Mature  

For Formality 10

KentPent
For Formality

Written by KentPent

 

Author’s Note:Paumanhin sa boring na ending ng Part 9. Hindi ko kasi alam kung paano mag-sugarcoat ng simpleng eksena. Hindi maaksyon, walang bangayan o kahit ano’ng nakakakulo ng dugo. In this part, ikukwento ko na lang ‘yung nangyari (as is) and I’ll give you guys an update about the side characters and where we are today.

This part will purely be story-telling, there will be no sex/steamy scenes here. This is a closure. Para sa’kin at para sa inyo.

 

I got home early. Around 2PM. Wala namang tao sa bahay. Nilapag ko ang backpack ko sa gilid ng sofa. Naglakad ako sa bandang kusina kung nasaan ang ref. I was looking at the pictures sa ref, mga bakasyon namin, college pics, at mga seminars na pinuntahan namin. It’s been fun. Naligaw naman ang tingin ko sa ibabaw ng ref, kung saan nakapatong ang isang framed picture naming dalawa. Sa dorm lang ako ni misis nag-propose, pinalabas ko pa siya sa dorm para lang isuot ang mumurahing alahas na pinag-ipunan ko.

…CONTINUATION

I lit the fire, a fire no one can put out. A fire that will consume everything we had… including us both.

Biglang sumikat ang araw, tumama ang sinag nito sa kurtina at sahig na nagsabog ng iba’t ibang kulay. Nagliwanag ang buong bahay, mabagal na nagliliparan ang mga alikabok. Bumalikwas ako at tiningnan ang bawat sulok ng bahay. I’ll surely miss this house. Naglakad ako papunta sa sofa. Muli kong nilibot ang paningin ko at umupo. I guess there’s just no way to break it to her gently. I’m holding onto something I don’t need, itong nararamdaman ko. This has to go. Hindi ko pa man nasasabi kay Keisha, pakiramdam ko mag-isa na lang ako. That wherever I go, I will be alone… but I can’t stay with her anymore.We can’t unbreak what’s broken. To be honest, I don’t have any regrets between me and Keisha except the time we wasted. Parang nagsayang lang kami ng aming kabataan. But it’s done, it’s something na hindi na naming mababawi. We’ll just have to move forward.This is the part where I should feel glad ‘di ba? Dapat masaya ako, dapat kahit paano ay masasabi ko sa sarili ko na nagtagumpay ako. Pero hindi eh, I should be mad, I should be angry. Do I really have to feel anything? May specific ba akong dapat maramdaman? Hindi niya pa alam kung ano’ng sasabihin ko sa kanya… and I feel so empty already.

Tumayo ako at pumunta sa telepono, tinawagan ko siya.

Ako: “Hi… hello?”

Keisha: “Hey..hi, bakit nasa bahay ka?”

Ako: “ahh umuwi ako, sorry… namiss ko lang ang bahay”

Keisha: “hah?”

Ako: “haha, yaan mo na. Ano’ng oras ang uwi mo? Pwede ka ba umuwi ng maaga?”

Keisha: “yeah, 5PM siguro”

Ako: “Please come home early, magluluto ako ng hapunan”

Keisha: “okay… sarapan mo ha”

Ako: “sige, bye now. I’ll see you later”

No. I can’t tell her over the phone. Kailangan konog sabihin ng personal sa kanya.

 

I want to be a good husband one last time. I want to cook her dinner.

Kumuha ako ng mga ingredients sa ref, kinuha ko ang kutsilyo at sangkalan. Hinanda ko ang mga gagamitin ko. Naghugas na ako ng kamay at naghiwa, nagsaing at nagluto.

5:20PM. Narinig ko ang gate na bumukas. Si Keisha. Tamang-tama, luto na at mainit pa ang hapunan. Kaya kumuha ako ng mga plato at bowl. Nagsandok na ako ng kanin at ulam. Pagpasok niya ay tumingin agad siya sa’kin habang naghahain ako sa lamesa.

Keisha: “woooww! Ang bango naman nyan!”

Ako: “oh nandyan ka na pala, maghugas ka na ng kamay… kumain na tayo”

Keisha: “Sige babe”

Nilapag niya ang mga gamit niya sa sofa at pumunta sa kitchen sink para maghugas ng kamay. I stood by a chair, hinihintay ko siyang matapos maghugas ng kamay para makaupo na. Nang matapos siya ay inasikaso ko ang upuan niya.

 

Keisha: “bait naman babe”

Ako: “…..”

Kumain na kami. Lumilipad ang isip ko habang kaharap ko siya sa sa lamesa.

 

Ako: “kumusta ang trabaho?”

Keisha: “okay lang naman, hindi naman masyadong marami ang ginawa ngayon”

Ako: “Did you know about Steven?”

Keisha: “‘yung katrabaho mo?”

Dahil wala na akong maisip na pag-uusapan namin over meal ay nag-tsismis na lang ako. I turned out good naman. Natapos namin ang hapunan while talking about Steven and Finn. Nang matapos na kami kumain ay tumayo na ako at binuhat ang mga plato at mangkok na hugasan.

 

Keisha: “Leave it there, ako na maghugas mamaya”

Ako: “ah hindi na, ako na. Magpahinga ka lang dyan, galing ka sa trabaho eh”

Tumayo si Keisha at pumunta sa sofa. Umupo siya at nag-cellphone muna. Ako naman ay nag-umpisa na maghugas ng pinggan. Ilang minuto ang lumipas, natapos ko ang ginagawa ko. Nagpunas ako ng kamay gamit ang damit kong suot habang papunta ako sa sofa. Tumabi ako sa kanya…

 

Ako: “Keisha, I filed an annulment case… Sorry”

Keisha: “hah?”

Hinding-hindi ko makakalimutan ang hitsura niya, she was confused. But from the look in her eyes, it says a lot. She knew that I knew what was going on.

 

Ako: “I know about you and your manager”

Keisha: “…..”

Ako: “It’s done. A lawyer will file an Annulment case”

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nakatungo ang kanyang ulo at nakatakip ng kanyang mga kamay. I felt sorry for us. There, I broke it. Para akong nagbato ng isang galong gasolina sa apoy at pinanood itong magalit. Dahan-dahan na kaming tinutupok ng apoy na sinimulan ko.

 

Tumayo ako at lumabas sa driveway. Umupo ako sa gutter. Para akong sasabog. Malalim ang bawat hinga at nanginginig ang bawat hibla ng katawan ko. Parang gusto ko na lang talaga mawala that time, gusto kong bumukas ang lupa at lamunin ako. Nakapangalumbaba lang ako na nakaupo gutter ng driveway namin. Biglang nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ko.

–RRRIINNNNGG– RRRIIINNNNGG–

Ako: “….”

Keisha: “….. ano’ng mangyayari sa’tin”

Ako: “… I don’t know”

Keisha: “I’m sorry babe. Please, patawarin mo ako”

Ako: “Sorry din”

Keisha: “I’m really, really sorry. I–ah.. I wish I coul–“

Ako”–it’s okay. We’ll be fine.”

Keisha: “…Sorry Kent. I’m sorry, I’m sorry”

Ako: “………”

Hindi maitatama ng “sorry” ang lahat nang ginawa niya. Hindi ko na siya pinatapos, hindi ko kailangan ng dahilan niya. What she did was wrong. ‘Yun na lang. I was angry, gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong ipamukha sa kanya na siya ang nagkamali. Is there a reward in doing that? Masa-satisfy ba ako kung gagawin ko ‘yan? I had so much to tell her but it’s done. I chose to let it burn in silence.

 

Binaba ko na ang tawag dahil wala namang dapat na pag-usapan.

Unti-unting nawala ang liwanag ng hapon. Sumapit ang gabi, 8:30PM, nasa driveway pa rin ako at nakaupo. I kept thinking about the good ol’ days namin. ‘Nung una kaming nag-lease sa bahay na ‘to, tuwang-tuwa kami. We had so many plans. Una kaming nagsama sa isang maliit na kwarto, ‘nung pareho pa kaming unlicensed college graduates, napakaliit ng kwarto na inupahan namin. Pagtayo mo lang sa kama ay kusina at banyo na agad. Everything we own was packed in cardboard boxes, mga damit at mga review materials. But we made it, we were so happy when she passed the licensure exam, sumunod ako, tapos pareho kaming nagkatrabaho. Until we can afford the “wants” at kinaya na rin namin makakuha ng malaki-laking bahay.

This driveway never had a car on it, naaalala ko pa dati maaga akong lumalabas sa trabaho para lang sunduin si Keisha. We only had a motorcycle back then. Sobrang hassle ng alikabok sa lansangan, papasok at pauwi. Nangarap kami ng 4-wheels, and here we have it kahit secondhand, we had to sell the motorcycle para makakuha ng sasakyan.

There were so many memories.

Medyo kumalma na ako. Siguro naman ay kaya ko nang pumasok sa loob. Pero ayaw ko pa talaga, kaya lang ako papasok sa loob ay dahil lowbat na ako phone ko, wala na akong mapaglibangan sa driveway. Lumingon ako at nakita kong bukas pa ang ilaw sa kusina at sala. Haay, ano kayang mangyayari nito. Naglakad ako papunta sa pinto, binuksan ko ito ng dahan-dahan. Sumilip muna ako sa loob, nakita ko si Keisha na nakaupo pa rin sa sofa at umiiyak sa kanyang mga palad. Pumasok ako, nag-angat siya ng mukha at tumitig sa’kin.

Keisha: “… sorry, I’m so sorry… please don’t leave”Ako: “…why? Lalo lang tayong mahihirapan.”

Keisha: “Please… stay”

Ako: “I’ll leave tomorrow…. sorry”

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Niyakap ko lang siya.

 

Ako: “it’s okay, no one is blaming you…”

Keisha: “I’m sorry, I’m sorry Kent… Please, patawarin mo ako”

Ako: “Magbihis ka na, kanina mo pa suot ‘yang pantrabaho

mo…”

 

Tumayo kami at hinatid ko siya sa bedroom. Tumigil ako sa pinto ng silid namin, hindi na ako sumunod sa loob. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Naramdaman kong nabuwal ang pundasyon ng aming relasyon, tinupok ng apoy na sinimulan ko. Umatras ako at bumalik sa sofa.

Nagcharge ako ng cellphone sa sala. Pinatay ko na ang ilaw sa sala at kusina. Gusto ko na magpahinga, pero ayaw pa ng isip ko. Maliwanag sa silid namin ni Keisha, bukas pa rin ang ilaw habang ang pinto ay nakabukas. Humiga ako sa sofa namin, lalo lang kaming mahihirapan kung magtatabi pa kami. Tahimik na ang paligid, tangin hikbi at iyak na lang ni Keisha ang maririnig sa buong magdamag. Sinubukan kong pumikit pero hindi ako makatulog. May mga hikbi akong naririnig na pumupunit sa katahimikan.

2:30AM, nakatulog na sa kakaiyak at pagod si Keisha. Hindi naman ako natulog. Nagdahan-dahan akong pumasok sa loob ng silid namin, maliwanag pa rin. Nakahiga at tulog si Keisha, maga ang mata at namumula ang pisngi. Kumuha lang ako ng damit sa aming cabinet. Dinukot ko sa ilalim ng kama ang malaking bag. Pinasok ko lahat ng gamit ko. Umikot ako sa kabilang side ng kama para sa aking nightstand, kinuha ko ang mga libro na kailangan ko, mga ballpen, signpens at markers. Binalibag ko lahat sa malaking bag. Nang mapuno na ito, binuhat ko ito palabas. Nilingon ko sa huling pagkakataon ang misis ko…

Naligo ako at nagbihis. Nag-book ako ng grab car. Nilabas ko ang napakabigat nag bag at isang backpack. It was 3:18AM, ilang oras na lang mag-aalarm na ang cellphone ni misis. Gigising na siya. Dumating ang sasakyan, pinabuksan ko ang compartment para ilagay ang malaking bag. Pagsarado ko nito ay nilingon kong muli ang bahay, one last glance… at pumasok na ako sa loob ng sasakyan.

Grab Driver: “sir okay na po? Wala nang nakalimutan?”

Ako: “okay na kuya, alis na po tayo”

Kakaiba ang pakiramdam habang lumalayo ako sa bahay at palabas ng gate ng subdivision. Nilabas ko ang cellphone ko, gusto kong i-text si Keisha… ano naman ang sasabihin ko? Kaya tinago ko na lang ulit sa bulsa ng aking pantalon.

 

Nakarating kami ni manog driver sa isang hotel na maliit, binaba niya at nag-book ako ng kwarto for one day. Aabsent na naman ako sa trabaho, maghahanap ako ng bahay/kwarto na pwedeng upahan ngayon.

Author’s note:

So that’s the ending! Nakahanap din ako ng uupahan. Separate lives na kami after nyan. Are you still wondering? Okay, okay. Here’s a quick rundown from that point until now.

A few days after the Annulment was filed, lahat ng concerned parties ay naka-receive ng notice. Ako at si Keisha, kasama rin si William dahil isa siya sa nagpalala ng so-called “Psychological Incapacitation” na ground for Annulment.

Nag-usap kami ng family ni Keisha, they were very sorry sa ginawa ng anak nila. Nagpapasalamat sila na hindi ko pinakulong. Humingi rin ako ng paumanhin sa kanila, sa gulo at kahihiyan na dala ng paghihwalay namin. I don’t blame them kung hindi nila sinisisi si Keisha, anak nila ‘yun.

Walang tsismis na hindi kumakalat, nang malaman ng kompanya ni Keisha at William na may affair sila at grabe ang kalaswaan na ginawa nila, including the annulment na sinampa ko, the company dropped them both. Salungat daw sa values na pino-promote nila ang ginawa ng dalawa. This is I guess my kind of revenge na lang, she couldn’t find a proper work kasi everytime na may may background investigation lulutang lagi ‘yung kaso namin under her name, companies will always ask bakit nag-file si husband ng annulment?

Nakarating din sa opisina ko ang tsismis, I was confronted by my bosses pero okay lang sa kanila dahil ako ang biktima. Pero ilang buwan lang ay napapansin ko na iba na ang tingin ng mga peers at inferiors ko sa’kin (except Steven and Finn, ang babait nila). Nag-tender ako ng resignation. Umalis ako sa trabaho at nag-apply sa isang position na medyo mababa kumpara sa pinanggalingan ko, pero dito ko nakikitang uusbong ang aking career (and I’m doing just fine here).

2017 was the year na unang kong naranasan na mag-pasko na mag-isa lang ako, including new year salubong sa 2018. But it’s okay! Paminsan-minsan kapag may hearing sa korte, nagkikita kami ni Keisha. Pero wala ng pag-uusap. And our case is still going-on. Nakakabutas ng bulsa pero I can see the light of the day in my favor.

Ilang buwan lang pagpasok ng 2018, I got invited sa baby shower nila Finn at Steven (I guess tama ang hinala ni Steven?), they told me it was a girl and ako ang ninong. 3rd quarter of 2018, I received another invitation from them. Welcome to the Christian world, baby girl! Then before the year ended, I think it was the last week of November of first week of December. I received another invitation… hulaan niyo kung para saan okasyon naman? Para sa kasal ni Steven at Finnella!! I’m so glad! Complete turnaround talaga ang nangyari. #StevenFinn

…TO BE CONTI—-THE END.

Thanks for reading! I hope you guys enjoyed it! Please leave a ratings and comment.

=============================NEXT TITLE TO BE RELEASED==============================

Disclaimer:

The story, all names and incidents portrayed in this series are fictitious. No identification with actual persons (living or deceases), places, buildings, and products is intended or should be inferred.

 

Ang istorya, lahat ng pangalan at mga pangyayari na nilalarawan sa seryeng ito ay kathang-isip lamang. Walang pagkakakilanlan sa aktwal na mga tao (buhay o namayapa), mga lugar, mga gusali at mga produkto ang sinadya o mahihinuha.>This is only a short portion of the story<


In Too Deep
Bryan: “Hello hon?”

Ako: “Yes hon? Napatawag ka?”

Bryan: “Sunduin kita mamaya?”

Ako: “hehe, alam ko na ‘yan… Sundo at sundot ‘yan”

Bryan: “eh hehe, siyempre”

Ako: “oh okay, sige. Ganung oras ulit”

Bryan: “okay, see you later”

Binaba na ni Bryan ang tawag.

Ako? Ako si Aislinn, 25 years old. Isang public school teacher. 5’1 ang height, morena, I am a thicc woman. ‘Wag kang magpapaloko sa’kin, mukha lang akong maamo pero nasa loob ang kulo ko. Malaman ang aking katawan pero may kurba. Siksik at matambok sa mga parte na kinagigiliwan ng mga manyakis. Tulad ng asawa kong si Bryan, 30, nangangasiwa siya ng aming bigasan. 5’4 ang height, may medium built dahil matrabaho sa pinapatakbo naming bigasan. Mahal ko ang asawa ko at alam kong mahal niya rin ako, pero may sexual preferences kami na kaming dalawa lamang ang nakakaintindi. Mga sikreto na naging plano hanggang sa matupad at hanggang ngayon ay palihim naming ginagawa. Mga bagay na ikagugulantang ng normal na tao, ito ang sinasabi kong kulo sa loob ko… na sinusuportahan ng aking asawa.

 

This is only a teaser! Salamat sa pagsubaybay!

KentPent
Latest posts by KentPent (see all)
Subscribe
Notify of
guest
2 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
2
0
Would love your thoughts, please comment.x