Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV

anino
Harapin Ang Liwanag!

Written by anino

 

Chapter XIV: Father and Son!

“So silang dalawa ang umatake sa Hari ng Bampira?” tanong ko kay Haring Narra na kita kong napangiti ito at tumingin kay Julian “magaling na mandirigma ang ama mo, Julian lalong-lalo na ang lolo Lam-ang mo” sabi niya kay Julian. “Pasensya na Haring Narra kung hindi ko ikatuwa ang sinabi mo tungkol sa angkan ko, lumaki akong wala sila ni hindi ko man lang nakita kung ano ang hitsura ng mga magulang ko” sabi ni Julian na biglang nalungkot ang mukha ni Haring Narra. “Patawad Julian” sabi ni Haring Narra “wala kayong dapat ihingi ng tawad sa akin, hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanila” sagot ni Julian “Julian, wag kang magsalita ng ganyan marunong kang rumespeto” sabi ni manang Zoraida.

“Walang anuman yun, Zoraida” sabi ni Haring Narra na nginitian niya si Julian “so ano pa po ang nangyari nung araw na yun?” tanong ko sa kanya na di na ako makapaghintay na ikwento sa kanya ang ginawa ng mag-ama. “Hehehe… gaya ng sinabi ko kanina ang mga Bailan ay magaling na mandirigma” pasimula ni Haring Narra “noon, nakita nila kung paano lumaban si Lorenzo, nung gabing yun nakikita at nalaman nila kung bakit hinirang ang pamilya ni Lorenzo na mamuno sa Kuro” patuloy ni Haring Narra na tumingin siya kay Julian at sa espada ni Hen Enzo “ang espadang ito at ang espada ni Lam-ang ang naging daan para bumalik ang kapayapaan sa buong lalawigan” kwento ni Haring Narra.

Lumang Pilipinas:

“Anak, nakuha mo ba ang taktika niya?” tanong ni Lam-ang habang papalapit na sila kay Haring Voltaire “oo, ama!” sagot ni Lorenzo na naghiwalay silang dalawa. Si Lam-ang sa kanan habang si Lorenzo naman ay sa kaliwa at sabay silang umatake kay Haring Voltaire na tinaas niya ang dalawang kamay niya at inatake niya ang mag-ama. “Fulger negru (black lightning)” tira ni Haring Voltaire na sinalo ni Lam-ang gamit ang espada niya kaya si Lorenzo ang unang nakalapit sa Hari na parang me di makitang harang na pumipigil sa kanya . “ANAK!” sigaw ni Lam-ang na tinuon niya ang espada niya papunta kay Lorenzo na sinalo niya ang kidlat na papunta sa kanya at binaling niya ito kay Haring Voltaire.

“HINDI NIYO AKO MALOLOKO!” sigaw ng Hari na umilag ito kaya nakakuha ng pagkakataon si Lam-ang na lumapit sa kanya pati narin si Lorenzo nung nawala ang harang na pumipigil sa kanya. Sabay silang tumalon sa ere na agad tinaas ng Hari ang kaliwang kamay niya pero bago paman niya mailabas ang hangin sa palad niya binato na ng mag-ama ang mga patalim nila at tumama ito sa palad ng Hari. “AAAAARRGGGHHHHHH!” napasigaw ito sa sakit na mabilis nilang hinampas ang espada nila pero nakailag ang Hari nung naging anino ito at lumayo sa kanilang dalawa, tumayo ang mag-ama at tumingin kay Haring Voltaire na tinatanggal ang patalim na nakasaksak sa palad niya at nakita nilang naghilom ang sugat niya “nakita mo yun, anak?” tanong ni Lam-ang.

“Oo, mabilis maghilom ang sugat niya” sagot ni Lorenzo “hmmm…” nalang si Lam-ang na parang nag-iisip ito “kailangan nating alisin ang kakayahan niyang harangan ang mga atake natin” sabi ni Lorenzo sa ama niya. “Hmmm… walang ibang paraan anak” sabi ni Lam-ang na naghanda silang dalawa at kita nilang lumutan na sa ere ang Hari “ikaw sa taas ako sa baba” sabi ni Lam-ang kay Lorenzo “ama naman eh” sabi ni Lorenzo. “Wag kana magreklamo, Heneral Enzo” sabi ni Lam-ang na napangiti si Lorenzo sa narinig niya at tumakbo na uli silang dalawa papunta sa Hari na lumipad ito sa ere. “HARING UGAT!” sigaw ni Lam-ang na biglang me lumabas na malalaking kahoy sa lupa at naging hagdanan ito na inapakan nila para masundan si Haring Voltaire.

“GUILLERMO!” tawag ni Lorenzo “TIRA!!!” sigaw ni Guillermo na nagliparan ang mga bala ng pana papunta kay Haring Voltaire na agad niyang hinarang at binalik sa mga bampira “BAILAN!” sigaw ni Hen. Amistad na gamit ang panangga nila tinakpan nila ang mga bampira para di sila matamaan nito. “LORENZO!” tawag ng ama niya na agad silang tumalon papunta kay Haring Votlaire na nakalutang lang sa harapan nila. Pareho nilang tinaas ang espada nila para hampasin si Haring Voltaire ng biglang pinikit ng Hari ang kanang mata niya at dinilat niya ang kaliwa dahilan para mapahinto sila sa ere at parehong hinarap ng Hari ang mga palad niya sa dalawa.

“LORENZO!” sigaw ni Lam-ang na agad nilang hinugot ang patalim nila at binato sa Hari na napasigaw ito nung tumama ito sa mga palad niya “GRAAAAAAAAHHH!” napasigaw si Haring Voltaire at lumpiad ito palayo sa kanila. Sinalo sila ni Haring Ugat gamit ang malaking kahoy na ginawa niyang rampa nung nabitawan sila ni Haring Voltaire “ama, napansin mo ba yun?” tanong ni Lorenzo sa ama niya “oo anak, naiisip mo na ata ang binabalak ko” sabi ni Lam-ang “hehehe” natawa lang si Lorenzo. Dumapo sa lupa si Haring Voltaire at tinanggal ang patalim sa palad niya at nakita niyang binaba narin ni Haring Ugat ang mag-ama at kaharap na niya ito.

“MGA WALANG HIYA KAYO MGA BAILAN, KONTRABIDA KAYO SA PLANO KO!” sigaw ni Haring Voltaire “hindi naman aabot sa ganito ang sitwasyon kung susuko ka lang, Haring Voltaire” sabi ni Lam-ang. “Huling pagkakataon mo na itong sumuko kamahalan” sabi ni Lorenzo sa kanya na lalo lang nagalit si Haring Voltaire dahil naramdaman niyang di siya kinatatakotan ng mag-ama. “Tingin niyo kayo na ang pinakamagaling dito?” tanong ni Haring Voltaire na pinakita niya ang palad niya sa dalawa na naghilom na ito “ipapakita ko sa inyo ang pinagsamang kapangyarihan na nalikom ko” banta ni Haring Voltaire na tinaas niya ang dalawang kamay niya at lumabas ang kidlat sa kanan at hangin sa kaliwa.

Lumakas ang kidlat sa kalangitan at umihip ang malakas na hangin na parang me bagyong tumama sa lalawigan “AMA, DELIKADO NA ITO!” sabi ni Lorenzo kay Lam-ang “wala na tayong ibang paraan anak, patawarin sana tayo ni Lucia” sabi ni Lam-ang. Tumingin si Lorenzo kay Reyna Lucia na nagtatago narin ito sa likod ng poste dahil sa lakas ng hangin ng umiihip sa kanila pati narin ang mga taong lobo at mga taong puno. “LORENZO, TAYO NA!” sigaw ni Lam-ang sa kanya na tumango siya at tumingin muna siya kay Lucia “patawarin mo ako, mahal ko” sabi niya sabay takbo nilang dalawa papunta kay Haring Voltaire na nauna si Lorenzo kasunod niya si Lam-ang.

“ANAK!” sigaw ni Lam-ang na yumuko si Lorenzo at ginawa siyang rampa ng ama niya at tumalon ito sabay bato ng tatlong patalim sa Hari na agad nitong binalik kay Lam-ang. Hindi siya natamaan nito dahil lumagpas na sa kanya ito nung dumaan siya sa ibabaw ni Haring Voltaire kaya binaling nalang ng Hari ang mga patalim papunta kay Lorenzo. Agad namang hinampas ni Lorenzo ang tatlong patalim na lumipad ito sa ere “AMA!” sigaw ni Lorenzo na pareho silang huminto. “HAHAHAHAHA!” tumawa si Haring Voltaire dahil akala niyang natakot ang dalawa sa kanya dahil tumigil sila pero ang hindi niya alam taktika ito ng dalawa dahil yung tatlong patalim na himpas ni Lorenzo paitaas ay bumababa na ngayon.

“MAGHANDA KA LORENZO!” sigaw ni Lam-ang na nakita nila ang unang patalim na tumama sa kaliwang balikat ng hari, sumunod ang pangalawa na tumama ito sa kanan niya kaya naibaba ng Hari ang mga kamay niya. Biglang tumigil ang malakas na hangin at pagkidlat sa kalangitan “GRAAAAAA” napasigaw sa sakit si Haring Voltaire at naalala niyang tatlong patalim ang binato ni Lam-ang kanina kaya tumingala siya at agad pinikit ang kanang mata niya nung makita niyang pababa na sa kanya ang pangatlong patalim. Agad niyang napahinto ang pangatlong patalim isang talamapakan nalang ang layo sa kaliwang mata niya.

“HARING UGAT!” sigaw ni Lam-ang na napanganga nalang bigla si Haring Voltaire nung nakita niya si Hen. Romolo sa ibabaw at ang kamay nitong hahampasin ang pangatlong patalim para masaksak ito sa kaliwang mata niya. Binato ni Haring Ugat papunta sa ibabaw ni Haring Voltaire si Hen. Romolo kaya siya na mismo ang nagtulak pababa sa patalim sa kaliwang mata ni Haring Voltaire at huli na ang Hari na ibuka ang kanang mata niya dahil nahampas na ni Hen. Romolo ang patalim at nasaksak ito sa kaliwang mata niya. “AAAAAAHHHHHHH!” napasigaw si Haring Voltaire na agad namang hinila palayo si Hen. Romolo ni Haring Ugat at binigay ng mag-ama ang huling atake nila sa Hari ng mga Bampira nung sinaksak nila ito sabay.

Natahimik si Haring Voltaire nung maramdaman niya ang espada ni Lam-ang sa likuran niya at ang espada ni Lorenzo sa harapan niya na parehong tumama ang espada nila sa puso ng Hari. Nag-abot pa ang dulo nito sa mismong gitna ng puso niya “patawarin mo kami, Haring Voltaire” sabi ni Lam-ang sa kanya na nilingon niya ito sa likod “ha.. ha…hahaha… ma… magaling… napaka… galing..” sabi ng Hari sa kanila. Tumingin si Haring Voltaire kay Lorenzo “tu… tunay ngang.. ka… kahanga…hanga.. kayo…kayong mga… Bailan…” sabi niya na napayuko nalang si Lorenzo at nilingon niya si Lucia na ngayon ay umiiyak na sa sinapit ng lolo niya.

“Lorenzo….” tawag ni Haring Voltaire “opo, kamahalan?” sagot niya “i… ikaw… ikaw na ang … ba.. bahala sa apo ko… ma…. mahal.. mahal na mahal ka niya.. ” bilin ng Hari sa kanya “…. masusunod… kamahalan..” sagot niya. “La… Lam-ang.. hi.. hindi ako.. hindi ako nagkamaling.. pi….piniling… kaibiganin kita….” sabi niya kay Lam-ang “…. maging mapayapa ka sana, kaibigan” sabi ni Lam-ang sa kanya “Lorenzo” tawag niya sa anak niya na sabay nilang hinugot ang espada nila at lumayo sila kay Haring Voltaire. Tumakbo palapit si Reyna Lucia sa lolo niya na pinigilan siya ni Lorenzo “wag…” sabi ni Lorenzo sa kanya.

“LOLO!” sigaw ni Reyna Lucia na naiyak ito habang pilit lumapit sa lolo niya “pa… patawarin mo ako.. apo…. mga… kasama… patawarin niyo.. ako…” sabi ni Haring Voltaire sa kanila na lumuhod ang lahat ng bampira. “Ro..molo…. magkikita na kami.. ng ama mo… do… doon ako… hi…hihingi ng tawad…sa kanya..” sabi ni Haring Voltaire na di siya sinagot ni Hen. Romolo pero niyuko nalang niya ang ulo niya pati narin ang lahat ng mga lobo. “Maging mapayapa sana ang pagbyahe mo, kaibigan” sabi ni Haring Ugat kay Haring Voltaire na ngumiti siya at biglang me lumabas na maitim na aura sa dibdib at likod niya at dahan-dahan na siya nitong nilamon. “Karapat.. dapat ito… sa akin… Alister… anak…. huhu… patawarin mo ako…” ang huling sinabi ni Haring Voltaire bago siya nilamon ng dilim.

Umiiyak parin si Reyna Lucia habang tinutulongan nilang lahat na ligpitin at ilagay sa mga karwahe nila ang mga namatay “kinalulungkot ko ang nangyari sa ama mo, Haring Romolo” sabi ni Lam-ang sa kanya. “Hari…heh! hindi ako masasanay sa titlong yan” sabi ni Hen. Romolo “Heneral… ah.. mahal na Hari nakahanda na po ang lahat sa pagbyahe natin” balita ni Kap. Dante sa kanya. Lumapit sila kay Reyna Lucia “Lucia..” tawag ni Hen. Romolo na tumayo si Reyna Lucia at luluhod na sana siya nang pinigilan siya ni Hen. Romolo “di ka dapat lumuhod sa akin, Reyna Lucia” sabi ni Hen. Romolo sa kanya “pero.. ” “hindi mo kasalanan ang nangyari sa ama ko” pagputol ni Hen. Romolo sa kanya.

Me binulong si Kap. Dante kay Hen. Romolo na tinaas niya ang kamay niya at umatras si kap. Dante “wag kang mag-alala Reyna Lucia, mananatili paring kaalyado niyo kami” sabi ni Hen. Romolo. “Maraming salamat, Haring Romolo” sabi ni Reyna Lucia “Hari… hmm.. Lam-ang, Lorenzo maraming salamat sa inyo” sabi niya sa mag-ama “walang anuman yun Haring Romolo” sabi ni Lam-ang na nginitian lang siya “Lorenzo” tawag niya. “Mahal na Hari?” “gusto ko sanang hilingin ka kung pwede sumama ka sa amin at manilbihan sa akin” sabi ni Hen. Romolo na nagulat silang lahat “pasensya na po kamahalan pero nakapagpasya na po ako na mananatili dito sa palasyo ni Reyna Lucia” sagot ni Lorenzo.

“Mananatili ka dito, anak?” gulat na tanong ni Lam-ang “kung papayagan niyo po ako ama, gusto ko pong tulongan si Reyna Lucia” sagot niya na tumingin si Lam-ang kay Reyna Lucia na niyuko niya ang ulo niya pati ang mga sundalo niya. “Alam mong sa Kuro ang responsibilidad mo, di ba?” tanong ni Lam-ang “pansamantala lang ama, habang tinatayo ni Reyna Lucia ang kaharian niya, uuwi ako pangako ko sayo yan kung kailanganin ako ng Kuro” sagot ni Lorenzo. “Paano kung bababa na ako sa position ko bukas uuwi ka ba?” tanong ni Lam-ang “ama, wag kayong magsalita ng ganyan, isa pa po andyan si Hen. Amistad na guro ko at karapat-dapat na sumunod sa position mo” sagot ni Lorenzo na umiling lang si Lam-ang.

“Ama patawarin niyo po ako pero ito na po ang desisyon ko, mahal ko po kayo at ang Kuro pero kita mong mas kailanganin ako dito” paunawa ni Lorenzo sa ama niya na pareho silang napatingin kay Reyna Lucia. “Haayyy… wala na tayong magagawa niyan pinuno” sabi ni Hen. Amistad “tama si Lorenzo, Lam-ang. Pagbigyan mo na siya para narin makatulong siya sa pagtayo ng kaharian ni Reyna Lucia” sabi ni Haring Ugat sa kanya. “Haring Ugat, me isang problema pa tayo” sabi ni Kap. Dante “Dante.. di na kailangan pang pag-usapan yan” sabi ni Hen. Romolo “kung tungkol ito sa Aklat ng Dilim” sabi ni Reyna Lucia “ibibigay ko ang responsibilidad nito kay Haring Ugat” dagdag ni Reyna Lucia.

“Hindi!” sabi ni Haring Ugat “napagpasyahan na namin noon kaya wag mo ng isipin yan, Reyna Lucia” sabi ni Haring Ugat “wag kayong mag-aalala kaya din po ako mananatili dito para siguradohing di na magagamit pa ang Aklat ng Dilim” sabi ni Lorenzo. “Kung ganun, pumapayag na akong manatili ka dito anak” sabi ni Lam-ang “salamat po, ama” sagot niya “wag kayong mag-alala hinding-hindi ko gagamitin ang Aklat ng Dilim” sabi ni Reyna Lucia. “Tatanggapin namin yan Reyna Lucia pero” sabi ni Hen. Romolo “gaya ng sinabi ng ama ko, sa oras na bubuksan mo ang aklat na yun (tumingin sa mata ni Reyna Lucia si Hen. Romolo) papatayin kita” dagdag niya “MGA KAWAL AALIS NA TAYO!” sigaw ni Kap. Dante at niyuko na nila ang ulo nila kay Reyna Lucia at umalis na sila.

Nagpaalam narin sina Haring Ugat at mga tauhan niya at hinawakan ni Lorenzo ang kamay ni Reyna Lucia “wag kang mag-alala mahal, nandito ako para protektahan ka” “salamat” sagot ni Reyna Lucia at nilingon niya ang mga tauhan niya “wag kang mag-alala tutulongan kitang itayo muli ang kaharian mo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Nandito lang din kami kung kailanganin mo ang tulong namin, Reyna Lucia” sabi ni Lam-ang “nandito rin kami, Reyna Lucia” sabi ni Haring Ugat na ni yuko ni Reyna Lucia ang ulo niya at na luha siya “maraming salamat sa pag-unawa at tulong niyo” naluluhang sabi niya sa kanila. “Pinuno, nakahanda na po ang lahat” balita ni Hen. Amistad kay Lam-ang “mabuti, kamahalan magpapaalam narin kami sa inyo” sabi ni Lam-ang.

“Ama, ihahatid ko na po kayo sa labas” sabi ni Lorenzo na tumango si Lam-ang at matapos makapagpaalam kay Reyna Lucia hinatid na ni Lorenzo ang ama niya “sigurado ka ba talaga sa desisyon mong ito, anak?” tanong niya. “Opo ama” sagot niya “alam kong mahal mo si Lucia, Lorenzo pero hindi ito ang dapat mong idahilan para talikuran ang Kuro” sabi ni Hen. Amistad “hindi ko tinalikuran ang Kuro Heneral, totoong mahal ko si Lucia pero hindi ito ang dahilan kaya ako manatili dito” sagot ni Lorenzo. “Ano pala ang dahilan mo?” tanong ni Lam-ang “alam niyo na po ang dahilan ama, Heneral” sabi ni Lorenzo sa kanila na nagkatinginan silang dalawa.

“Naniniwala ka ba talaga sa hulang yun, Lorenzo?” tanong ni Lam-ang sa kanya “hindi ko po alam ama pero kung ito ang paraan para magiging ligtas ang Kuro mas mabuting manatili ako dito” sagot niya. “Matagal na yun Lorenzo at isa pa isa lang naman ang natamaang hula ni Naring (ang manghuhula sa Kuro)” sabi ni Hen. Amistad “maskina Heneral para narin sa kaligtasan ng lahat mananatili ako dito at pasensya na kung ibibigay ko sayo ang responsibilidad na dapat para sa akin” sabi ni Lorenzo sa kanya. Dumating na sila sa gate ng kaharian at huminto na si Lorenzo habang tuloy lang din ang mga tauhan nila “anak, wag mong isipin ang hulang yun” sabi ni Lam-ang sa kanya na bigla nalang sumulpot si Reyna Lucia sa likod ni Lorenzo.

“Mahal na Reyna” bati nilang tatlo na ngumiti lang si Reyna Lucia “tandaan mo Lorenzo isa kang Bailan, hindi tayo naniniwala sa ano ang tinadhana sa atin dahil tayo mismo ang gumagawa ng sarili natin” payo ni Lam-ang sa anak niya. “Tandaan mo ang tinuro ko sayo at wag mo ding kalimutan kung sino ka at saan ka galing” payo ni Hen. Amistad sa kanya “hinding-hindi ko yun kakalimutan ama, Heneral” sagot ni Lorenzo at umalis na sila. Naglakad na sila pabalik sa palasyo “ano yung narinig ko kaninang hula?” tanong ni Reyna Lucia “ah wag mo na pansinin yun, mahal” sagot ni Lorenzo na hinawakan siya sa kamay ni Reyna Lucia “sabihin mo sa akin” sabi niya na hinila siya ni Lucia kaya napahinto siya.

“Sabihin mo na sa akin kung ano ang hulang yun” pamimilit ni Reyna Lucia sa kanya “haayyy pumasok muna tayo sa palasyo” sabi ni Lorenzo dahil dahan-dahan naring nawawala ang ulap na ginawa ng lolo niya kanina. Nung nasa loob na sila “sige na sabihin mo na sa akin” sabi ni Reyna Lucia “patawarin mo ako mahal kung dito ako mananatili sa palasyo mo” pasimula ni Lorenzo “noong hindi pa ako ipinapanganak hinulaan ni Naring ang nanay kong si Nala na magsisilang siya ng bata” pasimula ni Lorenzo. “Tapos?” tanong ni Reyna Lucia “ang batang ito ang magiging dahilan ng pagkaubos ng lahi namin” kwento ni Lorenzo na nagulat si Reyna Lucia sa narinig niya.

“Pa.. paano magagawa ng batang ito ang ubosin ang lahi niyo?” gulat na tanong ni Reyna Lucia sa kanya “hindi sinabi ni Naring kung paano pero ito daw ang nakikita niya sa nanay ko” sagot ni Lorenzo. “Mahal na Reyna paumanhin po” sabi ng isang tauhan niya “ano yun?” tanong niya “kailangan niyo pong kausapin ang ibang tauhan natin na kumampi sa dating Haring si Voltaire” sabi nito “susunod ako” sagot ng Reyna at umalis na yung tauhan niya. “Huwag na natin pag-usapan yun, unahin mo na natin ang pagtayo mo muli sa kaharian mo” sabi ni Lorenzo sa kanya “sige, pero ikwento mo sa akin yan pagkatapos” sabi ni Reyna Lucia “masusunod, kamahalan” sabi ni Lorenzo na ngumiti sa kanya si Reyna Lucia.

Kinausap ni Reyna Lucia ang mga tauhan niya at pinaintindi niya sa kanila na sino na ngayon ang mamumuno sa kahariang ito “alam kong nagugulohan parin kayo sa pangyayari kanina pero ipapangako ko sa inyo” sabi niya na tumingin siya sa kanilang lahat. “Hinding-hindi na mangyayari yun habang ako ang nakaupo sa pwesto” pangako niya sa mga tauhan niya. “Tatayo akong ilaw sa inyo habang nandito kayo sa palasyo ko, para narin sa ama kong si Prinsepe Alister na dapat siya ang nakatayo dito pero… ” pagputol niya nung naalala niya ang ama niya. “Mahal na Reyna” sabi ni Luthero sa kanya “ikinalulungkot ko po ang nangyari sa mahal na Prinsepe at sa mahal na Hari, pero kung kailanganin niyo po ang espada ko nakahanda po ako” sabay luhod niya sa harap ni Reyna Lucia.

“Ako din po, mahal na Reyna” sabi nung isa pang tauhan niya at sunod-sunod na silang lumuhod sa harapan niya na napaluha siya nung makita ito “maraming.. maraming salamat sa inyo” naiiyak na sabi ni Reyna Lucia. “Ako din po, Reyna Lucia” sabi ni Guillermo na lumuhod din ito sa harapan niya pati din si Morietta “hmmm..” narinig ni Reyna Lucia galing kay Lorenzo “kung ganun opsiyal na akong magiging Reyna ng palasyo at ipapakilala ko narin sa inyo ang bago niyong Heneral” sabi ni Lucia na pinakilala niyang Heneral ng hukbong ng bampira si Lorenzo. “Sang-ayon ba kayo sa pagpili ko sa kanya?” tanong ni Reyna Lucia sa kanya “OPO MAHAL NA REYNA!” sigaw nilang lahat kaya natuwa siya sa sagot nila at dito na nagsimula ang itayo muli ni Reyna Lucia ang kaharian niya.

Tinuroan narin ni Hen, Lorenzo ang mga sundalo ni Reyna Lucia kung paano lumaban at paano gamitin ang iba pa nilang sandata pagdating sa digmaan, tinuroan narin iya ito kung paano lumaban gamit ang mga kamay nila. Pinangalanan niyang Kapitan si Guillermo na sinang-ayonan din naman ni Reyna Lucia at binigyan niya din ng katungkolan din ni Hen. Lorenzo si Morietta bilang taga bantay ni Reyna Lucia. “Lahat ng konseho ni Lolo Voltaire ay napatay niya sino na ngayon ang ipapalit ko sa kanila?” tanong ni Reyna Lucia kay Hen. Lorenzo “hmm.. kung papayag ka me kilala ako para maging taga payo mo” sabi niya. “Sino?” tanong ni Reyna Lucia “si Zoraida, hindi lang yun magaling din siyang maghilom ng sugat” rekomenda niya na pumayag si Reyna Lucia at agad pinatawag si Zoraida.

Sinalubong ni Hen. Lorenzo si Zoraida nung dumating ito sa palasyo at dinala siya sa silid ng truno ni Reyna Lucia “magandang gabi po, mahal na Reyna” bati ni Zoraida “magandang gabi naman” sagot niya. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Zoraida “gusto kong manilbihan ka sa akin bilang taga payo ko at maging punong ministro ng itim na mahika sa kaharian ko” alok ni Reyna Lucia “a.. ako po? Hindi po ba position yan na dapat sa inyong mga lahi lang?” takang tanong ni Zoraida sa kanya. “Tanggapin mo na Zora, nirekomenda kita kay Reyna Lucia dahil alam kong magaling ka nito at sa ating tatlo ni Narra ikaw ang mas me malinaw na pag-iisip” sabi ni Hen. Lorenzo sa kanya.

“Patawad pero wala ako sa position para tanggapin ito at isa pa hindi pa ako gaano kagaling pagdating sa itim na mahika” paliwanag ni Zoraida “wala sa akin yun, Zoraida” sabi ni Reyna Lucia na tumayo siya at lumapit sa kanya. “Ang importante sa akin ay makapagkatiwalaan kita” sabi ni Reyna Lucia na tumingin si Zoraida sa kanya at kay Hen. Lorenzo “kung.. yun po ang kagustohan niyo, tinatanggap ko po ang alok niyo mahal na Reyna” sagot ni Zoraida na kinatuwa ni Hen. Lorenzo. Binigyan ng maraming libro ni Reyna Lucia si Zoraida para pag-aralan ang mga ito at binigyan din siya ng silid ng Reyna para matirhan niya “maraming salamat po, mahal na Reyna” sabi ni Zoraida “hindi, ako dapat ang magpasalamat sayo, Zoraida” sabi ni Reyna Lucia sa kanya.

Lumipas ang panahon at naging maayos na ang takbo ng kaharian ni Reyna Lucia, dumadalaw din si Lorenzo sa Kuro para bisitahin ang me sakit niyang ama na si Lam-ang, si Hen. Amistad ang tumatayong pinuno pag sinusumpong ng sakit si Lam-ang na kinainis ng Heneral dahil gusto niyang magliwaliw kasama ang nobya niya na hindi niya magawa. “Hahaha pasensya kana Heneral kung ikaw ang naatasang mamuno” sabi ni Lorenzo sa kanya isang araw nung dumalaw siya “hmp! dapat ikaw ang mamuno dahil ikaw ang anak, dapat nasa kubo ako ngayon ni Belya para… hehe alam mo na” sabi ni Hen. Amistad sa kanya.

Kasama palagi ni Hen. Lorenzo si Morietta na dapat nasa tabi nito ni Reyna Lucia pero palagi itong nakabuntot sa kanya “haayyy bakit hindi ka sumunod sa utos ko ha, Morietta?” tanong ni Hen. Lorenzo sa kanya nung pauwi na sila sa palasyo. “Eh.. gusto ko palagi kang kasama eh” sagot niya na napailing lang si Hen. Lorenzo “Morietta, kung me iuutos ako sayo dapat sundin mo ito” sabi niya “eh sinusunod ko naman ito Heneral” sabi ni Morietta “bakit nandito ka kung sinusunod mo ito?” tanong niya “eh hehehe.. gusto ko lang kasing sumama sayo Hen Enzo” sabi ni Morietta na napangiti nalang si Hen. Lorenzo at napailing sa sagot niya.

Pagdating nila sa palasyo sinalubong agad sila ni Kap. Guillermo “Heneral!” tawag niya “bakit Kap Guille, ano ang problema?” tanong niya “me namataan ang mga tauhan natin na me tatlong barkong papalapit sa teritoryo natin” balita ni Kap. Guillermo sa kanya. “Ipagbigay alam agad ito kay Reyna Lucia at ibigay ang utos na maghanda sa ano mang mangyari” utos ni Hen. Enzo “masusunod Heneral” sagot ni Kap Guille at umalis agad ito “Morietta pumunta ka kay Reyna Lucia at bantayan mo siya” utos niya “pero Heneral makaka…” “wag matigas ang ulo Morietta” pagputol ni Hen. Enzo na nagsigalawan na ang mga tauhan niya para maghanda sa paparating na barko. “HENERAL ME MALIIT NA BANGKA ANG PAPARATING SA DALAMPASIGAN NATIN!” sigaw ng tauhan niya na nasa tore “AKO ANG BAHALA SA KANILA MAGHANDA NA KAYO!” sagot niya.

“HENERAL!” tawag ni Reyna Lucia na nasa terrace ito sa pangalawang palapag ng palasyo “mahal na Reyna me tatlong barkong pumasok sa dagat natin” balita niya “kalaban ba sila?” tanong ng Reyna “hindi ko po alam pero ako na ang bahalang kumausap sa kanila” sagot ni Hen. Lorenzo. “Heneral” tawag ng isang sundalo niya “ano ang balita Luthero?” tanong niya “mga mortal po ang paparating sa dalampasigan natin” balita niya. “Kung ganun ako lang ang haharap sa kanila” sabi ni Hen. Lorenzo “pero Heneral paano kung..” “ako na ang bahala dun” sagot niya na hinubad niya ang armor niya at binigay ito kay Luthero. “Heneral ano po ang ginagawa niyo?” gulat na tanong ni Kap. Guillermo “mga mortal sila Guille, kaya nararapat lang na ako ang haharap sa kanila” sagot ni Hen. Lorenzo.

Mag-isa lang siyang nakatayo malapit sa dalampasigan habang yung mga tauhan niya ay nakatago sa mga puno malapit sa kanya “maghanda kayo, nandito na sila” mahinang sabi ni Hen. Lorenzo dahil parating na yung bangka. Pagdaong nung bangka agad tumalon ang dalawang malalaking lalake na sakay nito kasunod ang isang matanda at isang binata “magandang gabi sa inyo mga ginoo” bati ni Lorenzo sa kanila. “Maganda gabi naman sayo” bati nung matanda sa kanya na kita niyang naka yuniporme sila “ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong niya sa matanda “ako si Admiral Patricio Hermosa at sila naman ang mga tauhan kong si Roberto, Marion at si Enrico” pakilala niya “ako naman si Enzo ang taga bantay ng lugar na ito” pakilala din niya.

“Bakit nga pala kayo napadpad dito?” tanong ni Enzo sa kanila “nawala kami sa ruta namin nung dinaanan kami ng bagyo” paliwanag ni Roberto “ah ganun ba? Mabuti naman at ligtas kayo at walang nangyari sa inyo” sabi ni Lorenzo. “Pwedeng ituro mo sa amin ang ruta pabalik” hiling ng Admiral “walang problema Admiral alam ko ang dagat na ito” sabi ni Lorenzo na tinuro niya sa kanila ang daan pabalik nung tiningnan niya ang mapa nila. Pagkatapos niyang ituro nagpaalam na sila pero napansin niyang panay tingin sa kanya ang binatang kasama nila “me kailangan ka ba, bata?” tanong niya “ah wa.. wala po, salamat po” sagot nito at sumakay na ito sa bangka nila.

Nung nakalayo na ang bangka lumabas na sina Kap. Guillermo at mga tauhan niya sa likod ng puno at lumapit kay Hen. Lorenzo “walang problema naligaw lang sila” sabi ni Hen. Lorenzo sa kanila. “Bumalik na kayo sa palasyo” utos ni Kap. Guillermo sa kanila at nagmartsa na sila pabalik sa palasyo samantala sa bangka “ano ang tinitingnan mo kanina Enrico?” tanong ng Admiral sa binata “yung kwentas niya, Admiral” sagot ng binata. “Bakit? Ano ang meron sa kwentas niya?” tanong ng Admiral “hindi niyo ho ba napapansin? Ngayon lang ako nakakakita na ganun kalaking dyamante” sagot ng binata. “Hmm. pasensya na Enrico hindi ko napansin ang kwentas niya pero yung mga matang nakatingin sa atin sa likod ng puno ang napansin ko” sagot ng Admiral sa kanya.

Pagdating nila sa barko “Admiral, maligayang pagdating po” bati ng Kapitan niya “Kapitan ibigay ito sa timonel natin para makaalis na tayo dito” utos ng Admiral sa kanya “masusunod po” at umalis na ito. “Ipagbigay alam sa taga gawa ng mapa na alisin sa mapa natin ang destinasyon na ito” utos ng Admiral sa tauhan niya na agad itong umalis “bakit niyo po buburahin ang lokasyon na ito, Admiral?” tanong nung binata. “Sa nakikita ko sa likod niya hindi ito ang lokasyon na pwedeng puntahan ng mga mortal na katulad natin” sagot ng Admiral “pero Admiral halata namang mortal din ang humarap sa atin” sabi ni Roberto “alam ko, pero yung mga taong nasa likod niya ang hindi, kaya burahin sa mapa ang lokasyon na ito” utos ng Admiral “masusunod po” sagot ni Roberto. Pero iba ang iniisip ni Enrico “babalik ako sa lugar na ito, sa suot niyang kwentas alam kong me kayamanan ang nakatago sa lugar na ito” sabi niya sa isip niya. “Enrico Rosales!” tawag ng Admiral sa kanya “nandyan na po, Admiral!” sagot niya.

Pagbalik nila sa palasyo nakita ni Hen. Lorenzo na nakatingin sa kanya si Reyna Lucia at nakita niya itong pumasok sa loob “Kap. Guillermo ikaw na ang bahala dito” utos niya “opo, Heneral” sagot ni Guillermo. “Morietta” tawag ni Reyna Lucia sa kanya “opo, kamahalan?” “pumunta ka sa labas at kailanganin ka ni Guillermo dun” utos ng Reyna sa kanya “masusunod po, kamahalan” sagot niya na agad siyang bumaba. Nakasalubong pa niya si Heneral Lorenzo nung bumaba siya sa hagdanan “Heneral” natutuwang sabi niya “Morietta, puntahan mo si..” “alam ko na po, Heneral” sagot niya na nginitian niya lang ito at bumaba na ito habang paakyat naman siya na nakita niya sa itaas ng hagdanan si Reyna Lucia.

Nginitian lang siya at umalis ito papunta sa hagdanan paakyat sa pangatlong palapag ng palasyo, sumunod lang sa kanya si Heneral Lorenzo. Nung nasa pangatlong palapag na sila nakita ni Heneral Lorenzo na pumasok sa silid niya si Reyna Lucia kaya napangiti siya at alam na niya ang mangyayari kaya sumunod siya nito at sinara ang pinto pagpasok niya sa loob. Nakita niyang naghubad na si Reyna Lucia at humiga ito sa kama kaya naghubad narin siya at lumapit sa kama. “Teka” sabi niya na me kinuha siya sa ilalim ng kama at natawa si Lucia “bakit?” tanong niya “kailangan pa ba yan?” tanong ni Lucia sa kanya “naalala mo nung huli tayong nagtalik?” tanong ni Lorenzo na natawa lang si Lucia.

Pumatong na si Lorenzo sa kanya at naghalikan silang dalawa “nasasabik na ako sayo, mahal” sabi ni Lorenzo “ako din” sagot ni Lucia na kinapa niya ang alaga ni Lorenzo at sinalsal niya ito “hmm..” lang si Lorenzo at hinalikan niya sa leeg si Lucia. Bumukaka si Lucia at tinutok ang alaga ni Lorenzo sa lagusan niya “hmm… di na ako makapaghintay” sabi ni Lucia sa kanya na pinasok niya ang ulo sa loob ng hiwa niya “aahhh..” siya nung pumasok ito. Biglang hinugot ito ni Lorenzo at bumangon siya “ba.. bakit?” gulat na tanong ni Lucia sa kanya “teka lang… hah..hah… teka lang” sabi ni Lorenzo sa kanya. Tinali ni Lorenzo ang dalawang kamay ni Lucia sa poste ng kama at habang ginagawa niya ito hinahalikan at dinidilaan ni Lucia ang katawan niya “mahal nakikiliti ako” natatawang sabi ni Lorenzo.

Nung natali na niya ang mga kamay ni Lucia dumapa siya sa ibabaw at sinimulang halikan ang nakatayong utong ng Reyna “ooohhh… ” napaungol si Lucia sa pagdila at sipsip ni Lorenzo sa utong niya. Bumaba pa si Lorenzo at dinilaan niya ang tiyan ni Lucia kaya napabangon ang ulo nito at tiningnan siya “mahal…” tawag niya na nginitian siya ni Lorenzo na bumaba pa ito hanggang sa nasa harapan na niya ang hiwa ni Lucia. “Mahal… ” tawag uli ni Lucia na tumingin sa kanya si Lorenzo “bilisan mo.. nasasabik na ako” sabi ni Lucia sa kanya na dinilaan na ni Lorenzo ang hiwa niya na napaungol siya.

Dinilaan ni Lorenzo ang naka usling laman sa hiwa ni Lucia na napaliyad ito nung sinipsip ito ni Lorenzo na pinatong pa niya ang mga binti niya sa likuran ng Heneral “ooohhh.. mahall.. mahaaalll..” bigkas ni Lucia. “Kailangan kita.. Lorenzo.. ipasok mo naa..” sabi ni Lucia sa kanya kaya gumapang papatong si Lorenzo at kiniskis niya ang ulo sa hiwa ng Reyna na napaliyad ito at biglang bumaba si Lucia kaya pumasok ang ulo ng alaga ni Lorenzo sa hiwa niya. “Oohh.. ” “aaahhh.. mahal” napaungol si Lorenzo nung naramdaman niya ang namamasa at mainit na laman ni Lucia, kumadyot siya para maibaon ang buong alaga niya sa lagusan ni Lucia at mabilis naman pinulupot ni Lucia ang mga binti niya sa bewang ni Lorenzo para di na ito makaalis sa ibabaw niya.

Nagsimula ng kantutin ni Lorenzo si Lucia na napapapikit na ang Reyna sa tuwing bumabaon ang alaga ni Lorenzo sa loob niya at napapansin narin ni Lorenzo na lumalabas narin ang pangil ng Reyna. Natuto na kasi si Lorenzo nung huling talik nila ni Lucia na muntik na siya nitong mapatay dahil bigla itong nagbago ng anyo at nakalimutan ni Lucia kung sino si Lorenzo. Kaya tinali niya si Lucia para di ito magwala pagnilabasan ito at kamapante si Lorenzo sa pagkatali ni Lucia kaya na eenjoy niya ang pagtatalik nila at di siiya nangangambang maulit uli ang nangyari noon. “Mahal. ang sarap mo talaga” sabi ni Lorenzo kay Lucia na naging kulay pula na ang mga mata niya “mahal.. wag mong itigil..” nagbago narin ang boses ni Lucia hudyat na malapit na itong marating ang gloria.

Inalis ni Lorenzo ang mga binti ni Lucia na nakabalot sa beywang niya at tinaas niya ito na kita niya kung paano naglabas pasok ang alaga niya sa hiwa ni Lucia “aahh.. haaahhh.. mahal.. mahal…” ungol niya habang nakatingin lang sa kanya si Lucia at umuungol din ito. Dumapa sa ibabaw ni Lucia si Lorenzo na nasa gilid na ng Reyna ang tuhod niya at nakaangat ang pwet nito sa ere habang mabilis na siyang binabayo ni Lorenzo. “Wag mong tigilan.. wag.. oohhh wag …aahhhh. wag kang tumigil.. sige paa..sige paahhhh…” sabi ni Lucia sa kanya na pinapawisan narin si Lorenzo sa pagbayo sa nobya niya.

“Malapit na ako.. malapit na ako…” sabi ni Lucia sa kanya na binilisan pa lalo ni Lorenzo ang pagbayo niya hanggang sa pumikit si Lucia at naramdaman niyang pumipintig ang kalamnan nito at ang init ng katas niya. “Aaahh..aaahhh.aahhh ayan narin akooohhhh..” sabi ni Lorenzo na agad siyang umalis sa ibabaw ni Lucia at sinalsal niya ng titi niya na tumalsik ang tamod niya sa headboard ng kama at yung iba tumulo sa katawan ng Reyna. “Haaaa..haahhhhh..” napaungol si Lorenzo nung pumatak ang huling tamod niya sa titi niya at napatingin siya kay Lucia na agad siyang tumalon paalis sa kama at sumandal sa pader ng silid. “Ma.. mahal.. mahal!” tawag niya kay Lucia na ngayon ay nakawala na sa pagkakatali niya.

“AAARRGGGHHHHHH!” sumigaw si Lucia na napaiwas ng tingin si Lorenzo sa kanya dahil sa lakas ng hangin na tumama sa kanya at nung tumingin siya bigla nalang siyang tumalon at gumulong sa kanan para makaiwas sa apoy na binuga ni Lucia. “MAHAL!” tawag ni Lorenzo na biglang nagdilim muli ang paligid kaya dahan-dahang kinapa ni Lorenzo ang sahig para hanapin ang espada niya at nung nakapa na niya ito tinaas niya ito sa ere at lumiwanag ang espada niya. “Dyos ko!” nalang ang nasabi niya nung nakita niya ang mukha sa harapan niya nung nasinagan ito ng liwanag ng espada niya. “Ma.. mahal.. parang awa mo na… ” sabi ni Lorenzo dahil kaharap na niya ngayon ang malaking mukha ng itim na dragon.

Tumalon uli si Lorenzo para makailag sa binugang apoy ni Lucia “MAHAL!” sigaw niya na biglang lumiwanag ang silid dahil nasunog ni Lucia ang kama niya. Nakita ni Lorenzo ang lubid sa gilid ng kama kaya kinuha niya ito at tumakbo siya palayo sa dragon na humahabol sa kanya. Nakaiwas muli siya sa apoy na binuga nito at nakaposition siya sa likod na agad siyang tumalon paakyat sa likod ng dragon at gamit ang lubid tinali niya ito sa leeg at hinila niya ito na parang sinasakal niya. “MAHAL!” tawag ni Lorenzo habang sinasakal niya ito na nagwawala ito na tumama pa siya sa pader nung dumikit ito para lang makatakas sa pagkakasakal.

Hindi bumitaw si Lorenzo hanggang sa nanlambot ang dragon at dahan-dahan na itong kumalma at dumapa ito sa sahig ng kwarto “mahal.. patawarin mo ako” sabi ni Lorenzo na dahan-dahan naring bumalik sa normal si Lucia. Inalis agad ni Lorenzo ang lubid sa leeg niya nung bumalik na ito sa pagiging tao at natumba narin sya sa tabi nito dahil sa pagod, hindi na niya napansin na nakatulog na pala siya dahil sa pagod. Paggising niya agad siyang bumangon at hinanap si Lucia dahil wala na ito sa tabi niya “mahal? MAHAL!” sigaw niya na nakita niya itong pumasok sa loob ng kwarto at me dala itong pagkain. “Nasaktan ba kita?” tanong ni Lucia sa kanya na napangiti siya at napailing “hindi, haayy kailangan na talaga nating kontrolin ang ano mo..” sabi ni Lorenzo na sinuntok siya ng mahina ni Lucia “makokontrol ko din ito, pasensya lang mahal” sabi ni Lucia sa kanya.

Dumaan ang mga taon na lumalim ang relasyon nilang dalawa at pati narin ang relasyon ni Lorenzo sa mga tauhan niya, nagkaroon narin ng pagkakataon silang dalawa ni Lucia na magtalik sa labas ng palasyo at sa pagkakataong ito mabilis na nakaiwas si Lorenzo sa orgasmo ni Lucia. Me mga bagong bampira narin ang tumuloy sa kaharian ni Reyna Lucia at pati din sila napahanga sa galing ni Hen. Lorenzo. Humaba narin ang buhok at balbas ni Lorenzo na ika nga ni Zoraida kailangan na niyang magpagupit at mag-ahit “hindi na, gusto ko ang hitsura ko ngayon” sagot niya na napailing lang ang mangkukulam sa kanya. Dumadalaw parin si Lorenzo sa Kuro at napapansin niyang hindi na ata magtatagal ang tatay Lam-ang niya sa position dahil lumala na ang kondisyon nito.

Isang gabi nung nasa terrace sila ni Reyna Lucia at nakatingin sila sa bilog na buwan “mahal ang ganda ng gabing ito” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “oonga mahal, perpekto ito para sa atin” sagot ni Lorenzo. Napansin ni Lucia na parang me malalim na iniisip si Lorenzo “mahal, me problema ka ba?” tanong niya “si ama kasi, lumala na ang sakit niya” sagot niya na biglang nalungkot si Lucia sa narinig niya. Biglang pumasok sa isipan ni Lucia ang pinangambahan niya ang pag-alis ni Lorenzo sa kaharian niya. “Pa… paano yan?” tanong niya kay Lorenzo na hinawakan siya nito sa kamay at pinisil ito “patawarin mo ako Lucia” sagot ni Lorenzo “huwag kang humingi ng tawad naiintindihan ko” sabi ni Lucia na naluha siya.

Lumipas ang ilang buwan at dumating na ang araw na kinatatakutan ni Lucia nung nagpadala ng mensahero ang Kuro para pauwiin na si Lorenzo “sigurado ka bang uuwi ka?” tanong ni Lucia sa kanya. “Kailangan na ako ng mga tauhan ko” sagot niya habang nililigpit ang mga gamit niya “paano ang hula sayo?” tanong ni Lucia sa kanya “anong hula?” tanong ni Morietta na nasa pintuan ito at nakatingin sa kanila. “Morietta” tawag ni Lorenzo “aalis ka? Akala ko ba mananatili kana dito kasama namin” tanong ni Morietta “pansamantala lang ako dito, Morietta” sabi ni Lorenzo sa kanya na binitbit na niya ang gamit niya. “Teka… paano kami.. paano ang kaharian?” tanong ni Morietta na pinipigilan niya si Lorenzo.

“Patawarin niyo ako, pero kailangan kong unahin ang Kuro” sabi ni Lorenzo sa kanya na pinigilan ni Reyna Lucia si Morietta nung humabol ito kay Lorenzo palabas ng kwarto niya “pero kamahalan iiwan tayo ni Heneral” sabi ni Morietta. “Alam ko” sabi ni Reyna Lucia na nalungkot ito “Heneral..” “Heneral” tawag ng mga tauhan niya nung bumaba na siya sa hagdanan papunta sa pinto ng palasyo “mag-ensayo kayo ng maayos at alagaan niyo ng mabuti ang sarili niyo lalo na ang seguridad ng palasyo” bilin niya sa kanila. “MASUSUNOD PO HENERAL!” sigaw nilang lahat “Guillermo” tawag niya “Heneral” “simula sa gabing ito ikaw na ang magiging Heneral sa buong hukbong” sabi ni Lorenzo na lumuhod si Guillermo at naluha ito nung niyuko niya ang ulo niya “salamat po… Heneral!” sabi niya.

Lumabas na ng palasyo si Lorenzo at sumakay sa kabayong naghihintay sa kanya sa labas, tumingin siya sa terrace at nakita niyang nakatingin sa kanya si Lucia “paalam, mahal ko” sabi ni Lorenzo. Kinawayan niya ito bago sila umalis kasama ang dalawang Bailan na sumundo sa kanya “mahal na Reyna hindi mo ba siya pipigilan?” tanong ni Morietta sa kanya “hindi, napagkasundoan na namin ito noon” sagot ni Reyna Lucia sa kanya. “Ano po yung hula na nabanggit niyo kanina?” tanong ni Morietta “hinulaan noon ang nanay ni Lorenzo na magsilang siya ng bata na magdudulot ito ng pagkaubos ng lahi nila” kwento ni Reyna Lucia. “Si Heneral Lorenzo ang tinutukoy ng manghuhula?” tanong ni Morietta “oo, sa pagbalik ni Lorenzo sa Kuro dala niya ang kamatayan para sa mga tao niya” sabi ni Lucia na napayuko lang ang ulo ni Morietta “Heneral Enzo” sabi niya.

Itutuloy…..

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
1
0
Would love your thoughts, please comment.x