Ikapitong Utos – First Time

Ikapitong Utos

Written by ereimondb

 


“The opportunity for brotherhood presents itself

every time you meet a human being.”

Episode 1: First Time

1999

Bata pa lang ako ay umaani na ako ng mga papapuri at parangal mula sa aking mga kaiskuwela. Consistent na honor student ako at hindi bumababa mula sa top 1 hanggang top 5 ang ranggo ko sa aming klase. Hinahangaan din ako ng mga kaklase ko at lagi nila akong binobotong class president dahil sabi nila, madali raw akong kausap at talagang maasahan.

Masarap man sa pakiramdam, ngunit mahirap naman panatilihing nasa itaas ako. Madalas akong mag-isa sa tuwing recess at lunch time. Madalas din akong tinutuksong lampa ng mga bully sa amin dahil hindi ako mahilig sa sports. Tahimik lang din ako sa classroom at laging nakikinig at nagmamasid sa mga katabi kong nagkukuwentuhan. Kung hindi ako nagbabasa ng libro, ay nasa blackboard ako at naglilista ng noisy, standing at N.I.P.S. o not in proper seat.

Pero pagdating ng exam, ako naman ang bida. Tanungan ng sagot, at taga bigay ng papel. Minsan pinagbibigyan ko, ngunit madalas, hindi. Lalo na sa mga taong nangbubully sa akin.

Natatawa na lang ako sa tuwing nadidinig kong bumagsak ang mga mayayabang kong kaklase at parang musika naman sa aking tenga sa tuwing ako ang nakakakuha ng pinakamataas na marka.

Masaya na ako sa ganito. Masaya ako dahil sa aking posisyon bilang presidente ng klase namin at dahil kasama ako sa top 5.

Ito ang pansamantalang lugar na pinaghaharian ko, dahil pagkauwi sa bahay… si Kuya Michael ang bida.

“Hoy kambal! Pauwi ka na ba? Sabay na tayo.”

“Sige kuya, burahin ko lang itong nakasulat sa blackboard para malinis bukas.”

“Tangina! Tama na yan! Masyado kang mabait.”

“Matatapos na rin naman itokuya.”

“Uwing-uwi na ako kambal. Bilisan mo.”

Kambal. Tama ang basa niyo. Kambal ang tawag sa akin ni Kuya Michael. Dahil kahit matanda siya sa akin ng dalawang taon ay parehas kaming nasa third year.

Nagkasakit ang kuya Michael ko noong nasa grade four siya. At dahil sa sakit na iyon ay minabuti ng mga magulang ko na patigilin siya sa pag-aaral upang makapag-pahinga.

Buhay prinsipe noon si kuya Michael. Lahat ng gusto niya ibinibigay nila mama at papa. Lagi din siya naglalaro ng video games at minsan lang ako kung pagamitin. Kahit umiyak pa ako ng dugo ay hindi niya ako pinapasingit para maglaro. Kahit magsumbong pa ako kina mama at papa, ako pa ang kagagalitan nila.

Kung kaya’t bata pa lang ako noon ay natuto na akong magkulong sa kuwarto, magbasa at aliwin ang sarili, dahil laging sumasama ang loob ko kay kuya Michael.

Minsan nga ay ipinagdadasal ko na sana magkasakit na din ako para makuha ko ang atensyon ng mga magulang ko.

Nakaraan ang dalawang taon, ay naging okay na ang pakiramdam ni kuya Michael. Bumalik na din siya sa school, at dahil tumigil siya ng sandali, ay naging magkaklase kami pagdating ng grade five.

Noong panahon na iyon ako nakipagpaligsahan kay kuya.

Ito na ang hinihintay kong pagkakataon para talunin si kuya.

Ginalingan ko talaga at palagi akong pinakamataas sa lahat ng exam namin.

Noon ko lang din nalaman na mahina si kuya sa eskuwela. Inaamin kong medyo natuwa ako nang malaman ko iyon, pero naaawa din ako sa kanya sa tuwing pinapatayo siya ng aming guro kapag hindi nakakasagot.

Pero hindi ko nakikita na umiiyak o nalulungkot si kuya sa tuwing bumabagsak siya.

Dahil siguro alam niyang mas matanda siya sa amin, kung kaya’t madaling naging siga si kuya Michael sa aming school. Madalas siyang kinakatakutan ng aking mga kaklase.

Walang makapanukso sa kanyang bobo, dahil mahilig itong makipag-away at makipagsuntukan. Madalas siyang ipinapatawag sa principal’s office, kasama ng aming magulang, ngunit parang wala lang iyon sa kanila.

Hinahayaan lang nila si kuya na gawin ang kanyang gusto, at sinusunod pa din nila ang kanyang layaw. Siya pa ang unang nagkaroon ng 3210 na cellphone sa amin.

Lalo akong nagalit sa ginagawa ng aking magulang na pabor para sa kanya.

Pero hindi ko ipinaramdam ang galit na iyon. Sa halip, mas pinagbutihan ko ang aking pag-aaral.

Dahil para sa akin, ako ang matalino. Sapat na iyon para matalo ko siya. Iyon ang lakas ko at panlaban ko kuya Michael.

“Kambal, balita ko tinutukso at pinagtitripan ka nila Samson at Jaguar ah! Gusto mo upakan ko na yung mga yun? Magpasabi ka lang.”

“Huwag na kuya, kaya ko naman sarili ko e. Bagsak na nga sila sa eksam, bubugbugin mo pa.”

“Puta! Wala pala silang binatbat sa iyo kambal eh no! Talino mo kasi. Hayaan mo kambal, magsabi ka lang sa akin, ako bahala sayo. Sagot kita.”

“Sige kuya. Tara uwi na tayo.”

Iyon lang ang tanging kunswelo ko sa aking Kuya Michael. Nararamdaman ko ang pagiging kuya at nakakatandang kapatid.

Madalas niya akong protektahan sa tuwing may umaaway sa akin. At dahil may kuya akong barumbado, hindi ako nagagalaw ng kahit sinong bully sa school namin.

Habang lumalaki kami ay nag-iiba ang pananawa ko sa aking kuya. Gusto ko na din maging katulad niya. Malakas at maasahan.

Bilang kapalit naman sa ibinibigay niyang proteksyon para sa akin mula sa mga asal-kalye naming kaklase, ay ako na ang gumagawa ng kanyang assignment.

Minsan kung nasa bahay siya ay tinuturuan ko rin siya sa math. Alam kong sa subject na ito madalas siyang pinapatayo ng aming guro.

Kahit nahihirapan siya sa aking itinuturo ay pilit niya pa din itong iniintindi. At kahit papaano naman ay medyo nakukuha na din niya ito at nasasagutan.

Naiisantabi ko ang inggit at galit ko sa aking kuya.

Naisip kong kapatid ko pa din siya. Kami pa din ang dapat na magkasangga sa lahat ng bagay.

At bilang magkapatid… Dapat lagi kaming magkasundo at iniiwasang mag-away.

Kung kaya’t sa bawat araw at taong lumipas ay inuunawa ko na lamang siya at sa atensyong ibinibigay sa kanya ng aking mga magulang.

Ito ang dapat at kailangan kong gawin para wala nang gulo at away sa aming dalawa.

….ako nga pala si Francis. Francis Alcantara.


“Francis, anak, tawagin mo na kuya mo para mag-agahan.”

“Opo.”

Agad namang umakyat si Francis at pumunta sa kuwarto ni Michael. Kakatok sana ito, ngunit mas minabuti niyang buksan agad ang pinto.

“Putang ina!”

Nabigla naman si Francis sa kanyang nakita. Nagjajakol pala ang kanyang kuya sabay takip ng unan nito sa kanyang harapan.

“Kakain na.”Maikling saad ni Francis.

“Susunod na ako.”Sagot naman ni Michael na patay-malisya sa kanyang ginagawa.

Agad namang isinara ni Francis ang pintuan at bumaba na ito patungo sa dinning area. Kahit palagi niyang nahuhuli ang kanyang kuya na nagjajakol ay hindi pa rin ito nasasanay.

“Nasaan na ang kuya mo?”Tanong ng kanyang ama.

“Susunod na daw po.”

Maya-maya naman ay bumababa na si Michael. Kunwari ay kinukusot pa ang kanyang mga mata at parang kagigising lang.

“Kain na Michael. Inumin mo yung gamot mo pagkatapos kumain.”

“Ma, okay na ako. Hindi ko na kailangan yan.”

“Ngayon ka pa ba hihinto, eh matatapos na yang gamutan mo.”

“Kailan ba ito matatapos. Lalo ako mabobobo niyan eh.”

Nasamid naman si Francis nang madinig niya ang sinabi ni Michael.

Napatingin naman sila sa nangyari kay Francis.

“Ayos ka lang kambal?”

“Oo kuya, ayos lang ako.”

“Pinagtatawanan mo ata ako kambal eh.”

“Hindi kuya, nasamid lang ako dito sa Milo.”

Ngumiti naman si Michael sa kanyang kapatid.

“Sama ka sa amin, basketball tayo.”

“Sige kuya.”

“Huwag masyadong magpakapagod. Francis, alagaan mo yang kapatid mo.”

“Ginawa niyo pang nars itong kambal ko.”

“Michael, kailangan natin palagi mag-ingat. Gusto mo bang huminto ulit sa pag-aaral?”Tanong ng kanilang ina.

“Sige na! Sige na!”Pabalang na sagot ni Michael.

“Kuya, hayaan mo na si mama, nagiingat lang talaga siya.”

“Sobra na nga kambal eh. O.A. na.”

Kung alam lang ni Michael na gusto ni Francis makuha ang pangangalaga at pag-aalalang ibinibigay sa kanya ng kanilang magulang.

“Bilisan mo dyan kambal, punta na tayong court. Bihis lang ako.”

“Sige kuya.”

“Gamot mo Michael, ininom mo na ba?”

“Yes boss.”

Agad namang umakyat si Michael para magbihis, at inubos agad ni Francis ang kanyang pagkain.

Sabay na silang magkapatid umalis patungo sa basketball court. At dahil maaga pa ay wala silang naabutan na tao dito.

Kung kaya’t nagwarm-up na lang sila at nagsalitang mag-shoot. Madalas din naman nakakashoot si Francis, ngunit talagang talo siya sa husay ni Michael pagdating sa basketball.

“Oo nga pala kambal, may gusto akong ipakilala sayo. Sama ka sa amin sa Lunes.”

“Bebot ba yan kuya?”

“Oo tol. Seksi. Ang puti!”

“Champion ba kuya?”

“Champion kambal. Walang sinabi mga kaklase natin. Sorbang ganda.”

“Ayos kuya, gusto ko makilala.”

“Ipapakilala ko sayo. May date kami sa Lunes.”

“Talaga kuya?”

“Oo kambal. Mukhang makakiskor na ako.”Saad ni Michael sabay shoot ng bola.

“Nakakalibog ang puti niya kambal. Parang ansarap kantutin. Hehehe”Dagdag ng kuya ni Francis.

“Hahaha… mukhang okay na okay talaga bebot mo kuya ah.”

“Basta sa Lunes tol. Pagkatapos ng klase.”

Natutuwa naman si Francis dahil ngayon lang sila nag-usap ng kanyang kapatid ng ganoon. Kung kaya’t nasasabik na din siyang makilala ang babaeng ito.

Maya-maya naman ay dumating na ang mga kabarkada ni Michael at nagsimula na silang maglaro ng basketball. Kahit hindi ganun kagaling si Francis ay sumali pa din siya sa laro.


Kinabukasan, Lunes, sabay na pumasok sa eskuwelahan ang magkapatid. Kitang kita naman na excited si Michael sa pagdating ng araw na ito.

“Tol mamaya ha.”

“Sige kuya.

Agad naman silang naupo sa kanilang upuan at naghintay sa kanilang guro sa classroom.

Maya-maya ay tumayo si Francis at nagpaalam sa kanyang katabi bago magpunta ng library upang isauli ang librong hiniram niya noong Biyernes. Nagmamadali itong naglakad patungo sa library para makabalik sa kanilang classroom kaagad.

Pagdating sa library ay nakita niyang medyo mahaba ang pila. Habang naghihintay ay nagpasya itong pumunta sa loob ng library at tumingin ng librong puwedeng hiramin.

Habang naghahanap ay may nakita siyang isang babaeng nakaupo sa sahig na nagbabasa ng libro. Tila gumagawa ito ng assignment dahil nagsusulat din ito sa kanyang notebook.

Maya-maya ay napansin niyang tumititig si Francis sa kanya. Umiwas naman agad ang binata at nagpatuloy sa paghahanap ng librong mahihiram.

Sinusulyapan pa din niya ang magandang babae na si tingin niya’y nasa higher batch.

“Fundamentals of Trigonometry?”Tanong ng magandang babae kay Francis.

Napatingin naman si Francis sa kanya, ngunit lumingon ito sa kanyang likod, nag-iisip kung siya ba talaga ang kinakausap nito.

“Sabi ko, Fundamentals of Trigonometry ba yang librong hawak mo?”

Lumapit si Francis sa babae.

“Ah eto ba? Oo, hiniram ko kasi nung Friday.”

“Kanina ko pa kasi hinahanap iyan eh. May kailangan lang akong sagutan sa assignment namin.”

“ito oh, pero kailangan ko pa din ibigay sa librarian yan para makuha ko yung card ko.”

“Pahiram, sandali lang.”

Ibinigay ni Francis ang libro at umupo naman siya sa tabi nito. Nakatingin pa din si Francis sa kanyang mukha. Sobrang amo at ganda, halatang may halong ibang lahi ang babae.

“Alam mo, tulungan mo na lang kaya ako dito para mabilis.”Saad ng babae nang mapansin nitong titig na titig sa kanya si Francis.

“S-sige ba. Patingin nga ng assignment mo…”

Agad namang ibinigay ng babae ang kanyang assignment. Tinitignan niya kung kaya ng binatang gawin ang napakahirap niyang gawaing-bahay.

“Hirap na hirap na talaga ako jan sa trigo. Hindi ko pa maintindihan yung turo sa amin. Nakakaasar!”Saad ng magandang babae habang iniikot ang ballpen sa kanyang kamay.

“Oh eto, tapos na.”Saad ni Francis.

Nagulat naman ang babae dahil natapos agad ng binata ang kanyang assignment. Hindi ito makapaniwalang ganoon kabilis nitong nasagutan ang kanina pa niyang sinusubukang matapos.

“Wow! Ang galing mo naman… Bakit parang ang dali-dali para sa iyo?”

Ngumiti lamang si Francis sa babae at tila natutuwa ito dahil nakapagpaimpress siya rito.

“Hindi talaga ako makapaniwalang nagawa mo…”Saad ng babae sabay tingin nito sa kanya.

Maya-maya ay naalala ni Francis na kailangan na nitong bumalik sa kanilang classroom. Kinuha na niya ang kanyang libro at dali-daling pumunta sa desk ng librarian.

“Alis na ako ha, balik na ako sa classroom…”Pahabol ng binata.

“Okay…Thank you ha!!!”Saad ng magandang babae.

Tumakbo na si Francis pabalik sa kanilang silid-aralan at nakita niyang naglalakad na ang kanilang titser sa corridor. Naglakad ito ng mabilis para mauna siya dito at agad namang naupo pagkabalik sa kanilang classroom.

“Saan ka galing kambal?”

“Nagsauli ng libro kuya.”

“Muntik na ah! Hehehe.”Pabirong saad ni Michael.

Mabuti na lamang at nauna si Francis na makapasok sa kanilang classroom dahil sobrang sungit ng titser nila.

Habang nagkaklase namn ay naiisip pa din niya ang magandang babae na nakausap niya sa library.

Minsan ay napapangiti ito sa tuwing naaalala niya kung gaano siya papurihan nito.

Ngayon lang din siya nakipag-usap ng ganung katagal sa babaeng gusto at trip niya.

Kung puwede nga lang ay nais niyang balikan ang library at puntahan ang babaeng ito. Ni hindi man lang niya nahingi ang pangalan, kahit manlang sana ang classroom o section niya.

“Malas!”Bulong ni Francis sabay hinga ng malalim.


Pagdating ng uwian, ay agad nagtungo si Francis sa library.

Pinuntahan niya ang math section, nagbabaka sakaling nandoon pa ang babaeng kanyang napupusuan.

Ngunit wala ang magandang babae.

Umupo saglit si Francis sa kaninang kinauupuan ng babae. Pinapangarap na sana ay bigla itong dumating upang muling masilayan at makausap ito.

Lumipas ang ilang minuto ay umalis nagpasya na ring umalis ng library si Francis. Bumaba na siya upang puntahan ang kanyang kuya Michael dahil may usapan sila.

Pagdating sa labas ng eskuwela ay nakita niya ang kanyang kapatid na naghihintay sa kanya.

“Kambal, mauna ka nang umuwi. Magkita na lang tayo sa bahay.”

“Akala ko ba ipapakilala mo na bebot mo sa akin kuya?”

“Oo nga, hintayin ko lang siya. Kita tayo sa bahay kambal. Sige!”

“O sige kuya.”

Sabay alis ni Michael at pumasik muli sa loob ng school.

Umuwi na lamang si Francis sa kanilang bahay.


Walang nadatnan si Francis pagdating sa bahay.

Wala ang kanilang kasambahay at ang kanilang magulang naman ay umuuwi ng alas-otso o alas-nuwebe ng gabi galing sa trabaho.

Kahit nagugutom si Francis ay mas ginusto pa nitong mahiga at matulog kahit saglit lang. Medyo maaga kasi siyang nagising kanina upang magreview para sa isang maikling pagsusulit.

Makalipas ang halos isang oras, ay nadinig ni Francis na may nagdo-doorbell. Kahit tinatamad pa siyang bumangon ay pinilit nito ang kanyang sarili upang pagbuksan ito.

“Sandali lang…Andiyan na!”Sigaw ni Francis sa taong kumakatok, habang pinupunasan ang kanyang mga mata at nagtatanggal ng muta.

Pagbukas nito ng pintuan….

Nanlaki ang kanyang mata sa sobrang pagkabigla.

Tila nananaginip siya nang makita ang magandang babaeng nasa kanyang pintuan.

Ang babaeng nakita niya kaninang umaga sa library ay nasa harapan na niya at nakangiti pa.

Kahit hindi niya alam ang pangalan nito ay parang kilalang-kilala na niya ang babaeng ito.

“Oh Kambal, papasukin mo naman kami ng bisita ko.”Saad ni Michael.

Parang gumuho ang kanyang daigdig nang biglang sumulpot ang kanyang kuya Michael.

“K-k-k-kuya?”

“Sheryn, si Francis nga pala. Kapatid ko. Kambal, eto yung ikinukuwento ko sayo. Hehe..”

“Siya?”

“Oo kambal. Tara pasok na tayo..”

Umurong ng kaunti si Francis upang magbigay daan sa dalawa. Pumasok silang magka-akbay at panay din ang sulyap sa kanya ng babae.

Tanging kabog lamang sa kanyang dibdib ang naririnig ni Francis.

Tila lumalabo ang kanyang paningin.

Parang tumigil ang oras.

Pinagpapawisan siya kahit malamig naman ang simoy ng hangin galing sa labas.

“Kambal, kumain na nga pala kami sa labas. May binili akong pancit bihon diyan para sayo.”Saad ni Michael sabay akbay sa kanyang kapatid.

Hindi naman sumasagot si Francis. Nanginginig ang kanyang katawan.

Maya-maya ay bumubulong na ito sa kanyang kapatid.

“Kambal, punta muna kami sa kuwarto ha. Alam mo na.. Hehehe”Dugtong ni Michael.

Agad nitong pinuntahan ang kanyang syota at umakyat na sila sa silid ni Michael.

Walang nagawa si Francis kundi sundan lamang ng tingin ang dalawa paakyat.

Kinakabahan siya. Kinikilabutan.

Parang nagdidilim ang kanyang paligid, ang kanyang paningin.

Maya-maya ay nagsimula itong umakyat sa hagdan, patungo sa silid ng kanyang kuya Michael.

Nanatili ito sa labas ng pintuan ng kapatid.

Pinapakiramdaman ang ginagawa ng dalawang tao na nasa loob ng silid.

Gusto niya sana itong katukin, ngunit nag-iisip siya ng idadahilan sa kanyang kuya.

Gusto niyang iligtas ang babaeng nasa loob.

Gusto niyang itakas at itakbo papalayo ang magandang babae.

Hanggang sa hinawakan na nito ang doorknob ng pintuan ng silid ni Michael.

–End of Episode 1–

 

ereimondb
Latest posts by ereimondb (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x