Written by anino
Chapter XII: Trouble!
“Alam niyo na ang gagawin niyo” utos ng Kapitan na naghiwalay ang sampung tauhan niya para gawin ang inuutos niya habang naghahanda narin ito para sa plano nila mamaya. “Kapitan nasa baba po silang lahat” sabi nung isang tauhan niya. “Sumunod ka sa akin kailangan natin silang bigyan ng oras para gawin ang trabaho nila” sabi nung Kapitan na bumaba sila sa hagdanan papunta sa seremonyas. Habang sa baba naman ay nagsisimula na ang koronasyon ni Prinsepe Alister na hinubad na ni Haring Voltaire ang korona niya para siya na ang maglagay nito sa ulo ng anak niya. “Ikaw, Prinsepe Alister ang magiging tagapagmana sa truno ko” sabi ni Haring Voltaire na bigla nalang itong napatigil at tumingin sa kisame “ama?” takang tanong ni Prinsepe Alister na pati ang mga ibang lahi nagtataka din.
“Amistad, Lorenzo maghanda kayo” sabi ni Lam-ang sa kanila pati narin ang mga Lobo, Engkanto at mga taong puno “ano po ba ang problema, ama?” tanong ni Lucia sa ama niya na hinawakan siya nito sa kamay. “Maghanda ka anak” sabi ni Prinsepe Alister sa kanya na nilingon niya si Lorenzo na ngayon ay nakahawak na sa hawakan ng espada niya at nakatingin din sa kanya ito. “Mga kaibigan ko, ipagpaumanhin niyo ang pagputol ko sa seremonyas na ito” sabi ni Haring Voltaire sa mga bisita nila. “Tila me bisita tayong hindi natin inaasahang dadalo sa okasyon na ito” sabi niya na lahat sila napatingin sa kisame ng silid at hinugot nila ang mga sandata nila. Nakita nila sa kisame ang pinuno ng grupong pumasok sa palasyo “magandang gabi sa inyong lahat” bati niya sa kanila na dumapo ito sa gitna kasama ang tauhan niya.
“Naparito ako para bawiin ang aklat na kinuha niyo sa kaharian namin” sabi niya na biglang hinugot nito ang espada niya at sabing “mamamatay ang sino mang hahadlang sa pakay ko” sabi ng Kapitan ng mga aswang. “Ang tapang mong pumasok sa palasyo ko, Aswang!” sabi ni Haring Voltaire sa kanya na nagbago ng anyo ang aswang at tumangkad ito at lumaki ang katawan “ma swerte kayo nung sumalakay kayo sa kaharian namin dahil wala ako, pero ngayon ipapakita ko sa inyo ang kamalasang naghihintay sa inyong lahat!” banta niya na unang umatake ang mga Lobo sa kanya na agad niya itong napatay.
“Hen. Amistad, Lorenzo tulongan niyong lumabas ang mga bisita” utos ni Lam-ang sa kanila na agad silang kumilos pati narin ang ibang mga lahi at giniyahan nilang lumabas ang ibang panauhin ng palasyo. “HAHAHA TINGIN NIYO MAKAKATAKAS KAYO?” sigaw ng higanting aswang na biglang humaba ang espada niya at hinampas niya ito sa mga bisitang tumakbo palabas ng pinto at nahiwa niya ito. “DUWAG!!!” sigaw ni Hen. Vladimir ng mga bampira na lumabas ang espada sa palad niya at inatake niya ang aswang na natuhog siya sa espada ng aswang at binato siya nito sa pader “AMA!!!” sigaw ng isang bata na nakatayo malapit sa truno ni Haring Voltaire.
Nakita siya ni Kap. Lorenzo kaya agad niya itong sinalubong nung tumakbo ang bata papunta kay Hen. Vlad dahil nakita niyang aatakihin muli ng higanting aswang ang sugatan niyang ama. Tinaas ni Kap. Lorenzo ang espada niya kaya nasalo ng espada niya ang espada ng higanting aswang “bata… tumakbo kana.. delikado ka dito!” sabi niya dun sa bata na umiiyak itong nakaluhod sa tabi ng ama niya. “HAH! MA SWERTE KANG BATA KA!” sigaw nung higanting aswang na kumilos narin ang ibang mga lahi para pigilan siya pero nung nasugatan nila ito bigla nalang silang nagulat at napaatras nung makita nilang umusok ang sugat ng aswang at agad itong naghilom. “Im.. imposible!” sabi ni Heneral Romolo nung makita ito “mga kasama, delikado ito!” sigaw niya na napaatras din ang ibang mga hukbong.
“Kayo na ang bahala dito sisiguradohin ko kung nandun pa ba ang Aklat ng Dilim” sabi ni Haring Voltaire kay Prinsepe Alister “masusunod ama” sagot niya na agad umalis ang hari at tinawag ni Prinsepe Alister ang mga tauhan niya. “Ama” tawag ni Lucia “anak, dito ka lang sa tabi” sabi niya sa anak niya at inutosan niya ang mga tauhan niya na kumalat sa labas baka me iba pang mga aswang sa paligid at yung iba pinabantay niya kay Prinsesa Lucia. Natulak nila palabas ang higanting aswang kaya lumabas narin sila kaya nilapitan ni Kap. Lorenzo ang bata na ngayon ay umiiyak sa tabi ni Hen. Vlad “bata, bakit hindi ka umalis kanina?” tanong niya.
“Huhuhu.. ama ko po kasi siya.. huhuh..” naiiyak niyang sabi na nakita ni Kap. Lorenzo na pumanaw na ang Heneral dahil sa sugat niya sa dibdib “Lorenzo!” tawag ni Prinsesa Lucia na agad itong lumapit sa kanila. “HENERAL!” tawag ng mga tauhan niya na lahat sila nalungkot nung makitang patay na si Heneral Vladimir “Lucia, bantayan mo ang batang ito tutulongan ko sila sa labas” sabi ni Kap. Lorenzo. “Tutulong ako” sabi nung bata na kinuha ang espada ng ama niya “naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero hindi ka makakatulong sa kanila kung lalabas ka, mapapahamak ka lang” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya. “Pero mahal na Prinsesa ang ama ko po” sabi niya “ako na ang bahala bata, igaganti ko ang ama mo” sabi ni Kap. Lorenzo sa kanya “dito ka lang ha” sabi ni Prinsesa Lucia na tumango lang ito.
HIndi napansin ni Haring Voltaire na nasa likod pala niya si Haring Damyan, Haring Ugat, Haring Helius at si Lam-ang “saan mo ba itinago ang Aklat ng Dilim, Voltaire?” tanong ni Haring Damyan na nagulat ito. “Nandyan pala kayo!” sabi niya na tumango lang sila at sumunod sa kanya pababa sa hagdanan “nilagay namin sa isang ligtas at tagong lugar dito sa ilalim ng palasyo ang Aklat ng DIlim” sabi ni Haring Voltaire. Pagdating nila sa pinakailalim ng palasyo nakita nila sa dulo ng hallway na bukas na ang pinto “NAKAPASOK SILA!” sigaw ni Haring Voltaire na nagmamadali silang tumakbo papunta sa silid na hinarangan sila ng limang aswang.
“Kami na ang bahala sa kanila Haring Voltaire” sabi ni Lam-ang sa kanya na dumiretso siya kasama si Haring Damyan papasok sa silid at mabilis na natalo ng tatlo ang liimang aswang at sumunod na sila sa loob. Habang sa taas naman naghanda na si Lorenzo sa gamit niya para tumulong sa labas na pinigilan siya nung bata at inabot sa kanya ang espada ng papa niya para ipagamit sa kanya. “Salamat bata, gusto ko bantayan mo si Prinsesa Lucia ha?” utos niya sa bata “masusunod po, Kapitan” sagot nung bata na nginitian niya ito “kayong tatlo sumunod kayo sa akin kayo namang tatlo bantayan niyo ang mahal na Prinsesa” utos niya sa sundalong bampira “masusunod po, Kapitan” sagot nila.
“Mahal, mag-ingat ka” sabi ni Lucia sa kanya “huwag kang mag-alala” sabi ni Lorenzo sa kanya “tayo na” tawag ni Lorenzo sa mga tauhan ni Lucia at sumunod sila sa kanya at lumabas sila ng palasyo. Pagdating nila sa labas nakita niyang natumba ang ibang mga kasamahan niya habang yung iba naman ay pinapana ang higanting aswang pero hindi nila ito napatumba dahil mabilis na maghilom ang mga sugat niya. Napaisip ng sandali si Lorenzo at tumitingin siya sa paligid “Kapitan?” tanong nung isang bampira sa kanya “kumuha kayo ng tela at basain niyo ng langis” utos niya sa tatlo na hindi ito nagtanong basta sumunod lang sa kanya ang mga ito at tumakbo siya papunta kay Heneral Amistad na ngayon ay hinihingal na sa pagod.
“Heneral!” tawag niya “Kap. Lorenzo, kumusta ang Prinsesa?” tanong niya “ligtas siya, Heneral tila pagod na ata kayo?” biro niya kay Hen. Amistad “ngayon lang ako nakalaban ng ganito, sobrang tigas at tapang ng aswang na yan” sabi niya. “Me plano ako Heneral kung papayagan niyo ako” sabi ni Kap. Lorenzo “ano ang plano mo, bata?” tanong ni Hen. Romolo sa kanya “Heneral Romolo, alam ko na po ang kahinaan ng aswang na yan” sabi ni Kap. Lorenzo sa kanya. “Alam mo?!” gulat niyang tanong na napatingin si Hen. Romolo kay Hen. Amistad “ipaliwanag mo sa kanya Kap. Enzo” sabi ni Hen. Amistad.
“Yung espadang gamit niya, humahaba ito, ibig sabihin hindi siya bihasa o dalubhasa pagdating sa panglapitang labanan” paliwanag ni Kap. Lorenzo “paano mo nalaman ito? Parang ang bilis mo atang nakuha ang taktika niya” gulat na tanong ni Hen. Romolo. “Alam kong isang beses lang nagtama ang mga esapada namin pero nakikita ko po na ganun lang ang kakayahan niya” paliwanag ni Kap. Lorenzo “yung kapangyarihan niyang mabilis maghilom ang mga sugat niya ang kompirmasyon ko nito” dagdag niya na bumalik na yung mga bampira na me dalang basang tela. “Ano ang gagawin mo dyan?” tanong ni Kap. Dante ng mga Lobo “Heneral” sabi ni Kap. Lorenzo kay Hen. Amistad na tumango ito. “Mga kasama, lumayo kayo!” sigaw niya sa lahat ng kaalyado nila at lumayo sila sa higanting aswang.
Sinaksak ni Kap. Lorenzo ang espada niya sa lupa at tinali niya sa hawakan ng espada niya ang dulo ng basang tela habang hawak ng kaliwang kamay niya ang espada ni Hen. Vladimir at humanda siya. “Sige Lorenzo, ipakita mo sa kanila kung paano lumaban ang purong dugong Bailan” sabi ni Hen. Amistad na nagsigawan ang mga tauhan nila. “BAILAN!” sigaw ni Hen. Amistad “HAH!” sagot ng mga tauhan nila sabay takbo ni Kap. Lorenzo palapit sa higanting aswang na humarap ito sa kanya “HAHAHA PURONG DUGO HA! TINGNAN NATIN!” sigaw nung higanting aswang na hinanda niya ang espada niya. Humaba ang espada niya nung tinutok niya ito kay Kap. Lorenzo na ngayon ay malapit na sa kanya “HINDI KA MAKAKALAPIT SA AKIN!” sigaw ng higanting aswang na dumepensa si Kap. Lorenzo gamit ang espada ni Hen. Vlad.
“TINGIN MO MAKAKATULONG SAYO ANG ESPADANG YAN!” sigaw ng higanting aswang na hinila niya ang espada niya na nagspark pa ito nung humagod ito sa espada na hawak ni Kap. Lorenzo. Nakakuha ng opening si Kap. Lorenzo nung limang talampakan nalang siya sa higanting aswang kaya hinila niya ang telang nakatali sa kanang kamay niya na lumipad papunta sa kanya ang espada niya na agad siyang yumuko. Nakatingin ang higanting aswang sa kanya at hindi niya nakita o napansin ang ginawa ni Kap. Lorenzo kaya bumalik sa dati ang espada niya at tinaas niya ito para hampasin si Kap. Lorenzo.
“AKIN KA NGAYON!” sigaw ng aswang na huli na siya nung makita niya ang espadang lumipad papunta sa kanya at hindi na siya nakareact nung tumama ito sa dibdib niya na agad din namang tumakbo si Kap. Lorenzo paikot sa kanya para matali ang higanting aswang at hinila niya ang telang nakatali nito na bumuka ang sugat sa dibdib ng higanting aswang.
“AAAAHHHHHHHHH!” sumigaw ito sa sakit dahilan kaya nabitawan niya ang espada niya na agad namang gumalaw palapit si Kap. Lorenzo sa kanya at sinaksak niya ito sa tagiliran gamit ang espada ni Hen. Vladimir. Napaluhod ang higanting aswang na ka level na ni Kap. Lorenzo ang ulo nito at kita niya sa mukha ng aswang na nasasaktan ito “HA..hahaha.. tingin mo… katapusan ko na? hahaha..” tumawa lang ito. Dinampot ni Kap. Lorenzo ang espada ng aswang at sinaksak niya ito sa dibdib katabi sa espada niya na tumagos ito sa likuran ng aswang “GRAAAAHHHHHH!!!!” napasigaw ito sa sakit. Hinawakan ni Kap. Lorenzo ang dalawang espada at pinaghiwalay niya ito na bumuka pa lalo ang sugat ng higanting aswang na ngayon ay nagpupumiglas itong makawala sa pagkatali niya.
“GRAAAAHHHHHHHH!” nagsisigaw ito habang pilit nitong kumawala sa basang telang nakatali sa katawan niya na nakita ni Kap. Lorenzo na dahan-dahan naring naghilom ang sugat nito kaya umatras siya. “LORENZO!” sigaw ni Hen. Amistad na akala niya umatras si Kap. Lorenzo dahil natakot ito pero nagulat silang lahat sa ginawa niya nung sinuntok ni Lorenzo ang dibdib ng higanting aswang na pumasok ang kamay niya. “GRAAAAAAAAAHHHHHH!!!” napasigaw pa lalo ang higanting aswang nung hinugot ni Kap. Lorenzo ang puso ng aswang na tinaas niya ito at pinasubo niya ito sa aswang kaya natahimik ito. Alam niyang hindi pa ito tapos dahil nakita niyang dahan-dahan ng sumara ang sugat sa dibdib ng aswang kaya hinugot niya ang espada ng aswang at tinaga niya ito sa leeg at naputol ito.
Gumulong ang ulo ng higanting aswang sa paanan ng mga Lobo na nasa bibig pa nito ang puso niya at sinindihan ni Kap. Lorenzo ang basang tela at lumiyab ito. Hindi nakapagsalita ang mga sundalong nasa paligid niya lalong-lalo na ang mga matataas na tao sa ibang hukbong “parang… nakakatakot” mahinang sabi ni Kap. Dante pagkatapos niyang makita ang ginawa ni Kap. Lorenzo sa higanting aswang. “Ito pala.. ang abilidad ng isang Bailan” sabi ni Hen. Romolo na napatingin siya kay Hen. Amistad na nakangiti lang itong nakatingin kay Kap. Lorenzo. Nung naabo na ang higanting aswang kinuha niya ang esapada niya at naglakad siya pabalik sa naghihintay na si Prinsesa Lucia at anak ni Hen. Vladimir at binalik niya ang espada dun sa bata “tinupad ko ang pangako ko, bata” sabi niya dun sa bata na napamangha ito sa ginawa niya.
“HINDI PA TAYO TAPOS, HALUGHUGIN ANG BUONG PALASYO BAKA ME MGA ASWANG PA SA PALIGID!” sigaw ni Hen. Romolo na kumalat agad ang buong sandatahan nila habang lumapit naman sila kina Prinsesa Lucia at Kap. Lorenzo. “Kap. Lorenzo” tawag niya “Heneral” sagot ni Kap. Lorenzo “nakakatakot ang abilidad mo, kung papayag ka, kukunin kita bilang isa sa mga Kapitan ko” sabi ni Hen. Romolo. “Hahaha.. hindi maari yan kaibigan” sabi ni Hen. Amistad “si Lorenzo ang papalit sa akin balang araw at sa darating na panahon magiging pinuno ito ng buong Bailan” sabi ni Hen. Amistad. Samantala nahuli ni Haring Voltaire at Damyan ang natitirang aswang sa loob ng silid at napatay nila ito “tapos na, Voltaire” sabi ni Haring Damyan sa kanya “oo, tapos na sa wakas” sagot ni Haring Voltaire na nakita nilang pumasok ang tatlo sa silid.
“Napatay na namin sila” sabi ni Haring Helius “napatay narin namin ang mga aswang dito” sabi ni Haring Damyan na nakita ni Haring Voltaire ang Aklat ng Dilim sa sahig kaya dinampot niya ito at napahinto nalang siya sa nakita niya. “Kumusta ang aklat, Voltaire?” tanong ni Haring Helius “ah..ma.. mabuti. ligtas ang Aklat ng Dilim” sagot ni Haring Voltaire sabay sara nito sa pahina at binalik niya ito sa lalagyanano. “Bumalik na tayo sa taas para tingnan kung ano na ang nangyari doon” sabi ni Haring Ugat na bigla nalang natunaw ang mga aswang at nawala na ito “sige mauna na kayo at sisiguradohin kong hindi na nila ito makukuha” sabi ni Haring Voltaire na iniwan na siya ng apat at tumingin siya muli sa pahinang nabasa niya kanina at nanlaki ang mga mata niya sa tuwa at sinara na niya ang aklat at umalis na siya.
Nagtipon silang lahat sa silid ng truno at humingi ng paumanhin si Haring Voltaire sa pangyayari “wala kang dapat ihingi ng paumanhin sa amin, Haring Voltaire” sabi ni Haring Ugat sa kanya. “Ipagpaliban lang muna natin ang koronasyon ng anak ko habang sinisiguro muna namin ang seguridad ng palasyo” sabi ni Haring Voltaire na naiintindihan ito ng lahat. Nagsalo-salo nalang sila pagkatapos nilang pagtulongang linisin ang nawasak na mga gamit at pader ng palasyo at nung lumalim na ang gabi isa-isa na silang nagpaalam sa hari ng palasyo para bumalik sa kani-kanilang Kaharian. “Mahal, magpapaalam na kami sa inyo” sabi ni Kap. Lorenzo na niyakap siya ni Prinsesa Lucia na tiningnan sila ng lahat “tayo na anak” tawag ni Lam-ang sa kanya pagkatapos nilang magpaalam sa Hari at Prinsepe umalis na sila.
Sumakay na sila sa kabayo nila palabas ng gate ng mapansin ni Hen. Amistad ang isang batang nakatayo sa gitna ng daan “hoy bata, tumabi ka!” sabi ni Hen. Amistad sa kanya na namukhaan ito ni Kap. Lorenzo. “Heneral, kilala ko po siya” sabi niya “kilala mo ang batang ito, Lorenzo?” tanong niya “sino ba siya anak?” tanong ni Lam-ang “anak siya ni Hen. Vladimir” sagot ni Lorenzo na bumaba ito sa kabayo niya at nilapitan niya ang bata. “Bata, bakit ka nandito?” tanong niya “wala na po ang ama ko” sabi nung bata “hmm.. kinalulungkot ko ang nangyari sa papa mo pero hindi ka dapat lumabas ng palasyo” sabi ni Lorenzo sa kanya “sasama po ako sa inyo” sabi nung bata na nagulat silang lahat. “Hindi pwede” sabi ni Lorenzo sa kanya na hindi parin umalis sa harapan nila ang bata.
“Lorenzo!” tawag ng ama niya “ama, gusto daw sumama ng batang ito sa atin” sabi niya “HA!” sabi ni Hen. Amistad “hindi pwede anak, alam mo ang kumyunidad natin” sabi ni Lam-ang kay Lorenzo. “Bata, patawad pero hindi ka namin pwedeng isama, isa pa wala kang pahintulot sa mama mo at sa Hari” sabi ni Lorenzo sa kanya “wala na rin po ang mama ko, desisyon ko pong sumama sa inyo” sabi nung bata. “Bakit ba gusto mong sumama sa amin?” tanong ni Hen. Amistad na tumingin yung bata kay Lorenzo “gusto ko pong turoan mo ako kung paano lumaban” sabi ng bata na nagkatinginan silang lahat.
“Lorenzo!” tawag ni Prinsesa Lucia na lumapit sa kanila ito kasama ang ibang tauhan niya “kamahalan” bati nilang lahat sa kanya “ano ang nangyari dito?” tanong ni Prinsesa Lucia. “Yung bata kanina gustong sumama sa amin” sabi niya na nilapitan ito ni Prinsesa Lucia at kinumbinsi niya itong bumalik sa palasyo na umayaw ito at nagmamatigas na gustong sumama kina Lorenzo. “Mahal na Prinsesa gusto ko pong sumama sa kanya para matuto kung paano humawak ng espada at paano lumaban” sabi nung bata. Napatingin si Prinsesa Lucia kay Lorenzo at kay Lam-ang “haayy.. Enzo, disisyon mo ito” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya na naptingin siya sa ama niyang si Lam-ang at kay Heneral Amistad. “Problema mo yan Lorenzo” sabi ni Lam-ang na nauna ito “hahaha.. nasa sayo na yan Lorenzo” sabi ni Hen. Amistad na sumunod ito sa pinuno niyang si Lam-ang na napakamot sa ulo si Lorenzo.
Pinayagan ito ni Prinsesa Lucia nung tinanggap ni Lorenzo ang bata kaya binigyan nila ito ng kabayo para magamit niya at umalis na sila pabalik sa lugar nila “ilang taon ka na ba, bata?” tanong ni Lorenzo. “Sampung taon po, Kapitan” sagot nung bata “hahaha sakto sa edad yan Lorenzo” sabi ni Hen. Amistad na natawa ang mga tauhan nila “hindi ko alam kung ano ang ituturo ko sayo, bata” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Nakita ko po kayong lumaban kanina, gusto ko po yung ginawa niyo” sabi nung bata sa kanya “kung gusto mo si Hen. Amistad dapat ang magturo sayo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Oh, bakit mo ibibigay sa akin ang batang ito, Kapitan? Ikaw ang hinihiling niya hindi ako” sabi ng Heneral sa kanya.
“Ikaw ang guro ko at sayo ko natutonan ang lahat ng mga abilidad ko ngayon” sabi ni Lorenzo sa kanya habang bumabyahe sila pabalik sa kanila “hahahah nagpapalusot ka pa” natatawang sabi ni Heneral Amistad sa kanya. “Lorenzo” tawag ng ama niya “opo ama?” tanong niya “pumayag ka sa hiling ng bata at tinanggap mo ang responsibilidad, kaya huwag mong ipasa sa iba ang katungkolan mo” sabi ni Lam-ang sa kanya. “Tandaan mo Kapitan, tinutupad ng Bailan ang pangako niya” paalala ng isang tauhan niya na napailing nalang si Lorenzo at tiningnan ang bata “haayy… kung magsasama tayo ng matagal dapat malaman ko ang pangalan mo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Ano nga pala ang pangalan mo, bata?” tanong ni Hen. Amistad “ako po si Guillermo” sagot niya “hmm… Guillermo ha? Guille nalang ang itawag ko sayo” sabi ni Lorenzo sa kanya na napangiti ang bata sa kanya.
Pinatira ni Lorenzo si Guillermo sa labas ng kumyonidad nila dahil pinagbabawal ng konseho nila ang magpatira ng ibang lahi kaya nagtayo ng kubo si Lorenzo sa liblib na lugar na hindi gaano mapasukan ng sinag ng araw. “Pasensya kana Guille kung dito kita pinatira” paumahin ni Lorenzo sa kanya “naiintindihan ko po, Kapitan” sagot niya “teka, uhm.. ano ba ang..” hindi makatanong ng diretso si Lorenzo kay Guille sa pagkain niya “huwag kayong mag-alala Kapitan, umiinom po ako ng dugo ng hayop” sagot ng diretso ni Guille na napangiti lang si Leronzo. “Pasensya kana Guille ha?” sabi niya “wala po yun, Kapitan” sagot ni Guillermo. “Sige, magpahinga kana at magsisimula tayo mamayang gabi” sabi ni Lorenzo sa kanya na natuwa si Guillermo.
Nung gabing yun sinimulan na ni Lorenzo ang pagturo kay Guillermo kung paano humawak ng espada “kahoy?” tanong ni Guillermo nung inabutan siya nito ni Lorenzo. “Oo, ito ang unang sandata mo at habang nag-eensayo ka para matutong gumamit ng espada yan muna ang gagamitin mo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Sundin mo lang ang kilos ko” sabi niya na sumunod sa galaw niya si Guillermo at ineensayo din niya si Guillermo sa pagpapalakas ng katawan niya. Bumibisita din si Prinsesa Lucia sa kanila habang nag eensayo sila ni Lorenzo at dinadalhan din niya ng damit at makakain si Guillermo dahil alam niyang hindi sapat sa kanya ang nakukuha niya sa gubat.
Lumipas ang panahon at naging bihasa narin si Guillermo sa paghawak at paggamit ng espada at tinuturoan din ito ni Lorenzo sa mga stratehiya pagdating sa pandigma at kung paano talunin ang kalaban gamit ang lakas niya. “Kapitan, salamat po sa lahat ng tinuro niyo sa akin” sabi ni Guillermo isang gabi nung nagpapahinga sila pagkatapos nilang mag-ensayo “wala yun Guille, tulong ko na din sayo yan” sabi niya. “Ano ang gagawin mo pagkatapos natin dito?” tanong ni Lorenzo sa kanya “sasali po ako sa hukbong ng mga bampira para magsilbi sa Prinsesa” sabi niya “hindi kay Haring Voltaire?” tanong ni Lorenzo “hindi Kapitan” sagot niya na napangiti si Lorenzo. “Tama lang din pala na tinuroan kita” nakangiting sabi ni Lorenzo na napangiti si Guillermo.
Naglalakad na sila pabalik sa kubo ng mapansin ni Lorenzo na me sumusunod sa kanila “hmmm..” lang siya “Kapitan?” tanong ni Guillermo “wala, kumusta ang kondisyon mo?” tanong ni Lorenzo. “Maayos lang ako Kapitan, napapansin ko pong gumagaan na yung espadang ginagamit ko” sagot niya “magaling, ibig sabihin nasanay kana sa bigat niyan” sabi ni Lorenzo “oonga po” sabi ni Guillermo. Napansin ni Lorenzo na palapit na palapit na sa kanila yung sumusunod sa kanila kaya humawak agad siya sa hawakan ng espada niya at nung nakita niya ito sa gilid ng mata niya inalis niya ang kamay niya sa espada niya at napangiti siya.
Tuloy lang sa pagkwento si Guillermo tungkol sa kondisyon niya at sa plano niya pagbalik sa kaharian ng mga bampira ng biglang yumuko si Lorenzo na nagulat nalang si Guillermo nung me tumalon sa kanya. “AAAHHH…HOY..HOY ARAAAAYYYYY…” napasigaw siya nung kinakagat-kagat siya sa balikat “hahahaha” natatawa lang si Lorenzo nung nakita niya ito “KAPITAN.. TULONGAN MO AKO!” humingi ng tulong si Guillermo sa kanya na sumandal lang si Lorenzo sa puno at nanood lang sa kanila. “Gamitin mo ang tinuro ko sayo, Guille” sabi ni Lorenzo sa kanya na binuhat ni Guillermo ang umatake sa kanya at binato niya ito palayo sa kanya. “GRRRRRR” narinig nila galing sa umatake sa kanila na kita nilang ang dungis ng mukha at sobrang lagkit ng buhok nito.
Bubunotin na sana ni Guillermo ang espada niya ng pinigilan siya ni Lorenzo “pero Kapitan, delikado siya” sabi ni Guillermo sa kanya “kumalma ka Guille at tiningnan mo siya ng mabuti” sabi ni Lorenzo sa kanya. Inalis ni Guille ang kamay niya sa espada niya at tiningnan ang taong umatake sa kanya “bata?” gulat niyang sabi na napatango si Lorenzo sa kanya “tingnan mo ang bibig niya” sabi ni Lorenzo na nakita nilang me pangil ito. “Bampira siya” sabi ni Guillermo na me kinuha si Lorenzo sa bag niya at nilapitan niya ito “Kapitan! Baka kagatin ka niyan!” babala ni Guillermo sa kanya “kalma lang Guille, tinatakot mo siya” sabi ni Lorenzo.
“Ta… ako pa ang nanakot sa kanya?” sabi ni Guillermo na humawak muli ito sa hawakan ng espada niya “Guille, sabi kong huwag!” utos ni Lorenzo sa kanya na sumunod lang siya “bata, nagugutom ka ba?” tanong ni Lorenzo sa kanya. Umatras yung bata palayo sa kanya “huwag kang matakot, halika lapit ka” sabi ni Lorenzo sa kanya. Nagdadalawang isip itong lumapit sa kanya “alam kong nagugutom ka ito kunin mo” sabi ni Lorenzo na inabutan niya ito ng maliit na pouch na urong-sulong ang batang lumapit sa kanya. “Kapitan” tawag ni Guillermo “dyan ka lang Guille, huwag kang gumalaw” utos ni Lorenzo sa kanya na agad kinuha ng bata yung pouch at lumayo ito ng konte at sinubo niya ito sa bibig niya na nakita ni Lorenzo na napapikit ito nung nalasahan ang laman ng pouch.
“Meron pa akong marami dito kung gusto mo” nakangiting sabi ni Lorenzo na dahan-dahang lumapit sa kanya ang bata at kinuha ang tatlong pouch sa palad niya at bigla nalang itong umupo sa lupa at sinubo ito. Lumapit sa kanila si Guillermo nung napansin ito ng bata bigla nalang itong nag “grrrr..” “Kapitan!” tawag ni Guillermo “dyan ka lang Guille” utos ni Lorenzo sa kanya na tumigil siya at bumalik sa pagkain ang bata sa binigay ni Lorenzo. “Ang baho mo” sabi ni Lorenzo sa kanya na tumingin sa kanya ang bata “gusto ko pa” sabi bigla nung bata na nagkatinginan si Lorenzo at Guillermo “heto, marami pa ako dito” binigyan pa siya ni Lorenzo na pansin niyang kumalma na ang bata at kita niyang naging kampante na ito sa kanya.
Tumayo na si Lorenzo at binigyan pa niya ng limang pouch ang bata at iniwan na nila ito, habang naglalakad sila napansin narin ito ni Guille na sumusunod ito sa kanila “Kapitan” sabi niya “oo, napapansin ko” sabi ni Lorenzo. “Hayaan mo lang siya” sabi ni Lorenzo na hinayaan lang nila itong sumunod sa kanila pabalik sa kubo nila at nung nasa harap na sila ng kubo nakita nilang sumilip ang bata sa likod ng puno. “Kapitan?” “hayaan mo lang siya, pumasok na tayo sa loob” sabi ni Lorenzo sa kanya na hindi nila sinara ang pinto at makalipas ang ilang sandali biglang dumungaw ang bata sa pinto na nginitian siya ni Lorenzo nung makita niya ito at naglakay ng limang pouch sa plato at nilagay sa mesa.
“Halika, pasok ka” yaya ni Lorenzo sa kanya na agad itong pumasok nung nakita niya ang limang pouch sa mesa “ang baho mo!” sabi ni Guille sa kanya na sinara na ni Lorenzo ang pinto dahil malapit ng lalabas ang araw. Sinabayan narin nila ang bata sa mesa habang nagtatakip ng ilong si Guillermo dahil parang ilang taon ng hindi naliligo ang batang ito “mamayang gabi papaligoan natin siya” sabi ni Lorenzo. “Dapat lang, kung titira siya kasama natin dito dapat maligo siya” sabi ni Guillermo na nag “grrrrrr” lang sa kanya ang bata na natawa lang si Lorenzo “ako nga pala si Enzo, siya naman si Guille, ano ang pangalan mo?” tanong niya sa bata na kita niyang tumulo pa yung dugo sa gilid ng bibig nito “Morietta” sagot nung bata sa kanya.
Nung gabing yan pinaligoan ni Lorenzo si Morietta at nakita nila na maganda pala ito, dinalhan narin niya ito ng damit at pagkatapos binigyan niya ito ng pouch na me lamang dugo at sinama narin nila ito sa training ground nila. Nakaupo lang sa tabi si Morietta habang pinapanood silang nag-eensayo ng biglang tumayo ito kaya napatigil silang dalawa “bakit, Morietta?” tanong ni Lorenzo sa kanya “me papalapit sa atin” sabi niya “Guille” sabi ni Lorenzo na tumango ito at lumapit siya kay Morietta. Tumayo lang si Lorenzo at pinikit niya ang mga mata niya “ano ang ginagawa niya?” tanong ni Morietta “nakikiramdam siya sa paligid” sagot ni Guillermo na nakita nilang napangiti si Lorenzo
“Mahal” sabi ni Lorenzo na kumalma si Guillermo “mahal?” takang tanong ni Morietta “ang mahal na Prinsesa” sabi ni Guille na niluhod niya ang isang tuhod niya sa lupa at niyuko ang ulo niya pati narin si Lorenzo. “Ano ang..” takang tanong ni Morietta na bigla nalang niyang nakita si Prinsesa Lucia na nakatayo sa harap ni Lorenzo at pinatayo siya nito “Guillermo” tawag ni Prinsesa Lucia sa kanya na tumayo din ito “mahal na Prinsesa, maligayang pagdating po” bati niya “salamat, Guilllermo” sabi niya “kinagagalak kitang makita, mahal” sabi ni Lorenzo sa kanya na nagyakapan silang dalawa. Napansin ni Prinsesa Lucia si Morietta “mahal na Prinsesa siya po si Morietta” pakilala ni Guille sa kanya na hinawakan niya ito sa ulo at niyuko ang ulo ni Morietta.
“Magbigay pugay ka sa mahal na Prinsesa” sabi ni Guillermo sa kanya na pilit inaalis ni Morietta ang kamay niya “Guillermo, hindi mo dapat ginawa sa kanya yan” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya. “Patawad po, kamahalan” sabi ni Guillermo na inalis niya agad ang kamay niya sa ulo ni Morietta na tinadyakan siya nito sa tuhod na napayuko siya sa sakit at agad tumakbo si Morietta sa likuran ni Lorenzo. “Ikaw naman kasi Guille” sabi ni Lorenzo sa kanya “pasensya na po” sabi ni Guillermo “huwag ka sa akin humingi ng pasensya” sabi ni Lorenzo sa kanya na napabugnot nalang si Guillermo at nilabas ni Morietta ang dila niya para asarin siya na natawa lang si Prinsesa Lucia sa kanila.
“Saan ka pala galing at nasaan ang mga magulang mo?” tanong ni Prinsesa Lucia kay Morietta “taga ibang lalawigan po ako, wala na po ang mga magulang ko” sagot niya “ano ang nangyari sa kanila?” tanong ni Prinsesa Lucia. Napayuko ang ulo ni Morietta at naluha ito “pinatay po sila nung sumalakay ang mga taong lobo sa lugar namin, pinatakas ako ng mama ko kaya po ako napadpad dito” kwento ni Morietta. “Merong tribu ang mga taong lobo dito pero hindi sila kagaya dun sa mga umatake sa inyo” sabi ni Lorenzo sa kanya “paano kung… katulad sila dun sa mga taong lobo sa pinaggalingan ko?” takot na sabi ni Morietta. Nilagay ni Lorenzo ang kamay niya sa ulo ni Morietta at sabing “hanggang kasama mo ako, walang sino man ang mananakit sayo” nginitian niya si Morietta.
Samantala sa palasyo nagsisimula ng magkulong si Haring Voltaire sa silid niya habang pinag-aaralan niya ang nabasa niya sa isang pahina sa Aklat ng Dilim “papa, si Alister ito” kinatok siya ng Prinsepe na di niya ito binuksan. “Papa! papa!” tawag niya na di siya nito pinansin “papa, ano ho ba ang nangyari?” tanong ni Prinsesa Lucia sa kanya “hindi ko alam anak, ilang linggo naring nagkukulong ang lolo mo sa silid niya” sagot ni Prinsepe Alister. “Nag-aalala na ako sa kanya, papa” sabi ni Prinsesa Lucia “ako din anak, hayaan lang muna natin siya baka lalabas na yan siya mamaya” sabi ni Prinsepe Alister at umalis sila sa harap ng pinto ng kwarto ng Hari at sa loob nito nagsisimula ng bumuo ng plano kung paano niya maisakatuparan ang binabalak niya.
Bumisita muli si Prinsesa Lucia sa tatlo na ngayon ay tinuroan narin ni Lorenzo si Morietta kung paano lumaban na napapansin ni Prinsesa Lucia na gumagaling na si Guillermo at nahahabol na niya ang bilis at lakas ni Lorenzo. Nung natapos na sila naupo silang apat sa mesa sa loob ng kubo “nag-aalala ako sa lolo ko, Lorenzo” sabi ni Prinsesa Lucia “hindi ba me karamdaman ang mahal na Hari?” tanong ni Lorenzo sa kanya. “Oo, kaya nga lalo kaming nag-aalala sa kanya lalo na ngayon na nagkukulong lang siya sa kwarto niya” sabi ni Lucia “mahal na Prinsesa bigyan lang po natin siya ng panahon” sabi ni Guillermo na napangiti sa kanya si Lucia. “Guillermo, kelan ka ba babalik sa palasyo?” tanong ni Prinsesa Lucia sa kanya na tumingin siya kay Lorernzo.
“Dalawang buwan Prinsesa” sagot ni Kap. Lorenzo sa kanya na napangiti si Guillermo sa sagot niya “aasahan ko yan” sabi ni Prinsesa Lucia na nagtawanan silang apat, tuloy lang sila sa kwentohan nila ng biglang dumating ang isa sa tauhan ni Prinsesa Lucia. “Ano ang nangyari?” tanong niya “mahal na Prinsesa kailangan po kayo sa palasyo” sabi nito na agad siyang tumayo at nagpaalam sa tatlo “sasamahan ko na po kayo, kamahalan” sabi ni Guillermo. “Hindi dito ka nalang, tuloy mo ang pag-ensayo mo” sabi ni Prinsesa Lucia na sinamahan nila ito sa labas at pagkatapos magpaalam naging anino sila at nawala sila bigla. “Sana walang nangyari sa palasyo” sabi ni Guillermo “nandun si Prinsepe Alister sigurado akong ligtas sila doon” sabi ni Lorenzo na niyaya niya pabalik ng kubo si Guillemo pero hindi parin mawala ang pag-aalala niya sa Prinsesa.
Pagdating ni Prinsesa Lucia sa palasyo nakita niya ang papa niyang nakadapa sa sahig at tila me sugat ito sa braso “PAPA!” sigaw niya na nagmamadali silang pinatayo ang Prinsepe “papa, ano ho ang nangyari sa inyo?” tanong ni Prinsesa Lucia. Tinulak siya palayo ni Prinsepe Alister at nilabas nito ang espada niya na napatumba sa sahig si Prinsesa Lucia at nakita niyang naglaban ang ama niya at ang lolo niya. “LOLO, PAPA ITIGIL NIYO NA ITO!” sigaw niya sa dalawa na walang nagawa ang mga tauhan nila dahil sa tuwing lalapit sila pinagtataga sila ni Haring Voltaire. Pinigilan ng mga tauhan nila si Prinsesa Lucia dahil pilit niyang lumapit sa dalawa at natatakot sila sa buhay niya dahil parang baliw na si Haring Voltaire.
“Tawagin si Kapitan Lorenzo, humingi kayo ng tulong sa kanya” utos ni Prinsesa Lucia sa tauhan niya na nagmamadali itong umalis at nagulat sila nung sinaksak ni Haring Voltaire si Prinsepe Alister sa balikat. “PAPAAAAA!” sigaw ni Prinsesa Lucia “AAAAHHHH” napasigaw si Prinsepe Alister “TUMAKBO KA ANAK!” sigaw niya kay Prinsesa Lucia na iniwan ni Haring Voltare si Prinsepe Alister na napahiga sa sahig at nilapitan si Prinsesa Lucia. “Huwag niyong hayaang makalapit ang Hari kay Prinsesa Lucia” utos ni Kap. Zandro sa mga tauhan niya na lahat sila nilabas ang mga espada nila “ANO ITO! BINUNOTAN NIYO AKO NG ESPADA NIYO?!” sigaw ni Haring Voltaire sa kanila na binugahan sila ng apoy nito na agad binuhat ni Kap. Zandro si Prinsesa Lucia at binato niya ito sa pader para makaiwas ito na sila ang nasunog sa binugang apoy ni Haring Voltaire.
“HUWAAAAGGGGG!” sigaw ni Prinsesa Lucia na lumapit sa kanya ang Hari at hinawakan siya nito sa braso at hinila siya pababa sa kulongan nila at pinasok siya doon sa loob. “LOLO ANO ITONG NANGYAYARI SA INYO?” tanong ni Prinsesa Lucia sa kanya “kapangyarihan apo, kapangyarihan” sabi ni Haring Voltaire na hinubad niya ang korona niya at binigay niya ito sa kanya. Pinasuot niya ito kay Prinsesa Lucia at sabing “ikaw ang taga pagmana sa kaharian ko, Lucia… simula ngayon ikaw na ang Reyna” sabi ni Haring Voltaire bago niya sinara ang pinto at kinandado ito. “LOLO! LOLO! LOLO!” pagsisigaw ni Lucia na umiyak ito sa loob ng kulongan at pilit binuksan ang pinto para tulongan ang papa niya.
Nung nakabalik na sa taas si Haring Voltaire pinatay niya ang mga tauhan niya na humadlang sa kanya at pagkatapos kinaladkad niya si Prinsepe Alister papunta sa silid ng truno niya. “Papa.. ano ang gagawin niyo?” tanong ni Prinsepe Alister na pinahiga siya nito sa harapan ng truno niya na pumasok ang mga tauhan niya at pilit siyang pinapatigil sa ginagawa niya. “Huwag kayong makialam” sabi niya na binugahan niya ito ng apoy na nagtago sila sa panagga nila “PATAWARIN MO KAMI KAMAHALAN!” sigaw nung pinuno ng hukbong nila at pinagpapana nila si Haring Voltaire na nagalit ito lalo at bumuga ulit siya ng apoy na nasunog ang mga tauhan niya at dalawa nalang ang naiwan sa mga sundalong punasok sa silid.
“Patawad anak” sabi ni Haring Voltaire na nanlaki ang mata ni Prinsepe Alister nung makita niya ang Aklat ng Dilim na lumulutang sa harapan ng ama niya “AMA… HUWAG… HUWAG MONG GAMITIN YAN!” sigaw ni Prinsepe Alister. “KAMAHALAN.. ITIGIL NIYO NA PO ITO!” sigaw nung isang tauhan niya na nakadapa ito sa sahig dahil nasunog ng Hari ang mga paa niya “KAMAHALAN MAAWA PO KAYO.. HUWAG NIYONG ITULOY!” sigaw nung isa na bigla nalang lumiwanag ang Akalat ng Dilim. “HUWAAAGGGGGGGG” sabay sigaw nilang tatlo na biglang lumutang sa ere si Haring Voltaire “Sufletul convergente! (soul converging)” bigkas ni Haring Voltaire na lumabas ang mga kaluluwa ng tatlo at pumasok ito sa katawan niya. Biglang naging bato ang tatlo pagkatapos ang ritwal at lumiwanag ang katawan ng Hari at pagkatapos biglang sumabog ang silid nung sumigaw siya.
Napatapon sa gilid ng silid ang Aklat ng Dilim at naging kulay pula ang mga mata ng Hari at nararamdaman niyang lumalakas pa siya lalo sa tatlong kaluluwang pumasok sa katawan niya. “HAHAHAHA AKO NA ANG PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT!” natatawang sabi niya na bigla nalang siyang pinagpapana ng mga tauhan niya na lahat ng panang tinira sa kanya napahinto ito sa ere at umikot ito at bumalik sa kanila. Nasira ang pader ng palasyo at lumabas si Haring Voltaire na nakita niya sa paligid ang maraming lobo na naghihntay sa kanya “SABI KO SAYO VOLTAIRE, ORAS NA GAGAMITIN MO ANG LIBRONG YAN AKO MISMO ANG PAPATAY SAYO!” sigaw ni Haring Damyan na ngayon ay nanggagalaiti narin sa galit.
Binalita kasi ni Lorenzo sa mga kaalyado nila ang nangyari sa loob ng palasyo nung nakarating ang bampira sa kubo nila ni Guillermo, ngayon naghahanda sila para pigilan si Haring Voltaire sa binabalak niya. “Tingin niyo matatalo niyo ako? Isa na akong Dyos!” sabi ni Haring Voltaire na hinugot ng mga taong lobo ang mga sandata nila pati narin ang mga bampira at lahat sila naghahanda sa pag-atake ni Haring Voltaire. “HAHAHAHA KAHIT SABAY-SABAY PA KAYONG UMATAKE SA AKIN HINDI NIYO AKO MATATALO!!” paghamon ni Haring Voltaire na bigla nalang sumulpot sa kaliwa niya si Haring Damyan at nakataas na ang espada niya para hampasin siya na bigla nalang itong napatigil sa ere nung tinaas ni Haring Voltaire ang kamay niya.
“Sabi ko sayo aso, hinding-hindi mo ako matatalo” sabi ni Haring Voltaire sa kanya na biglang me lumabas na espada sa kamay niya at lumipad ito patungo kay Haring Damyan. “AMA!” sigaw ni Hen. Romolo na agad niyang binato ang patalim niya at tumama ito sa espadang papalapit kay Haring Damyan kaya lumagpas sa kanya ito at hindi siya natamaan. “Pakialamerong aso!” galit na sabi ni Haring Voltaire na umatake ang mga lobo sa kanya kaya lumipad siya paitaas kasama si Haring Damyan at binugahan niya ng apoy ang mga lobong umatake sa kanya. “UMATRAS KAYO!” sigaw ni Hen. Romolo sa mga tauhan nila at pinahanda ni Kap. Dante ang mga tauhan nilang panain si Haring Voltaire.
“PATAYIN NIYO SIYA!” sigaw ni Kap. Dante na pinana ng mga sundalo nila si Haring Voltaire pero huminto lang ang mga bala nila sa ere at bumalik ito sa kanila kaya nagsitalunan at nagtago sila pero yung iba natamaan at napatay. Samantala sina Lorenzo, Guillermo at si Morietta pumasok sa loob ng palasyo para hanapin si Prinsesa Lucia “baka kinulong siya sa kwarto niya” sabi ni Guille kaya inutosan silang dalawa ni Kap. Lorenzo umakyat sa kwarto ni Prinsesa Lucia habang kasama naman niya ang bampirang inutosan ng Prinsesa papunta sa kulongan ng palasyo. Pagdating nila sa baba me nakabantay sa labas ng pinto ng kulongan “tumabi kayo!” sabi ni Lorenzo sa kanila na naghanda ito para lumaban sa kanya.
“Hindi niyo ba alam na nagkakagulo na sa labas” sabi nung bampirang kasama niya na hindi parin sila tumabi “wala na tayong panahon” sabi ni Lorenzo na hinugot niya ang espada niya at naglaban sila. Nung natalo na nila Lorenzo at kasama niya ang mga bantay agad nilang binuksan ang pintuan at nakita nilang nakahiga sa kama si Prinsesa Lucia at umiiyak ito “mahal ko!” tawag ni Lorenzo. Lumingon si Prinsesa Lucia at bumangon agad ito at yumakap sa kanya “mahal… huhuhu.. si papa.. wala na si papa” naiiyak na sabi ni Prinsesa Lucia “si Prinsepe Alister” sabi nung kasama nila na napasandal ito sa pader at nalungkot ito. “Mamaya na tayo mag-usap kailangan na nating umalis dito” sabi ni Lorenzo na hinila niya palabas ng kulongan si Lucia kasama ang sundalong tumawag sa kanya at pagdating nila sa taas nakasalubong nila si Guillermo at si Morietta.
Itutuloy…
- Mine - July 4, 2022
- Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV - November 23, 2021
- Carnal: Book 4 – Chapter 4: Bonding - November 22, 2021