Written by UragonFox
“Hon, do you really have to go? I mean, maganda naman ang takbo ng trabaho natin pareho dito sa Pilipinas,”ang pangungumbinsing tanong ni Zandro sa kanyang may bahay na si Michelle.
Bukas na kasi ang alis ni Michelle papuntang United Kingdom. Matagal na niya talagang plano na mangibang bansa upang magtrabaho buhat pa noong bago sila maging mag nobyo ng naging kabiyak ng kanyang buhay ngayon na si Zandro.
“Hon, alam kong mahirap ito para sa ating dalawa lalong lalo na kay Talia. Pero matagal na natin itong napag-usapan di ba? I agree with you na maganda ang takbo ng careers natin pero this is a good opportunity for our family, for me, for you, for Natalia,”ang pagpapaliwanag ni Michelle sa asawa na alam niyang mabigat pa rin sa kalooban nito ang pag-alis niya.
“Mukhang hindi ko na talaga mababago pa ang isipan mo even in the last minute?”ang pagtatanong ni Zandro.
“Alam mo na ang sagot ko riyan hon. And I’m doing this not only for myself, but also, for us, for our future. Para sa mas magandang kinabukasan natin. Hayaan mo, hinding hindi ako papalya sa pakikipag talastasan sa inyo.”
“Mahirap man sa simula hon, pero kakayanin ko. Kakayanin natin ito. Mas matibay pa sa anumang napagdaanan nating pagsubok ang pamilya natin. After two years, makakasunod na rin kayo ni Talia doon, sisiguraduhin ko iyan,”ang malumanay na pagpapagaan ng loob ni Michelle sa kanyang asawa.
“Nauunawan kita hon, kaya mas lalo kitang minahal dahil sa mas inuuna mo pa ang kapakanan namin kaysa sa iyo. Hayaan mo, mas pagbubutihin ko rin ang trabaho ko rito. Baka sakaling makakita rin ako ng opportunity para sumunod sa iyo ay gagawin ko. Isasama ko agad si Talia,”ang wika ni Zandro.
Sa huling pagkakataon ay muling pinagsaluhan ng mag-asawa ang sarap ng bawat halik na iginawad nila sa isa’t isa.
Alam ng bawat isa sa kanila na mahirap ang magiging estado ng kanilang pagsasama lalong lalo na at magiging malayo sila sa isa’t isa.
Ngunit walang anumang pagsubok ang dumating sa kanila na hindi nila nalagpasan at alang alang sa kanilang anak at sa kanilang pamilya ay kaya nilang tawiring ang pagsubok na ito.
Dalawang taon. Dalawang taon lang naman ang hihintayin nila upang magkasama silang muli at magsisimula ang mga raw na iyon bukas… sa pag alis ni Michelle papunta sa ibang bansa.
KINABUKASAN…
“Mom, are you really going to leave us here?”ang mangiyak ngiyak na tanong ng labing apat na taong gulang na si Talia habang kasama niya ang kanyang ina pababa ng hagdan.
Dala dala ni Michelle ang isang bag na laman ang mga importante niyang gamit. Nasa labas na kasi ang iba pa niyang bagahe at naisakay na sa kotse ng asawa niyang si Zandro.
“Talia, baby. Hindi ko kayo iiwan ni Daddy mo. Pupunta lamang si Mommy sa ibang bansa para mag work. We’ve already talked about this di ba? And mommy will make sure na makakasunod kayo agad ni Daddy doon, I promise,”ang paliwanag ni Michelle sa kanyang anak habang hinahawi nito ang buhok na nakatabon sa maganda nitong mukha.
“But two years is such a long time Mom… I can’t handle it. Ngayon pa lang nami-miss na kita. How much more for two long years?”hindi na napigilan pa ng luha sa mga mata ni Talia na lumandas sa kanyang pisngi.
“Don’t cry, baby. Araw-araw tayong mag-uusap ni Daddy mo ha? Sisiguraduhin ko na sa bawat araw na magdaraan doon, iisipin ko kayo palagi. Tatawag ako palagi. We can have video calls more para hindi natin masyadong ma-miss ang isa’t isa okay?”hindi mapigilan ni Michelle ang bigat ng kanyang loob habang sinasabi ito sa kanyang anak.
Inihatid ng kanyang mag-ama si Michelle sa airport. Mabigat man sa kanilang kalooban ay kailang nilang makita ang kanilang ilaw ng tahanan na umalis.
May kaunting pagsisisi si Zandro sa kanyang sarili dahil kung mas malaki lang sana ag kita niya ay di sana kailangang umalis ng kanyang asawa.
Alam ni Zandro sa kanyang sarili na siya dapat gumagawa ng mga bagay na ito. Siya dapat ang mas may kakayahang itaguyod ang kanilang pamilya. Siya dapat ang mas may magandang trabaho upang hindi na umalis ang kanyang maybahay.
Hindi katulad ng kanyang pinagmulan ay hindi ganoon kayaman ang pamilya ni Zandro. Mayaman ang pamilya nila Michelle ngunit kailanman ay hindi sila humingi ng tulong mula sa mga ito.
Naging matatag silang mag-asawa upang itaguyod at palaguin ang estado ng buhay nilang mag-asawa lalong na ng kanilang anak na si Natalia.
Hindi man naging maganda ang simula ng kanyang pakikitungo sa pamilya ng kanyang asawa ay di kalaunan ay natanggap din ng pamilya ni Michelle si Zandro dahil sa angking kasipagan at pagsisikap na ipinamalas nito.
Subalit sadyang dumarating sa buhay na kailangan talagang gawin ang mga bagay mas makabubuti sa kanilang pamilya.
Nabigyan ng magandang alok si Michelle sa ospital na kanyang pinagtatrabahuhan para magtrabaho sa United Kingdom para magtrabaho doon bilang head nurse. Dahil din sa magandang record nito at pasado lahat sa qualifications na hinahanap ay hindi naging mahirap para makuha siya sa posisyong inaalok.
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ng mag-ama si Michelle na papasok na sa Departure area ng airport.
Dalawang taon ang bubunuin ni Zandro na hindi makakasama ang kanyang asawa ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay susubukin ng mahigit dalawang taon ang tibay at tatag ng pagsasama nilang pamilya…
To be continued…
Author’s Note:
Hi guys! This is UragonFox. You can also read some of my stories in Wattpad and you can follow me in Twitter, the links are in my bio. Comment your thoughts with the story and your words will highly be appreciated. Happy reading and thanks!
- Aangkinin Kita (Chapter 1) - September 12, 2021
- Paupahan (Teaser) - September 10, 2021
- Illicit Affairs (Chapter 9) - July 5, 2021