Written by mrs_jones
ang ikukuwento ko ay hindi sa akin karanasan kundi sa isa ko client/patient. Baka ma misinterpret nyo.
Just call me Chona, sa ngayon ay 68 anyos na ako at ang ikukuwento ko karanasan ay naganap noon ako ay 54 anyos nang minsan ay nagbakasyon ako sa Pilipinas.
Isa akong nurse na pinalad na nakarating dito sa America pagka graduate at dito na rin ako nagkaroon ng asawa na kapwa Filipino at nabiyayaan kami ng limang anak. Naging matagumpay naman ang aming buhay at ang mga anak namin ay naging tagumpay din sa kani kanilang larangan at maaayos ang naging pamilya.
Hindi pala lahat ay ibibigay ang atin kaligayahan dahil namayapa ang aking asawa dahil sa heart attack noon ako ay 53 anyos na at labis kong ikinalungkot. Hindi naman ako nagyayabang pero maganda pa rin ako at sexy kahit past 50 na ang edad at marami ang nanliligaw nang malaman ako ay biyuda na pero hindi ko sila pinansin dahil sarado na ang puso ko.
Minsan ay inimbitahan ako ng aming kapatid na lalaki na magbakasyon sa kanila sa isang province sa Central Luzon dahil matagal na rin hindi ako nakauwi sa Pilipinas. Humanga naman ako sa dinatnang bansa dahil malaki na ang ipinagbago at iniasenso sa loob ng beinte anyos na hindi ako nakauwi. Hatinggabi nang lumapag ang eroplano at mas mabilis naman ang proseso sa airport kaya maaga rin ako nakalabas at nasundo ng aking kapatid. Napakarami namin kuwentuhan habang binabagtas ang maluwag na kalsada hanggang sa makarating sa kanila.
Hindi naman ako nakatulog dahil baligtad pa ang oras sa akin kaya inabutan kami ng sikat ng araw sa pagkukuwentuhan kasama ang aking hipag. Asensado ang kanilang negosyo ng rice trading at malawak ang rice fields, tahimik ang kapaligiran at sariwa ang hangin dahil rice fields ang nakapalibot. Enjoy naman ako sa muling pagtuntong ng aking mga paa sa bayang sinilangan.
nakakatuwa dahil hindi naubos ang mga kamaganak na bumibisita sa maghapon at siyempre natutuwa sila na mabigyan ko ng pasalubong kahit maliit na bagay lang. Madali naman ako nakapag adjust dahil pagsapit ng gabi ay dinalaw na rin ako ng antok at nakatulog ng mahimbing hanggang sa magising sa tilaukan ng mga manok. Malaki ang bahay ng aking kapatid at maasikaso naman ang aking hipag kahit 3 ang kanilang house maids bukod pa sa isang house boy na pinag aaral ng aking kuya.
Sa ikalawang araw ay ipinasyal nila ako sa iba’t ibang lugar at nanibago ako dahil maraming high way ang nadagdag kagaya ng sctex at tplex kaya mabilis ang aming biyahe sa aming mga pinasyalan. Hindi naman kami inabot ng gabi sa pamamasyal dahil kailangan makapasok sa night school ang paaral ni Kuya na nagmamaneho ng sasakyan. Kahit 19 anyos ay mahusay na magmaneho si Leonard at napagkakatiwalaan pa ni Kuya sa iba’t ibang pagkakataon.
Akala ko noon una ay kamaganak namin dahil sa hitsura niya ay hindi aakalain na all around boy ang trabaho kay Kuya. Sabi ni Kuya ay anak ng kanilang tenant sa bukid si Leonard at dahil matalino ay nanghinayang siya na hindi makapag aral sa college.
Bago kami umuwi sa bahay ni Kuya ay inihatid muna niya si Leonard sa pinapasukang school na hindi kalayuan sa kanila. 5:00 pm to 9:00 pm ang schedule ng klase niya. Humanga naman ako sa determination ng binatilyo na magtapos ng pag aaral at hindi sinayang ang pagkakataon na ipinagkaloob ng kapatid ko. Alam ko na balang araw ay aasenso ang buhay niya kagaya ng mga nakasama ko na nakapagtapos ng nursing sa kabila ng kahirapan sa buhay.
Nang nakabalik sa bahay ni Kuya ay namasyal muna ako sa kapaligiran, maganda ang garden dahil malulusog ang mga halaman ganon din ang bermuda grass, kay gandang pagmasdan ang mga namumulaklak na halaman, maraming fruit bearing trees na ang ilan ay hitik na sa bunga, meron din mga gumagalang natve chicken at mga bibe. Sa pinakadulo ay meron ilog na halatang malinis ang tubig at masarap sa pandinig ang lagaslas ng umaagos na tubig.
Animo ay inspector ako, he he. Well organized din ang kusina at malinis, katabi ay naroon ang maids’ quarter na malinis at mabango. Napansin ko ang isang maliit na structure at sinabi na doon ang quarter ni Leonard. May pagka usyosa kasi ako kaya pinuntahan ko ang quarter ni Leonard at nang pihitin ko ang door knob ay hindi naka lock, at pangahas na pinasok ko ang loob. Well organized ang loob, maayos ang higaan, malinis ang flooring, maayos ang cabinet na lagayan ng mga damit, walang masamang amoy, maayos din ang book shelves, malinis din ang study table at malinis din ang cr. Sa matagal na panahon ay particular na ako sa cleanliness at hindi sa pagsusuplada.
Habang namamasyal sa kapaligiran ay naaamoy ko ang iniihaw na isda at pork chop ganon din ang sinigang na hipon na nagpakalam agad ng sikmura ko.
Napakatagal na panahong hindi ko natikman ang mga ganon putahe at kahit alas seis lang ng hapon ay nagyaya na ako maghapunan. Tuwang tuwa naman si Kuya at ang asawa niya habang nagkakamay ako sa pagkain at sa dami ng aking nakain. Kasabay din namin kumain ang kanilang mga maid, kita ko kung gaano sila kabait at kabuti sa kanilang mga tao na hindi niya itinuturing na iba. Pagkatapos kumain ay doon kami nagkuwentuhan muli sa terrace na kahit walang electric fan ay malamig ang simoy ng hangin. Sabik na sabik ako makinig sa mga kuwento nila lalo na tungkol sa aming pamilya at mga kamaganak. Iba pa rin ang ganon kuwentuhan kaysa kuwentuhan sa messenger o telepono.
Pagkatapos ng mahabang kuwentuhan ay nagyaya na silang matulog at umakyat na rin ako patungo sa aking kuwarto. Nag check ako ng messages at napansin ko na marami na unopened messenses at ang mga anak ko ay nag video call sa akin. Isa’t isa ay nangungumusta na para ba napakatagal ko nang narito sa Pilipinas, he he he.
Pagkatapos ng mahabang usapan ay nag shower na ako at madaling nakatulog, mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ko na walang abala. Walang aircon o electric fan pero napakalamig ng simoy ng hangin kaya ganon kahimbing ang pagkakatulog ko. May pagkapilya natulog ako na walang anuman suot, hubo’t hubad, hehehe. Animo ay musika sa aking pandinig ang gumising sa akin na tilaukan ng mga manok at siyapan ng maraming ibon sa mga puno. Wala pa alas singko ng umaga at madilim pa ang kapaligiran, maging sa silangan ay hindi pa sumisilay unti unti ang liwanag ng araw. Nagsuot muna ako ng kamison at muling bumalik sa pagkakahiga pero hindi na ako nakabalik sa pagtulog.
- Greenhorn 7 - May 2, 2022
- Greenhorn 6 - April 28, 2022
- Greenhorn 5 - April 28, 2022