Written by anino
Chapter XIII: Advent!
“Guillermo, Morietta pumunta kayo sa armory at kumuha kayo ng mga gamit, magsuot narin kayo ng pandigma” utos ni Lorenzo sa kanila “masusunod, Kapitan” sabi nilang dalawa at umalis na sila. “Luthero” tawag ni Prinsesa Lucia sa tauhan niya “kamahalan” sagot niya “ipunin mo ang natitira nating mga tauhan na kaalyado natin at papuntahin silang lahat dito” utos niya “masusunod kamahalan” sagot ni Luthero at umalis na siya. “Kailanganin mo din ng gamit” sabi ni Prinsesa Lucia kay Lorenzo kaya umakyat sila sa taas papunta sa silid ni dating Hen. Vlad at pinasuot ni Lucia ang armor niya at binigyan din siya ng espada ni Lucia at nagsuot din siya ng armor niya at bumaba na sila pagkatapos.
Pagbaba nila sa ground floor konte lang ang nakita nilang naghihintay sa kanila sa baba at lahat sila lumuhod nung makita si Prinsesa Lucia’ng bumaba sa hagdanan kasama si Kapitan Lorenzo. “Kamahalan, pasensya na po kung ito lang ang natipon ko” sabi ni Luthero sa kanya “wala yun Luthero ang importante nandito kayong lahat” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya na napansin niyang nakatingin sila kay Kap. Lorenzo. “Kapitan ito lang po ang….” napatigil nalang si Guillermo nung nakita niya si Kap. Lorenzo na suot ang armor ng ama niya “ang gwapo niyo, Kapitan!” sabi ni Morietta “salamat” sagot ni Lorenzo na tumayo siya sa tabi ni Prinsesa Lucia sa me hagdanan.
“Alam kong nagugulohan kayo sa sitwasyon natin ngayon” pasimula ni Prinsesa Lucia “alam niyo din ang batas ng ating kaharian na kung sino man ang pumatay sa kapwa niya bampira ay tatratuhin siyang kriminal” patuloy niya. “Pero kamahalan siya po ang Hari dito” sabi ni Gantro na nagsalita ang ibang mga bampira “HINDI!” bagsak ni Prinsesa Lucia sa kanila “siya ang dating Hari na pumatay sa ama ko” dagdag niya na natahimik ang mga ito. Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ni Lucia na nilingon niya ito at nginitian siya ni Lorenzo, bumitaw si Lorenzo at bumaba ito sa hagdanan at tumayo ito kasama ang mga bampira sa harapan ni Lucia.
“Hindi na siya ang Hari sa palasyong ito” sabi ni Prinsesa Lucia na kinuha niya ang koronang binigay sa kanya ng lolo Voltaire niya kanina at tinaas niya ito na napayuko ang mga ulo ng mga bampira. “Simula sa gabing ito ako na ang Reyna sa kahariang ito” sabi ni Lucia na sinuot niya ang korona kasabay ng pagluhod nilang lahat sa harapan niya “MAGBIGAY PUGAY KAYO SA MAHAL NA REYNA!” sigaw ni Lorenzo “HAH!” sigaw nilang lahat na napangiti si Reyna Lucia sa kanila. “Lorenzo, tumayo ka” utos ni Reyna Lucia at tumayo si Lorenzo “pansamantala ko munang ibibigay sayo ang katong kulan bilang Heneral ng mga sundalo ko” sabi ni Reyna Lucia na niyuko ni Lorenzo ang ulo niya “tinatanggap ko po ang katong kulang ito, kamahalan” sagot niya.
Nilingon ni Hen. Lorenzo ang mga sundalong bampira “tumayo kayo at maghanda” utos niya na nagsitayuan silang lahat at pumila sa harapan niya “alam kong malakas at makapangyarihan ang dating Haring si Voltaire, pero sa pagtutulongan natin alam ko din na mapipigilan natin siya” sabi niya sa kanila. “Sundin niyo ang inuutos ni Hen. Lorenzo” sabi ni Reyna Lucia sa mga tauhan niya na niyuko nila ang ulo nila kay Hen. Lorenzo “Kamahalan” sabi ni Hen. Lorenzo na tumango siya “lima sa inyo ang maiwan kasama si Reyna Lucia ang natitira sumama kayo sa akin” utos ni Hen. Lorenzo “OPO HENERAL!” sigaw nila at lumabas na sila para sumali sa laban habang inutosan niya si Guillermo at Morietta na maiwan kay Reyna Lucia para bantayan siya.
Nakita ni Hen. Lorenzo na nagkakagulo na sa labas ng palasyo at nakita niya ang nagliliparang mga lobo palayo kay Haring Voltaire “yung mga me pana pumwesto kayo sa itaas, yung natitira sumama kayo sa akin” utos ni Hen. Lorenzo sa kanila na sinunod naman nila. “Hen. Romolo, Kap. Dante!” tawag niya sa dalawa kasunod ang mga sundalo niya “Lorenzo..” napatingin sa kanya ang dalawa dahil sa suot niya “nandito kami para tumulong” sabi ni Hen. Lorenzo sa kanila. “Heneral, nakapwesto na po ang mga tauhan natin” sabi ni Luthero “mabuti” sagot ni Hen. Lonreo “Heneral?” takang tanong ni Hen. Romolo.
“Oo, pansamantala lang ang position kong ito” sagot niya na tumango lang ang dalawa “si Hraing Damyan!” sabi niya na napatingala silang lahat at nakita nilang nasa ibabaw sina Haring Voltaire at Damyan. “Wala kaming kakayahang lumipad, Hen. Lorenzo” sabi ni Hen. Romolo “hindi rin maaabot ng mga bala ng pana dahil napipigilan ito ni Haring Voltaire” sabi ni Kap. Dante na tumingin sa paligid si Hen. Lorenzo at nakaisip siya ng paraan. Pagkatapos niyang ipaliwanag sa lahat kumilos agad sila at iniwan nila si Hen. Lorenzo na nakatingin kay Haring Voltaire na nakalutang sa ibabaw kasama si Haring Damyan.
Suminyas sila nung naka pwesto na ang lahat kaya tumango si Hen. Lorenzo at kumuha siya ng bato sa lupa at binato niya si Haring Voltaire na tumigil ang bato sa ere at lumingon sa kanya ang Hari. Kumaway si Hen. Lorenzo sa kanya pero hindi niya alam signal pala ito kay Kap. Dante na me bitbit ding bato at binato si Haring Voltaire na napatigil din ang bato sa ere. Sumunod si Hen. Romolo at ganun din ang nangyari napatigil din ang bato sa ere habang nakatingin lang si Haring Voltaire kay Hen. Lorenzo na ngayon ay kumuha narin ng bato sa lupa at binato ang Hari at ganun din ang nangyari.
“Hmm..” lang si Hen. Lorenzo na humarap na sa kanya si Haring Voltaire at inulit ni Kap. Dante at Hen. Romolo ang ginawa nila kanina na napatigil din ang batong binato nila sa Hari “HAHAHAHAHA” natawa si Haring Voltaire sa ginawa nila. “Tingin niyo matatamaan niyo….” napatigil nalang siya nung me batong dumaan malapit sa ulo niya at napalingon siya sa kaliwa niya at nakita niya ang isa sa mga sundalong bampira niya. “Sabi ko na nga ba eh” sabi ni Hen. Lorenzo na nilingon siya ni Haring Voltaire “Heneral” sabi ni Kap. Dante “alam ko Dante, matalino talaga ang batang ito” sabi ni Hen. Romolo dahil napamangha sila sa obserbasyon ni Hen. Lorenzo sa sitwasyon nila.
“Ano ang sinasabi mo bata?” tanong ni Haring Voltaire kay Hen. Lorenzo na hinugot na niya ang espada niya at naghanda siya “tingin mo ba matatamaan mo ako sa espada mong yan hahaha nagkakamali ka bata” sabi ni Haring Voltaire. “Tingnan natin” sabi ni Hen. Lorenzo na tinaas niya ang espada niya at binaba niya ito na nagliparan ang maraming bala ng pana papunta kay Haring Voltaire at gaya kanina huminto ito lahat sa ere at umikot ito at mabilis na bumalik sa mga bampira at lobong pumana sa kanya. Habang nangyayari ito mabilis na tumakbo papunta sa isang rampa si Hen. Lorenzo at tumalon siya papunta kay Haring Voltaire na gamit ang isang kamay ng Hari napatigil niya si Hen. Lorenzo sa ere.
“Hahaha palpak!” sigaw ni Haring Voltaire kay Hen. Lorenzo na bigla nalang ding sumulpot si Kap. Dante sa harapan niya para saksakin siya na agad niya itong nahinto nung tiningnan niya ito “HAHAHAHA” tumawa si Haring Voltaire nung nagawa niya ito. “Mga bobo kayo hindi niyo alam kung gaano kalakas ang aking kapa…” napatigil nalang siya nung biglang sumulpot sa likuran niya si Hen. Romolo at huli na ang reaksyon niya dahil nasaksak siya nito sa balikat kaya nabitawan niya ang tatlo at napatuon ang attention niya kay Hen. Romolo. Isa-isang bumagsak sa lupa ang tatlo na agad namang tumayo si Haring Damyan at tumalon ito at nasaksak niya sa tiyan si Haring Voltaire.
“AAAAHHHHHHHH” napasigaw si Haring Voltaire at pilit inaalis ang mag-ama palayo sa kanya na bigla nalang ding sumulpot si Kap. Dante at nasaksak siya nito sa kaliwang dibdib kaya napasigaw ito sa sakit. “GRAAAAAAAAA!!!” ginalaw-galaw ng tatlo ang espada nila sa katawan ni Haring Voltaire kaya nagpupumiglas ito at napatigil nalang silang tatlo nung biglang nagbago ang anyo ang Hari ng Bampira kaya napabitaw sila sa espada nila at lumayo sa kanya. “DELIKADO ITO!” sigaw ni Hen. Romolo dahil natanggal ang mga espada nila sa katawan ni Haring Voltaire nung naging dragon ito at binugahan sila ng malaking apoy kaya agad silang nagtago para makatakas sa apoy niya.
Lumipad palayo si Haring Voltaire para makatakas sa kanila ng biglang me isa ding dragon ang lumabas mula sa itaas ng palasyo at binangga siya nito. Nagulat silang lahat nung makita nila ang isa pang itim na dragon at naglaban silang dalawa sa ere “ang mahal na Reyna!” sigaw ni Guillermo nung lumabas silang lahat mula sa palasyo. “Si Lucia yan?” gulat na tanong ni Hen. Lorenzo na nagtago sa likod niya si Morietta dahil sa takot niya sa mga taong lobo. Niyakap siya ni Hen. Lorenzo at pinakalma siya nito “tandaan mo ang sinasabi ko sayo, Morietta” sabi ni Hen. Lorenzo sa kanya na tumango siya at hinugot niya ang espada niya, huminga siya ng malalim at tumingin kay Hen. Lorenzo “handa na po ako, Heneral” sabi niya na napangiti sa kanya si Hen. Lorenzo.
“Heneral” tawag ni Guillermo sa kanya “Guille, magbuo ka ng grupo mo na me dalang mga pana at umakyat kaho sa tore” utos niya “masusunod, Heneral” sagot ni Guillermo at kumilos agad sila. “Kayo, ihanda ang kanyon bibigyan natin ng suporta ang mahal na Reyna” utos niya sa ibang tauhan niya “masusunod, Heneral” sagot nila at kumilos agad sila. Lumapit sa kanya si Hraing Damyan at Hen. Romolo “karapat-dapat ka talaga sa position mong yan, Lorenzo” sabi ni Hen. Romolo sa kanya “Heneral Lorenzo” kinorek ni Haring Damyan si Hen. Romolo “ah hehehe, pasensya na, Heneral Lorenzo pala” sabi ni Hen. Romolo “walang problema yun, kaibigan” sabi ni Hen. Lorenzo.
“Ano na ngayon ang gagawin natin?” tanong ni Hen. Romolo sa kanya “maghintay lang tayo, bibigyan tayo ng tsansa ni Reyna Lucia” sabi ni Hen. Lorenzo na nakatingin lang sila sa dalawang dragon na naglalaban sa ibabaw ng palasyo. “Heneral, yung araw” sabi ni Morietta na napatingin sila sa silangan “hindi ito maganda, Hen Lorenzo” sabi ni Kap. Dante sa kanya “MAHAL NA REYNA, PAPALABAS NA ANG ARAW!” babala ni Hen. Lorenzo kay Reyna Lucia na lumayo ito sa lolo niya at nagmamadali itong bumaba papunta sa kanila na agad itong bumalik sa pagiging tao at dumapo ito sa harapan nila. “Mahal na Reyna” tawag ni Morietta na agad tinaas ni Hen. Lorenzo ang kamay niya “TIRAAAAA!” sigaw niya na inulanan ng bala ng pana at sabay-sabay pumutok ang mga kanyon nila na tumama ito kay Haring Voltaire.
Umuusok habang pabagsak sa lupa si Haring Voltaire na ngayon ay dahan-dahan naring bumalik sa dati niyang anyo at nagkaroon ng malaking hukay ang lupa kung saan siya bumagsak. Nagmamadaling lumabas sina Guillermo kasama ang mga tauhan niya at nagtipon sila sa harap ng palasyo, dahan-dahan naring tumayo si Haring Voltaire na agad namang siyang inatake ng mga taong lobo. “HUWAAAGGG” sigaw ni Reyna Lucia na bigla nalang nasunog ang mga taong lobo na umatake sa Hari at mabilis na lumipad papasok sa loob ng palasyo si Haring Voltaire at nanatili itong nakasilong sa loob habang paakyat narin ang araw. “Mahal na Reyna” tawag ng mga tauhan niya na lahat sila nagpanic na dahil sa takot na masunog sa sikat ng araw.
“Lorenzo!” tawag ni Reyna Lucia sa kanya na pati siya nag-aalala sa kanila dahil hindi sila makakapasok sa loob ng palasyo dahil naghihintay sa kanila si Haring Voltaire. “Ano ang gagawin natin?” tanong nga mga tauhan niya na bigla nalang me malaking punong lumabas sa likuran nila at sinilungan sila nito sa sikat ng araw “ma.. malaking puno?” takang tanong ni Luthero na napangiti nalang si Hen. Lorenzo. “Maraming salamat, Haring Ugat” sabi ni Hen. Lorenzo na bigla nalang lumabas si Haring Ugat sa harapan ng malaking puno kasama ang mga tauhan niya at si Prinsepe Narra “natanggap ko ang mensahe mo, Lorenzo at patawad Lucia kung nahuli kami” paumanhin ni Haring Ugat.
“Huli kana Ugat” sabi ni Haring Damyan na umupo na ngayon sa isang bato at ginagamot siya ng mga tauhan niya “pasensya kana, Damyan me inaasikaso pa kasi ako bago ako pumunta dito” sabi ni Haring Ugat sa kanya. “Gaano ba ka importante yun kesa dito, ha?” sabi niya “aswang” sagot ni Haring Ugat na humakbang ito palapit sa palasyo at nakita niya si Haring Votlaire na nakatayo lang sa loob ng palasyo na nakasilong ito sa dilim. “Mga aswang?” gulat na tanong ni Hen. Romolo “opo Heneral, tumulong pa kasi kami na sugpoin sila nung nalaman nilang aktibo na muli ang Aklat ng DIlim” sabi ni Prinsepe Narra sa kanya. “Ano na ang nangyari dun, Narra?” tanong ni Hen. Lorenzo “umatras na sila hindi na sila aabante dito salamat sa tulong ni Pinunong Lam-ang” balita ni Prinsepe Narra.
“Si ama” sabi ni Hen. Lorenzo “sila ni Hen. Amistad at mga Bailan ang tumulong sa amin para sugpoin ang mga aswang, nananatili muna sila dun at susunod sila dito pag nasiguro na nilang ligtas na ang sitwasyon” balita ni Prinsepe Narra sa kanya. “Mabuti naman kung ganun” sabi ni Hen. Lorenzo na tiningnan siya mula ulo hanggang paa ni Prinsepe Narra “alam ko na ang iniisip mo Narra” sabi ni Hen. Lorenzo sa kanya. “Heneral ha?” nakangiting sabi ni Prinsepe Narra sa kanya na napangiti narin si Hen. Lorenzo na napansin niyang lumabas din sa puno si Zoraida “Zora!” tawag niya “oonga pala, pinadala siya dito ni Pinunong Lam-ang para tumulong sa mga me sugat” sabi ni Prinsepe Narra “Zora, si Haring Damyan” sabi ni Hen. Lorenzo sa kanya na agad siyang kumilos at ginamot si Haring Damyan.
“Kaibigan, ano ang ginawa mo?” kalmadong tanong ni Haring Ugat kay Haring Voltaire na ngumiti lang ito at hindi siya sumagot “Voltaire, hindi ikaw ito” sabi ni Haring Ugat sa kanya na hindi parin ito sumagot. “Ang Voltaire na kilala ko ay mapagmahal, mapagkumbaba at higit sa lahat maawain, sa pinakita mo ngayon hindi na ikaw ito” sabi ni Haring Ugat sa kanya na napaluha ang hari ng mga puno sa nakikita niya. “PINATAY NG HALIMAW NA YAN ANG AMA KO!” sigaw ni Reyna Lucia habang umiiyak ito na niyakap na siya ngayon ni Hen. Lorenzo sa ilalim ng malaking puno “HALIMAW! HAHAHAHA! DYOS AKO AT HINDI HALIMAW!” sabi ni Haring Voltaire na napailing si Haring Ugat sa kanya.
“Hindi ka Dyos Voltaire” sabi ni Haring Ugat sa kanya “ISA KANG HALIMAW!” sigaw naman ni Haring Damyan “HAHAHAHA INGGIT KA LANG ASO DAHIL WALA SAYO ANG AKLAT NG DILIM, HALIKA, LUMAPIT KA PARA MATIKMAN MO KUNG ANO ANG KAPANGYARIHANG IBINIGAY SA AKIN NG AKLAT NA YUN!” paghamon ni Haring Voltaire sa kanya. Tumayo si Haring Damyan na pinigilan siya ni Hen. Romolo at Kap. Dante “huminahon ka Damyan” sabi ni Haring Ugat sa kanya na nagpupumiglas itong makawala sa dalawa kaya nilingon siya ni Haring Ugat at agad siyang kumalma nung tiningnan siya nito. “Pa.. pasensya na Haring Ugat” sabi ni Haring Damyan na parang natakot ito kay Haring Ugat at umupo muli ito sa inuupoan niya.
“Voltaire….” naputol nalang si Haring Ugat nung napansin niyang biglang dumilim ang langit at nakita nilang tinakpan na makapal na ulap ang araw, napatayo si Reyna Lucia at lumabas sa sinisilungan niyang puno. “Lucia” tawag ni Narra sa kanya “ama… ama ko… HARING UGAT KAPANGYARIHAN ITO NG AMA KONG SI PRINSEPE ALISTER!” sigaw ni Reyna Lucia na biglang napaatras si Haring Ugat. Nakita nilang lumutang palabas ng palasyo si Haring Voltaire at nakangiti itong nakatingin sa kanila “sa wakas, salamat anak sa kapangyarihan mo” sabi ni Haring Voltaire na tumingin siya sa langit at kumapal pa lalo ang ulap at biglang itong kumidlat.
“HAHAHAHA!” tumawa si Haring Voltaire na bigla nalang itong lumaki “kapangyarihan ni Kap. Areston yan!” sabi ni Luthero na hinugot na niya ang espada niya “MAGHANDA KAYO!” sigaw ni Hen. Lorenzo sa mga tauhan niya pati narin si Hen Romolo inabisohan niya ang mga tauhan nila at naghanda narin sila. “Sino-sino ba ang nakuha ni Voltaire?” tanong ni Haring Ugat “si Prinsepe Alister, Kap Areston at si Lestat” sagot ni Reyna Lucia. “Kapangyarihan ng ama ko ang itim na ulap at kidlat, si Kap. Areston naman ay pwede niyang palakihin ang sarili niya hanggang sa labing limang talampakan” balita ni Reyna Lucia. “Si Lestat naman?” tanong ni Haring Damyan “hangin” sabi ni Brethron na isa sa sundalo ni Reyna Lucia.
“Kidlat, Hangin at Lakas, kaya pala sabi niyang Dyos siya dahil napakalakas ng mga kapangyarihang nakuha niya” sabi ni Haring Ugat na pumwesto na sa harapan niya ang mga tauhan niya. “Kamahalan kami na po ang bahala sa kanya” sabi nung isang tauhan niya “hindi, kailangan nating mag-isip ng paraan hindi tayo magpadalos-dalos” sabi ni Haring Ugat. Lumalaki na si Haring Voltaire at kumikidlat narin na tumatama ito sa kanya pero hindi siya tinatablan nito “masama ito, ama” sabi ni Hen. Romolo kay Haring Damyan “huwag kang matinag anak tandaan mo mga Lobo tayo” sabi ni Haring Damyan kay Hen. Romolo.
“Maghanda kayo!” sabi ni Haring Damyan na naghanda na silang lahat para sa pangalawang yugto ng laban nila “HAH!” sumigaw si Haring Voltaire na tinaas niya ang kanang kamay niya at sabing “Fulger negru (black lightning)” at tinamaan ang ibang bampira at lobo na malapit sa kanya. Umatake narin sila at wala man lang sa kanila ang makalapit sa Hari ng Bampira dahil ginamit din niyang panangga ang kapangyarihan ni Lestat. Umatake na silang lahat na isa-isa silang napapalipad palayo kay Haring Voltaire dahil sa kapangyarihang taglay niya ni wala sa kanila ang makalapit sa kanya “HAHAHAHA!” tumatawa lang si Haring Voltaire habang pinipilit nilang tumayo at umabante para mapigilan nila ito.
Naging Lobo muli si Haring Damyan na ginamit niya ang bilis niya para makalapit kay Haring Voltaire sinabayan pa ito ng mga pana at pag-atake ng mga lobo, bampira at mga taong puno na nagkaroon ng pagkakataong makalapit si Haring Damyan. “AKIN KANA NGAYON VOLTAIRE!” sigaw ni Haring Damyan nung nasa kanang parte na siya ni Haring Voltaire at hahamapasin na sana niya ito gamit ang espada niya ng biglang umilag ito at nahawakan siya sa leeg. “MAHAL NA HARI!” “AMA” sigaw nina Hen. Romolo at mga tauhan niya “BITAWAN MO SIYA VOLTAIRE!” sigaw ni Haring Ugat na tumawa lang si Haring Voltaire at lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa leeg ni Haring Damyan.
Lalapit sana sila pero napatigil nalang sila nung binantaan silang papatayin ni Haring Voltaire si Haring Damyan kung lalapit sila sa kanya “HUWAG!” sigaw ni Hen. Romolo na ngayon ay mahigpit ng nakahawak sa espada niya. “Hahaha akala mo makukuha mo ako, Damyan? Hahaha nagkakamali ka” natatawang sabi ni Haring Voltaire sa kanya “he..he.. he.. tama ka.. ” natatawa pang sagot ni Haring Damyan na lumingon ito kay Hen. Romolo at tiningnan ang anak niya. “AMA!” sigaw ni Hen. Romolo “MAGING MATATAG KA… ROMOLO…. TA… TANDAAN MO…” pagputol niya na nanlaki ang mata ni Hen. Romolo sa sinabi ng ama niya “HINDI.. HINDIIIII!” sigaw niya.
“TANDAAN… MO…ANG BILIN KO SAYO…” sabi ni Haring Damyan na nginitian niya si Hen. Romolo at sabing “ikaw na ang bahala sa mga tauhan natin, anak!” huling sinabi ni Haring Damyan bago hinigpitan ang paghawak ni Haring Voltaire sa leeg niya at bigla nalang itong pumutok at naputol ang ulo niya. “AMAAAAAAAAA!” sumigaw sa galit si Hen. Romolo na bigla nalang yumanig ang lupa at bigla nalang siyang naging higanting lobo na nagsitakbuhan sila Hen. Lorenzo at mga tauhan niya nung nagbago ng anyo si Hen. Romolo. “HARING DAMYAAAANNNNN” sigaw ni Kap. Dante na naging higanting Lobo din siya pati ang mga tauhan niya.
Nilingon ni Haring Ugat sila Hen. Lorenzo at Reyna Lucia “LUMAYO KAYO!” sigaw niya na tumakbo siya papalayo sa hukbong ng mga lobo kaya ganun na din ang ginawa nila Hen. Lorenzo at mga tauhan niya. Nung nilingon ni Hen. Lorenzo kung ano ang nangyari sa likuran nila nakita niyang umatake ang maraming lobo papunta kay Haring Voltaire na nakita pa niyang tumalsik ang ibang lobo papalayo sa kanya habang yung iba naman ay kumagat na sa katawan ng Hari. “LORENZO!” narinig niyang me tumawag sa kanya at nakita niyang dumating na din ang ama niyang si Lam-ang kasama si Hen. Amistad at mga tauhan nila.
Umiyak nalang si Reyna Lucia nung nakita niyang pinagtulongan ng mga taong lobo ang lolo niya “AAAAHHHHHHHHH!” sumigaw nalang siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa para tulongan ang lolo niya. “Ano na ang nangyari dito?” tanong ni Lam-ang “napatay ni Haring Voltaire si Haring Damyan” balita ni Lorenzo sa kanya na pansin niyang nakatingin sa kanya ang lahat ng mga Bailan at sa suot niya. “Anak nagkamali ka ata ng kulay” sabi ni Lam-ang sa kanya “pansamantala lang ito ama” sagot niya “kumusta na po ang Kuro?” tanong niya “mabuti at ligtas ang mga tauhan natin, nandun ang ibang mga tauhan natin para magbantay” sagot ni Hen. Amistad.
Biglang nakarinig sila ng pagsabog at nakita nalang nilang tumalsik ang maraming lobo sa ibabaw nila at naiwan si Haring Voltaire na nakatayo at dugoan ito. “Makapangyarihan nga siya” sabi ni Lam-ang “pinuno, ano ang susunod nating gagawin?” tanong ni Hen. Amistad sa kanya na tumingin si Lam-ang sa espada niya at kay Lorenzo. “Pinuno, sigurado ho ba kayo?” tanong ni Hen. Amistad sa kanya na tumango lang siya at humarap kay Lorenzo “ama?” takang tanong niya. “Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon pero sa nakikita ko wala na tayong ibang paraan” sabi ni Lam-ang sa kanya “ano ho yun, ama?” tanong ni Lorenzo.
“Bumalik ka sa Kuro naghihintay sayo si Resisyo” sabi ni Lam-ang sa kanya na nagulat si Lorenzo sa sinabi ng ama niya “ang panday? Para saan po ama?” takang tanong ni Lorenzo. “Siya na ang magpapaliwanag sayo, magmadali ka Lorenzo” utos ni Lam-ang sa kanya “si..sige po ama” sabi ni Lorenzo na tumingin siya kay Reyna Lucia “sasama na ako para mabilis tayo” sabi niya na niyakap niya si Lorenzo at naging anino silang dalawa at mabilis silang umalis papunta sa Kuro ang lugar ng mga Bailan. “Sigurado ho ba kayo, Pinuno?” tanong ni Hen, Amistad sa kanya “sa nakikita ko kay Lorenzo, Amistad ngayon na ang tamang panahon para ibigay ko sa kanya ang espadang yun” sabi ni Lam-ang na napatingin sila kay Haring Voltaire “mukhang kakailanganin nga natin yun” sagot ni Hen. Amistad “oo, MGA KAWAL MAGHANDA KAYO!” sigaw ni Lam-ang “HAH!” sagot ng mga tauhan niya.
Mabilis na nakarating ng Kuro sina Lorenzo at Reyna Lucia at nagulat pa si Resisyo na nakaupo sa tabi ng mesa at umiinom ito ng alak “Resisyo!” tawag ni Lorenzo sa kanya na agad itong tumayo “kanina pa kita hinihintay” sabi niya. “Ano ho ba ang pinapagawa ng ama ko sa inyo?” tanong niya “ito” kinuha ni Resisyo ang bakal na hugis espada na namumula pa ito dahil sa sobrang init “para kanino yan?” tanong ni Lorenzo “para sayo” sagot ni Resisyo. “Meron na akong espada” sabi ni Lorenzo “hindi ito ordinaryong bagal, Enzo. Nagmula pa ito sa bulalakaw na bumagsak noon sa isla natin” paliwanag ni Resisyo.
“Talaga?” takang tanong ni Lorenzo “oo, ngayon… “sabi ni Resisyo na nilagay niya ito sa ibabaw ng bakal at kinuha niya ang malaking martilyo niya “kailangan ko ang dugo mo” sabi ni Resisyo na napatingin sa kanya si Lorenzo. “Dugo?” takang tanong ni Reyna Lucia “oo, lahat ng Bailan na nakatanggap ng bakal na ito kailangan magbigay ng dugo” paliwanag ni Resisyo na kinuha ni Lorenzo ang patalim niya at hiniwa niya ang palad niya at piniga niya ito “mabuti!” sabi ni Resisyo nung nakita niyang tumulo ang dugo ni Lorenzo papunta sa bagal at sinimulan na niyang trabahoin ang espada niya.
Makalipas ang kalahating oras natapos na ni Resisyo ang espada ni Lorenzo at ipinresenta niya ito sa kanya “mabigat ba?” tanong niya kay Lorenzo na tinaas niya ito at hinamapas-hampas niya ito. “Medjo, pero kaya” sagot ni Lorenzo “masasanay ka rin sa bigat niyan” sabi ni Resisyo na umupo ito sa upoan niya at kinuha ang bote ng alak niya “salamat Resisyo” sabi ni Lorenzo na palabas na sana sila nang pinigilan sila nito. “Teka muna” sabi ni Resisyo “bakit? Nagmamadali kami” sabi ni Lorenzo sa kanya “bago mo gamitin ang espadang yan Lorenzo kailangan mo munang bigyan ng pangalan yan” sabi ni Resisyo sa kanya “naiintindihan ko” sagot ni Lorenzo at hinayaan na silang lumabas ni Resisyo.
Naging anino muli sila pabalik sa palasyo “bakit kailangan niyong pangalanan ang espada niyo, Lorenzo?” tanong ni Reyna Lucia “parte ito sa ritwal naming mga Bailan ang pangalanan ang espada namin” paliwanag ni Lorenzo. “Ritwal?” tanong ni Reyna Lucia “oo, lahat ng Bailan na nakatanggap sa bakal na nagmula sa bulalakaw kailangan magbigay ng dugo at pangalanan ang espada niya” paliwanag ni Lorenzo. “Sa ganitong paraan kasi mabubuo ang pagiging isa niyong dalawa, kasi para sa aming mga Bailan karugtong ang espadang gamit namin sa buhay namin” paliwanag ni Lorenzo sa kanya. “Kaya pala, ano ang ipangalan mo sa espada mo?” tanong ni Reyna Lucia sa kanya na nakikita na nila ang tore ng palasyo “hehehe…” natawa lang si Lorenzo at bumaba na sila sa lupa.
Nagulat nalang sila nung nakita nila ang maraming patay na nakakalat sa buong paligid ng palasyo “AMA!” tawag ni Lorenzo kay Lam-ang na nakita ni Lam-ang ang espadang hawak niya “magmadali ka Lorenzo” tawag ni Lam-ang. “Handa ka na ba?” tanong ng Ama niya “oo” sagot niya “Amistad, ibigay ang utos” sabi ni Lam-ang sa Heneral niya “MGA KASAMA MAKINIG KAYO!” sigaw ni Hen. Amistad na lumingon sa kanya ang lahat ng hukbong. “LUMAYO KAYO KAY VOLTAIRE AT HAYAAN NIYO ANG MAG-AMA NA LALABAN SA KANYA!” sabi niya sa lahat na hindi nakinig sa kanya ang mga lobo “Haring Ugat!” tawag ni Lam-ang sa Hari kaya tumango siya “MGA KASAMA MAKINIG KAYO SA KANILA!” sigaw ni Haring Ugat na hindi nakinig ang mga lobo at umatake parin sila.
“Ama?” sabi ni Prinsepe Narra na umiling lang si Haring Ugat at binagsak niya ang kanang paa niya sa lupa at lumabas sa ilalim ng mga lobo ang maraming ugat at binalutan sila nito kaya napatigil silang lahat. “ANO ANG GINAGAWA MO HARING UGAT!” sigaw ni Hen. Romolo na ngayon ay namumula na ang mata sa galit “patawad Romolo, pero hindi mo matatalo si Voltaire kung uunahin mo ang galit mo” sabi ni Haring Ugat sa kanya na nilayo silang lahat kay Haring Voltaire. “Lam-ang, Lorenzo kayo na ang bahala” sabi ni Haring Ugat na umatras silang lahat “Lorenzo” tawag ni Reyna Lucia “huwag kang mag-aalala mahal” nakangiting sabi ni Lorenzo sa kanya “Heneral, mag-ingat ka” sabi ni Morietta sa kanya na nginitian niya ito “LUMAYO KAYO!” sigaw ni Guillermo sa mga tauhan nila at iniwan nila ang mag-amang si Lam-ang at si Lorenzo.
“Matagal-tagal narin na hindi tayo nagsama sa labanan, anak” sabi ni Lam-ang sa kanya “oonga po, ama” sagot ni Lorenzo na pareho nilang hinubad ang pang-itaas nilang damit at naghanda silang dalawa. Tumingin si Lam-ang sa espada ni Lorenzo “mabuti naman at natapos ng maaga ni Resisyo yan” sabi ni Lam-ang “oonga po eh, pagdating namin dun hiningi agad niya ang dugo ko at tinapos na agad niya” kwento ni Lorenzo. “Nung nalaman ko ang nangyari dito at ang pag-atake ng mga aswang inabisuhan ko na agad si Resisyo na gawin agad ang espada mo” kwento ni Lam-ang habang naglalakad na sila papalapit kay Haring Votlaire na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa.
Tumayo silang dalawa sampung talampakan lang ang layo nila kay Haring Voltaire na ngayon ay naghahanda narin sa kanila “mukhang mapapalaban tayo ng husto nito, anak” sabi ni Lam-ang “hehe, hindi ba ito ang gusto natin, dehado at walang kalaban-laban?” nakangiting sabi ni Lorenzo sa ama niya. “Hahaha, tama ka anak, hindi patas ang laban para sa ating mga Bailan kung hindi tayo ang dehado” natatawang sabi ni Lam-ang. “Hehehe, handa na ako ama” sabi ni Lorenzo sa tatay niya na hinugot na niya ang espada niya “hahaha mana ka talaga sa akin” sabi ni Lam-ang na hinugot narin niya ang espada niya. “Tayo na at ayaw kong paghintayin ng matagal ang nanay mo” sabi ni Lam-ang na pinagtama pa nila ang espada nila at sabay na silang tumakbo papunta kay Haring Votlaire.
Itutuloy…..
- Mine - July 4, 2022
- Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV - November 23, 2021
- Carnal: Book 4 – Chapter 4: Bonding - November 22, 2021