Written by anino
Chapter X: Solace!
“Magandang gabi po, Ingkong Romolo, mga kasama” bati ni Solomon sa kanila “magandang gabi naman sayo, Solomon” bati din niya “maupo ka” sabi ni Ingkong Romolo na umupo sa harapan nila si Solomon. Tumingin si Solomon sa limang konseho ng mga lobo na nakaupo sa harapan niya na napagitnaan nila si Ingkong Romolo “balita namin nagising na muli ang kaibigan mo, kumusta na siya?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya. “Mabuti po siya pinuno, maayos ho ang kalagayan niya” balita ni Solomon sa kanila “bakit hindi mo sinabi agad sa amin na naglalakad na muli ang bampirang yun sa mundong ibabaw, Solomon?” tanong ni Leticia sa kanya na nakaupo sa kanan ni Ingkong Romolo.
“Kailangan ko ho bang ibalita sa inyo ang bawat galaw ng kaibigan ko?” tanong ni Solomon sa kanila “anong klaseng tanong yan?!” tanong ni Felimon na nakaupo sa kaliwa ni Ingkong Romolo. “Alam mong hindi siya totoong bampira, ni hindi siya pwedeng tawaging bampira o mortal” sabi ni Leticia “Abscheulichkeit (Abomination)” bigkas ni Mariano na nakaupo sa kanan ni Leticia “tumahimik kayo!” sabi ni Ingkong sa kanilang tatlo at natahimik sila. “Alam naming me kasundoan kayo ni Julian, Solomon. Pero tandaan mo kung sino ang dapat mauna” paalala ni Ingkong Romolo sa kanya “si Julian ang susi para mahanap natin ang Aklat ng Dilim” sabi ni Hen. Dante sa kanya.
“Patawarin niyo po ako pero hinding-hindi ko gagamitin ang kaibigan ko para sa binabalak niyo” sabi ni Solomon sa kanila “KATARANTADUHAN!” sigaw ni Felimon na tumayo ito pero hinawakan siya ni Ingkong Romolo sa kamay. “Huminahon ka Felimon, tandaan mo ako parin ang namumuno sa konsehong ito” sabi ni Ingkong sa kanya na kumalma ito at umupo ito sa upoan niya “naiintindihan kong matalik mo siyang kaibigan Solomon at alam ko din ang tungkol sa kasundoan niyo” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. “Ingkong, kayo na po mismo ang nagturo sa akin na huwag na huwag kong sisirain ang isang salita, kung sisirain ko ito lahat ng pinag-usapan ay malalagay lang sa wala” sabi ni Solomon sa kanya na napangiti ang matandang lobo sa sinabi niya.
“Solomon” tawag ni Hen. Dante sa kanya na nilingon niya ito “wala na si Isagani at si Maria pati narin ang mga anak nila” balita ni Hen. Dante na nagulat si Solomon nung marinig niya ito. “Wa… wala na sila?” gulat na tanong niya “oo, pinatay sila kaya ngayon kailangan namin ang tulong mo para mahanap natin ang Aklat ng Dilim” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. “Ano ang kinalaman ng Aklat ng Dilim sa pagkamatay nila?” tanong ni Solomon sa kanya na nagkatinginan sila Ingkong Romolo at Hen. Dante na tumango ang una. “Mga aswang ang pumatay sa kanila” balita ni Hen. Dante kay Solomon na nagulat siya nung marinig ito “pa.. paano nangyari ito? Hindi ba wala na ang mga aswang nung napatay natin ang Reyna nila?” tanong ni Solomon.
“Yun ang pinagtataka namin kung paano sila nabuhay muli” sabi ni Leticia “hanggang buhay ang Aklat ng Dilim hindi mawawala ang mga aswang sa mundong ito” sabi ni Felimon na tumayo si Ingkong Romolo at lumapit siya kay Solomon. “Solomon, alam mo ba kung bakit nila pinatay ang pamilya ni Isagani?” tanong ni Ingkong sa kanya na umiling si Solomon “sila ang inatasan naming magbantay sa espada ni Hen. Lorenzo na ngayon ay hindi na namin alam kung nasaan” sabi niya kay Solomon. “Alam mo kung ano ang peligrong darating sa atin kung magsama ang Aklat ng Dilim at ang Espada ng Liwanag, Solomon” paalala ni Ingkong Romolo sa kanya na napayuko ang ulo ni Solomon at tumayo siya.
“Ingkong, hindi po ako nangangako pero.. gagawin ko po sa abot ng aking makakaya” sabi niya sa pinuno nila “alam kong alam mo kung nasaan si Julian, Solomon” sabi ni Hen. Dante sa kanya. “Oo, pero ako na ang kakausap sa kanya kung maari” pakiusap ni Solomon sa kanila “ibibigay namin sayo ang panahon, Solomon” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “salamat po, pinuno!” sabi ni Solomon na niyuko niya ang ulo niya at umalis na siya. “Ipagkatiwala mo ba talaga sa kanya ito, Ingkong?” tanong ni Hen. Dante kay Ingkong Romolo “bigyan natin siya ng panahon, hindi madali sa kanya ang lahat, kilala mo si Solomon mananaig parin sa kanya ang nararapat” sabi ni Ingkong sa kanya “kaya ba talaga niyang patayin si Julian?” tanong ni Hen. Dante “panahon, panahon lang ang makakapagsabi niyan, Dante” sagot ni Ingkong Romolo.
Dahan-dahan na akong nagkamalay at me naririnig akong mga taong nag-uusap sa loob ng.. nasaan nga ba ako? “Ano ho ba ang ginagawa niyo dito manang?” tanong nung lalake “me masamang sinyalis akong naramdaman kaya ako napasugod dito” sabi nung.. teka boses ni manang Sonya ito ah?. Binuka ko ang mata ko at nakita kong nag-uusap silang dalawa sa sala at nakahiga na ako ngayon sa sofa. “Hindi na dapat kayo pumunta dito, mapanganib ang sitwasyon” sabi nung lalake kay manang Sonya “alam ko Julian pero nag-aalala ako sayo” sabi ni manang Sonya kay.. Julian. “Manang..” sabi nung Julian na kita kong lumingon sila sa akin kaya pinikit ko ang mata ko at nagkukunwaring tulog.
“Alam kong gising ka, Isabella” sabi ni manang sa akin nung binuka ko ang mata ko nakita kong nakayuko ito malapit sa akin na agad akong bumangon at tumalon sa likod ng sofa. “Huwag kayong lalapit me baril… (kinapa ko ang beywang ko pero wala ang baril ko kaya kinuha ko yung flower vase) me vase ako pamalo sa inyo!” banta ko sa kanila. “Haayy.. Issa huminahon ka magpapaliwanag ako” sabi ni manang Sonya sa akin na hindi ako naniwala sa kanya. “Isabella please huminahon ka” sabi niya sa akin dahil nagpapanic na ako at hinahampas ko na siya ng vase kaya lumayo siya at tiningnan nila ako “manang matatagalan tayo nito” sabi nung Julian kay manang Sonya “sige, gawin mo” sabi ni manang sa kanya “ano?” takang tanong ko na tiningnan ako sa mata at bigla nalang akong nanigas at natumba na agad niya akong sinalo at hiniga sa sofa.
“Patawarin mo ako, Isabella” sabi ni Julian sa akin na pilit kong gumalaw pero hindi ako makagalaw pero buti nalang nakapagsalita pa ako “ano ang gagawin niyo sa akin?” tanong ko sa kanila. “Wala” sagot niya sa akin na nginitian ako at tumayo siya at hinarap si manang Sonya “manang, delikado kayo dito kailangan niyo ng umalis” sabi ni Julian sa kanya “alam ko, tatawagan ko si Nerissa para buksan niya ang portal patungo sa bahay” sabi ni manang Sonya. “Portal? Ano ba ang pinagsasabi niyo?” tanong ko sa kanila na nung binaba ni manang Sonya ang telepono niya bigla nalang humangin sa loob ng apartment at nagulat nalang ako nung me biglang bumukas na pinto sa gitna ng sala.
“Kumilos na kayo manang ako na ang bahala kay Isabella” sabi ni Julian na tumango lang ang matanda at pumasok ito na bigla itong nawala “ah..ano.. ano ang nangyari.. ba.. bakit nawala si manang?” gulat kong tanong kay Julian. “Pumasok sa loob ng portal si manang Zora” sagot niya sa akin “Zora?” tanong ko na binuhat niya ako “patawarin mo ako Isabella pero delikado tayo dito kung magtatagal tayo sa lugar mo” sabi niya sa akin nung binuhat niya ako at naglakad siya patungo sa sinasabi niyang portal. “HOY ANO ANG GAGAWIN MO?!” tanong ko sa kanya “papasok tayo sa portal para makatakas sa kanila” sabi niya sa akin “kanila? Sinong sila?” tanong ko sa kanya.
“Mamaya ko na ipapaliwanag sayo” sabi ni Julian na napalingon siya sa bintana at bigla nalang nabasag ang mga ito at me mga naglalakihang aso ang pumasok sa loob “AAAAHHHH!!!” napasigaw ako sa takot nung nakita ko ang mahahabang pangil nila. “JULIAN!” nagsalita ang itim na aso at mabilis itong lumapit sa amin na tinadyakan niya ito sa mukha at napaatras ito kaya nakuha niya ang pagkakataon na tumalon sa loob ng portal, Habang nasa portal kami nakita ako ang mga asong nakatingin sa amin at maya-maya ay bigla silang nawala nung lumabas na si Julian sa kabilang pinto ng portal. “Ano ang nangyari?” tanong ni manang Sonya sa kanya “pinasok nila ang tahanan ni Isabella” sagot ni Julian na pinahiga niya ako sa sofa at nakita ko sa gilid ng portal si Nerissa na nakataas ang kamay niya at nung binaba niya ito bigla nalang nagsara at nawala ang portal.
“Nay, nararamdaman ko ang mga lobo sa kabilang dulo” sabi niya sa nanay niya “oo, nagmamasid pala sila sa amin buti nalang napansin ni Julian kung hindi malalagay sa peligro ang buhay namin” sabi ni manang Sonya. “Tenyente” sabi ni Nerissa na nakatingin silang tatlo sa akin, lumapit sa akin si manang Sonya at umupo ito sa mesa “walang mangyayaring masama sayo dito, Isabella” sabi niya sa akin. “Ligtas ka sa amin Tenyente hindi kami masamang tao” sabi ni Nerissa sa akin na hindi naman nagsalita si Julian “ano ba kayo? bakit.. parang…” nagugulohan ako sa sitwasyon “ipapaliwanag ko sayo pero bago yan kumalma ka ha?” sabi ni manang Sonya sa akin.
“Bibitawan ka ni Julian sa pagpaparalisa niya sa katawan mo basta mangako ka sa amin na hindi ka mag-iiskandalo kagaya kanina dun sa apartment mo” sabi ni manang Sonya sa akin na tumango ako. “Tandaan mo ito Isabella hindi ka pwedeng magsinungaling sa amin dahil yang si Julian” sabi niya na tiningnan ko si Julian “nababasa niya ang iniisip mo” dagdag niya na inalis ko sa isipan ko ang tumakas. “Pangako!” sabi ko sa kanya na nilingon lang niya si Julian at nakagalaw na muli ako, umupo ako sa sofa at nakatingin lang ako sa kanila na tumayo si manang Sonya at lumayo ito sa akin na tingin ko sinisiguro lang niya na hindi ko siya gagamitin bilang panangga sa pagtakas ko.
“Ngayon, sabihin niyo sa akin kung sino kayo” sabi ko sa kanila na nagkatinginan silang tatlo at unang nagsalita si manang Sonya “bago ko ikwento sayo kung sino kaming tatlo, sasabihin ko muna sayo ang totoo naming pangalan” sabi ni manang Sonya. “Ako si Zoraida ang taga payo at punong ministro ng itim na mahika sa kaharian ni Reyna Lucia” umpisa niya “sa kaliwa ko ay si Julian, isa sa mga katiwala at sundalo ng mahal na Reyna” pakilala niya. “At ito naman na nakilala mo sa pangalang Nerissa hindi siya ordinaryong tao” kita kong nakangiti siya nung tumingin siya kay Nerissa “hindi talaga Nerissa ang pangalan ko Tenyente” sabi ni Nerissa “ako si Jasmine, anak ako ng isang Diwata na inampon ni nanay Zoraida nung napatay ng mga aswang ang mga magulang ko” kwento niya sa akin.
“Ma.. mga maligno pala kayo?” gulat na tanong ko sa kanila “hindi kami maligno Isabella, mga nilalang kaming hindi kapareho mo, hindi kami mga mortal” sabi ni Zoraida sa akin “sa mga nakikita ko ganun ang konklusyon ko sa inyo, hindi niyo maikakaila na ganun nga kayo” sabi ko sa kanya. “Tawagin mo na kami sa kung ano ang gusto mo, hindi kami nananakit ng tao at hindi kami nambibiktima ng tao” sabi ni Julian sa akin na kita kong umalis si Neri…. Jasm… yung dalaga na pumunta ito ng kusina. “Uumpisahan ko na ang pagkwento sayo Isabella” sabi ni Zoraida sa akin na bigla nalang lumapit sa akin si Julian at nilagay niya ang dalawang daliri niya sa noo ko “mas mabilis ito kesa ikwento mo sa kanya, manang Zora” sabi niya na bigla nagdilim ang paligid at nawala silang lahat.
Me mga lugar at tao akong nakikita sa harapan ko at me magandang babae na nakatayo sa terrace na me kausap itong binata, nakikita ko sa mukha nila na nag-eenjoy sila sa pag-uusap nilang dalawa. Sumunod na scenario me nakita akong malaking mama na tinuturoan niya ngayon ang binata kung paano gumamit ng espada, me nakita din akong isang magandang babae at maputi na nagtatago sa likod ng poste habang nakatingin sa kanila. “Morietta, ano ang ginagawa mo dyan?” tanong nung magandang babae na nakausap nung binata sa terrace kanina “wala kamahalan” sagot niya dun sa babae na siya pala ang Reyna Lucia na tinutukoy ni Zoraida.
Marami akong nakita sa paglalakbay ko sa nakaraan nilang dalawa ni Zoraida, mga sundalo na nakasuot ng lumang damit pandigma, mga bakal na kanyon, malaking palasyo na tahimik sa umaga at sobrang saya paggabi. Mga naglalakihang puno na sa baba nito me mga taong akala ko mga puno din pero teka.. nakakapaglakad sila.. mga naglalakihang aso.. teka.. ito yung mga lobo pero bakit sila nagkatuwaan at nagtatawanan? “Kakampi namin noon ang mga lobo” sabi ni Julian na nakatayo na ito sa gilid ko “kakampi? Kung kakampi mo sila bakit ka nila hinahanting?” tanong ko sa kanya “me nangyari kasi noon” sagot niya sa akin na biglang dumilim muli ang paligid at ang sumunod na scenario ay ang isang silid kung saan nagtitipon silang lahat at nakita kong…. “… me nangyari sayo?” tanong ko sa kanya “oo” sagot niya sa akin.
Nakita ko kung paano nila binigay ang buhay nila para sa kanya na napatingin ako kay Julian at kita kong titig-na-titig siya sa Reyna na pansin kong naluha siya “i’m sorry” sabi ko sa kanya na napatingin siya sa akin. Marami pa siyang pinakita sa akin tungkol sa kahapon nila at kung paano sila sinalakay ng mga aswang “grabe pala ang nangyari sa inyo” sabi ko sa kanya na kinuha niya ang kamay ko at naramdaman kong malamig ang kamay niya ng biglang dumilim ang paligid at ang sumunod na scenario ay isang kubo sa gubat. Me panyo akong nakita sa gilid ng pinto ng kubo na tumingin ako kay Julian at tumango lang ito kaya lumapit ako sa pinto at kinuha ang panyo at dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Me nakita akong babaeng abala sa ginagawa niya “hello…” sabi ko dun sa babae na hindi ako pinansin “mahal ko!” narinig ko galing sa likuran ko na nagulat ako nung makita ko kung sino. “Ang binata sa palasyo, ikaw ito Julian?” tanong ko sa kanya na tumango siya at tiningnan namin ang binata na lumapit sa dalaga at mas lalo akong nagulat nung lumingon ang babae sa binata at nagyakapan silang dalawa. “Im.. imposible!” sabi ko na napaatras ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko, tumingin sa akin si Julian at biglang dumilim ang paligid at naramdaman ko nalang na inalis ni Julian ang mga daliri niya sa noo ko at napatingin ako sa kanya na kita kong me luhang dumaloy sa mga mata niya.
Lumutang siya papalayo sa akin at tumalikod ito “ikaw….. tayo…. “sabi ko na hindi ako makapaniwala sa pinakita niya “imposible.. baka.. gawa-gawa mo lang ito.. gawa-gawa niyo lang ito!” galit kong sabi sa kanila. “Hindi kami nagsisinungaling sayo, Isabella” sabi ni Zoraida sa akin “hindi! sinasabi ng taong ito na magsyota kami noon? tapos sasabihin niyong hindi! malaking kalokohan ito!” sabi ko sa kanya. “Dalawang daang taon na si Julian, Tenyente” sabi ni Jasmine sa akin “weeee.. hahaha niloloko niyo ako eh” sabi ko sa kanila “Julian” tawag ni Zoraida sa kanya na lumingon ito sa akin at tumingin sa mga mata ko at bigla nalang akong napalingon sa paligid ko nung nakita kong nasa kubo na uli ako at sa maliit ng silid ng kubo nakita ko ang dalawa na nagtatalik sa ibabaw ng kama kaya iniiwas ko ang tingin ko na bigla akong bumalik sa sala sa bahay ni Zoraida.
“PINAGLOLOKO NIYO BA AKO, HA?!” sabi ko sa kanila “SASABIHIN NIYO SA AKIN NA NABUBUHAY AKO NOON AT… MGA TARANTADO KAYO!” sigaw ko sa kanila na nakalimutan kong wala pala sa holster ko ang baril ko nung kinapa ko ito. Lumapit sa akin si Julian na binantaan ko siya “huwag kang lalapit sa akin gago ka marunong ako sa self-defense” sabi ko sa kanya na sinuntok ko ito pero tumagos lang ang kamao ko sa mukha niya nung naging anino siya. Umilag ako nung nakita kong ilalagay ulit niya ang dalawang daliri niya sa noo ko na akala ko nakatakas ako sa kanya nung kumlios ako pakaliwa na nakita ko nalang nakatayo na pala ito sa harapan ko at nailagay nga niya ang dalawang daliri niya sa noo ko at bigla akong napunta sa isang malaking bahay, me mga lumang gamit at lumang damit ang sinusuot ng mga tao.
Nakita kong nagkakagulo sila at tumakbo ang babae… no… ako pababa ng hagdanan at papunta sa sala kung saan naghihintay si Julian.. nagyakapan silang dalawa na kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya kay Julian. “LUMAYO KA SA KANYA, ISABELLA!” narinig ko sa likuran ko ang boses… teka… pamilyar sa akin ang boses na ito… nilingon ko ito at nagulat ako nung makita ko kung sino. “Pa… papa….” sabi ko na tinaas nito ang baril niya na tila tinutok ito sa akin at kinalabit niya ang gatilyo kaya napayuko ako na akala ko ako ang binaril niya “ISABELLAAA!” narinig ko ang sigaw mula sa kanan ko at nakita ko ang isang matandang babae na bigla itong hinimatay. Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong tinamaan sa tyan ang babae na bigla nalang silang nawala ni Julian at hinabol sila sa labas ni… at kita kong nagpapaputok ito at nagsisigaw sa galit.
Ang sumunod na scenario ang hindi ko na nakayanan nung makita ko silang dalawa sa isang isla at doon umiyak ako nung nakita kong namatay… namatay ako… dahil sa tama ng bala sa tyan ko at…. biglang me kamay na humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Julian at nakita ko ang lungkot sa mukha niya, naluha ako habang pinapanood ko silang dalawa at nakita ko nung lumutang si Julian at sumigaw siya. “Patawarin mo ako, Isabella” sabi ni Julian sa akin na umiling lang ako at bigla nalang kaming bumalik sa sala ni Zoraida “hayaan mo muna siya Julian” sabi ni Zoraida na lumayo sa akin si Julian habang nagpapahid ako ng luha.
Hinayaan lang nila ako na ma absorb ko ang lahat ng yun na binigyan ako ng tubig at tissue ni Jasmine “gagamutin ko ang sugat mo, Tenyente” sabi niya sa akin na nilapit lang niya ang palad niya sa sugat ko at maya-maya nawala na ito. “Isa ito sa kakayahan ko, ang maghilom ng sugat at gumamot ng mga sakit” sabi niya sa akin “salamat” sabi ko na nginitian niya ako “alam mo, hindi talaga kami masama, si nanay palagi niyang sinasabi sa akin na gamitin namin ang kapangyarihan namin sa mabuting paraan hindi sa kasamaan” kwento niya sa akin. “Talaga bang diwata ka, Neri.. uhm.. Jasmine?” tanong ko sa kanya “gusto mong makita?” tanong niya sa akin “ah… ano?” takang tanong ko sa kanya na tumayo siya at biglang lumutang siya at lumiwanag ang buong katawan niya na kita kong nakaputi na ito at ang ganda niya.
“Ito talaga ang totoo kong anyo, Tenyente” sabi niya sa akin na kita kong me kapa siya at ang kinis ng kutis niya, humaba ang buhok niya hanggang beywang “JASMINE!” sigaw ni Zoraida na biglang bumalik sa anyo niya kanina si Jasmine. “Ano ba ang kabilin-bilinan ko sayo ha? Huwag na huwag mong gagawin yan!” pinagalitan siya ni Zoraida “eh.. pinakita ko lang naman kay Tenyente kung ano talaga ako nay” paliwanag niya “pa.. pasensya na po manang Zoraida” sabi ko sa kanya “ako po, ako po ang me kasalanan” dagdag ko na umiling lang siya. “Haayyy… kung ganun..” sabi niya na bigla nalang siyang nagbago at napaatras ako sa takot nung makita ko siya. “Ito naman ang totoo kong anyo” sabi ni manang Zoraida sa akin na kita kong napakagulo ng buhok niya, itim ang mga kuko, kulay pula ang mata at nakakatakot ang boses.
Bumalik agad siya sa anyo niya kanina “tama na nga yan, nagugutom ka ba Isabella?” tanong niya sa akin na napalunok ako ng laway at tumingin sa kanila “ah.. hi.. hindi po.. ma.. maraming salamat nalang po” sabi ko na natawa lang si Jasmine sa reaction ko. “Huwag kana mahiya” sabi ni manang Zoraida sa akin na inabot ang kamay ko at nagulat nalang ako dahil isang hatak lang napatayo niya ako at nahila papunta sa kusina. “Huwag kang mag-alala Tenyente hindi butiki, palaka o ano mang mga insekto ang mga pagkain namin” natatawang sabi ni Jasmine sa akin “tumahimik ka nga Jasmine, nakaraang linggo yun” sabi ni manang Zoraida sabay lagay ng pagkain sa harapan ko na umiwas ako ng tingin kaya natawa sa akin si Jasmine at nakita kong napangiti si Julian.
“Binibiro ka lang ni manang Zora, Isabella” sabi sa akin ni Julian na nakatayo lang ito sa gilid ng kusina “binibiro lang kita ikaw naman naniwala ka agad” natatawang sabi ni manang Zoraida sa akin. Tiningnan ko ang pagkain at nakita kong nilagang baka pala ang ulam nila at naglagay siya ng kanin sa mesa “sige na kain na tayo” sabi niya na unang kumuha ng pagkain si Jasmine “anak, me bisita tayo” sabi ni manang Zoraida na napahinto ito at inabot sa akin ang platong me kanin “Tenyente” sabi niya. Nagdadalawang isip ako kung kukuha ba ako o hindi “huwag kana mahiya” sabi ni manang Zoraida na siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko at biglang napahinto ito.
“Nay..” sabi ni Jasmine “Julian..” tawag niya “alam ko… maghanda kayo” sabi niya na nagulat ako nung naging anino siya at bigla itong nawala sa kinatatayuan niya “Jasmine kumilos kana” utos ni manang Zoraida sa kanya na tumayo agad ito. “Isabella, sumunod ka kay Jasmine” utos niya sa akin na nagtaka ako kung ano ang nangyayari sa kanila “tara Tenyente” yaya sa akin ni Jasmine na hinawakan niya ako sa kamay at dinala niya ako sa kwarto niya. “Ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kanya na me kinuha ito sa loob ng kabinet niya “me kalaban sa labas” sabi niya na napahinto nalang ako at tumingin sa bintana “kalaban? ah.. anong kalaban?” tanong ko sa kanya.
“Ano Jasmine nakuha mo na?” tanong ni manang sa kanya “opo nay” sagot niya na nakita kong me hawak siyang itim na libro “akin na yan buksan mo na yung portal” utos niya sa anak niya. “Teka, aalis tayo?” takang tanong ko sa kanila “oo, delikado tayo dito parang nasundan nila tayo” sabi ni manang sa akin na nakita ko si Jasmine na tinaas ang mga kamay niya at me binigkas ito na hindi ko maintindihan at maya-maya lang ay me pintuan na bumukas sa loob ng kwarto katulad dun sa apartment ko. “Mauna na kayo ni Jasmine, Isabella at bantayan niyo ang aklat na ito” utos niya sa amin “nay” sabi ni Jasmine “huwag kang mag-alala nasa likod mo lang kami” sabi ni manang sa kanya.
“Tara na, Tenyente” tawag ni Jasmine sa akin na tinulak ako ni manang Zoraida papunta sa portal “basta sumunod ka lang kay Jasmine, Isabella” sabi niya sa akin na naunang pumasok sa loob ng portal si Jasmine. “Manang” tawag ko sa kanya “magmadali ka Isabella, papalapit na sila” sabi niya sa akin kaya pinikit ko ang mga mata ko at pumasok ako sa loob ng portal at nung binuka ko ang mga mata ko nakita kong nasa gitna kami ng gubat. “Tenyente dito!” tawag ni Jasmine sa akin na sumunod ako sa kanya at nakita kong me maliit na kubo sa isang puntod at tila pamilyar sa akin ang kubong ito.
Tama nga ako na parang nakapunta na ako sa kubong ito dahil pamilyar sa akin ang pintuan ng kubo “Tenyente pumasok kana sa loob” tawag sa akin ni Jasmine kaya pumasok na ako sa loob at sinara ko ang pinto. “Lumayo ka sa pintuan” utos niya sa akin kaya umatras ako at tumayo sa tabi niya “ano ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya na nginitian niya ako “manood ka lang” sabi niya na lumuhod ito sa lupa at parang nagdarasal siya nung pinagdikit niya ang palad niya. “llum barrera (light barrier)” bigkas niya nung binaba niya ang mga palad niya sa lupa at biglang suminag ang buong kubo ng ilang segundo at nawala din ito “ayan” sabi niya.
“Ah..ano ang ginawa mo?” tanong ko sa kanya “naglagay ako ng barrier sa buong kubo para walang sino o ano mang makapasok dito” sabi niya sa akin na nilagay niya sa mesa ang itim na libro. “Ano ito?” tanong ko sa kanya na tinuro ko ang malaking libro sa mesa “Aklat ng Dilim” sagot niya “Aklat ng… ano?” tanong ko “hehehe ito yung libro ng mga aswang, hindi ito ordinaryong libro Tenyente makapangyarihan ito kaya hindi ito dapat mapunta sa mga masamang tao” paliwanag niya sa akin. “Paano kung mabawi ito ng mga aswang, ano ang mangyayari?” tanong ko “mamamatay kami habang kayo magiging kasapi niya” sagot niya “magiging aswang ako? sa ganda kong ito? ayaw ko!” takot kong sabi sa kanya na tumawa lang siya.
“Huling ginamit ang librong ito dalawang daang taon na ang nakalipas at si Reyna Lucia ang huling nagbukas nito” kwento niya sa akin “ang tagal na pala, teka ito ba yung time na naging ano si.. ” sabi ko. “Oo, naging bampira si kuya Julian” sabi niya sa akin “babala Tenyente kahit anong mangyari huwag na huwag mong bubuksan ang librong ito” sabi niya sa akin “bakit?” tanong ko. “Mahahanap ito ng mga aswang kaya kahit curious ka sa nilalaman nito huwag na huwag mo itong bubuksan, me salita kasing dapat ka munang bigkasin bago mo ito bubuksan kaya pag hindi mo ito mabanggit at bubuksan mo ito” sabi nya. “Me mga aswang ang aataki sa atin, ganun ba?” sabi ko sa kanya “tama!” sabi niya na tumayo na siya at nagstretch ito “ang tagal nila nanay” sabi niya sa akin “baka parating na sila” sabi ko.
“Manang!” tawag ni Julian kay Zoraida na ngayon ay dumedepensa narin sa mga lobong pumasok sa loob ng bahay niya “Julian pumunta kana sa kwarto, dali!” tawag niya na ginamitan niya ng itim na mahika ang isang lobo at napatalsik niya ito palabas ng bahay niya. Nung napaatras ni Julian ang dalawang lobong umatake sa kanya agad siyang naging anino at dinaanan niya si Zoraida na hinawakan niya ito sa beywang at lumusot sila sa pader papunta sa kwarto. “Bukas ang portal!” sabi ni Zoraida na agad niyang kinuha ang espada at sabay silang pumasok at sinara ito ni Zoraida nung lumabas na sila na nakita pa nila ang mga lobo na papasok na sana sa portal. “Patawad manang Zora” sabi ni Julian sa kanya na tinapik lang siya ng matanda sa balikat at naglakad na ito papunta sa kubo.
Kinuha ni Zoraida ang celfon niya sa bulsa at tinawagan niya si Jasmine at maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng kubo at lumabas ang dalaga. “Nay! bakit ang tagal niyo?” naiinip na tanong niya “marami kasi sila kaya natagalan kami” sagot ng matanda na una itong pumasok sa loob at naiwan muna sa labas si Julian at tumingin sa buong kubo. Nakita ko siyang nakatayo lang sa labas kaya lumabas ako na napansin niya ako “mag-usap tayo” sabi ko sa kanya. “Dito muna kami sa labas manang Zora, Jasmine” paalam niya sa kanila na tumango lang sila “gusto mo akong makausap?” tanong niya sa akin nung naglakad kami palayo sa kubo.
“Sa totoo lang hindi parin ako naniniwala sa mga sinasabi niyo sa akin pero sa mga nakikita ko..” umpisa ko na nakatingin lang siya at nakikinig sa akin “ewan ko.. nagugulohan ako” sabi ko sa kanya. “Huwag mo na gulohin pa ang isipan mo Isabella” sabi niya sa akin na lumapit siya kaya tinaas ko ang kamay ko at nakuha niya ang inisiip ko kaya umatras siya ng isang hakbang. “Alam kong hindi kapanipaniwala ang pinakita ko sayo pero kung nagugulohan ka parin” sabi niya sa akin na lumapit siya sa akin “ilagay mo ang kamay mo sa dibdib ko” sabi niya sa akin na napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin “magtiwala ka sa akin Isabella” sabi niya sa akin na nagdadalawang isip akong gawin ang sinasabi niya na naghihintay lang siya sa akin.
“Walang mawawala sayo kung gagawin mo lang ito” sabi niya sa akin kaya dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa dibdib niya at dinikit ko ito “ipikit mo ang mga mata mo” sabi niya sa akin na ginawa ko ito at nakiramdam ako. “Ha! Wala akong naramdaman sa dibdib mo” sabi ko sa kanya na wala akong naramdamang pintig galing sa puso niya na bigla nalang niyang nilagay ang kamay niya sa dibdib ko kaya napadilat ako at aalisin ko na sana ang kamay ko sa dibdib niya ng biglang me naramdaman ako galing sa puso niya. “Ah.. ba.. ano?” takang tanong ko na nagugulohan ako “nararamdaman mo ba?” tanong niya sa akin na napatango lang ako at kung paano tumibok ang puso ko ganun din ang pagtibok ng puso niya.
“Pinakita ko sayo yung parte kung saan namatay si Isabella… ang kasintahan ko noon” sabi niya na tumango ako “simula kasi nung pumanaw si Isabella, sumama sa pagpanaw niya ang puso ko” kwento niya sa akin. “Kaya nung narinig ko ang pintig ng puso mo ganun na din ang pagkabuhay ng puso ko” sabi niya sa akin na inalis niya ang kamay niya sa dibdib ko at hindi ko na naramdamang pumintig ang puso niya. “Bakit nawala?” tanong ko sa kanya “ikaw ang puso ko Isabella” sabi niya sa akin na ewan ko ba parang na touch ako sa sinabi niya at tila nag blush na ata ako sa pagiging romantiko ni Julian.
Nagkatinginan kaming dalawa at nagkahiyaan kami dahil biglang umiwas siya ng tingin sa akin “ah.. hin.. hindi ka ba nasaktan?” tanong niya sa akin na pinakita ko sa kanya ang braso ko. “Mabuti naman” sabi niya na napangiti ako “teka..” sabi ko sa kanya na me naalala ako nung nakita ko ang mga mata niya “bakit?” tanong niya na bigla ko siyang binigyan ng straight jab sa mukha na napasigaw ako sa sakit. “Bakit mo ginawa yun, Isabella?” tanong niya sa akin “arraayy.. grrr..” sabi ko nung hinawakan ko at hinimas-himas ko ang mga kamay ko “Isabella… ” tawag niya sa akin na lumayo ako nung lumapit siya.
“Aminin mo sa akin, Julian” sabi ko sa kanya “aminin ang alen?” tanong niya “yang mata mo, yung lengwaheng narinig ko na binigkas ni manang Son.. o sino man siya kapareho yun sa lengwaheng ginamit ni Ben nung… GRRRRR..” galit kong sabi na tinatadyakan ko siya sa hita na parang wala lang sa kanya ito. Bigla siyang nawala at sumulpot ito sa likuran ko kaya umikot ako at bigla itong nawala at nakita ko itong nakatayo sa ilalim ng isang puno. “Patawad Isabella” sabi niya na kumuha ako ng bato at binato ko siya na tumama ito sa puno nung umilag siya at lumipat sa kabilang puno kaya kumuha ulit ako ng isa pang bato at binato ko ito sa kanya ng biglang nalang me sanga na bumalot sa kamay ko at inangat ako kaya napasigaw ako sa takot “AAAHHHHHHH!!!”
“ISABELLA!” tawag sa akin ni Julian na lumipad ito palapit sa akin at napahinto nalang siya at nakita kong niyuko niya ang ulo niya “ba.. bakit?” takang tanong ko sa kanya na lumingon ako sa kaliwa ko at nagulat ako sa nakita ko. “Hmmmm… ” narinig ko galing sa kanya na tumingin ito sa akin at tumingin ito kay Julian “kay tagal na ng panahon na hindi tayo nagkita, Julian” sabi nung puno sa kanya “matagal narin po, Haring Narra” sabi niya na napanganga ako. “Pu..puno nagsasalita?” gulat na tanong ko na tumawa ito “hindi nga normal sa inyong mga mortal ang makakita ng mga katulad namin” sabi niya sa akin “patawad po Haring Narra, hindi po namin sinasadyang gambalain kayo sa inyong pagpahinga” sabi ni Julian sa kanya.
“Wala yun, kaibigan” sabi niya kay Julian “at sino naman itong magandang binibini na tila matapang pa kay Morietta?” tanong nung puno kay Julian “hehehe.. siya po si Isabella” “Isabella?” gulat na tanong nung malaking puno. “Hindi po siya ang kasintahan ko noon mahal na Hari, siya po ang sumunod sa kanya nung pumanaw ang dating Isabella dalawang daang taon na ang nakalipas” paliwanag ni Julian. “Ah, siya ang bagong henerasyon” sabi nung Haring puno na dahan-dahan niya akong binaba “ipagpaumanhin mo binibini ang aksyon ko kanina” sabi niya sa akin na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya at bumaba narin si Julian at tumayo ito malapit sa akin. “Ano ang nangyari?” gulat na tanong ni manang Zoraida na narinig siguro nila nung sigaw ko kanina.
“Tenyente ok ka lang ba?” tanong ni Jasmine sa akin “tumahimik ka muna Jasmine at magbigay respeto ka kay Haring Narra” sabi ni manang Zoraida sa kanya na sabay nilang niyuko ang ulo nila “Zoraida, matagal na nga ang panahong hindi tayo nagkita, kumusta kana kaibigan?” tanong nung Haring Narra sa kanya. “Mabuti po ako kamahalan, ito nga po pala ang anak ko si Jasmine” pakilala ni manang Zoraida kay Jasmine “magandang gabi po, Haring Narra” bati niya sa Hari ng puno “magandang gabi naman sayo” bati ng puno sa kanya. “Kamahalan, ano po ang nangyari sa kaharian niyo?” tanong ni Julian sa kanya na tumingin ito sa paligid niya at biglang nagbago ang expression sa mukha niya na kanina nakangiti ito ngayon nababalutan na nag lungkot.
“Ang mga taong mortal ang gumawa nito, Julian. Hindi nila alam kung gaano ka importante ang mga puno sa kalikasan” sabi niya “naalala ko po noon, hanggang sa kabilang ilog ang nagtatayuang mga puno dito” kwento ni Julian. “Ito ang kinalalabasan sa pagdami ng mga tao sa lalawigan na ito, ang pagkalbo ng kagubatan ang naging dahilan din kaya lumala ang kalamidad sa lalawigang ito” kwento niya na gumalaw ito at bigla nalang itong nagbago ng anyo at naging hugis tao ito. “Ito ang tirahan namin Isabella pero sa nakikita mo ngayon, sinisira ng gobyerno at mga taong walang puwang sa kinabukasan ng mga anak nila ang pumatay sa tahanan namin” sabi ni Haring Narra sa akin na nahiya tuloy ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya.
Natahimik kaming lahat habang nakatingin lang sa kagubatan ng napansin kong nakatingin si Haring Narra kay Jasmine “bakit po?” tanong ko sa kanya na humarap ito sa amin at tumingin sa bagay na nasa kamay ni Jasmine. “Tama ba itong nakikita ko?” tanong niya na napatingin kami kay Jasmine “oo kamahalan, tama po kayo yan po ang espada ni Hen. Lorenzo” sabi ni manang Zoraida. “Hahahaha… tila umuwi ata ang espada sa tahanan niya” sabi nito na lumapit ito kay Jasmine “pwede ko bang mahawakan?” tanong niya na tinaas ito ni Jasmine “mahal na Hari, baka masaktan kayo pag hinawakan niyo yan” babala ni manang Zoraida sa kanya. Nagulat siya nung hinawakan ni Haring Narra ang espada na biglang gumalaw ang lahat ng mga puno sa paligid namin nung tinaas niya ito sa ere.
“Hindi siguro sinabi sayo ni Reyna Lucia ang totoo ano, Zoraida?” tanong ni Haring Narra sa kanya “ano ang totoo?” tanong niya “ang angkan ni Lorenzo ang totoong gumawa ng espadang ito, hindi si Reyna Lucia” sabi niya. “Paano nangyari yun?” takang tanong niya “matagal ng hawak ito ng mga Bailan, ito ang espadang ginawa ng mga ninuno nila panlaban sa mga Anito” paliwanag ni Haring Narra. “Anito?” tanong ko “oo, yan ang tawag nila sa aming mga immortal” paliwanag ni Haring Narra “pero, kwento sa akin ni Reyna Lucia nandun siya mismo nung ginawa ang espadang ito” sabi ni manang Zoraida. “Oo, nandun siya pero hindi siya mismo ang gumawa nito kundi ang panday ng mga Bailan na si Resisyo” kwento ni Haring Narra.
“Bailan, ano ho ba sila?” tanong ko “ang mga Bailan Isabella ay angkan ng mga mandirigmang mortal, iba sila sa mga ordinaryong mortal” kwento ni manang Zoraida sa akin. “Itong si Hen. Lorenzo na me ari ng espadang yan isa din ba siyang Bailan?” tanong ko. “Oo, isang Bailan si Lorenzo at alam mo ba kung ilang taon siya nung pumanaw siya?” tanong ni Haring Narra sa akin “ilang taon po?” tanong ko “isang daan at dalawangput anim na taon” sabi niya sa akin “what?! ganun ka tagal?” gulat kong tanong sa kanya na natawa ang hari ng puno. “Iba ang mga Bailan Isabella” sabi ni Julian sa akin “me buhay pa bang Bailan sa panahong ito?” tanong ko sa kanila.
Ngumiti si Haring Narra at sinaksak sa lupa ang espada “kung me buhay pa bang Bailan ngayon? Ang sagot niyan ay wala na” sabi niya “pero, kung itatanong mo KUNG meron pa bang Bailan sa panahon ngayon ang sagot niyan ay OO” sabi niya sa akin. “Mahal na Hari nangako po kayo” sabi ni manang Zoraida sa kanya na tumingin sila kay Julian “alam ko Zoraida, pero wala na si Reyna Lucia at tingin ko panahon narin para malaman niya ang totoo” sabi ni Haring Narra sa kanya. “Pero…” sabi ni manang na tinaas ni Haring Narra ang kamay niya kaya natahimik nalang siya “ano ho ba ang pinagsasabi niyo?” tanong ni Julian sa kanila na pati ako napaisip din sa pinag-uusapan nila.
“Julian, hindi ka ba nagtataka kung bakit malapit sayo si Reyna Lucia at malaki ang respeto sayo ng mga bampira?” tanong niya kay Julian. “Noon OO pero inalis ko ito sa isipan ko nung tumagal na ako sa palasyo, bakit niyo po naitanong?” sabi ni Julian. Tinaas niya ang mga kamay niya at biglang me lumabas na mga kahoy mula sa lupa “maupo muna kayo, dahil me ikukwento ako sa inyo” sabi ni Haring Narra sa amin. Sumunod naman kami sa kanya at nung nakaupo na kaming lahat tumayo siya sa harapan namin na parang teacher ito at mga estudyante niya kami “ano ho ba ang ikukwento niyo?” tanong ko sa kanya.
“Ang buhay ni Heneral Lorenzo at ang relasyon niya kay Reyna Lucia” sabi niya na napatayo si manang Zoraida “Haring Narra..” sabi niya na tiningnan lang siya nito at naupo uli siya. “Patawarin sana ako ni Lucia pero kailangan malaman ni Julian ang lahat” sabi ni Haring Narra “malaman ko po ang ano?” tanong ni Julian “ang totoong pagkatao ng ama mo, si Heneral Lorenzo” sagot niya.
Itutuloy…..
- Mine - July 4, 2022
- Harapin Ang Liwanag! Chapter XIV - November 23, 2021
- Carnal: Book 4 – Chapter 4: Bonding - November 22, 2021