First Time Part I

Real Sex Stories

Written by hari_ng_libog

 


First Time
Written by: red-nine

Chapter 1

Hi LS members, unang beses kong susulat dito sa LS kaya sana pagpasensyahan n’yo na .

Unang araw noon ni Lianne sa college.

Isang star student sa kanilang paaralan dito sa Baguio city, itinuturing na modelong teenager si Lianne sa amin. Pa’no ba nama’y hindi lang ito masinop sa eskwela, kundi isa rin itong varsity volleyball player at choir member. Maganda ang boses niya, malambot at mala-anghel, at isa siya sa mga kakaunting soprano sa choir ng paaralan nila.

Pero higit sa lahat, mabibighani ka sa ganda nitong si Lianne. Matangkad at may malulusog na harapan, paper-white ang balat, straight at tila natural na kulay-brown ang buhok, sa biglang tingin ay mukhang anime character ang dalaga. Parang naka-costume siya palagi dahil long sleeves at medyo dark blue na paldang may kahabaan ang uniporme ng paaralan nila. Maski sa isang conservative na kasuotan ay litaw na litaw pa rin ang kanyang biniyayaang mga hinaharap.

Laging naka-lugay ang kanyang magandang buhok at madalas ay naka-headband siya ng matingkad na kulay blue. Napakabango pa niya at animo’y halimuyak ng mga gumamela sa botanical garden ang iyong maamoy sa tuwing meron siya. May lahing Chinese si Lianne, at ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari ng isang bagong-bukas na restaurant sa may session road. Oo, totoong may mga ganoong tipo ng babae, at isa si Lianne sa mga iyon.

Hindi kami close noon dahil siya ay nag-aaral sa isang exclusive na catholic school, samantalang ako naman noon ay isang estudyante lamang sa aming national high school. Bagamat hindi kami matalik na magkaibigan, masasabi kong casual friends kami. Ito’y dahil tuwing may sinasalihan kaming quiz bee at magkalaban kami, lagi kong sinisigurong makakamayan ko siya at maco-congratulate. (palagi namang siya ang nananalo sa mga contest na iyon, at wala akong pag-asa dahil lagi akong distracted sa kanya.)

Anyway, nagkataong pareho kami ng pinasukang unibersidad ni Lianne. Hindi lamang iyon, dahil nalaman ko pang pareho kami ng kurso. Sa pamamagitan ng isang kaibigan ay nakuha ko ang number niya at buong summer bago ang pasukan ay nakipag-close ako sa kanya.

Kaya naman hindi kataka-takang sa first day namin ay siya ang nakasabay kong mag-lunch. Karamihan sa kanyang mga kaibigan ay nagpunta sa Manila upang mag-aral sa mga prestihiyosong unibersidad doon, at ako lang daw ang maituturing niyang pinaka-close na kakilala sa school. Habang naroon sa cafeteria ay sinamantala ko nang itanong sa kanya ang dahilan kung bakit niya hindi piniling pumasok sa UP o sa Ateneo. Aniya, ayaw daw ng kanyang mga magulang na malayo siya dahil baka umano mapasama ito sa masamang barkada o malulong sa bisyo. Isa pa, walang anak na lalaki ang kanyang mga magulang, at bilang panganay ay malamang siya ang magmamana ng kanilang negosyo kaya kailangan siya dito.

Di maitago ang tuwa ko noong mga sandaling iyon. Medyo mataas ang tingin ko sa sarili ko dahil narito ako ngayon, kasabay naglu-lunch ang babaeng palaging stand-out sa lahat. Nakaramdam rin ako ng konting kilig sa bawat pagkakataong magkakaubusan kami ng sinasabi at magkakatitigan ng panandalian. Natapos kaming kumain at sabay na naglakad papunta sa susunod naming klase. Siyempre, tinabihan ko siya sa loob ng classroom.

Hapon na noon at pauwi na kami nang bumuhos ang malakas na ulan. Ganoon naman talaga dito sa Baguio, tuwing hapon ay babatiin ka ng pabugso-bugsong ulan. Ngunit iba ang pagkakataong ito, dahil parang bagyo na ang lakas ng hangin at buhos ng ulan.

Madalas ay hatid-sundo si Lianne, ngunit dahil nasa Manila ang kanyang mga magulang noong mga panahong iyon upang kausapin ang kanilang supplier, wala ang kanilang sasakyan at kailangan niyang mag-commute pauwi. Tutal ay iisa lang naman ang istasyon na aming sasakyan, niyaya ko siyang sumabay na lang sa akin at pumayag naman siya.

Papatawid na kami noon patungo sa may istasyon nang lumakas pa lalo ang ulan. Kahit may payong ay kitang-kita kong basang-basa na si Lianne. Basang-basa na ang kanyang buhok at bumabakat na rin ang kanyang bra sa kanyang suot na manipis na t-shirt.

“doon tayo sa waiting shed”, yaya ko sa kanya.

Habang nasa waiting shed ay pinipilit kong umiwas sa pagkakatingin sa kanyang dibdib. Hindi na lang ako umiimik, ngunit sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko nang lamasin at lapirutin ang mga ito habang pinupupog siya ng halik.

“ok ka lang?” tanong niya.

“ah, oo, medyo lalagnatin yata ako pero ayos lang.” (isang palusot)

“Naku John, this is bad. kelangan mong magpahinga.”

“Ok lang ako, hintayin na lang nating tumila ang ulan.”

Naglabas siya ng isang panyo, na amoy-bulaklak ring tulad niya, at mula sa pagkakaupo ay inilapit ito sa aking basang-basang mukha. Para akong na-kuryente sa kanyang ginagawang pagpunas nang marahan sa aking mukha, at talagang libog na libog na ako ng mga sandaling iyon. Mula sa aming kinauupuang waiting shed ay natatanaw ko ang isang motel sa tawid, at kung anu-anong pantasya ang pumasok sa isip ko.

Mahigit isang oras na ang nakakalipas. Alas-sais na noon ng gabi at dumidilim na. Di pa rin kami makaalis dahil napakalakas pa rin ng buhos ng ulan. Lingid sa aking kaalaman, nakikita rin pala niya ang motel na aking pinagmamasdan kanina.

“John?”

“Lianne?”

“Okay lang ba sa’yo if we spend the night in that nearby hotel? The way things are right now, malamang “di na tayo makakauwi. Haha, don’t worry, o-orderan kita ng extra mattress so you won’t have to sleep on the floor.”

“ok, pero magpaalam muna tayo sa parents natin.”

Nagpaalam naman kami sa magulang namin, pero di na namin sinabing magkasama kami para patay-malisya. Naglakad kami nang medyo matulin patungo sa motel, at nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

(itutuloy)

 

hari_ng_libog
Latest posts by hari_ng_libog (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x