Written by manofkrypton
Chapter 4 – The Turnaround
PRESENT DAY
Nagmulat ng mata si Girlie. Puting tabing ng kurtina ang una niyang namasdan. Dahan-dahan niyang inaangat ang ulo para makabangon sa pagkakahiga pero hindi siya makagalaw masyado. Nakita niya ang suwero na nakakabit sa kanang kamay niya. Nasa ospital siya.
Sa mahinang boses tinawag niya ang nurse. Kinapa niya ang button sa bandang kaliwa niya at agad dumating ang nurse kasama ang isang may-edad na lalaki, nakasalamin ito at may kanipisan na ang buhok sa bandang tuktok nito, makisig at malinis ang pananamit. Kinausap ni Girlie ang nurse at muling nanumbalik sa kanya ang mga pangyayari. Lumapit naman sa kanya ang lalaki, hinawakan ang kaliwa niyang kamay at inalalayan siya para makabangon.
“Are you ok honey?” usisa ng lalaki. Tumango lang si Girlie.
Muling hinawakan ng lalaki ang kamay ni Girlie. Marahang pinisil. “Things will get better. You will get better.” Pagsisiguro nito.
“I know Armand, thanks for being here.”
“Asawa mo ako, of course I will always be here.” At niyakap niya ang babae. Napahagulgol ito sa balikat ng lalaki.
Dalawang taon na ang nakakalipas mula nang madiagnose si Girlie ng leukemia. Unang nagpakita ng sintomas ito nang magcollapse si Girlie sa airport sa Jakarta matapos niyang mabalitaan ang pagkasawi ng kasintahang si Gilbert.
Kinailangang tumigil pa ng ilang araw si Girlie sa hospital bago pinayagang makauwi ng bansa. Pagkauwi ay agad nitong pinuntahan ang pamilya ng nasirang kasintahan. Nang makita ang puntod ay muling nawalan ng malay ang dalaga. Matagal bago nakabalik ito sa trabaho. Simula noon, labas masok na siya ng hospital.
“Why did it happen to me? Bakit sa akin pa ito nangyari Arman?”
Di makasagot ang lalaki. Sa halip tumayo ito, may kinuha sa kanyang bag at iniabot kay Girlie. Isang itim na libro. Ang kanyang diary. Nagulat si Girlie dahil ang alam niya ay naitapon na niya ang diary.
Ngumiti si Armand. “Nabasa ko na siya.”
“Pero..”
“Wag kang mag-alala. Past is past. Alam ko bunga lang iyon ng iyong pangangailangang pisikal. Isang bagay na hindi ko maibibigay.” Napayuko si Arman sa hiya.
“Honey, I am sorry, but you don’t need to feel that way.”
“I am sorry too my dear. Nahuli akong dumating sa buhay mo.”
Mapait na ngiti lang ang isinukli ni Girlie sa sinabi ng asawa. Inabot na nito ang diary sa kanya.
“Marami pang empty pages, pwede mo pang isulat kung ano ang nasasaloob mo.”
Tiningnan lang ni Girlie ang libro sa kamay niya. Di niya binuklat. Sa halip tiningnan niya ang asawa.
“Ang dumi dumi kong babae. Bakit mo ako pinakasalan?”
“Hindi ka madumi. Normal lang sa tao na maghanap ng kaligayahan sa anumang paraan.”, paliwanag ni Arman
“Hindi ako karapatdapat sa iyo. You deserve someone better.”
“Ikaw ang pinili ko.”
Lumapit si Arman kay Girlie, muli niya itong niyakap.
“I don’t have enough time anymore.”
“We spent enough time already.” Reassuring ang mga salitang yun. Sapat para muling buksan ni Girlie ang itim niyang libro. Binasa niya ulit ang mga nakasulat dito.
……………………………………………………..
Entry Date: 7 September
Hindi ako makapaniwala!!! Ayokong maniwala na wala na ang nobyo ko.
Namuo ang galit ko ke Lester nung araw na sabihin niya ang nangyari, at ang pag-amin niya na siya ang may dahilan ng lahat. Dahil lang sa libog at isang gabi, pinatay ang boyfriend ko. Pinagtanggol siya nito!!! Gusto ko siyang patayin, putang ina!! At hindi pa pala nahuhuli ang mga scalarin. Lalo akong nagngitngit sa matinding awa ko sa nangyari sa boyfriend ko, at poot sa kaibigan nito.
Niyakap ako ni Lester para pakalmahin. Naisip ko, “Paano na ako ngayon?” Ang mga nasimulan namin ni Boyet. Pero heto ako yakap ng kaibigan niyang walang ipinagmamalaki kundi ang otso-pulgada mahigit na kargada nito. Wala namang bayag para gawin ang dapat gawin. Agad akong kumalas sa pagkakayakap. Biglang umikot na paningin ko.
Huminto si Girlie sa pagbasa nung makitang umalis na si Arman sa kuwarto at isinara ang pinto. Napabuntong hininga siya. Gusto niyang mapaiyak sa kinasapitan ng pag-iibigan nila ni Gilbert, ngunit ang bilin ng asawa niyang doctor ay makasasama ang pagiging emotional. Hindi na sila nagkita matapos ang Asian tour nila. Nagpatuloy siya sa pagbabasa.
Entry Date 4 January
Nakilala ko si Arman, isang kilalang doctor dito sa ospital nung minsang nagpacheck-up ako after several instances na mahilo ako at mawalan ng malay. Light duties na lang pinapagawa sa akin ni Mr. Morante. Hindi na ako ang liaison officer ng kumpanya. Nagbigay na ako ng letter of resignation dahil nga sa kalusugan ko, pero ayaw tanggapin ng boss ko. Binawasan na lang niya ako ng mabibigat na tungkulin.
Guwapo si Arman, charming, palatawa kahit hindi pa kalbo. Sa una hindi pa kami nagpapansinan pero di nagtagal nakapalagayan ko na ng loob. I like his intellect, and his humility. Down to earth siya, madali kang maattract talaga. Di ko alam na attracted din pala siya sa akin. Sa madaling salita niligawn niya ako. I was lonely at that time, with Gilbert gone, so hindi nagtagal sinagot ko siya. Ok naman siya sa family ko, at wala naman na siyang immediate family available.
Aminado si Arman na kahit nangayayat ako dahil sa sakit ko ay nagagandahan pa din siya sa akin at sa aking katawan. I took it as a compliment, despite of the things that happen, the men who came and went in my life, you enjoyed my company and my body. Iba si Arman, almost similar kay Gilbert, except for one thing. He is here, with me now.
INspite of my health and my past pinakasalan pa din ako ni Arman. Hindi kami pwedeng magkaanak dahil na nga sa sakit ko. Pero hindi naman un dahilan para hindi kami magkaniig, kahit papano. Sinasagot ko ang kanyang kakulangang pisikal. Kapag stressed siya sa trabaho niya minamasahe ko ang likod at balikat niya. Inaasikaso ko mga pangangailangan niya. Tuluyan na din akong umalis ng trabaho dahil din dito. Ito lang kasi ang alam kong paraan para masuklian lahat ng kabutihan niya, nung tanggapin niya ako, mahalin at pakasalan. Alam ko hindi na ako magtatagal pa, pero kahit papano nagkaroon din ng saysay ang buhay ko, ke Arman.
- Bella’s Memorable Vacation – Part VII. The Getaway - September 27, 2024
- Bella’s Memorable Vacation – Part VI. Paradise - September 20, 2024
- Bella’s Memorable Vacation – Part V. The Missed Chance - September 11, 2024