Hazel

Fiction-Factory
Fiction-Factory Series

Written by Fiction-Factory

 

(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

“Actually, mahal ko naman si Charlie, kaso lang mas matimbang parin talaga si Larry eh! Kung ‘di lang kami kasal ni Charlie siguradong si Larry ang kinakasama ko ngayon. Hindi na rin sana kami nagnanakaw ng hiram na sandali ni Larry.

Sa dalawang lalaking ito lang umikot ang mundo ko, sa dalawang lalaking parehong may puwang sa puso ko.
Si Charlie na asawa ko at si Larry na mahal ko.

Alin nga ba ang tama, alin nga ba ang mali?
Ang patuloy na pakisamahan ang asawa ko kahit hindi ko naman sya mahal?
O ang patuloy na pakisamahan ang mahal ko kahit hindi ko naman sya asawa?”

-Hazel

(This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.)

Ang kwento ko ay isang tipikal na kwento lang ng pangangaliwa ng isang ordinaryong asawa, na kadalasan lalaki ang nagkakasala, pero sa kwento ko, ako na babae ang gagawa ng milagro.

Hindi nyo ‘ko masisisi, nagmahal lang ako, sinusunod ko lang ang dinidikta ng puso ko. At wala akong pinagsisisihan dahil masayang-masaya ako sa bawat sandaling ‘hiram’ namin.

Simulan natin sa asawa kong si Charlie.
Lasing ako no’n. Hindi ko alam ang ginagawa ko, totoong wala ako sa sarili ko. Pinagsamantalahan ako ni Charlie, may konti akong naaalala sa nangyari sa’min. Alam kong ginusto ko rin ‘yon gawa ng impluwensya ng alak.
Isang pagkakamaling ako mismo ang may gawa.

Ang mahirap lang nalaman ng Parents ko na may nangyari na nga sa amin ni Charlie, at para iwas kahihiyan ‘daw’, ipinakasal nila kami agad-agaran.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, natakot kasi ako na baka tawagin akong ‘disgrasyada’, yun kasi yung pilit na pinapasok sa isip ko ng aking mga magulang, kaya kahit labag sa kalooban ko, napapayag nila ako. Naging sunod-sunuran ako sa kanila.

Habang kay Charlie walang problema, gustong-gusto pa nga nya eh! Minsan nga naiisip ko na baka pinlano lang nya ang lahat ng ito. Matagal na kasi syang may gusto sa akin. Lagi nya akong nilalandi sa opisina.

Ang masakit, pagkatapos ng kasal namin, dun ko pa talaga nakita si Larry.
Kung kailan nakatali na ako, dun pa sya bumalik.

Si Larry ang long lost ex boyfriend ko. Hindi ko alam kung bakit sya nawala pero wala parin kaming official break up hanggang ngayon.
Ang mahirap pa, nung makita ko sya, muling tumibok ang puso ko.

Mula no’n hindi na matanggal sa isip ko si Larry, lalo na sa twing maiisip ko yung mga matatamis naming ala-ala.
Pero hindi rin naman basta-basta matatanggal si Charlie sa buhay ko, lalo na ngayong kasal na kami.
Alam kong may responsibilidad na ako ngayon na kailangan kong panindigan.

Gusto kong sundin kung ano ang tama. May asawa ako, sa mata ng tao at sa mata ng Maykapal, pero nung makausap ko si Larry, nagsimula na akong malito.

Alin nga ba ang ‘tama’ at alin nga ba ang ‘mali’. Tama nga kayang pakisamahan ko ang asawa ko kahit hindi naman sya ang mahal ko?

“May asawa na ako Larry, kaya sana huwag mo na akong guluhin pa.”
alam kong ito ang tama at ang nararapat, pero sa puso ko, alam kong mali ang pakisamahan ang taong hindi mo naman talaga mahal.

“Pero hindi mo naman sya mahal diba? Ha Hazel? Alam kong ako ang mahal mo, pero hindi mo ako hinintay. Hindi kita masisisi, pero ngayong nandito na ako, sumama ka na sa akin.”
tugon ni Larry.

Kung susundin ko ang sinasabi ng puso ko siguradong magugulo ang buhay ko, pero kapag sinunod ko naman ang dinidikta ng isip ko siguradong magiging miserable ang buhay ko.

“Iba na ang sitwasyon ngayon Larry. Sana maunawaan mo”
gusto kong magising sa pantasya ko at harapin ang reyalidad ko.

Pero hindi tumigil si Larry. Lagi ko syang nakikita sa tapat ng bahay namin. Ayoko syang lapitan dahil baka makita kami ng asawa ko o ng mga biyenan ko.
Napilitan tuloy akong makipagkita sa kanya ng pa’lihim’.

Nagsimula akong magkamali nang pakasalan ko ang lalaking hindi ko naman mahal.
At ngayon, nagsimula akong magkasala nang patulan ko ang lalaking hindi ko naman asawa.

Una akong nakipagkita kay Larry sa isang restoran. Nakipagkita ako para sabihing tigilan na nya ako.

“Hindi ka naman pupunta kung ‘di mo ‘ko mahal diba Hazel?”

“Larry, nagpunta ako para i-settle down ang mga bagay-bagay. Ayokong masira ang buhay ko kapag nalaman ‘to ng asawa ko!”
pakiusap ko.

“Masira? Mahal kita Hazel, ang problema lang may asawa ka, pero may paraan pa. Hindi pa huli ang lahat, sumama ka lang sa ‘kin.”

Hinawakan nya ang mga kamay ko, at ang haplos ng pagmamahal muling umusad papasok sa puso ko. Miss na miss ko na talaga si Larry.

Si Larry ang first love ko, sakanya ako natutong magmahal, sya ang unang nagpatibok ng puso ko, at hanggang ngayon sya pa rin ang iniibig ko.

“Dear FSS,
Itago nyo nalang ako sa pangalang Hazel.
22 years old. Kamakailan lang pinag-resigned ako ng aking asawa sa trabaho. Ang gusto daw nya maging full time house wife ako na walang ibang gagawin kundi ang asikasuhin sya, pagsilbihan tulad ng makalumang maybahay.

Nakatira kami sa mga magulang nya, sa mga byenan ko. Mababait naman sila sa akin, maging si Charlie na asawa ko, puspos ang pagmamahal na ipinapakita sa akin. Lahat ibinibigay nya, lahat handa nyang ialay para lang sa akin, pero kahit ibigay pa nya ang mga bitwin at ang buwan, mukhang hindi ko talaga makakayang suklian ang pag-ibig nya para sa akin. Ang kaya ko lang gawin ay ang ipagluto sya ng almusal at hapunan, ihanda ang uniform nya, ipaglaba, ipamlantsa. At ni minsan hindi ako naaliw sa kama, hindi ko naramdaman ang lasa dahil hindi konektado ang puso ko sa kanya.

Sa simula pa lang alam na ni Charlie na hindi ko sya mahal. Kundi lang dahil sa mga magulang ko hindi ko sya mapapangasawa. Pero mukhang hindi na yun mahalaga para sa kanya dahil mahal nya ako at nakuha na nya ako.

Nakahiga ako sa bisig ng asawa ko isang gabi bago kami matulog. Yakap nya ako tulad ng lagi nyang ginagawa sa pagtulog.

“Hazel, salamat at nagpakasal ka sa’kin. Sana dumating yung araw na matutunan mo rin akong mahalin.”
yan ang paulit-ulit nyang sinasabi.

“Ano ka ba! Mahal naman kita noh! Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano!”
yan naman ang paulit-ulit kong sagot para lang hindi na humaba pa ang usapan, at para tigilan na nya ang drama nya.

Tapos no’n hahalikan lang nya ako sa noo atsaka na sya makakatulog. Dahil na rin sa pagod nya sa trabaho kaya mabilis syang nahihimbing, at kapag nasiguro ko na tulog na tulog na nga siya dahan-dahan akong bumabangon, hinay-hinay kong tinatanggal ang kamay nyang nakayakap sa akin, iniingatan na hindi sya malingat.

Tapos lalabas ako ng aming kwarto. Dadaanan ko ang silid ng mga biyenan ko para tignan kung tulog na rin sila, at kapag nasiguro ko na lahat sila tulog na, dun na ako didiretso sa kusina. Maingat, malamlam, aktibo, para wala akong magising. Bubuksan ko ang pintuan sa likod para pagbuksan ang lalaking alam kong kanina pa ako hinihintay sa labas.
Si Larry.

“Ba’t ang tagal mo?!”
yinakap nya agad ako, sabik na sabik.

“Ang tagal kasi matulog ng asawa ko eh! Kanina ka pa ba? Uhmm Teka! Teka!”
parang hindi na talaga sya makatiis, hinalik-halikan nya na kaagad ako.

“Miss na miss na talaga kita”
bulong pa nya sa’kin.

Lumabas kami, at dun sa pinakamadilim na parte ng likod-bahay kami naglampungan ni Larry. Nagkapaan kami sa madilim na gabi ng aming hiram na sandali.

Habang ang asawa ko ay tulog, walang kamalay-malay na nagpapagalaw na sa ibang lalaki ang kanyang asawa.

Isinandal ako ni Larry sa pader. Magkayakap kaming magkahalikan. Halos hindi ko na siya makita sa sobrang dilim.
Nang mahubad ko na ang suot ko, kinapa nya ang mga suso, tapos tinanggal nya yung nakaharang na bra.
Isinubo nya ang utong ko, sinipsip. Sinabayan pa nya ng paglamas sa pwet ko.

“Hhaahhuuummmm…”
mumunting ungol ko. Ingat na ingat na makagawa ng ingay.

Magkahalong kaba at libog ang nararamdaman ko, sa kakaisip na anu mang oras maaaring magising ang asawa ko, at kapag natanto nyang wala ako sa tabi nya, siguradong hahanapin nya ako.

Pinaghubad ko na rin si Larry. Sabik na sabik na akong madikit sa mainit nyang katawan.
Hinahatak nya yung panty ko pababa, habang ako sinasalat ko ang pagkalalaki nya.
Matigas na, nakatayo na, handa ng rumatsada. Napalingon ako sa pintuan, baka biglang bumukas at lumabas si Charlie.

“Bilisan mo na, baka magising na ang asawa ko…”
bulong ko kay Larry.

“Ayan ka na naman! Minamadali mo na naman ako eh!”

“Hindi naman sa ganon…”

Itinaas nya ang isang paa ko, ikinalawit nya sa braso nya, tapos itinutok nya ang burat nya sa kiki ko. Bukang-buka ang biyak ko dahil sa pagkakataas ng paa ko.

“Aaaahhhhh Ahhh”

Naramdaman ko nalang na pumapasok na ang titi nya sa loob ng puki ko.

“Haaaahhhhmmm”

Unti-unting sumasagad. Napalingon ako sa pinto. Ang tagal na naming ginagawa ‘to pero hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako.
Oo, ilang beses na akong paulit-ulit na nagpapagalaw kay Larry. Kung ‘di lang kami kasal ni Charlie siguradong si Larry ang kinakasama ko ngayon. Hindi na rin sana kami nagnanakaw ng hiram na sandali ni ngayon.

Lalo akong naginit nang romansahin ako sa leeg ni Larry, at lalo akong nalibugan nang buhatin nya ako. Nakalapat ang likod ko sa pader, habang ang magkabila kong mga paa nakapulupot kay Larry. Sagad na sagad ang mahaba nyang titi, damang-dama ko ang katigasan.

“Oooohhhh Ohh Ohh”

Habang kinakadyot ako ni Larry, napansin ko na biglang lumabas ang liwanag mula sa bintana, bumukas ang ilaw. Nataranta kami ni Larry. Pinagdadampot ang mga damit at pareho kaming nagtago sa isang malaking drum.

Tumaas ang kaba ko dahil pareho kaming hubad ni Larry.

“Sino yun?”
bigla akong natakot na baka ang asawa ko yun.

Dahan-dahang sumilip si Larry, magkaharap kami at magkayakap para maitago sa drum ang mga katawan namin.

“Ang biyenan mong babae!”
tugon nya.

Halos maiyak na ako sa kakadasal na sana huwag syang magawi dito sa kinaroroonan namin.
Si Larry, nagawa pa talaga nya akong romansahin sa kabila ng nagbabadyang panganib. Hindi ko naman maawat dahil ayokong makagawa ng ingay.

Sinususo nya ako habang walang tigil sa kakalamas sa mga malulusog kong suso.
Parang hindi sya natatakot mahuli, habang ako nanginginig sa nerbyos.
Pinagpapawisan na ako ng malagkit, pero bigla namang napapikit nang makipaghalikan sa akin si Larry.

Nasa likod lang namin ang byenan ko na parang may kung anong kinakalikot don, hindi ako makapaniwalang nagagawa ko ito. Ninamnam ko nalang, kung mahuli man kami, bahala na.

Kinapa ko ang burat ni Larry, sinasalsal ko sya habang patuloy nyang sinisipsip ang dila ko. Nalilibugan parin ako ng husto sa kabila ng nerbyos ko.

“Uhhmmmmm…”
hindi ko mapigil, hindi ko kaya.

Nakakadarang talaga, lalo na sa twing maiisip ko na may sinasalsal akong ibang lalaki sa tabi lang ng byenan ko.
Patindi ng patindi ang kapit ko sa titi nya, sinasagad ko ang balat, hinahatak ko ng husto.

Mabuti na lang at ilang saglit lang, pumasok na rin ang byenan ko, at pinatay na nya ang ilaw.
Nakahinga ako ng maluwag, humupa ang kaba ko.
Sumunod ay pinagtagpi-tagpi ni Larry ang mga damit namin sa semento, at duon nya ako pinahiga kasabay ng pagpatong nya sa akin, kasabay ng muling pagpasok ng burat nya sa puki ko.

“Haaaahhhhh Aaahh Ahh”

Tuloy ang ligaya! Nagkantutan kami ng ubod sarap! Ubod tamis! Hanggang maabot ang rurok ng kaligayahan na nagpatirik sa aking mga mata at nagpakembot sa aking baywang at nagpatigas sa aking mga tuhod.

Alin nga ba ang mali, alin nga ba ang tama?
Mali bang pakisamahan ko ang taong pinakamamahal ko kahit hindi ko naman sya asawa?
Obvious na mali, maling-mali, pero para sa akin, ito ay tama. Tuldok.

“That was dangerous but fun!”
bulong ko kay Larry bago sya umalis.

“No! That was adventurous!”
tugon nya at dumiretso na sa kawalan.

Bumalik ako sa bisig ng aking asawa. Napatingin ako sa mukha nya, biglang nakaramdam ng ‘awa’. Malinaw na niloloko ko sya, iniiputan ika nga, at sa bagay na ‘to sa tingin ko kailangan ko na talagang magdesisyon para maging patas ako sa kanya.

Actually, mahal ko naman si Charlie, kaso lang mas matimbang parin talaga si Larry. Nag-blog ako sa FSS ukol dito, iisa lang ang sinabi nila;
“Break Free”

Nabuo ang desisyon ko na sumama kay Larry. Ang kailangan ko nalang gawin ay ang ihanda ang sarili ko sa malaking kaguluhang nakaabang na mangyayari.

Tulog na ang lahat sa bahay. Bumangon ako para kunin ang kanina ko pa inempakeng bagahe. Wala akong ibang dala kundi ang mga sarili kong gamit, at ang lahat ng mga iniregalo at ibinigay sa akin ni Charlie, iniwan ko. Pati si Charlie iniwan kong tulog, at bukas paggising nya siguradong wala na ako sa tabi nya, wala na sa buhay nya.

Alin nga ba ang tama, alin nga ba ang mali? Ngayon malinaw na sa akin at buong-buo na ang desisyon ko.

Sinalubong ako ni Larry sa labas ng gate, inagaw ang mga bitbit ko at mabilis na isinakay sa kanyang kotse.

“Maraming salamat Hazel… Pinapangako ko na hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo.”
ang nasabi lang ni Larry.

Bumyahe kami sa malayong lugar. Dinala nya ako sa isang probinsya na siguradong hindi matutunton ni Charlie.
Doon kami bumuo ng panibagong mga pangarap. Kasama ang lalaking mahal ko.

Lumipas ang ilang buwan na masaya ako sa piling ni Larry sa aming payak na tahanan. Akala ko magiging maayos na ang lahat, pero dumating ang isang araw na muling gumulo sa buhay ko.

Naglilinis ako ng bahay, biglang may kumatok sa pintuan, akala ko napaaga ang uwi ni Larry, laking gulat ko nalang pagbukas ko sa pinto.

“Kumusta ka na Hazel?”

Fuck! Si Charlie!
Hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung ano’ng ikikilos ko. Bakit sya nandito? Paano nya nalaman ang lugar na ‘to?

“O, bakit parang gulat na gulat ka? Hindi mo ba papapasukin ang bisita mo?”
ika nya habang pasulyap-sulyap sa loob ng bahay.

“Umalis ka na! Baka madatnan ka pa ni Larry dito!”

Napatingin sya sa akin,
“So Larry pala ang pangalan nya…”
tapos binunggo nya ako at sapilitang pumasok sa loob.

“Ano bang meron si Larry at nagawa mo akong iwan at sumama sa kanya?”
patuloy nya.

“Ayoko ng gulo Charlie, kaya kung pwede lang umalis ka na!”

“Gulo? Di ba’t ikaw ang nagsimula ng gulo? Pero tignan mo, kalmado lang ako.”

“Si Larry ang mahal ko!”

“Pero bakit pinakasalan mo ‘ko?! Bakit mo ako pinaasa? Umasa ako Hazel, tunay na umasa na balang araw mamahalin mo rin ako, pero putangina! Niloloko mo lang pala ako! All these years Hazel, ginawa ko ang lahat, ibinigay ko ang lahat para sayo, pero putcha sa isang iglap lang wala ka na!”
Napatingin sya sa akin kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata nya.

“Nasaktan ako Hazel eh… Nung gabing yon masayang-masaya pa tayo eh… Pero paggising ko wala ka na sa tabi ko. Mahal na mahal kita Hazel, alam kong hindi pa huli ang lahat para sa atin.
Would you care to give me another chance? Alam kong napilitan ka lang magpakasal sa akin. Pero ngayon, heto ako, handang ligawan ka ng pormal, basta bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon.”

Hindi ko alam kung bakit nahabag ako sa mga sinabi nya. Nalungkot ako, naawa, pero hindi ko alam kung anong gagawin.

“Charlie, kita mo naman, nagsasama na kami ni Larry…”

“Pero ako pa rin ang asawa mo!”

“Pero hindi ikaw ang mahal ko! May ibang babae pa dyan Chalie na mas deserving sa pagmamahal mo kaysa sakin.”

“Wala na! Wala na dahil ikaw lang ang mahal, katulad lang ng katotohanang sya lang din ang mahal mo.”

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, hindi ko napansing nasa likuran ko na pala si Larry. Halos kadarating lang at nakadama ako ng matinding kaba nang makita ko ang pustura ng kanyang mukha nang makita nya si Charlie.

“Putangina! Ano’ng ginagawa mo dito?”
bungad agad ni Larry.

“Aba! Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit! Wala kang karapatang magwala! I’m just here to claim what is really mine, at hindi ako titigil hangga’t hindi ko nababawi ang legal kong asawa sayo! Ang mahal ko!”

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa narinig kong naisagot ni Charlie. Nandito sya para bawiin ako? Well, i find that very sweet.

“Manhid ka ba, o talagang tanga ka lang?! Did’nt she tell you that she does’nt love you?!”
tumaas na ang boses ni Larry.

“Hindi nga nya ako mahal, pero sya, mahal na mahal ko sya. Kaya nga nandito ako, tignan mo, maayos, pormal na humihiling sayo na sana ibalik mo na sa akin ang asawa ko.”

“Tanga ka nga! Lumayas ka na dito bago pa magdilim ang paningin ko!”

Mukhang galit na talaga si Larry. Napayakap na ako sa kanya para lang awatin sya.

“Charlie, umalis ka na! Parang-awa mo na, umalis ka na!”
sigaw ko kay Charlie.

“Aalis lang ako kung kasama kita Hazel.”
tugon pa niya.

Hindi na nakapagpigil si Larry sa kanyang narinig. Kumalas sya sa yakap ko at mabilis nyang sinugod si Charlie.

“Putangina ka! Nakakalalaki ka na ah!”

PAK! PAK! PAK!

Sunod-sunod na suntok ang binitawan nya sa mukha ni Charlie.
Natumba si Charlie sa sahig, napahiga, nakahandusay, pero itong si Larry umupo sa tyan ni Charlie at tuloy pa rin sa pagbira ng suntok sa mukha nito.

“Larry, tama na! Tama na!”
pag-awat ko kay Larry.

Hindi nya ako pinakikinggan, hindi ko rin sya kayang awatin dahil mas malakas sya sakin.
Walang-awa nyang pinagsusuntok at binugbog si Charlie, pero ni isang suntok hindi man lang gumanti si Charlie, tanggap lang ito ng tanggap, hanggang dumanak ang nya dugo sa sahig at mawalan ng malay.

“Ano ba! Tama na!”

PAK!

Sinampal ko na si Larry para lang matauhan sya, dahil baka mapatay nya si Charlie.
Napansin ko na lang na umiiyak pala si Larry. Napakasakit ng pag-iyak nya, hawak ang pisngi at ang mga kamay nya ay nanginginig.

“Natatakot ako Hazel! Huwag mo akong iiwan! Natatakot ako na baka mabawi ka nya sakin…”

Nahabag ako at naantig ang damdamin ko. Niyakap ko sya ng mahigpit, mahigpit na mahigit.

“Tama na mahal ko, hinding-hindi kita iiwan, tandaan mo yan, pangako ko sa’yo yan, ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba.”

Ako na rin mismo ang nagdala kay Charlie sa ospital, tapos tinawagan ko ang Mama nya para sabihin ang nangyari.
Mabuti na lang at walang grabeng natamo si Charlie.

“He’s fine now. Kailangan lang nyang magpahinga. Maiwan ko na kayo.”
sabi ng doctor bago umalis.

Nakahiga si Charlie habang ako nakaupo sa tabi nya. Ayoko na sanang hintayin pa ang Mama nya pero ayoko ring iwan si Charlie na walang kasama.
Hindi ko alam kung bakit concerned pa rin ako sa kanya, malamang dahil kahit papano sya parin ang una kong asawa.

“Ano’ng nangyari sa anak ko?!”
tanong agad ng Mama nya pagkapasok pa lang sa room. Niyakap nya si Charlie.

Nanlaki ang mga mata nya nang mapatingin sya sa akin at nakilala ako.

“Ano’ng ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Ano bang nangyari sa anak ko?”
sunod-sunod na mga tanong nya sa akin.

“Ahm… Nag-away po sila ni Larry…”
hindi ko pa alam kung paano sasabihin.

“Larry?! Sino si Larry?!”
pagkagulat nya.

“Ahm… Asa-a-asawa ko po…”

Napatindig sya at napatayo sa kanyang narinig.

“Asawa?! Hindi ba’t ang anak ko ang asawa mo?!”

“Ah. Kase po–”

PAK!

Hindi pa man ako natatapos magsalita, bigla na lang nya akong sinampal.

“Malandi kang babae ka! Malandi ka lumayas ka dito! Walang-hiya! Idedemanda kita! Idedemanda ko kayo!”

Pinagtabuyan nya ako na parang aso. Pinagsasampal at tinadyak-tadyakan.
Hindi naman ako makalaban dahil tama naman ang lahat ng sinabi nya. Malandi ako at walang-hiya. Pero hindi na ako magtataka kung bakit hindi nya maintindihan ang ‘dahilan’ ng ‘panlalandi’ ko, dahil hindi nya man lang ako hinayaang magpaliwanag.

Ganunpaman nasaktan pa rin ako sa mga pinagsasabi nya, tagos sa puso ang mga katagang binitawan nya.
At ang lubhang ikinabahala ko ay ang sinabi nyang idedemanda nya kami. Marami silang pwedeng isampang kaso kay Larry pag nagkataon.

Sa takot ko, maaga akong bumalik sa ospital kinabukasan para makipag-areglo.

Nadatnan ko nanaman ang Mama nya, salamat na lang at gising na rin si Charlie para pigilan ang Mama nya sa kakatalak.

“Ma, pwede mo ba kaming iwan sandali ni Hazel?”

Pagkalabas ng Mama nya, biglang syang bumangon at niyakap ako.

“Salamat Hazel at dinalaw mo ‘ko. Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh. Ano, sasama ka na ba sa akin?”
matamis na ngiti ang pinakawalan nya.

Ngayon ko lang nakita ang ngiti nyang yon, napaka-aliwalas ng mukha nya, ang sarap titigan, pero kailangan kong sirain ang magandang timpla nya ngayong araw.

“Ahm, Charlie, naparito ako para sana ipapirma sayo ang mga dokumentong ito.”
sambit ko, sabay lapag sa mesa ng mga annulment papers para mapawalang-bisa ang marriage namin.

Akala ko magagalit sya, magrerebelde at magwawala, pero nginitian pa rin nya ako.

“Ah. Inasahan ko na ‘to.. Nagtataka nga ako kung bakit ngayon mo lang hiniling ‘to.”
nasabi lang nya.

“Hindi ka galit?”

“Hindi. Bakit? Pwede mo ba akong samahan saglit?”

“Saan?”

“Basta! Wag kang mag-alala, ihahatid din kita dito.”

Sa pag-asang pipirmahan nya ang mga dokumento, sumama ako sakanya.
Idinala nya ako sa isang subdivision, tapos huminto kami sa tapat ng isang napakagandang bahay na may malaking ribbon na nakatali sa buong bahay.

Pumasok kami, pagdating sa loob, naengganyo ako sa ganda ng interior design, tapos kumpleto pa ng mga gamit, at ang kinagulat ko ay ang malaking larawan ko na nakasabit sa dingding, parang billboard na sa sobrang laki.

“Ireregalo ko sana sayo ang bahay na ‘to sa first wedding anniversary natin eh. Sabik na sabik pa naman akong sorpresahin ka…”
bigla na lang syang nagsalita.

“Ahm, Charlie, hindi mo kase naiintindihan eh…”

“Shhh… Naiintindihan ko Hazel… Malinaw na malinaw… Na kahit ibigay ko pa sa iyo ang buwan at mga bitwin, hindi ka pa rin magiging akin….”
nakangiti na naman sya ng ubod tamis.

Hindi ko akalaing masasabi nya ‘yon. Ngayon ko napatunayan na talagang mahal na mahal nga ako ni Charlie.

“Nung nagsasama pa tayo, narealized ko na, na katawan mo lang ang naging akin, pero ang puso’t isipan mo para parin sakanya. Sana ako nalang sya. Mahal na mahal kita Hazel, ang problema lang, hindi ako ang mahal mo…”
patuloy pa nya.

Hindi ko na kayang pigilan, gusto ko na talagang maiyak. Speechless ako sa tindi magmahal ni Charlie.

Ibinalik nya ako sa probinsya at inihatid mismo sa tapat ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag at kung bakit hindi ko na inalala na makikita ako ni Larry na bababa sa kotse nya.

“Pwede bang tsaka ko nalang pirmahan ‘to? Pag-iisipan ko muna.”
sabi ni Charlie sabay abot ng envelope.

“Sige. Ikaw ang bahala.”
tugon ko nalang, pero sa loob-loob ko parang nagaalangan na akong makipaghiwalay sa kanya.

Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko si Larry na nakaupo sa sala at umiinom ng alak. Malungkot ang dating nya at mukhang katatapos lang umiyak.

“Kasama mo pala sya…”
sambit nya.

“Ah. Oo. Ayos na pala, hindi na sila magdedemanda.”

Umupo ako sa tabi nya, wala syang imik, napakasiryoso. Ngayon ko lang sya nakitang ganito at nabibigatan talaga ang puso ko, ang bigat dalhin sa kalooban.

“Noon pa man sinasabi na nang iba na hindi tayo bagay. Naalala mo nung college ka pa? nung mapahiya ka sa harapan ng mga kaklase mo dahil nalaman nilang isa lang akong taxi driver? Hindi ko malilimutan ang araw na yon… Kung paano mo ako ipagtanggol, kung paano ka magalit sa mga kaklase mo nung insultuhin nila ako…”

Yinakap ko sya dahil umiiyak sya habang nagkukwento. Damang-dama ko ang pighati ng bawat katagang lumalabas sa bibig nya.

“Yun yung araw na nawala ka diba?”
naitanong ko.

Nginitian lang nya ako at nagpatuloy na sya sa pagkukwento,
“Mula no’n, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako haharap sa iyo hangga’t wala akong maipagmamalaki sayo. Nag-abroad ako, nag-ipon, nagtiyaga at nagsikap at yun ay dahil sa ikaw ang aking naging inspirasyon. Pero putcha, pagbalik ko naman, may asawa ka na!”

Lalong humihigpit ang pagkakayakap ko sa kanya, sumisikip na ang dibdib ko. Ngayon lang sya nag-open ng saloobin sa akin. Ang dami pala nyang paghihirap. Kung nakapaghintay lang sana ako no’n, hindi sana kami hahantong sa ganito.

“Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako titigil hangga’t hindi ka napapasaakin muli, kundi masasayang lang ang lahat ng paghihirap ko sa abroad, dahil ang lahat ng yon para sayo lang Hazel, at ang lahat ng yon mawawalang saysay kung hindi ka bumalik sa akin. Ngayon, nandito ka na, kapiling ko, pero bakit nahihirapan pa rin ako?”

Humigop ako ng hangin at huminga ng malalim, pinipilit kong huwag umiyak. Ayoko ng ganito, dapat masaya kami dahil sa wakas magkasama na kaming muli.

“Alam mo Larry, isa sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko ay nung araw na bigla ka nalang nawala na parang bula, bigla kang naglaho sa hangin, iniwan ako nang wala man lang pasabi. Walang araw o gabi na hindi ako umiyak. Wala akong mapuntahan, wala akong malapitan. Dun pumasok si Charlie sa buhay ko, nakatagpo ako ng karamay, nagkaroon ako ng kaibigan at kausap ng sama ng loob. Si Charlie ang naging panakip-butas ko sa pagaakalang iniwan mo na ako. Ang mali ko lang sumobra ako. Lasing ako no’n. Ang buong akala ko ikaw si Charlie, ang buong akala ko ikaw ang katalik ko, dahil ikaw ang nakikita ko, hindi sya. Mahal kita, mahal na mahal.”

Kung ano man ang dahilan ng kapalaran kung bakit nya ginaganito ang pagmamahalan namin ni Larry, wala na akong pakialam, basta ang alam ko, si Larry ang mahal ko at ipaglalaban ko sya hanggang sa huli.

Ito ang naging dahilan para magpabalik-balik ako sa bahay nina Charlie, para ipalagda ang annulment papers namin. Pero naging matigas pa rin si Charlie, ayaw nyang pumirma kahit anong pilit ko.

Hindi ako tumigil. Gusto kong sorpresahin si Larry na maaari na kaming magpakasal. Alam kong ito lang ang paraan para mapatunayan ang pagmamahal ko sa kanya, kaya kahit anong klaseng panunuyo kay Charlie, gagawin ko, pirmahan lang nya ang mga kasulatang magpapawalang bisa ng aming marriage contract.

Isang text message mula kay Charlie ang narecieved ko na nagsasabing handa na daw nyang pirmahan ang annulment.
Pinapunta nya ako dun sa bahay na dapat sana’y ireregalo nya sa akin.

Agad akong nagpunta, at pagdating ko don, nagulat na lang ako nang wala na akong makitang gamit sa loob ng bahay, pati yung framed photo kong malaki wala na.

“Bukas, maglilipat na dito yung nakabili ng bahay…”
si Charlie.

“Binenta mo na pala…”

“Oo eh! Sayang naman kase, wala ng gagamit…”

Isang bahay na bagong gawa’t hindi pa natitirhan, binenta agad. Ang iniisip ko ngayon, siguro masyado ko ngang nasaktan si Charlie. Pero wala akong magagawa, hindi na ako pwedeng bumalik sakanya.

Inilatag ko ang mga papeles sa pasamano ng mini bar. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang nagdadalawang isip ako ngayon na magpa-annul. Kung kailan handa na nyang lagdaan, dun pa ata ako manghihinayang.

Sya mismo may dalang signpen. At habang isa-isa nyang pinipirmahan ang mga dokumento, unti-unting nabubuo ang luha ko sa gilid ng mga mata ko.
Hindi na sya nagbasa, tuloy-tuloy lang sya sa paglagda.

Hindi ko maipaliwanag kung ano tong nararamdaman ko, pero tila nabibigatan talaga ang puso ko.

“Ayan, tapos ko na…”
isang matamis na ngiti ang ipinakita nya sa akin habang inaabot ang mga papeles sa akin.

“Bakit Charlie?”

Nagulat sya sa naitanong ko.
“Anong bakit?! Diba ito yung gusto mo?”

“Oo, pero… Why is it so easy for you to let me go?”

“From this moment Hazel, i’m not letting you go, but i’m setting you free..”

Ipinahid ko ang mga fingertips ko sa gilid ng aking mga mata para punasan ang tumutulong luha. Mahal talaga nya ako.

“May isang request lang sana ako…”
patuloy nya.

“Ano yun?”

Lumapit sya sa akin, hinawakan ang magkabila kong braso.

“Farewell last kiss”
ang tanging nasabi lang nya.

Unti-unting lumalapit ang mga labi nya sakin. Ayokong kumontra, gusto ko syang pagbigyan. At nang magkalapat na ang aming mga labi, may kung ano akong naramdaman. Tila nakuryente ang puso ko, hindi ko masabi kung kaba o bugso pero matindi ang kirot, parang nagising ang buong kaluluwa ko.
Ang dating matabang, biglang tumamis.

Napayakap sya sa akin kasabay ng pagyakap ko sa kanya. Ngunit sa kalagitnaan ng aming halikan, bigla kong narinig ang boses ni Larry.

“Sinasabi ko na nga ba!”

Isang malakas na sigaw ang nagpahinto sa amin ni Charlie. Paglingon ko, nakita ko si Larry sa likod ko, umiiyak, at bigla akong kinabahan nang makita kong may hawak syang baril.
Fuck! Nakita nya kaming magkahalikan ni Charlie.

“La-larry…”

“O, nagulat ka ba?! Akala mo ba hindi ko alam ang pinaggagagawa mo?! Kaya pala pabalik-balik ka sa bahay ng lalaking yan!”

“Larry, hindi to tulad ng iniisip mo!”

Lalapitan ko sana sya pero bigla nya akong tinutukan ng baril.
“Huwag kang lalapit! Anong gusto mong isipin ko huh?! Akala ko ba ako ang mahal mo?! Puta! Akala ko tayo ang nanloloko sa lalaking yan, ako pala ang niloloko nyo!”

“Larry, makinig ka! Nandito ako para magpapir–”

BANG! BANG! BANG!

Na-shocked ako. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang nyang pinaputukan si Charlie.
Nanginig ang buong katawan ko nang makita kong humandusay sa sahig si Charlie at dumanak ang masaganang dugo.

“Putangina Larry! Alam mo ba ang ginagawa mo!”
napaiyak ako at napaluhod na lang.

“Kung hindi ka rin lang mapupunta sa akin, pwes, hindi ka rin pakikinabangan ng lalaking yan!”

“Fuck! Ano bang pinagsasasabi mo ha?!”

Tumayo ako at dinampot ang mga annulment documents, at ibinato ko kay Larry.

“Ayan! Yan ang dahilan kung bakit ako nagpapabalik-balik kay Charlie!”

Napaluhod si Larry nang mabasa nya ang mga papeles. Nanginginig ang mga kamay nya, kasabay ng mabigat na pag-iyak nya.

“Pero, pero bakit kayo naghahalikan?!”

“Goodbye kiss yon Larry, dahil… Dahil ikaw ang pinili ko…”

Nanlalaki ang mga mata nya at gulat na gulat. Lalapitan ko sana sya pero bigla akong napahinta nang itutok nya ang hawak nyang baril sa kanyang bibig.

“Laaarrryyy waaaagggg”

“Patawad Hazel.”

BANG!

Parang huminto ang oras. Hindi ako makagalaw sa tindi ng pagkagulat ko. Nangangatog ng husto ang mga tuhod ko. Tapos, muling napaluhod sa sahig.

Sa dalawang lalaking ito lang umikot ang mundo ko, sa dalawang lalaking parehong may puwang sa puso ko.
Si Charlie na asawa ko at si Larry na mahal ko.

Alin nga ba ang tama, alin nga ba ang mali?
Ang patuloy na pakisamahan ang asawa ko kahit hindi ko naman sya mahal?
O ang patuloy na pakisamahan ang mahal ko kahit hindi ko naman sya asawa?

Ngayon, malinaw na malinaw na sa akin ang lahat.
Ako, ako ang nagkamali sa umpisa palang, at ang lahat ng sisi at pagsisisi ay nasa akin.

Nagmamahal,
Hazel.”

Ginawa ko ang liham na ito habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking minahal ko, at sa mukha ng lalaking minamahal ko.

Sa isang lalaking nagmahal sa akin ng lubos-lubos, at sa isang lalaking nagmamahal sa akin ng tunay at totoo.
Kaso huli na ang lahat, dahil ang dalawang taong ito, parehong nakahandusay sa tabi ko, duguan at hindi na humihinga.

Tumabi ako sa lalaking mahal na mahal ko. Dinampot ko yung baril. Yakap ko ang liham.
Itunutok ko ang baril sa ulo ko matapos kong humiga sa bisig ni,
“Charlie”.

BANG!

WAKAS

“Bizarre Love Triangle”
By: Fiction Factory
Copyright

Next Entry: “Ivory”
…Abangan:)

Fiction-Factory
Latest posts by Fiction-Factory (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories