun pa
Sa mga problema ng lalawigan ay napakarami pa
Huwag kalilimutan na ang aking ama
Ay katulad nyo ring tao na may hininga

Sa paghiling ni Bathala na sya ay kukunin na
Kayo ay mananalig sa sarili nyung kaya
Upang ang mga pagsubok at suliranin ay magampanan muna

Si ama’y nang nabubuhay ay bayan ang parating
nasa isip nya
Politika at pansariling kapakanan ay wala sa isip ni ama
Suliranin ng bayan ay kanyang iniisip tuwing umaga
Upang sa inyo manilbilbihan kahit buhay ay binigay nya
Maghandog man lamang ng tapat na pamamalakd pang
Politika

Marami sa atin ito ang naguudyok
Ang pansariling damdamin at pusong marupok
Huwag sanang kalimutan ang turo ni ama na puro
Paghimok
Para ang lahat ay magkaisa at mabuhay ng hugis
Tatsulok

Sa kanyang pagpanaw gunita’y dapat sariwain
Pagmamahal sa tao at bayan ay dapat pairalin
Kalimutang ang mga paghahatihati na walang mararating
at dulot nito’y puro pasanin

O aming Dios kami’y nananalig sa iyong kapangyaihan
Sa kabilang buhay si ama’y iyong tulungan
Para marating nya ang langit na iyong kinalalagyan
At kaming iyong mga nilalang ay mananalanin ng
magpasa walang hangan

Umuulan noon ng inilibing ang isang magiting at dakilang tao—waring ang kalikasan ay nagdadalamhati sa pag yao ng isang mabuting nilalang na si Don Gregorio.

Chapter V
Si Rosa at ang Kanyang Lihim na Pagibig
(kadugtong ng isang nobelang “Isang Pagmamahal”)

Isang ring ng tunog ng telepono ang inabutan ni Rosa sa kanilang bahay. Kararating lamang niya galing sa pamemele ng sapatos at damit na gagamitin sa nalalapit ng graduation. Isang babae na pamilyar na sa kanya ang boses. Ito nga ay si Ana at binalitang tumawag sa kanya si Tomas at ipinahatid ang balitang namatay nga ang ama nito at hindi na ito makakadalo ng graduation ceremonies sa nalalapit na Sabado.

Nagulat si Rosa sa malungkot na balita at tinanong na lamang nya kung ano ang numero ng telepono ni Tomas upang magpahatid ng sempatiya. Binigay ito ni Ana at kanyang tinawagan. Ngunit ng tinawagan nya ay sobrang busy ang linya ng telepono nina Tomas. Hindi batid ni Rosa na talagang busy ang linya nina Tomas sa dami ng mga kaibigan at kaanak na tumatawag sa kanila at nagtatanong tungkol sa sinapit ng ama nito. Hindi pa uso ang mga cell phone noon. Tatawagan pa sana nyang muli ngunit dumating na sa kanilang bahay si Rod upang sunduin si Rosa para dumalo sa isang party ng kabarkada nito. Walang nagawa si Rosa kundi sumama na sa nagmamadaling katipan.

Habang kumakain sina Rod at Rosa sa isang party na pinagdaluhan ay halata sa mga mata ng dalaga ang kalungkutan. Nagtataka sya kung bakit sya ay nalungkot sa pagkamatay ng ama ni Tomas. Hindi nya malaman kung naawa na sya kay Tomas o sa dahilang may lihim din syang pagibig dito sa binata. Laman pa rin ng kanyang isipan ang mainit na gunita ng mga mahigpit na paghawak ng mga kamay ni Tomas sa mga kamay nya. Ang halik ni Tomas sa kanyang mga labi sa ilalim ng dagat ay mainit pa sa kanyang mga alaala. Kahit naaantigan ng tubig alak ang mga pag halik na iyun ay nararadama nya na ang init ng halik na iyun ay tunay na pagmamahal.

Naging busy si Rod sa pakikipag inuman sa mga kabarkada nito at nagpasya si Rosa na maglalakd na lamang magisa at mamasyal sa malaking hardin at swimming pool ng pinag darausan ng party. Sa kanyang pag lalakad ay naaninag pa rin nya ang pagdalamhati sa sinapit ng ama ni Tomas. Nararamdaman din nya kung anong hapdi ang mawalan ng ama. Apat na taon na ang nakaraan na ang ama ni Rosa ay pumanaw na.

Katulad ng ama ni Tomas, ang ama ni Rosa ay isang politiko. Ngunit ang ama nito ay kasalungat sa ama ni Tomas sa kanilang pamamaraang pam politika. Gumagamit ito ng mga pera para bilhin ang mga boto ng mga tao. Kung hindi madadaan sa pera, dinadaan nya ito sa takot ang mga nasasakupan nito. Noong kapanahunan ng ama nito, sila ang pinaka makapangyarihan at maimpluwensya sa kanilang lalawigan. Palibhasa malapit ang ama nito sa dating rehimeng Marcos, lahat halos ng mga pasugalan at saklaan ay kontrolado ng kanyang ama. Mabait sa pamilya ang ama ni Rosa. Bata pa lamang sya ay halos nalibot na nya ang boung daigdig. Ngunit sa buong lalawigan ito’y kinakatakutan.

Kahit masama sa mga tao ang ama ni Rosa ay kanya itong minahal. Hindi sila pinababayaan lalo na sa pinansyal kahit minsan lang nya makita ang ama nito dahil ang balita nya ay marami pala itong mga modelo at artistang kabit.

Ang paglaki naman ni Rosa ay hubog sa magagandang aral ng kanyang ina at ang impluwensya ng kanyang pagaaral. Simula maliit pa sya ay pinaaral na sya sa Maynila sa tanyag na “exclusive school for girls” na ang mga nagpapalakad ay mga madre. Hatid sundo sya sa pagpasok sa eskwela at may mga body guards pa na binigay ng ama.

Ngunit ng natalsik ang rehimeng Marcos ang problema nila ay nagsimula na. Lumaban pa rin sa politika ang kanyang ama ng ilang ulit bilang Congressman ngunit ilang ulit rin itong natalo. Lahat ng kabuhayan nila ay naubos dito. Nagging sugarol din ang ama ni Rosa. Hanging isang araw ay na sheriff na ang kanilang bahay sa probinsya at pati na rin ang malaking mansyun nila sa Old Manila.

Dinamdam ng ama nito ang masakit na kapalaran. Nagkasakit ang ama nito at inatake sa puso. Naging parang gulay sa sanhi ng stroke hanging ito ay natuluyang mamatay.

Nasa kasalukuyang first year college pa lang si Rosa ng mamatay ang kanyang ama. Lumipat sila sa isang apartment kasama nya ang mga kapatid nitong apat. Pangalawa si Rosa sa pinaka panganay sa kanila. Ang kanilang ina ay wala ring trabaho at napilitang mamasukan sa kompanya ng dating mga kaibigan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ina at sila lang ay nabubuhay sa mga natitirang alahas na bigay ng kanilang ama na benebenta nila ng paunti-unti.

Si Rosa ay talagang napakaganda. Sa buong unibersidad na kanyang pinaaaralan, sya ata ang may pinakamagandang mukha. Palibhasa ang ina nito ay isang half-Korean sya ay may ma porselanang kutis. Manipis ang kanyang mga labi at ang mata nito’y may pag ka chinita.

Sadyang kayumiyumi ang ganda ni Rosa. Walang lalake ang hindi mapapatingin sa kanya twing sya ay masilayan. Palibhasa nagaral sa mga “exclusive Catholic school” sya ay pala simba. Likas din may taglay na talino si Rosa kaya kahit sa pagpatimpalak sa larangan ng debate sya ay nagunguna. Dito nga sa pagkakataong iyun na kaharap nya ang binatang si Tomas. Ngunit sa kanyang mga napag daanang hirap, hindi nya matatanto kundi mangarap na manumbalik ang kanilang yaman at maiganti ang sinapit ng kanyang ama sa larangan ng politika. Batid nya na ang pagkamatay ng kanyang ama sa sobrang kalungkutan sa dinanas nito sa politika. Nanalo sana ang ama nito sa huling pag Sali sa eleksyun kung hindi naubusan ng pera. Ng malaman ng kanilang mga taga suporta na wala na palang pera ang kanilang ama ay kanya kanyang iniwan ang ama nito.

Kaya sa pagaaral at pakikisalamuha sa kapwa ay naging practical ang ugali ni Rosa. Pinipili lamang nya ang kaibigang mayayaman katulad ni Ana upang hindi na sya gumastos pa. Maging sa mga manliligaw ay isinaalang alang muna nya ang puso. Una pa man ay iniisip na nya ang kanyang pagaaral. Wala sa isip nya ang pagiibigan. Lahat halos ng manliligaw ay naba busted nya. Para sa kanya, hindi dapat pagukulang pansin ang mga iyun.

Ngunit bandang isang araw sila ay nanuod ng swimming contest sa eskwelahan para tingnan ang isang lalaki na nuo’y crush na ng kanyang kaibigang si Ana. Batid ni Ana ang tungkol sa lahat ng pagkatao ng lalaking ito. Si Tomas nga ang taong tinutuloy ni Ana.

Batid din ni Rosa na ang kanyang katipang si Rod ay matagal umibig sa kanyang kaibigang si Ana. Pareho ng eskwelahan sina Ana at Rod ng high school sa Colegio de San Agustin. Si Rosa naman ay nagtapos ng high school sa puro pambabae lang sa Assumption College. Dito sa kolehiyo sila nagkitakita sa De la Salla University—isang unibersidad na hindi lamang pang mayaman ngunit dapat ay may taglay ka ring talino.

Hindi obra ang kayabangan ni Rod sa panliligaw nya kay Ana. Napakayaman din nina Ana kaysa ikumpara sa pamilya nina Rod. Batid ni Rosa na matinding ang pag idolo nito sa kanyang amang abugado kahit ito ay mahigpit sa kanya. Kaya sa criteria ng mga manliligaw dito sila nagkakaiba ni Ana. Para kay Ana ay hindi sapat ang guapo kailangan dapat matalino ang kanyang iibigin. Ito nga ang binatang si Tomas ang nakita.

Ayaw biguin ni Rosa ang kaibigan nitong si Ana na makuha si Tomas. Kaya kahit nakikita nya ito sa simbahan batid ng puso nya na may pagtibok ito simula lang ng kanyang makita. Nararamdaman din nyang may pagtingin si Tomas sa kanya sa mga nahuhuling sulyap nito sa simbahan. Nahahalata rin nyang parati itong nasa hulihan umuupo at waring pinagmamasdan sya.

May pagkakataon ding sinama sya ni Ana para sundan si Tomas sa kanyang pag uwi. Ito ay madalas mag isa lamang. Pagkatapos ng eskwela ay diretso itong umuuwi, maliban kung ito ay dumadaan sa libarary para maghirang ng mga libro. Nakita nila itong sumasakay sa pangkaraniwang sakayan. Minsan kadalasan pa ay sumasabit sa pampasaherong jeep. Nakita rin nila ang bahay nitong tinutuluyan sa isang maliit at pangkaraniwang apartment.

Kaya iniisip ni Rosa wala syang mapapala kung sya ay umibig dito. Katulad din lang pala nya ang estado nito o mas mahirap pa sa kanila. Napapansin din niyang tuwi itong makikita ay parang umiiwas din ang binata. Ayaw rin nyang mabatid ni Ana ang lihim na pagibig nito.

Kaya nabalin sa kanya ang atensyun ni Rod ng malamang may iba na palang mahal si Ana. Walang inaksaya si Rod ng pagkaktaon na di ligawan si Rosa. Palibhasa may kotse ay napilit nyang sunduin at hatirin si Rosa. Agresibo si Rod. Bantog na playboy ito sa buong kampos. Wala talaga sanang balak sagutin ito ni Rosa ngunit sadyang mapusok ang binata. Tuwing hinahatid sya sa kanilang bahay, sa kotse ay panay hawak na ito sa mga kamay nila. Isang araw nga ng siya ay sinundo nito sa bahay at pagsapit sa parking area ay di sila makalabas sa kotse sa tindi ng buhos ng ulan. Sa parking area ditto sya unang hinalikan. Ayaw sana nya itong mangyari ngunit natatakot sya na lumayo at magtampomsi Rod. Napapansin din nyang sobrang galante itong si Rod kaya nahiya na rin syang itulak habang ito’y hinahalikan sya sa pisngi, sa noo hanging sa labi. Sa labi ay hindi sya gumaganti ng halik. Pinilit ni Rod na bukain ang kanyang mga nakasarang labi sa pamamagitang ng paggamit ng mga labi nito at tulak ng dila.

Nagmumura sa galit si Rod dahil nga nagiinit na ito. Umiyak sya na gusto na sana nyang lumabas kahit malakas pa ang daloy ng ulan. Kinabig sya ni Rod at humingi ng sorry habang sya ay umiiyak. Niyakap sya nito at dito ay tinangap na lamang nya ang pagyakap ni Rod na sa akalang ito ay titigal na sa paghahalik. Ngunit si Rod ay bihasa sa pagpapaamo ng mga babae. Habang niyayakap sya nito ay hinawakan ang kanyang buhok at hinaplos ng pagaarauga. Hinalikan sya sa noo na kunwari’y may pahiwatig ng paggalang sa dalaga. Niyakap uli sya ni Rod at nagdrama na sya ay magpapakamatay kung sakali sya ay iiwan at kakalimutan ni Rosa. Matindi ang pagyakap sa kanya hanging magumpisa nanaman nitong halikan sya sa tenga hanging sa dilaan ang kanyang ear lobe. Sa pagkakataung iyun ay wari na ring nag init si Rosa. Palibhasa first time lang nyang mahalikang ng isang lalaki sa kanyanyang ear lobe hindi nya maisip na anong klasng kuryente and tumama sa kanya. Inulit ulit nito ang paghahalika hangang sya ay nakikiliti sa mga dampi ng mga dila ni Rod kasama ang nakakakiliting bigote nito.

Dumating na sa sukdulan ang mainit na paghahalik ni Rod sa kanyang mga leeg hangang hindi nya namamalayan ay bukas na pala ang kanyang blouse. Magaling pala itong si Rod na magtangal ng botones na akalainin momg isang ekspertong katulad ng batikang mandurokot atdi namalyan ng dalaga na bukas na pala ang kanyang blosa. Mainit pa rin ang paghahalik ni Rod sa kanyang mga leeg at di nya namalayang naibaba na pala ni Rod ang ang kanyang bra. Mabilis ang pangyayari at naibaba agad ni Rod ang kanyang mga labi upang halikan ang kanyang dalawang boobs na kaayaaya. Walang na rin nagawa si Rosa at hinayaan na nyang mag papasasa sa paghahalik sa kanyang mga nag rorosa at sadyang bubot pang mga nipples. Mainit pa rin sa pag halik si Rod at gusto na nyang tangagalin ang zipper ng pantaloon ni Rosa. Dito ay tumigil na si Rosa at nagsabing huminahon na muna si Rod.

Tumigil na ang ulan at sila ay pumasok sa eskwelahan. Inantay sya ni Rod paglabas at may dala dala pa itong mga mapupulang rosas. Niyaya siya ni Rod na kumain sa malapit na restaurant sa Malate na ang pangalan ay Café Adriatico. Napaka romantiko ng restaurang iyun kaya sya rin ay nabighani. Laking gulat nya na bigyan sya isang sorpresa ni Rod ng isang mamahaling kwentas. Sinoot niya iyon sa kanyang mga leeg at nagpahayag ng pagmamahal sa kanya. Walang nagawa si Rosa kundi tumango waring hudyat ng pag sangayun nito sa mga pahiwatig ng binata.

Ang pagiibigan nina Rod at Rosa ay nagging talk of the town hindi lamang sa kanilang barkada ngunit sa buong kampus pa. palibhasa si Rosa ang pinakamaganda sa buong kampus kaya ang mga mata ng mga tsimosong estudyante ay natuon sa kanila. Naging seloso si Rod sa lahat ng mga estudyante na nahahalata nyang pumuporma kay Rosa. Bawat lakad ng dalaga sya ay nakabantay na.

Parating nagaaway ang dalawang magkatipan sa parating pag selos ni Rod. Gusto na sanang kalasan nya si Rod ngunit nag binata ay parang pusang nagmamakaawa ito pag si Rosa na ang nagagalit. Isang araw ay nag date ang dalawa at nagkayayang uminom ng tequila. Pinag usapan nila kung ano ba dapat matigil ang pagseselos ni Rod. Ayun sa dalaga sya naman ay tapat dito at hindi tumatangap ng manliligaw. Sadyang natatakot lang pala si Rod na bandang araw ay may makilala si Rosa ng lalaking magpapaibig sa kanya. Hiniling ni rod na matitigil iyun kung ibibigay ni rosa sa kanya ang kanyang pagkadalaga. Sa sobrang kalasingan ng dalawa ay natuloy sila sa isang motel at nag check in. Dito ay nagging mainit ang dalawa.

Sa motel ay isang malaking suite room ang kinuha ni Rod. Sabay muna silang nag shower at pumasok sa isang Jacuzzi. Palibhasa sanay na si Rod sa mga babae, madali nyang naituro kay Rosa kung paano gawin itun. Sa Jacuzzi pa lang ay pinaliguan na sya ng halik sa mga labi, tenga, leeg hangangang sumapit sa pusod nito. Nilasap ni Rod ang mga nectar nito sa mala perlas na halimnuyak ng dalaga. Umingol si Rosa na hudyat na handa na nyang tangagapin ang anumang sandatang ipapasok sa kanya. Sa jacuzzi pa lamang ay naituloy na ni Rod na ma devirinize si Rosa. Napansin ni Rod na may lumitaw na patak ng dugo sa pag agos ng tubig sa jacuzzi at alam na nya na ito ay manipestasyun na nasira na ang hymen ni Rosa sa pagpasok ng kanyang sandata.

Ang unang pagtatalik nina Rod at rosa ay hindi masyadong maligaya. Ngunit ng nasundan nitong mga huli ay buong saya ang kanilang nadarama. Isang araw ay naisipan ni rod na isama si Rosa sa Baguio at dito nila ang matinding kasayahan sa kama.

Natatakot si Rosa na mabuntis. Sinanguni nya sa mga barkada nito ang kanilang pagtatalik. Kaya pinayuhan ng barkada na dapat himukin nyang si Rod ay gumamit ng goma. Kaya sa lahat ng kanilang pagtatalik, pinipilit ni Rosa na magsuot si Rod ng goma.

Matapos ang marami nilang sexual intimacy ay napapansin ni Rosa na hindi na nga naging seloso si Rpd. Napapansin din nyang malimit na rin syang sunduin at ihatid sa bahay liban lamang kung sya na ang nagyayaya kay Rod. Hindi masyadong binibigyang halaga nito ni rosa dahilan nga gusto rin nyang makapagaral ng mabuti. Napapansin din nyang bumababa ang kanyang grado sa eskwela simula ng nagkaroon sila ng relasyun ni Rod. Parati kasing nagyayaya si rod ng date kaya pati pagaaral nya ay naapektuhan. Dito rin nya nasa isip na ang mga lalaki ay sadyang sukdulan. Gusto lamang nito ay puro sex lang. Kaya iniisip nyang mabubti na kailangan din syang magaral.

Bago pa lang pala sila pumunta ng Boracay ay batid na nya kay Ana na sya pala ang gusto ni Tomas. Nag tapat ng lihim si Ana kay Tomas na wala naman dapat aalahanin ang dalaga sa kanya kasi ang totoo ay hindi naman pala sila naging magkatipan ni Tomas. Ginamit lang ni Ana si Tomas para wag makantsawan ng barkada. Ngunit sya ay nagaalinlangan kay Tomas. Takot sya kay Rod na sakaling maki pagkalas nito ang lahat ng galit nito ay mauuwi kay Tomas.Hindi lamang mawawala ang tulong na pinasyal na binibigay ni Rod sa pamilya nila. Si Rod ay may mga body guards na bigay ng kanyang ama. Alam din nyang kayang bugbugin o kaya ligpitin ng mga bodyguards ni Rod ang kawawang si Tomas. Nagaalala din sya na sayang naman ang pagibig ni Ana kay Tomas. Si Ana ay mabait at tapat na kaibigan. Hindi mahirap para sa isang tao na hindi ibigin si Ana. Batid din nyang di sila bagay ni Tomas. Para sa kanya dakila ang taong ito kahit mahirap lamang. Ngunit kung iibigan nya wala silang mapupuntahan. Mga pangarap nya sa buhay ay maglalaho. Kaya nagpasya na syang ipagpatuloy ang relasyun kay Rod. Nag sinungaling syang hindi nya gusto si Tomas.

Ang lahat ng mga ito ay guni guni ni Rosa habang sya ay nagiisang naglalakad sa swimming pool. Natigil lamang sya ng biglang dumating na si Rod at tinawag na tapos na ang party at uuwi na sila.

Maguumaga na ng dumating si Rosa sa kanilang bahay. Gusto sana nyang kamustahin si Tomas upang ipahatid nito ang kanyang pakikiramay ngunit alanganing oras na para nya tawagan ito. Natulog na lamang si Rosa ay napgising na ng alas 10 ng umaga. Dali dali nyang kinuha ang telepono para tawagan si Tomas ngunit wala na pala ito sa bahay. Maaga pa pala ito ay nagtulak na papunta ng kanilang probinsya.

Chapter VI
Ang Pagpasok ni Tomas sa Eskwelahan ng Batas
(kadugtong ng isang nobelang “Isang Pagmamahal”)

Bumalik na rin si Tomas sa Maynila. Buo ang loob nito na ipagpatuloy ang pagaaral ng abugasya. Alam nya ito ang pinapangarap ng kanyang ama na kukunin nya noong buhay pa ito. Ngunit may mga bagay syang iniisip. Kasama na ang mga mga gastusin sa mahal na pagaaral ng abugasya. Batid nya mahal na ang matrikula dito. Pati mga aklat sa pagabugasya ay mahal din. Kaya kanyang binabalak na magaral sa Unibesidad ng Pilipinas. Hindi lang sa tanyag ito, mura pa ang matrikula sa eskwelehang ito palibhasa state university. Inisip na lang nya nagmaturo sa araw at mag aral sa gabi. Tama nga naman sa law school ay karamihan pang gabi ang mga klase dito.

Hinimok nya si Ana na kumuha ng entrance exam sa UP. Gusto talaga pala ng ama ni Ana na pumasok sila dito ngunit may pangamba si Ana na baka hindi sya pumasa dito. Nagpasya na rin si Ana na sumabay kay Tomas pagkuha ng entrance exam. Nagpasya na rin si Ana na pagkatapos ng UP exam ay kukuha rin ito sa Ateneo. Siya na lamang ang kumuha at sinamahan ni Tomas dahil hindi kaya ng binata ang mataas na matrikula dito.

Nakapasa si Tomas sa entrance exam ng UP ngunit si Ana ay hindi. Subalit lumusot naman si entrance exam sa Ateneo. Nalungkot ang dalawang magkakaibigan at sila’y magkakalayo. Ngunit wala silang magagawa at dapat sila ay magaral ng abugasya.

Si Rosa naman ay nagpasya na magtrabaho. Ipinasok sya ni Rod sa matalik na kaibigan ng kanyang ama na isang presidente ng malaking kumpanya sa Makati bilang isang executive assistant. Si Luis naman ay naka graduate din ngunit ang tatlong babaing barkada nila ay naiwan at sa susunod pang semester makakatapos. Si Luis pagkatapos ng graduation ay sumunod na sa bansang America dahil naandon ang kanyang mga magulang. Nagpasya na ito na doon na magtratrabaho.

Summer pa lang noon at dalawang buwan pa ang klase nina Tomas. Nagpasya si Tomas na magturo muna para makatulong sa kanyang pagaaral. Si Ana naman ay nagbakasyun sa America ng dalawang buwan habang wala pang klase kasama ang mga magulang nito.

Ang summer na iyun ay isa na atang pinakamalungkot sa buhay ni Tomas. Sariwa pa ang kalungkutan nya sa pagkamatay ng kanyang ama. Ang kanyang kaibigang si Ana ay malayo na at ito nga ay nagbabakasyun sa bansang America. Hindi rin nyang binalak na bisitahin si Rosa dahil may kunting hinanakit pa sya sa dahilang akala nya ay hindi man lg ito nakiramay o tumawag sa bahay na may pagbatid ng pagalala. Iniisip nya masaya na ito sa buhay at kontento na sa pakikipag relasyun kay Rod.

Nang summer ding iyun si Tomas ay nagtrabaho bilang pagturo sa isang kolehiyo. Hindi nya namalayan na mabilis pala ang lumipas na dalawang buwan at ito ay pasukan na sa law school. Nagenroll na si Tomas. Pumasok na sya sa eskwelahan ng pagaaral ng batas. Ngunit pinagpatuloy nya ang kanyang pagtuturo sa araw at sa gabi naman ay sya ay pumapasok sa eskwela.

Naging crush sya ng mga estudyanteng kanyang tinuturuan. May mga nagpapadala pa sa kanya ng mga love letters. Ngunit hindi ito inisip ni Tomas. Isa lang kanyang iniisip at ito nga kailangang makatapos sya nang pagkaabugasya para maisakatuparan ang kanyang minitmithing pangarap sa buhay.

Walang sinayang na panahun si Tomas sa kanyang pagaaral. Maging linggo pag katapos ng pagsimba nya ay sya ay nagaaral. Halos madaling araw na syang natutulog at ito ay ginagawa nya araw araw. Kahit nasa jeep sya at traffic kanyang binubksan ang binabasa ang kanyang mga libro.

Natapos ang unang taon ng kanyang pagaaral ng abugasya at si Tomas ay napabilang sa Dean’s Honor List. Marami ang humanga sa kanyang talino at tyaga sa pagaaral Maging ang kanyang mga propesor ay bumibilib kay Tomas.

Bihira na rin sila magkita ni Ana. Minsan lang sila naguusap at ang minsang iyun ay sa pamamagitan lamang ng telepono.

Sumapit na ang dalawang taong pagaaral nya sa UP at ang mga subjects nito’y pahirap na ng pahirap. Pagsapit nya ng third year ay marami na sa kanyang kamag aral ang nag sipag suko na. Isang gabi ay nakatangap sya ng tawag sa telepono kay Ana at humihingi ng karamay dahil mahirap na nga ang third year. Sinabi lang ni Tomas na kailangang mahigit pang doblehin nito ang dapat na gawin sa pagaaral. Ngunit nangangamba si Ana dahil nga patas na ng patas ang QPi ng Ateneo. Kailangang umabot sya dito kung hindi ay baka sya ma kickout.

Sa third year ay maliit na ang populasyun sa mga nagaaral nito sa dahilang marami na ang mga bumagsak o kaya ay nag sipagsuko na sa pagaaral. Lahat halos ng mga third year ay magkakakilala liban lang kay Tomas na parati pa ring solo flight sa klase. Wala syang sinalihang fraternity at dahil ditto ay binagsagan syang “barbarian”. Isang araw lumapit sa kanya ang president eng klase upang himukan sa pagdalo sa nalalapit na Christmas Party nila. Pinilit syang sinama total bakasyun na naman.

Ginanap ang kanilang Christmas Party sa isang bahay ng kanilang ka eskwela sa Corinthian Gardens. Masaya ang buong klase at sila ay natuwa nga dahil dumalo sa kanila si Tomas. Marami ang nagtatanong kay Tomas kung bakit parati syang malungkutin at nagiisa. May nagtatanong din sa kanya kong may nobya na sya.

Lahat ay halos uminum dahil nga sa Christmas vacation na. Nagpasya ang iba na doon matulog na. Isang babae na kanyang kamagaral ang nag alok sa kanya ng alak. Pinaunlakan naman nito ni Tomas. Matagal na silang magkakakila nitong si Liza. Ngunit batid nyang ito ay may nobyo na na isang negosyante. Si Liza ang crush ng bayan ng kanilang eskwelahan ngunit walang makaporma dito dahil nga may nobyo na na hindi lang mayaman ay guapo pa. Inaamin nya sa sarili na crush din nya si Liza ngunit baling wala ito sa kanyang isipan na kailangan syang makatapos. Hindi rin nya kayang ligawan si Liza dahil nga sya ay mahirap lamang. Wala syang kotse at sapat na pera na panggastos kung sakaling mag date sila nito. Ang nalalabi nyang pera ay binibigay nya sa kanyang mahal na ina. Iniisip din nyang taglay pa rin sa kanyang isipan ang walang kamatayang pagmamahal kay Rosa. Kung sakaling gusto nyang magkaroon ng nobya ay bakit nga naman si Liza pa. Naandyan naman ang kanyang kaibigang si Ana na sa tingin nya ay nagaantay lamang sa kanya.

Lagpas na ng alas dose at nagpasya na si Tomas ay magpaalam na. Kailangan pa nyang ayusin ang kanyang mga gamit dahil nga kinabukasan ay pupunta na sya ng probinsya upang magbakasyun at dalawin ang puntod ng kanyang ama. Batid nya na wala syang masasabayan pauwi dahil halos lahat ng mga kamagaral ay nag nagpasya na doon na matulog sa bahay na kung saan pinag dausan ang kanilang Christmas Party.

Napakalayo ang gate ng Corinthian galing sa bahay na kanyang pinanggalingan. Wala naming tricle na maari nyang sakyan patungong labasan. Mahaba rin ang linakad ni Tomas at sya ay inabot ng mahigit 30 minuto sa paglalakad. Tanaw na nya ang maliwanag na ilaw ng gate nito ng biglang may napahintong kotse at bumukas ito ng bintana. Si Liza pala ang nagmamaneho ng isang magarang sasakyan at siya’y inalok na sumakay hanging labasan. Tumangi naman si Tomas dahil nga malapit na naman ang gate nito. Ngunit si Liza ay nagpipilit na sya ay sumakay kaya ang binata ay napilitan. Habang sakay si Tomas sa kotse nito si Liza naman ay nagtanung kung saan umuuwi si Tomas. Nabatid nyang ito ay sa Makati nakatira. Pagsapit ng gate ay si Liza ay hindi tumigil sa pagmamaneho at nagyaya na pumunta sa Makati total doon naman nakatira si Tomas.

Mahaba rin ang byahe galing ng Pasig papuntang Makati kaya maraming napagusapan sina Liza at Tomas. Nagsimula ang kanilang usapan sa mga terror na propesor hanggang mapunta sa mga personal na bagay. Dito inalantad ni Liza na sya ay nagseselos sa nobyu nitong negosyante. Batid ni Liza na ang kanyang nobyo ay mahilig pumunta sa isang tanyag na bar sa Makati kaya naisipan nitong pumunta. “Tara samahan mo ako at wala akong kasama. Gusto ko lang hulihin ang ang aking boyfriend kung ito nga ay may iba pang girlfriend”, ang pagyaya ni Liza. “ko bahala treat kita at tayo ay maginuman habang inaantay natin sila” ang dugtong pa ni Liza. Walang nagawa si Tomas kundi umayun at sumama sa pagpipilit ni Liza. May nakalakap na palang inpormasyun si Liza na pupunta doon ang kanyang boyfriend kasama nito ang isang babae.

Nang dumating sa bar sina Liza at Tomas ay laking sorpresa ni Tomas ang kanyang nakita. Naandon si Ana na may kasama ang kanyang mga kaeskwela sa Ateneo at nagiinuman. Pinakilala nya ito kay Liza at tinukso tuloy sya ni Ana kung si Liza na nga ang kanyang bagong girlfriend. Tinangi naman nito ni Tomas at sinabing kanyang kamagaral lamang ito.

Habang sila ay nagiinuman ni Liza ay napansin nyang malungkot si Ana sa kabilang mesa. Mabilis ang pag order nito ng mga zombies at halata nya itong gustong maglasing. Iniisip nya na maaring nagseselos nga ang dalaga. Batid kasi nito na si Rosa lang ang mahal ni Tomas at wala ng iba. Kung meyron man lang iba na iibigin si Tomas ay sya na nga ito. Ngunit sa pagkakataong ito ay bakit may iba ng kasama si Tomas.

Lalapitan na sana ni Tomas si Ana upang aluking sumama sa kanila ito at para ipaliwanag na hindi nga nya nobya si Liza. Walang ibang babae pa ang dapat magpaliwanag noon maliban kay Liza lamang. Ngunit pinigilan sya ni Liza na tumayo. Kinabig sya ni Liza at pinilit na tumabi ito sa kanya upang hindi sila Makita ng katipan nito. Balak talaga pa lang hulihin ni Liza ang katipan nito sa akto. Iniisip na ng dalaga na iskanduluhin ang nobyo nito ngunit umiral ang hiya nya sa harapan ni Tomas. Nagpasya na lamag si Liza na huminahon. Humiling na lang ng maraming inumin upang ito’y malasaing.

Hindi nagtagal ang katipan nitong tumigil sa bar na iyun. Waring maniwani ay doon lang sila nagtagpo ayun sa inpormasyun ni Liza. Hindi nila napansin na bigla na lang nawala ang mga ito. Sobrang lasing na si Liza at malapit na magsara ang bar na iyun. Umalis na ang mga bisita kasama rin si Ana na lasing na lasing na. Na ipaliwanag naman ni Tomas kay Ana kung ano talaga ang relasyun nila ni Liza. Mabait naman si Ana at kanyang tinangap ito. Hinatid na lamg ni Tomas si Ana sa labas patungo sa kotseng nagaantay na driver.

Pinaka huling lumabas ng bar sina Liza at Tomas. Hindi magawa ni Tomas na iwanan ang dalaga nitong nagiisa. Pag dating nila sa kotse ay di na kayang magmaneho ni Liza ng sasakyan at napilitang si Tomas ang mag drive nito. Si Tomas naman ay sanay ding mag drive. Maliit pa lamang sya ay natuto na syang magmaneho ng sasakyan sa probinsya.
Pauwi n asana sila patungong bahay ni Liza ng magyaya pa ito ng inuman sa tindi ng kalungkutan. Pumasok sila sa isang bar malapit lg sa bar na sa una nilang pinuntahan. Ito ay ang bar na tinatawag na cable car. Kahit umaga na ay bukas ito at pwde kang uminom.

Dito ay nagusap sila ng mabuti at naging banayad ang kanilang personal na usapan tungkol sa mga buhay. Nagkatuwaan ang dalawa hangang mapasok ang pagtatanong ni Tomas kung sa tagal na ng pagsasama ni Liza at nobyo nito ay maynagyari na sila. Nakantsawan tuloy ni Liza ng mabatid na virgin pa pala ito. “Ano ka ba Tomas na sa law school na tayo at virgin ka pa”, ang pagtanong ni Liza. “baka ikay ang tinatawag na the last Filipino virgin”, dugtong pa ni Liza. Pinaliwanag naman nito ni Tomas dahil ito ay inilalaan nya sa kanyang mahal na si Rosa. Humalaklak naman si Liza sa mga paliwanag ni Tomas hangang sumapit ang usapan kong gusto nga naman nyang makaranas ng sekswal na bagay.

Hindi na nagawang sumagot ni Tomas ng hawakan sya ni Liza sa kanyang kamay at sabya di itong hinawakang ang matumbok nyang alaga. Kahit makapal ang maung na suout ni Tomas ay naramdaman pa rin nya ang mainit na kamay at dampi ng mga palad nito at hindi maiwasang lumaki ang kanyang tarugo. Palibhasa madilim ang bar na iyun at wala na masyadong tao, pinasok ni Liza ang kanyang kamay sa loob ng pantaloon ni Tomas at simula na ang matinding galit ang umiral sad ala nyang alaga. Tumigas ito ng matindi. Hindi lamang ispiritu ng alak ang dahilan kung bakit nagging mainit sya nito. Dahil na rin sa matinding pagtratrabaho at sabay pagaaral kaya sya ay nagulila sa mga bagay na ito. Hindi nagtagal ay nagbulong si Liza na pumunta na sila sa isang karatig na condominium unit na pagaari ng ama nito. Ayun sa kanya may susi sya nitong condong ito dahil ginagamit ng ama nito na isang pribadong opisina. Minsan nga lalo pag Sabado dito sya nagaaral dahil kumpleto ito ng mga law books. Ang ama ni Liza ay abugado sa isang malaking kumpanya.

Nagmamadali ang dalawa pagra pumanhik sa condo. Sa elevator pa lang ay mainit na ang kanilang laplapan. Pagdating sa condo unit ay din a nagawang buksan nimLiza ang airconditioner nito. Mabilis agad silang nag hubad. Hindi mahirap para kay Tomas na mahanap ang kiliti ni Liza. Kanya munang hinalikan ito sa mga labi at ang kanilang mga dila ay nagpapalit palit. Dito ay nasasabi ni Tomas sa sarili na sanay na talaga itong si Liza sa pakikipagtalik. Ang mga halikan nila ay mainit hangangang sumapit sila sa ibat ibang posisyun. Ilang ulit ding linabasan si Tomas kay Liza at sila ay nakatulog sa bakod. Nagising lang sila sa matinding pawis sa dahilang nakapatay na nga ang airconditionr nito.

Pagkagising nila ay nagkayayaan na uuwi na sila sa kanilang mga bahay. Hinatid pa ni Liza si Tomas sa kanyang bahay. Habang nagmamanrho si Liza ay naguusap sila. Nagkasundo sila na ang nagyari ay magiging sekreto lamang. Tanghali na si Tomas ng makauwi siya sa kanila. Dali dal nyang linigpit ang mga gamit at pumunta na ng pier para sumakay ng barko patungong probinsya.

Nang nasa barko si Tomas ay naramdaman nya ang matinding alon> magalaw ang barko kaya ang mga pasahero ay karamihan ay nahihilo. Ngunit sa matinding pagod at puyat ni tomas ay wala syang naramdamang mga alon. Nakatulog sya ng mahimbing halos 10 oras. Gumising lamang sya para gamitin ang banyo at syay natulog ng muli. Ang sunod nyang gising ay nasa probinsya na siya.

Pagdating nya sa bahay ay nagmadaling naligo. Pagkatapos ng iyun ay pumunta na sya sa puntod ng kanyang ama upang manalangin. Isang kandila at mga bulaklak na sariwa na pintas nya sa kanilang hardin ang inalay sa ama.

Ang Panalangin ni Tomas sa Ama

O aking ama patawad sa aking mga nagawa
Init ng damdamin at pusong marupok ay napana
Sa mga kasayahang hingi ng katawan ay batid na pansamantala
Kaya’t itong ang aking paghingi ng patawad ay sana mapuna

O aking ama wag ka sanang magalala
Pagararl ko ay hindi nakakalimutan tuwina
Buong panahon ko’y dito nabuhos na
Makamtan man lamang ang pangarap na aking inaalala

O Diyus na mahabagin huwag sana kalimutan si ama sa iyong piling
Buhay ko’t damdamin sa iyo’y iaalay din
Sa pagaaral ko sana’y iyung patnubayin
Upang sa lahat ng kapahamakan at tukso’y
iyung sasagupin

Naging masaya ang Pasko ni Tomas na sila ay kumpleto maliban nga lang sa pumanay nilang ama. Nagkitakita silang magkakapatid at nagsalo salo sa maliit na noche buena na inihanda ng kanilang mahal na ina.

Masaya nag pasko sa nayun. Simple nga lang pero dito mo makikita ang damdamin ng Pasko. Uso sa kanilang nayun ang mga Christmas Carols at mga pahanda. May simbang gabi at may mga kasayahan sa entablado nila.

Ngunit nalungkot si Tomas ng mabatid na ang pumalit sa kanyang ama ay may mithiing masama. Nanumbalik na naman ang nmga jueteng at ang prostitusyun ay naglipana. Walang nagawa si Tomas kung hindi naghihinayang dahil sa pagkawala ng moral values ng mga tao at ng pamahalaan nito. Sa isip nya kung buhay pa lamang si ama ay hindi nya pahihintulutan ang ganitong maduming pamamalakad.

Hindi nagtagal ang panahon at sumapit na ang bagong taon. Nagpasya na lamang si Tomas na bumalik sa Maynila dahil malapit na ang pasukan.

Mabils talaga ang panahon at si Tomas ay nasa fourth year na. Nagkikita pa rin sila ni ni Liza ngunit malimit na. Nagkaunawaan pala sina Liza at ang nobyo nito. Pagsapit ng fourth year ay naging laong abala nito. May karagdagang Gawain sa eskwelahan dahil kailangan nilang magkaroon ng actual free legal practice sa mga mahihirap.

Dito nakita ni Tomas ang laki pala talaga ng agwat ng mayayaman pag dating sa batas. Nagging maawain sya sa mga mahihirap at kanyang tinulungan ng buong tapang at talino. Nakakalaban na nya ang mga higanteng abogado na ang mga kleyente ay ang mayayaman. Sa mga kasong criminal ay lubos syang nalulungkot. Ditto nya napagmasdan na hindi lamang sapat na kaalaman sa batas ang dapat alamin ng abogado. Dapat maging handa at matalim ang mga pagiisip nito para mapigilan ang mga di makatarungang legal maneuverings ng mga abogado. Kadalasan ay nababatid nyang karamihang piskal ay nababayaran.

Hindi nagkatagalan ay nakatapos na si Tomas. Si Ana naman ay na delay dahil hindi ito kumuha ng full load sa pangambang hindi nya ito kakayanin. Naging pangalaw si Tomas sa klase kaya nakuha nya ang pagigimg class salutatorian at pagiging cum laude. Nang malapit na ang bar examinations, pansamantala syang tumigil sa pagtuturo.

Pagkatapos ng bar exams kinuha si Tomas ng isang malaking law office upang magtrabaho dito. Ngunit hindi nya itong tinangap dahil kinuha sya ng kanyang propesor na isang mataas na opisyal ng gobyerno. Katulad ng kanyang ama ay inibig din nyang maglinkod sa bayan.

(to be continued in the next episode)

 

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x