Uncategorized  

Huwag Mo Akong Salingin! (Kabanata 1)

supermighty
Huwag Mo Akong Salingin!

Written by supermighty

 

Taong 2017. Buwan ng Marso.

Isang araw na lamang ang natitira at matatapos na sa ikatlong taon ng kolehiyo ang mag-aaral na si Paulo. Isa itong lalaking may matipunong pangangatawan, may katangkaran sa taas na 5’11, may kaya sa buhay, marunong sa sports at higit sa lahat, gwapo. Kamukha nito si Cesar Montano, sa totoo lang ay pag pinagdikit mo ang dalawa ay aakalain mong kambal ito. Ngunit sa lahat ng ito ay mayroon siyang tinatagong kapintasan – siya ay sobrang torpe.

Sa edad nyang 20 anyos ay wala pa sya ni-isang naging girlfriend. Ni ka-MU man lang ay wala. Sobrang mahiyain syang lalaki, sa punto na halos takot sya sa mga babae. Hindi naman sya bakla, imbes ay nagkakaroon naman sya ng mga crush. Ngunit sadyang mahina lang talaga ang loob nya. At heto sya ngayon, kaharap ang isang maganda at mahinhin nitong kaklase, magtatapat na sana sya ng kanyang nararamdaman. Yayayain nya itong makipag-date! Magtagumpay kaya sya?

Paulo: Huhhhh-ha…hiii Crystal..
Crystal: Oh Paulo, kanina ka pa nag-ha-hi dyan. Anong meron?
Paulo: Ah, ehh kasi…ggggusto kkkoo sanaaa…
Crystal: Wait, teka nga lang huminahon ka nga muna. Hinga kang malalim.
(huminga ang binata)
Crystal: Ayan, very good. Ok ka na? Naninigas ka kasi, para kang bato. Oh anong meron?
Paulo: Ah, hmmm..wag kang magagalit ha..yaya..yayayain sana kitang makipag-date!
Crystal: Oh talaga? Hmmm. Bakit? May gusto ka ba sa akin?
Paulo: Actually…Oo yata..Oo! Oo may gusto ako sa’yo! (sa wakas nasabi ko na rin!)
Crystal: Ahh, ganun ba. Actually, thank you sa pag-amin. I really truly appreciate it from the bottom of my heart. Pero, I have to decline muna Paulo ha. I would really like to have you as a frie…..

Kumaripas bigla ng takbo si Paulo! Naiwan ang dalaga na nakatitig sa papalayong si Paulo, tila nalilito at nagtataka. Napailing na lang ito ng ulo. Habang tumatakbo si Paulo ay hinila ito ng kaibigan na si Jepoy.

Jepoy: Oh pare! Kumusta? Bakit ka tumatakbo? Nasabi mo ba sa kanya?
Paulo: (hinihingal) haah.. pare.. Oo.. haahh…
Jepoy: Talaga? Di nga?? Wow pare first time! Sa gwapo mong yan naku sigurado di yan makakapalag sa’yo noh! Kelan ang date??
Paulo: Ahh, ehh wala eh. Di pumayag.
Jepoy: Ano? Anong klaseng babae yang si Crystal? Babae ba talaga yun? Ba’t di pumayag?
Paulo: Ewan ko dun.. basta tumakbo na lang ako. Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko pre.
Jepoy: Eh mas lalong matuturn off sayo yun kasi tinakbuhan mo. Sana di ka agad sumuko. Single naman si Crystal pare eh.
Paulo: Hay, ewan. Ganyan lang talaga siguro ang buhay ko. Sige uwi nako pre, see you na lang sa next enrollment.

Iniwan na ni Paulo ang kaibigan at nagsimula na itong maglakad pauwi sa kanila. Malapit lang ang tinitirahan na condo unit sa tabi ng Ateneo ang bahay ni Paulo. Mag-isa lang sya dito at sa ikalawang palapag lang ang kanyang unit. Di pa rin makapaniwala sa mga nangyari ang binata. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagtapat sya ng kanyang damdamin sa isang babae, di alintana nito ang pag-“friendzone” nito sa kanya. Basta nakapagtapat na sya ay yun ang first step upang maging ganap na syang lalaki.

Sumandal sa railings ng terrace si Paulo habang iniisip ang mga nakaraang pangyayari. Ngunit biglang lumindol nang napakalakas! Isa itong Intensity 6 na lindol! Sa sobrang lakas nito ay na-out of balance si Paulo at nalaglag ito mula sa ikalawang palapag. Mababa lang din kasi ang railings nito sa terrace. Buti na lamang at sa mga damuhan ng hardin ng condo ito lumapag. Natapos na ang lindol. Nagsilabasan ang mga tao at nagsisisigaw ang mga ito. Samantala, naguumpisa nang dumilim ang paningin ni Paulo. Hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng malay.

Nagising si Paulo at ito ay nasa damuhan pa rin. Nakatingin ang mata nito sa himpapawid, papalubog na ang araw. “Magdidilim na pala.” bulalas nito sabay tayo. “Uhh..ilang oras ba akong nawalan ng malay..my God!” nagulat ang binata. “Saan ito? Nasaan ako?”

Sa paligid ay mga cogon grass at mga naglalakihang puno ang makikita. May malalaking burol sa magkabilang gilid at sya naman ay nakatayo sa isang tila madamong daanan. Sa malayo ay may paparating. Dalawang tao ito na nakasakay sa kabayo. Kinawayan ni Paulo ang mga ito. Tumigil ang dalawa. Naka-pang equestrian na suit ang isa at may parang sinaunang helmet ito sa ulo habang ang isa naman ay nakasuot ng abito at mukhang isang monghe. Inalis ng naka equestrian ang kanyang suot na helmet. Nagsalubong sila ng tingin ni Paulo.

“Putangina!” hiyaw ni Paulo.
“Dios mio!” hiyaw din ng lalaki.

Kamukhang-kamukha ni Paulo ang lalaki!

Paulo: Cccesar Montano?!? Ikaw ba yan?
Lalaki: Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang suot mo?
Paulo: Ikaw nga yan noh? Teka, nasa shooting ba ako?
Lalaki: Ohoh! Ikaw ang aking tinatanong. Anong sinasadya mo sa mapanganib na lugar na ito?

Nalilitong nakatingin si Paulo sa paligid. Wala ni anumang istruktura sa buong paligid. Nagsalita ang pari sa wikang Espanyol.

Pari: Isa itong milagro! Bueno, maaari mong gamitin ang lalaki na iyan sa iyong pagtakas.
Lalaki: Ayokong madamay ang lalaking iyan padre. Isa syang inosente.
Pari: Ngunit, wala ka nang magagawa. Kailangan ka nyang palitan!
Lalaki: Patawarin ako ng Diyos!

Bumaba ang lalaki mula sa kanyang kabayo. Binigay nito kay Paulo ang isang wallet.

Paulo: Ano ito?
Lalaki: Yan ang aking kartera. Patawarin mo ako ngunit kailangan kong ibigay sa iyo yan. Siya nga pala, maaari ko bang malaman ang pangalan mo?
Paulo: Ah, ako si Paulo. Ikaw?

Lalaki: Ako ay si JUAN CRISOSTOMO IBARRA!

Paulo: Haaaaaaaaa? Yung sa Noli Me Tangere??
Ibarra: Hindi ko alam ang iyong pinagsasabi, iho. Ngunit ito ang sasabihin ko sa iyo. Mula ngayon, ikaw na si Juan Crisostomo Ibarra.

Paulo: Weh? Ikaw talaga Sir Cesar niloloko mo ako eh. Di naman ako artista, gusto mo ako papalit sayo sa shooting? Tsaka di naman ako nakacostume eh.

Ibarra: Bahala ka kung ano man ang iyong naiisip.
Pari: Ibarra, kailangan na nating umalis! Papalapit na sila!

Ibarra: Patawarin mo ako iho, ang Diyos na ang bahala sa iyo. Kung ikaw man ay mabuhay pagkatapos ng gabing ito ay tiyak na magkikita tayong muli!

Dali-daling sumakay ng kabayo si Ibarra at saka nya ito pinaharurot. Sa kabilang dulo ng daan ay may paparating pa na mga nakakabayo. Marami ang mga ito at may mga hawak na mahahabang rifle. Huminto ang mga ito ilang dipa ang layo mula kay Paulo. Nagsibabaan ang mga ito at itinutok ang mga armas nito kay Paulo. Lumapit ang isang lalaki sa kanya. Ito ang kanilang lider.

Tenyente: (sa wikang Espanyol) Juan Crisostomo Ibarra! Kanina ka pa namin hinahabol. Salamat naman at ikaw ay sumuko na rin! Inaaresto kita sa ngalan ng Hari ng Espanya sa salang pagiging isang erehe at pilibustero!

Paulo: (sa isip nya) Wow, Kastila pa rin ang gamit nila. Ang galing ng akting!

Lumapit ang tenyente sa kanya at saka nya ginapos ang kamay ng binata

Paulo: (sa isip pa rin nya) Ahh, eto na ba yung part na dadalhin nila ako sa kulungan? Naku ang boring ng eksena na yun, pero sige ayos lang gagalingan ko na lang ang pag-akting ko hehe

Tenyente: Vamonos!

Isinakay nya sa kabayo si Paulo at saka na sila kumaripas papunta sa bayan. Totoo kayang nasa shooting lang ang binata?

Di pa sila nakakalayo ay biglang may mga sumulpot na mga tao sa daan. Naka kamison ang mga ito at may hawak na mga bolo at revolver.

“Iligtas ang anak ni Don Rafael Ibarra!” sigaw ng mga ito.
“Wow, fight scene!” excited na bulalas ni Paulo.

Nagsibabaan sa mga kabayo ang mga sundalo at saka nilusob ang mga rebelde. Bumaba rin si Paulo mula sa sinasakyang kabayo at nagtungo sa gilid ng daan upang panoorin ang “fight scene”.

“Tanginang yan ang gaganda ng mga effects, talagang nagsisilabasan ang mga dugo! Shet na malupet hahakot ng awards to! Parang yung Heneral Luna!” di makapaniwala si Paulo sa nasasaksihan. Putukan doon, saksakan dito. Napansin ng isang guardia civil si Paulo.

Civil: Tenyente! Si Ibarra, tumatakas! Hoy, erehe! Dyan ka lang!

Sinugod ng civil ang nakaupong si Paulo. Akmang sasaksakin na sana ng bayoneta nito ang binata nang biglang..

Plak! Kachak!

Sa isang mabilis sa chop ay napugutan ng ulo ang civil! Isang rebelde ang gumawa nito. Nagulantang ang binata. Nagspray na parang fountain ang dugo nito mula sa bahagi kung saan dating nandoon ang ulo ng guardia civil.

“Putangina!!! What the fuck!!! Ano iyon?!?” gulat na sabi ni Paulo.

“Halika na Senyor Ibarra! Kailangan na nating tumakas!” sigaw ng rebelde. Inalis nito ang gapos ng binata.

“Iiibig mong sssabihin totoong labanan ito?!?”

“Anong pinagsasabi mo Senyor? Mayroon bang peke na labanan?!? Syempre totoo ito!” inis na tugon nito sa kanya.

Ngunit bago pa man makatakas ang dalawa ay nabaril sa likod ang rebelde. Napasandal ito sa katawan ni Paulo at doon ito binawian ng buhay.

“Shit kailangan ko nang tumakbo!”

Nang maibaba nito ang katawan ng rebelde ay nadulas ang binata mula sa kinatatayuan nito. Nalaglag ito sa bangin na katabi nila at gumulong-gulong ang katawan nito. Dumausdos ito pababa ng malalim na bangin. Baling buto at sugat-sugat na katawan ang dinanas ni Paulo mula sa pagkalaglag nito.

Umaga na nang magising muli ang binata. Pagmulat nya ng mata ay nasa isang kubo sya. Tirik na ang araw at umaalingasaw sa paligid ang mabangong amoy ng sinigang. Nakaramdam ng gutom ang binata ngunit pagtayo nya ay napasigaw sya sa sakit ng katawan nito. Bali ang balikat nito at maging ang paa niya ay nakabalot ng dahon na tila parang benda ito.

Babae: Dios mio! Gising ka na pala! Kamusta ang pakiramdam mo?
Paulo: Uhh..saan ako? Sino ka? Anong ginagawa ko dito?

Babae: Nakita kita habang naghahanap ako ng bunga ng mangga sa ilalim ng bangin tatlong araw na ang nakalilipas. Akala ko’y patay ka na ngunit ngunit humihingi ka pa at sugatan. Kaya eto, dinala kita sa aking bahay. Pasensya ka na kung payak lang ang aking tahanan. Teka lang ha ipanghahain kita ng tanghalian.

Tila nalilito pa rin si Paulo sa mga pangyayari. “Ibig sabihin, totoo ang lahat. Kung hindi, eh bakit bali-bali ang buto ko?”

Babae: Pasensya ka na iho, ngunit kailangan kitang itayo. Dun ka kakain sa lamesa.

Itinayo nito si Paulo. Masakit man ay pinilit ng binata na makatayo. Matapos ang ilang saglit ay nakaupo na rin sa wakas ang binata sa hapagkainan. Mayroong umuusok na kanin at sinigang sa palayok. Dahon ng saging ang nagsisilbing plato nila. Binigyan ng pagkain ng babae ang binata.

“Mga anak! Pasok na kayo dito at magsipagkain na rin kayo!” sigaw ng babae.

Pumasok na ang dalawang lalaki sa loob. Isang medyo teenager na at isa pang bata ang magkakapatid. Tumingin ang mga ito sa binata at saka umupo at kumain.

Paulo: Ahh, pasensya na po at naabala ko po kayo.
Babae: Walang anuman iyon. Teka, ano palang pangalan mo?
Paulo: Ahh, Paulo po.
Babae: Paulo? Eh ano itong nasa pitaka mo? Juan Crisostomo Ibarra ang nakalagay na pangalan sa isang papel.

Paulo: Ahh ganun po ba..(nag-isip na lang ng palusot) ah iyon po kasi ang palayaw nila sa akin sa bahay. Paulo sana ang ipapangalan sakin kaso…mas gusto nila akong ipangalan sa lolo ko. Pero ewan at Paulo pa rin ang tawag sakin.

Babae: Haha wag kang mag-alala, ayos lang iyan iho. Siyanga pala, ako pala si Francisca. Ngunit maaari mo rin akong tawaging “Sisa”.

Paulo: Sisa? Eh, wag nyong sabihin na Basilio at Crispin ang pangalang ng mga anak niyo hehe (natatawa nitong sabi).

Sisa: Paano mo nalaman? Tama ka! Ang nakatatandang ito ay si Basilio, at si Crispin naman ang bunso. Teka? Isa ka bang manghuhula iho?

“Ano?!? Ang ibig sabihin, nasa Noli Me Tangere talaga ako?!?” gulat na tugon ni Paulo. Alam na nyang hindi ito isang palabas at mas lalong hindi ito isang shooting. Siya ngayon ay nasa mundo ng Noli Me Tangere!

–Katapusan ng Kabanata 1–

Pasensya na po kung wala pang madugong sex scenes sa unang kabanata. Ititigil ko muna ang iba kong mga serye para paglaanan ng pansin ang isang “alternate” at “steamy” version ng isa sa ating pambansang nobela. Pasensya na rin po sa mga hindi ganito ang taste, at kung sabihin man ninyo na binabastos ko ang nobela ng pambansang bayani ay humihingi po ako ng dispensa at inyo na pong opinyon iyon. Wala po akong balak na bastusin ang nobela at bagkus at binibigyan ko lamang ito ng bersyon na gawa ng aking imahinasyon at walang halong pambabastos sa memorya ni Gat Jose Rizal.

Salamat sa pang-unawa! 🙂

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x