Engkanto 1

Lienverga
Engkanto

Written by Lienverga

 

tawagin niyo na lang ako sa pangalang tong cruz 25 years old. marami na rin ako naging girlfried, sa di pagmamayabang may pagka gwapo ako at marami talagang babaeng nagkakarandarapa sa akin. kulang na lang ay luluhod ang babae sa aking harapan dahil sa kagwapohan ko. kamukha ko raw ang sikat ngayon na korean actor na si jung kook, 5’4 ang hight at maputi. nagtratrabaho ako bilang isang call center agent sa cebu for almost 3 years. pero tubong bohol talaga kami. tagbilaran bohol. may bunsong kapatid din ako ang pangalan niya ay rochelle cruz.

si rochelle ay may asawa na ang pangalan ay cardo talisay. isang magsasaka hindi pa sila kasal dahil sa hirap ng buhay pero may dalawang anak na sila. si marga 8 years old at si casie 5 years old. bata pa lang si rochelle nang mabuntis siya ni cardo. at doon na nanirahan sa lugar nila cardo sa liblib na bayan sa leyte.

isang araw nagpasya ako mag leave muna sa work para mag bakasyon sa lugar ng bunso kong kapatid. gusto kong suprisahin ang kapatid ko total alam ko naman ang address ng bahay nila sa leyte.

pag dating na pag dating ko sa bayan nila ay talagang sariwa at malamig ang simoy ng hangin. ibang iba talaga sa syudad. magkalayo ang mga bahay. at talagang tahimik ang paligid. saktong sakto ang lugar na ito kung gusto mong makapag relax. magkalayo ang mga bahay mga isang kilometro ang agwat ng mga bahay. maraming bundok at puno ng kahoy.

nag lakad ako patungo sa bahay ng bunso kung kapatid mga 30 minuto bago ako makarating sa bahay nila mula sa bayan. mga dalawang bundok ang dinaanan ko bago ako makarating sa kanila.

pag dating ko sa bahay ng bunso kung kapatid ay una ko kaagad napansin ang isang malaking puno ng balete sa likod lang ng bahay nila. masyadong tahimik at tanging mga huni lang ng ibon ang tanging maririnig mo.

ako: tao po… tao po.. may tao po ba?

agad may lumabas galing sa loob ng bahay. isang mgandang babae

rochelle: kuya? ikaw ba yan?

ako: rochelle?

rochelle: ang payat muna kuya ah.. muntik na kitang hindi nakilala..

ako: hehehehe…. uo parati kasing puyat sa trabaho eh. parating stress.

rochelle. na miss kita kuya ( sabay takbo papalapit sa akin at yumakap)

ako: miss you to.

rochelle: buti napasyal ka kuya. sino kasama mo?

ako: ako lang mag isa. gusto ko sanang mag bakasyon dito mga ilang araw lang. pwede ba?

rochelle:okay lang kuya. kung gusto mo pa nga dito ka na lang mamalagi eh.. welcome na welcome ka dito kuya.

ako: salamat chell..

rochelle: pumasok ka muna dito kuya.. ako na mag dadala sa isa mong bag. ipasok mo mga gamit mo dito.

ako: salamat… uhhmmmm…. saan na pala ang asawa at anak mo?

rochelle: nasa bayan pa ang asawa ko nag tratrabako siya kina ka nestor bilang isang magsasaka ng palay. ang dalawa ko namang anak nandito sa loob nag lalaro ng bahay bahayan. pasok kana sa loob kuya may bakanting kwarto sa loob. doon na lang tayo mag usap.

pag dating namin sa loob ay sinalubong kaagad ako ng dalawa kung pamangkin.

marga at casie: mano po tito.

ako: ang lalaki niyo na ah.

rochelle: sanga pala kuya.. kumusta naman buhay mo sa cebu? may mapalad na bang babae na napili ang kuya ko?

ako: wala pa. standard ako eh.. hindi ako easy to get. pagmamayabang ko pa.

rochelle: di kana nag bago.. hatid muna kita sa kwarto mo kuya.

magkatabi lang ang kwarto ko at master bedroom ang harapan ng kwarto ko ay kwarto nila casie at marga, nasa baba naman ang sala at ketchin.

rochelle: dito ka muna kuya. special ang araw na ito ipag luluto kita ng tinolang native na manok at sinabaw na baboy ramo.

ako: huwag na. manok na lang okay na yan.

rochelle: stop it. dyan ka lang. magpahinga ka muna alam ko pagod ka sa beyahi. ako na bahala dito.

humiga kaagad ako sa kama at nag hubad na ng sapatos. minabuti kung ipikit muna ang mga mata ko para makapag relax lang kahit sandali pero dahil sa subrang pagod ay di ko namalayan na ako pala ay nakatulog nang may narinig akong busis mula sa ilalim tinatawag ang pangalan ko.

rochelle: kuya tong gising ka muna diyan.. kakain na tayo.

nagising ako at naalimpungatan. tinatawag ako ng aking kapatid. tiningnan ko ang relo ko di ko namalayan mag aalas 7:00pm na pala.

ako: sandali diyan na ako.

pag babako ay nakita ko ang aking bunsong kapatid at asawa niya na nag hahanda ng mga pagkain. ang mga anak nila ay naka upo na at handa nang kumain, halatang gutom na.

cardo: oi bayaw. musta long time no see.. musta na?

ako: ito gwapo at cute parin.

rochelle: gwapo. gwapo ibunal nag bibisaya na ang kapatid ko.

cardo : buti pa kumain na muna tayo.. oi bayaw masarap yan. yan ang special sa amin dito. masarap yan, magaling magluto asawa ko. chief cook namin yan

rochelle: talaga, magaling talaga ako mag luto noon pa. kumain na nga kayo.

kumin kami ng sabay sabay. unang natapos kumain si cardo.

cardo: iwan ko muna kayo at akoy magpapahinga na maaga pa ako bukas eh.. sa susunod na lang tayo mag uusap ng matagal tong. ipapasyal kita sa lugar namin pag may oras ako. tiyak magugustuhan mo dito.

ako: cge salamat bayaw.

rochelle: oh mga anak pag katapos ninyo kumain pumunta na kayo sa kwarto at matulog. may gagawin tayo bukas. ma mimingwit tayo sa tabing ilog kasama si tito tong ninyo.. ipapasyal natin siya sa lugar natin.

casie at marga: yehheeyy.. mag papasyal kami kasama si tito at si mama.. yeeehhheeyyyy..

tuwang tuwa ang mga pamangkin ko at dalidali pumunta sa kanilang kwarto para matulog.

nag ligpit kami ng pinagkainan namin. tinulongan ko si rochelle na mag hugas ng mga pinagkainan namin. pagkatapos ay kaagad na kami pumunta sa aming mga kwarto para matulog.

rochelle: pasyensya kana kuya wala kami TV. kaya nga maaga kami natutulog. ganito talaga ang buhay sa bundok maaga matulog ang mga tao dahil maaga pa gigising para sa kanilang trabaho. simple lang ang pamumuhay pero masaya magugustuhan mo dito promise.

ako: okay lang chell. ang importanti kasama ko kayo.

rochelle: si kuya talaga hehehehehe…. gud nyt kuya.

ako: gud nyt chell.

rochelle: bukas ha. ipapasyal kita sa lugar namin. mamimingwit tayo sa ilog.

ako : cge2x

at pumunta na kami sa aming mga kwarto.

kaagad akong natulog dahil seguro sa lamig at maganda ang hangin kung kaya madali akong naka tulog. sa gitna nang aking pag tulog ay nanaginip ako may nakita ako isang tao na nakasabit sa may puno ng baleti sa likod lang ng bahay nila rochelle. wakwak ang tiyan nito at wala nang lamang loob, naliligo ito sa sarili niyang dugo nang nilapitan ko ito ay nakita ko ang lalaking nakasabit na kamukhang kamukha ko. nakatingin sa akin na parang nagmamakaawa.

dahil sa sama ng panaginip ko ay bigla akong nagising. punong puno ng pawis ang aking katawan kahit malamig ang panahon.

ako: ang sama ng panaginip ko.. isip isip ko

lumabas ako ng aking kwarto at bumaba patungo sa kusina para uminum ng tubig nang akmang iinum na sana ako ay may nakita akong korting anino ng babae. mula sa bintana na kaharap lang sa lababo. nakatingin lang ito sa akin mula sa malayo. dahil sa takot ko ay di ko nagawang uminum at dali dali ako umakyat patungo sa aking kwarto at pumasok sa loob.. kaagad ako humiga at nag balot ng kumot.

itutuloy…..

Lienverga
Latest posts by Lienverga (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories