Written by Pabloneruda13
Maagang nagising si Armando sa amoy ng pagkain na umaalingasaw sa kanilang bahay. Pag mulat ng mga mata nya ay agad nyang napansin na wala na sa kanyang tabi ang kanyang misis. Marahil nagluluto na ito ng umagahan nilang pamilya.
Bigla na lamang sumagi sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya kagabi. Nakadama sya ng pandidiri ng maalala nya ang ginawa ng binabaeng pulubi sa kanya. Di nya lubos maisip na aabot sa puntong maiisahan sya ng isang nagnanasa sa kanya.
___________________________________
Noon pa man ay habulin na ng mga malalanding babae at binabae si Armando. Simula high school hanggang college ay hindi sya tinantanan ng mga ito. Paano ba naman, hindi lang sya basta gwapo at matipuno ang katawan. Siya rin ang pinakasikat sa varsity team nila at kahit pa athlete ito ay nakakaya nya itong ipagsabay sa kanyang pag aaral.
Sa katunayan sya rin ay Valedictorian nung high school at Magna Cum Laude noong grumaduate naman sya ng kolehiyo. Dito rin nya nakilala ang kanyang kaklase na si Celine at ngayon ay misis na nya.
Sobrang ganda ni Celine. Marami ding nanliligaw dito gayunpaman ay naka focus din ito sa pag aaral kaya’t puro basted ang mga sumusuyo rito.
Pero iba ang naging kaso nung ang manligaw sa kanya ay si Armando. Hindi kinaya ng prinsipyo ni Celine ang angking kagwapuhan at karisma ni Armando. Sa madaling salita, laglag panty ang ate nyo.
Dalawang buwan rin syang niligawan ni Armando at sinagot nya rin ito. Pagkatapos ng pag aaral nila ay namuhay lamang sila bilang mag boyfriend at girlfriend. Alam nila ang priorities nila sa buhay. May trabaho si Celine, ganoon din si Armando.
Hanggang umabot na nga sa oras na naisipan na nilang magpakasal at bumuo ng pamilya.
Tatlongput limang taon gulang na si Celine at tatlongput anim na gulang naman si Armando nung sila ay nagkaanak na.
Ngayon ay walong taong gulang na ang kanilang anak na si Adrian. Grade school na ito at kasalukuyang nag aaral sa isang pribadong paaralan.
Naging maganda ang daloy ng kanilang buhay. May maliit na negosyong natayo ang mag asawa at si Celine ang paminsan minsang nagchecheck nito. Naghire rin sila ng empleyadong tagapangasiwa dahil ayaw ni Celine na mawalan ng oras sa anak dahil sa negosyo. Gusto nya tutukan ang pag laki ni Adrian.
Bukod sa kanilang maliit na negosyo ay maganda rin ang takbo ng karera ni Armando sa kanyang trabaho. Lagi syang nakaka close ng deals kung kaya’t malaki at maraming commissions ang kanyang kinikita.
Sa loob ng walong taong pagpapalaki kay Adrian ay wala silang naging problema na pinansyal. Oras lamang ang naging kalaban ni Armando sapagkat masyado syang naging in demand sa kanyang trabaho. Gusto man maglaan ng maraming oras para sa pamilya ay nasasayangan naman sya sa mga dumadating na oportunidad sa kanya. Kung kaya’t minabuti nya na lamang piliin ang trabaho dahil alam nyang para rin ito sa kinabukasan ng kanilang pamilya.
_________________________________
Nagulat man at naguguluhan sa mga pangyayari ay napagdesisyunan na lamang ni Armando na itago ito sa kanyang asawa. Wala naman ng rason para ikwento nya pa ito sapagkat nakatakas naman na sya sa binabaeng pulubi na nakasama nya kagabi. Tingin nya ay mabuti na ang sitwasyon at hindi naman din sya nasundan pa ni Egay.
Kung ano man ang nangyari kagabi ay ibabaon na lamang nya ito sa limot.
Bumangon si Armando at nagsuot ng tsinelas pambahay. Agad syang lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan.
Habang pababa ay amoy na amoy nya ang aroma ng kape at tinustang tocino na niluto ng kanyang asawa. Ang swerte nya talaga rito. Sobrang maalaga nito hindi lang sa kama, kundi pati na rin sa kusina. Wala na syang iba pang hahanapin. Nasa asawa nya na lahat.
“Oh love! Gising ka na pala! Good morning! Tara umupo ka na at kakain na tayo kanina ka pa namin hinihintay ni Adrian. Di muna kita ginising kasi alam ko late ka na nakauwi at nakatulog.” Masayang bati ni Celine.
“Good morning din love! Wow ang sarap naman ng umaga ko. Pakiss nga ko sa napaka ganda at maalaga kong misis!” Sabay halik kay Celine.
“Daddy pano ako? Di mo na nga ako nabilhan ng buko pie, di mo pa ako pinansin.” Nagtatampong sambit ni Adrian.
“Aba syempre di ko makakalimutan ang baby ko! Pakiss nga anak namiss ka talaga ni daddy eh!” Sabay halik at yakap din nito sa anak.
“I love you daddy! Tara kain na po tayo!” Magiliw na wika ni Adrian.
“Aba oo kanina pa ko gutom no! Mamaya lalabas tayo ha ipapasyal ko kayo ni mommy mo. Okay na yun sayo?” Excited na sagot ni Armando sa anak nito.
“Yehey!! Family time ulit! Excited na ko daddy! Gusto ko rin po itry sumakay ng rides sa amusement park!” Malakas na sigaw nito sa ama.
“Osige na kumain na at ng maaga tayo makaalis anak. Magsisimba muna tayo bago pumuntang amusement park ha! Dapat mag pasalamat muna tayo kay God at magdasal. Okay?” Masayang tanong nito sa anak.
Tumango lang si Adrian senyales ng pag sang ayon. Punong puno ang bibig nito ng pagkain. Sarap na sarap sya sa umagahan nila.
Tila tuwang tuwa namang pinagmamasdan ng mag asawa ang kanilang anak. Mas masaya sila sa tuwing nakikitang masaya rin ito at nakangiti.
____________________________________
Pagkatapos nilang kumain ng umagahan ay agad ng nagprepara ang mag anak para sa kanilang family date.
“Love una na ako lumabas ha! Ireready ko lang yung kotse!” Sigaw ni Armando.
“Sige love! Sunod nalang kami ni Adrian. Nag mamake up pa kasi ako eh!” Sagot ni Celine.
Agad na lumabas si Armando at dumiretso sa naka parkeng sasakyan. Paglapit nya sa sasakyan ay agad sumulpot ang taong grasa na tingin nya at nagligtas sa kanya noong gabi.
“Woahhh! Paumanhin sino po sila? Ano pong maitutulong ko sa inyo?” Gulat na sambit ni Armando.
Sigurado syang ito ang taong grasa na nagpakita sa kanya at nagligtas ngunit umarte syang hindi nya ito naaalala.
Biglang nagsalita ang taong grasa.
“Wag ka na mag panggap. Alam kong naaalala mo ako iho.” Sagot ng taong grasa.
Dito ay napag alaman ni Armando na isa itong matandang lalake. Mahaba ang balbas nito. Puti na rin ang mga buhok. Ang kakaiba lang rito ay ang tenga nito na mahaba at matulis ang dulo, at ang mata nito na kulay asul.
“Ah eh hindi ko po alam kung paano ako magsisimula. Pero ah eh… Tama po ba na ikaw yung nagpakita sa akin kahapon ng tanghali dito sa labas ng bahay?” Tanong ni Armando.
“Oo ako nga.” Matipid na sambit ng matanda.
“Ah matanong ko lang po kung bakit po nanlilisik ang mata nyo noon sa akin at nakangisi pa po kayo ng konti?” Wala sa isip na tanong ni Armando sa matanda.
“Walang ibig sabihin iyon. Tirik lang ang araw kaya nasisilaw ang mata ko. Hindi rin ako nakangisi. Kumakain kasi ako ng buto ng sampalok non may nagbigay sa akin sobrang asim kasi.” Walang emosyon na sagot ng matanda.
“Ah hahahaha hehe pasensya na po akala ko kasi may masama po kayong balak sa akin.” Napakamot sa ulong sabi ni Armando.
“Ako walang masamang balak sayo. Pero ang demonyong si Etricio mayroon. Oo yung nagpakilala sayong si Egay, ang totoong pangalan nya ay Etricio. Isa sya sa mga bihag ko na diablo. Nakawala sya at tumawid dito sa mundo ng mga tao.” Paliwanag ng matanda.
Tila naguluhan ng husto at di makapaniwala si Armando sa kanyang mga naririnig. Para sa kanya ay masyadong mahiwaga ang pinagsasasabi ng matanda. Ngunit sa kabilang banda ay alam nyang may katotohanan ang sinasabi nito sapagkat sya mismo ang nakaranas ng kasamaan ni Etricio kagabi lamang.
“Ahhhhh… Hmmm… Seryoso po demonyo si Egay? Hindi lang po ako makapaniwala na nag eexist pala ang mga ganong nilalang dito sa mundo. Pero bakit nyo po nasabing may masama syang balak sa akin? At tama po ba ako ng hinala na kayo ang nagligtas sa akin kagabi?” Sunod sunod na tanong ni Armando.
“Alam kong mahirap paniwalaan pero ikaw na rin ang nakaranas kagabi lamang. Ang pagkontrol ng bilis ng oras ay isa sa mga kapangyarihan ni Etricio o Egay. Hindi ba’t ginamit nya sa iyo yun?” Tanong ng matanda.
Tumango naman si Armando.
“Isa pa sa mga kakayanan nya ay ang kumontrol ng katawan ng isang tao. Ngunit magagawa lamang nya ito kapag natikman nya ang kahit na anong likido na nagmumula sa katawan ng kanyang biktima. Naaalala mo bang pinainom mo sya sa bote kung saan ka uminom na?” Tanong ng matanda.
“Ah opo naaalala ko nga po iyon. Pagkatapos nyang uminom ay bigla na lamang akong nawalan ng kontrol sa aking katawan.” Pag aalala ni Armando.
“Mabuti na lamang at nagawa kong matapos bigkasin ang mahika na magpapawalang bisa doon bago nya natikman ang katas ng iyong pagkalalake.” Pagpapaliwanag ng matanda.
Medyo namula naman sa hiya si Armando, dahil nga may paka konserbatibo sya ay hindi maiwasan na mahiya sa ideya na nakita ng matanda ang lahat ng nangyari sa loob ng kanyang sasakyan.
“Nagpapasalamat po talaga ako sa inyo sa pagligtas nyo sa akin. Muli, maraming salamat po ulit. Kung wala po siguro kayo doon ay malamang namanyak na ko ng Egay na yun. Pero bakit nyo po pala nabanggit na buti na lamang ay hindi nya natikman ang katas ng aking pagkalalake? Ano pong kaibahan non sa pagtikim nya sa aking laway?” Wika ni Armando.
“Kapag laway lamang ang natikman ng isang demonyong katulad ni Etricio sa biktima nito, mahinang mahika lamang ang mayroon dito ibig sabihin kaya itong basagin ng ibang mahika.
Pero kung ang natikman ni Etricio sayo ay ang katas ng iyong pagkalalake o sa madaling salita….. Ang tamod mo…. Malakas na mahika ang mayroon dito at tanging ang nagbigay lamang ng sumpa ang makakabawi nito. Sa madaling salita, maaari kang gawing laruan ng demonyo hanggang kailan man nya gusto.”
Nagimbal si Armando sa kanyang narinig. Muntikan na pala syang maging alipin ng demonyo. Hindi nya lubos maisip kung anong sasapitin nya sa kamay nito kung sakali mang napasailalim sya ng mahika nito.
“Diyos ko. Mabuti na lamang po at nandoon po talaga kayo. Paano na lamang kung hindi nyo ako nailigtas baka habambuhay nya po akong alipinin at wala akong kalaban laban. At baka pati ang pamilya ko ay saktan nya rin. Mabuti na lamang at natakasan ko na rin sya.” Nag aalalang sagot ni Armando.
“Hindi mo sya natakasan.” Mabilis na sagot ng matanda.
Nagulat naman si Armando sa sinabi nito.
“Papaanong hi-hhindi? Ano pong ibig nyong sabihin?” Nauutal na tanong nito sa matanda.
“Baka nakakalimutan mong demonyo ang may kursunada sa iyo iho? Kaya ka nyang hanapin kahit saan. Kaya ka nyang sundan saan ka man pumunta. Ang tanging lugar lamang na hindi nya mapapasok ay ang loob ng inyong tahanan.” Paliwanag ng matanda.
“Bakit po kahit saan masusundan nya ako pero hindi sa loob ng aming tahanan? Ano pong pinagkaiba?” Tanong ni Armando.
“Ang tahanan ng isang pamilyang pinagbuklod ng Diyos ay may proteksyon ng langit. Kahit sinong masamang nilalang na gustong manghimasok sa inyo ay hindi makakapasok. Maliban nalang kung pahihintulutan nyo sila. Sa pagkakataong binigyan nyo ng pahintulot ang demonyo na pumasok ay otomatikong mawawala ang proteksyon ng langit sa inyong tahanan. Doon ay malaya nya na kayong magugulo.” Mahabang saad ng matanda.
“So ang ibig nyo pong sabihin ay sa loob lang po kami ng bahay ng pamilya ko? Paano po ang pag aaral ng anak namin? Ang negosyo namin? Yung trabaho ko? Paano po kami mabubuhay kung ang ligtas na lugar lamang ay sa loob ng aming tahanan? Kung nakaaligid po sa akin ang demonyong Etricio na yan o Egay man yan, paano pa po kami mamumuhay ng maayos ng hindi kami napapahamak?” Tarantang pagtatanong ni Armando sa matanda.
Pagkatapos malaman ang lahat sa matanda ay hindi na mapakali si Armando. Ayaw nyang mapahamak ang kanyang mag ina. Ayaw nyang maging alipin ng demonyo. Ngunit kailangan nyang lumabas ng bahay upang magtrabaho. Gulong gulo na sya at natatakot sa maaaring mangyari kung hindi nya alam ang nararapat na gawin.
Hindi tao ang gumugulo sa kanya. Isa itong demonyo at gumagamit ito ng mahika upang makapanlinlang at makakontrol ng biktima nito. Ano bang laban nya dito? Tanong ni Armando sa isipan.
Ngunit bigla na lamang nyang naaalala na nagawa pala nya itong suntukin at saktan kaya’t minarapat nyang itanong ang tungkol dito.
“Ah eh tatang… Kagabi po kasi noong nawala po ang kontrol nya sa akin ay nagawa ko po syang suntukin at saktan. Baka iyon na ang maaari kong maging pang protekta sa sarili ko laban sa kanya? Mukhang mahina naman sya sa pisikalan eh.” Sambit ni Armando.
“Dahil bukod sa pagbasag ko sa mahika nya ay binigyan rin kita ng sapat na lakas upang labanan sya. Hindi sapat ang lakas mo bilang tao para tapatan ang katulad ni Etricio.” Pag papaalala ng matanda.
“Ayun naman pala! Edi bigyan nyo nalang po ako lagi ng lakas na iyon para mapprotektahan ko po lagi ang sarili at pamilya ko.” Wika ni Armando.
“Hindi iyon ganon kadali Armando. Sa katunayan ay lumabag ako sa ipinagbabawal na utos sa amin. Hindi kami maaaring mangialam sa buhay ng mga tao. Ngunit hindi ko masikmura ang ginagawa sa iyo ng demonyo kung kaya’t napilitan akong salinan ka ng lakas panlaban kay Etricio. At isang malaking bagay ang kapalit nito…” Seryosong saad ng matanda.
“Kapalit nito ang aking mga pakpak…. Armando.” Malungkot na sambit ng matanda.
“Pakpak ho? Ibig sabihin anghel po kayo? Tama po ba ang iniisip ko?” Di makapaniwalang tanong ni Armando.
“Oo isa akong anghel na tagapagbantay sa kulungan ng mga demonyo. At dahil sa ginawa kong pagsuway ay binawi ng langit ang aking mga pakpak.” Malungkot na wika ng matanda.
“Patawarin nyo po ako, tatang. Nang dahil sa akin ay napahamak pa kayo at naparusahan. Kung alam ko lang sana ay hindi ko na pinansin ang Egay na yun edi sana wala tayong problema.” Paghingi ng paumanhin ni Armando sa matanda.
“Wala iyon Armando. Oo bawal sa amin mangialam sa problema ng mga tao ngunit para sa akin kung ang problema ay gawa ng demonyo ay nararapat lamang na pumagitan ako. Wag mo ng isipin yun. Ang mahalaga ngayon ay malaman mo kung anong dapat mong gawin upang di ka mapasailalim ng kasamaan ni Etricio.” Wika ng matanda.
“Sige po. Handa po akong makinig at sumunod sa kung anong ipapagawa nyo.” Desididong sagot ni Armando.
“Sa totoo lang hindi nananakit si Etricio. Demonyo sya ng kalibugan. Pagpapasarap at pagbibigay lamang ng libog ang kanyang mithiin sa buhay. Kaya ang kailangan mong gawin ay magpalibog sa sarili. Dalasan ang pakikipagniig sa iyong asawa. Ilabas mo lahat ng iyong libog sa iyong kabiyak ng kung sa ganoon ay mapunan na agad ang iyong katawan ng pulang enerhiya.” Paliwanag ng matanda.
Tila pansin nito na hindi masyadong naiintindihan ni Armando ang kanyang mga sinasabi kaya’t nagpatuloy sya sa kanyang pagkukwento.
“Ang katawan ng tao ay binubuo ng dalawang enerhiya. Ang asul at pula. Ang asul ay enerhiyang bunga ng pagmamahal. Ang pula ay enerhiyang bunga ng bugso sa laman. Ang dalawang bagay na ito ay nararapat na laging napupunan sa loob ng iyong katawan. Sapat na pagmamahal at sapat na init ng laman ang kailangan. Ngunit maraming taong hindi balanse ang enerhiya sa katawan. Maaaring mas mataas ang pula kaysa asul o ang asul kaysa pula. Hindi naman delikado kung makulangan ka sa pulang enerhiya. Ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Ikaw ang pinupuntirya ng demonyo ng kalibugan. At kapag hindi napupunan ng lubos ang iyong pulang enerhiya ay gagamitin ito ng demonyo upang makontrol ka. Siya ang magpupuno nito hanggang sa mag umapaw ka sa pulang enerhiya at lamunin ka na ng kanyang mahika.” Pagpapaliwanag ng matanda.
Akmang sasagot na si Armando sa matanda ng marinig nya ang pagtawag ni Celine na syang nagpalingon rito.
“Love!!! Ready na kami ni Adrian!!” Pasigaw nitong sabi habang lumalabas ng kanilang gate.
“Sige love ready na!” Mabilis na sagot ni Armando.
“Sige po tatang susundin ko po ang inyong payo maraming sala..maa… Ha? Nasan na yun?” Gulat na sambit ni Armando matapos lumingon ay agad ring nawala ang matanda sa kanyang tabi.
“Oh love ano pang tinatayo mo dyan? Tara na!” Sigaw ng asawa nya.
Bumalik naman sa ulirat si Armando at saka pumasok na sa kanilang kotse.
“Daddy tara na excited na ko!!!!!! Hihihi!” Sigaw ng masayang si Adrian.
“Aba excited na ang binata ko. Osige kapit lang ha magddrive na si daddy. I love you!” Sagot ni Armando sa anak.
“I love you too, Daddy!!” Sabay halik nito sa ama.
“I love you, Love!”, Armando
“I love you too, Love!”, Celine
At sinimulan na ngang magmaneho ni Armando patungo sa kanilang destinasyon.
___________________________________
Okay wala pong kalibugan sa chapter na to haha. Need po muna natin buohin ang structure ng kwento para di naman puro sex lang. Haha. Sorry na if may mga mali pakisabihan nalang po ako. Thank you! Good day!
- Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 7) - March 22, 2022
- Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 6) - March 22, 2022
- Demonyo: Ang Pamilyadong Barako (Chapter 5) - March 20, 2022