Isang Pagmamahal (chapter28)

Isang Pagmamahal

Written by R.O.Y.

 


Chapter XXVIII
Ang Hindi Inaasahan
(kadugtong ng nobelang “Isang Pagmamahal” ni roy)

Sa America ay naging abala si Tomas sa pag-aalaga ng kanyang malubhang ina. Halos binabantayan nya ito araw araw kasama ang kanyang kapatid na si Elena. Kaya sa pagbantay ni Elena ay naging panatag ang loob ni Tomas na ayusin nya pansamantala ang mga negosyo nya sa America.

Isang araw ay dumalaw si Luis sa ospital ng kanyang ina at sila ay nagkitakita muli ni Tomas. Nang pauwi na sila ay niyaya ni Luis si Tomas na kumain sila sa isang Filipino restaurant sa San Francisco.

“O pare kain naman tayo dyan sa isang bagong bukas na Filipino restaurant at hayaan mo naman na ako ang mag libre,” ang sabi ni Luis.

Pumayag naman si Tomas na kumain para na rin makipakwentuhan kay Luis. Habang sila ay kumakain ay nagsabi si Luis ng kanyang pakikipagdalamhati sa sinapit ng kapatid ni Tomas na si Ambrosio. Nagpasalamat naman si Tomas sa pakikiramay ng kanyang kaibigan.

Habang sila ay kumakain ay maynagbati kay Luis at nagsabi: “Oy small world, Luis ikaw nga at kasama pa si Tomas. Ang mga bumati pala sa kanila ay ang dati nilang mga kabarkada at kaibigan na sina Jingle, Meriam at Linda.

“Oy sumabay na kayo sa amin at libre ko ito. Mamaya may part 2 pa tayo,” ang pahayag ni Luis. “Oo nga Luis, balita namin napakayaman muna ditto sa America at may carehome ka pa,” ang sabi naman ni Linda. “O ikaw naman Tomas, masyado kang malihim a, siguro mayaman ka na rin katulad ni Luis,” ang sabi naman ni Merriam.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa Ichiban sa San Francisco. Ang Ichiban ay katulad ng “The Libray” sa malate na kung saan ay may mga entertainer na galing Pilipinas at mga bakla na nagpapatawa. Halos karamihang pumupunta doon ay mga Pilipino.

Lingid sa kaalaman ni Tomas ay matagal na pa la nya itong plano. Nagkaroon na pala sila nang paguusap ni Rosa na kasabwat ang tatlong mga barkada nya. Hindi alam ni Rosa ang planong iyon. Ang alam nya ay si Tomas ay nasa Pilipinas, ngunit dinadalaw pala nito ang ina ni Tomas sa dahilang sa America pala sya nagbabakasyon ng isang buwan. Alam din ito ng kanyang kapatid na si Elena at nilihim nito kay Tomas ang pagdalaw ni Rosa.

Madilim ang paligid ng Ichiban. Sa isang sulok ay naandon si Rosa at walang kamalay malay na naandon din sa kabilang sulok si Tomas. Ang alam lang ni Rosa ay magkikita sila doon nina Luis at mga dati nilang mga barkada sapagkat mga ilang araw na lang ay pabalik na ito ng Hongkong at patapos na rin ang halos isang buwan na bakasyon sa San Francisco.

Talagang sinadya ni Luis at mga barkada nito na magrequest ng mga love song na paborito nila noon nina Rosa at Tomas. Kaya ang main host ay nagsalita:

“Ladies ang gentlemen, ang gabing ito ay napaka espesyal. Hindi nyo ba napansin na ang mga tugtog na kinakanta naming ay mga yesteryears at mga himig ng pag-ibig. Mga himig ng pag-ibig sa para sa dalawang nilalang na tapat na nagiibigan. Isang pagmamahal ang namagitan sa kanila na saksi ang langit kung gaano ang kanilang pag-mamahalan. Ngunit sadyang ang tadhana ay nagbibigay ng pagsubok at ang dalawang nilalang na ito ay nagkalayo. Kaya ang kantang ito ay maguugnay sa dalawa, Isang Pagmamahal na hindi kayang sukatin ng panahon at walang kamatayang pag-ibig. Ngunit ang kantang ito ay aking hindi aawitin. Ngayong gabi mismo ay matutunghayan nyo ang dalawang ito na ngayon lang magkikita matapos ang mahigit sampung taon ng pangungulila nila sa isat isa. Mga kaibigan tawagin po natin sila. Sina Tomas at Rosa para handugan tayo ng kanilang awiting “Isang Pagmamahal”.

Ang laking gulat ni Tomas at ni Rosa ng marinig ang mga pahayag ng host ng club na iyon. Ngunit pareho silang walang magawa sa dahilang tinutulak sila ng kanilang mga kaibigan at sabay pa ang palakpakan at hiyawan ng mga tao doon. Wala silang magawa ngunit umakyat na lang sa entablado.

Inabot kay Tomas ang isang mikropono at ito ay napatingin kay Rosa. Si Rosa naman ay natulala sa dahilang hindi nya inaasahan ang pagkakataong iyon. Knanta nila ang ito ng buo sa puso. Bawat letra at tono ng kantang iyon ay nauukol sa kanilang naranasan at damdamin ng isang tunay na nagmamahal at pag-ibig na walang kamatayan.

Isang Pagmamahal
Composer: Roy

Noon una tayo ay nagkita
Alam ko’y akin ka ng sinisinta
Halimuyak ng hangin
Wala akong maisip na suliranin
Makapiling ka man lang sa aking paningin

Maraming nagdaang araw
Nang bigla kang sumilaw
Pag-ibig ko’y humahalihawhaw
Sa saya ng iyong pagdalaw

Batid ng langit
Ang pag-ibig nati’y munti
Ngunit ito’y puno ng luwathati
Sa dahilang ikaw lang ang aking inibig
Sa buong buhay ko’y ika’y minimithi

Isang pagmamahal ang atin binitawan
Hindi ito kayang masukatan
Mga pagsubok na dumaan
Kahit panahon ang pumaraan
Ang pag-ibig natin ay walang hangan

Kahit buhay ko man ay lumisan
Wala akong iibigin kahit saan man
Isang pagmamahal na aking binitawan
Buong buhay ko’y aking ihahandog sa iyo aking hiran’
Isang pagmamahal at walang wakas magpakailan pa man

Maluha luha si Rosa ng binibigkas sa kanya ni tomas ang mga himig ng kantang iyon. Hinawakan ni Tomas ang kamay ni Rosa at sila ay nagyakapan.

Halos lahat ng mga tao sa club na iyon ay natahimik at napaiyak sa dalawang nagugnayan at pinagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.

Pagkatapos nilang kumanta ay niyaya ni tomas si Rosa sa kanilang mesa. Hindi na nagawa nilang magkamustahan sa dahilang puro tuksuhan ang inabot nila sa kanilang mga kaibigan at barkada.

Habang sila ay nagkwekwentuhan ng mga masayang araw ng nakaraan ay nagbulong si Rosa kay Tomas at nagsabi: “Patawad Tomas sa aking mga pagkakamali.” Hindi na nagsalita si Tomas at niyakap na lang nya si Rosa. Nagpalakpakan muli at nasiyahan ang mga barkada ni Tomas. “ Oy Tomas dalaga na yan si Rosa, nakapag divorce na.” Ang sabi ni Mrriam. “Bakit si Tomas, hangang ngayon ay binata pa naman,” ang sabi naman ni Luis.

Nagkatuwaan uli sila at masayang masayang naghiwalay. Si Rosa naman ay nagyaya na pumunta sila sa ospital para dalawin ang ina ni Tomas.

Dumating na sina Tomas at Rosa sa ospital at naabutan nila si Elena na nagbabantay. Humalik si Elena kay Rosa at nagsalita: Pasensya na kuya inilihim namin ito sa iyo. Matagal na pong dumadalaw si Ate Rosa kay ina. Minsan nga po nakapg donate sya ng dugo kay ina ng una syang naoperahan noon. Kaya lang nakiusap sya na wag ko raw sabihin sa inyo baka daw kayo magalit.”

Walang araw na inaksaya sina Rosa at Tomas na hindi sila magkasama nito. Sinabihan ni Tomas si Rosa na kung maari ay wag ng bumalik ng Hongkong at aantayin na lang nilang gumaling ang ina nito at magpapakasal na sila sa America. Pumayag naman agad si Rosa ngunit kailangan pa nyang mag resign sa trabaho at ayusin ang mga personal na gamit at dalhin na ito sa America.

Isang gabi pag kagaling nina Rosa at Tomas sa pamamasyal ay dumaan sila sa ospital para magpaalam si Rosa sa ina ni Tomas at kay lElena sa dahilang kinabukasan ay babalik na syia ng Hongkong. Ang laking tuwa nila ng madatnan na magaling na ang ina nito at nakakatayo na. Agad sinabi ni Tomas na gusto na nyang pakasalan si Rosa at natuwa naman ang ina nito at mga kapatid.

Nagulat din sila nang biglang dumating din ang ina ni Rosa at mga kapatid nito at dumalaw sa ina ni Tomas. Pinabatid agad ni Tomas ang balak nilang pagpapakasal ni Rosa sa susunod na buwan na pagbalik nito. Natuwa naman ang ina at mga kapatid nito.
Nagpaalam na lang sina Rosa at mga kaanak nito at nagsabing sasabay na lang sya sa kanyang mga kapatid para wag nang mapagod pa si Tomas. Pumayag naman si Tomas at sinabing sya na lang ang maghahatid kay Rosa sa airport linabukasan.

Dahil nga sa baka mabigla ang ina n ito sa mga kasayahan na sinasabi ni Tomas, tinuturukan ito ng mga doctor ng pampatulog. “Kuya salamat naman at si ina ay gumaling na,” ang sabi ni Elena. “Oo nga kaya tayo ay magpasalamat sa Dios,” ang sabi ni Tomas. “Oo nga kuya ngayon lang ay nagpapasalamat na ako sa Kanya at para na rin sa aking dinadasal na natupad na kayo ay magkabalikan ni Ate Rosa,” ang sabi naman ni Tomas.

“O sige matulog ka na rin at parati ka ng puyat,:” ang sabi ni Tomas sa kapatid.

Wala na sanang balak bumalik pa ni Tomas ng Pilipinas sa dahilang napakasaya na nya dito sa America at aantayin na lang nya si Rosa at magpapakasal na sya.

Habang nakatulog ito si Elena ay pinag masdan ang ni Tomas ang maamong mukha nito. Naalala nya na ng maliit pa ito ay parati nyang kinakarga. Kung napapaaway nga ito sa mga kalakihan ay sya agad ang tinatawag nito.

Nang magdalaga na ito ay marami ring mga manliligaw sa dahilang napakaganda ng kapatid nyang ito. Ngunit ni isa man lang ay walang naging kasintahan ito sa dahilang batid ni Tomas na idodolo sya nito. Sinabi sa kanya ni Elena noon ay kung iibig lang sya sa isang lalaki ay nanaisin nya na dapat kasing talino at mabait na katulad nya.

Ngunit ng pumunta sya sa America ay nalaman nyang nagging malungkutin ito. Hindi nakikipausap sa mga lalaki. Sumasariwa pa sa kanya ang masakit na regalo na inihandog sa kanya na mga video tapes. Hindi sya nagalala tungkol kay Rosa na kinawa niyon ni Rod sa dahilang una ay nagkarelasyon ito sa kay Rod at pangalawa tinangap na nya si Rosa at wala namang pagbabago sa kanyang pagmamahal ditto. Ngunit sa ginawa nito kay Elena at ang kanyang pagsumpa sa libingan ng kanyang kapatid na igaganti nya ito ay kailangan nyang gawin iyon. Iniisip nya na kailangang maisakatuparan iyon.

Habang sya ay nagisip isip at nagmumunimuni at tumawag sa kanyang cell phone si Secretary Sanchez at nagsabing sa susunod na lingo ay matitiklo na nila si Rod Sanchez at mga kasamahan nito. Ayos na lahat sa dahilang may kooperasyon na ang mga diplomats at inaantay na lang nila ay pagdating sa isang lingo ng barko. Isa lang ang hadlang para sa kanila. Hangang ngayon ay wala pa silang warrant of arrest kay Tomas. Kailangan daw may complainant na may matibay na ebideensya na magreklamo para ma demanda at maaresto si Rod Sanchez.

Nang natapos silang magusap ni Secretary Sanchez ay naalala nya ang tungkol sa video tape na naandon si Elena na umiiyak ito at nakikiawa kay Rod habang ito ay pinapasok ang kanyang sandata. Naisip agad nya na si Elena ay may edad lg na 22 anyos ngayon at halos ay sampung taon na ang nakadaan na ang ibig sabihin noon ay maaring 12 years old sya ng maganap iyon, pumapasok ito sa tinatawag na “statutory rape” at walang bail ito. “Tama ang video na iyon ay matibay na ebidensya,” ang panaghoy ni Tomas sa kanyang sarili. Tumawag agad sya kay kapitan Sachez na i secure agd ang video tape na iyon. Pagkatapos niyon ay gumawa agad sya ng affidavit—complaint at kinabukasan ay pinaliwanag ito kay Elena na dapat nitong pirmahan Umiyak si Elena at niyakap si Tomas at nagpasalamat ito na sa tulong nya ay magkaruan sya ng hustisya laban kay rod at pati na rin sa kanyang panganaya na kapatid.

Kinabukasan habang hinahatid ni Tomas si Rosa sa airport ay nagsabing kinabukasan din daw ay uuwi sya ng Pilipinas. Nakiusap si Roa na wag ng umuwi si Tomas sa dahilang para syang kinakabagan. Pinagtapat nya ang nangyari sa kanyang dalawang kapatid at kanyang responsibilidad na mademada si Rod. Napaiyak si Rosa ng mabatid na pati sa kawawang si Elena ay nagawa pala iyon ni Rod. Umiyak sya kay Tomas ngunit sinabi naman ni Tomas na hindi rin sya magtatagal at lingo lang ang kanyang aabutin sa Pilipinas at babalik na sya sa America para ihanda ang kanilang kasal.

Pagkahatid nya kay rosa sa airport ay agad ito tumuloy sa Philippine Consulate sa San Francisco para ma notaryahan at ma authenticate ang affidavit-complaint ng kanyang kapatid na si Elena. Pagkatapos ma notaryuhan ng Philippine Consul ay pinadala agad nya sa courier pauntang Pilipinas.

Dinala agad ito nina Secretary Cruz sa Fiscal’s Office. Linakad nilang maigi at hini nagtagal ay naisampa ang kaso at nagbigay na ang korte ng warrant of arrest laban kay Rod Sanchez.

Tumulak na rin si Tomas papuntang Maynila at sinundo sya nina Captain Siazon at Secretary Cruz.

Handa na rin ang buong grupo, kasama ang mga heneral at mga tauhan nito na ireraid na nila ang isang kargamento na puno ng druga galing ibang bansa. Nakahanfa na rin ang warrant of arrest ni Rod Sanchez. Alam na rin lahat nila ang bawat galaw at kilos nito.

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x