Written by ereimondb
Ikapitong Utos – Episode 5: Friends, Lovers Or Nothing – PART 1
April 14, 2001; 8:59PM
Ang ganda niya…
Sobrang ganda lang talaga niya…
Para akong nakatingin sa isang anghel, na ipinadala mula sa langit dito sa ating daigdig.
Ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito kalapit.
Ngayon ko lang siya nakitang mahimbing na natutulog.
Sa aking tabi… Sa aking kaliwang braso…
Sa isang ligtas na lugar, kung saan siya nararapat.
Nararamdaman ko ang pagtibok ng kanyang puso.
Nalalanghap ko ang kanyang mabangong hininga.
Ramdam ko rin kung gaano kalambot at kakinis ng kanyang katawan.
Balat sa balat…
Hinahawi ko ang kanyang buhok, upang lalo ko pang mapagmasdan ang ganda ng kanyang mukha.
Ang matangos niyang ilong…
Ang mapang-akit niyang mga labi…
Hindi ko mapigilang halikan ng halikan si Sheryn…
Sa kanyang noo, sa kanyang pisngi, sa kanyang matangos na ilong at sa mapupulang labi.
Ang sarap…
Sobrang sarap ng aking nadarama.
Pinapanalangin kong sana hindi na matapos ang gabi.
Habaan pa ng sandali ang bawat oras, bawat minuto, na kapiling siya.
Ayaw ko itong matapos…
Gusto kong lagi siyang katabi…
Gusto kong ganito kami kalapit lagi sa isa’t isa.
Kay tagal kong hinintay ang araw na ito.
Hindi na ako umasa na mangyayari, pero heto siya’t kapiling ko.
Sa iisang kuwarto…
Sa iisang kama…
Iisa ang aming puso, ang aming nararamdaman.
Ang aming katawan…
Ang init ng kanyang balat, nakakapaso…
Napakasarap…
Hindi ko ipagpapalit ang gabing ito.
Dahil ito ang pinakahihintay ko.
Sayang…
Kaunting sandali lang ito…
Limitado…
May hangganan…
Pero ano ang pakialam ko?
Hawak ko siya ngayong gabi.
Yakap ko siya ng ilang oras.
Matapos man ang gabi, wala akong pinagsisisihan.
Matapos man ang gabi, alam ko at alam niya ang aming naramdaman.
Ang tanging hiling ko lang…
Sana magtagal pa ito kahit saglit pa.
Abot kamay ko ang kanyang katawan, puso at kaluluwa…
Akin lang siya.
April 14, 2001; 7:25AM
“Kambal, tara kain na.”
“Aga mong nagising kuya ah..”
“Siyempre excited tol!”
“Halata nga kuya eh. Ngayon lang ata kita hindi ginising para magalmusal.”
“Hehehe. Pasensya ka na kambal kung minsan ha. Antukin lang talaga ako.”
Espesyal ang araw na ito.
Hindi ito tulad ng isang pangkaraniwang araw, na lilipas lang ng basta-basta kagaya ng dati.
“Kambal, sama ka sa akin mamaya ha.”
“Kailangan pa bang nandoon ako kuya?”
“Siyempre naman tol. Hindi ka naman iba sa amin ni Sheryn eh. Kapatid kita.”
“Gabi niyo yun kuya.”
“Huwag ka na mahiya kambal. Alam ko din namang matutuwa si Sheryn kapag nagpunta ka dun eh.”
Ngayon ang araw na nakatakda.
Ang 18th birthday ng girlfriend ko… Si Sheryn.
“Sige kuya. Basta okay lang ba sa inyo eh.”
“Ayan ka nanaman. Napakamahiyain mo. Pati ba naman sa akin kambal mahihiya ka pa? Dalhin natin motor, hatid mo ako dun.”
Lumipas ang araw mula nang unang anibersaryo naming, na magkaaway, nabigyan na rin ako sa wakas ni Sheryn ng pangalawang pagkakataon.
Humingi ako ng kapatawaran sa kanya ng mahigit pa sa isang libong beses. Alam kong mahirap, pero yun lang ang tanging paraan upang magbalik siya sa akin.
Dahil hindi ko kayang mawala si Sheryn sa buhay ko.
Nasanay na akong kapiling siya tuwing sabado o linggo.
Nasanay na akong kausap siya at katext araw-araw.
Nasanay na akong iniisip siya minu-minuto.
Adik na ako sa kanya.
At ngayon… Ngayon ang araw na makakasama ko siya ng mas makahulugan.
Ako ang escort niya, ang pinakahuling magsasayaw sa kanya, ngayong gabi
Mahalaga ito para sa aming dalawa, para sa aming relasyon.
Isa ito sa mga hinihintay kong araw na kaming dalawa ang puwede mag celebrate. Mas mahalaga pa ito sa sarili kong birthday.
Sa dinami-raming araw na magkasama kami, sa mahigit na isang taon, ngayong araw na ito yata ako pinakaexcited at pinakamasaya. Siyempre, iba yung anniversary namin, na sadya namang sumablay ako.
Gusto kong bumawi sa mga pagkakamali ko. Gusto kong bumawi sa mga araw na pasaway ako. Gusto kong bumawi sa mga pagkakataong sablay ang bawat salita at galaw ko.
Ganoon siya kahalaga sa akin. Ganoon ko siya kamahal.
May isang araw nga na sobrang sama ng loob niya sa akin. At nararamdaman ko na halos ipagtabuyan niya at lumayo sa kanyang tabi.
Dahil alam kong may kasalanan ako at tanggap ko iyon.
Alam kong nagagalit si Sheryn sa tuwing inuuna ko siya sa lahat ng dapat sana’y mas mahalaga para sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit ko ginagawa iyon.
May isang araw na gusto ko siyang surpresahin, dahil nalaman kong absent ang professor nila sa Calculus. Gusto kong kunin ang pagkakataong iyon para makasama siya.
Oo. Aaminin kong matindi ang libog ko noong araw na iyon sa kanya. Pero kaya ko iyon tiisin dahil mas pinapahalagahan ko ang desisyon niya. Nirerespeto ko iyon, at kapag sinabi niyang ayaw niya, hindi ko gagawin at ipipilit ang bagay na gusto ko.
Galit na galit siya dahil lumiban ulit ako sa klase para sunduin siya. Alam kong tama siya. Alam kong para sa kapakanan ko rin naman ang iniisip ni Sheryn.
Mas nanaig lang yung kagustuhan kong makita at makasama siya noong panahong iyon, kaysa sa isipin ang klase namin.
Pero alam kong mahal din ako ng girlfriend ko. Dahil pinili niya ako mula sa napakarami niyang manliligaw, na mas hihigit pa sa akin.
Yun bang, mas matalino… mas maporma… mas mayaman… mas guwapo…
Lamang lang naman sila ng ilang paligo sa akin. Guwapo din naman ako sabi ng nanay ko.
Sa totoo lang…
Alam ko mas lamang sa akin ang karibal ko sa babaeng pinakamamahal ko.
Pikit-mata ko itong itinatawid sa pang araw-araw. Sa tuwing magkasama kami at nakikita niya kami. Kailangan kong tiisin na nasasaktan siya, dahil kailangan ko rin ipaglaban ang pagmamahal ko kay Sheryn.
April 14, 2001; 10:16AM
“Kanina ka pang nagshushoot diyan kambal ah…”
“Nagpapapawis lang kuya…”
“Hindi mo manlang ako isinama. Akin na bola.”
Alam kong gusto niya pa rin si Sheryn.
Alam kong nagparaya siya para sa akin.
“Ganito lang yan kambal… Manood ka kung paano magshoot ang MVP ng school natin.”
Kahit nasasaktan siya, tinitiis din niya ang kanyang nararamdaman.
At kung alam lang niya… Mas nahihirapan ako sa sitwasyon namin.
“Galing mo talaga magbasketball kuya.”
“Doon lang naman ako magaling kambal. Wala nang iba pa.”
Mahal ko ang kapatid ko. Siyempre dahil dalawa lang kami at marami siyang sakripisyo para sa akin.
Pero siyempre, iba ang pagmamahal ko kay Sheryn. At hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.
“Mukhang may problema ka kambal ah… Ano bang meron?”
“Wala naman kuya…”
“Anong wala? Kita ko kaya diyan sa mukha mo. Kilalang-kilala kita kapag badtrip ka, kaya huwag mo nang ipagkaila pa.”
“Malapit na kasi magbukas ang klase namin. Kinakabahan lang siguro ako. Wala akong makakasama doon. Wala akong kakilala… Wala ka.”
“Pasensya na kambal kung hindi na kita masasamahan sa bagong school mo. Medyo na-late lang ako. Hayaan mo, next year doon din ako papasok sa kolehiyo. Tsaka, sa talino mong iyan, sila dapat ang matakot sa iyo.”
“Iba kasi yun kuya eh. Mas mahirap siguro doon.”
“Mahirap nga… Pero alam kong kakayanin mo yun kambal. Kahit kalian, hindi kita nakitang sumuko at napanghinaan ng loob. Alam kong lumalaban ka.”
“Minsan lang iyon kuya. Lumalaban lang ako kapag kailangan. Pero madalas, hindi.”
Ganyan si Francis.
Malaman ang bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig.
At alam kong, isa sa mga labang sinukuan niya, ay ang pagmamahal niya kay Sheryn.
“Kaya mo yan kambal. Hayaan mo, basta kung sinuman ang umagrabyado sayo doon sa bagong school mo, sabihan mo lang ako. Bubugbugin ko iyon mag-isa. Gusto mo pirmahan ko pa yun sa ilong eh. Hehehe..”
“Hehehe loko ka talaga kuya. Basta ipangako mo lang sa akin na gagraduate ka itong school year, magiging okay na ako.”
“Pramis yan kambal. Oh, heto na bola mo, baka magkadramahan pa tayo dito eh. Hehehe.”
Patawad Francis. Alam kong nahihirapan ka na din dahil sa akin.
Gusto ko lang malaman mo na bilib na bilib sayo si kuya.
Promise ko sayo, gagraduate ako ng high school.
Promise ko sayo, sasamahan kita dyan sa bagong school mo.
Lahat gagawin ko para maging okay tayong dalawa.
Pero…
Please, huwag mo lang kunin sa akin ang babaeng mahal ko.
April 14, 2001; 5:10PM
Maagang nagbihis si Michael para sa debut party ni Sheryn. Bakas naman sa mukha ng binata ang matinding kaligayahan.
“Guwapo na ba ako kambal?” Tanong ni Michael sa kanyang kapatid habang panay ang suklay nito sa kanyang naka-gel na buhok.
“Oo kuya. Tama na yan. Parang kanina ka pa nasa harapan ng salamin ah.”
“Hehe. Ganun ba kambal? Pasensya ka na, sinisigurado ko lang na guwapo ako ngayong gabi. Nakakahiya naman kay Sheryn kung mukha pa rin akong dugyut.”
“Hahaha.. Ganyan na itsura mo kuya. Wala na mababago diyan.”
“Yun na nga kambal eh.. Pero teka, bakit hindi ka pa bihis?”
Napansin naman ni Michael na naka maong at white t-shirt lamang ang kanyang kapatid. Samantalang siya ay bihis na bihis sa kanyang kulay asul na long-sleeved polo at black pants.
“Ito na isusuot ko kuya.”
“Tangina.. Kambal, debut yung pupuntahan natin. Magbihis ka na tol.”
“Kuya, ihahatid lang kita doon.”
“Ayan nanaman tayo kambal eh. Sabi ko naman sayo na invited ka doon.”
“Ako ang assistant at drayber mo ngayong gabi kuya. Huwag ka mag-aalala, hihintayin namin kita sa labas eh.”
“Sa motor? Mabuti sana kung yung kotse natin dadalhin doon sa party. Eh sa motor ka maghihintay kambal.”
“Ayos lang yun kuya. O kaya, balikan na lang kita. Basta sa labas lang ako.”
“Kambal…”
“Tara na kuya, baka ma-late ka pa.”
“Kulit naman nito eh.”
“Tsaka kuya, mahirap na kapag ako ang nagbihis at pumorma diyan sa debut party ni Sheryn. Mas titignan nila ako kaysa sa iyo, sige ka kuya, gusto mo yun?”
“Tama ka kambal. Sige na nga, magsando ka na lang tsaka shorts?”
“Gagu! Tara na kuya.”
Umalis namang nagbibiruan ang magkapatid. Inihatid ni Francis si Michael, sakay sa kanilang motor, papunta sa venue ng debut ni Sheryn.
April 14, 2001; 5:55PM
“Sigurado ka bang okay ka lang dito kambal?”
“Okay lang ako kuya. Huwag kang mag-alala. Tsaka, yung plano mo kung paano mo isasayaw si Sheryn, please huwag mo nang ituloy.. Hehehe..”
“Yung pamatay na moves ko ba kambal? Hehehe.. Sige text na lang kita mamaya.”
“Okay kuya. Hanap na lang ako ng bar sa malapit na puwede ko tambayan.”
Kahit gustuhin ni Francis na sumama sa loob ng venue, ay mas pinili na lamang niyang iwan si Michael at Sheryn.
Matagal-tagal din kasing hindi nagkausap ang dalawa dahil sa pag-aaway nila noong nakaraang mga buwan.
Gusto ni Francis na magkausap at magkasarilinan sina Sheryn at Michael at masulit ang pagkakataong ito na silang dalawa lang ang magkasama.
At kahit hirap din sa loob ni Michael na hindi niya kasama ang kapatid sa debut party ng kanyang girlfriend, ay mas nananaig ang pasasalamat nito sa kanyang kapatid dahil sa pagpapaubaya niya ng pagkakataong ito para sa kanilang dalawa ni Sheryn.
Nagsimula ang pagdiriwang ng ika-18 birthday ni Sheryn ng bandang alas-sais ng gabi. Lahat ay nakapormal at talaga namang engrande ang selebrasyong ito.
Mukha namang prinsesa si Sheryn sa kanyang suot na gown at tila namangha ang lahat sa kakaibang taglay na kagandahan ng dalaga.
Bumaba ito mula sa isang mataas na hagdanan habang ang lahat ay nagpapalakpakan. Naghihintay naman ang kanyang escort sa gabing iyon, na si Michael, sa ibaba ng hagdan. Napapangaga na lang si Michael habang pinagmamasdan ang kanyang girlfriend, suot ang isang puti at asul na gown.
“Ganda mo babes. Sobrang ganda mo talaga.” Paghangang saad ni Michael.
“Salamat at dumating ka…”
“Siyempre naman… Araw mo ito eh.”
“Mag-usap tayo mamaya..”
Tila malungkot naman si Sheryn habang nakakapit sa may bandang braso ng binata. Halata sa kanyang mga mata na may pinagdadaanan ang magandang dalaga. Hindi na rin mapakali si Michael sa sinabi ni Sheryn. Bigla itong kinabahan at gusto na niyang malaman ang lahat ng sasabihin nito.
Ngunit mas pinili naman ni Sheryn na manahimik muna. At nirespeto naman iyon ng kanyang escort. Inaalalayan na lamang niya ang debutante sa tuwing ito ay tatayo o nauuhaw.
Hindi rin siya makakain dahil sa pagsisilbi nito sa dalaga.
Ang lahat ng bisita nama’y kumakain na.
Napakaraming handa. Halatang pinaghandaan nila ang debut ng nagiisang anak na si Sheryn. Tuwang-tuwa naman ang magulang ng dalaga dahil nagustuhan ng lahat ang inihanda nilang putahe.
Masaya ang lahat maliban na lamang sa celebrant.
Bilang ang mga oras na nakangiti ang dalaga. Tila wala siyang gana at parang gusto nitong umiyak.
Kahit nababahala naman si Michael ay mas minabuti nito magpakatatag para sa dalaga. Kailangan niyang tibayan ang kanyang loob upang hindi lalong malungkot o manghina ang dalaga sa kanyang pinagdadaanan.
Madaming bagay ang naglalaro sa utak ni Michael.
Gusto na ba siyang hiwalayan ni Sheryn?
Yun lang naman ang tanging dahilan na puwede nilang pag-usapan ng masinsinan.
Kinakabahan si Michael at hindi na rin itong mapanatag sa kanyang kinauupuan.
April 14, 2001; 7:03PM
Maya-maya ay biglang tumayo si Sheryn at nag-paalam na magpupunta lamang ito sa kanyang magulang. Hinayaan naman siya ni Michael at kinuha niya na rin itong pagkakataon upang makapunta sa banyo. Inalalayan niya si Sheryn saka ito umalis.
Pagkapasok ng banyo ni Michael ay agad itong naghilamos.
Naglalaro pa rin sa kanyang isipan kung ano ang dapat pag-usapan nila ni Sheryn. Kinuha nito ang kanyang panyo at dahan-dahang ipinunas sa kanyang basang mukha.
Samantalang si Sheryn naman ay nakikipag-usap sa kanyang mommy.
“Please, don’t do this to me mom.”
“Sheryn, we have already talked about this. Para sa iyo din naman yun.”
“But mom I don’t wanna go. This is my home now. And I am happy.”
“Alam mo naman na may business tayo sa Los Angeles. And we have to support your dad, by just being there form him.”
“Mom, please not this way? Ayoko umalis.”
“And Sheryn, kailangan ka naming ng dad mo. We love you, at ayaw namin na hindi ka nakakasama, lalo na on your college life.”
“Mom! I don’t want! I really don’t want to go. I want to stay here. Please!” Saad ni Sheryn sabay lakad papalayo sa kanyang mommy.
Kahit tawagin pa siya ng kanyang ina ay hindi niya ito nililingon at direstsong lumabas sa venue.
Kahit medyo mabigat ang kanyang suot ay nagawa nitong mabilis na tumakbo papalabas, umiiyak.
Pagkalabas naman ni Michael ng banyo ay nagkakagulo na sa may lobby.
Nagtataka ito at agad na hinanap ang kanyang girlfriend.
Lumingon ito sa kaliwa at kanan, ngunit hindi niya makita si Sheryn. Nasalubong na lamang niya ang ina nito na umiiyak habang pinapaupo ng ibang bisita.
“Tita, ano po nangyari? Nasaan po si Sheryn?”
“She’s outside…I don’t know… She’s mad at me…”
Biglang kinabahan si Michael at nagmamadali itong naglakad papalabas ng venue.
Sa labas, napansin naman ni Francis na may tumatakbo at umiiyak na babaeng papalapit sa kanya. Hindi niya ito agad na namukhaan dahil sa kakaibang ayos ng dalaga.
“Francis, itakas mo ako. Ilayo mo ako dito… Please?”
“Huh? Anong nangyari? Hindi pa tapos ang birthday party mo. Baka hanapin ang debutante.”
“Please ngayon lang, ialis mo ako sa lugar na ito.”
“Saan tayo pupunta? Si kuya Michael? Papaano si kuya Michael?”
“Kahit saan… Kahit saan Francis..”
Agad namang sumakay sa kanyang motor si Francis at umangkas ang magandang dalaga. Kahit nakagown ito, ay nagawa pa din niyang sumakay sa motor habang nakayakap kay Francis. Natakpan naman ang napakaamong mukha ng dalaga dahil sa helmet na suot nito.
Maya-maya ay sumenyas si Sheryn sa binata at ipinatabi ang motor.
Hindi naman nagtaka pa si Francis sa piniling lugar ng dalaga dahil sa napakaganda ng tanawin dito sa tuwing sumasapit ang gabi.
Kitang kita ang nagkikislapang mga ilaw na nagmumula sa kalakhang Maynila.
Sariwa pa ang hangin na kanilang nilalanghap at napansin naman agad ng binata na medyo giniginaw si Sheryn.
Agad nitong isinuot sa dalaga ang dala niyang jacket.
“Ano bang nangyari?”
Halos hindi naman makasagot ang dalaga sa kaiiyak nito.
Iniabot naman ni Francis ang kanyang panyo kay Sheryn.
“My parents are going to send me in L.A.. Doon ko na daw tatapusin ang studies ko.”
Nabigla naman si Francis sa nadinig niya mula kay Sheryn.
Maraming bagay ang naglalaro sa kanyang isipan. Una na dito, ang kanyang kuya Michael.
At siyempre, ngayon na lang ulit sila nakakapagusap ng maayos ni Sheryn, saka pa ito aalis ng Pilipinas.
“Ayoko umalis Francis. I want to stay. What should I do? I can’t do anything.”
Hindi naman alam ng binata kung ano ang dapat niyang sabihin sa dalaga.
Alam niyang mas makakabuti para kay Sheryn na sumama sa kanyang magulang. Hindi lang dahil sa mas maalagaan siya doon, kundi dahil sa oportunidad na mayroon ang Amerika.
Ngunit naiisip din niya na mapapalayo ito sa kanilang dalawa ng kanyang kuya.
Iniisip niya kung papaano na lamang si Michael kapag umalis na si Sheryn. Ibinigay na ng kanyang kuya ang lahat ng atensiyon at oras nito sa dalaga. Malamang ay malulugmok nanaman si Michael kapag nawala pa ang kanyang girlfriend sa kanya.
“Kung anong mas makakabuti sayo Sheryn, yun ang dapat mong sundin. Ano bang nasa puso mo?”
“I know… I can’t live without my parents. Pero masaya na ako dito sa Pilipinas.”
“Baka mas magiging maganda ang buhay mo doon Sheryn. Kasama mo pa ang magulang mo. Hindi naman sila magdedesisyon para ikapahamak mo o ikasama mo. Maging open ka lang sa mga oportunidad para sa buhay mo. Alam mo, kung ako lang iyan, matutuwa ako kasi mas mapapabuti pa ako. Malungkot kung sa malungkot, dahil maiiwan mo yung mga taong mahalaga para sa iyo dito sa Pinas. Pero kung desisyon iyon ng magulang mo, bakit hindi mo muna sundin at subukan. Malay mo mas magustuhan mo doon. Kung hindi man, saka ka bumalik dito sa Pilipinas. Hindi naman kami mawawala, mga kaibigan mo. Maghihintay kaming lahat para sa iyo.” Saad ni Francis kay Sheryn.
Nakatingin naman sa kanya ang dalaga.
Tila nahimasmasan na siya sa lungkot at pag-iyak na nadarama nito.
Nginingitian lamang siya ni Francis habang nakatingin sa babae.
“Salamat Francis ha… Tama ka nga siguro. Dapat bigyan ko ng pagkakataon yung oportunidad na ibinigay sa akin. Para din naman sa kinabukasan ko yun.”
“Tama yan Sheryn.”
“Galing mo talaga. Salamat ha.”
Ngumiti naman sa kanya ang babae.
Maya-maya ay naramdaman ni Francis ang malalaking patak ng ulan kung kaya’t nagmadali silang bumalik sa motor upang makaalis na agad sa lugar na iyon.
Bumuhos ang napakalakas na ulan at tila hindi nila agad mapupuntahan ang venue.
Basang-basa naman sila Sheryn at Francis dahil naka-motor lamang sila.
Lumiko si Francis sa isang Inn na kanilang nadaanan upang magpatuyo at magpatila ng ulan.
Kumuha ng isang kuwarto si Francis upang doon sila pansamantalang tumambay.
April 14, 2001 7:44PM
“Sorry, basang-basa ka tuloy.”
“Naku, ako nga dapat magsorry sayo Francis eh. Dahil sa kadramahan ko, pati ikaw nadamay ko.”
“Okay lang yun.”
Bigla namang naglakad si Sheryn patungo sa banyo sa loob ng silid.
Tahimik namang naghintay at umupo sa gilid ng kama si Francis. Medyo giniginaw na din ang binata dahil sa lamig ng aircon at nahahanginan ang kanyang basang damit.
Tinitiis na lamang niya ang panginginig.
Maya-maya ay lumabas na ng banyo si Sheryn.
Nanlaki at nabigla naman si Francis ng masilayan nito ang dalaga.
Tanging bra at panty na lamang ang suot nito, saka bitbit ang kanyang gown. Sobrang puti nito at kitang-kita ang kinis at kaseksihan ng dalaga.
“Sobrang ginaw. Papatuyuin ko na lang itong gown ko dito.”
Napalunok naman si Francis at hindi makatingin sa dalaga.
“S-s-s-sige.”
Tumingin naman si Sheryn sa binata at napansin na medyo ilang ito sa kanya. Agad naman siya sumampa sa kama saka ito pumasok sa ilalim ng kumot.
“Pasensya ka na ha. Mas giginawin kasi ako kapag suot ko yung basang damit.”
“Ayos lang yun She…”
“Tanggalin mo na kaya yang suot mo.”
Nabigla muli si Francis sa nadinig niya sa dalaga. Gustong-gusto na nito lingunin si Sheryn pero parang nanigas ang kanyang leeg sa tindi ng lamig.
“Huwag ka nang mahiya sa akin. Ako nga hindi nahiya sayo eh. Hihihi.” Pilyang saad ni Sheryn.
Hindi na rin nakatiis ang binata sa sobrang lamig.
Una niyang tinanggal ang suot na sapatos at medyas.
Hinubad niya ang kanyang suot na puting t-shirt habang pinagmamasdan naman siya ng dalaga.
Tumalikod ito kay Sheryn saka hinubad ang suot na pantaloon.
Itinira lamang niya ang kanyang suot na brief at saka nito tinakpan ng dalawang kamay ang kanina pa niyang naninigas na titi.
Natatawa na lamang si Sheryn habang pinapanood ang binata.
Kitang-kita namang nanginginig si Francis habang nakaupo sa may bandang gilid ng kama.
“Okay ka lang ba diyan Francis?”
“A-a-ayos lang ako.”
“Bakit parang nata-meme ka na diyan. Halika nga dito.”
“Huh…?”
“Halika dito sa tabi ko… Dito sa ilalim ng kumot para hindi ka na ginawin.”
“Hindi. Ayos lang ako dito. Kaya ko pa.”
Hindi naman nagpaawat si Sheryn kaya’t siya na lamang ang lumapit sa binata.
Dinala nito ang makapal na kumot at ibinalot sa katawan nilang dalawa.
“Nahihiya ka kasi sa akin eh.”
“Naku… Sheryn salamat.”
Damang-dama ni Francis ang init ng katawan ng babae. Na lalo namang nagpapakilabot sa kanyang katawan.
“Bakit di ka pumasok sa loob ng venue?”
“Ah eh…”
“Hinihintay pa naman kita doon.”
“Talaga?”
“Pero ayun, mas pinili mong maging torpe.”
Hindi naman alam ni Francis kung ano ang dapat niyang isagot sa dalaga.
“K-k-kasi…. Ano….araw niyo yun ni…kuya.”
“Hay naku… Kuya nanaman… Lagi na lang kuya…”
Sinulyapan naman ng binata si Sheryn nang sumandal na ito sa kanyang tagiliran.
Maya-maya ay biglang napaunat ang katawan ng binata nang yakapin siya ni Sheryn.
“Mamimiss kita Francis…” Bulong ng dalaga.
“Ako din naman eh…” Mahinang tugon ng binata.
“Talaga Francis.”
“Siyempre naman…”
Hindi naman napigilan ng binata ang kanyang kaliwang kamay at inakbayan na rin niya ang dalaga upang mas makayakap siya rito. Kahit kinakabahan si Francis, ay nagawa niyang takpan at balutan ang kanilang katawan ng isang makapal na kumot, habang damang-dama ang init ng katawan ng isa’t isa.
“Mahal kita, Sheryn.”
07:55:57
07:55:58
07:55:59
07:56:00
- Undo – Episode 8: Ctrl + Z - November 22, 2024
- Undo – Episode 7: Ctrl + X - November 22, 2024
- Undo – Episode 6: F1 (Help) - November 15, 2024