Ipe, Ang Pagbabalik Ng Bastardo 18 (Talaga Bang Laya Na?)
By Brifer
Nasa number one hospital sa Pilipinas na nasa BGC si senyor Mondragon dahil inatake ito sa puso sa pangalawang pagkakataon. Stable na raw ang ama ng dumating si Ipe sa hospital.
Pinatulog muna ni Ipe sina Solbi at Joji dahil puyat na puyat ang mga ito sa buong magdamag na pagbabantay. Sinabi ni Solbi na nais ng ama nila na kausapin ang binata pagka gising nito.
Nang magising sina Solbi at Joji pasado alas dose ng tanghali, nagpaalam muna si Ipe upang pumunta sa isang sikat na restaurant na may branch sa may lobby ng hospital upang bumili ng lunch para sa kanilang tatlo. Sumama si Solbi sa kuya nya.
Mahigpit ang pagkakaakap ng mala dyosa sa gandang dalaga (kahit puyat) sa bisig ng lalaking itinatangi. Oorder pa lang ang mga ito ng makareceive ng tawag from Joji at pinababalik ang mga ito sa private room. Balisang balisa ang boses ng asawa ni senyor Mondragon.
Nadatnan nina Ipe at Solbi ang ilang nurses at dalawang doctors na nakapaligid sa kama ng ama. May crash cart sa tabi at sinusubukang i-revive si senyor Mondragon. Sabi ni Joji, nag code blue (life threatening medical emergency) ang asawa, muling inatake sa puso.
Balisa ang mga duktor sa kanilang attempts for cardiac rescucitation. Pero after several attempts ay flat line pa rin si senyor Mondragon. Mahigpit ang yakap nina Solbi at Joji kay Ipe habang nakamasid ang mga ito.
Biglang humagulgol ng iyak ang mag-ina nang lumapit ang isa sa mga duktor na umiiling iling. Hindi na na-revive pa ang ama ni Ipe. Nanigas ang buong katawan ng binata dahil sa pagkagulat. Wala na ang kanyang ama na hindi man lang nya naka usap.
After about 10 minutes, lumapit ang tatlo sa bangkay ng minamahal na mainit init pa. Parehong yumakap sa wala ng buhay na katawan sina Solbi at Joji, na patuloy sa malakas na pag iyak. Pero parang tuod pa rin si Ipe sa pagkakatayo sa tagiliran ng kama.
Walang nagsasalita, tanging pagtangis ang maririnig sa loob ng hospital room.
After an hour, dumating ang mga orderlies at inilabas ang bangkay ni senyor Mondragon para iprepare sa pag release sa funeral-memorial park. Kailangan ding asikasuhin ni Joji ang mga bayarin sa hospital. Mabuti at dumating ang tatlong high ranking officers ng corporation at sila na daw ang bahalang magsa ayos ng hospital bills at official papers, maging ang pag deal sa memorial homes kung saan may memorial plan ang sumakabilang buhay. Ayon sa kontrata, two days lang ang wake at cremation kaagad. Ito ang gusto at tagubilin ni senyor Mondragon.
Sumama si Ipe kina Solbi at Joji pabalik sa mansion ng mga ito sa isang exclusive village south of Manila. Tulala pa rin ang mag-ina. Maging si Ipe ay napipi.
Nag shower sina Solbi at Joji. Kailangan nilang ihanda ang sarili sa magiging lamay kinagabihan at huling program kinabukasan bago ang cremation. Lahat ng household staff ng mga Mondragon ay nagluluksa.
Nagpa-alam muna si Ipe upang maka uwi sa kanyang residence para mag handa rin. Nais din nyang ipaalam sa mga tauhan nya sa QC at maging sa probinsya ang nangyari, lalo na ang kanyang mama.
Bago mag ala siete ng gabi ay nailipat na ang mga labi ni senyor Mondragon sa malaking chapel ng memorial park. Marami na ring mga dumating na kaibigan at kamag anakan. Nandoon din ang halos lahat ng mga empleyado ng Mondragon corporation.
Dumating din ang lahat ng empleyado ng Bastardo Bar-Cafe sa QC at BGC para makiramay. Pati si Cassie ay dumating. May dala pa itong food from the BGC Bastardo Bar-Cafe at mga staff para tumulong sa pag serve ng food. Dumating din si Jez kasama ng mga magulang at kapatid na babae.
Tumawag si Irynne at ang mama ni Ipe na darating kinabukasan ang lahat ng staff ng Bastardo Bar & Cafe mula sa probinsya. Sasama din daw si Elise, ang pamangkin ng mayor na naanakan ng bastardo nating bida.
Tumawag din sina Grace at Mau na darating ang mga ito kinabukasan.
Hindi magdamagan ang lamay. Bago mag alas dose ng hatinggabi ay pinauwi na ni Joji ang mga nakikiramay at pinakiusapan na lang na bumalik ng alas dos ng hapon kinabukasan para sa maikling programa at misa bago ang cremation.
Lulugo-lugo si Ipe, halos hindi hinarap ang mga bisita. Sya ang nilapitan ng mga kakilala upang i-console, lalo na nina Jez at Cassie. Pssulyap sulyap lang sa kanyang “kuya” si Solbi. Tanging ang dalaga ang may energy na mag estima sa mga bisita dahil panay pa rin ang pag iyak ni Joji.
Alas dos na nang madaling araw naka uwi sa mansion ang mag-ina kasama ng binata na pareho nilang minamahal.
Tahimik ang tatlo habang nagkakape sa dining area. Tumayo si Solbi at kumandong sa “half brother”.
Solbi: kuya… dito ka muna mag stay ng several days…
Ipe: mabuti pa, pagkatapos ng cremation bukas ng hapon, sumama kayo sa akin sa residence ko… kahit saan kayo tumingin sa loob ng bahay na ito, I’m sure lalo kayong malulungkot dahil makikita nyo si Papa… ok po ba sa inyo yon tita… na sa aking place muna kayo mag stay?
Joji: payag ako Philip… thank you dahil naisip mo yan… sa place mo na rin natin papupuntahin si attorney para sa last will and testament ng papa nyo. Philip… puede ba… puede bang tumabi sa ‘yo tonight sa pagtulog… kami ni Solbi?
Solbi: yun din ang request ko kuya, naunahan lang ako ni mommy
Ipe: ok with me, pero doon tayo sa bedroom mo Solbi… at before we sleep, mag empake kayo ng mga damit at personal necessities nyo… sana more than a week kayong mag stay with me
Solbi: kahit two weeks pa kuya, I want to be with you… I’m sure mommy wants the same thing
Nag nod ang napakagandang kabubyudang dyosa, may konting ngiti sa labi pero puno ng lumbay ang mga mata.
After makapag shower ang tatlo (hindi sabay sabay dahil nagluluksa), nahiga ang mga ito sa malaking kama ni Solbi. Nasa gitna si Ipe. Naka shorts at loose tshirts ang mag-ina, parehong braless. Amoy na amoy ng binata ang bango ng dalawang dyosa.
Naka akap agad at naka tanday ang “half sister” sa binata, pilit na isinisiksik ang sarili. Magka holding hands naman sina Ipe at Joji. Maya-maya’y humihimas na ang malambot na kamay ng madrasta sa bisig ng stepson habang humihikbi.
Gustong yakapin ni Ipe ang umiiyak na stepmom pero nakadagan sa kalahati ng kanyang katawan ang “kapatid sa ama” kaya ipinailalim na lang ng binata ang bisig sa leeg ng madrasta. Kaya patagilid ding yumakap si Joji sa anak ng namayapang asawa.
Ganito ang pwesto ng tatlo hanggang makatulog.
Past 8 AM na nang magising ang mga ito. Mukhang nahimasmasan ng bahagya ang mag-ina dahil sa presensya ng lalaking kapwa nila minamahal.
May text messages ang mama ni Ipe at si Irynne, ang Bastardo Cafe manager sa probinsya na unang naanakan ng binata. Darating daw silang lahat bago mag 10 AM. May dala daw mga pagkain ang mga ito na niluto ng mga chefs ng Bastardo Bar-Cafe.
Nakatanggap din text messages si Ipe from his QC Bastardo Bar manager na si Erika na magdadala din sila ng food na niluto ng kanilang chefs. Same din ang message ni Cassie na magdadala din uli sila ng food na luto ng BGC Bastardo Bar-Cafe chefs.
Mabuti na lang at maraming food dahil napakarami ng mga kaibigan, kamag anak, kakilala at empleyadong dumating.
Mangiyak ngiyak ang mama ni Ipe ng sumilip sa kabaong at pag masdan ang guapong mukha ng lalaking unang inibig at pinagkalooban ng kanyang basal na pagkababae. Lumapit si Joji at inakbayan ang mama ni Ipe. Tahimik na lumuha ang dalawa.
Lumapit sina Ipe at Solbi sa kanilang mga ina at magkakasamang tinunghayan ang minamahal na sumakabilang buhay.
After lunch, at 2:30 PM, nagsimula ang misa. After ng misa, may eulogy, pero si Solbi lang ang tanging tagapagsalita. Ito ang buod ng sinabi ng dalaga (translated sa Tagalog):
“Si Papa ang pinakamabait na lalaki na maaaring maging ama ng sino man. Sya rin ang pinakamabait at pinakamaunawaing asawa, at ito’y mapatotohanan ni mommy.
Lahat ng gusto ko ay ibinigay sa akin ni Papa… sabi nga nya, ako lang daw ang hindi nya kayang pahindi-an. Lahat ng pagmamahal ay ibinigay ni Papa at ni Mommy sa akin… kahit na… kahit na hindi nila ako tunay na anak (gulat na gulat ang mga nakarinig, nagtinginan, nagbulungan… mulagang mulaga naman si Ipe).
Sa hospital, bago nakatulog si Papa na derecho na palang paghimlay, ipinagtapat nya sa akin na inampon nila ako pagkapanganak na pagkapanganak sa akin. Kahit ako’y ampon, prinsesa nila akong itinuring simula nang ako’y sanggol hanggang ngayon. Labis labis ang pasasalamat ko sa yo mommy huhuhu (napa iyak na)… I love you very much mommy.
At sa kuya ko, ang syang biological son ni Papa, kuya Philip, I love you very much. (May nagbulungan, hindi maarok ang ipinahihiwatig ni Solbi pero alam ni Jez ang tunay na damdamin ng kababata sa kanyang ex na si Ipe).
Maraming salamat sa pakikiramay nyong lahat. Minahal nyo ang aming ama ni kuya Philip… hindi namin malilimutan yon.”
Nanatili sa memorial park chapel ang karamihan sa mga nakiramay habang kini-cremate ang mga la-bi ni senyor Mondrago. Iniabot ng memorial park manager kay Joji ang urn na pinaglagyan ng abo ng yumaong asawa.
Ni-request naman ni Solbi ang mga nag stay na bisita na muling kumain dahil napakarami pang pagkaing hindi pa nagagalaw. Umabot hanggang 6 PM ang salo-salo at pagtitipon.
Nasabihan ni Ipe sina Jez at Cassie na mag stay muna sa kanya si Solbi at Joji. Parang kinabog ang dibdib ni Jez. Sinabihan din ni Ipe maging mga managers nya at staff na hindi muna sya magtatrabaho for the next two weeks. Naunawaan naman siempre ito ng mga sinabihan dahil kailangang mag luksa ang kanilang amo.
From the memorial park, derecho sa 4th floor ng car shop building sina Ipe, Solbi, at Joji. May napakagandang flower arrangement (hindi pampatay kundi pang buhay) na nasa ibabaw ng malapad na dining table. Alam ng bastardong amo na ang asawa ni ka Selmo na si ka Mila ang nagpahanda ng mga bulaklak.
Hindi kumain sa salo salo ang tatlo kaya nagluto ng pasta with chicken si Ipe. Mabagal ang pagkain ng tatlo, parang walang gana. Pinilit lang ng binata na kumain kahit konti ang dalawang dyosang kasama.
Solbi: kuya… wala ka pang sinasabi tungkol sa sinabi ko kanina… nagulat ka ba ng husto?
Ipe: (atubili, tumingin muna sa madrasta na tumango tango) Solbi, ang totoo, nasabi na sa akin ni Papa na hindi tayo magkadugo
Solbi: huh!!?? A… alam mo na? Bakit… (loaded ang bakit: bakit hindi mo sinabi na alam mo na, bakit ayaw mong pumayag na mag make love tayo gayong hindi tayo magkadugo)
Ipe: naalala mo, noong malaman ni Papa na nagkaron kami ni tita ng relasyong sekswal, bilang parusa, pinagbawalan ni Papa na makipagkita sa akin ang mommy mo for a year… at ang parusa nya sa akin, hindi kita puedeng maging girlfriend o asawa kahit hindi tayo tunay na magkapatid… at hinding hindi tayo maaaring mag sex… so naiintindihan mo na kung bakit hindi kita ginalaw kahit sumisigaw ang puso ko na tuluyan na kita
Solbi: oh kuya… huhuhu (umiiyak na niyakap ang lalaking minamahal)… pero… pero wala na si Papa kuya… malaya ka na sa parusa nya
Tinitigan ni Ipe ang nagsusumamong mukha ng babaeng tunay na minamahal.
Ipe: Solbi… alam mong mahal na mahal kita… pero babaero ako.. alam mo yan… dalawa na nga ang anak ko sa pagkabinata at may kasunod pang dalawa…
Naisip ni Ipe sa pagkakataong yon ang pagdududa na may kakayahan syang talikuran ang pambababae at mag focus lang sa isa. Naalala nya ang sinabi ni Solbi na payag itong magkaroon sya ng maraming girls pero pag naging sila, hindi na ito papayag na mambabae pa rin siya.
Laya na si Ipe sa parusa ng ama pero nakakadena pa rin ito sa nakasanayan at ginugustong gawi ng isang bastardo, na gawin ang kahit anong magustuhan, kasama na ang pagiging babaero. Sa usaping ito, ayaw ng bastardo na makalaya pa.
- BPKMEN Book 2 Ang Byudo At Ang Bastardo (1 Off Limits) - January 20, 2025
- Bumubuga Pa Kahit May Edad Na Book 1 (21 Paghanga, Laglag Sa Sahig Ang Panga) - January 17, 2025
- Bumubuga Pa Kahit May Edad Na (20 Lipat-Bahay) - January 14, 2025