Ezra On His Chip

AdobongLamok
AdobongLamok

Written by AdobongLamo

 


“I wanna stay in love with my sorrow…”
Lithium – Evanescence

*

Ezra On His Chip

My name is Ezra. 24 years of age, a gamer, certified otaku, part-time writer and artist, at isang self-proclaimed computer whiz.
And oh, I am also an introvert.

Only child ako.
Engineer yung Dad ko while my Mom works sa isang malaking travel agency.
So I grew up na yung Yaya ko lang ang madalas kong kasama. But she had to leave us when I was in grade 5 dahil na-stroke yung asawa nya sa probinsya at kailangan nyang alagaan.

Kumuha ng bagong makakasama sa bahay yung Mom ko pero di ko sya masyadong naging ka-close na kagaya nung unang Yaya ko. Siguro dahil madalas syang magsungit. Lalo na pag wala yung parents ko sa bahay.

Since nawala yung Yaya ko, pakiramdam ko mag-isa na lang ako.
I guess that’s the reason kung bakit loner ako ngayon. Mas gusto kong mag-isa dahil yun na ang nakasanayan ko. Dun na ako mas kumportable.

Nag-high school ako na ako yung tinuturing na class weirdo. Palaging mag-isa at di nakikihalubilo sa mga kaklase.
Kahit may group projects ay di ako nagco-contribute ng ideas. Gagawin ko lang yung part ko na in-assign sakin ng mga classmates ko at bahala na sila.
Kapag may programs ay walang makapilit sakin na magparticipate.

Kumuha ako ng computer engineering nung college pero nag-stop din ako after the first year.
Di na ako nag-aral ulit after that.

I just locked myself inside my room and played online games. Dun din ako kumukuha ng extra money by selling in-game items and currencies.
My parents didn’t know about it kaya regular pa rin nila akong binibigyan ng allowance. Which I rarely spend kasi nga I don’t go out much.

I also started drawing and writing stories.

Mas nagustuhan ko yung pagsusulat kasi through that, I get recognized.
I liked that setup where I can get recognized or praised for my works without having the need to interact with others.

So I started writing different stories under the pen name “Quill” and posted them in different sites.
Romance, sci-fi, fantasy, horror, and even erotic.
Anything na pumasok sa isip ko, isinusulat ko.

But there was this one idea. This one plot. This one story na matagal nang nasa isip ko pero I can’t seem to put into writing.

I know it will be a good one. Perhaps a masterpiece when compared to my other works. I just can’t find the right words to start.

I tried so many times but I always end up hitting the delete button and get left with a blank page.
Maybe I just don’t have the inspiration yet.

*

It’s been 3 weeks since I last posted a story sa site na naging regular na ako. Naghahanap na ng update yung mga followers ko pero wala pa akong nasisimulan.

I went out that night at bumili ng alak.
Nag-inom ako mag-isa sa kwarto. Nagbabaka-sakaling mas maging creative pag naimpluwensyahan ng alak.

I don’t drink often kaya I started to feel tipsy after just a couple of shots.
I guess it’s time. Sabi ko sa sarili ko. Time to be productive.

I tried my luck on writing that elusive story once again.
I started typing. Word after word. Una ay mabagal. Paisa-isa. Hanggang sa bumilis ang pagtipa ko sa keyboard.
The ideas kept on flowing. I felt so excited that time. I think this is it!
Sa wakas ay unti-unti nang nabubuo yung story ko.

I took another shot. Ayokong mawala yung drive ko. Then I proceeded on writing that story.

I continued typing and drinking that night for I don’t know how long.

Basta I just woke up nang maramdaman kong may yumuyugyog sakin.

Nakatulog pala ako sa harap ng PC.

Parang binibiyak yung ulo ko nun.
I raised my head and raised my hand to let my Mom know that I’m already awake.

Then I leaned my body back along with the gaming chair I’m sitting on. Raised my arms straight, stretched my legs and yawned.

I opened my eyes and they grew wide nung makita ko kung sino yung gumising sakin.

I wasn’t my Mom!

It’s a girl! A lady to be exact! A pretty one!
With long, straight black hair.
Her red lips, smiling. Her brown eyes staring at me.

I quickly stood up and walked a step back.

“Sino ka?” I asked her.

Tiningnan ko sya mula paa hanggang ulo.
She’s wearing a pair of red flat shoes, black stockings, a very short black dress with red laces. And a red ribbon sa buhok nya.

“Kumuha nanaman ba si Mommy ng bagong maid?” Sa isip-isip ko.

*
Author’s note:
3rd year high school ako nung mag-resign yung pumalit sa Yaya ko kasi mag-aasawa na daw. Di na kami kumuha ulit kasi di ko naman na kailangan ng mag-aasikaso sakin. Saka ayoko na din ng may iba pang kasama sa bahay.
*

“Kung bagong maid nga itong nasa harap ko ngayon, bakit naman ganito ang ayos nya?” Sa isip-isip ko pa rin.

Then I suddenly remembered something about what she’s wearing.

Yun yung eksaktong suot ng female character sa sinusulat kong story kagabi.

It was an erotic-fantasy story. At ang main character nun ay kaparehong-kapareho ng features ng babaeng nasa loob ng kwarto ko ngayon at kaharap ko.

At ang pangalan nung character nun ay si…

“Ako si Pluma.” Nakangiting pagpapakilala ng misteryosang babae.

**

I slapped myself a couple of times to try and wake me up from this dream.
Pero andun pa rin sya. Di sya nawawala.

Bilang isang otaku ay napakarami ko nang napanood na anime na may ganitong theme.
Yung magigising na lang yung bida na nagkatotoo na pala yung babaeng pinapantasya nya lang.

Pinangarap at pinantasya ko rin na mangyari sakin yun. Pero ni minsan ay di ko in-expect na magkakatotoo.

Nakaupo ako ngayon sa gaming chair ko. Nakaharap at pinagmamasdan lang ang cute na babaeng nagpakilalang si Pluma na nakaupo naman sa kama ko.
Iniisip ko kung paano ito nangyari. Kung paano sya nagkatotoo.

Nasa kalaliman ako ng pag-iisip nang may kumatok sa kwarto ko.

“Ezra, aalis na kami ng Daddy mo. Nasa lamesa na yung pagkain mo. Ikaw na bahala sa bahay ha.” Tawag ng Mommy ko.

Di ako sumagot.

Maya-maya ay narinig kong bumukas ang gate namin at lumabas ang kotse.
Then I heard it close again. Followed by the noise of a car driving away.

I waited for a few minutes tapos ay sumilip sa labas ng kwarto ko.
Nung sure na akong wala nang ibang tao sa bahay ay isinara ko ulit ang pinto ng kwarto at muling naupo.

“Pluma yung pangalan mo?” Tanong ko sa babae.

“Oo.” Sagot nya.

“San ka galing?” Muli kong tanong.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Nag-isip muna sya. Tapos ay tumingin sakin at sumagot.

“Sa Venttrior.”

Yun yung pinangalan ko sa fictional world sa story.
It’s an anagr of the word “introvert”.

“Bakit ka nandito? Pano ka napunta dito?”

“Tinawag mo ko.” Sagot nya.

“Kilala mo ko?” Tanong ko ulit.

“Ikaw si Quill. Yung gumawa sakin saka sa Venttrior at sa lahat ng nandun.”

I leaned back, closed my eyes and sighed.
Epekto lang siguro ng hangover to. Ipapahinga ko lang ng konti at mawawala rin to.

I stayed that way for a few minutes until I felt my stomach grumble.
So I opened my eyes and looked at the clock on my wall.
It’s almost 10AM.

I looked at my bed. She’s still there. Just staring at me.

“Nagugutom ka ba?” I asked her.

Nag-isip sya saglit then she nodded her head.

“Lika.” Then I stood up and walked outside.

Sumunod naman sya hanggang sa dining area.

Inangat ko isa-isa yung mga cover ng pagkain sa mesa.
Hotdogs, scrambled eggs, garlic rice.

“Maghugas ka muna ng kamay.” Sabi ko sa kanya.

Tumingin lang sya sakin.

“Lika dito.”

Isinama ko sya sa lababo. Nauna akong naghugas ng kamay tapos ay ginaya nya.

Habang kumakain kami ay tuwang-tuwa yung expression nya. Parang first time nyang makatikim ng ganung pagkain.
Naaliw naman ako habang pinapanood sya.
I guess totoo nga na yun talaga yung first time nya.

After eating, niligpit at hinugasan ko yung mga pinagkainan namin. Tapos ay bumalik kami sa kwarto.

Naglaro ako ng game ko sa PC at nanood lang sya sakin. Tinuruan ko sya at madali naman syang natuto. Mukhang may personal pilot na ako sa nilalaro ko.

Nanood din kami ng mga anime at nagustuhan nya rin yun.

Pagdating ng bandang 6PM ay nagluto ako ng dinner namin. Fried chicken.
Nakatayo lang sya sa tabi ko habang pinapanood ako.

After nun ay kumain kami at sobrang saya nya nanaman.

Bandang 7:30PM nung na-realize ko na di pa nga pala ako naliligo.
Dahil solong anak, I have my own bathroom sa kwarto ko kaya di ko na kailangan lumabas para maligo.

I just left her watching anime sa PC ko.

Nasa banyo ako nang marinig ko yung katok sa pinto ng kwarto ko. Nakauwi na pala sina Mommy.

“Erza, kumain ka na ba?” Tanong ni Mommy.

Nag-panic ako. Baka kasi buksan ni Pluma yung pinto.
Kaya dali-dali kong binuksan yung pinto ng banyo at sumagot.

“Yes, Ma! Tapos na po!” Sigaw ko.

Huli na nang maisip ko na hubo’t-hubad nga pala ako at may ibang tao nga pala sa kwarto ko.
Pagtingin ko kay Pluma ay parang wala lang naman sa kanya. Nilingon nya ako saglit then she went back to watching.

Paglabas ko ng banyo ay tinanong ko sya kung gusto nya rin maligo.
Tumango lang ulit sya.

Naghanap ako ng damit ko na pwede nyang pamalit.
Isang pinagliitang shirt at boxer shorts lang ang nakita ko na hindi maluwag sa size ng katawan nya kaya yun ang binigay ko sa kanya kasabay ng isang bath towel.

Pinakita ko sa kanya kung pano bubuksan at papatayin yung shower. Itinuro ko rin kung san yung sabon at shampoo. Tapos ay iniwan ko na sya sa loob at isinara ang pinto.

I decided na basahin ulit yung story na sinulat ko kagabi but I can’t seem to find it. Di ko rin maalala kung san ko yun na-save. I checked every folder pero wala.
I even restarted my PC and rechecked everything pero di ko talaga mahanap.

After about 30 minutes ay lumabas na sya ng banyo.

She’s wearing my old shirt and boxers. She looked so sexy with her hair still wet.

Kailangan ko sya mabilhan ng damit nya. At undies na rin. Kaso pano ko naman malalaman yung size nya?

Di ko maiwasang mag-isip ng perverted thoughts that time.

I searched the net kung pano malaman ang right size ng bra para sa babae. I even watched some videos.

Looks like I’m gonna need a tape measure pero wala yata kami nun sa bahay. Kung oorder naman ako online ay matatagalan pa.

I searched my room for an alternative and I found some shoelaces and a ruler.
I guess these will do.

I got her measurements and ordered her some clothes and undies online na sya mismo ang pumili.

Then I played again. And she just watched behind me.

Bandang 1AM. Nang makaramdam ako ng antok.
Paglingon ko sa kanya ay tulog na pala sya at pabalagbag na nakahiga sa kama.

Inayos ko sya at tumabi sa kanya. Humiga ako ng nakatalikod sa kanya. Maya-maya ay yumakap sya sakin mula sa likuran.
Napangiti lang ako at pumikit na.

*

The next day, I ordered pizza. Pinagsaluhan namin yun at tuwang-tuwa nanaman sya.

We watched Netflix sa sala namin. Nag-soundtrip at naglaro din ng PS.

Then nung bandang 7PM ay bumalik na kami sa kwarto ko. Baka kasi maabutan kami nila Mommy.

The following day ay dumating na yung inorder kong mga damit nya.
Pinasukat ko yun sa kanya and they’re all perfect.
Bukod sa undies at mga pambahay ay inorderan ko rin sya ng pants and blouses na pwedeng pang-alis.

I ordered pasta naman that time saka cake. Gustong-gusto nya rin yung mga yun.

I don’t know pero I feel so happy pag nakikita ko na masaya sya.

I don’t really sing pero tinuruan ko sya kung pano mag-videoke thru Youtube. Without a mic nga lang dahil baka marinig ng kapit-bahay na may babaeng kumakanta samin at i-chismis sa magulang ko.
Gusto ko lang maka-experience sya ng iba’t-ibang mga bagay at di yung pare-pareho lang everyday.

I was surprised na marunong syang magbasa. I guess part yun ng binuo kong character nya sa story.
I was also surprised na ang ganda ng boses nya at ang galing nyang kumanta. Isang beses nya lang marinig yung song ay kaya nya na agad kantahin with the help of the lyrics sa Youtube.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Just like yesterday, pumasok na kami ng kwarto pagdating ng 7PM.
We just watched anime and movies hanggang sa makatulog.

Then the next day, I decided na ilabas sya.
I want her to experience a lot of other things.

Pinasuot ko sa kanya yung pang-alis nyang blouse and jeans.
Then pinahiram ko sya ng lumang sneakers ko. They were an old pair na maliit na sakin but they’re still good as new dahil wala pa atang 10 times kong nasuot.

We went to the mall.
Sobrang amazed sya sa laki ng lugar. Sa dami ng mga tao dun. Sa dami ng mga bagay na first time nya lang makita.

Sa loob pa lang ng Grab car ay parang bata na sya na tuwang-tuwa sa halos lahat ng makita nya.

Namasyal lang kami sa mall. Lahat ng stores and boutiques ay pinasok namin dahil gusto nya makita lahat ng pwede nyang makita sa loob.

We ate burger and fries for lunch.
Then pasyal ulit.
I also made her try ice cream and she was so fascinated by it.

That was the first time I went out with a girl my age so I guess that can be considered as my first ever date. Kaya siguro nalibang din ako at di ko namalayan ang oras.

It was already 6:30PM!

Hawak ko sya sa kamay at halos patakbo kaming lumabas ng mall.
Sakto naman na may mga taxi na nakaparada kaya dali-dali kaming sumakay.

It was already quarter to 8 when we got to our house dahil inabot kami ng traffic.

Nanlumo ako when I saw my parent’s car sa garage.
Pero wala na akong magagawa.

We entered the gate and stopped by the door. I held her hand tightly as I turned the knob and pushed the door open.

We walked inside. My parents were on the couch and watching TV.
They both looked at me.

“San ka galing?” My Mom asked.

“Sa mall po.” Sagot ko. Then followed by “Si Pluma nga po pala. Girlfriend ko.” Pakilala ko sa kasama ko.

“Pluma, sila yung Mommy at Daddy ko.”

“Hi po!” Bati sa kanila ni Pluma.

Nagkatinginan lang yung parents ko. They didn’t say a single word.

Naglakad na kami ni Pluma papasok ng kwarto ko. Ayoko na hintayin kung anong susunod nilang sasabihin. Ayoko rin ng conversation about me.

Ang lakas ng kaba ko nun. But at the same time I also felt kinda relieved dahil di ko na kailangan magsikreto.
Nasa age naman na ako na pwede na akong magsama ng babae sa bahay. We can even live together or get married.

The following days ay naging maluwag na yung kilos namin ni Pluma sa bahay.

We watch TV, we play, we listen to music and dance, and we also sang and with mic this time.

Ilang beses na din kami lumabas nang walang inaalalang oras.
Ilang beses na kaming nakapanood ng sine at kumain sa restaurants.

I also bought her some things. Mga personal necessities nya. Some more clothes, shoes, bags, and other stuff.
I also bought her a silver bracelet na sobrang nagustuhan nya.

I have a good amount of savings from the allowances na binibigay ng parents ko pati na rin sa mga kinikita ko sa online game na nilalaro ko.

When we got home, my parents were waiting for me.

“Ezra, we need to talk.” Sabi ng Dad ko.

“Dad, wag muna ngayon. Pagod kami ni Pluma.” Sabi ko sabay hila kay Pluma direcho sa kwarto.

“Ezra, wait!” Habol ng Daddy ko.

Pero isinara ko na yung pinto.

I’m not yet ready to talk about this. I don’t know kung pano ipapaliwanag sa kanila yung tungkol kay Pluma.
I will someday. But not now.

I looked at Pluma. Nakaupo lang sya sa kama.

“Gutom ka na ba?” Tanong ko sa kanya.

Tumango lang sya at ngumiti sakin.

Di na kami nakapag-dinner sa labas kasi late na kaya pinadaan ko na lang sa drive-thru yung taxi bago kami umuwi.

Ayoko na muna lumabas ng kwarto dahil alam ko na kukulitin lang ako ng parents ko. Kaya I decided na dun na lang kami sa kwarto kumain.

I set our food sa maliit na table sa kwarto ko then stacked some pillows and blankets para may maupuan kami.
I bought a 2-pc chicken meal for me and a 2-pc burger steak meal for her. Di pa kasi sya nakakatikim nun.
And as always, tuwang-tuwa nanaman sya sa bago nyang natikman. Nasimot nya lahat hanggang sa kahuli-hulihang butil ng kanin.

Then we watched the movie “A Beautiful Mind” by Russel Crowe.
And then we slept.

I woke up dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto.
I looked at the time. It’s P:57 in the morning.

The knocking continued.
Ayokong magising si Pluma kaya bumangon ako at binuksan yung pinto.

I was surprised to find three men along with my parents just outside my room.

“Ma, bakit?” Tanong ko sa Mommy ko.

“Anak, kailangan mo sumama sa kanila.” Sagot ng Mom ko.

Kinabahan ako sa sinabi nya.
I walked back pero naharangan na agad nila yung pinto kaya di ko na yun naisara.

“Bakit nga, Ma?” Tanong ko ulit.

“Anak, you need to be checked.” Parang naiiyak na yung Mommy ko.

“Why? What’s wrong? Wala akong sakit, Ma! I’m perfectly fine!” Sabi ko.

“You are not fine. You’ve been acting weird.” Dad ko na ang nagsalita.

“What do you mean? Is this about last night? I’m sorry. Pagod lang ako kagabi. I will talk to you now. I will tell you everything.” Paliwanag ko sa kanila.

“You need help, Ezra. Sumama ka na muna. Dun tayo mag-usap. Please.” Kalmadong pakiusap ng Dad ko.

“Bakit ako sasama? No! Ayoko! Pano si Pluma? Ayoko syang iwan dito mag-isa.” Mariin kong sabi sa kanila.

“THERE IS NO PLUMA! ANO BANG PLUMA YUNG PINAGSASASABI MO?” Sigaw ng Dad ko.

“Hon! Please, don’t raise your voice.” Awat sa kanya ng Mom ko.

Natulala ako.
I can’t remember the last time na nasigawan ako ng Daddy ko. I don’t know kung nasigawan nya nga ba ako sa buong buhay ko.

My vision started to blur as my eyes welled. I felt my body shiver.
Pero hindi yun dahil sa takot sa pagsigaw ng Dad ko.
Kundi dahil sa narinig kong sinabi nya.

“What do you mean walang Pluma? Ayan sya, Dad!” I pointed the bed pero wala dun si Pluma.
I looked around and saw her sitting beside the table na kinainan namin kagabi.
I felt relieved.

“Ayan si Pluma!” Itinuro ko sya sa mga magulang ko at sa tatlong lalaking nasa loob ngayon ng kwarto ko.

“What are you saying? There is no one there!” Said my Dad.

I can’t believe what I’m hearing. Pano nyang di nakikita si Pluma? Bulag ba sya?

I looked at my Mom.

“Ma! Ayan si Pluma, di ba? Nakikita mo di ba? Sabihin mo nga kay Dad!” Sabi ko sa Mommy ko.

Pero umiling lang sya.
She’s already crying.
Niyakap sya ng Daddy ko.

I looked at the three men. One by one.

“Is this a prank?” I asked them.

One of them held me by the arm. I tried to free myself pero mahigpit ang kapit nya.
The other men grabbed me.

I started to panic.

“Ma! Please! Tulungan mo ko! Dad! Daddy!” I called out for them.

“Please, Ezra. Sumama ka na lang.” Answered my Dad.

I tried with all my might to break free. I kicked and punched the men restraining me.

Then I felt a sharp pain on my arm. I looked and saw the clear liquid from the syringe get injected into my body.

I looked at where Pluma sits.
She’s just staring at me. Her eyes seemed blank and her face expressionless.

Then I looked at the table and saw the boxes from our last night’s dinner.

Mine was empty.
But her’s…

The box is open but the contents seemed untouched.
Andun pa yung rice na nakabalot pa ng paper. At yung dalawang pirasong burger steak na wala kahit kapirasong bawas.

I looked at Pluma again but she’s no longer there.
I looked around the room but couldn’t find her.

That’s when everything turned to black.

***

I was diagnosed with some kind of schizophrenia.
I’m having delusions and hallucinations of a girl named Pluma.
That’s what they explained to me.

They also told me how my parents first noticed my weird behavior nung akala nila ay nagtatapon ako ng pagkain.
Those were the foods that I thought na kinakain ni Pluma.

And nung umuwi ako from mall that day at pinakilala ko sila kay Pluma, dun na sila nag-worry.

They consulted a doctor which suggested na obserbahan yung mga kilos ko.
They can’t do that coz they both have work at pag nasa bahay naman sila ay di ako halos lumalabas ng kwarto. So they installed some hidden cameras inside the house.

And there they saw me act as if there’s someone with me kahit pa I’m clearly alone.

They also hired someone to follow me when I go out and that guy reported my weird behaviors.
How I always buy two tickets and two snacks pag nanonood ng movies.
How I order two sets of foods in restos but eat only one.
And also how I seemed to be talking with someone kahit wala naman akong kasama.

It made a lot of sense.
Pluma wasn’t real. I just created her inside my head.

Alam ko naman from the beginning na imposible talagang mangyari na may bigla na lang susulpot na babae na parang bula sa kwarto ko na di ko alam kung san nanggaling.
Ewan ko kung bakit ako nahulog sa sarili kong delusions.

Di ako nahirapang tanggapin yung reality na yun.
Masakit lang talaga. Masakit malaman na may diperensya ka sa pag-iisip.

**

After 8 months of rehab ay nakalabas din ako ng institution.
They can’t see any more traces of my delusions kaya they cleared me.

I felt so happy that time.
I know I’m a changed man now. I learned to socialize. I am no longer an introvert.
I can now live a normal life.

I have so many plans nung andun ako sa loob.
And one of them ay bumalik sa pag-aaral.

Sinundo ako ng parents ko that day. I’m so happy to be with them again outside.
When was the last time na magkakasama kami sa labas ng bahay?
I can’t remember anymore.

All I know is mapapadalas na yun kasi that’s one of my plans.
And I can’t wait to tell it all to them.

I almost cried when we got home. I really missed that house. I can’t believe how I just ignored most of it and prefered to just stay inside my room.

“Magpalit ka na. Nagluto ako ng lahat ng paborito mo bago ka namin sinundo.” Sabi sakin ng Mommy ko.

“Wow! Excited na ko, Ma.” Sagot ko sa kanya.

I carried my luggage and entered my room.
I looked around and saw that nothing changed.
Nilinis lang siguro at niligpit yung mga kalat. But everything is still the same.

I turned to close the door but heard the squeaking sound of my bed.
I turned back inside and saw Pluma sitting there. Her eyes almost teary.

“Bakit ngayon ka lang? Akala ko hindi ka na babalik.” Tanong nya sakin.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


I just stared at her for a few seconds.
Then I smiled, closed the door and locked it.
I walked towards her and caressed her hair.

“Wag kang mag-alala. Andito na ko. Hindi na kita iiwan ulit.” Pag-alo ko sa kanya.

*

Fin!

***

P.S.
Pasensya na kung walang erotic content itong story na to.
An idea entered my mind while some chatters were posting emo songs kanina sa isang chat room so I decided to put it into writing.

Thanks to Ergo.proxy for the emo mood.

AdobongLamok
Latest posts by AdobongLamok (see all)
Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
1
0
Would love your thoughts, please comment.x