Harapin Ang Liwanag! Chapter XI

anino
Harapin Ang Liwanag!

Written by anino

 

Chapter XI: General Enzo and Her Majesty Lucia!

“Bago ko sisimulan ang kwento ni Lorenzo, ikukwento ko muna ang angkan niyang mga Bailan” sabi ni Haring Narra na lahat kami nakikinig lang sa kanya “ang mga Bailan ay orihinal na galing sa dagat pasipiko” pasimula niya. “Nanggaling sila sa isang isla kung saan sagana ito sa kalikasan at ang pangunahing pamumuhay nila ay ang pangingisda at pagsasaka, maliban sa kakayahan nilang ito hindi rin sila nagpapahuli pagdating sa digmaan” kwento ni Haring Narra. “Sa isang libong Bailan na nakatira sa islang yun, dalawang daan lang ang natira pagkatapos hampasin sila ng malakas na bagyo na nilamon ang buong isla nila.” kwento niya.

“Ganun pala ang nangyari sa kanila” sabi ko na nginitian ako ni Haring Narra “oo, sa dalawang daan na nakatakas sa kalamidad na yun limangpu lang ang nakarating dito sa Pilipinas” kwento ni Haring Narra. “Namatay yung iba?” pagputol ko sa kanya nung tinanong ko siya “Isabella!” tawag sa akin ni manang Zoraida “sorry po, tuloy lang po kayo Haring Narra” paumanhin ko na natawa ng mahina si Haring Narra. “Ang mga taong Lobo ang unang nakaharap nila at akala ng mga taong Lobo mga ordinaryong mortal lang sila kaya inuusig nila ang mga Bailan na umalis sa teritoryo nila” kwento ni Haring Narra.

“Lingid sa kaalaman ng mga Lobo ang limangpung Bailan na natira sa isang libong populasyon nila ay ang mga magigiting nilang mandirigma” napayuko ang ulo ni Haring Narra bago ito nagsalita “ang mga nasabing Lobo na umusig sa kanila hindi na nakabalik sa tribu nila” kwento niya na napamangha ako sa kinwento niya. “Sa pangyayaring yun hindi natanggap ng mga taong Lobo ang ginawa ng mga Bailan kaya naghigante sila pero ganun din ang nangyari sa mga Lobong umatake sa mga Bailan” kwento niya “sa pagkakataong ito nakita ng ama ko na si Haring Ugat ang posibilidad na magkakaubosan sila ng lahi kaya pumagitna siya para pigilan ang dalawang lahi” kwento niya na yumuko ito at bigla nalang me lumabas na kahoy sa ilalim ng lupa at naging truno ito na inupoan naman niya.

“Mabait ang ama ko at naiintindihan niya ang katayuan ng mga Bailan na mga estranghero mula sa ibang ibayo kaya kinupkop niya ang mga ito at tinuring na bisita dito sa kaharian namin” kwento ni Haring Narra. “Ikinagalit ito ng mga taong Lobo lalo na ang pinuno nilang si Damyan, kaya sumugod sila sa kaharian namin para hilingin na itakwil ang mga Bailan at hayaan itong mamatay sa labas ng kagubatan” tuloy niya. “Pero nagkaroon ng kakampi ang ama ko at yun ang Hari ng mga bampira na si Haring Voltaire kaya hindi nakaalma ang mga taong Lobo at hinayaan nalang kaming kupkupin ang mga Bailan” kwento niya. “So sa umpisa dito na talaga tumira ang mga Bailan?” tanong ko sa kanya “oo, lumipas ang panahon at ang limampung Bailan ay dumami hanggang sa nagpasya silang tumira malapit sa dagat at nirespeto ito ng ama ko” kwento niya.

“Nagkaroon din ng dayalogo ang mga taong Lobo at ang mga Bailan kaya natigil ang kanilang hidwaan at naghari ang kapayapaan sa buong lalawigan” kwento niya “Julian” tawag niya “opo, kamahalan?” sagot ni Julian. “Ang ama mo ay pinanganak kapareho ng araw nung ipinanganak din si Reyna Lucia” sabi ni Haring Narra na nagulat si Julian “kapareho ang araw ng kapanganakan nila?” gulat niyang tanong. “Oo” sagot ni manang Zoraida “hmmm… sa aming paniniwala isa itong sinyalis o kahulogan na ang dalawang nilalang pagpinanganak ng sabay ay tinakda sila para sa isa’t-isa” kwento ni Haring Narra. “Wow, parang fairy tale pala ang kwento nila” sabi ko na napangiti si Haring Narra “hindi pantasya Isabella” sabi niya “po?” tanong ko. “Ito ang kwento nila” sabi ni Haring Narra

1646 Lumang Pilipinas!

Pinanganak ng sabay sina Lorenzo at Reyna Lucia, nagdiriwang ang dalawang lahi sa kapanganakan sa susunod na henerasyon sa mga angkan nila. Isang gabing hindi matawaran ang tuwa at saya ng bawat lahi nila nung ipinanganak ang susunod sa linya ng mga magigiting at mamumuno sa bawat kaharian nila. Si Lorenzo sa mga Bailan habang si Lucia naman sa mga Bampira, nung nalaman ito ni Haring Ugat nagpdala siya ng dalawang mensahe sa dalawang angkan na gusto niyang makita ang dalawang bagong panganak ng mga supling. Tinugon agad ito ng dalawang angkan at nag-abot pa sila sa harap ni Haring Ugat nung pinresenta nila ang mga bagong myembro ng angkan nila.

“Binabati ko kayo Prinsepe Alister at Prinsesa Maureen sa napakaganda niyong anak na si Prinsesa Lucia” bati ni Haring Ugat sa kanila na nilingon niya ang mag-asawang Bailan. “Binabati ko din kayo Lam-ang at Nala sa magiting at napakalusog niyong anak na si Lorenzo” bati niya sa mag-asawa. “Maraming salamat po, Haring Ugat” sabi ni Lam-ang na niyuko nilang mag-asawa ang mga ulo nila “binabati ko din kayo, Prinsepe Alister at Prinsesa Maureen” bati din niya sa mag-asawang bampira na nagkamayan silang dalawa tanda ng pagiging magkaibigan nila ganun din ang mga esposa nila na natutuwa si Haring Ugat sa pinakitang pag-kakaisa ng dalawang angkan.

“Natutuwa ako at nagkakasundo ang mga pamilya niyo, natutuwa din akong ibalita na sa wakas magkakaroon narin ng kalaro ang anak kong si Narra” sabi ni Haring Ugat na nagtatago sa likod niya si Prinsepe Narra. “Huwag kana mahiya Narra batiin mo ang mga bago mong kaibigan” sabi ni Haring Narra sa kanya na ayaw niyang lumabas sa likod ng ama niya “hehehe pasensya na kayo sobrang mahiyain lang talaga ang anak ko” paumanhin ng Hari ng puno. “Hindi kayo dapat humingi ng paumanhin Haring Ugat naiintindihan po namin ito” sabi ni Prinsepe Alster na nginitian niya si Narra na nagtago agad ito sa likod ng ama niya.

Lumipas ang panahon at naging abala si Prinsesa Lucia sa pag-aaral niya habang naging malapit namang magkaibigan si Prinsepe Narra at si Lorenzo na halos araw-araw silang nagkikita at naglalaro sa gubat. Hindi kasi pinapalabas ni Prinsesa Maureen si Prinsesa Lucia dahil sa nag-iisang anak lang nila ito at natatakot din siya na baka me kung anong mangyari sa Prinsesa pagwala siya sa tabi niya “mama, pwede ho ba akong maglaro sa labas pagkatapos kong mag-aral?” tanong ni Prisesa Lucia sa mama niya “pasensya kana anak ha? Hindi lang muna ngayon” sagot ni Prinsesa Maureen. “Pero mama, nasa saktong edad na po ako at nandyan naman ang mga kawal para bantayan ako” sabi ni Prinsesa Lucia “anak, huwag matigas ang ulo ha?” sabi ng mama niya na napabugnot lang si Prinsesa Lucia.

1656: Sampung taon na si Lorenzo at nagsisimula narin itong mag ensayo sa paggamit ng espada at ibang kagamitan sa pandirigma, sa ganitong edad kasi sinisimulang turoan ang mga batang Bailan. “Lorenzo, sobrang hina ng mga palo mo, lakasan mo at bilisan mo ang paggalaw mo” sabi ng guro niyang si Amistad, isa sa Kapitan ng mga sundalo ng mga Bailan “ganyan at itaas mo ang ulo mo huwag kang yumuko, paano mo makikita ang kalaban mo kung nakayuko ang ulo mo” turo ng guro niya. Tinuroan din ni Amistad si Lorenzo kung paano pumana at gumamit ng patalim, isang araw habang nasa gubat sila nakakita sila ng Usa at si Lorenzo ang inatasang niyang hantingin ito para sa haponan nila.

“Kapitan, pasensya na po pero hindi ko ata kayang patayin ang isang nilalang ng walang kalaban-laban” rason ni Lorenzo sa kanya na si Amistad na mismo ang pumana sa Usa at isang tira lang niya natumba ito. “Ayaw mong pumatay? Pwes ito ang parusa mo, buhatin mo yan pabalik sa kampo natin” utos ng Kapitan sa kanya na napakamot nalang sa ulo si Lorenzo at binuhat ang matandang Usa na malaki pa sa katawan niya. “Pssst… Enzo…” mahinang tawag ni Narra sa kanya na nagtatago ito sa likod ng puno habang binubuhat niya ang malaking Usa, sininyasan siya ni Narra na magkita sila sa tabing ilog at tumango si Lorenzo.

Nung nakabalik na sila sa kampo nila nagpaalam si Lorenzo na maghuhugas lang ng katawan dahil sa dugo ng Usa na dumaloy sa katawan niya na pinayagan naman siya ni Amistad. Nagmamadaling tumakbo si Lorenzo papunta sa ilog at nakita niya si Narra na nagtatago sa likod ng puno “Enzo.. dito!” tawag ni Narra sa kanya na doon na siya sa bandang yun naghugas ng kamay “bakit ka nandito?” tanong ni Lorenzo sa kanya. “Wala kasi akong magawa, tara na laro muna tayo” yaya ni Narra sa kanya “hindi pwede, nag eensayo kami” sabi ni Lorenzo sa kanya “pag-eensayo ba yung pinabuhat ka niya ng patay na Usa?” tanong ni Narra sa kanya “ayaw ko kasing patayin kaya ako ang inatasan niyang magbuhat” sagot ni Lorenzo.

“Enzo, parang ikaw lang ata ang kilala kong Bailan na ayaw pumatay” natatawang sabi ni Narra “masama ba yun, Narra?” tanong ni Lorenzo sa kanya na natahimik ito bigla “tama naman yun, kaibigan pero kilala ang angkan niyo bilang magaling na mandirigma, darating ang panahon na tatawid ka sa puntong yun at kumitil ng buhay” sabi ni Narra sa kanya. “Alam ko yun, pero hanggang maaari dapat pairalin parin ang diplomasiya at bigyang pagkakataon ang bawat isa na intinidihin ang sitwasyon” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Hahaha para kang si ama kung magsalita Enzo” natatawang sabi ni Narra “si Haring Ugat nga ang nagsabi nun, ikaw talaga Narra hindi ka kasi nakikinig sa ama mo eh” sabi ni Lorenzo sa kanya na naghubad ito ng damit at tumalon sa ilog.

“PRINSEPE NARRA!” narinig nila ang tagabantay niya “aalis na ako Enzo, babalik ba kayo dito?” tanong ni Narra sa kanya “hindi ko alam, papadalhan nalang kita ng ibon kung babalik kami dito” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Sige, at paparating na si Acacia tiyak papagalitan nanaman ako nito” sabi ni Narra na tumakbo ito palayo sa ilog sa ibang direksyon na dinaanan ni Acacia. Tuloy lang sa paglangoy si Lorenzo at pagkatapos niyang maligo nagdamit na siya at bumalik sa kampo nila na ngayon ay malapit ng maluto ang Usa na pinana ni Kap. Amistad kanina. “Bakit ang tagal mo, Lorenzo?” tanong ng Kapitan sa kanya “naligo na po ako Kapitan para pagdating ko sa bahay hindi magagalit si nanay” rason ni Lorenzo.

1662: Desisais anyos na si Lorenzo at sa anim na taong pag-eensayo niya sa larangan ng pandirigma naging dalubhasa na siya nito at tumalas narin ang pandinig niya na kahit tibok ng puso na isang Usa maririnig na niya ito kung saan at gaano kalayo ito. Naging lalong malapit sila ni Prinsepe Narra na ngayon ay sinisimulan naring turoan sa responsibilidad niya sa kaharian nila para balang araw kung bababa na sa truno ang ama niyang si Haring Ugat alam na niya ang dapat niyang gawin. Habang si Prinsesa Lucia naman ay nasa Romania at nagsisimula naring matutong humawak ng espada at mismong lolo pa niyang si Haring Voltaire ang nagturo sa kanya sa larangan ng pandirigma at paggamit sa kapangyarihan niya.

Nagkikita parin si Lorenzo at si Narra para maglaro at tumambay sa malaking bato sa gitna ng gubat, isang araw habang nakahiga sa ibabaw ng malaking bato si Lorenzo dahan-dahang lumapit sa kanya si Narra para gulatin siya. “Hehehe.. ” natatawa ng mahina si Narra habang papalapit na siya kay Lorenzo ng biglang “kung ano man ang binabalak mo Narra kalimutan mo na yan” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Awww.. ” sabi ni Narra na nilingon siya ni Lorenzo at tinawanan siya nito “nakalimutan ko matalas pala ang pandinig mo” sabi ni Narra sa kanya “tama! hehehehe naririnig ko ang tibok ng puso mo, kaibigan” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Talo talaga ako sayo pagdating sa gulatan” sabi ni Narra sa kanya na umupo nalang siya sa tabi ni Lorenzo at inabutan niya ito ng prutas at kumain sila.

Habang kumakain sila nakarinig sila ng iyak ng isang Usa sa malayo “saan galing yun?” tanong ni Narra na tumayo si Lorenzo at pinikit ang mga mata niya “sa silangan!” sabi niya. Agad siyang tumalon at tumakbo papunta sa umiiyak na Usa “HOY ENZO! HINTAYIN MO AKO!” tawag ni Narra sa kanya na nakita niyang mabilis itong tumakbo palayo sa kanya “si Enzo talaga!” sabi ni Narra na tumalon siya sa isang puno at pumasok siya nito. Narating na ni Lorenzo ang umiiyak na Usa at nakita niya ang dalawang lobo na umiikot nito “hoy! ano ang ginagawa niyo dito?” tanong ni Lorenzo sa kanila “bata, huwag kang makialam sa hapunan namin” sabi nung isang lobo sa kanya.

“Pinagbabawal ang pangangaso dito sa gubat kapag walang pahintulot mula kay Haring Ugat” sabi ni Lorenzo sa kanila “wala kaming pakialam, kung ayaw mong mamatay tumahimik ka nalang” sabi nung isang lobo sa kanya. “Hindi kayo taga rito ano?” tanong ni Lorenzo sa kanila na nilingon siya ng dalawang lobo at dahan-dahan itong lumapit sa kanya “hindi ka talaga tatahimik ano bata?” tanong nung isang lobo na nilabas na nito ang mahabang pangil niya. Hinugot ni Lorenzo ang espada niya at naghanda narin siya “tingin mo makakatulong yang espada mo laban sa amin?” tanong nung nasa kaliwa na pinalibutan siya ng dalawa. “Gilas, gagawin nating panghimagas ang batang ito” sabi nung nasa kaliwa ni Lorenzo “hahaha tama ka masarap itong panghimagas” sagot naman nung isa.

“Panghimagas ha?” tanong ni Lorenzo sa kanila na sabay siyang inatake ng dalawang lobo na agad siyang tumalon paharap at gumulong siya sa lupa na nagtama ang dalawang lobo nung ginawa niya ito. Agad na tumayo si Lorenzo at hinanda ang sarili sa pag-atake ng dalawa “hahaha” tinawanan niya ang dalawa na agad bumangon yung isa at galit itong tumakbo palapit sa kanya “AKIN KA NGAYON!” sigaw nito. Tumalon ito at tinaas ang isang paa na ngayon ay nakalabas ang ang mahabang kuko niya at nung malapit na siya agad tumalon pakaliwa si Lorenzo kaya nakailag siya at saktong hinamapas niya ito ng espada niya na naputol ang paa nito. “GRAAAAWWWW!!!” napasigaw ito sa sakit nung bumagsak ito sa lupa “GILAASSS!” sigaw nung kasamahan niya na mabilis itong bumangon at tumingin kay Lorenzo.

“PAPATAYIN KITAAAA!” sigaw nito at mabilis itong tumakbo papunta kay Lorenzo na bigla nalang itong napahinto nung me mga ugat na bumalot sa katawan niya “pasensya na Enzo kung nahuli ako” paumanhin ni Narra. “Palagi naman eh” natatawang sagot ni Lorenzo sa kanya na tinaas ni Narra ang lobong binalutan niya ng ugat at hinigpitan pa niya ang pagkabalot nito “AAAAAHHHWOOOOOOOO” umalolong ito at napansin nilang bumangon narin ang kasamahan niya. “PINUTOL MO ANG PAA KO!” sigaw nito kay Lorenzo na kahit putol ang isang paa nito sumugod parin ito kay Lorenzo na bigla nalang itong napadapa sa lupa at bumalot sa katawan ng lobo ang itim na kadena at hinila ito paatras papunta sa puno at ginapos ito.

Nagulat sila pareho nung makita ito at kumalma na si Lorenzo nung makita ang itim na kadena dahil kilala niya kung sino ang nagmamay-ari nito “haayyy.. pareho kayo ni Narra palaging huli sa lahat” sabi ni Lorenzo. “Pasensya na kayong dalawa hindi ko naman akalain na magkakaroon pala ng ganitong pangyayari habang wala ako” sagot nito kay Lorenzo “hahaha maayos lang yun ang importante nandito kana, Zoraida” sabi ni Lorenzo na lumabas sa likod ng puno si Zoraida (14 yrs old). “Zoraida!” tawag ni Narra sa kanya na ginapos din niya sa puno ang lobong nahuli niya at nag-abot silang tatlo sa gitna “akala niyo ito ang katapusan, nagkakamali kayo!” banta nung isang lobo sa kanila.

“Ano ang gagawin natin sa kanila?” tanong ni Zoraida sa kanila “una, gamutin mo muna ang sugat niya Zora” sabi ni Lorenzo “Narra, magpadala ka ng sulat sa tribu ng mga lobo at ipaalam mo sa kanila na me ligaw na mga lobo ang pumasok sa gubat niyo” utos ni Lorenzo sa kanila. “SIge” sabi ni Narra na pumasok ito sa loob ng isang puno at nawala ito habang ginamot naman ni Zoraida ang kamay ng isang Lobo na ngayon ay nagkatawang tao na. “PAPATAYIN NAMIN KAYO!” sabi nung naputol ang kamay na nagpupumiglas silang dalawa para makawala sa pagkakagapos “mag si tigil kayong dalawa!” sabi ni Zoraida sa kanila “ma swerte kayo at sila ni Enzo ang nakaharap niyo kung hindi matagal na kayong patay” dagdag niya na napatigil ang dalawa.

“Zora” tawag ni Lorenzo na lumayo si Zoraida sa lobo nung nagamot na niya ito “alam ko ang lahat ng mga lobo sa tribu ni Haring Damyan, kaninong tribu kayo galing?” tanong ni Lorenzo sa kanila na hindi siya nito sinagot. Bumalik na si Narra kasama ang mga tauhan niya kaya binitawan na nila ang mga lobo at ginapos nila ito at pinaupo sa lupa “kahamalan kami na po ang bahala sa kanila” sabi nung isang tauhan ni Narra. “Sige dalhin niyo na sila palabas ng gubat at ibigay sila sa mga taong lobo” utos ni Narra sa kanila “masusunod po, kamahalan” sagot nung sundalo niya “Lorenzo ba kamo ang pangalan mo?” tanong nung Gilas sa kanya na tumingin si Lorenzo sa kanya. “Tatandaan ko ang pangalan mo” sabi nito bago sila dinala ng mga tauhan ni Narra paalis sa gubat.

“Lorenzo” tawag ni Zoraida na nilingon niya ito “bakit?” tanong niya “me masama akong pangitain sa lobong yun” sabi niya “anong pangitain?” tanong ni Narra “na hindi ito ang huling pagkikita niyo” sabi ni Zoraida. “Hahaha ikaw talaga Zora masyadong seryoso” natatawang sabi ni Lorenzo sa kanya na una itong naglakad pabalik sa malaking batong tinatambayan nila ni Narra “bakit ka nga pala naparito, Zoraida?” tanong ni Narra. “Naparito ako dahil inutosan ako ni Inang Zenaida para ipaabot kay Lorenzo ang gamot para kay ginang Nala” sagot ni Zoraida “me sakit ang nanay mo, Enzo?” tanong ni Narra “oo, ilang araw na siyang inuubo kaya humingi ng panlunas si tatay kay manang Zenaida” sabi ni Lorenzo sa kanya.

Naupo na silang tatlo sa ibabaw ng malaking puno at tiningnan ni Zoraida kung me sugat ba si Lorenzo “hindi nila ako tinamaan mabuti lang ako Zora” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Mabuti ng makasiguro, alam mong makamandag ang mga pangil at kuko nila” sabi ni Zoraida “nandyan ka naman para gamutin ako” nakangiting sabi ni Lorenzo na sinapak siya ni Zoraida ng mahina sa balikat. “Pero napaisip ako dun sa dalawang lobo kung sino at taga saan sila” sabi ni Narra “alamin nalang natin kay Dante tiyak malalaman niya kung sino ang mga yun” sabi ni Lorenzo na tumayo siya at inunat ang katawan.

“Malapit ng dumilim kailangan ko ng umuwi” sabi ni Zoraida na tumayo narin ito at bumaba sa malaking bato na siniko ni Lorenzo si Narra at nahiya ito “ah… Zoraida.. i..ihahatid na kita palabas ng gubat” sabi ni Narra. “Sige” sabi ni Zoraida na patagong natawa si Lorenzo dahil alam niyang me gusto si Narra kay Zoaraida “Enzo, ibigay mo agad yan kay ginang Nala” sabi ni Zoraida na tumango lang si Lorenzo at umalis na sila ni Narra. Tiningnan lang ni Lorenzo ang dalawa nung papalayo na ito at tumalon siya pababa sa malaking bato at nagsimulang maglakad pabalik sa kanila na dumaan pa ito muna sa ilog para maligo.

Nakagawian na niyang maligo bago umuwi sa kanila dahil alam niyang papagalitan siya ng nanay niya pag hindi siya naligo o mangangamoy pawis siya. Gaya ng dati hubo’t-hubad siyang naligo sa ilog at nagpalutang-lutang lang siya habang nakatingin sa kalawakan na kita niyang nag-iiba na ang kulay nito dahil palubog na ang araw. Sumisid siya pailalim at nakita niya ang mga isda na lumalangoy sa paligid niya at umangat siya at paglabas niya sa ibabaw “ang sarap ng….” napatigil nalang siya nung maramdaman niyang me taong nakatayo sa gilid ng ilog kaya lumangoy siya papunta sa gilid at umahon siya. Nakahood ito kaya hindi niya makita ang mukha kaya dahan-dahan niyang dinampot ang damit niya at sinuot niya ito na nakatayo lang ang taong nakahood malayo sa kinatatayuan niya.

Nung nakabihis na si Lorenzo nakita niyang me lumabas na espada sa damit nung tao at agad umabante ito papunta sa kanya kaya hinugot niya ang espada niya at dinepensahan niya ang sarili niya. Tinulak niya ito palayo na agad itong tumalon papunta sa kanya kaya gumulong siya paharap at yung lupa ang nasaksak ng kalaban niya na agad siyang bumangon at humanda. “Magaling!” sabi nung kalaban niya “salamat!” sagot niya na umabante siya at dumepensa ang kalaban niya at nag espadahan silang dalawa hanggang sa narating nila ang malaking bato. Natulak si Lorenzo sa puno at napasandal siya nito na agad umabante ang kalaban niya para saksakin siya pero nakailag siya. Sabay yuko niya at binigyan niya ng leg sweep ang kalaban niya at natumba ito at nabitawan ang espada niya.

Tumalon si Lorenzo para saksakin niya ito pero nahawakan ng kalaban niya ang kamay niyang me hawak ng espada at gumulong silang dalawa habang nag-aagawan sa espada niya. Huminto sila sa tabi ng malaking bato habang nakahawak yung kalaban niya sa kamay niya “malakas ka” sabi nung kalaban niya “ikaw din” sagot niya na pilit tinulak ni Lorenzo ang espada sa lalamunan ng kalaban niya. Tinuhod si Lorenzo sa gilid kaya napaalis siya ng konte sa kalaban niya na nagmamadali siyang bumalik sa pwesto at nilagay ang espada niya sa lalamunan ng kalaban niya pati din ito nung me lumabas na espada sa palad niya.

Pareho silang me espada sa lalamunan nila kaya napatigil silang dalawa at nagpakiramdaman “haahh..haahh..haahhh..” humihingal si Lorenzo dahil sa pagod na nanginginig na ang kamay niyang nakahawak sa espada niya. “Hinihingal kana.. pagod?” tanong nung kalaban niya na parang hindi ito napagod “alam mo naman na kagagaling ko lang sa ilog at kanina me dalawang lobo din kaming nakalaban” sagot ni Lorenzo sa kanya. “Haayyy.. ito ba ang pinagkakaabalahan mo habang wala ako ha, Enzo?” tanong nito “hindi ah!” sagot niya na inalis niya ang espada sa lalamunan ng kalaban niya pati din ito. “Kumusta kana?” tanong ni Lorenzo “mabuti lang ako… ikaw?” tinanong siya “mabuti na ako ngayong nandito kana” sabi ni Lorenzo na inalis niya ang hood na nakatabon sa mukha at nakita niyang nakangiti ito “Lucia” sabi niya.

Magkatabi silang nakahiga sa ibabaw ng malaking bato habang nakatingin lang sa kalawakan “natutuwa ka bang makita ako, Enzo?” tanong ni Lucia sa kanya na nginitian niya ito. “Oo naman, ikaw?” tanong niya na nag-isip muna si Lucia at sabing “hmmm… hindi ko alam” kaya dumapa si Lorenzo at tumingin kay Lucia “hindi mo alam?” tanong niya na tumalikod si Lucia sa kanya. “Oh? Tinalikuran lang ako” sabi ni Lorenzo na patagong natawa si Lucia sa kanya na humiga muli si Lorenzo “kung ganun eh hindi narin ako natutuwang makita ka” sabi ni Lorenzo na agad humarap sa kanya si Lucia. Nilagay ni Lucia ang kaliwang kamay niya sa dibdib ni Lorenzo at tumingin ito sa mata niya “kahit kelan man hindi ka nawala sa isipan ko, hindi ka nawala sa puso ko, nananabik akong makita ka habang nasa Romania ako” sabi niya na napangiti si Lorenzo.

“Hehehe.. alam ko yun” sabi ni Lorenzo sa kanya na biglang bumangon si Lucia at umupo ito “bakit?” tanong niya na bumngon din siya at umupo “wala… wala na si mama Enzo” sabi ni Lucia na nagulat si Lorenzo. “Bakit? Ano ang nangyari?” tanong niya “sinalakay kami ng mga taong bayan nung nandun kami sa palasyo” kwento niya “sinakripisyo ni mama ang buhay niya para lang makatakas kami kaya.. huhu…” naiyak siya kaya inakbayan siya ni Lorenzo kaya sumandal si Lucia sa dibdib niya. “Kinalulungkot ko ang nangyari sa inyo Lucia” sabi niya habang hinihimas niya ang kaliwang braso nito. “Dapat nakaraang buwan pa kami nakabalik dito pero dahil sa nangyari nagtago muna kami at hinayaang humupa ang sitwasyon” kwento ni Lucia na hinalikan siya ni Lorenzo sa noo.

“Ang importante nandito kana at walang nangyari sayo” sabi ni Lorenzo sa kanya na tumingin sa kanya si Lucia at naghalikan silang dalawa at yumakap ng mahigpit sa kanya si Lucia at umiyak ito sa dibdib niya. “Kumusta na nga pala ang papa mo?” tanong ni Lorenzo “nasugatan si papa pero ginagamot na siya ngayon ng mga tauhan ni lolo” sagot niya “ikaw? Hindi ka ba nasugatan?” tanong ni Lorenzo “hindi” sagot niya “mabuti naman” sabi ni Lorenzo na niyakap niya ng mahigpit si Lucia. Naglakad-lakad silang dalawa sa gubat habang magkahawak kamay at dumating sila sa isang puntod na malapit sa pangpang at tumayo silang dalawa dun habang nakatingin sila sa bilog na buwan.

“Mangako ka sa akin Lorenzo” sabi ni Lucia na napatingin sa kanya ang binata at humarap sa kanya si Lucia “mangako ka sa akin na hindi ka mawawala sa tabi ko” sabi ni Lucia sa kanya na ngumiti si Lorenzo. Lumuhod siya sa harap ni Lucia at kinuha nito ang kanang kamay niya at hinalikan niya ito “nangangako ako, mahal ko” sabi ni Lorenzo sa kanya na lumapit sa kanya si Lucia at niyakap nito ang ulo ni Lorenzo at niyakap naman ng binata ang beywang niya. “Pero..” sabi ni Lorenzo “tandaan mo Lucia, tao lang ako, isang mortal na marami man akong kayang gawin pero hindi magiging sapat para mabuhay ng matagal” paalala ni Lorenzo sa kanya.

“Mahal ko, me paraan naman para mabuhay ka ng matagal para magsama tayo ng habang buhay” sabi ni Lucia sa kanya na ngumiti si Lorenzo “patawad mahal ko, alam mong isa akong Bailan pinagbabawal sa kultura namin ang iniisip mo” sabi ni Lorenzo sa kanya. Hinila patayo ni Lucia si Lorenzo at hinawakan niya ito sa mukha “mortal, Bailan, Lobo, Engkanto, Taong Puno o ano ka pa man kung gugustohin kong mabuhay ka ng matagal kasama ko walang kultura o paniniwala man ang makakapagpigil sa pagmamahalan natin” sabi ni Lucia sa kanya. “Mahal kita Lucia pero… mananatili parin akong mortal.. ipinangak akong mortal.. gusto ko din mamatay bilang mortal sa natural na takbo ng buhay ko” sabi ni Lorenzo sa kanya. Napaluha si Lucia dahil alam niyang darating ang panahon na iiwan siya ni Lorenzo at kahit siya pa ang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong mundo wala siyang magagawa para pigilan ito.

Naglakad na sila pabalik sa malaking bato ng mapansin ni Lucia na me dalawang taong nakatingin sa kanila sa malayo kaya hinawakan niya sa balikat si Lorenzo na napansin naman ito ng binata. “Kelan ulit tayo magkikita?” tanong ni Lorenzo sa kanya “sa susunod na bilog ang buwan, Enzo” sabi ni Lucia sa kanya na nagyakap silang dalawa at naghalikan sila. Naglakad na si Lucia patungo sa dalawang taong naghihintay sa kanya at sinuot niya muli ang hood niya “paalam mahal ko” sabi ni Lorenzo na nilingon siya nito at nginitian siya. “Kamahalan” sabi nung isang tauhan niya “tayo na” sabi ni Lucia sa kanila na bigla nalang silang nawala at napangiti nalang si Lorenzo at kinuha ang gamot na binigay ni Zoraida kanina at umuwi narin siya.

Pagdating niya sa kubo nila hinanda niya agad ang gamot ng nanay niya at binigay niya agad ito nung pagkatapos na niyang ilaga ang dahong binigay ni Zoraida “bakit ang tagal mo, Lorenzo?” tanong ng nanay niya. “Me ginawa pa kasi kami ni Narra nay at naligo narin ako bago ako umuwi” rason niya habang iniinom ng nanay niya ang gamot na hinanda niya at umubo ito pagkatapos “haaa… ” galing sa nanay Nala niya at nginitian siya nito. “Mabuti na po kayo nay?” tanong ni Lorenzo “haayy sa wakas nakakahinga narin ako ng maayos, anak” sabi ng nanay niya na tumalab agad ang gamot na binigay ni Zoraida sa kanya. “Ipaabot mo kay Zenaida ang pasasalamat ko pagnagkita muli kayo ni Zoraida, Enzo” sabi ng nanay niya “makakarating po, inay, teka asan ho ba si tatay?” tnaong niya “oonga pala pumunta ka sa kubo ng lolo mo nagpupulong sila ngayon dun” sabi ng nanay niya.

Pagkatapos ligpitin ang mga ginamit niya kanina sa kusina nagpaalam siya sa nanay niyang pumunta sa kubo ng lolo niya, naupo lang sa tabi si Lorenzo habang nagpupulong ang mga matataas na opisyal ng komyunidad nila. “Ano ang gagawin natin pinuno?” tanong nung isang opisyal “nakausap ko na si Haring Ugat at si Haring Damyan tungkol nito at sinabi ko na sa kanila na hindi tayo sasama sa gyera nila maliban lang kung aatakihin tayo” sagot ng pinuno nila na si Balin lolo ni Lorenzo. “Maghihintay pa ba tayo na aatakihin tayo bago tayo kikilos?” tanong nung isa pang opisyal “hmmm.. wala tayo sa lugar para sumali sa gyera nila Gilman” sabi ni Balin “teritoryo ang pinag-aawayan nila at hindi sinasakop ng mga aswang ang teritoryo natin kaya wala tayong dahilan para sumali” sagot ni Balin sa kanya.

Sumang-ayon kay Balin ang ibang opisyal habang yung iba naman ay nagdadalawang isip pa “kung nangangamba kayo na baka isali nila tayo, ipapangako ko sa inyo na walang buhay ng Bailan ang mawawala” sabi ni Balin sa kanila na tumango silang lahat. “Maghanda kayo kung ito ang paraan para maging kampante kayo, wala din namang masama kung maghanda tayo, hindi ba?” sabi ni Balin sa kanila na sumang-ayon silang lahat. “Me idaragdag pa ba kayo o hinaing na gusto niyong iparating sa ibang opisyalis?” tanong ni Balin sa kanila na walang sumagot sa kanila kaya tinapos na niya ang pagpupulong nila at isa-isa na silang lumabas sa kubo niya. “Lorenzo” tawag ni Gilman sa kanya nung makita siyang nakaupo sa gilid “magandang gabi po, ginoong Gilman” bati ni Lorenzo.

Lumapit sa kanila ang ama niyang si Lam-ang “anak, kanina ka pa ba dito?’ tanong niya “kakarating ko lang po, ama” sagot niya “Lam-ang tila nagbibinata na ang anak mong si Lorenzo” sabi ni Gilman na natawa lang ang ama niya. “Oo, binata na si Lorenzo at sa darating na panahon siya na ang susunod na mamumuno sa komyunidad natin” sabi ng ama niya “hahaha tama ka Lam-ang” sabi ni Balin na naglakad ito palapit sa kanila “lolo” tawag ni Lorenzo sa kanya na tinapik naman siya nito sa balikat. “Me napupusoan ka na ba, Lorenzo?” tanong ni Gilman sa kanya na biglang nahiya si Lorenzo “wa..bakit po niyo natanong?” tanong niya “Pinunong Balin, Hen. Lam-ang hindi niyo naitatanong nagdadalaga narin ang anak kong si Lala” sabi ni Gilman.

“Tama, magkasing edad lang sila ni Lorenzo” sabi ni Lam-ang na tiningnan niya si Lorenzo “gusto ko sanang ikasundo si Lo..” pinutol siya ni Balin “Gilman, hayaan mo ang apo ko ang pumili ng babaeng mapupusoan niya” sabi ni Balin sa kanya. “Ah.. hindi ko naman po inalis kay Lorenzo ang pagpili niya gusto ko lang ibigay alam sa kanya na gusto ko siyang maging parte ng pamilya ko” sabi ni Gilman. “At ipares siya kay Lala na alam kong me gusto din kay Lorenzo” sabi ni Gilman na nagulat silang tatlo sa sinabi niya “pwes kung ganun bigyan natin sila ng pagkakataong magsama” sabi ni Hen. Lam-ang “Lam-ang” tawag ni Balin sa kanya “patawad ama pero kilala mo ang apo mo na puro paglalaro at pag ensayo nalang ang nasa isip nito” sabi ni Lam-ang sa kanya “hayaan mo muna siyang maranasan ang pagkabinata niya” sabi ni Balin sa kanya “o..opo ama” sagot ni Hen. Lam-ang.

Nagpaalam na si Gilman at naiwan silang tatlo sa kubo “tandaan mo Lam-ang, hindi kita sinunod sa tradisyon natin na ipagkasundo sa ibang pamilya kaya huwag mong gawin ito sa nag-iisa kong apo” paalala ni Balin sa kanya. “Patawad po ama, Lorenzo” sabi ni Hen. Lam-ang “wala hong problema yun ama, naiintindihan ko po” sabi ni Lorenzo sa kanya “si Lorenzo ipagkasundo kay Lala?” biglang sabi ni Kap. Amistad na nakatayo na ngayon sa me pintoan ng kubo “Kapitan, kanina ka pa ba dyan?” tanong ni Hen. Lam-ang sa kanya “hindi po Heneral, narinig ko lang po ang parte na ipagkasundo si Lorenzo kay Lala, hahahaha si Lorenzo at Lala? Parang langis at tubig ang dalawa hahaha” natatawang sabi ni Kap. Amistad “Kapitan” tawag ni Balin sa kanya na natahimik ito at niyuko ang ulo “patawad po, Pinuno” sabi niya.

“Pumasok ka dito Kapitan” yaya ni Balin sa kanya kaya pumasok ito sa loob at naupo sa harapan niya nung nasa mesa na silang apat. “Paumahin po kung nahuli ako sa pagpupulong pinunong Balin” paumanhin niya. “Walang anuman yun, ano ang balita Kap. Amistad?” tanong ni Balin sa kanya “masama po, pinuno” sagot niya “bakit?” tanong ni Hen. Lam-ang “Pinuno, Heneral naghahanda na po ang mga aswang para sumalakay sa ibang kaharian, binalita ito ni Hen. Romolo sa akin na naghahanda na din ang mga Lobo sa mangyayari” balita niya. “Masama ito, ama” sabi ni Hen. Lam-ang sa ama niya na napahawak sa baba si Balin at nag-isip ito. “Lolo, ano ho ba ang gagawin natin?’ tanong ni Lorenzo sa kanya na tumayo ito kaya napaatras silang dalawa ni Hen. Lam-ang at lumuhod sa harapan niya pati narin si Kap. Amistad.

“Hindi tayo gagalaw hanggang hindi tayo kailangan ng mga kaalyado natin, Heneral Lam-ang” sabi ni Balin “po?” tanong niya “Ipagbigay alam sa mga tauhan natin na maghanda sila sa posibilidad na mangyayari” utos ni Balin sa kanya. “Masusunod po, pinuno” sabi ni Hen. Lam-ang “Kapitan Amistad!” tawag ni Balin “po?” “magpadala ka ng sulat sa mga taong Lobo at ipaalam mo sa kanila na nasa likod nila tayo at handa tayong lalaban kung kailanganin nila tayo” utos ni Balin “masusunod, pinuno” sabi niya na umalis na silang dalawa ni Heneral Lam-ang. “Lolo, ano ho ba ang gusto niyong gawin ko?” tanong ni Lorenzo “Enzo, umuwi ka sa inyo at bantayan mo ang nanay Nala mo” utos ng lolo niya.

“Pero pinuno, dalubhasa na po ako sa pandirigma kailanganin niyo po ang abilidad ko sa pakikipaglaban” sabi ni Lorenzo “hindi na muna ngayon Lorenzo” sabi ng lolo niya na naglakad ito “umuwi kana sa inyo at alagaan mo ang nanay mo” utos niya “masusunod po… lolo” sagot niya. Nakita niya sa labas na abala ang mga tauhan nila sa paghahanda sa mga kagamitan nilang pandigma at nakita niya ang ama niyang inuutosan ang mga sundalo nila. Naka alarma ang buong komyunidad nila at gising ang lahat ng mga tao dahil kasalukoynag nag-aaway ang pwersa ng mga taong puno at Lobo laban sa mga aswang.

“Ama!” tawag ni Lorenzo na nakasuot ito ng damit na pandigma “Lorenzo, bumalik kana sa loob ng kubo at bantayan mo ang nanay mo” utos ng tatay niya “hindi ama, tutulong po ako sa inyo” sabi niya. “Anak, mas makakatulong ka sa akin kung nasa tabi ka ng nanay mo” sabi ni Hen. Lam-ang sa kanya “sundin mo nalang ang inuutos ni Heneral Lam-ang, Lorenzo” sabi ni Kapitan Amistad sa kanya na ngayon ay naka damit pandigma narin. “Pero Kapitan nakahanda na po ako…” “huwag kana makipagtalo pa Lorenzo” sabi ng tatay niya “o.. opo ama” sagot ni Lorenzo “ano yun?” tanong ni Kap. Amistad “ah.. opo Heneral!” sabi ni Lorenzo at bumalik na siya sa kubo nila “anak” tawag ng nanay niya na ngayon ay nakadamit pandigma narin ito “nay, dito lang daw tayo sabi ni ama” sabi niya na tumango ang nanay niya at umupo ito.

Lumipas ang magdamag at nakatanggap sila ng balita na tapos na ang gyera at binalita sa kanila na napatay ang Hari ng mga Aswang na si Magno “masamang pangitain ito, ama” sabi ni Hen. Lam-ang kay Balin. “Ilagay parin sa alerto ang komyunidad natin, hindi natin alam baka gaganti ang mga aswang sa nangyari sa Hari nila” utos ni Balin sa mga tauhan niya. Samantala, nagpatawag ng pagpupulong si Haring Ugat at nagtitipon silang lahat sa kaharian niya. Dumating ang mga pinuno ng mga Lobo, Bampira, Engkanto at Bailan na agad nagsalita si Haring Damyan tungkol sa nakuha nilang aklat ng mga aswang “kami ang dapat humawak niyan” sabi niya “at tingin mo karapat-dapat ka sa aklat na yan, Damyan?” tanong ni Haring Helius ng mga Engkanto.

“Ipagpalagay natin na mapanganib ang aklat na ito, hindi ba ang dapat humawak nito ay ang mga nilalang na hindi kayang gamitin ang aklat na ito?” sabi ni Haring Ugat na napatingin siya kay Balin. Tumayo si Balin at nagsalita siya “salamat sa sinabi niyo Haring Ugat pero hindi ko po matatanggap ang aklat na yan” sabi niya na nagsalita agad si Damyan “ayaw niya sa aklat na yan pwes akin nalang yan!” sabi niya. “Hindi nga pwede Damyan dahil uhaw ka din sa kapangyarihan” pagtutol ni Haring Helius na biglang tumayo si Damyan at huhugotin na sana niya ang sandata niya ng biglang bumulwak ng apoy si Haring Voltaire sa ere kaya napatigil silang dalawa.

“Patawad sa inyong lahat pero naiirita na kasi ako sa bangayan ng dalawang ito” sabi ni Haring Voltaire “kung nag-aaway kayo dahil sa aklat na yan bakit hindi nalang natin ito sunogin” suhistyon niya na inayawan ng dalawang hari. “Kung maaari lang sana Haring Voltaire pero makapangyarihan ang aklat na ito kaya hindi ito masisira kahit ano man ang gagawin natin nito” sabi ni Haring Ugat “pwes, sa akin mo nalang ibigay yan” sabi ni Haring Voltaire. “Bakit sa’yo?” tanong ni Haring Damyan “dahil hindi ako katulad mo na naghahangad ng mas mataas pang kapangyarihan at hindi rin ako katulad mo Helius na kinokonsiderang mababa sa akin ang lahat ng nilalang” sabi ni Haring Voltaire na sinang-ayunan siya ni Haring Ugat at ni Balin.

“Wala bang tututol sa hiling ni Haring Voltaire?” tanong ni Haring Ugat sa kanila na umayaw si Damyan pero natalo din siya dahil tatlo laban sa isa ang bumoto na mapunta kay Haring Voltaire ang Aklat ng Dilim. Galit na umalis sa pagtitipon si Haring Damyan at nagbanta na pa ito “sa oras na gagamitin mo ang aklat na yan, Voltaire ako na mismo ang papatay sayo” sabi niya bago siya umalis na si Hen. Romolo na ang humingi ng paumanhin sa kanila. Bumalik narin sa kaharian niya si Haring Helius gamit ang portal at naiwan si Haring Voltaire at Balin sa harap ni Haring Ugat “aalagaan ko ang aklat na ito, kaibigan” sabi ni Haring Voltaire “aasahan ko yan, kaibigan” sabi ni Haring Ugat na nagpaalam narin ang Hari ng mga Bampira na babalik sa palasyo niya.

“Voltaire” tawag ni Haring Ugat sa kanya na lumingon ito “aasahan ko na hindi mo gagamitin ang aklat na yan” nakangiting sabi niya na ngumiti din sa kanya si Haring Voltaire “makakaasa ka kaibigan, Balin” sagot niya. “Haring Voltaire, nasa likod mo lang din kaming mga Bailan pero sa oras na bubuksan mo ang aklat na yan” sabi ni Balin sa kanya “huwag kang mag-alala, Balin” sabi ni Haring Voltaire sa kanya “nga pala, ipinapaabot ng mahal kong apo ang pagmamahal niya kay Lorenzo” sabi ni Haring Voltaire bago ito tumalikod at kasama ang mga tauhan niya na bigla nalang silang nawala. “Hmm… ” narinig ni Haring Ugat galing kay Balin “huwag mo sanang ikasama ito, Balin” sabi ni Haring Ugat “hindi kamahalan, karapatan ni Lorenzo ang pumuli ng babaeng mapupusoan niya, pero.. hindi ko lang inaasahan na si Lucia ang mamahalin niya” sabi ni Balin na napangiti si Haring Ugat.

Lumipas ang panahon at natahimik na muli ang buong lalawigan, tumataas narin ang edad ni Lorenzo na siya na ngayon ang tumatayong Kapitan sa hukbong ng mga Bailan habang si Amistad naman ay tumaas narin ang ranggo niya. “Heneral” tawag ni Lorenzo sa kanya na niyuko nito ang ulo niya “Kapitan Enzo, ano ang balita sa labas?” tanong niya “nakahanda na po ang mga tauhan natin para sa ating paglalakbay” balita niya “magaling, sige susunod na ako” sabi niya habang naghahanda ito sa sarili. Habang sa palasyo ng mga Bampira naghahanda narin sila para sa koronasyon ni Prinsepe Alister para pumalit sa ama niyang si Haring Voltaire na ngayon ay tinamaan ng matinding karamdaman.

“Ama, akala ko ho ba hindi nagkakasakit ang isang bampira?” tanong ni Prinsesa Lucia sa ama niyang si Prinsepe Alister “oo, pero hindi sakit ang meron ang lolo mo kundi sumpa” sagot ng ama niya. “Sumpa?” takang tanong ni Prinsesa Lucia “oo anak, bago namatay ang Hari ng mga aswang nag-iwan ito ng sumpa sa sino mang hahawak sa Aklat ng Dilim” kwento niya sa anak niya “kaya huwag na huwag kang lalapit sa aklat na yun, naiintindihan mo ba Lucia?” sabi ng ama niya “naiintindihan ko po, ama” sagot ni Prinsesa Lucia. “Kamahalan, nandito na po ang mga panauhin niyo” sabi ng isa sa mga tauhan niya “mabuti, anak maghanda kana din ha?” sabi ng papa niya “opo, ama” sagot ni Prinsesa Lucia.

“Binabati kita Prinsepe Alister” bati ni Haring Ugat nung dumalo ito sa koronasyon niya “maraming salamat, Haring Ugat dito po kayo” turo ni Prinsepe Alister sa kanya, dumating din ang mga Lobo at mga Engkanto. Huling dumating sila Lorenzo na binati nila si Prinsepe Alister at nagbigay sila ng pasalubong sa kanya para sa nalalapit niyang koronasyon “maraming salamat Pinunong Lam-ang, aasahan ko ang suporta mo sa pagkakaisa nating lahat” sabi ni Prinsepe Alister sa kanya. “Maaasahan mo, Prinsepe Alister” sagot ni Lam-ang sa kanya na nagkangitian si Lorenzo at si Lucia “dito tayo kaibigan” yaya ni Prinsepe Alister sa kanila na naiwang nakatayo si Lorenzo at si Lucia na agad hinila palabas ni Lucia si Lorenzo nung lumayo na ang mga magulang nila at pumunta sila sa likod ng palasyo malapit sa hardin nila.

“Natutuwa ako para kay Prinsepe Alister, Lucia” sabi ni Lorenzo na nginitian siya ni Lucia at hinila siya nito papasok sa hardin nila “dito tayo” sabi ni Lucia. “ano ang gagawin natin..” hindi niya ito natuloy dahil siniil siya ng halik ni Lucia. “Nasasabik na ako sayo, mahal ko” sabi ni Lucia sa kanya na niyakap siya nito ng mahigpit “ako din, mahal” sagot ni Lorenzo na tumingin siya sa paligid. “Bakit?” tanong ni Lucia na bigla siyang hinalikan ni Lorenzo sa leeg na napasinghap siya at napayakap sa ulo nito “oohh… Enzoo.. :” umungol si Lucia na binaba ni Lorenzo ang dalwang kamay niya papunta sa pwet ni Lucia at pinsil niya ito. “Oooohhh.. mahal ko…” sabi ni Lucia na naghalikan silang dalawa.

Napatigil sila nung makarinig sila ng ingay sa kaliwa nila “me tao” mahinang sabi ni Lorenzo na niyakap siya sa beywang ni Lucia at bigla silang naging anino at lumipad paitaas at nagulat nalang si Lorenzo nung nasa loob na sila sa silid ni Lucia. “Paano?” takang tanong ni Lorenzo na bumitaw si Lucia sa kanya at naglakad ito papunta sa kama niya na dahan-dahan nitong hinubad ang suot niya at hubo’t-hubad na ito nung nakatayo siya sa gilid ng kama niya at tumingin kay Lorenzo. Hindi nakagalaw si Lorenzo sa nakita niya at napalunok siya ng laway nung makita niyang humiga sa kama si Lucia at kinakawayan siya nito para lumapit sa kanya. “Oh mahal ko” sabi ni Lorenzo na naglakad narin siya palapit sa kama at hinubad narin niya ang mga damit niya at hubo’t-hubad na siyang gumapang at pumatong sa ibabaw ni Lucia.

Hinimas niya ang mukha ni Lucia habang nagkatinginan silang dalawa “mahal ko… ” sabi ni Lorenzo “mahal… ibibigay ko ang lahat sayo” sabi ni Lucia sa kanya na bumukaka ito na naramdaman ni Lorenzo ang pagkababae ni Lucia nung tumama ang ulo ng alaga niya sa hiwa nito. “Oh mahal ko” sabi ni Lorenzo na naghalikan silang dalawa na inabot ni Lucia ang pwet niya at hinila niya ito dahilan para maipasok ang ulo ng titi ng binata sa hiwa niya. “Aaahhh… mahal…” sabi ni Lucia nung bumaon na ito sa loob niya “mahal.. napakaganda mo talaga” sabi ni Lorenzo na naghalikan muli silang dalawa at gumulong sila para si Lucia na ang nasa ibabaw niya

Inupoan ni Lucia ang titi ni Lorenzo dahilan para maibaon ito sa lagusan niya na napapikit ang dalaga at napasinghap ito nung naramdaman ang hapdi sa pagkababae niya. “Nasaktan ba kita, mahal?” tanong ni Lorenzo na bumangon ito at niyakap si Lucia. “Medjo.. pero kakayanin ko” sabi ni Lucia na nagkatinginan silang dalawa at naghalikan sila “aaahhhh..” napaungol si Lucia nung gumalaw siya sa ibabaw ni Lorenzo na napahalik sa dibdib ang binata at napaungol na din ito sa ginawa sa kanya ni Lucia. “Mahal… mahal kooohhhh..” sabi ni Lorenzo na tinulak siya pahiga ni Lucia at tinaas baba ni Lucia ang sarili niya kay Lorenzo na napapikit ang binata sa sarap na nararamdaman niya.

Dumapa sa ibabaw niya si Lucia at niyakap siya nito na yumakap din si Lorenzo sa kanya at naghalikan sila habang si Lorenzo na ang gumalaw para mailabas pasok ang alaga niya sa lagusan ni Lucia. Gumulong ulit sila na si Lorenzo na ang nasa ibabaw niya at bumukaka si Lucia at binalot niya ang mga binti sa beywang ni Lorenzo “oohh.. mahal… ” sabi ni Lucia na nagkatinginan sila ni Lorenzo. “Mahal na mahal kita… ” sabi ni Lorenzo sa kanya na napangiti si Lucia at pumikit ito sabay taas ng ulo niya nung maramdman niyang malapit na niyang maabot ang gloria “mahal.. mahaall..” sabi niya kay Lorenzo na ngayon ay bumibilis narin ang paglabas pasok ng alaga niya sa lagusan ni Lucia.

“Mahal.. mahal… ” tawag ni Lorenzo sa kanya dahil nakita niyang humaba ang pangil ni Lucia kaya nangangamba siyang makagat nito “mahal.. ” tawag muli niya na tumigil siya sa pagbayo sa dalaga. Biglang bumuka ang mata ni Lucia na nakita ni Lorenzo na nawala ang puting parte ng mata ng dalaga na puro itim nalang ito at tumingin ito sa kanya “BAKIT KA TUMIGIL” sigaw ni Lucia sa kanya na gumulong silang dalawa at napaibabaw sa kanya si Lucia. “Luciaaa…” tawag ni Lorenzo sa kanya na nilagay niya ang braso niya sa harapan niya dahil pilit nilalapit ni Lucia ang mukha nito sa leeg niya. Habang nangyayari ito gumagalaw narin ang balakang ni Lucia na napapapikit si Lorenzo dahil nararamdaman niyang malapit narin siyang labasan kaya pinilit niyang huwag mangyari ito dahil mawawalan siya ng lakas pagnagkataon.

“Luciaaaa.. ako itooohhhh..” sabi ni Lorenzo sa kanya na ginamitan na niya talaga ng lakas sa pagtulak para lang mapalayo niya ang mukha ni Lucia sa leeg niya na ngayon ay tumutulo na ang laway sa mukha at leeg niya. Biglang bumigat si Lucia na hindi na niya ito maitulak kaya pinatong niya ang kaliwang paa niya sa beywang ni Lucia at tinulak niya ito kasabay din ng pagtulak niya sa mukha ng dalaga na nahila siya nito nung natumba paalis sa kanya si Lucia. Nasa ibabaw na siya ngayon ni Lucia at kita niyang pilit nitong bumangon na pinigilan niya ito kaya wala siyang ibang paraan kundi kantutin ng mabilis ang dalaga. “Paa.. aahhh..ahhh. Luciaaahhhh…” ungol niya na napahiga narin sa kama si Lucia at napayakap ito sa kanya na kinalmot pa siya sa likod “GRAAAAAHHHHH.. ” napasigaw siya sa hapdi nung bumaon ang kuko ng dalaga.

Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at mabilis niyang kinantot si Lucia na nakikita niyang bumabalik narin ito sa sarili niya nung maramdaman niyang pumipintig ang kalamnan ng dalaga. “Oooohhh…. ” umungol si Lucia at biglang pumikit ito at nakita ni Lorenzo na bumalik na sa dati ang ipin niya at sa isang kadyot mabilis na lumuhod si Lorenzo at hinawakan niya ang titi niya na tumalsik ang maraming tamod niya sa katawan ng dalaga. “HAAAAA..HAAA..AAAHHHHH….” napaungol ng malakas si Lorenzo nung nilabasan na siya at kita niyang parang natutulog si Lucia at napailing nalang siya sa muntikan ng mangyari sa kanya kanina.

Humiga siya sa tabi ng dalaga na nakita niyang mahimbing na itong natutulog, hinalikan niya sa labi si Lucia at nilinis ang tamod niya sa katawan ng dalaga at kinumotan niya ito pagkatapos. “Mahal.. mahal..” ginising niya ito dahil malapit na ang seremonya ng koronasyo ng papa niya “mahal… mahal…” pagising ni Lorenzo kay Lucia ng bigla nalang siyang hinawakan sa leeg ni Lucia at dumilat ito. “Ma… mahal….” sabi ni Lorenzo na hinawakan niya ang kamay ni Lucia na pareho silang hubo’t-hubad na lumuntang sa ibabaw ng kama “Lu.. ciaaa…” sabi ni Lorenzo sa kanya na hinila siya palapit kay Lucia at binitawan siya nito na bumagsak siya sa ibabaw ng kama. Umuubo siya habang sumisinghap ng hangin at napatingin siya kay Lucia na nakalutang parin sa ibabaw niya “Lucia…” tawag niya sa dalaga na nakita niya ang pagkakabae nito.

Tumayo si Lorenzo at kita niyang nakatitig lang sa pader si Lucia na parang tulala ito kaya niyakap niya sa beywang ang dalaga at hinila niya ito pababa “mahal… ” tawag niya sa dalaga na parang natauhan ito at tumingin sa kanya. “Mahal..” sabi ni Lucia na nginitian siya ni Lorenzo “sa susunod… mag-iingat na tayo pagnagtalik ulit tayo” sabi ni Lorenzo sa kanya na nagulat si Lucia nung makita ang marka ng kamay niya sa leeg ng binata. “Wala ito mahal ko” sabi ni Lorenzo sa kanya na niyakap siya ni Lucia “patawarin mo ako mahal ko” sabi ni Lucia sa kanya “wala yun pangako” sabi ni Lorenzo sa kanya na hinalikan niya sa labi si Lucia kaya kumalma na ito.

Nagbihis na silang dalawa at dahan-dahang bumaba sa hagdanan at nagmasid na baka me makakita sa kanilang dalawa pero ang hindi nila alam nakita na pala sila ni Haring Voltaire nung lumabas sila sa silid ni Lucia. Nagtipon na ang lahat sa silid ng truno at naghihintay nalang sila sa pagbaba ni Haring Voltaire para masimulan na ang seremonyas, pumwesto si Lucia sa tabi ng papa niya habang si Lorenzo naman ay tumayo sa likuran ng ama niyang si Lam-ang. “Saan ka ba nagsusuot Lorenzo?” tanong ng ama niya “ah kinausap ko lang po si Prinsesa Lucia ama” sagot niya na nakatingin sa kanya si Hen. Amistad at hinila siya nito palapit “kinausap mo lang ba talaga?” mahinang tanong nito na natawa lang si Lam-ang.

“MAGBIGAY PUGAY KAYO SA MAHAL NA HARI!” sigaw nung nasa pintuan na lahat sila napatingin doon at niyuko nilang lahat ang ulo nila nung pumasok si Haring Voltaire na naglakad ito sa gitna papunta sa truno niya. Humarap silang lahat nung nakatayo na si Haring Voltaire sa harap ng truno niya “salamat at nakadalo kayong lahat sa gabi ng koronasyon ng anak kong si Prinsepe Alister” panimula niya. “Nagpapasalamat din ako sa mga tumulong at sumuporta sa aming kaharian lalo na sa kaibigan kong si Haring Ugat” sabi niya na niyuko ni Haring Ugat ang ulo niya pagbigay respeto kay Haring Voltaire.

Nagsimula na ang seremonyas sa loob ng palasyo pero sa labas nito me nangyayaring hindi nila inaasahan dahil isa-isang nawawala ang mga sundalong bampira na nagbabantay sa paligid nito pati narin ang mga lobo na inatasang tumulong sa kanila. “Huwag kayong mag-ingay, talasan niyo ang pandinig at mga mata niyo” utos ng isang Kapitan sa mga tauhan niya “opo, Kapitan” sagot ng mga tauhan niya na dahan-dahan narin silang lumapit sa palasyo. “Kapitan” tawag nung isang tauhan niya at tinuro ang grupo ng mga bampira na nakatayo malapit sa pintuan ng palasyo “hindi tayo dadaan dyan, sa taas tayo” sabi ng Kapitan nila na agad silang lumipad papunta sa bubong na pinana nila ang mga bampirang nagbabantay dito at agad silang dumapo na nagmamadali silang tumakbo papunta sa pintuan.

Itutuloy….

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories